Damn Good Friends (Hide Serie...

By aseener

4.6K 564 11

HIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang m... More

Damn Good Friends
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 18

71 12 0
By aseener

Kabanata 18

[Sige na ibababa ko na, mag iingat ka diyan, I miss you.]

"Hmmm. I miss you too," mahinang sabi ko bago pinutol ang tawag.

It's been a months simula ng dumating ako dito. Kahit papaano ay nakakapag adjust na ako hindi katulad dati na umiiyak ako sa gabi dahil na ho-home sick ako. First time kong mahiwalay sa pamilya ko at kahit kasama si lola, hindi ako sanay na wala sila.

Napangiti ako ng bahagya ng maalala ang pag uusap namin ni Vio. Hindi siya nakasama sa akin dahil sa importanteng bagay, kahit duda ay hindi ko na inungkat pa. Malaki ang tiwala ko sa kaniya, at saka araw-araw kaming nag uusap kaya naman hindi ko na inalala pa 'yon.

Pagkababa ng sasakyan ay tiningala ko ang university na ilang buwan ko na ding pinapasukan. Ellington University, hindi nga ako nagkamali dahil bukod sa napakarangya ng university nito ay maganda din ang pagtuturo ng mga Professor wala kang malalait.

"Aubrielle! Come here!"

Nilingon ko 'yon at saka mahigpit na niyakap ang mga libro na dala bago lumapit. Nang makalapit ay bumeso ako sa kaniya.

"Saan ka? dito ka muna."

Saglit kong tinignan ang oras at mabilis na tumango ng makitang may kalahating oras pa ako bago magsimula ang first subject. Hinatak ako ni Millicent sa isang bench at saka siya nag simulang mag kwento. Hindi siya nag aaral dito pero lagi siyang nandito dahil may sinusundan daw siya, kaedaran ko lang siya. Noong una ay naiilang ako sa kaniya dahil hindi naman kami magkakilala basta noong nalaman niya na Pilipino ako ay bigla niya na lang akong hinila at sinabi na mag kaibigan na kami, hindi nag tagal ay gumaan na rin ang loob ko sa kaniya.

Hindi siya katulad ng ibang mga babae sa University na 'to. Medyo weird siya dahil lagi siyang naka hood at mask. Paborito ko ang magkaibang kulay niyang mga mata, aksidente ko lang yon na nakita hindi ko alam kung bakit niya 'yon pinapatungan ng contact lens pero hindi ko na itinanong dahil mukang pribado ang dahilan dahil na rin sinabi niya na huwag kong ipagsasabi.

Habang nakatambay ay binigyan niya ako ng kung ano-anong mga candy na galing sa bulsa ng hood niya. Natawa pa ako ng makitang may gummy bear din siyang dala, napaka weird niya talaga. Mabilis na lumipas ang mga oras kaya nagpaalam na ako sa kaniya at kailangan ko ng pumasok.

"Marga!"

Hindi ko pinansin ang tumawag na 'yon at saka dumiretso sa seat ko. Pero talagang makulit siya dahil tumabi pa talaga 'to sakin.

Inangat ko ang mga kamay sa muka niya ng akmang magsasalita ito. "Don't talk to me, makakaalis ka na," masungit na sabi ko.

"Grabe! Lagi ka na lang galit sa'kin!"
reklamo niya.

Totoo ang sinasabi niya, hindi ko siya gusto dahil sa dalawang bagay. Una, siya ang humalik sa'kin noong party ni Vio ang walang hiyang 'yon ay siya.
Pangalawa, naiinis ako sa presensiya lalo na kapag tinatawag niya ako sa pangalawang pangalan ko na si Vio lang ang gumagawa.

"Marga hoy! Mangongopya—"

"Puwede ba Smut? Lumayo-layo ka sakin baka hindi ako makapag pigil masapak kita," inis kong sabi sa kaniya habang nilalabas ang mga gamit ko.

"Ang harsh mo sa'kin! Tsk! Tomboy ka talaga," ismid niya bago umalis.

Bumuntong hininga ako tahimik na nagpasalamat dahil sa pag-alis niya. Lagi niyang sinasabi na tomboy ako dahil lang hindi ako nagagwapuhan sa kaniya. Well gwapo siya pero hindi ko 'yon aaminin sa kaniya dahil na pakahambog niya.

Nagsimula ng maayos ang klase at nagpasalamat ako ng hindi na ako guluhin ni Smut marahil wala din siya sa mood. Napansin ko 'yon kanina noong lumapit siya pero dahil hindi naman kami close hindi na ako nag tanong. Three subjects lang ang mayroon ako ngayong araw kaya maaga akong nakauwi sa bahay.

Pagdating ay agad kong hinanap si Lola, pero wala daw ito at umalis para mag pahangin ayon sa mayordoma. Umakyat na lang ako sa aking silid at nag linis ng sarili. Pagkahiga ay kinuha ko ang aking Ipad at saka binuksan nangamusta ako kila Mommy na agad nitong sinagot.

Nangiti ako ng makitang active now si Vio, agad ko siyang tinawagan pero kunot noo lang ako ng hindi niya 'yon sinagot. Nag chat ako sa kaniya at nakitang delivered 'yon it means online siya. Pinilig ko na lang ang aking ulo, siguro ay naiwan niyang bukas.

Saglit pa akong nag scroll sa newsfeed ko bago tamarin at nag pasya na lamang na umidlip. Gabi na ng magising ako at nagpasyang bumaba. Sigurado na nandiyan na si Lola.

Bumaba ako at nagtungo sa sala nakita kong nakatayo si lola doon, nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa malaking bintana. Napansin ko ang telepono na nasa tainga niya kaya dahan-dahan lang ang ginawa kong paglalakad upang hindi makagawa ng ingay upang maistorbo siya.

"Jesus Kalix! Are you out of your mind? Hindi mo kailangan gawin ang bagay na 'yon! Marami pang ibang paraan."

Natigil ako ng marinig ang pangalan ni Daddy, siya ba ang kausap ni Lola? Bakit mukang may pinagtatalunan sila? Nagkibit balikat na lang ako at saka naupo sa sofa ng tahimik.

"Bakit ba ayaw mong tanggapin ang tulong ko? Tapos pati anak mo! Nababaliw ka na ba talaga?"

Muling nakuha non ang atensyon ko lalo na ng sumigaw si lola at napahilot sa sintido niya na parang hindi niya kayang tanggapin ang sinasabi ng kausap niya.

"No Kalix and that's final! Wag—" nahinto si Lola sa pagsasalita ng lumingon ito sa pwesto ko, bumuntong hininga siya sakay may sinabi kay daddy na hindi ko narinig, siguro ay nag paalam dahil pagkatapos non ay pinatay niya na rin ang tawag.

Nang makalapit at tumabi siya sa'kin ay binaba ko ang dyaryo na hawak at saka yumakap sa baywang niya.

"Lola.. si daddy po ba 'yon?" tanong ko na tinanguan niya.

"Bakit po? May problema po ba sa bahay? Sa kumpanya?" tanong ko at tiningala siya habang ang baba ko ay nasa balikat niya.

"Wag mo ng isipin 'yon kaya ng daddy mo 'yon. Halika na at kumain na tayo," pag iwas niya sa tanong ko bago ako inaya sa dining.

Malaki ang dining table na kakasya ang labindalawang tao, pero nakakalungkot dahil kaming dalawa lang ni Lola ang palaging kumakain dito. Minsan ay dumadalaw ang mga pinsan ko at dito natutulog pero madalas ay kami lang talaga. 

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Matatapos na ako sa 1st year sa medical school ilang linggo na lang. Maaari na rin akong makauwi at mayroon akong 2 months para mag stay sa Pilipinas na labis na ikinatutuwa ko. Wala akong pinagsabihan dahil gusto ko silang isurprise kahit si Lola ay sinabihan ko na wag sasabihin kila daddy.

"Uuwi ka na talaga? Gusto kong sumama pero ayoko siyang makita," sabi ni Milli habang kumakain kami sa isang sikat na restaurant.

"2 months lang naman ako doon magkikita pa tayo," paliwanag ko

"Sana nga, sana nga makita pa kita," bulong niya na hindi ko narinig.

Bumuntong hininga ako at saka kinuha ang dalawang kamay niya.

"Milli, siya pa rin ba?" diretsong tanong ko.

"Syempre, alam mo kung gaano ako kabaliw sa kaniya pero kailangan kong tanggapin na hindi siya ganoon sa akin," malungkot siyang ngumiti.

"Kayo ba? Nung kaibigan mo 'kuno' sinabi mo ba na uuwi ka?" tanong niya.

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Isu-surprise ko sila, susurprise ko siya."

"Ganoon ba? Well good luck basta sabihin mo sa'kin kung kailan ang alis mo para maihatid kita," sabi niya

"Oo naman," sabi ko at saka tumayo sa upuan ko at niyakap siya.

Mainit at sariwang hangin na may kasamang usok ang sumalubong sa akin pagkalabas ng Airport. Nilingon ko ang paligid at tumingin sa mga katulad ko na kakauwi lang sa pilipinas at sinasalubong ng mga kani-kanilang pamilya.

"Namimiss ko na sila..." ani ko sa sarili.

Nag abang ako ng taxi at agad na sumakay ng may huminto sa harap ko. Habang nasa biyahe ay binuksan ko ang cellphone ko. Sinigurado ko na nandoon sa bahay sila daddy at mommy. Sila Vio naman ay may pasok ngayon kaya mamaya ko na lang siya pupuntahan pagkatapos ko mag pahinga.

"Salamat po, keep the change," sambit ko sa taxi driver na malaki ang ngiti sa sinabi ko.

Tinulungan niya ako na ibaba ang mga maleta ko ng makaalis siya ay tiningala ko ang bahay namin. Grabe namiss ko talaga dito. Nag doorbell ako at ilang saglit pa ay pinagbuksan ako ni Manang Aida, gulat pa ito ng makita ako pero sinenyasan ko lang siya na manahimik at wag gumawa ng ingay.

Kinuha niya ang mga bagahe ko kaya naman dire-diretso akong pumasok sa bahay pero natigilan ako ng walang makitang tao doon. Nilingon ko si Manang Aida sa may likuran ko at nagtanong.

"Manang sila Mommy po?"

"Ah eh kaaalis lang nung dumating ka nagmamadali kaya hindi na ako nakapagtanong," paliwanag nito.

"Ganoon po ba? Sige po, pakisunod na lang po 'yong mga gamit ko sa taas," habilin ko bago umakyat.

Nang makarating sa kwarto ay binagsak ko ang sarili sa kama. Kahit wala ako ay malinis pa rin 'yon siguro ay araw-araw pinapalinisan ni Mommy. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may text doon. Binuksan ko ang inbox ko at ang conversation namin ni Vio. Huminga lamang ako ng malalim ng makitang noong isang araw pa ang huli naming usap, at nagmamadali pa siya noon.

Simula noong umalis ako para mag-aral sa ibang bansa ay pansin ko ang pagbabago kay Vio. Noong mga naunang buwan ay okay pa kami pero hindi na sa mga sumunod. Lagi siyang online pero pag tumatawag ako hindi siya sumasagot. Kapag nagtatanong ako kung kamusta ang araw niya ay tanging 'okay lang' ang sagot niya.

Nagtataka rin ako kila Charls at Asenna dahil kapag nagtatanong ako about kay Vio ay nililihis nila ang usapan. Ayokong mag duda at mag isip ng masama. Magkakaibigan kami.

Tama magkaibigan kaya wala akong karapatan na mag demand kay Vio.

Hindi ko na namalayan na nakaidlip ako dahil sa malalim na pag iisip. Nagising ako ng madilim na sa labas, naligo ako at nag ayos ng sarili. Pagkalabas ng silid ay sinalubong ka agad ako ng sigawan mula sa ibaba.
Nagtataka man ay mabilis akong bumaba.

"Nababaliw ka na talaga! Sinabihan ka na ni Mama! Pero ano 'tong ginagawa mo? Napaka selfish mo!" sigaw ni Mommy na ikinatigil ko.

Nanatili ako sa may gitna ng hagdan dahil sa pag uusap nila o tamang sabihin sa pag aaway nila.

"Selfish? Naririnig mo ba ang sarili mo ha Nadia? Ayoko pero wala akong magagawa! Para rin sa kanila ito," mahinahon pero may inis na sabi ni daddy.

"Kalix ipapakasal mo si Aubry para sa kumpanya! Sa pera! Anong klase kang ama?" sigaw ni Mommy habang umiiyak.

Para akong binuhusan ng yelo sa narinig. Heto rin ba ang pinag uusapan ni daddy at saka ni lola?

"Please lang Nadia, intindihin mo naman ako. Kapag bumagsak ang kumpanya saan na lang tayo pupulutin? Kay Aubrielle wala tayong problema dahil si Mama ang nag papaaral sa kaniya. Pero kay Audrey? High school pa lang ang anak natin. Saan tayo kukuha ng pera para sa pag aaral niya?" problemadong sabi ni daddy at napahilamos sa muka.

Nanghihinang napaupo si Mommy sa sofa at saka yumuko at doon umiyak.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari at naririnig.

"Pero si Aubry Kalix... ano na lang ang mararamdaman niya kapag nalaman niya 'to?" mahinang tanong ni Mommy.

Suminghap ako at saka tumingala pinunasan ko ng kamay ang mga luhang kumalawa mula sa'kin. Bakit ba nangyayari ito, hindi ko man lang nalaman noong una pa lang.

"Si Luhence! Kalix! Si Luhence! Kakausapin ko si Clarisse at baka pumayag siya na ikasal ang dalawa," nabuhayan na sagot ni Mommy at akmang lalapit sa may telepono ng pigilan siya ni daddy.

"Wag na....."

"Anong 'wag na! Matalik na magkaibigan silang dalawa kaya siya na lang! Para naman makabawas sa sakit na mararamdaman ng anak natin Kalix! Tumabi ka diyan," mahinang tinabig ni Mommy si daddy.

Para lang akong nanunuod ng sine habang nakatingin sa kanila. Gustuhin ko man magsalita at gumalaw ay hindi ko magawa. Parang hindi sa'kin ang katawan ko at hindi ko 'yon mapasunod.

"Kalix tumabi ka!" muling sigaw ni Mommy.

Bumuntong hininga ako at tumikhim baka dahil doon ay bumalik ang boses ko. Mabagal kong hinakbang ang hagdanan pababa para lang akong nakalutang sa mga oras na 'yon. Wala akong maramdaman.

"Maghahanap tayo ng iba," sabi ni daddy na ikinatigil ko. Ilang hakbang na lang ang makakababa na ako.

"Bakit? Pero si luhence..."

"Kinausap ko siya kanina pero tinaggihan niya ang alok ko," sambit ni daddy na muling ikinatumba ni mommy paupo.

Kahit ako ay parang bomba lang 'yon na biglang sumabog sa pandinig ko. Tinanggihan niya? Bakit kahit alam ko naman ay masakit pa din? Magkaibigan lang kami kaya malabong pumayag siya na maikasal sa'kin.

"Hindi niya daw kayang maikasal sa ganoong paraan," pagpapatuloy ni daddy na ikinahikbi ni Mommy.

"My poor baby. Kalix... si Aubry," usal ni mommy habang umiiyak. Tinabihan siya ni daddy at niyakap.

"Hahanap ako. 'Wag kang mag alala kahit na ganito ang desisyon ko gusto ko pa rin maging masaya ang anak ko."

Namalayan ko na lang ang muling pagbagsak ng luha ko at ang pagtakip ko sa bibig upang hindi makagawa ng ingay ang pag-iyak ko.

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

72.4K 1.9K 42
Meet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali...
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
6.6K 429 83
He's smart, that's why starting a new business is easy for Aki. And as a manager and business owner too, he can manage everything. Napapatakbo niya i...
420K 22.1K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.