Academia Lusitania: Deceived...

By Silent-Luna

162K 7.6K 169

Deceiving can break anyone's trust but she thinks it will be best not to hurt and protect your loved ones. Th... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 28

2.3K 142 1
By Silent-Luna


Leilina Lucerne Lusitania


Maaga kaming tinipon ni Miss Celosia sa harapan ng Academia.


“Mag-iingat kayo First Triad, sa inyo nakasalalay ang kinabukasan ng Academia maging ang buong Lusitania.” Tumango kami sa sinabi ni Miss Celosia.


“Leilina, pwede ba kitang maka-usap saglit?” Tumango ako at umalis sa tabi ni Blythe.


“Bakit niyo po ako gustong maka-usap?” Tanong ko dahil kinakailangan pang lumayo kami sa kanila para mag-usap.


“Hindi ako naninigurado ngunit kung sakaling makaharap niyong muli si Llyr ay gusto Kong tulungan mo siya. Tulungan mo siyang maka-uwi.” Nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa mat ani Miss Celosia marahil ay malalim at totoo ang nararamdaman nito para kay Llyr.


“Bakit sa akin po kayo humihingi ng tulong?” Medyo naguguluhan kasi ako dahil nandiyan naman si Maxwell at Blythe.


“Naniniwala rin ako sa kanila ngunit iba ang nararamdaman ko pagdating sayo.” Hindi na muli ako nagtanong pa at marahan ulit na tumango.


“Gagawin ko ang makakaya kong iuwi siya sayo Miss Celosia. Alam kong tutulungan ako ng First Triad kapag nagkataon.”


“Maraming salamat sayo Lina.” Pinahid nito ang mga luha at ngumiti sa akin.


“Halika na, baka magtaka si Blythe bakit ang tagal na kitang hiniram.” Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.


“Bakit gulat ka? Halos buong Academia ay alam na kayo na.” Oo nga naman, ipaglandakan kasi ni Blythe na sa kaniya lang daw ako.


“Anong pinag-usapan niyo ni Miss Celosia?” Tanong ni Blythe ng makabalik ako sa tabi niya.


“Wala naman, nagbigay lang ng konting payo.” Alam kong hindi ito naniwala sa sinabi ko pero hindi na rin naman ito nagtanong.


Misty Oceane


Maaga kaming gumising para makapaghanda ng umalis para sa misyon namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Skye mula pa kagabi.


Nagkaroon kami ng pagtatalo dahil sa tinanong ko. Hindi ko kasi siya maintindihan, palagi niya akong tinutulungan, palagi siyang sweet at maalaga pagdating sa akin kaya tinanong ko siya ng diretsahan kagabi. Tinanong ko kung may gusto ba ito sa akin ngunit hindi siya umimik.


“Skye may gusto ka ba sa akin? Diretsa kong sabi sa kaniya. Hindi ko na kasi maintindihan ang ikinikilos niya. Hindi ko maiwasan kasi ang umasa.


Naghintay ako ng sagot sa kaniya pero wala akong natanggap.


“So ako lang pala ang tangang umaasa dahil sa kinikilos mo.” Walang emosyon kong sabi habang pinupunasan ang butil ng luhang tumutulo galing sa mga mata ko.


“Wala naman akong ibig sabihin sa-


“Ako lang naman ang tangang nag-expect na may ibig sabihin ang pagiging sweet mo sa akin.”


“Sige isipin mo kung ano ang gusto mong isipin ni hindi mo man lang ako pinapakinggan.” Yun lang ang huli niyang sinabi bago niya ako iniwan na mag-isa.


“Misty! Halika na!” Napabalik lang ako sa realidad ng tawagin ako ni Misty.


Alam kong kasalanan ko ang pagtatalo naming kagabi dahil hindi ko man lang siya hinayaan na ipaliwanag ang sarili niya.


Hindi kami pinayagan ng Headmaster na gamitin ang aming mga kapagyarihan para lamang sa maliliit na bagay at para sa pansarili lamang. Gagamitin lang daw naming ito kapag nailagay kami sa panganib o kung mayroong kalaban.


“Mag-iingat kayo First Triad.” Yumuko lang kami kay Headmaster at umalis na sa Academia.


Habang naglalakad kami patungo sa lugar kung saan ako lumaki pinilit ko ang sarili ko na iwasan si Skye mukhang ganoon din naman siya sa akin. Mukhang wala din siya sa mood katulad ko.


“May nangyari ba sa inyo ni Skye?” Dahlia being Dahlia, naghahanap na naman ng tsismis.


Akala ko siya lang ang nag-aabang ng sagot pero nagkakamali ako dahil maging sina Auria at Lina ay lumapit din para malaman ang sagot ko. Napabuntong hininga ako at hindi napigilan ang sarili ko na sumagot.


“Nagkaroon kami ng sagutan ni Skye kagabi.”


“Bakit?” Tanong ni Auria.


“Sa pagkakaalam ko kayong dalawa ang laging kalmado. Kaya nakakapanibago na nagkaroon kayo ng sagutan kagabi.” Parang nahihiwagaan na sabi ni Lina.


“Kasalanan ko ang lahat nag-assume kasi ako ng gusto rin niya ako. Tinanong ko kung gusto niya ako kagabi pero hindi siya sumagot. Sinabi niyang walang ibig sabihin pero hindi ko siya hinayaan na magsalita pa.”


“Yun ang problema, kasalanan mo nga.” Mas lalo akong nanlumo dahil sa sinabi ni Dahlia.


“Sinabi niya pa isipin ko raw kung ano ang gusto kong isipin.”


“Isipin mo nga.” Tumango-tango pang sinabi ni Auria. Kaibigan ko ba sila?


“Alam mo Misty, sa nakikita ko sa inyo ni Skye, malalaman ko sa kinikilos niya hindi niya man sabihin , may gusto siya sayo. Diba nga ‘Action speaks louder than words but action without words is useless, vice versa’. Ganoon tayong mga babae eh, hinihintay natin lagi yung three magical words pero pag yun lang ang lagi nating naririnig nagdedemand din tayo na bakit wala silang ginagawa. Tapos sa lalaki, kilala sila sa pagiging torpe. Nowadays hindi ko lang alam. Huwag kang mag-aalala gusto ka rin nun pero kasalanan mo talaga kagabi.” Nawalan ng lakas ang tuhod ko at muntik ng matapilok buti na lang ay nahawakan ako nila Lina.


Akala ko pa naman ay nasa panig ko si Lina hindi pala pero-


“Salamat Lina, mas naging maliwanag na sa akin ngayon pero ayaw ko pa rin ang mag-expect.”


“Wow Lina! Para kang isang love expert dahil sa sinabi mo kaya idol kita eh!” Tuwang-tuwa na sabi ni Dahlia.


“Oo nga Lina, ilan naba ang naging kasintahan mo?”


“Grabe ka naman… Si Blythe pa lang.” Namumula pa na sinabi nito.


“Sana lahat meron ng siguradong lovelife!”


“Huwag kang mag-alala Auria nandiyan naman ang kambal ko para sayo.”


“Wala akong pakialam sa unggoy na yun.” Sabi ni Auria at mabilis na naglakad.


“Basta Lina kapag sinaktan ka ng pinsan ko ay sabihin mo lang sa akin kaagad.”


“Sana hindi na mangyari yun at pwede rin na baka ako pa ang manakit sa kaniya.” Hindi ko napalagpas ang sakit sa mga binitawan na salita ni Lina.


Skye Lonan


Hindi ko alam kung gaano ang pagpipigil ko para hindi kausapin si Misty. Naguiguilty ako dahil nasigawan ko siya kagabi. Pasimple pang sinabi sa akin ni Auria habang naglalakad na sinisisi daw ni Misty ang sarili dahil sa pagtatalo namin.


“Misty matagal pa ba bago makarating sa lugar ng Darya?” Pagod na sabi ni Dahlia sa totoo lang ay lahat kami ay pagod na bakit kasi hindi kami hinayaan ni Headmaster na magteleport na lang.


“Gusto mo buhatin kita?” Tanong sa kaniya ni Maxwell kaya agad na namula si Dahlia.


“Tigil niyo nga yan, magpahinga muna tayo kahit saglit hindi naman siguro mabigat yun.” Inis na sabi ni Pierre. Nagaala-protective brother kaya sinimangutan ni Dahlia.


“Sige magpahinga muna tayo.” Sumang-ayon din si Blythe dito pero agad itong tumabi kay Lina at nagpapunas ng pawis. Abay loko hindi niya ba kayang gawin yun mag-isa?


“Alam niyo ba ang itsura ni Miss Abilene Acadia?’’ Tanong ni Lina ng matapos punasan si Blythe.


“Hindi ko alam pero ang sabi ni Headmaster ay matunog ang pangalan niya sa Darya dahil may abilidad ito sa pagiging isang weapon smith o sa paggawa ng iba’t ibang sandata kaya hindi tayo mahihirapan sa paghahanap dahil pwede tayong magtanong ng nakatira sa Darya.” Tumango-tango si Lina sa sinabi ni Misty.


“Ikaw Misty, hindi mo ba pupuntahan ang mga magulang mo? Nandito tayo sa lugar niyo ngayon.”


“Hindi na muna siguro Dahlia, nakikita ko naman sila lagi kapag walang pasok.”


“Sige lalagyan ko lang itong inuminan ko doon sa may batis.” Paalam ni Misty.


“Mag-iingat ka.”


Nang makaalis ito tinitigan ko sila dahil panay ang senyas nila sa akin.


“Ano ka ba Skye sundan mo na.”


I mouthed ‘Thank you’ to them at mabilis na sinundan si Misty.


“Misty!” Tawag ko dito kaya agad itong lumingon.


“Bakit?”


“Ano…gusto ko lang humingi ng tawad dahil sa nangyari kagabi.”


“Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Skye wala ka namang ginawang masama. Ako ang nag-assume okay?”


“Pero hindi ka-


“Hayaan na lang natin ang nangyari kagabi, balik na tayo sa kanila tutal nakapagpahinga naman na ang lahat.” Nauna itong maglakad kaya wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.


Hindi na naman niya ako pinatapos magsalita. Hindi pa ba halata na may nararamdaman ako para sa kaniya?

______________________________________

It's the time of TEAM MisKye to shine (Don't know if bagay yung combination ng names 🥴)

Enjoy reading!

Lovelots 💛

Continue Reading

You'll Also Like

142K 4.5K 34
MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESSES (BOOK 2) Enchant World: Zanaira has discovered who she is. Jade Yzada Slytherin is her name. A demigod who h...
11.2K 263 40
Anong gagawin mo kung ang buong akala mo ay simpleng tao ka lang na nabubuhay sa mundo pero hindi pala? Meet Claire Santos, a teenage girl who grew u...
300K 40.2K 20
လက်တွေ့ဘဝနှင့် နီးစပ်ချင်ယောင်ဆောင်ခြင်း
256K 7.8K 39
MGA MISTERYOSONG BABAE NA NAGTATAGO BILANG MGA NERDS.... ANG MGA MAYAYABANG NA CAMPUS KING... POSIBLE KAYANG MAGING LOVE ANG WAR SA PAGITAN NILA? TUK...