Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)

By elyjindria

15.2M 450K 289K

(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside fro... More

note
Call Me Mayor
DISCLAIMER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
LAST CHAPTER
NEXT
published on PSICOM!

Chapter Sixteen

289K 10.2K 4.6K
By elyjindria

Simula ngayon dapat ko nang alamin kung hanggang saan ang limitasyon ko at subukang 'wag lumampas do'n.

Hindi ko puwedeng mahalin si Mayor, hindi ko siya puwedeng magustuhan, ni hindi ako puwedeng maging concern sa anak niya.

"Mama!"

Agad na tumakbo si Arkia papalapit sa 'kin saka ako niyakap nang magtungo ako sa dining room. Tipid na ngumiti na lang ako sa kaniya saka marahang hinaplos ang buhok niya.

Nakangiti ngayon si Arkia na para bang hindi siya umiyak kagabi, pero malakas ang pakiramdam ko na nagpapanggap lang siya sa mga ngiti niya ngayon. Nalulungkot pa rin siya, nagdaramdam pa rin siya pero hindi na lang niya ipinakikita ang kahinaan niya.

Napatingin ako kay Mayor nang makitang nakaupo siya habang nakatutok sa laptop niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya saka nagtungo sa ref para maghanap ng iluluto para kay Arkia.

Tahimik kaming tatlo sa dining room, wala akong balak magsalita hangga't nandito si Mayor. Ayoko na siyang kulitin, ayoko na siyang guluhin, ayoko na uling lumagpas sa limitasyon ko sa bahay na 'to.

Ipinaghain ko na si Arkia. Nagtimpla ako ng kape para sa sarili ko, ipinagtimpla ko na rin ng kape si Mayor pero hindi ko siya binati katulad ng palagi kong ginagawa. Basta na lang akong umupo sa tabi ni Arkia.

Nahalata kong natigilan si Arkia at napatingin sa 'min ni Mayor. Alam kong naguluhan at nagtaka siya kung bakit tahimik ako o kung bakit hindi ko kinulit si Mayor. Siguro dapat masanay na siya. Sasanayin ko na rin ang sarili ko na maging ganito hanggang sa matapos na ang dapat kong gawin dito.

"What do you want me to buy for you? It'll be my peace offering for not attending to your school's program," sabi ni Mayor habang nakatingin kay Arkia.

Ngumiti naman si Arkia sa kaniya bago sumagot. "Gusto ko po ng chocolates, pati si Mama po, bilhan mo," sabi ni Arkia saka yumakap sa braso ko.

"'Wag na, hindi naman ako mahilig sa chocolate," sabi ko na lang saka uminom ng kape.

"Mama, lahat naman po ng nakakain, kinakain mo po, e," sabi ni Arkia habang nakatitig sa 'kin.

"Hindi na, ikaw na lang." Uminom na lang uli ako ng kape saka napaiwas ng tingin sa kaniya.

"Okay lang po, Mama. Alam kong gusto mo po ng—"

"I won't buy anything for her if she doesn't want to," malamig na sabi ni Mayor saka sinara ang laptop niya at inilagay iyon sa itim na laptop bag niya. "I'll go ahead," sabi niya saka tumayo at binitbit ang bag niya.

Pasimple ko na lang siyang hinabol ng tingin hanggang sa makaalis siya. Napabuntonghininga ako at napahawak sa dibdib ko nang pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na siya.

Parang kahapon lang, kapag nakikita ko siya ay parang may kung anong mga bulaklak ang tumutubo sa puso ko. Nakakamangha lang na ang bilis nagbago n'on dahil lang sa masasakit na salitang sinabi niya kagabi.

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang mga 'yon, hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring naglalaro sa isip ko ang mga sinabi niya.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon—naiinis, nagagalit, naaawa sa sarili, at nahihiya. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko naging makapal ang mukha ko na basta na lang lumagpas sa boundaries ko. Bakit hindi ko nagawang itatak sa isip ko na hindi naman ako permanente rito? Bakit hindi ko nagawang itatak sa isip ko na hindi magkakagusto si Mayor sa tulad ko? Oo nga't may nangyari na sa 'min, pero lalaki din siya, malamang nagawa niya lang akong patulan nang gabing 'yon dahil parte 'yon ng pangangailangan niya bilang lalaki o kaya naman dahil naawa siya sa 'kin dahil masyado kong ipinahalata na desperada ako sa kaniya.

"Mama, I'm worried about you."

Natigilan ako nang hawakan ni Arkia ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya, parang may kung anong humaplos sa puso ko nang makita sa mga mata niya ang pag-aalala sa 'kin. Napangiti na lang ako at hinaplos ang pisngi niya.

"Okay lang naman ako, beh. 'Wag kang mag-alala," sabi ko na lang saka dinampian ng halik ang noo niya.

Hangga't nandito ako, ipararamdam ko kay Arkia ang pagmamahal ng isang ina kahit hindi ako ang tunay niyang nanay. Sa totoo lang ay natutunan ko na ring pahalagahan at mahalin ang batang 'to, hindi ko yata kakayanin kapag naiwan na naman siyang mag-isa kapag umalis na ako.

"Bakit hindi mo kinakausap si Papa? Saka bakit ayaw mo ng chocolate?" nakangusong tanong niya. Natawa na lang ako at kinurot ang ilong niya.

"Arkia."

Napatingin siya sa 'kin nang mapansing naging seryoso na ang boses ko. Napabuntonghininga ako at hinaplos ang buhok niya habang nakatitig sa kabuuan ng mukha niya.

"'Yung sa 'min ng papa mo, hindi na talaga natin puwedeng ipagpilitan. Hindi niya talaga ako gusto, hinding-hindi niya ako magugustuhan. Ang trabaho ko lang sa bahay na 'to ay maging nanay mo nang pansamantala, hindi na dapat ako maghangad ng kahit ano," sabi ko na lang saka mapait na ngumiti sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Papa likes you," tila siguradong sabi niya. Natatawang napailing na lang ako.

"Arkia, hindi na talaga natin puwedeng ipilit ang hindi puwede. 'Wag mo na akong paasahin sa ganyan, pinaasa ko rin ang sarili ko at wala namang magandang kinahinatnan 'yon," sabi ko na lang.

"No, I'm certain that Papa likes you too. I can see it," sabi niya saka napatungo.

Napangiti na lang ako at bahagyang ginulo ang buhok niya. Nanunuksong ngumiti na lang ako sa kaniya. "Ikaw, ha. Mukhang gusto mo na talaga akong maging mama mo, sabi na nga ba at mahuhulog ka rin sa charms ko, e," pang-aasar ko na lang sa kaniya para maalis na si Mayor sa usapan.

"Yes, I fell for your charms. Papa fell for your charms too. He just doesn't realize it yet. Please don't give up on him. He just thought that he's not capable of loving someone because he sees himself as a monster."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami, ngingiti ako sa sinabi niya at sasabihin sa kaniya na hindi ko susukuan si Mayor, pero ayaw ko na kasi talaga. Wala ng iba pang dahilan si Mayor kaya niya sinabi ang mga 'yon kagabi. Sinabi niya ang mga 'yon dahil hinding-hindi niya magugustuhan ang tulad ko.

"I want you to be my real mother. I don't want anyone, ikaw lang ang gusto kong maging mama ko," sabi ni Arkia habang nakatingin sa mga mata ko.

"Gusto rin naman kitang maging anak, kaso hindi puwede," sabi ko na lang saka mapait na ngumiti sa kaniya.

***

"Wrena!"

Napakunot ang noo ko habang nililibot ng tingin ang bahay nina Tita Celina. Binigyan kasi ako ng susi ni Wrena para daw puwede akong pumasok sa loob ng bahay kapag bumisita ako.

"Linggo naman ngayon, bakit wala si Wrena?" tanong ko na lang saka umupo sa sofa.

Gusto ko sanang makakuwentuhan si Wrena ngayong araw para gumaan naman ang loob ko kahit papa'no. Hindi ko naman ikukuwento sa kaniya ang totoong sitwasyon ko, gusto ko lang marinig ang mga kuwelang kuwento niya na minsan ay hindi totoo.

"Ayen! Bakit ka napadalaw?"

Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Aljen. Agad akong napangiti at sinugod siya ng yakap. Natawa naman siya saka binuhat ako at inikot-ikot.

"Kumusta ka, babe ko? Bakit naman ngayon ka lang nagpunta? Nangulila talaga ang puso ko dahil wala ka," pagdadrama niya habang nakahawak pa sa dibdib niya. Natawa na lang ako at hinampas ang braso niya.

"Sus, bakit naman mangungulila ang puso mo e nandito naman si Wrena?" tila nanunuksong sabi ko. Napangiwi naman siya sa sinabi ko.

"'Wag mo munang banggitin ang pangalan ng balahurang babaeng 'yon," sabi niya na lang saka napailing.

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Palagi niyang sinasabihan ng balahura si Wrena, pero iba yata ang dating ng pagkakasabi niya ngayon. May halong bitterness.

"Sus, kunwari pa kayong dalawa, e alam kong may something sa inyong dalawa ni Wrena," nanunuksong sabi ko na lang.

"Ano ka ba naman, Ayen? Alam mo namang napaka-loyal ko sa 'yo kahit si Mayor tanda ang pinili mo," napapailing na sabi niya na lang.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang mabanggit niya si Mayor. Nagpunta ako rito para kahit papa'no makatakas ang isip ko sa pag-iisip kay Mayor, pero mukhang imposible 'yon.

"Nasaan nga pala si Wrena? Bakit wala siya rito e Linggo naman ngayon?" nagtatakang tanong ko na lang para maiwas ang usapan tungkol kay Mayor. Napakibit-balikat naman siya.

"Ewan ko ba sa babaeng 'yon," sabi na lang niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text kay Wrena na nandito ako sa bahay nila. Napakunot na lang ang noo ko nang lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa rin siya nagre-reply. Ano naman kaya ang nangyari do'n?

"Ayen, ano'ng problema n'yo ni Mayor?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa 'kin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

Paano naman kaya niya nalaman na may problema sa 'min ni Mayor? Sobrang observant niya talaga.

"W-wala naman kaming problema, saka bakit kami magkakaproblema e secretary niya lang naman ako?" sabi ko na lang saka pilit na tumawa at hinampas ang braso niya.

"Sa mga libro at movie, sumusulpot ang second leading man kapag may problema 'yung babae sa ka-partner niya," sabi niya saka inakbayan pa ako. Natawa na lang ako at siniko ang tiyan niya.

"Ewan ko sa 'yo, Attorney. Kung ano-anong pinagsasasabi mo. Ilibre mo na lang ako ng fishball diyan sa labas, na-miss kong kumain n'on, e," sabi ko na lang.

Agad kaming lumabas ng bahay at nagtungo sa plaza dahil doon maraming bilihan ng kung ano-anong street food.

"Wow, na-miss ko talaga ang fishball," sabi ko habang nag-e-enjoy sa pagkain ng fishball na nilibre sa 'kin ni Aljen.

"Bumalik ka na lang kasi rito, Ayen. Ang boring ng buhay mo ro'n kay Mayor panigurado," napapailing na sabi naman niya.

"'Wag mo 'kong isipin, Aljen. Kung ako sa 'yo, maghanap ka na ng babaeng liligawan nang totoo. Malay mo nasa malapit lang sila," sabi ko naman saka nagtaas-baba ng kilay sa kaniya. Pinahihiwatig ko talaga sa kaniya na si Wrena ang babaeng dapat niyang ligawan.

"Hindi ko yata magagawa 'yan, Ayen. Sa lahat ng babaeng niligawan ko, walang nakahigit sa 'yo. Ikaw ang pinakamaganda at pinakamabait sa kanila kaya loyal talaga ang puso ko sa 'yo," sabi naman niya saka inabutan ako ng juice.

"Tange, ako lang naman kasi ang babaeng niligawan mo, e."

"Oo nga, sabi ko nga," sabi na lang niya saka napatango.

Natigilan ako nang mapatingin sa bilihan ng mga damit mula sa 'di kalayuan. Lumapit ako nang kaunti at kinusot pa ang mga mata para masiguro kung siya ba talaga ang nakikita ko.

"Si Wrena 'yon, 'di ba?" tanong ko kay Aljen at kinalabit pa siya.

"Si Wrena nga 'yan, pero sino 'yung kasama niya?" nakakunot-noong tanong niya habang nakatitig sa pwesto ni Wrena.

Napailing na lang ako. "Kaya naman pala hindi nagre-reply ang gaga sa text ko, e, may ka-date naman pala," sabi ko na lang habang nakangiwi.

"Iyan talagang babaeng 'yan, kahit kailan. Ni hindi ko nga kilala 'yang kasama niya, e. Kung kani-kanino na lang siya nakikipag-date, hindi mukhang katiwa-tiwala," nakakunot-noong sabi ni Aljen.

Pasimpleng ngumiti na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Masyado na siyang obvious. Bakit kasi iniisip niya pa rin na ako ang gusto niya hanggang ngayon? Halata naman
na si Wrena na ang gusto niya.

"Sundan natin sila," nakangising sabi ko kay Aljen saka hinila siya papalapit kina Wrena. Agad naman siyang tumigil sa paglalakad, napatingin na lang ako sa kaniya.

"Bakit natin sila susundan? Artista ba sila?" tila labas sa ilong na sabi niya.

"Ano ka ba? Sa 'yo na nga nanggaling, 'di ba? Hindi 'ka mo katiwa-tiwala ang hitsura no'ng lalaki, e di dapat natin silang sundan. Halika na, 'wag ka nang mag-inarte riyan," sabi ko na lang saka hinila siya.

Nagtago kami sa katabing bilihan ng damit at nagkunwaring nagtitingin ng mga damit habang pasimpleng nakatingin kay Wrena, pati sa kasama niya.

"Wrena, gusto mo ba 'to? Mukhang bagay 'to sa 'yo," sabi ng lalaking kasama ni Wrena saka ipinakita rito ang kulay puting dress.

"Talaga? Bagay sa 'kin 'to?" nakangiting tanong ni Wrena saka tiningnan ang dress.

Natawa ako nang mapansing napaismid si Aljen. "Ang pangit naman ng taste ng ka-date ni Wrena. Hitsura pa lang, mukhang jologs na. Wala talagang taste sa lalaki 'tong si Wrena," napapailing na sabi ni Aljen.

"Ayos naman 'yung lalaki, a. Saka bagay naman talaga kay Wrena 'yung puting dress, mukha siyang anghel," tila nang-aasar na sabi ko sa kaniya.

Pero totoo naman talagang maganda si Wrena. Medyo burara lang talaga siya at parang hindi babaeng manalita at kumilos.

"Mukhang anghel? Si Wrena? Nakakatawa 'yon, a," natatawang sabi na lang ni Aljen.

Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. Nagtungo naman kami sa bilihan ng mga inihaw. Nagtago kami sa bilihan ng buko juice na malapit lang habang nakatingin kina Wrena.

"Tangina, bakit sila nagsusubuan? Kadiri, ano sila, teenager?" bitter na sabi ni Aljen habang nakatingin kina Wrena at sa ka-date niya na nagsusubuan ng barbecue.

Kanina ko pa talaga gustong humagalpak ng tawa dahil dito kay Aljen. Masyado kasing obvious na nagseselos siya, idinadaan lang niya sa panlalait.

"Ang sweet nga, e. Ganyan kaya ang type ng mga babae, 'yung sweet lover," nanunuksong sabi ko sa kaniya.

"Sweet lover? Mukha bang sweet lover ang lalaking 'yan? Mas mukha siyang kidnapper, e."

Tuluyan na akong natawa sa sinabi niya. Napaka-bitter talaga niya. Parang gusto ko tuloy i-record ang mga pinagsasasabi niya ngayon at iparinig kay Wrena, e.

"Halika, pupunta na sila ng court," sabi naman ni Aljen saka siya na mismo ang humila sa 'kin.

Nagpatianod na lang ako sa kaniya nang magtago kami sa may puno na malapit sa basketball court. Tinuturuan na ngayon no'ng lalaki na mag-basketball si Wrena.

"Tangina, anong katangahan 'yan? Bakit niya tinuturuan mag-basketball si Wrena e mas magaling pa ngang mag-basketball sa 'kin ang balahurang 'yan?" naiinis na sabi ni Aljen na kulang na lang ay batuhin ang ka-date ni Wrena.

Natatawang tinapik ko ang balikat niya para pakalmahin siya.

"Kalma ka lang, Aljen. Gusto talaga ng ibang babae ang ganyan," sabi ko na lang. Nagtatakang napatingin sa 'kin si Aljen.

"Gusto nilang tinuturuan sila ng basketball?" tanong niya. Binatukan ko naman siya.

"Tange, gusto nila na parang ginagabayan sila ng mga lalaki. Basta, 'yung parang itinuturing silang prinsesa," sabi ko naman.

"May prinsesa bang naglalaro ng basketball?" pilosopong tanong niya.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Suko na ako rito kay Aljen, napaka-in denial niya. Ang sarap niyang iuntog hanggang sa matauhan siya.

"Woah, tingnan mo 'yon, hinahawakan niya ang kamay ni Wrena," kunwaring kinikilig na sabi ko at hinampas pa si Aljen.

Hinawakan no'ng lalaki ang mga kamay ni Wrena para turuan itong mag-shoot ng bola sa ring. Natawa ako nang makitang napangiwi si Aljen na para bang diring-diri siya sa nakikita niya.

"Ano ba'ng tingin niya kay Wrena? Hindi marunong humawak ng bola? Grabe na 'to, Ayen. Hindi na kinakaya ng mga mata ko, nakakadiri na talaga. Halika na nga!"

Natatawang nagpatianod na lang ako sa kaniya nang hilahin niya ako palayo kina Wrena.

Naglakad-lakad na lang kami ni Aljen. Napansin kong medyo natahimik siya pero alam ko naman kung ano ang dahilan kaya hindi na ako nagtatanong.

"Okay ka lang ba?" tanong ko saka bahagyang tinapik ang balikat niya.

Inabot na kami ng dilim sa paglalakad habang tila wala sa sariling nakatulala siya at sinisipa ang mga kalat na nadadaanan niya.

"Okay lang ako, sumakit lang talaga 'yung mga mata ko kanina. Bakit naman kasi gano'n? Tangina, bakit gano'n 'yung taste ni Wrena? Mauubos na ba ang mga almost perfect na lalaking tulad ko sa mundo at kung sino na lang ang pinatos niya?!"

Napapitlag ako nang mapalakas ang sipa niya sa latang nadaanan niya, halos tumalsik 'yon sa malayong lugar. Napakamot na lang ako sa batok ko.

Natigilan ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Napangiti ako nang makitang kay Wrena galing ang text.

"Nag-text sa 'kin si Wrena," nakangiting sabi ko.

"Ano'ng sabi?" tanong ni Aljen saka agad na lumapit sa 'kin.

"Sorry daw at hindi niya ako napuntahan agad dahil busy siya," sabi ko habang binabasa ang text niya. Napakunot naman ang noo ni Aljen.

"Busy siya sa jologs na ka-date niya? Ayos 'yan," sarkastikong sabi niya.

Natatawang napailing na lang ako at yumakap sa braso niya. Napaismid naman siya saka napakamot sa kilay niya.

"Umamin ka na kasi kay Wrena," bulong ko sa kaniya.

"Ano naman ang aaminin ko sa babaeng 'yon?" masungit na tanong niya.

"Sus, 'wag ka nang maging in denial, Attorney. Obvious naman na gusto mo na siya, e," sabi ko na lang.

Natawa na lang siya sa sinabi ko at inakbayan ako. Mukhang hindi niya pa rin matanggap na gusto niya na si Wrena.

"Ay kalabaw!" Napatili ako nang makarinig ako ng putok ng baril.

"Tangina, si Mayor ba 'yon?"

Natigilan ako sa tanong ni Aljen. Napatingin ako sa direksiyon na tinitingnan niya. Pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko nang makita si Mayor na papalapit sa pwesto namin habang may hawak na baril.

"Get your fucking hands off her," malamig na sabi ni Mayor saka tinutukan ng baril si Aljen.

Halata namang natigilan si Aljen at hindi makapaniwalang napatingin kay Mayor. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakaakbay niya sa 'kin.

"M-Mayor, pakiusap. B-bitiwan mo 'yan, baka mabaril mo ang kaibigan ko," kinakabahang sabi ko habang hindi maalis ang tingin ko sa baril niya.

"Get in the fucking car and stay away from that motherfucker," malamig na sabi niya habang walang emosyon na nakatingin sa 'min.

"Tangina, Mayor, labag sa putanginang batas ang ginagawa mo," sabi naman ni Aljen at hinigpitan ang pagkakahawak sa 'kin na para bang ayaw niya akong ibalik kay Mayor.

"Do you really want to die, you fucking bastard?"

Napalunok ako at sinubukang alisin ang pagkakahawak ni Aljen sa 'kin pero hindi siya nagpatinag na para bang hindi siya natatakot na barilin ni Mayor.

"Hindi ko ibibigay ang kaibigan ko sa 'yong gago ka," seryosong sabi ni Aljen habang nakikipagtagisan ng tingin kay Mayor.

"A-Aljen, bitiwan mo na ako, pakiusap. B-babarilin ka talaga niya, k-kaya ka niyang patayin," bulong ko sa kaniya habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa 'kin.

"Kaya nga hindi kita puwedeng ibigay sa kaniya!" galit na sigaw ni Aljen saka mas hinila ako papalapit sa kaniya.

"You fucking moron," mariing mura ni Mayor habang nakaigting ang panga.

Napatili ako nang muli niyang paputukin ang baril niya. Napaigik si Aljen nang dumaplis sa braso niya ang bala.

"Aljen!"

Agad kong tiningnan ang braso niya. Hinawi naman niya 'yon. "Daplis lang 'to," tila wala lang na sabi niya.

"M-Mayor, please, k-kumalma ka. 'W-wag mong babarilin si Aljen, h-habambuhay talaga akong magagalit sa 'yo kapag pinatay mo siya!"

Naluluha na ako dahil sa takot na baka magdilim ang paningin niya at mapatay si Aljen. Hindi ko talaga alam kung mapapatawad ko pa siya kapag nangyari 'yon.

Muling nagpaputok ng baril si Mayor sa paanan ni Aljen dahilan para mapabitiw ito sa 'kin. Agad akong tumakbo papalapit kay Mayor at nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang baril niya na tila ba pinipigilan siya.

"Ayen! 'Wag kang sasama sa kaniya!" sigaw ni Aljen habang nakahawak sa braso niya.

Nanginginig na ang buong katawan ko habang nakatitig kay Mayor. Walang bahid ng kahit anong emosyon sa mga mata niya na para bang desidido siyang patayin si Aljen.

"Get in the fucking car. I'll end that motherfucker's life," malamig na sabi niya at itinulak ako.

Muli niyang ikinasa ang baril at akmang babarilin na si Aljen nang lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap nang mahigpit sa baywang.

"M-Mayor, please, g-gagawin ko ang lahat ng gusto mo. 'Wag mong papatayin si Aljen, p-pakiusap."

Kahit nanginginig ang buong katawan ko, pinilit ko pa ring higpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Hinawakan ko ang baril na hawak niya at ibinaba ang braso niya. Nanatili naman siyang walang emosyon na nakatingin kay Aljen.

"Get in the car before I change my mind and kill your friend in front of you."

Continue Reading

You'll Also Like

509K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
13.4M 273K 60
The story about the heiress of the world's largest gang and her mission to be the top student without revealing her true identity. Your not so ordina...