HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

370M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 61

3M 83.2K 30.2K
By maxinejiji

MAX'S POV

"Ang bigat." yan na lang ang nasabi ko dahil nagulat ako ng biglang matumba sa akin si Deib at mapayakap sa akin. "Deib." tawag ko pa sa kanya.

"Deib. Dre anong nangyari sa iyo?"

"Deib? Naririnig mo ba ako? Tulungan mo ako." sabi ko pa kay Tob.

"Akin na." sabi ni Tob na kinuha ang isang kamay ni Deib at iniakbay sa kanya.

Sakto namang lumapit na sila Migz, Naih, Michiko at BJ.

"Tulungan na kita Tob." sabi ni Migz na kinuha naman ang isang kamay ni Deib at iniakbay rin sa kanya.

"Deib. Deib?" pilit na ginigising siya ni Tob pero mukhang nawalan na talaga siya nang malay.

"Tob, kaya mo ba siyang buhatin?" tanong ko sa kanya.

"Tulungan mo ako Migz."

"Sige."

Tumulong si BJ para maipasan ni Tob si Deib, nakaalalay naman silang dalawa ni Migz sa likod ni Deib.

"Tara dalhin natin siya sa ospital." sabi ko na nanguna pa sa paglalakad.

"Ano ba kasing nangyari?" nag-aalalang tanong ni Michiko.

"Mamaya na natin pag-usapan Michiko, mahalagang madala muna natin si Deib sa ospital. " sabi naman ni Naih na sumabay na rin sakin sa paglalakad.

Nung makita kami nung mga nurse sa Emergency Room ay saka sila humila ng stretcher at doon tulong tulong naming inihiga si Deib.

Tumingin muna uli ako mula sa E.R. hanggang sa pinanggalingan namin at nakita kong hindi nga kami kita mula doon dahil madilim talaga at may mga puno pang nakaharang. Bukod doon ay may kausap rin yung sekyu ng E.R. habang nagsusulat sa log book glass ang pinto ng E.R. kaya malamang ay hindi nila kami maririnig.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng marinig kong magsalita ang Doktor.

"What happened here?" si Dok.

Agad akong lumapit sa kanya at tumabi sa Nurse.

"Masyado yata siyang nabugbog Dok."

"Check the Vital Signs nurse."

"Yes Doc."

"Deib? Deib?" pilit pa ring panggigising ni Tob sa kanya.

"Nasaan si Lee?" tanong ko kay Tob habang pinapanood ko ang ginagawa ng Nurse kay Deib.

"Pinauwi namin siya ng maaga, pinauna namin dahil hindi maganda ang pakiramdam niya at masakin ang ulo niya." halata pa rin sa tono niya ang pag-aalala.

"May number ka ba ng kahit na sinong relative niya? Tawagan mo ang Mommy niya." sabi ko kay Tob.

"Nakaalis na ang Mommy niya. Si Dein na lang."

Napatingin pa ako sa kanya at nakita ko siyang nagdial at bahagyang lumayo. May kalakasan kasi ang pager ng E.R. kaya maingay ng kaunti.

Hindi ko na siya tinignan at tumingin na lang ako kay Deib.

"Students doon na muna kayo sa banda roon." sabi nung Doktor kila Naih, at sumunod naman sila, umupo sila sa bench na malapit sa may main door ng E.R. Kita ko rin sa mga mukha nila ang takot at pag-aalala. "Nakita mo ba kung anong ginawa sa kanya?" tanong sa akin ng Doktor.

"Hindi po, bugbog na siya nung madatnan ko, yung kaibigan niya po ang makakapagpaliwanag, tinawagan lang ang relative niya Doc." sabi ko habang nakatingin pa sa sinusulat niya.

"What's the Vital Signs?" baling nung Doktor sa Nurse, tinitignan ko pa rin ang ginagawa nila.

"Stable Doc."

"Check for response."

"Yes Doc."

'Kailangan ba talagang paisa-isa ang check na gagawin nila?'

"May neck injury po ba siya sa tingin niyo?" tanong sa akin ng Nurse, tumingin naman ako kay Tob na sumenyas pa sa akin.

"Hindi ko kasi naabutan yung nangyari, hintayin na muna natin siya." sabi ko na nakaturo pa kay Tob na sakto namang lumapit sa akin.

"Yes Nurse?" baling ni Tob sa Nurse.

"May neck injury po ba siya?"

"Bakit ako ang tinatanong niyo? Hindi dapat kayo ang makakaalam noon?" halatang inis na tanong ni Deib sa Nurse.

"Ina-assume po naming meron, pero tinatanong po namin kayo in case alam niyo po'ng meron. "

"Hindi ko alam. Nabugbog siya masyado, hindi ko alam kung anu-anong tama ang meron siya."

"Okay po Sir."

Nagkatinginan pa kami ni Tob, kita ko talaga sa mga mata nya ang pag-aalala.

"Doon na lang po muna kayo sa banda roon." sabi ng Nurse samin at inihilera niya na na si Deib sa isang side at sinara ang ibang curtain, nanatili naman kami ni Tob na nakasilip.

"Anong sabi nung tinawagan mo?"

"On duty daw siya, papunta na siya dito."

Hindi ko na siya sinagot, tinignan ko na lang si Deib. Iniangat ng Nurse ang ulo niya ng bahagya at saka ibinuka ang bibig niya.

Maya maya pa ay naririnig ko ang paghabol ni Tob sa hininga niya, kaya bumaling ako sa kanya.

"Okay ka lang?" alalang tanong ko sa kanya.

"Okay lang ako. Si Deib ang inaalala ko, baka napano siya."

"Parang nahihirapan kang huminga e."

"Ganito ako kapag kinakabahan, natatakot ako para kay Deib, hindi ko nakita ang nangyari sa kanya e."

Hindi ko siya sinagot, tinignan ko lang siya at kitang kita ko ang pag-angat ng dibdib niya, halatang nahihirapan siyang huminga. Hinawakan ko siya sa braso at iniupo sa stretcher sa tabi ni Deib.

"Anong ginagawa---"

"Nurse, pakiasikaso rin siya."

"Yes Ma'am."

Nagkatinginan lang kami at saka siya nilapitan ng Nurse.

"Ano po'ng nararamdaman niyo Sir?"

"Nahihirapan po akong huminga Nurse."

Hindi ko na siya pinansin at tumingin ulit ako kung anong ginagawa nung Nurse at Doktor kay Deib.

'Bakit ba parang puro check lang ang ginagawa nila? Hindi man lang ba nila sasalpakan ng oxygen? Baka kung anong mangyari diyan.'

Tumingin ako sa oras at nakita kong 10:00pm na. Tumingin muna ako kay Tob at nakita kong binibigyan na siya ng first aid nung Nurse saka ako lumapit kila Michiko.

"Umuwi na muna kayo. Late na." sabi ko sa kanila.

"E pano sila--"

"Nasa ospital na sila. Hindi naman nila sila pababayaan Michiko."

"Nasaan na si Tob?"

"Binibigyan na rin siya ng first aid."

"Nag-aalala ako." naiiyak na sabi niya, inalalayan naman siya ni Migz at BJ.

"Sige na Michiko, tama si Max umuwi na muna kayong tatlo. Dito na muna kami, baka kasi hanapin na kayo sa inyo e."

"Oo nga e. Pero kasi nag-aalala ako talaga."

"The, nandito naman na sila sa ospital. Nandito rin naman si Max at Naih. Kailangan na nating umuwi, parepareho tayong malalagot sa parents natin."

"S-Sige." naiiyak na sabi ni Michiko.

"Tatawagan na lang kita kung anong magiging balita." si Naih.

"Promise yan ah?"

"Mmm. Sige na, mag-ingat kayo."

"Sige."

Tinignan pa muna namin sila hanggang sa makaalis sila, at saka ako tumabi kay Naih.

"Anong nangyari ba?"

"Hindi ko alam, nakita ko na lang silang binubugbog nung dalawang yun."

"Bakit nila binubugbog yang dalawang yan? Sino ba yung mga yun?"

"Mga taga-Luna yun Naih. Kilala ko sila sa mukha, at base sa mga iniasta nila ay kilala rin nila ako."

"Paano?"

"Paano ko sila nakilala o paano nila ako nakilala?"

"Pareho."

"Alam mo naman kung ano ako noon hindi ba?"

"Oo nga, pero matagal ka nang hindi pumupunta sa Luna. At anong kinalaman nila Deib sa kanila?"

"Hindi ko alam, tulad ng sabi ko naabutan ko na binugbugbog na sila nung dalawa. Hindi ko alam kung paanong nag-umpisa."

"Tsk. Ano bang pinasok nang dalawang yan!" inis na sabi ni Naih. Pero alam kong nag-aalala rin siya.

Kung makikita mo lang kasi yung dalawang lalaking nambugbog sa kanila ay mga mukhang totoy pero halatang mga sanggano, mga hindi takot at talagang nananakit ng tao.

Tumayo ulit ako para tignan yung dalawa.

"Doc? Ano na hong nangyari?"

"Binigyan na namin siya ng first aid. Stable na siya. Lilinisin na lang namin ang mga sugat niya."

"Sige ho."

Tinanguan niya lang ako at umalis na siya, naiwan yung Nurse kay Deib na nililinis ang sugat niya. Saka naman ako bumaling kay Tob na nakahiga na rin, ginagamot na rin ang mga galos niya.

"Pinauwi ko na sila Michiko." sabi ko sa kanya.

"Pwede niyo na rin kaming iwanan, masyado na namin kayong naabala. Salamat nga pala Max." nakangiting sabi niya.

"Wala yun." sabi ko na nakatingin pa sa ginagawa nung Nurse sa kanya. "Anong reason bakit siya nagcollapse Nurse?"

"Ahh, sabi po kasi ni Sir ay masyado daw po sigurong nabugbog. Naubos po siguro ang lakas niya."

"I see. Kailan siya magigising?"

"Kailangan niya po ng rest para makapagpahinga, kapag bumalik na po ang lakas niya baka mayamaya lang po ay magising na siya."

"Nagamot mo na ba ang lahat ng sugat niya?"

"Opo Ma'am."

"Thank you. E yung sa kanya?" turo ko kay Tob.

"Nagamot na rin po Ma'am."

"Ang paghinga niya?"

"Nahihirapan lang po siyang huminga pero sabi niya po ay okay na daw po siya." sabi ng Nurse na tumingin pa kay Tob na nakikinig rin sa amin.

"Salamat Nurse."

"Yes Ma'am, if there's anything more you need, nandoon po ang station ko. "

"Thank you." sabi ko na inihatid pa siya ng tingin. "Tob."

"M-Mmm?"

"Dadating naman na ang Ate niya hindi ba?"

"Oo, baka nga on the way na yun tinapos niya lang daw ang opeation."

"I see. Sabihin mo sa kanya ay i-confine kayo."

"Ha?"

"Mmm, para safe na rin." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Salamat talaga Max."

"Wala yun."

"Pero bumilib ako sa iyo doon. Hehehe. Ako ngang lalaki ay takot na takot, pero ikaw maski bahid ng takot ay wala akong makita sa iyo."

Hindi ko agad siya sinagot at saka ko siya nginitian.

"Tob, akina ang susi ng kotse niyo, ilalock ko." biglang singit ni Naih.

"Ay oo nga pala, please lang Naih. Okay lang?"

"Oo naman. Sige lang."

At iniabot sa kanya ni Tob ang susi niya, tumayo naman siya at kinuha sa belt ni Deib yung susi ng kanya.

"Here. Salamat ah?"

"Sige. Max, punta muna ako don."

"Mag-ingat ka."

"Wag mo naman akong takutin." halatang takot na sabi niya.

"Magsabi ka doon sa guard na yun na tanawin ka mula dito."

"Sige sige."

"Thanks Naih."

"Sige." sabi niya pa at saka tumalikod sa amin at umalis.

"Wala ka bang idea kung bakit nila ginawa sa inyo yan?" seryosong tanong ko.

"Wala talaga, hindi namin sila kilala. Nagulat na nga lang kami ni Deib kanina nung bigla silang sumulpot at talagang si Deib ang target nila." seryosong kwento niya. "Ang totoo niyan ay tatlo sila nung una. Ewan ko kung bakit biglang nawala yun isa, ang sabi niya pa nga sa dalawang yun ay sila na daw ang bahala samin."

"Tatlo sila?"

"Oo. Alam mo, kinabahan talaga ko nun! Kasi pakiramdam ko, nung sinabi nyang 'kayo na bahala dyan..' pakiramdam ko, tatapusin na kami e."

Napatingin naman ako kay Deib na parang natutulog lang.

'Ano naman kayang kalokohan ang nagawa mo?'

"Pero Max. Salamat talaga doon, kung hindi dumating, baka patay na kami ngayon---"

"Hindi nila kayang gawin yun. "

"Ha?"

"Mmm. Hindi magagawa nung mga yun ang pumatay."

"Paano mo naman nasiguro?"

"Tss, yung nga lang tutukan ka e hindi pa magawang i-steady yung kamay niya. Sila mismo ay natatakot sa ginagawa nila, kaya hindi nila magagawa yun."

"Ganon ba yun?"

"Mmm. Ganon yun." nakangiting sabi ko sa kanya.

Maya maya lang ay..

"Where's Patient Enrile?" sigaw nang isang pamilyar na boses.

"Bed 18 Doktora." sabi nung Nurse.

Hindi ko siya nilingon, ramdam ko namang papalapit na siya. Tumayo si Tob at lumabas sa kurtina.

"Dein."

"Tob!----What happened to you? Where's Deib?"

"Biglang may bumugbog sa amin diyan sa parking lot---"

"What?"

"Oo, buti na nga lang at dumating si Max. Kung hindi baka napaano na kami."

Natahimik sila pareho bigla. Hindi pa ako lumilingon sa kanya pero ramdam ko ng nakatingin siya sa akin. Kaya naman dahan dahan akong lumingon sa kanya.

"We meet again." seryosong sabi ko. Pero hindi niya ako pinansin at dumerecho siya kay Deib.

"Pagpasensyahan mo na." bulong sa akin ni Tob at nginitian ko naman siya.

Nagbuntong-hininga lang ako at saka tumingin kay Tob, sakto namang dating ni Naih.

"So paano Tob? Mauuna na kami? Balitaan mo na lang kami bukas." nakangitig sabi ko sa kanya.

"Oo sige. Salamat talaga ng marami Max, kung hindi ka dumating, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Namin."

"Wala yun."

Tumingin pa ako kay Deib, pero hindi ko na tinignan ang Ate niya na isa-isang tinitignan yata ang sugat niya at inulit ang pagchecheck-upsa kapatid niya.

"Mauna na kami Tob." paalam ni Naih.

"Thanks a lot Naih."

"Wala yun."

"Ingat kayo, salamat talaga."

"Sige sige."

"Mauna na kami." nilakasan ko ng bahagya para mapatingin ang Ate ni Deib pero hindi rin siya tumingin kaya naman naglakad na kami ni Naih papalabas ng E.R.

"Grabe. Kelan daw magigising si Deib?" tanong ni Naih habang naglalakad na kami papunta sa motor namin.

"Kapag bumalik daw ang lakas niya."

"Ahh, siguro naman mamaya ay okay na siya?"

"Siguro."

"Grabe, hambog kasi ang king ina e! Ayan tuloy! Alam niya ba kung gaano kadelikado ang ugali ng mga taga-Luna? Tuleg ba siya?!"

Nung makasakay kami sa motor namin syempre hindi na kami nag-usap. Sabay rin kaming nagdadrive sa road. Trip lang.

Bahay.

Umupo agad ako sa sofa at ipinatong ang dalawa kong paa sa lamesa.

"Hindi pa tayo nagdidinner Max."

'Oo nga pala.'

Nakaramdam naman ako ng hiya sa kanya dahil pakiramdam ko ako ang naging dahilan kung bakit pinaghintay ko pa siya.

"Akina. A-Ako na lang ang maglulu----"

"Nagbibiro ka ba? Haha. Ako na, sige na. Pero okay lang bang hotdog at itlog na lang muna ulamin natin? Yun lang kasi madaling lutuin e."

"Okay lang, kahit nga itlog lang e." nakangiting sabi ko.

"Sige sige, dyan ka lang maglu--"

"Samahan na kita."

"Oh baket?" natatawang tanong ko.

"Sumusobra naman yata bait mo 'tong araw na 'to?"

"Hahahaha! Hindi naman."

"Psh! Nung umaga ay yung pagliligtas mo kay Michiko, nung hapon ay yung pagpayag mo kila Migz na sumama sa practice natin para maturuan mo sila. Nung gabi ay yung pagtulong mo kay Deib. Ngayon e pati pagluluto inaako mo na? Anong nakain mo?"

"Tss. Minsan ko lang gawin 'to!" kunyaring naiinis na sabi ko. "Akin na nga yung uniform mo, ipapalaudry ko na lang muna diyan sa tapat."

"Ay shet!"

"Bakit?" takang-tanong ko.

"Bukas nga pala naka-uniform na tayo!"

"Oo nga, ipapalaundry ko na nga di ba?"

"Tsk! Nakakainis! Hindi ako kumportable sa uniform na yan e. Maiksi."

"Ikaw lang ba?"

"Tsk."

"Sige na dadalin ko na muna 'to sa laundry shop. Kasi baka hindi matuyo kung tayo ang maglalaba. Magluto ka na diyan."

"Sige sige."

At saka ako lumabas. Nagsindi ako ng yosi at saka ako naglakad papalapit sa laundry shop.

"Kailan ang pick-up Max?" nakangiting tanong sa akin ni Boy, yung baklang bantay sa Laundry Shop.

"Bukas rin ng 6am."

"Bongga naman sa aga!"

"Dadalawang pirasong pares lang naman yan! Kahit ngayon nga ay kaya mong tapusin yan."

"Oo na oo na. Wag mo ng pick-upin, ako na lang maghahatid sa inyo."

"Nice, thanks! Ayusin mo ah? First time naming mag-uuniform bukas."

"Talaga?"

"Mmm."

"Taray hehehe! Sige sige, asikasuhin ko na ngayon, para bukas plancha nalang."

"Sige, eto bayad oh.."

"Salamat."

"Thanks rin."

Inubos ko pa muna ang yosi ko sa labas ng bahay. Umupo ako doon at saka tumingala sa langit, nakita kong nagkikinangan ang mga bituin.

'Thank you God.'

Nakangiting sabi ko.

Maya maya pa ay pumasok na ako sa loob.

"Naih."

"Oh? Eto tapos na, tara kain na tayo."

"Napapaisip ako e."

"Ano yun?"

"Pucha, kaya mong magmotor ng ganoon kaiksi yung suot natin?"

"H-Ha? Oo naman! Kakayanin."

"Tsk, parang ang laswa natin."

"Edi magpants na lang muna tayo?"

"Ang baduy naman yata nun?"

"Sanay naman tayong magsuot ng baduy. Kesa masilipan tayo?"

"Sige sige."

Maya maya pa ay nag-umpisa na kaming kumain.

"Alam mo curious talaga ako kung bakit ginanon ng mga taga-Luna yun sila Deib e. Bakit nga pala wala si Lee?"

"Pinauwi daw nila ng maaga kasi hindi daw maganda ang pakiramdam at masakit ang ulo. "

"Ahh, sabagay dadaladalawa yun."

"Tatlo nga daw nung una, pero yung naabutan ko dalawa nalang."

"Tatlo? Hala! Kaya pala ganoon ang ichura ni Deib?"

"Mmm."

"Alam mo napansin ko mas bugbog si Deib kesa kay Tob. Si Tob wala gaanong galos e."

"Kaya nga kinukutuban ako e."

"Ano?"

"Baka si Deib lang talaga ang target nila."

"Hala!"

"At kung nagkataong walang kasama si Deib, mas lugi siya. Lalo na at sabi nga ni Tob ay tatlo daw sila."

Hindi siya sumagot agad. Maya maya pa bago siya dumaldal ulit.

"Siguro naman this time titigilan niyo na talaga ang isa't isa?"

"Hindi naman na kami nag-aaway ah?"

"Oo nga, pero kasi kapag nagkikita kayo parang awkward pa rin tignan e."

"Sa iyo lang yun."

"Pero sa tingin mo Max? Tatanawin kayang utang-na-loob ni Deib yon?"

"Mmmm hindi na siguro kaialngan."

"Anak ng.. ang weird mo talaga."

"Si Deib ang weird. hehehe!"

"Tsk, king ina kasi ni Sensui e. Ang gwapo naman, inuuna ang yabang. Baka may nagawa siya sa mga yun?"

"Baka, hindi natin masasabi."

"Hays life! O siya bilisan mo na diyan mag-aaral pa tayo at matutulog nang maaga."

Natapos naming kumain ay tumambay na muna kami sa may study area namin at nagbasa.

"Pinansin ka nung Ate ni Deib?"

"Hindi." maikling sagot ko.

"Anu ba yun? Hindi man lang talaga nagthank you?"

"Hindi naman mababago ng thank you nya yung mga bangas sa mukha ng kapatid niya. "

"Hahaha! Loko! Pero paano nga kaya yun? Hindi kaya pumangit si Deib dahil may sugat na siya sa mukha?"

"Mmm, hindi naman siguro."

"Paano mo nasabi?"

"Nandito tayo para mag-aral ha? Hindi para magdaldalan!" pag-iiba ko sa usapan.

"Okay okay hehe."

At ganoon nga ang ginawa namin, binilisan namin ang pagkain at saka kami nag-aral. Matapos nun ay saka na kami natulog.

Continue Reading

You'll Also Like

67.8K 885 47
Would you like to risk all of you for your love one sake? "I am willing to risk everything than to miss the good thing" -Mandy 'Till death do us p...
3.4M 94.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
96.5K 6K 38
"Jungkook, bakit mahal pa rin kita?" Book 2 of Noona
4.9M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...