No Strings Attached

By Coutpotaytou

30.9K 1K 161

GxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021 More

No Strings Attached
Note
NSA: 1
NSA: 2
NSA: 3
NSA: 4
NSA: 5
NSA: 6
NSA: 7
NSA: 8
NSA: 10
NSA: 11
NSA: 12
NSA: 13
NSA: 14
NSA: 15
NSA: 16
NSA: 17
NSA: 18
NSA: 19
NSA: 20
NSA: 21
NSA: 22
NSA: 23
NSA: 24
NSA: 25
NSA: 26
NSA: 27
NSA: 28
NSA: 29
NSA: 30
NSA: 31
NSA: 32
NSA: 33
NSA: 34
NSA: 35
NSA: 36
Epilogue
Note

NSA: 9

717 25 23
By Coutpotaytou

Pagkabalik ko sa room nila Aki ay balik sa normal ang mga estudyante sa loob.

Parang walang nangyaring pagpapahiya kay Aki.

"Huwag niyong kakalimutan ang pinapagawa ko, dapat may mai-present kayo sa'kin sa Wednesday. Class dismissed." Sabi ko at kinuha na agad ang gamit ko.

Kailangan kong lumayo sa mga bata na 'to bago ako may magawang 'di maganda sa kanila.

Nang may maalala ako ay huminto ako sa tapat ng pintuan at humarap ulit sa kanila. "By the way, Ms. Peterson. Sumama ka pala sa'kin."

"Can I bring someone with me, Ma'am?" She asked.

"Suit yourself." Sabi ko at lumabas na. Kasunod ko naman si Aki at Hexane.

Pagkapasok namin sa van ay nandoon pa rin si Cat.

"Are you okay, Aki?" Nag-aalalang tanong ko.

"I'm fine, Ate. Alam ko namang hindi totoo mga sinasabi nila." Sabi niya at ngumiti sa'kin. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Don't worry, Ate will gonna make them stop. Okay?" Naramdaman ko namang tumango siya bilang sagot sa sinabi ko.

Kahit naman kasi hindi niya aminin ay alam kong may epekto pa rin sa kaniya ang mga sinasabi ng mga kaklase niya.

Baby namin siya tapos kung magsalita sila sa kaniya gano'n na lang.

Parang ayaw ko na ituloy 'to at gusto ko na lang ipa-salvage ang mga kaklase niya kasama ang buong angkan nila.

"Ate, stop thinking bad things." May pagbabantang sabi niya.

"I'm not." Pagtanggi ko. Sa isip na nga lang, nahuli pa.

"Babalik na kami sa klase. See you later, Ate Cat,  Ate Iniko." Paalam nilang dalawa.

"Fighting, girls!" Pag-che-cheer pa ni Cat sa kanila bago sila umalis.

"Huwag ka na masyadong mag-alala, strong kaya ang mga kapatid natin. Mana sa atin ang mga 'yon e'." Napangiti na lang ako sa sinabi niya at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Wednesday

"So, all of you are telling me that you can't present anything to me right now?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ang tatamad naman ng mga batang 'to!

Sina Aki, alam kong may gawa sila pero hindi ko alam kung bakit ayaw nila mag-present.

"Sorry po, Ma'am. Wala po kasi kaming time mag-interview kahapon." Paliwanag ng isang babae. Nag-agree naman ang iba pang  mga estudyante sa kaniya.

"Naglokohan lang pala tayo rito no'ng Monday! Sana sinabi niyo agad, binigyan ko pa kayo ng oras para mapag-usapan ang activity niyo na 'yan." Inis na sabi ko. Hindi naman sila nakasagot.

Tatanda ako ng maaga dahil sa mga estudyante na 'to.

"Dapat sa Friday pa 'to pero ngayon ko na lang gagawin. May ibibigay akong scenario, kahit sinong member niyo ang pwedeng sumagot. Left, Middle and Right ang magiging magkaka-group." Paliwanag ko. Nahahati kasi sa tatlo ang pwesto ng mga upuan nila.

Mabuti naman at walang umangal. Talagang mapipitik ko na sila isa-isa.

"Here's the scenario; Nag-dr-drive ka nang nalaman mong nawalan ka ng preno. May mababangga kang matandang babae, teenager at sanggol. Sino sa kanilang tatlo ang babanggain niyo at hahayaang mamatay? Sino ang ililigtas niyo? At bakit?"

"Walang maling sagot at pwedeng mag-try ang group niyo ng kahit ilang beses pero dapat ibang member." Pagkapaliwanag ko ng mangyayari ay naging mga bubuyog na sila.

Okay lang na mag-ingay sila basta ayusin nila mga sagot nila mamaya.

"Yes, middle team?" Pag-acknowledged ko sa babaeng nagtaas ng kamay.

"Isa lang po ba ang mamamatay?" Tanong niya.

"Dalawa."

"Ang ililigtas ko po ang sanggol." Sagot niya.

"Bakit?" Sabi ko habang nakangiti.

"U-Uhm... Kasi po ano, mamamatay na rin naman po ang matanda."

"Pa'no naman ang teenager? Mamamatay na rin ba siya?"

"H-Hindi naman po... Pwede po bang ako na lang ang isang mamamatay o kaya ibabangga na lang sa pader?" Nag-aalangang sabi niya. Patay tayo d'yan.

"Hindi pwede, dapat may mamamatay na dalawa at hindi ikaw ang isa. Isa lang din ang pwede mong iligtas." Sabi ko at uminom sa tumbler ko. Natutuyo ang lalamunan ko dahil puro ako salita ngayon. Ang sakit pala sa lalamunan maging gan'to.

"Ang matanda at teenager po ang babanggain ko." Maya-maya'y pasya niya.

"Gan'to na lang, bakit ang sanggol ang ililigtas mo?"

"Kasi po bata pa siya, wala naman siyang kasalanan. Na-enjoy naman na no'ng matanda ang mundo tapos nakita na rin no'ng teenager ang mundo kahit papa'no. Turn naman ng baby na maranasan ang mangarap." Hindi ako satisfied sa sagot niya pero pwede na.

"May iduduktong ka pa?"

"Wala na po."

"Okay, next. By the way, class. Ilagay niyo pala sa 1/4 ang mga pangalan ng ka-group niyo tapos lagyan niyo ng tanda ang mga sumagot niyong ka-group."

Next naman na nagtaas ng kamay ay si Robert the pervert.

"Go ahead, left team." Sabi ko.

"Ma'am Iniko, ang ililigtas po namin ay ang sanggol din." Confident na sabi niya. As expected, laging baby ang inililigtas.

"Bakit?"

"Kasi po kung ikukumpara sa matanda at teenager, mas mahaba pa ang magiging buhay ng sanggol. Kung ibabase po natin sa statistics, mas malaki po ang probability na mamatay rin agad ang matanda at mabuhay ng matagal ang baby." Paliwanag niya. Gan'yan ang gusto ko, kahit walang concrete evidence dahil hindi ka naman talaga sigurado kung kailan ka mamamatay ay may mahahanap at mahahanap kang stats about do'n.

"That's impressive." Sabi ko. May utak naman pala, hindi nga lang ginagamit sa ayos.

"How about Right team?" Baling ko sa team nina Aki. Tumahimik naman ang lahat at nakatingin lang sa team nila. Mga nag-iiwas naman ng tingin ang mga kagrupo nina Aki.

"How about you, Ms. President?" Pagtawag ko sa atensyon ng kapatid ko. Show me what you got.

Wala naman siyang nagawa at tumayo na para sumagot.

"Kung makakapagligtas ka ng dalawa at may isa ka lang na mababangga. Sino sila at bakit?" Tanong ko. Nabasa ko naman ang pagkabigla sa mukha niya pero naitago niya rin iyon agad.

"Ililigtas ko po ang matanda at teenager." Seryosong sabi niya. Napangiti naman ako sa sagot niya, ito ang gusto ko sa kapatid ko. May sarili siyang pananaw sa mga bagay-bagay.

Hindi naman napigilang maging bubuyog ng ibang mga estudyante dahil sa sinabi niya.

"Silence!" Saway ko at hinampas pa ang lamesa. Matagal ko nang gustong masubukan 'yon. Masaya pala.

"Please, continue."

"Kasi po ang matanda, pwedeng may mga bagay pa siyang hindi napapagsisihan na ginawa niya dati. Ang teenager naman, alam naman natin na kapag teenager ka pwedeng exposed at pwede ring nae-exposed ka palang sa mga masasamang bagay, paano pa niya matatama ang mga mali niya kung patay na siya?" Mahabang paliwanag niya.

"Bakit naman ang baby ang papatayin mo? Ayaw mo ba sa bata?"

"Hindi naman po sa ayaw pero kaya siya ang napili kong mamatay kasi wala pa siyang nagagawang masama. Bakit mo gugustuhin na mabuhay ang baby na 'yon sa mapanghusgang mundong 'to?" Sagot niya.

"So, your whole point is about conscience. I see."

"Yes po and... Kaysa naman lumaki ang bata at lagi niyang maaalala na para mabuhay siya, may namatay na dalawang tao para sa kaniya. Iyon lang po." Huling dagdag niya. Uupo na sana siya pero may biglang pumasok na tanong sa isip ko. "Interesting way of thinking. Paano naman kung isa lang ang pwedeng maligtas?"

"Ako naman po ang sasagot, Ma'am Iniko." Sabi ni Hexane habang nakataas ang isang kamay.

"Okay, Ms. Redwood. What's your answer?" Baling ko sa kaniya.

"Ang bubuhayin ko po ang matanda tapos ang hindi ko ililigtas ang baby at teenager." Medyo nabigla ako sa sagot niya dahil mahilig si Hexane sa bata. Akala ko ang isasagot niya, baby ang ililigtas niya.

"Bakit?"

"Gaya po ng sabi ni Aki, ang baby. Wala pa siyang kasalanan na dapat niyang pagsisihan kaya okay lang na mamatay siya, ang teenager naman maaaring may nagawa na siyang kasalanan pero hindi pa malala at ayaw ko nang madagdagan niya pa 'yon, kaya isa rin siya sa hindi ko ililigtas. Ang matanda naman, same sa sagot ni Aki, pwedeng may mga kasalanan pa siyang gustong itama bago siya mamatay."

Pagkatapos sumagot ni Hexane ay may iba pang mga nagsubok.

"Good job, everyone! Kahit na sablay kayo sa pagpasa ng pinapagawa ko last meeting, satisfied naman ako sa mga naging sagot niyo. See you next meeting!" Masayang sabi ko. Ang refreshing din talaga makarinig ng mga bagong pananaw mula sa ibang tao.

Pagkalabas ko ng room ay dumiretso na ako sa van at naabutang walang tao do'n.

Siya nga pala ang next na magtuturo. Pagkaupo ko sa tapat ng monitor ay nag-inat pa ako. Nakakapagod magturo.

"Baby killer, omg. Balak siguro niyang magpalaglag."

Nagsalubong agad ang kilay ko dahil sa narinig.

Sinong nagsalita? Tanong ko sa isip ko at itinuon ang pansin sa monitor.

"I know right? Ang immoral mag-isip." Sabi ng isa sa tatlong babaeng lumapit kanila Aki noong isang araw.

"Hindi na ako mabibigla kung magpalaglag siya. Kababaeng tao, gano'n mag-isip."

Minsan talaga nakapandidilim ng paningin ang matatabil ang bibig.

"Pre, baka ipalaglag ni Akiko ang magiging anak niyo. Pa'no na ako magiging ninong niyan?" Sabi naman ng isang lalaki sa maniac.

"Huwag kang mag-alala, Pre. Kahit ilang beses pa siyang magpalaglag, aanakan ko lang ulit siya." Mayabang na tugon naman ng hayop. Napaka kapal ng mukha ng pangit na 'to. Kahit pinaggupitang kuko ng kapatid ko, hindi papayag magpabuntis sa kaniya.

Pangit na, pangit pa ugali. Ang sarap balibagin ng kutsilyo.

Malungkot na tumingin naman ako kanila Aki, tahimik lang silang nag-uusap na parang walang naririnig.

Kung pwede lang, matagal ko nang sinabi kay Kuya Alfred ang mga kaganapan dito para magawan na niya ng paraan kaya lang ay malalaman nina Mimi.

Mabilis naman na umayos ang mga hampaslupa nang dumating si Cat.

Teacher na teacher, ah?

May yakap kasing laptop at mga libro si Cat, ang cute pa niyang tignan sa salamin niya.

Kukuhanan ko sana siya ng picture nang may tumawag sa'kin. Huli na nang mabasa kong si Lilith pala ang tumawag sa'kin.

"H-Hello?" Kabadong sabi ko.

"Hi, Iniko." Malumanay na sabi niya. Holy crap, bakit ang sexy ng boses niya?

"Bakit napatawag ka?" Seryosong tanong ko. Hindi ako pwedeng ma-distract ng sexy voice niya.

"I'm just wondering if you would like to watch a movie with me but I'll understand if you're busy."

"No! Yes! I mean, no I'm not busy." Natatarantang sagot ko. Nice one, Iniko. Stupid self!

"So, that's a yes?" Masayang sabi niya.

I cleared up my throat first before answering. "Yup. When?"

"Are you free on Friday?"

"Friday? I'm sorry but I'm kinda busy that day." Hesitant na sabi ko.

"My bad, how about next week?"

"Yeah, sure. Next week will do. Just send me the details."

"Sure, see you!" She happily said.

"Okay, bye," I said calmly.

Woah, what was that?

Is watching a movie together is some sort of date? A friendly date, I guess?

Iniko, for fuck's sake. Kalimutan mo muna ang kalandian mo at mag-focus ka sa kapatid mo.

Bakit naman kasi siya biglang nagsasabi ng gano'n?! Hindi ako prepared, holy molly!

"Iniko, anong nangyari sa'yo?"

"Cat! Bakit nandito ka na?" Nabibiglang bulalas ko. Ang bilis naman yata niyang natapos magturo?

"Anong mabilis sa 2 hours? Pero huwag mo ngang ibahin ang usapan. Bakit tulala ka d'yan habang nakangiti mag-isa? Ang creepy." Pag-uusisa niya habang hinuhubad ang blazer niya.

Kunot noong tinignan ko naman ang cellphone ko.

Magdadalawang oras na pala ang nakalipas noong tumawag si Lilith. Nakakahiya, nakita pa ako ni Hecate na parang baliw dito.

"W-Wala naman, may nabasa lang akong meme."

"Sure ka? Para kang kinikilig na high school student kanina e'. Who's the unlucky guy?" Pang-uusisa niya pa at umupo sa tabi ko habang may hawak na coffee.

"FYI, kahit sinong lalaki magiging swerte kapag ako ang naging girlfriend. Ang ganda ko kaya!" Dipensa ko sabay hawi pa ng buhok ko na akala mong nasa commercial ng shampoo.

"Ang kapal talaga at pwede bang tumigil ka sa paggalaw ng buhok mo. Kapag nalagyan ng buhok mo ang coffee ko, may paglalagyan 'yang buhok mo sa'kin." Masungit na sabi niya.

Siya ang naunang mang-inis tapos siya pa ang may ganang magsungit? What the hell?

"Minsan hindi ko alam kung bakit tayo mag-best friend." Nakasimangot na sabi ko.

"Next time ka na mag-drama, nandito tayo para sa kapatid mo. Okay na ba ang mga na-gather natin?" Sabi niya habang may ginagawa sa laptop niya.

"Oo, sapat na. Sa Friday na natin gagawin." I said and gave her a sweet smile.

"I don't like the way you smile, Iniko. Don't overdo it." She said with a warning tone.

"I won't."

Note: The person you love has a disease and that person needs the medicine as soon as possible or else, she'll die. You have the money to buy that person's medicine but the doctor charges you higher than the original price. Nanakawin mo ba ang gamot para mailigtas ang asawa mo o hahayaan na lang siyang mamatay kaysa magnakaw ka? At bakit?

Kailan mo masasabi na mali ang ginawa ng isang tao?

Continue Reading

You'll Also Like

231K 9.3K 33
What will happen if you end up falling for the child you just took to be one of your children? What will happen if your wishes are granted? Will Rosa...
9.4K 446 19
Breeanna Allison Cleveland. Ang babaeng malamig pa kaysa sa tipak ng yelo sa North at South Pole, anak ng isang notorious mafia boss, ang babaeng ki...
Chained Rights By Riri

General Fiction

15K 1.5K 69
Story of Rivan & Clemmie. Happiness is a choice they say, but not for the couple who cannot baptize themselves in the ocean of happiness they stand...
37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...