XXXIX

249 20 2
                                    

XXXIX
Summer Fourteen

Maraming nagbago sa loob ng ilang taon. When I was ten, Auntie Martina broke up with Leonelle Flavio. Hindi natupad ang pangako nitong pakakasalan siya. Nitong taon ay natapos na rin ang termino nito bilang Mayor at napalitan ng Auntie. 

Dahil roon, hindi na muling nakabisita si Lyon sa hacienda. Ang balita ko’y nag-aral ito sa Manila. For years, no one also dared to mention our families’ planned marriage of convenience for us.

Hindi ko alam kung tuluyan ng ibinasura ang kasunduang iyon dahil hindi naman na nababanggit ng Auntie. But for the next five years, my tradition of visiting Claveria continued. The only difference was I had no friends to visit anymore.

“Yes, I just arrived, Linn. Pero wala pa ako sa hacienda.” 

Kausap ko ang kaibigang si Linn sa telepono.

“We had a stop over. I just ate lunch and now I can’t find my driver. Hindi ko alam kung saan siya nagpark.” 

Kararating lamang namin sa Claveria. Malayo pa mula sa bayan ang hacienda namin pero inaya ko muna ang driver na magstop over dahil gutom na gutom na ako. Ngayon, hindi ko na alam kung nasaan siya. 

Nasstress na ako kalalakad sa maliit na siyudad. Since it’s a province, even the capital and the urbanized part only had a few establishments.

Patuloy ang lakad ko hanggang sa matanaw ko na ang Puente de Claveria. Isa iyong suspension bridge na nagdurugtong sa Claveria at iba pang mga probinsiya sa Northern Luzon. 

This bridge used to be the only entrance to Claveria. But now that there is an airport and new expressways up North, this path is rarely taken. It’s old and was built in the 1890’s.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa tulay na ito dahil lang sa paghahanap sa driver ko.

“Bakit hindi mo na lang tawagan, Lia? Kaysa naghahanap ka kung saan saan.”

“I don’t know his number. Inutusan lang iyon ng Auntie na sunduin ako. I walked so much. Naliligaw na yata ako.” Parang maiiyak na ako sa stress.

It’s summer and the scorching heat is killing me. I didn’t sign up for this walk trip. 

“Well, kung naliligaw ka na, e 'di lubusin mo na. Just tour around.”

“Wow. Very helpful.” I mocked. 

“Joke lang. Alam mo, just stay where you are. Baka nagkakasalisihan na kayo noon.”

Napasandal ako sa railing noong tulay dahil sa pagod. 

“Okay. Tawagan kita ulit kapag na sa mansyon na ako.”

Binaba ko na ang tawag at nasapo ang noo ko. Pinaypay ko sa dibdib ang v-shaped neckline ng bestida ko. God, my feet hurt from walking.

I squinted my eyes and leaned my elbows on the bridge’s railing. Umihip ang hangin at tinangay ang slit ng knee-length button down summer dress ko. Hinayaan kong magulo ang mahaba kong buhok habang pinagmamasdan ang tanawin sa harapan ko.

Underneath the bridge, the seawater is glittering like diamonds as it reflects the summer sky’s radiance. The cerulean skies were the perfect match to the equally vibrant sea.

(La Mémoire #1) NOSTALGIATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang