BORDER
[Xena]
Natigilan sa mga ginagawa nila ang mga taong kasama ko sa silid. Pati na rin ang grupong umatake sa amin ay pare-parehong natigilan.
Hindi na nagawang makasagot o magpakita man lang ng reaksyon ang lalaking kaharap ko. Tuluyan ng nagbago ang buong katawan niya. Nagsilabasan ang itim na balahibo sa kanyang katawan at unti-unti siyang lumiit.
I turned him into a crow. He can neither speak nor show emotions.
"Nine!" pagtawag ng isa sa mga kasama ng lalaking kaharap ko.
Nang marinig ko ang boses niya ay parang nagising din ako sa realidad at nawala ang dilim na nakapalibot sa akin kanina.
Sunod-sunod na nagsilapitan sa kaniya ang mga kasama niya.
"Anong ginawa mo?!" inis at hindi makapaniwalang sambit ng isang lalaki.
Walang kaemo-emosyon lamang akong tumingin sa kanila at muli kong tinapunan ng tingin ang lalaking ginawa kong uwak.
By the time that you'll turn back to normal. I've already destroyed the Grimoire of Astria.
"We're done here. Let's go," walang gana kong sambit.
Nauna akong lumabas kaysa sa mga kasama ko na nabigla at naguguluhan din sa nangyari. Pero kahit hindi rin sila makapaniwala, ay mabilis silang natauhan at sumunod sa akin.
"U-Uhm. Thank you Xena," biglaang sambit ni Tana, na mabilis na sumulpot sa gilid ko.
Isang tango ang sinagot ko sa kaniya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Kahit bakas sa mga mukha ng mga kasama ko na gusto nilang magtanong ay nanatili lamang silang tahimik.
Nagpalitan lang sila ng mga nangungusap na mga tingin, pero walang naglakas loob na magsalita.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa border ng Kanyes. Lumagpas kami sa border at bumungad sa amin ang nagtataasang mga puno na para bang walang katapusan. Hindi tumatama ang mga bunga at dahon nila sa isa't isa.
Ang mga natatapakan namin ay ang malalaki nilang ugat na gumagapang sa haba.
Dito kami dadaan mula ngayon hanggang sa makarating kami sa susunod na bayan.
Naging tahimik ang paglalakad namin pero hindi rin nagtagal ay may bumasag sa katahimikan.
"I can't fucking take this," biglaang sambit ni Zairah.
Natigilan kami sa paglalakad at napunta ang lahat ng tingin at atensyon namin sa kaniya. Nang lingunin ko ito ay matalim siyang nakatingin sa akin.
"Ano? Magbubulag-bulagan lang ba tayo?" muling sambit ni Zairah.
Itinaas nito ang hintuturo niya at itinuro niya ito sa akin.
"That girl just freaking turned a Disciple into a crow!"
She gave me a look of disbelief. Malalim akong napabuntong-hininga sa sinabi niya habang nanatiling nakinig sina Raze at Lei. Sa kabilang banda ay bakas ang kaba sa mukha ni Tana.
"Who are you, Xena?" mariin na tanong ni Zairah. "Where are you from? Where did you learned those spells? Just who are you?"
Nagtama ang mga tingin namin—hindi kaagad ako sumagot. Tuluyan akong humarap sa kaniya at hinabol ang mga tingin niya. Balak ko na sanang magsalita nang may nauna sa akin.
"Come on Zairah, this is not the time. Hindi na tayo aabot sa Frencide sa tamang oras kung mag-aakasaya pa tayo ng panahon dito," sambit ni Lei.
"And what's with the fucking question? She's a witch, just like us. Natural na may mga alam siyang spells," dagdag ni Raze.
Napaismid sa sinabi nila si Zairah. "Like hell an ordinary witch knows a spell that can turn a human into a crow," giit niya.
Muli ako nitong matalim na tinignan. "Be honest with us, Xena. I don't want to travel with someone who can't trust me. Sino ka ba talaga? Anong plano mo sa Grimoire ni Astria?" muling aniya.
"Hey Zairah-" Pagpigil ni Lei. Ngunit hindi nakinig ang babaeng kaharap ko.
"I'm telling you this. I'm only helping you because of my dept. But I have no intention of letting you have the Grimoire."
I can feel her emotions in every word she said. There's a hint of anger, curiosity, and even fear in her voice.
"Be honest. Are you a member of the council?"
Nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi niya. Hindi lamang ako, pati na rin ang mga kasama namin. Kahit alam kong hindi ako pinagdududahan nina Raze at Lei ay inabangan din nila ang magiging sagot ko.
Saktong pagbuka ng bibig ko ay pare-pareho kaming natigilan. Alam kong naramdaman naming 'yon lahat. May ibang nandito maliban sa amin.
"Tsk. Hindi pa tayo gaanong nakalalayo sa border ng Kanyes," inis na sambit ni Zairah.
"S-Sinundan kaya nila tayo?" nag-aalalang dagdag ni Tana.
Naging alerto kami at pinakiramdaman ang paligid. Humampas ang hangin at sumabay ang paggalaw ng mga puno.
Habang inililibot ko ang tingin ko ay napako ang tingin ko sa isang puno. Pati na rin ang mga kasama ko ay napunta ang tingin dito.
There they are.
"Fot-" Balak na sambit ni Raze.
Ngunit hindi na niya ito naituloy nang lumabas ang nagtatago sa likod ng puno.
"Huwag! Wag, pakiusap! Hindi namin sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ninyo!" halos maiyak na sambit ng isang babae.
Magkadikit ang dalawang palad niya nang lumabas sa pagkakatago sa puno, paulit-ulit siyang yumuko.
Nabigla ako nang makita ang itsura nito pati na rin ang batang lalaking kasama niya.
Kahit marumi ang mga suot nila ay kapansin-pansin ang mapuputi nilang balat. Kahit ang kilay at buhok nila ay puti rin. Ang mahahaba nilang tenga ang nakapagsabi sa amin kung ano sila.
They're elves.
"P-Pakiusap.... Dumaan lang kami ng kapatid ko. Ibibigay ko na sa inyo ang mga perang dala ko. Huwag niyo lang po kaming sasaktan," muling sambit ng elf na kaharap namin. Lumuhod ito sa amin at nagmamakaawa.
Parang binibiyak ang puso ko habang tinitignan itong nagmamakaawa. Mabilis na lumapit dito si Lei at pinatayo ito.
"H-Hey it's okay. We're sorry if we scared you."
Kahit natatakot ang elf ay mabilis nitong sinunod si Lei at tumayo ito. Doon ko lang napansin na puno siya ng galos.
"Saan nanggaling 'yang mga sugat mo?" tanong ni Raze.
Natigilan sa sinabi ni Raze ang elf na para bang binuhusan ito ng malamig na tubig. Mabilis niyang tinakpan ang mga sugat niya at pilit na ngumiti sa amin.
"A-Ah. Galing lang po ako sa trabaho." Pilit na ngiting sambit ng elf sa amin. Lumapit sa kaniya ang kapatid niya at mahigpit na humawak sa damit niya.
Napaismid si Zairah. "Anong klaseng trabaho ang meron ka? Praktisan ng spells?" sarkastikong sambit niya.
Imbis na sumagot ay pilit na tumawa ang elf sa sinabi ni Zairah at napaiwas ng tingin, dahilan ng pagtahimik namin. Natauhan kami sa inakto nito.
"W-Wait what? Totoo 'yon?!" hindi makapaniwalang sambit ni Zairah.
Muling nagpakita ng pilit na ngiti ang elf na kaharap namin. "Iyon lang ang makukuhang trabaho namin. Maging isang taga-practice ng mga witches sa mga bagong spells nila."
Hindi ko nagawang makasagot kaagad sa sinabi niya. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
"Why would you let them do that? Elves were good at magics. Bakit hinahayaan ninyong ganunin kayo?" walang kaemo-emosyong sambit ko.
Hindi nito magawang makatingin sa akin sa akin nang deretso. Nagdadalawang-isip din kung sasagutin niya ba ako o hindi.
"Para sa kapayapaan ng magkaibang nilalang.... Kapag lumaban kami ay kami rin ang matatalo. Wala kaming laban sa council. Wala kaming laban sa spells na gawa ni Astria," inosenteng sagot nito sa akin.
Parang may matinis na tunog na dumaan sa tenga ko at para akong nabingi, sa parehong pagkakataon ay para akong naubusan ng hangin para makahinga. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko at mabilis akong yumuko.
"The answer to your question," biglaang sambit ko.
Nanatili akong nakayuko at lahat ng tingin ng mga kasama ko ay napunta sa akin. Mariin ang pag-igting ng bagang ko habang nakatingin sa lupa.
Tinatak ko sa isipan ko ang itsura at mga salitang binitawan ng nilalang na kaharap ko ngayon.
Hinding-hindi... ko sila pababayaan.
"There's no way I'm a part of the council. I will rather die," walang kaemo-emosyong sambit ko.
"You asked who I am. You'll know it soon."