Who are YOU

By faeryxxx

47 0 0

Poor to Rich concept? Here na. xoxo More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 8

2 0 0
By faeryxxx

Chapter 8
  
        
Natapos ang lahat ng kaniyang klase nang maalala niya na magK-KTV pala sila mamaya sa imbetasyon ni Stacy. Dumiretso na siya sa kanilang dorm at agad nang nag shower. Natapos na siya at lumabas ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Tinunggo niya ang kaniyang cabinet at namili ng damit habang sumi-sipol.

At sa mga oras na 'yon ay hindi niya napansin ang tatlo na kanina pa siya pinapanood.

"Anong ginagawa ni Henry? Bat kanina pa 'yan nandyan sa harap ng salamin?" Honda asked while holding a cup.

"Hmmm... May gusto pa rin siguro siya kay Stacy?" Andrew said.

Napatigil ang dalawa at sabay na napalingon kay Nate.

"May alam ka?" Andrew asked and Nate just shrugged.

"May alam 'to eh, hindi lang nagsasalita." Honda said.

Honda looked at Nicholas who was in front of the mirror and doing something on his hair pagkatapos nagpabango ito. He was wearing a white t-shirt and jeans.

"Henry!" Honda shouted.

Napatalon sa gulat si Nicholas, "ay pusang gala ka! Ano?" Inis na sabi nito.

"Did we miss something? Hindi kasi nagsasalita 'to si Nate." Honda interrogated.

"Wala naman, ano bang pinagsasabi niyo jan?" Nicholas answered while combing his hair.

"May gusto ka pa rin kay Stacy noooo?"

Napatigil naman si Nicholas sa kaniyang ginagawa at hindi nalang sila pinansin.

"Grabe, pa-pogi mo ah."

Talagang napatigil si Nicholas at ibinaba ang suklay na hawak. Pucha! Bakit ako nagpapa-gwapo? Nakakahiya. Nakakahiya. Nakita pa nila ako. He thought and glanced at Nate who was smirking at him. Napapikit nalang ito dahil sa hiya.

Wala nang sinabi ang dalawa at napatawa nalang. Pagkatapos nag-ayos na. Lumapit naman si Nicholas kay Nate.

"Ano sa tingin mo?" Nicholas added.

"Anong ano sa tingin ko?" Nate teased.

Nicholas rolled his eyes, "kay Stacy," he said. "What do you think of her?" He asked.

Nate chuckled, "she's... she's..." Nate teased again.

"Ano ba 'yan. Wag mo nga akong asarin." Nicholas said and crossed his arms.

"Hahaha. Ito na, she's fine."

"She's fine?"

"Yes, and she's nice."

"Sure ka? Kasi grabe bro, unang tingin ko pa lang, I know she's the one. Joke lang." He said and laughed at his own joke. "Di ito na, kasi diba naalala mo 'yong pinagtanggol niya ako kay Yena? May naramdaman nanaman ako eh, ibang-iba kay Yena na parang nakilala ko ang pang habang buhay ko..." and he told him the story. "Nagmamahal, Charot," and he laughed at his own joke again.

"So, that's why you asked me. And with that, you will pursue her?" Nate asked and Nicholas nodded. "Then do it. I am 70% sure that she's not what you think."

"Paano naman ang 30%?"

Nate shrugged, "ikaw ang bahala."

Lumalim na ang gabi at bihis na sila lahat. Nauna lang si Nicholas dahil excited lang ito.

"Teka, anong oras tayo magkikita ron? May sinabi ba si..." Nicholas pouted because he smiled, "Stacy?" Kakasabi lang niya ng pangalan nito at naramdaman nanaman niya ang tibok ng kaniyang puso.

"Dont wari..." kakasabi lang nito ni Andrew nang tumunog ang kaniyang cellphone. "Alas siete raw, oh malapit na mag-alas siete, punta na tayo ron." Excited na sabi nito dahil magka-karaoke na sila.

"Huh? Paano mo nalaman?" Nicholas asked and shot his eyebrow up.

"Kay Stacy, kakatext lang niya." Inosenting sabi nito.

"Nagtext siya sayo?" Hindi nito napansin at naging matigas ang boses nito na parang galit.

Kanina ng magkasalubong silang dalawa, kakausapin sana nito ni Stacy at kukunin ang number nito. Ngunit hindi natuloy dahil sa iba dumaan si Nicholas sa dahilan na hindi siya nakaligo.

"Kalma lang bro, text lang 'yan, selos ka na agad?" Nate said while chuckling.

Nasa labas na silang apat at naghihintay na dumating sila Stacy. Tumunog ang cellphone ni Nicholas, pagtingin nito tumatawag si Genevieve.

"Sagutin ko lang."

Humiwalay muna siya bago sinagot ang tawag.

"Hello, dear brother." Bungad nito pagsagot ng tawag.

"Gen!"

"Oh? Inis ka na ngayon?" Tinatawag kasi ni Nicholas si Genevieve sa kaniyang pangalan kapag naiinis si siya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ang alin?"

"Genevieve!"

At this time, kakarating lang nina Stacy kasama si Jayne at Klare. Stacy was wearing a white skirt above the knee and pink spaghetti strap and off-shoulder long sleeved with lacies on the top. Pink doll shoes and a silver hairclip on her short hair at her right side, and a white sling bag on her shoulder.

Narinig ni Stacy ang binigkas ni Nicholas na pangalan. Wala namang panglalaking Genevieve na pangalan diba? She thought. Sumama kaagad ang mukha nito ngunit agad itong ngumiti para mawala ang sama sa mukha nito. And Nate started observing the two.

"Maganda 'yon diba? Issurprise~" Natatawang sabi ni Genevieve.

Nicholas rolled his eyes, "sige na, next time magsabi ka naman, buti naman at gwapo ako."

"Nge! Sige, babush na--- ay wait,"

"Ano nanaman?"

"That Yena bitch, tama ako noooo?"

"Oo, bakit?" Sabi nito na parang wala lang.

"Oh? Stacy pa rin?" Nakangiting sabi ni Genevieve.

"Chismosa mo, sige bye na."

Pagharap nito ay papasok na sila sa loob. Nakita niya si Stacy na nakatingin sa kaniya. Tumibok nanaman ang puso nito at kinabahan, nanginginig pa ang kamay nito. Lalapitan sana niya ito ng umiwas siya ng tingin at sumabay sa iba at pumasok.

Bumaba naman ang balikat ni Nicholas. Lumapit sa kaniya si Nate at tinapik ang balikat ni Nicholas.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Nate.

"Wala."

Nang makapasok sila sa isang room agad ng nag-agawan ng microphone si Honda at Andrew.

"Ako nauna makahawak."

"Ako kaya nauna makakita."

They bickered and bickered until Jayne stopped them.

"Para kayong mga bata, pikpakbom nalang kayo."

Nagkatahan na sila at dumating na rin ang kanilang mga inomin at pagkain. Nasa gilid nakaupo si Nicholas at sa gilid rin si Stacy.

"Bro, mukha mo kanina pa nakabusangot." Nate said and chuckled.

"Kasi naman pinapansin kayo ni Stacy tas kapag ako umiiwas. Ayaw ata sa akin eh." Nakangusong sabi ni Nicholas.

"Alam mo kasi---" hindi pa natapos magsalita si Nate ng magsalita si Jayne.

"Tama na, tama na, kanina pa kayong dalawa jan."

"Honeymylaaaaaabs~" pagpapacute ni Honda.

"Honeymylaaaaaabs~," nag makeface si Jayne bago nagsalita, "wala, akin na 'yan," anito at inagaw ang microphone kay Honda.

Inayos ni Jayne ang mga kalat sa mesa at nilapag don ang hawak na walang laman na bote.

"Para may thrill, i-ikot ko 'tong bote na 'to tapos kung sino ang maituturo nito ay siya ang kakanta. Ano game?" Jayne said and they agreed. Nagsimula na siyang paikotin ito at tumigil ito kay Klare at nagsigawan naman sila.

"No-no-no, hindi ako marunong kumantaaaaaaaa," Ani Klare ngunit hinila siya ni Jayne papunta sa platform.

Natapos ito at kay Nate nanaman tumigil ang bote. Tatakas sana ito ng hawakan siya ni Nicholas sa braso at hinila sa platform. Binigay ni Jayne ang mic kay Nate at pinasuot naman siya ni Nicholas ng bunny na headband. Nate glared at Nicholas but he just laughed out loud while pointing his finger at him and Andrew and Honda followed. Nagsimula na itong kumanta at minsan nakikisabay na rin ang tatlo sa kaniya.

Nagtuloy-tuloy ang kantahan nang tumigil ulit ang bote kay Stacy. Inosenteng napaturo naman ito sa kaniyang sarili, "ako?"

"Yeah, you. Come girl, I wanna hear your voice." Jayne said while grinning.

"No, hindi maganda ang boses ko."

"Eh okay lang, hindi rin maganda ang boses namin. Sige na." Jayne said and went to her and pulled her hand up.

"Okay fine."

Naging attentive naman si Nicholas habang naka-cross fingers na parang nagdadasal, nagpipigil naman ng tawa si Nate at tumaas lang ang kilay nina Andrew at Honda.

"Yaaah! Bakit ito pa ang pinili mong kanta?" Naiinis na sabi ni Stacy dahil si Klare ang pumili ng kanta na kakantahin nito. Stacy stole a glace at Nicholas before she started.

"Mahal na mahal, 'yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman kung 'di mo alam. Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan. O, bakit ganyan. At maging sa 'king pagtulog, laging ala-ala ka. Nais makapiling, nais makayakap sa t'wina..."

Habang kumakanta si Stacy ay damang dama naman niya ito. Nang marining nila ang boses niya ay lahat sila napatigil dahil sa ganda ng boses nito. Strong ang boses nito ngunit pina-smooth pa rin niya ang kaniyang boses pero halata pa rin ang natural nitong boses na strong kapag kumakanta.

"Tawag ng aking damdamin ay ikaw at walang iba. Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga. Puso'y huwag paluluhain. Ang pagsamo ko'y dinggin. Tunay na tunay mahal ka sa akin..."

Si Nicholas naman ay titig na titig sa kaniya na parang hinihigop siya nito.

"Relate na relate naman si girl sa kanta." Klare whispered at herself and laughed.

"Wow, ang ganda pala ng boses ni Stacy." Jayne said

Pagkatapos nitong kumanta ay lahat sila nagpalakpakan.

"Scam! Sabi mo hindi maganda boses mo? Na-reach mo pa nga ang high notes eh." Jayne complained.

"Talaga? Sinwerte lang ata ako." Stacy said while scratching her nape.

"Sanaol, sinwerte." Andrew said.

"Sige nga, isa pa, isa pa, isa pa." Honda exclaimed and others followed. "Si Henry lang ang hindi nakakanta, hilain 'yan sa harapan!" Honda added and Nicholas declined pero pinagkaisahan siya ng tatlo kaya nasa harapan na siya ngayon katabi si Stacy.

"Duet! Duet! Duet!" Honda exclaimed at nakisabay naman ang dalawa habang pataas taas ang kilay nong dalawa.

Teka lang! Puso ko.

Nagpindot si Jayne sa remote pagkatapos tumunog ang kanta na pinili nito at naghiyawan ang lahat. Klare smirked and moved up and down her eyebrows looking at Stacy who was biting her lips. The same with the three looking at Nicholas who just rolled his eyes.

"Living in my own world, didn't understand, that anything can happen, when you take a chance." Nicholas started singing and Stacy was unconsciously staring at him.

"I never believed in, what I couldn't see, I never open my heart, (oohh) to all the possibilities. Oohh." Stacy seconded while still looking shy.

"I know that something has changed, never felt this way, and right here tonight." Stacy sang while Nicholas also sang with some parts.

This time, they both sang the chorus, "This could be the start of something new, it feels so right to be here with you, oh. And now, I'm lookin' in your eyes I feel in my heart (I feel in my heart), the start of something new. (Oh, yeah)."

Habang tumatagal ay nagiging comfortable din sila sa isa't isa kaya minsan tumatama rin ang kanilang tingin.

"Now who would ever thought that, we'd both be here tonight. And the world looks so much brighter (Brighter, brighter) with you by my side (by my side)."

Nag-enjoy ang dalawa na parang sila lang dalawa ang nandon. Hindi nila napansin na nakikisabay rin ang iba sa kanila. At si Nate naman ay hawak ang cellphone at kinukuhanan sila ng video.

Natapos ang gabi at sabay-sabay silang naglalakad at ang maganda ron ay magkatabi na si Nicholas at Stacy na sabay na naglalakad. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina ay nakalimutan na ni Stacy ang dinadamdam nito at nagsimula na rin kahit papaano mag-usap ang dalawa.

"Okay lang sayo?" Nicholas asked.

"Ang alin?" Stacy looked at him and asked back. I can't believe that we're talking! She shouted at her thought.

"Na sumasama sa amin? Na makipag-usap sa amin?"

Nicholas actually felt something when he was still with Yena. Na pinipilit lang nitong makipag-usap sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin kahit sa mga warnings ni Nate tungkol kay Yena hindi pa rin niya pinapansin.

"Anong meron sa inyo?" Stacy asked again while frowning.

"Kami," Nicholas pointed at himself, "mahirap."

Stacy scoffed, "huh? Eh ano naman kung mahirap kayo? Nangangain ba kayo?"

"Hindi naman, peroooo umiinom kami ng dugo. Rawr." Nicholas groaned and mimicked a cat claw.

"Oi, wag ka namang ganiyan." Stacy said while stepping back. "Lumayo ka."

"Hindi, inuuhaw ako. Gusto kong inomin ang iyong dugo. Rawr." Nicholas said and stepped forward.

"Teka, wag mo akong habulin." Stacy softly exclaimed and ran.

"Hindi hahabulin kita." Nicholas said and ran, chasing Stacy na nalampasan sina Andrew na nag-uusap.

"Ay naghabulan baka magkadevelopan kayo ah." Honda said but half hearted because he knew that Stacy was out of their league.

Malapit na sila sa Girls's Dormitory at alas nueve y media na dahil humaba ang pagsasaya nila.

"I'm not telling on you but I want to know you more. You know, rich people were bullying us because of our looks and status. But I want to be your... friend, if you want, but if it's not its okay and this will be the last time we talk." Nicholas said with a serious look.

Stacy's heart was beating because of what Nicholas said. He seems to trust me even if I'm rich. Stacy bited her lips while surpressing her mouth to curved up.

"And alam mo na rin ang tungkol kay Yena, she deceived me and---" hindi natuloy ang sasabihin ni Nicholas ng makitang umikot ang mata ni Stacy at nakikita ang inis sa mukha nito.

"Oho~ maattitude ka rin eh." Nicholas chuckled.

Stacy stucked her tounge out, "eh, kasi naman ng marinig ko ang sinabi ng EX GIRLFRIEND mo, nag-init na agad ang ulo ko." She said at diniinan na rin ang pagkasabi ng EX GIRLFRIEND na parang ang pait pait sa lasa niya and Nicholas was amused sa pinakita ni Stacy. "Kapal ng mukha niya, dapat nagsabi siya at ipapakain ko sa bunganga niya ang isang daang pesos niya." She added and again rolled her eyes.

"So, sinampal mo siya dahil nainis ka sa kaniya?"

"Oo, nang marinig ko ang sinabi niya sayo nag-init kaagad ang palad ko kaya ayon nasampal ko." Stacy said and chuckled but she remembered something and her aura darkened. Nicholas saw it on her face and tilted his head with a question mark on his head. May nasabi ba ako?

Hala, baka kamuihan ako ni Henry dahil sa sinabi ko. She thought and panicked.

"Uhmm... may tanong sana ako. Do you like Jayne?" Stacy changed the topic and Nicholas was dumbfounded when he heard her question.

"Haaaaaa??? No! Hindi, bakit mo naman nasabi 'yan?" Napalakas na tanong ni Nicholas with a shocked face.

"Eh kasiii..." Kinuha ni Stacy ang kaniyang cellphone sa kaniyang sling bag at ipinakita niya ang article na nakapost sa forum ng University.

"Anong klaseng chismis 'to?" Nicholas exclaimed and hugged his both arms and goosebumbed. "Brrr... tumindig ang mga balahibo ko. Hindi 'yan totoo. Pag-aawayin pa kami ni Honda, buti't hindi pa niya nakikita." He added.

Stacy pouted, "hindi talaga totoo? As in no feelings?"

"Hindi nga, mahanap ko lang kung sino ang nagsulat niyan ipapakain ko ang papel sa kaniya." Naiinis na sabi ni Nicholas.

"Eh, 'yong Ge---"

"Hindi pa kayo tapos? Napahaba kwentuhan niyo ah." Jayne cutted and moved up her eye brow with a smirk on her lips.

"Oo na, ito na, pauwi na, excited?" Nicholas said and rolled his eyes. Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala sila ng Girls's Dormitory.

"Bat parang galit ka?" Nangingiting tanong ni Jayne.

"Hindi, hindi ako galit. Nakangiti ako diba?" Nicholas said with a fake smile while gritting his teeth.

"Nakakatakot naman 'yang ngiti mo." Jayned laughed.

"Osya, gabi na, may curfew pa tayo. Sige na bye." Klare said and went to Stacy with her friends.

"Come on bro, uwi na tayo, tama na ang strawberry time." Nate said while smirking and Nicholas threw the first thing he got in his sling bag at Nate who was laughing and dodged. All of them didn't understand what Nate said except them.

"Good night."

"Stacy, salamat sa libre. Nag-enjoy kami."

Nasa loob na sila ng kanilang room at agad ng natulog si Andrew at Honda dahil sa pagod. Hihiga na sana si Nicholas nang tawagin siya ni Nate.

"Henry, may ipapakita ako sayo." Nate said and Nicholas stood up and looked up at the top deck.

"Woah, kinuhanan mo kami ng video?? Thanks bro. Pa-share it."

Nuks! Share it na ngayon, hindi na Bluetooth.

At the same time,

"It's a love shot. Na na na na na na na na~"

Stacy was taking a shower while singing out loud.

"Mahaaaaaal kitaaaa pagkat mahal kitaaaaa~"

"I'm so sexyyyyy~"

"Nanimo, nanimo, siruwetto"

"Stacy? Ilang oras ka na jan?" Klare asked.

"Oh? Sarreh."

***

Continue Reading

You'll Also Like

186K 721 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
1.4M 48.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
101K 4.3K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...