Chapter 15

1 0 0
                                    

Chapter 15
 
 
Agad namang itinulak ni Nicholas si Genevieve.

“Bat kaba nangyayakap? Anong nakain mo?”

“What? Masama ba? Namiss ko lang ang baby ko,” she said and gestured to hug him again but Nicholas shoved her arms.

Genevieve pouted, “ito naman.”

Napatingin siya kay Stacy na kanina pa sila pinapanood. And she was holding her wrist dahil kanina pa siya kinakain ng selos. Nang magtama ang tingin nila ni Genevieve ay bahaw siyang ngumiti. Ngumiti naman ng malaki si Genevieve na parang ngayon lang siya nakita.

“Oh, who’s this beautiful girl Baby Kolas?” Genevieve innocently asked him.

Baby Kolas? Stacy thought and her breath heaved.

“Pwede ba, wag mo akong ma-baby, nakakadiri ka.” Nicholas argued.

Genevieve chuckled, “ang baby ko talaga, mahiyain. Oo na. Ipakilala mo naman ako sa kasama mo.”

“Gen, si Stacy. Stacy si Gen, Genevieve ang buong pangalan niyan at---”

Genevieve cutted and outstretched her right hand, “hello, Stacy, I’m Genevieve but you can call me Gen.”

Stacy didn’t want to be rude so she shaked Genevieve’s hand, “hello, Gen, I’m Stacy… H-Henry’s classmate and friend.”

Stacy smiled at binawi ang kamay nito tapos hinawakan ang wrist nito dahil pinipigilan niyang magwala.

“Uhm, Henry, sige balik na ako sa dorm.” Tatalikod na sana siya ng magsalita ulit si Genevieve.

“No, no, Stacy Girl, gabi na magpahatid ka nalang dito sa pinsan ko.” Genevieve said that and waiting for Stacy’s expression, and as expected her expression changed na parang napa-‘oh’.

“Tara na Stacy, baka maabotan pa tayo ng curfew,” pagkatapos hinawakan ni Nicholas si Stacy at hinatak ito.

Hindi na pinansin ni Nicholas si Genevieve dahil naiinis pa rin siya rito. Genevieve didn’t mind it because she knew Nicholas’s personality. She stared at Stacy’s back and smiled.

Naglalakad ang dalawa at walang nagsasalita sa kanila. Biglang nawala ang momentum nila kanina dahil sa pagdating ni Genevieve. Ngunit, magkahawak pa rin sila ng kamay at hindi na nila ‘yon pinansin. Mas hinigpitan pa ni Stacy ang pagkahawak niya sa kamay ni Nicholas.

“Pasensya na Stacy sa pinsan ko, ganon lang talaga ‘yon nakakainis.” Nicholas annoyingly said.

“Its okay, ang kulit nga eh.” Natatawang sabi ni Stacy.

Bigla niyang naalala ang nangyari kanina. She saw black and in verge of breaking down and she was craving for blade.

“Uhm, Kolas ang nickname mo?” Stacy curiously asked.

Nicholas stopped for a second then continued, “yeah, ‘yon ang tawag sa akin sa bahay.”

“Ang layo naman sa pangalan mo.”

Nicholas just smiled. He wanted to tell her but this was not the right time besides they’re still getting to know each other. As friend. Or. Not.

“Uh… can-can I call you, Kolas?”

This time Nicholas really stopped walking. Kolas. Kolas. Kolas.

Nag-e-echo sa isipan niya ang pagtawag ni Stacy sa kaniyang paboritong pangalan at para itong kinakanta sa isipan niya.

“Yeah, you can,” he said and looked at her and then smiled.

“Kolas,” she called his name and his heart skipped, “I like your name, Kolas.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who are YOUWhere stories live. Discover now