Chapter 11

1 0 0
                                    

Chapter 11
 
 
Napahawak ng ulo si Nicholas habang nakatukod ang dalawang siko sa mesa na may maraming papeles na nakatambak. Nasa opisina niya ngayon si Nicholas at maraming papeles na chini-check at pinipirmahan.

Napatingin siya kay Dustin na nakaupo habang naka-cross legs at nag ce-cellphone ito. Wala si Mr. Watson dahil kasama naman niya si Dustin na personal butler niya.

Personal Butler ko ba talaga siya?

Hindi pa rin siya makapaniwala na may personal bulter siya. At ang mas hindi kapani-paniwala ay si Dustin ‘yon.

Dahil sa pagiging conscious ni Dustin sa mga tao ay konti lang ang nakakakilala sa kanya. Parang siyang invisible na naglalakad na walang nakakakita sa kaniya kaya wala siyang naging kaibigan dahil dito. May mga nakakakilala naman sa kaniya pero walang kumakausap sa kaniya kahit classmates at dinadaanan lang siya kahit mayaman.

Ngunit, iba si Nicholas dahil minsan nakakatabi niya ito sa upuan at kinakausap niya ito.

Pagkatapos ng gabing ‘yon ay wala nang sinabi si Dustin, kahit na nagtatanong si Nicholas ay ngini-ngitian lang ni Dustin si Nicholas. At napag-alaman din ni Nicholas ay magkatabi na sila ng kwarto at block mate din sila.

Takang-taka nga sina Andrew dahil sunod ng sunod si Dustin sa kaniya. Kilala rin nila si Dustin dahil palagi itong nag-iisa ngunit na-we-weirduhan sila sa kaniya dahil parang palaging itong galit kaya natatakot silang lapitan ito.

“Dustin, lunch time na anong gusto mong kainin?” Nicholas asked him.

Dustin looked up at him and said, “Your order.” He then smiled and looked again at his cellphone. “What’s your order? I’ll order.”

“Okay lang kahit sa Cafeteria.”

“Your order?” Dustin asked again like he was not satisfied of what Nicholas said.

“Uhhh… okay lang sa Jollibee.” Nicholas said.

Dustin rolled his eyes and stood up.

“Saan ka pupunta?” Nicholas asked.

“Just wait, I’ll prepare your order na mas masarap pa sa Jollibee.” Dustin said and went out.

Nicholas sighed and continued reading the paper. After twenty minutes, dumating na si Dustin na may tulak-tulak na may nakalagay na pagkain nila. Ngunit, dahil sa pagiging concentrate ni Nicholas ay hindi niya napansin na pumasok si Dustin.

“Nicholas,” he called his name.

Isa pa ‘to, kapag kailangan ay Henry ang tawag niya sa kaniya at Nicholas naman nasa labas. Hindi niya nilalagyan ng prefix or kahit anong title sa pangalan niya for respect, at diretsong pangalan ni Nicholas ang binibigkas nito. Hindi naman ‘yon pinansin ni Nicholas at mas gusto niya pa ng ganon. Si Mr. Watson naman ay nagulat lang ngunit hindi na nagsalita.

Hindi pa rin nagsasalita si Nicholas at tuloy pa rin ito sa pagbabasa.

Padabog na nilagay ni Dustin ang pinggan na may pagkain ni Nicholas sa harap nito kaya napaigtad naman si Nicholas at napatingin kay Dustin na ngumiti lang tapos umupo na sa sofa at kumain.

Itinabi nalang ni Nicholas ang mga papel at kumain na. Ngunit nang malasahan niya ang pagkain ay gusto na niyang iluwa ito dahil sa pangit ng lasa.

“Uhh… Dustin, s-saan ka nag-order?” Nicholas asked.

“I cooked at the cafeteria. After I said that I will cook for the big boss, they immediately let me cook.” Dustin said while eating.

Anong nilagay niya sa pagkain ko at bakit parang wala mali sa pagkain niya?

Who are YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon