Impius Academy 2: The Truism...

Da Missloorh

179K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. Altro

Warning
Prologue
Chapter β™₯ 2
Chapter β™₯ 3
Chapter β™₯ 4
Chapter β™₯ 5
Author's Note
Chapter β™₯ 6
Chapter β™₯ 7
Chapter β™₯ 8
Chapter β™₯ 9
Chapter β™₯ 10
Chapter β™₯ 11
Chapter β™₯ 12
Chapter β™₯ 13
Chapter β™₯ 14
Chapter β™₯ 15
Chapter β™₯ 16
Chapter β™₯ 17
Chapter β™₯ 18
Chapter β™₯ 19
Chapter β™₯ 20
Chapter β™₯ 21
Chapter β™₯ 22
Chapter β™₯ 23
Chapter β™₯ 24
Chapter β™₯ 25
Chapter β™₯ 26
Chapter β™₯ 27
Chapter β™₯ 28
Chapter β™₯ 29
Chapter β™₯ 30
Chapter β™₯ 31
Chapter β™₯ 32
Chapter β™₯ 33
Chapter β™₯ 34
Chapter β™₯ 35
Chapter β™₯ 36
Chapter β™₯ 37
Chapter β™₯ 38
Chapter β™₯ 39
Chapter β™₯ 40
Chapter β™₯ 41
Chapter β™₯ 42
Chapter β™₯ 43
Chapter β™₯ 44
Chapter β™₯ 45
Chapter β™₯ 46
Chapter β™₯ 47
Chapter β™₯ 48
Chapter β™₯ 49
Chapter β™₯ 50
Chapter β™₯ 51
Chapter β™₯ 52
Chapter β™₯ 53
Chapter β™₯ 54
Chapter β™₯ 55
Chapter β™₯ 56
Chapter β™₯ 57
Chapter β™₯ 58
Chapter β™₯ 59
Chapter β™₯ 60
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter β™₯ 1

4.9K 183 65
Da Missloorh

Blaire POV

Andito kami ngayon sa tapat ng office ni HM. Portal ang daan namin pabalik dito dahil mas madali iyun. Si Four ang gumawa ng portal at sabi niya ay maari na kaming hindi maglakad pabalik dahil kabisado na namin ang lugar.

Binuksan ni Four ang pintuan ng walang katok. Napailing-iling nalang ang iba kong kasama pero sumunod nalang din papasok. Nadatnan namin si HM sa mesa niya na parang kay lalim ng iniisip. Agad niya din kaming napansin.

"Sa wakas! Salamat at nakabalik na kayo, magsiupo muna kayo" bungad niya samin kaya umupo narin kami.

"Nagawa niyo ba Royalties?" tanong niya samin.

"Opo HM" magalang tugon ni Sophie at ngumiti namin si HM.

"Chaos, halika" tawag niya kay Four at agad namang siyang tumalima sa mesa ni HM.

Nakita kong binalik ni Four ang aklat ng propesiya sa kanya at sila'y naguusap. Narinig kong pinagusapan nila ang nakasulat sa propesiya. Pagkatapos nun ay pinabalik na kami ng dormitoryo para makapagpahinga.

Hapon ngayon kaya wala na kaming gagawin pa at nasa mga dormitoryo nadin ang ibang mag-aaral. Nang nakarating na kami ay agad din akong pumasok sa aking silid ng makapagligo na.

Nagbabad ako ng matagal sa tubig dahil sa pagod at laking pasasalamat ko'y nahimasmasan ang aking naramdaman kahit papano.

Lumabas ako ng silid-paliguan at nagsuot ako ng malaking damit. Hanggang kalahating hita kona ito kaya di na ako nag-abala pang magsuot ng pambaba. Matutulog na sana ako nang kinatok ako ni Lucy para kumain kaya lumabas na lamang ako.

Pagdating namin sa hapag ay nadatnan ko ang iba kong kaibigan. Napadako ang aking tingin kay Four na ngayon ay matiim nakatingin sakin kaya agad din akong umiwas ng tingin at umupo sa tabi niya dahil wala naman akong mapagpilian.

Nagsimula kaming kumain at wala ni isang nagsalita hanggang sa natapos. Si Sophie na ang nagprisintang manghugas ng pinagkainan kaya agad din akong bumalik sa silid ko at natulog kahit may mabigat na dinadala. Pero nanalangin parin akong makatulog ng maayos.

Lucy POV

Andito ako ngayon sa silid ko at nakahiga sa kama habang nakatunganga sa kisame. Pansin kong parang may problemang dinadala si Blaire, gusto kong magtanong pero ayaw kong pangunahan siya at manghimasok sa dinadala niya ngayon.

Naiinip nadin ako dito dahil kanina pa ako nakahiga ngunit hindi man lang ako dinalaw ng antok. Bumangon akong nakasimangot at naglakad palabas ng kwarto. Siguro'y lalabas muna ako ng dorm ng makalanghap ng preskong hangin.

Paglabas ko ay tumambad sakin ang di kadilimang paligid dahil sa sinag ng buwan. Naglakad ako papuntang hardin dahil alam kong dun ako mas maaliw.

Pagkarating ko sa tapat ay agad din akong napahinto dahil sa nakikita kong dalawang tao nakatayo sa unahan. Si Acel at Alexis ito ngunit bakit? Nakikita kong para silang nag-aaway.

Nabato ako sa kinatayuan ko nang agad tinawid ni Acel ang distansiyang namamagitan nilang Alexis. Hinalikan niya si Alexis ng walang pag-alinlangan. Parang nawasak ang mundo ko dahil sa aking nasaksihan. Bakit? Anong relasyong namamagitan sa kanila? Mahal na mahal ko si Acel pero bakit kay Alexis?

Sumikip ang dibdib ko dahil sa sakit ng naramdaman ko. Hindi ako nangungunang sabihin ang aking naramdaman para sa kanya dahil umasa akong may gusto din siya sakin at umasa akong magconfess siya, ngunit bakit ito ang nasaksihan ko? Si Alexis ba ang gusto niya at hindi ako? Ang sakit, ang sakit sakit ng naramdaman ko ngayon. Naramdaman kong nagsimula ng nagsibagsakan ang mga luha ko. Mahal na mahal ko siya pero bakit iba ang mahal niya? Sana sakin nalang iyun, sana sakin nalang.

Napasinghap ako nang may tumakip sa mga mata ko at may naramdaman akong matigas na bagay na nakalapat sa likod ko. Inalalayan niya akong maglakad habang ang kamay niyang nakatakip parin sakin. Sino ito?

Huminto kami at inalis niya ang kamay sa mga mata ko. Agad ko itong tiningnan na sumisinghot. Nangunot nalang ang noo dahil kaharap ko ngayon ang mukha ni Parker na seryoso lang nakatingin sakin. Siya? Bakit siya?

"A-anong ginagawa mo dito? Bakit ikaw?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. Mas lalo akong nangunot nang tumawa lang siya.

"Hahahaha Bakit ako? Bakit sino ba ang inaasahan mo? Si Acel? Si Acel na ngayon na may kahalikang iba at hindi ikaw? Siya ba? Siya na ang dahilan ng mga luha mo ngayon?" natatawa niyang sabi at agad din itong sumeryoso. Para naman niya akong sinampal sa sinabi niya. Tama siya, siguro nga ay umasa akong si Acel ang dadamay sakin.

Muling nagsibagsakan ang aking mga luha kaya agad akong naiwas ng tingin.

"Umiyak ka, wag kang mahiya sakin. Ilabas mo ang naramdaman mo ngayon" di ko inaakala na ang lalaking ito ang dadamay sakin sa sakit ng naramdaman ko, ang lalaking akala mong walang problemang dinadala dahil lahat iyun dinadaan sa pagpapatawa.

Sumikip na naman ang dibdib ko dahil sa naalala kong senaryo. Napahagulgol ako sa pag-iyak at wala akong paki-alam kung narito si Parker. Ang sakit sakit, gusto kong magwala. Gusto kong manakit, gusto kong pumatay.

"Huhuhuhu bakit ang huhuhu sakit sakit? Bakit iba huhuhuhu ang mahal niya huhuhuhu at hindi ako?" minahal ko siya. Mahirap ba akong mahalin? Sinuntok-suntok ko ang aking dibdib dahil sa sikip ng naramdaman ko. Para akong hindi makahinga, ang bigat.

Nakita ko ang kamay ni Parker sa harapan ko kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Kagatin mo" sabi niya at nakatingin lang ito sa unahan. Tiningnan ko muli ang kamay niya at dahan dahan ko itong hinawakan.

Dahan-dahan kong inilapit iyun sa bibig habang umiiyak. Binuksan ko ang aking bibig at dahan-dahan kong nilapat ang aking mga ngipin sa braso niya.

Kinagat ko ito at narinig ko naman ang daing niya. Dahil sa sakit at gusto kong manakit ay nilakasan ko ang aking pagkagat. Gigil na gigil ko itong ginawa. Parang nabawasan ang sakit ng naramdaman ko ngayon dahil sa ginagawa ko.

"Aahhh fuck! Ang sarap" agad kong binitawan ang braso niya at marahas ko siyang binalingan ng tingin habang sumisinghot. Ang sarap?

"Anong sinabi mo?" sumisinghot kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya at napasinghap ako nang agad niya akong hinila. Napasubsob ako sa matipuno niyang dibdib na nakapagpabato sakin.

"A-anong ginagawa mo?" kinakabahan ako sa posisyon namin ngayon, pero bakit?

"Sshhhh tumahimik ka, magpapasalamat sa sakin dahil mabait ako ngayon at swerte mo dahil ikaw pa lang ang nakayap sakin" mahangin niyang sabi kaya pinalo ko ang dibdib niya. Tumawa lang siya ng mahina kaya napanguso nalang ako.

Tumahimik ang paligid at tanging naririnig ko ang tibok ng aming puso. Naramdaman ko ang kamay niya na humaplos sa buhok ko. Ang isa niyang kamay nakayakap sakin. I feel safe like no one can do, I feel at home that I can live forever. No pain, no tears, no more sacrifices but why? I don't like him anyway, pero di ako sigurado kong wala ba talaga.

"Di ko alam kong bakit ka niya sinayang, pero bakit siya? May iba naman jan na nagmamahal sayo" nangunot ang noo ko sa sinabi niya kaya agad akong nag-angat ng tingin. Nahugot ko naman ang hininga ko dahil isang dangkal nalang ang namamagitan samin. Nakayuko kasi siya kaya ganun nalang ang lapit ng mga mukha namin. Nakita ko ang pagtaas, baba ng adam's apple niya. Nakatingin siya sa mata ko at bumaba ito hanggang sa napadako saking mga labi.

Napalunok ako dahil hindi ko man lang maigalaw ang leeg ko para makaiwas pero pinilit kong wag magpahalata na epektado ako sa sitwasyon namin ngayon.

"Pa-parker, a-anong s-sinabi mo?" gusto ko namang kagatin ang aking dila dahil hindi man lang ito nakisabay.

"Ang alin?" patay malisya niyang balik tanong sakin at nalanghap ko naman ang mabango niyang hininga. Parang nanghina ang tuhod ko dahil dun, bakit? Bakit ko ito naramdaman?

Tumaas ang sulok ng labi niya kaya nang-init nalang ang mukha ko. Siguro di niya makita ang pamumula ng mukha ko dahil di naman masyadong maliwanag ang kinaroroonan namin ngayon.

"Y-yung si-sinabi mo" kinagat ko na talaga ang dila ko dahil sa inis.

"Ah yun? Ang sabi ko ako" plain niyang sabi. Nangunot nalang ang noo ko dahil wala naman akong narinig na ganun kanina.

"Huh? Wala naman yan kanina eh" bulalas ko. Tumingala siya at kita ko ang sumilay niyang ngiti at pagkagat ng labi niya. Tumingin siya muli sakin.

"Ang hina mo talaga noh? Kaya ka naunahan eh" pilyo niyang sabi. Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. Aba, ano gusto niya? Ako ang mangunang magsabi ng naramdaman sa lalaki?

"Tse! For your information! May dignidad ako duh" taray kong sabi sa kanya.

"Oh ayan dahil pinairal mo ang dignidad na iyan kaya ka nasaktan, wala namang masama ang umamin" sabi niya. Pwede bayun? Ang babae ang maunang magsabi?

"Pero atleast nalaman ko na iba ang mahal niya" mahina kong sabi. Oo tama, kahit nasaktan ako pero atleast alam kong hindi talaga ako ang mahal niya at gusto. Siguro mawawala rin ang sakit na ito dahil wala namang namamalagi sa mundo.

"Hay! Oo na, pero don't worry baby I'm still here" nakangisi niyang sabi kaya pinalo ko ang dibdib niya dahil sa kapilyuhan.

Napatigil ako saglit nang napagtanto kong naaliw niya ako at kahit saglit ay nawala niya ang sakit ng naramdaman ko. Di ko akalain ang isang to ang makakapagkalma sakin sa sakit ng naramdaman ko. Wala sa sarili akong napangiti pero agad ko din iyung binawi nang naalala kong may kaharap pala ako.

"Oh anong ngiti-ngiti mo jan? Nakikita ko yun" panunukso niya sakin kaya napakagat nalang ako ng iibang labi.

"Di naman ah" depensa ko sa sarili.

"Okay, hindi ka ngumiti kahit kitang-kita ko kaya tara na para makatulog kana" natatawa niyang sabi at hinawakan niya ang dalawa kong balikat at itinulak para maglakad.

@Missloorh

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...