Damn Good Friends (Hide Serie...

By aseener

4.6K 564 11

HIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang m... More

Damn Good Friends
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 15

78 16 0
By aseener

Kabanata 15

Bumilis ang mga araw at finals na namin. Maaga akong pumasok para makapag last minute review. Kumuha ako ng pencil sa pouch ko at saka iyon ang ginawang pang ipit. Para hindi ako maistorbo sa mga buhok na lumalaglag kapag yumuyuko ako. Nakapag review naman ako pero ayoko pa din mag pa chill lang, baka mamaya ay makalimutan ko ang nireview ko patay na. Kaunti pa lang din ang mga kasama kong kaklase na katulad ko ay subsob sa pag rereview.

"Aga mo ah."

Napaangat ako ng tingin ng may magsalita sa gilid ko, saglit akong nagulat pero ngumiti din kay Harvey.

"Oh puppy! buti nakapasok ka?" tanong ko.

"Oo naman, gusto ko pa namang grumaduate," natatawang sabi nito gayundin ako.

Saglit pa kaming nag usap at saka nag pasyang ituloy ang pag rereview. Isang linggo din kasi siyang nawala kaya akala ko ay hindi siya aabot sa finals at hahabol na lang pero nakakatuwa naman na talagang nakasabay siya sa amin.

Lumipas ang oras at dumating na si Prof Carlos, siya ang magbibigay ng finals sa amin. Mas dobleng kaba dahil ang sabi ay isa ito sa mga terror na prof. One seat apart ang nangyari pagkabigay ng test papers ay agad na tumahimik ang lahat.

Nilagdaan ko muna ang mga dapat lagdaan bago nag simula mag sagot. Napangiti ako ng makita don ang mga nireview ko. Habang nasa kalagitnaan ng exam ay napansin ko ang nasa unahan ko na nakikipag bato-bato pick sa kaharap niya. May nakita akong gunting, papel at bato. Napailing na lang ako dahil sa oras pa talaga sila ng exam naglaro.

Nang mag paalam si Prof Carlos na lalabas lang saglit ay umingay ang aming room. Nandoon ang may nagtatanungan ng sagot kaya medyo nadistract ako. Napalingon ako sa kanan ko at nakitang seryoso lang doon si Vio habang nag sasagot may time na kinakagat niya ang kaniyang pen, naging mannerism niya na talaga 'yon kapag seryoso. Sa kaliwa ko naman ay si Puppy na busyng busy sa pag sagot parang wala siyang kasama at gulat pa ako ng saglit niya lang binabasa ang tanong pagkatapos ay may sagot na siya. Nandadaya ba siya? Sana naman hindi.

Bumalik lang ako sa pagsasagot, nang pumasok na ulit si Prof. Tuloy-tuloy ang pagsasagot ko dahil nareview ko 'yon pero halos maiyak ako sa dulo ng hindi ko maalala ang sagot sa mga tanong doon. Matagal ko 'yong tinitigan na para bang bigla na lang mag hahigh light ang tamang sagot.

"Five minutes."

Mas lalo akong kinabahan ng magsalita si Prof. Oh God lima pa ang hindi ko nasasagutan at hindi ko talaga alam ang sagot doon. Nagtatayuan na ang mga kaklase ko para mag pasa ganoon din si Harvey sa gilid ko. Napatingin ako sa labas at nakita doon sila Asenna at Charls na kumakaway at sinasabi ang 'fighting'. Napalingon ako kay Vio ng mapansin na nakatingin ito sa akin. Tinignan ko ang exam papers niya at nakataob na 'yon. Bat hindi pa siya tumayo? tapos na yata siya. Natingin ako sa muka niya ng may pagtataka pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Ang yabang mong siraulo ka.

"Two minutes."

Bumuntong hininga ako at nagsimula na ulit magbasa. At sa awa ng diyos ay natapos ko 'yon sa saktong oras. Nang makalabas si Prof ay dali dali kong binuksan ang aklat ko at hinanap doon ang topic na hindi ko masagutan kanina. Oh my god! May mali akong dalawa. Bagsak ang balikat na lumabas ako ng room, sinalubong agad ako nila Charls.

"Oh bakit ganiyan ang muka mo?" tanong ni Charls.

"May mali akong sagot," simpleng sagot ko. Naramdaman ko ang pagtabi sa'kin ni Vio at paghawak sa bewang ko.

"Ayos lang yan, hindi ka naman mamamatay sa 2 maling sagot," sabi ni Asenna habang kinukutkot ang kuko niya.

"Kahit na, buti pa kayo mabilis na ka tapos," sabi ko.

"Mabilis lang kaming natapos pero meron din kaming hindi alam na tanong doon no! Tara na! gosh gusto kong mag salon sobrang na stress talaga ako!" pag iinarte ni Charls at saka nag patiunang maglakad.

"Okay lang yan," sabi ni Vio na sinimangutan ko lang.

"Palibhasa mukang alam na alam mo 'yong mga tanong," saad ko.

"Well ano pa nga ba," pagyayabang niya at kumindat.

"Wow ang yabang mong gago ka! Tara na nga!" pag aaya ko sa kaniya at saka naunang maglakad tatawa-tawa lang siyang sumunod.

Kinaumagahan ay mabilis akong nag ayos ng sarili dahil ngayon ilalabas ang result ng finals namin at base doon kung makakagraduate kami.

"Mukang nagmamadali ka ah?" sabi ni daddy ng makasalubong ko sa pagbaba.

Bumati ako at bumeso sa kaniya. Simula noong gabi na nakita ni daddy
kami ni Vio sa labas ng bahay ay nahihiya na ako sa kaniya. Nakapag usap naman kami non at sinabi ko na gusto ko nga si Vio pero hindi kami at noong tinanong niya ko tungkol kay Vio ay hindi ko na lang sinagot dahil kahit ako ay hindi ko alam.

"Opo dad ngayon lalabas ang result ng finals namin."

"Oo nga pala, sige mag iingat ka."

"Yes dad!" sigaw ko at tumakbo na patungo kay Kuya Arthur.

"Aubrielle! Best!" napalingon ako ng may tumawag sakin pagkababa ko ng sasakyan, ngumiti ako ng makitang si Asenna 'yon kumaway ako pabalik at saka siya nilapitan.

"My god, kinakabahan ako," sabi niya.

"Parehas lang tayo!" saad ko at saka kami saglit na nagkatinginan at sabay na natawa.

Mabilis ang lakad namin papuntang bulletin board madaming tao doon pero purong kaklase lang namin dahil magkakaibang araw ang labas ng result ng bawat course. Mula sa malayo ay nakita ko na agad si Vio nakatingin lang siya sa board. Nang makita ako ng kaibigan niya ay siniko siya nito kaya napatingin siya sa akin. Umalis siya doon at saka sinalubong ako.

Kinabahan ako ng makitang malungkot ang muka niya. Oh my god! Don't tell me hindi siya nakapasa? Masasapak ko siya ng bongga. Nang makalapit ay nag paalam na sakin si Asenna upang tignan ang result pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at nag aalalang hinarap si Vio. Malungkot siyang ngumiti sa akin.

"Vio...."

"Okay lang ako, ganoon talaga," mahinang usal niya.

Oh my god!

Hinila ko siya at mahigpit na niyakap, hinaplos-haplos ko ang likod niya.

"May ibang time pa naman, puwede ka pang mag take ng panibagong exam," sabi ko habang nakayakap sa kaniya. Lumayo siya at saka ako tinitigan, inilingan niya lang ako.

"Pero Vio..."

"Sige na pumunta ka na doon," sabi niya at minuwestra ang bulletin board.

Bumuntong hininga ako at saka nagpaalam sa kaniya saglit. Nakisingit ako sa siksikan upang makita ang resulta ng exam ko. Ewan ko kung bakit parang bumaba ang stamina ko dahil hindi siya nakapasa. Kung kailangan ko siyang hintayin makapasa gagawin ko, hindi ko siya iiwan.

Mabilis na hinanap ng mata ko ang pangalan ko ng hindi yon makita ay inangat ko ito at tinignan ang pangalawang page. Nang makita ko ang pangalan ko ay sinundan ko yon ng hintuturo at saglit na napapikit bago dumilat at tignan ang resulta. Halos mapatalon ako sa tuwa ng makita iyon.

Mondragon, Aubrielle Margarette - Passed

Oh my god! Yes! Thank you lord!

Nakangiti kong inalis ang tingin ko doon at tinignan ang result para sa mga boys. Kahit alam ko naman ang resulta ng kaniya ay gusto ko pa rin makita. Hinanap ko ang surname niya at gusto ko siyang murahin ng sampung boses ng makita ang resulta.

Sperbund, Luhence Vio - Passed

Nilingon ko ang pwesto ni Vio at gusto kong batuhin siya ng sapatos ng makita ang itsura niya. Nakatayo siya habang ngingisi-ngisi at tinataas pa ang kaniyang kilay. Gago naisahan niya ako doon ah! Mabilis ko siyang pinuntahan at agad binatukan.

"Gago ka! Akala ko talaga!"

"Ako pa ba? Matalino yata ako!" pag mamayabang niya at nagtawanan na lang kami.

Gumaan ang pakiramdam ko ng makitang nagbibiro lang siya, kahit pinag tripan niya ako ay okay lang atleast nakapasa siya.

"Oh my god guys! Nakapasa tayo!" tili ni Charls habang papalapit sa amin kasama si Asenna.

Natawa lang ako sa kaniya at gulat ako ng salubungin niya ako ng yakap. Halos masakal ako sa higpit noon. Kung hindi lang may humili sa kaniya papalayo.

"Hoy bakla! 'Wag mo nga siyang yakapin!" inis na sabi ni Vio na ikinapula ko.

"Nako talaga nga naman! Napakaseloso mo Mr.Sperbund!" sabi ni Charls na ikinatawa na lang namin.


"Congratulation students! Sana, ay maging maayos ang landas na inyong tatahakin, at sana ay 'wag niyong kalimutan ang mga naituro namin sa inyo, hindi ko na 'to papahabain at,alam kong sabik na ang iba sa inyong mag celebrate. Congratulations to our future Doctors!" Nagpalakpakan kami ng matapos ang speech ng Dean. Ilang pictorial at batian pa ang naganap.

"Congratulation baby! I'm so proud of you," naiiyak na sabi ni Mommy at sinalubong ako ng yakap kasama si Dad. Si Audrey ay nakaupo lang habang busy sa phone niya parang walang graduation na nangyayari sa harapan niya.

"Thanks Mom, Dad," yakap ko sa kanilang dalawa.

"Congratulation Ms.Valedictorian," nangiti ako ng makita si Puppy.

Yumakap siya sa akin na agad kong ginantihan "Thank you, Congratulation din sa'yo Puppy," ganti ko.

"Tsk puwedeng magbatian ng hindi magkayap," natatawang humiwalay ako kay Harvey ng marinig si Vio sa likuran ko. Nagpaalam agad si Harvey ng may lumapit sa kaniyang student at mag papicture.

"Congratulation babe," sabi ni Vio at yumakap

"Congratulation baby kong damulag," saad ko at gumanti ng yakap. Humiwalay siya sa akin at namula ako ng mag abot siya ng bulaklak hindi ko iyon napansin kanina.

"For you," sabi niya at saka ko iyon nakangiting inabot.

"Thanks, nag abala ka pa. Papogi ka rin e no?" pang iinis ko sa kaniya na dinilaan lang niya at saka ako inakbayan.

"Kaloka! Pati ba naman dito nag lalandian!"

Nangiti ako ng sumulpot si Charls at Asenna, nakipag batian ako sa kanilang dalawa at yumakap.
Nakakatuwa naman at sabay-sabay kaming grumaduate.

"Picture tayo!" aya ni Asenna na agad kong sinang ayunan.

Nagdikit-dikit kaming apat si Vio ay nasa kanan ko at sa kaliwa si Asenna na katabi si Charls. Nakakailang kuha pa lang kami ng makita namin si Harvey.

"Harvey! Here! Picture tayo dali!" pag aaya ni Asenna dito. Nakangiti itong lumapit na ikinasimangot ni Vio lalo na ng papwestuhin ito ni Asenna sa tabi ko.

Siniko ko lang si Vio at sinabihan na umayos. Masayang natapos ang graduation namin sa university. Magkakasama pa rin kami sa parking at hindi na matapos ang daldalan na para bang huli nanaming pagkikita.

"Oh, kamay sa gitna," sabi ni Asenna.

Nag gawa kami ng bilog at naunang nilagay ni Asenna ang kamay niya na pinatungan ni Charls, sumunod si Vio, ako at si Harvey. Hindi pa nakakatagal ng hugutin ni Vio ang kamay niya at saka isiksik ko 'yon sa pagitan ng kamay namin ni Harvey. Natawa na lang kami doon. Isip bata talaga.

"Gayahin niyo ako ah?" sabi ni Asenna na tinanguan lang namin.

"Para sa bagong simula, Good luck Future Doctors!" sigaw niya.

"Para sa bagong simula! Good luck Future Doctors!" sigaw namin at sabay-sabay na nagtaas ng kamay at nagtawanan.

Thanks God, para sa patuloy na pag gabay sa'min. Pangako hindi ka namin bibiguin. Maraming salamat.

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

72.4K 1.9K 42
Meet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali...
1.8K 137 35
Heaven Andrada, a woman who's been known as a dead. Akala ng lahat ay nawala na ito pero hindi nila alam na nagtatago lang ito sa isang malayong luga...
1.1K 62 14
SHORT STORY Jhonna Levesque is a highschool student in St. Monica High School and the running valedictorian for their batch. Simula ng pumasok ito sa...
420K 22.1K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.