Chapter 14

7 0 0
                                    

Chapter 14
  
  
“Big--- Henry!”

Napatigil sa paglalakad sina Stacy at Nicholas ng may tumawag kay Nicholas. It was Dustin who was running after them. Nang makalapit siya sa kanila ay may ibinigay ito.

“Your cellphone, you left it there habang nagtitigan kayo.”

Nicholas and Stacy blushed. He glared at Dustin and Dustin just laughed. Kinuha naman niya ang cellphone niya while glaring and Dustin chuckled.

Tumalikod na siya and Stacy slightly smiled at Dustin bago tumalikod at sinabayan si Nicholas. Dustin took out his cellphone and took a picture of them and then sent it to Genevieve.

“Hmmm… she’s beautiful and innocent as angel. But, let’s test her.” Genevieve said and smirked while looking outside in her office at the top floor.

Nicholas and Stacy were walking shoulder to shoulder. Maraming student ang nakatingin sa kanila tapos nagbubulungan.

“This peasant, akala niya siguro siniseryoso siya ni Stacy.”

“Tama ka girl, pustahan hindi ‘yan sila magtatagal.”

“Tapos malalaman lang natin na wala na sila dahil may iba pala siya.”

Tumawa ang mga babae sa mga sinabi nito.

Napatigil si Stacy dahil sa narinig. Parang nagpintig ng tenga niya sa narinig. She saw black and clenched her hands. It was her anger management issue acting up.

Blade, I need blade.

Stacy went back when Nicholas held her clenched hands at ibinuka niya ito tapos hinawakan.

“Hindi ‘yon totoo, hindi ka naman maniniwala diba?” Stacy said while looking at Nicholas with a desperate face.

Nicholas stared at her face. She’s different, kahit na sina Sebastian ay okay sa kanila. And…I love her. He smiled and nodded.

“I’ll only believe you.”

Stacy smiled and nodded then lumakad na sila, “pero okay lang sayo na nang dahil sa akin ay mas lalo ka nilang pag-iinitan?” she worriedly said.

“Don’t mind them, wala na akong pakialam sa kanila. At hindi na rin ako natatakot sa kanila.” He proudly said.

“Talaga? Buti naman, ayaw ko kasi mawalan ng kaibigan.”

Biglang nagising sa isang panaginip si Nicholas at naalala na mag kaibigan lang pala sila.

“So, asan tayo pupunta?” he asked.

“Ikaw? Ako naman ang nag-aya kaya dapat doon sa gusto mo.”

Napahawak naman si Nicholas sa baba niya na parang nag-iisip, “hmm… nakakain ka na ba ng street foods?”

“Hindi pa.”

“Sige roon nalang tayo. Promise masarap ang mga pagkain doon.”

Nasa car park na sila at tinunggo ang isang kotse roon na latest version ng BMW at pinagbuksan ng pinto ni Nicholas si Stacy sa passenger seat. Nagtaka naman si Stacy ngunit hindi na nagsalita at sumakay na. Sinara naman ni Nicholas ang pinto at tinakbo ang driver seat at sumakay rin.

“Kaninong kotse ito?” hindi napigilang itanong ni Stacy. Ang alam kasi niya ay wala siyang kotse at mas lalong hindi ganitong ka-mahal na kotse.

“Kay Dustin ‘to, hiniram ko lang.” Nicholas said and smiled and started the engine.

“’Yong palagi mong kasama?”

“Hindi, ‘yong palaging nakasunod sa akin.” Natatawang sabi nito.

Who are YOUWhere stories live. Discover now