(La Mémoire #1) NOSTALGIA

By reeswift

30.8K 1.7K 446

Born to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more comp... More

NOSTALGIA
Simula
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
_____
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
Wakas
Author's Note

XIII

520 37 2
By reeswift

XIII

paintings

"JM Daza liked your portfolio. He's asking to schedule a collaboration with you."

Hindi maipaliliwanag ng mga salita ang tuwa ko nang mabasa ang mensahe ni Stav. Isang linggo matapos iyong shoot namin ay ibinalita niya sa akin ito.

Ilang araw ko ring nilabanan ang mga tawag ni mama na pilit na akong pinauuwi ng Claveria. Now the wait is over and it was worth it! Kaya naman sa oras na mabasa ko iyon ay umalingawngaw ang tili ko sa bahay ni Zeke.

"Ano ba iyan Zhalia?" Aburidong binuksan ni Zeke ang kuwarto ko.

"Kuya! I'm about to have my modeling break!"

Taliwas ng abot langit kong tuwa ay nanatiling walang ekspresyon si Zeke maliban sa pagkairita. Nakabusangot pa ito nang muling isarado ang pintuan.

Bahagya ko tuloy ikinadismaya na wala si Linn ngayon para sa balitang ito. Maaga itong umalis para bisitahin ang ina na narito rin sa Manila. She's also moving out soon for her own unit.

Dahil walang mapagsidlan ang tuwa ko, naisipan kong ibahagi iyon kay Lyon.

"Hey." Medyo maaga pa kaya ikinatuwa ko nang agad itong sumagot sa tawag.

"Lyon." Kasingtingkad ng pang-umagang araw ang pagsilay ng ngiti ko.

"Lia, good morning." Halatang kagigising lang ng boses nito. His bedroom voice sounded like a lazy murmur, and it was music in my ears.

"I have a good news."

"Really? Ano iyon?" Ang kaninang tinatamad na boses ay nabahiran bigla ng tuwa.

"I'm going to model for JM Daza." The words slipped in between my endless smile.

"Woah. That's great!"

Dumagdag sa saya ko ang tuwang isinukli nito. It made me giddy at the pit of my stomach.

"That's great Lia." Ulit pa nito. I can almost see him smiling from the other end.

"I know, right?"

Nakagat ko ang labi ko. Ito na iyong parte na dapat may bago akong sasabihin upang hindi matapos ang usapan. Ngunit dahil sa saya ko ay hindi ako makapag-isip ng maayos. Baka ano'ng masabi ko. Baka matanong ko kung ano'ng favorite color niya.

"Alam na ba ni Zeke?"

Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang at nagbukas siya ng paksa.

"Uh, yes. He overheard me screaming because of it."

"We should celebrate." Lyon's manly voice cheered.

"Sure. Uhm, dinner?"

I want to have dinner with him. I want it to be just the two of us to celebrate. Kinabahan ako na baka tumanggi siya ngunit hindi iyon nangyari.

"Sure. Susunduin kita."

Impit akong napatili pagkatapos ng tawag. Wala na yatang igaganda ang araw na ito. Wala akong ginagawa at wala rin si Linn kaya buong araw ay naghihintay lamang ako sa pagdating ng gabi.

Kinahapunan, naghahanda ako para sa pagdating ni Lyon nang makatanggap ako ng tawag mula kay Stav.

"Valerio, why?" Sagot ko habang pinupulido ang lipstick.

"You owe me a dinner."

"What?" Otomatiko ang pagtatagpo ng mga kilay ko.

"Because of me, JM will shoot with you. You owe me a dinner. Ano'ng tingin mo sa akin? Charity?"

Umirap ako. Manghihingi lang pala ng libre. Lahat talaga ng bagay ay may kapalit, lalong lalo na sa isang ito.

"Babayaran na lang kita. Bumili ka ng dinner mo."

Narinig ko ang marahas na pagbuga niya ng hininga, pagkasagot muli ay may bahid ng pagkainsulto ang kaniyang tono.

"Mukha bang kailangan ko ng pera? I'm going out now. Dadaanan kita--"

"No!" Napalakas ang pag-alma ko.

"Bukas na lang, okay? Aalis ako ngayon. I have a dinner with Lyon. Bye."

Hindi ko na hinintay na makasagot ito at ibinaba ko na agad ang tawag. Napapa-iling ako nang tumungo sa walk-in closet. Binuksan ko ang sariling drawer na naglalaman ng mga kwintas. Napahinto ako nang matagpuan roon ang dalawang piraso ng polaroid.

Nitong linggo ay nakatanggap nanaman ako ng panibagong litrato. Hindi gaya ng nauna, wala akong naalala sa pamamagitan noon. Ngunit nasisiguro kong kung sino man ang nagpapadala ng mga ito, nais niyang tulungan akong makakaalala.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang naalalang memorya noong isang linggo. Sigurado akong hindi iyon panaginip lang. Nakakatakot isipin kung gaano karami ang hindi ko naaalala ngunit sa ngayon, nais kong pagtuunan muna ng pansin ang kasalukuyan.

Napabuntong hininga ako. Dinampot ko ang nagustuhang kwintas bago muling isinarado ang kaha ng tukador. Hindi pa ako tapos mag-ayos nang tawagin ako ni Zeke dahil na sa sala na umano si Lyon.

On my way out the dresser, I hastily grabbed a Guiseppe Zanotti mules to pair with my floral bustier dress. I also distributed my bangs on my forehead to cover-up my scar which I didn't have time to conceal.

Hindi man ito opisyal na date ay parang ganoon na rin. Kinakabahan ako dahil kaming dalawa lang ni Lyon.

Iyon ang akala ko.

"Bakit nandito ka?" Humupa ang lahat ng kaba at excitement ko nang makita ang mayabang na pagmumukha ni Stav sa sala.

Tumikwas lamang ang gilid ng kaniyang labi at nagkibit balikat.

"He's joining us." Si Lyon.

Saglit na umahon ang kabog ng dibdib ko nang magtama ang paningin namin ni Lyon. Kung hindi lang dahil sa sinabi niya, para akong mahahalina sa kaniyang mga mata.

"Why?" Bulong ko pagkasampa sa passenger seat ng Bugatti nito. I didn't get to ask that earlier because I didn't want to do it in Stav's face.

"He said he heard from you that we're dining out. Then.. I figured it would be rude not to ask him. Saka isa pa, dahil rin naman sa tulong niya kaya makakapag-modelo ka para kay JM, hindi ba?"

Pagkatapos ng paliwanag ni Lyon ay sumampa na rin sa back seat si Stav. Umismid ako nang magtagpo ang mga mata namin sa rearview mirror.

"Do you hate my presence Zhalia?" Stav spread his arms across the back seat. Hindi ko ito pinansin.

Nagpapasalamat naman ako na tinulungan niya ako sa paglakad ng portfolio ko kay JM ngunit tama ba namang umeksena siya ngayon? Pilit ko mang ikubli ay hindi ko magawang patayin ang inis rito.

Buong biyahe ay tahimik ito sa likuran ngunit maya maya ay sumasabat sa usapan namin ni Lyon.

"Is this supposed to be your date?" Biglang tanong ni Stav sa oras na makarating kami sa napiling restaurant ni Lyon.

We occupied a table for four. Kaharap ko si Lyon habang na sa katabing kabisera si Stav.

"No." Ani Lyon.

"'Cause if it is, I'm sorry to be third wheeling." Stav flashed me a sardonic grin.

"It's not, Stav." Ngumiti ako sa likod ng nagngingitngit kong mga ngipin.

"Okay lang naman. 'Wag niyo akong pansinin. Kunwari hangin lang ako dito."

Nagpantig sa tainga ko ang pamilyar niyang diyalogo. I said that when I joined him and Linn for their lunch last time. I get it. This is him getting back at me for intruding their supposed date.

We quietly dined in the open balcony. The skyscrapers of Manila and the Metro lights reflected well on the rooftop's glass walls. Its elegance blended well with the luxurious dining area. I couldn't help but think this could have been perfect it was only me and Lyon.

"When is your scheduled shoot, Zhalia?" Napawi ang pag-iisip ko nang untagin ni Lyon.

"Oh, hindi ko pa nakakausap si JM."

Sa gilid ng mga mata ko, pansin ko ang pagpilig ng ulo ni Stav sa akin. Kunwari daw hangin lang siya ngunit sa atensyong ibinibigay niya sa akin, imposibleng hindi ko siya mapansin.

"I'm sure you'll do well."

"Sana nga." Napangisi ako.

"Kung ganoon, hindi ka na muna babalik ng Claveria?"

Umiling ako.

"Ikaw ba?"

"Hindi muna. Mag-eenroll na rin ako sa susunod na linggo. Babalik lang ako sa Claveria upang kumuha ng ilang gamit para sa paglipat ko rito sa Manila."

"Ang balita ko babalik ka ng America." Humilig si Stav sa gawi ko. Umatras naman ako agad.

"My mom wanted that. Pero mag-eenroll ako rito at wala na siyang magagawa roon."

Nakita kong umangat ang kilay ni Stav. Nagpalitan saglit ng tingin ang dalawa bago halos sabay na bumaling muli sa akin. I wonder what's between those stares, huh?

"You're a rebel." Sabay simsim ni Stav sa champagne.

"Well, I like having my freedom."

Biglang umihip ang malakas na hangin at nagulo ang bangs ko. Naningkit ang mga mata ni Lyon sa noo ko. Kinabahan ako na baka nakita niya ang nakahihiyang pilat roon. Ngunit bago pa siya tuluyang makapagkomento, humilig papalapit sa akin si Stav at tinabunan ang paningin ni Lyon.

"Ang sabihin mo rebelde ka talaga at pilya." Ginulo ni Stav ang buhok ko ngunit parang mas inayos niyang muli iyon. Pagkatapos noon ay binatukan niya ako.

"Woah. You're close now huh?" Tila naaaliw at nabibigla si Lyon sa inakto ni Stav.

"No. Feeling close lang siya." I unconsciously held my bangs and they were back in place now.

The devilish smirk is back on Stav's face. It's as if he knows I owe him something.

"Uhm, Lyon, naisip ko, sabay na lang kaya tayo sa pagbalik mo sa Claveria? I have my driving license but I'm not confident I can drive that far." I suggested shyly.

"Sure! That would be great. Sasabihan kita kapag luluwas na ako."

"Great then." Gumuhit ang ngisi ko.

Nahagip ng aking mga mata ang mariing pagkuyom ng panga ni Stav. Mula noon ay natahimik na ito. Hindi na ito muling dumalo sa usapan. He was just grimly sipping on his champagne while his face was painted in dark shadows. It bothered me but I acted unconcerned.

Sa gitna ng pag-uusap namin ni Lyon ay tumunog ang cellphone nito.

"Sorry, I have to take this."

Nang mapag-isa kami ni Stav, nangibabaw ang nakabibinging katahimikan. Hindi ako sanay roon kaya ginapangan ako ng kaba. Nagtagal ang paningin ko rito.

Stav was firmly sulking on his seat. His head was down and his perpetual scowl is heightened in between the curtain of his ruffled hair. I also noticed how the rigid structure of face is pulsating harshly. From his bony nose bridge, to his cheekbones and jaw, everything is tensed.

Marahil naramdaman niya ang paninitig ko kaya hindi rin ito nakatiis at nag-angat ng tingin.

"Ano'ng problema mo?" Usig ko rito.

My breathing hitched when Stav's ruthless eyes met mine. But beneath the cold anger, I almost saw a hint of devastation. Hindi nito pinansin ang tanong ko. Lumagok itong muli sa alak, pagkatapos ay malalim na nagbuntomg hininga na para bang sinisikop ang pasensiya.

From the glass of champagne, his eyes found mine again. In between the sparkling city lights, I noticed how their almond color is now glimmering too, but not of delight, of something else. Something I couldn't name but something near to sadness.

"Don't look at me like that." Stav mumbled in a voice low and lined with contempt.

"What?"

"With those eyes."

"Ano'ng mayro'n sa mga mata ko?"

Do I look mad? That's what people say. My cat-like eyes are always fiery. Pero ano namang problema niya sa mga mata ko? Did I insult him with my stares?

"I like you Zhalia." Stav announced out of nowhere.

His voice was too soft and weak. There was not a hint of sarcasm at all. Para akong matutunaw sa mga mata niyang nakapako pa rin sa akin.

Nagbara ang lalamunan ko. Tila saglit na lumabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa gulat.

"Are you drunk?" Tanong ko kahit sigurado naman akong hindi. Nakakailang baso pa lamang siya ng champagne.

"You know I'm not." He scoffed smugly.

"I like Lyon." Naibulalas ko.

"Alam ko."

"Good then. Huwag mo na akong pagtripan."

"I still like you though. I'm gonna have to keep on seeing you so I can confirm my feelings." He said decisively.

Umawang ang labi ko. From the corner of my eyes, I saw Lyon heading back towards our table. Tuluyan itong nakalapit at hindi ko na naisatinig ang pag-alma ko kay Stav.

He's dating my best friend! How dare he tell me that he likes me? Mas lalo lamang umigting ang inis ko rito.

Mabuti na lamang at hindi na namin nakasabay sa pag-uwi si Stav. Anito ay may pupuntahan pa siya sa The Palace. Malamang magba-bar. Ngunit nang gabi ring iyon ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.

"I'm with JM. He likes to schedule a personal shoot tomorrow, if that's okay with you. Kapag nagustuhan niya ang mga kuha mo, isasali niya sa portfolio niya."

Literal na binaha ko ng mga mensahe si Stav. Tinanong ko kung seryoso ba ito, bakit biglaan, ano'ng konsepto ng shoot, o kung may kailangan ba akong ihanda, ngunit wala ni isa ang sinagot niya. Sinubukan kong tawagan ngunit hindi rin ako pinansin.

You could only imagine how nervous I am. Buong gabi akong hindi nakatulog dahil roon.

Nagpresenta si Stav na ihahatid ako patungo sa studio ni JM ngunit tumanggi ako. Ipinadala niya rin sa akin ang mga layout ng konsepto upang may ideya ako. It's all too mind-blowing that he's only doing it now.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang manibela ng kotse ni Zeke. Panay ang buntong hininga ko. I tried starting the engine a few times but I couldn't start driving. Not when I keep imagining that the car will crash. Flashbacks of my car accident three years ago keep playing in my mind. I took deep breaths and reminded myself that it won't happen.

But I sat there for half an hour, covered in sweats and shivery hands and I haven't moved the car.

I groaned in frustration. I need to get to my shoot. I tried starting the engine again only to be stopped when a black Maserati MC20 drifted in front of me. Halos mapatalon ako sa biglaang pagpreno noong magarang sasakyan. Nanginginig pa ang mga tuhod ko nang bumaba.

Dinungaw ko ang bintana noon at bumungad sa akin ang matalim na mga mata ni Stav Valerio.

"Ang sabi ko ihahatid kita." Kunwaring dismayado ang tono nito.

"I can drive." Nauutal kong saad.

Stav's bored expression told me he's not convinced.

"Fine." I sighed.

Stav was eerie quiet throughout our drive. His eyes are narrowed on the road and the rigid corners of his face are clenched. I couldn't help but wonder how he always carry this air of mystery--like you never really know what's behind his stoic facade.

"Bakit kagabi mo lang sinabi sa akin?" Pagbubukas ko sa paksa nang maipit kami sa traffic.

"Na gusto kita?" Pasimple itong lumingon sa akin.

Muntik na akong masamid.

"No. Na may shoot ngayon."

"It's because JM only scheduled it last night too. He's spontaneous."

"What if I don't do good? I-I have searched about the concept anyway. I have a few references. I also brought make-up and accessories in case--"

"You'll do great, Zhalia." Stav cut my line of worries.

Tumikhim ako at pilit kinalma ang sarili.

"JM liked your portfolio. He thinks you're for high-fashion. He also saw your huge following base on Instagram which made him more interested to collaborate."

"You didn't tell him about my family, right?" I asked crucially.

"No. He just knows that you're a US-based model who's a very good friend of mine. Except your skills, my recommendation really helped."

"Yeah. Alam ko. Thanks." I said sincerely.

"Go out with me, then?" He glanced at me sideways and flashed a mischievous grin.

That caught me off guard. Hindi ko alam kung kikilabutan ako ngunit hindi ako komportable. I know he is just playing around. Hindi ko na ito pinansin at hindi niya na rin ako muling ginulo. Muli lamang kaming naistorbo nang tumunog ang cellphone niya. Nakita kong tumatawag roon si Linn.

"Hindi mo ba sasagutin?"

Umiling lamang si Stav. Ang mga mata'y diretso sa kalsada.

"Bakit?" Ramdam kong nabubuhay nanaman ang iritasyon ko rito.

"I'm with another girl." Stav stated bluntly. I didn't know if it was a joke but it's not funny.

"I'm that another girl?" Umawang ang labi ko.

Hindi niya iyon sinagot ngunit hindi rin itinanggi. Napabuga ako ng hangin sa inis.

"You're conceited." I blurted out.

Stav laughed briefly. Kinagat nito ang labi upang ikubli ang pagguhit ng ngisi.

"Ano'ng nakakatawa? If everything is a game to you Stav, spare me from your entertainment!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Pumirmi ang ekspresyon ni Stav ngunit may anino pa rin ng paglalaro sa kaniyang mga mata. Hindi ko na ito kinibo hanggang sa makarating kami sa building ng studio ni JM Daza. It's a commercial building mostly for entertainment purposes.

Dahil sa iritasyon ko ay iniwan ko na sa paglalakad si Stav. Na sa lobby ako nang may masalubong akong may katandaang lalaki. Lalampasan ko na sana ngunit dumapo sa akin ang naniningkit nitong mga mata.

"Hija." Tawag nito.

Nang huminto ako ay patuloy ito sa pagsipat sa akin.

"Po?"

"You.. look familiar. Have I seen you somewhere?"

I stared at him cluelessly.

"I'm a model po." Medyo alangan kong sagot. Hindi naman ako ganoon kasikat para makilala ng kung sino.

"Oh, I'm a writer for Metro." Sabay abot sa akin nito ng kamay. Nagagalak ko iyong tinanggap. Metro is a business and lifestyle magazine.

"Alam mo, kamukha mo ang pamangkin ni Martina Luisiana."

Now, I didn't know what to say. Ayaw kong tumanggi ngunit ayaw ko ring masangkot muna sa pangalan ng Auntie ko. Not when I'm trying to build my own image here.

"But I heard her niece died in an accident so it's not--"

Hindi ko na narinig ang karugtong noon nang may bayolenteng humaltak sa akin papalayo.

"What the hell?" Marahas kong binawi ang braso ko kay Stav nang makasakay kami sa elevator.

"Bakit bigla bigla ka na lang nanghahatak?! Nakita mo bang may kausap ako?"

Stav held the bridge of his nose in a frustrated manner. He sighed and faced me with restrained anger.

"What did he say?" He confronted me.

"He said I died in a car accident. Can you believe that?" I laughed in disbelief.

"Why would he say that? Even the creative director of Storm knew me! Even some of my co-models back in the States know that I'm from one of the richest clan in the Philippines. Why would someone think I'm dead?"

"There were a lot of fake news back then, Zhalia." Stav said dismissingly.

"Even that journalist is known for his fake celebrity news." Iritadong dugtong ni Stav.

Napatango tango ako. It still bothered me but I tried to just think of it alone. I didn't want to drag Stav in my issues.

Nang marating namin ang palapag ng studio, paulit ulit kong kinakalma ang sarili. I tried to keep my mind off the writer's comment too. Maybe it was really just a fake news. But even if it is, I can't bear to think that someone actually spread the news about me being dead. That's just horrible.

"Zhalia." Magiliw na bati ni JM.

The moment I saw him, all my worries were washed away. He was a ray of sunshine. Bagay na bagay sa guwapo nitong pagmumukha ang suot na stiletto at high waisted trousers. I never knew someone could be beautiful and handsome at the same time.

"You know, naintriga talaga ako sa portfolio mo. You were previously signed with Farah models. You also modelled for Tender magazine in NYC. I'm surprised you don't have an agency yet? You haven't tried castings?" Sunod sunod na tanong nito.

"I'm about to try castings soon." I smiled.

Matapos ang maiksing pag-uusap namin tungkol sa isa't isa ay nag-umpisa na siya sa pag-brief sa akin. Ipinaliwanag sa akin ni JM and konsepto ng shoot na ito. He also showed all the layouts that we are doing.

"Just be comfortable. For fun lang ito, but hopefully soon, makapag-commercial shoot tayo."

Matagal tagal pa ang usapan namin bago niya ako ipinakilala sa glam team. His creative director and production designer, who were also gays, joined us.

"Kaibigan ni Stav?" Lui, the production designer asked.

"Pretty ha."

"I know. This is my first time meeting her. Nagulat ako, ang liit ng mukha."

Pinang-iinitan ako ng pisngi dahil sa harapan ko talaga sila nag-uusap. Pinaupo na ako sa harap ng vanity mirror at nakapalibot sila sa akin. Sinuri agad ng makeup artist ang mukha ko.

"And the eyes, nakaka-Bela Hadid! Ang fierce, ma." Dagdag naman ni Vince.

Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa mga papuri nila. I'm really bad with compliments.

"Here's our mood board for your reference." Ipinakita sa amin ni JM ang nabuo niyang konsepto.

"We're opting for a rococo-inspired shoot, so pastel lang ang color palette natin. You know, your features could work both fierce and innocent. Siguro, you just make the makeup soft on the eyes." Sabay niya kaming kinakausap ng makeup artist.

Tinignan ko ang mga rococo painting na magiging basehan ng shoot na ito. Nagpaalam na rin sina JM at ipinaubaya ako sa makeup artist. Habang ginagawa ang mga paunang touches sa mukha ko, hindi ko maiwanan ng tingin ang mga painting sa mood board. It sparked something. The paintings... they resembled something.

I felt a sharp pain cross my head. Ipinikit ko ang mga mata upang labanan iyon. Ngunit pilit na gumuguhit sa utak ko ang mga kulay ng makalumang obra.

"These are late baroque-style paintings owned by my aunt." My little voice told the boy beside me. 

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
166K 126 50
R18 compilation
423K 6.1K 24
Dice and Madisson