No Strings Attached

By Coutpotaytou

31.4K 1K 161

GxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021 More

No Strings Attached
Note
NSA: 1
NSA: 2
NSA: 3
NSA: 4
NSA: 5
NSA: 6
NSA: 7
NSA: 9
NSA: 10
NSA: 11
NSA: 12
NSA: 13
NSA: 14
NSA: 15
NSA: 16
NSA: 17
NSA: 18
NSA: 19
NSA: 20
NSA: 21
NSA: 22
NSA: 23
NSA: 24
NSA: 25
NSA: 26
NSA: 27
NSA: 28
NSA: 29
NSA: 30
NSA: 31
NSA: 32
NSA: 33
NSA: 34
NSA: 35
NSA: 36
Epilogue
Note

NSA: 8

785 28 3
By Coutpotaytou

Somewhere Coffee Shop

Ang tagal naman yata ni Aki?

"Omg! Ate Iniko?" Napatingin naman ako sa tumawag sa'kin at nakita si Hexane kasama si Aki. Kumaway naman ako sa kanila at nang makalapit na sila sa akin ay saka lang ako nagsalita. "Hi, Hexane. Long time no see."

"Hello, Ate! It's been a while, I miss you!" She happily exclaimed then hugged me.

"Wow, si Iniko na-miss pero ako hindi." Hecate said with the coffees we ordered. 

"Ate!" Gulat na sabi ni Hexane.

Lumapit naman sa kaniya si Hexane at siya naman ang niyakap, nang tignan ko naman si Aki ay hindi siya makatingin sa'kin.

"Bakit nandito ka? Bakit nandito kayo ni Ate Iniko?" Tanong nito nang makaupo na silang dalawa ni Aki, magkatabi kami ni Cat habang nasa tapat naman namin silang dalawa.

"We're here to discuss a plan." Simpleng sagot ni Cat.

"Ate, bakit kasama sila?" Tanong ni Aki sa'kin. Sabay naman tumingin ng masama sa kaniya ang magkapatid. "I-I mean, hindi naman sa ayaw kong nandito kayo. Ayaw ko lang na ma-involve kayo sa problema ko." Paliwanag niya.

"Don't worry, Aki. Kailangan talagang nandito sila, baka bigla na lang magulat si Hexane kapag nakita niya kami ni Hecate sa school niyo." Sabi ko naman.

"O-Okay." Sagot naman niya. Confusion's written all over Hexane and Hecate's face.

"Woah, people. Care to explain what's happening here?" Cat asked.

"Omg! About ba 'to sa rumors, Ate Iniko?" Tanong ni Hexane nang mapagtanto ang mga bagay-bagay.

I see, mukhang malala na talaga ang nangyayari. Nabasa ko kasi ang pag-aalala sa mukha ni Hexane.

"What rumor?" Naguguluhang tanong ni Cat. Si Aki naman ay nakayuko lang habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"Yeah, Hecate and I will be your new teacher for a week. Kailangan ma-confirm muna natin kung gaano na kalala ang rumor na 'to at kung sino ang pasimuno." Sagot ko naman kay Hexane. 

"Bawal malaman ng kahit sino na kilala niyo kami, hangga't hindi natin nalalaman kung sino ang may kagagawan nito." Duktong ko pa.

"Ano bang nangyayari?" Naiinis na tanong ni Cat dahil hindi namin siya pinapansin kaya kwinento ko muna ang nangyari para makasunod na siya sa pinag-uusapan namin.

"Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Rin." Nag-aalalang sabi ni Cat.

"I already fix that."

"How about my clothes?"

"And that, too."

"Ate, ano pala ang gagawin mo sa guy?" Tanong ni Aki.

"Do you have something in mind? I'm thinking about abducting him and throwing him away somewhere." I casually said.

"Huwag naman gano'n, Ate." Pagtutol niya.

"How about I hire someone to remove his genitalia?"

Tama, iyon na lang kaya?

"Ate!" Kontra na naman ni Aki. Tuluyan nang napakunot ang noo ko.

Pagtingin ko naman sa magkapatid para malaman ang opinion nila tungkol sa ideas ko ay parang hindi na maipinta ang mga mukha nila. Kung sa bagay, ang tagal na pala no'ng huli kaming mag-usap ng gan'to.

"Any recommendations? Should we bankrupt their company?" Suggest ko pa.

"Grabe ka naman, Iniko." Tutol ni Hecate nang maka-recover na siya sa pagkabigla.

"Anong grabe sa mga sinabi ko? Kasalanan naman niya at hindi niya kayang maging disenteng tao." Pagdipensa ko.

"Gusto ko lang naman na tumigil na siya." Sabi naman ni Aki kaya hindi na nakapagsalita si Cat.

"Kuya Alfred taught you how to defend yourself, I don't know why you're not using it."

"I don't want to kill him." Medyo inis na ring sabi ni Aki.

"Hindi mo naman siya papatayin, just enough for him to learn his lesson." Iritang sabi ko.

"Okay, everybody calm down. Inhale, exhale." Hexane said.

"Geez, don't worry. We're just joking." I said then awkwardly laugh.

 But that doesn't mean I didn't consider doing what I've said a while ago.

Pagtingin ko naman kay Cat ay parang nakahinga siya ng maluwag.

"So, I have a plan. How about we exposed him? We're gonna gather pieces of information about him, records him every time he tried to verbally abuse, Aki." Maganda ang plano ni Hexane, huh?

Nag-agree naman ang lahat sa suggestion ni Hexane.

"Did he touch you?" I asked Aki.

"No, Ate. Don't worry. Pinipilit lang niya ako verbally." She said then give me a reassuring smile.

"Good, because if he touches you, I'll cut his hands and genitalia myself."

"Iniko!" Saway sa'kin ni Hecate.

"Fine, I'm sorry. That's a joke, kids."

I once failed to protect the person I love, I'm not gonna let something like that happen again.

**

"Good morning, class. I'm your temporary ethics teacher for the whole week." Sabi ko habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa lamesa.

Tulalang nakatingin naman sa'kin ang mga ito, ginamit ko namang pagkakataon iyon para tignan ang mga mukha nilang hindi ko na maaalala pagkalabas ko ng room na 'to. Nakita ko naman si Aki at katabi niya si Hexane.

Tumalikod na ako at isinulat ang first name ko sa white board.

"I'm Iniko, 25 years old. Teaching is just my hobby, that's why you're not familiar with my face." Pagkasabi ko no'n ay umupo ako sa teacher's table, nakasunod naman ang mga tingin nila sa bawat galaw ko.

"At dahil hindi ko pa kayo kilala, you know the drill." Parang bigla naman silang nag-panic. 

"Sa'yo magsisimula." Sabi ko habang nakatingin kay Aki, nasa unahan kasi siya at nasa pinaka-corner.

"I'm Akiko Peterson, 15." Ang tipid talaga magsalita nitong kapatid ko pero kapag nasa bahay naman parang ibang tao.

"Mukhang may kulang sa tulog, ah?" Pasimple naman akong tinignan ng masama ni Aki. Ang cute talaga ng baby sis ko.

"Next." Tumayo naman agad si Hexane.

"Hi, Ma'am Iniko! I'm Hexane Redwood, same age with Aki, 15 years old. I love animals and sweets. I hope to learn a lot from you." Muntik na akong mapangiwi sa pagtawag sa'kin ng 'Ma'am' ni Xane, mabuti na lang at napigilan ko. Ang weird pala kapag may tumatawag sa'yo ng gano'n.

Dumaan pa ang ilang estudyante. "Hi, Ma'am beautiful... I mean, Ma'am Iniko. I'm Robert Carillo, Robby for short. 18, ready to mingle." Sabi ng lalaking estudyante ko at kinidatan pa ako. 

Napangiti naman ako. So, siya pala ang tinutukoy ng kapatid ko. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa na parang hinuhusgahan ko siya.

Magulo ang buhok, mukhang kulang sa tulog at mamula-mula ang mata. Itsura palang mukhang hindi na gagawa ng mabuti at hindi rin kayang ilugar ang kalandian at kahambogan.

"That's inappropriate, Mr. Carillo. Watch your words next time, expulsion is an option for me. You may sit now." Utos ko.

"I'm sorry, Ma'am Iniko. It was just a joke." Katwiran niya.

"First of all, we're not close. I'm your teacher, in case you forgot." Masungit na sabi ko.

"I'm sorry, Ma'am." Sabi niya at napapahiyang umalis siya sa harap at bumalik sa upuan niya.

"Respect me and we're gonna get along just fine. Disrespect me and you'll never forget me. Hindi ko na ito binanggit kanina dahil akala ko alam niyo na 'to. Basic knowledge, kids. If you can't respect me as your teacher, at least respect me as a fellow human being. Respect one another, but if you can't do that we're gonna have some problem. Are we clear?" Masungit na sabi ko.

"Yes, Ma'am."

"Good."

Akala ba nila hindi ako pumapatol sa bata? Sakalin ko pa sila e'.

"Sino ang president niyo?" Tanong ko, agad namang nagtaas ng kamay si Aki.

Aba, masipag pala mag-aral ang kapatid ko? Nakaka-proud naman.

"Give me your email address later."

Tumango naman siya.

"Okay, may groupings na ba kayo?"

"Opo/wala po." Ang gugulo naman ng mga batang 'to.

"Ano ba talaga?"

"Gawa na lang po tayo ng bago, Ma'am." Sabi ng isang babae.

May mga nagreklamo naman na okay na raw ang dating groups.

"Dati na lang ang gamitin para okay na, may ise-send akong ethical dilemma sa kaniya. Mag-su-survey kayo sa mga estudyante rito sa school niyo kung ano ang gagawin nila kung sila ang nasa ganoong sitwasyon." Paliwanag ko.

Shit, pwede na pala akong maging teacher.

Nagtaas naman ng kamay si Hexane.

"Yes, Ms. Redwood?"

"Kailan po ang pasahan, Ma'am Iniko?"

"Dahil hindi naman tayo magkikita bukas, sa Wednesday ang pasahan. Maglalagay kayo ng conclusion kung bakit sa tingin niyo gano'n ang mga naging sagot nila. Huwag niyong kalimutan alamin ang age at ilagay ang gender nila. Aalamin natin kung ang way of thinking ba nila ay tugma sa edad nila o hindi." Mahabang paliwanag ko.

Binabawi ko na ang sinabi ko, hindi pala bagay sa'kin.

Masyadong masalita ang trabaho na 'to.

"May tanong pa?" Tanong ko.

"Wala na po." Sagot naman nila.

"Pwede na kayong mag-usap ng mga kagrupo niyo habang wala ako. May kukunin lang ako sa faculty." Sabi ko at lumabas na ng room.

Ito na ang simula.

"Ma'am Iniko, ang galing mo kanina. In fairness, parang teacher ka talaga." Bungad sa'kin ni Cat habang nakatingin sa mga monitor sa loob ng van.

Naglagay kasi kami ng mga mic at cameras sa loob ng room nila, pati sa damit ni Aki at Hexane.

Isang maling galaw lang ng maniac na 'yon, talagang susugurin ko siya.

"Inaasar mo ako ngayon pero mamaya ikaw naman ang tatayo sa harap nila." Natatawang sabi ko.

Nakita ko namang napasimangot siya sa sinabi ko. Sa totoo lang ay mas may alam si Cat kaysa sa'kin pagdating sa pagtuturo pero hindi siya naniniwala, siya kaya ang tutor ko no'ng college pa kami.

Kulang lang talaga siya ng tiwala sa sarili.

"Tingin mo matuturuan ko sila ng maayos?" Kinakabahang tanong niya. Tumabi na rin ako sa kaniya para panoorin ang nangyayari sa room.

May 45 minutes pa bago matapos ang oras ng klase ko, one and half hour lang kasi ako sa kanila ngayon tapos three hours naman sa Wednesday.

"Oo naman! Math wizard ka kaya." Pampalakas ko ng loob niya. Statistics naman ang ituturo niya sa mga bata.

"Paano kapag kinabahan ako at bigla akong malito?" Nag-aalalang tanong niya.

Pinisil ko naman ang pisngi niya, kabadong-kabado kasi siya. Ang cute lang.

"Never ka pang nalito pagdating sa numbers, Hecate. Believe in yourself, ikaw na yata ang pinaka best teacher na makukuha nila... Next ka nga lang sa'kin." Pinalo naman niya ako agad.

"Kapal mo talaga." Natigil naman kami ni Cat sa paghaharutan nang may ingay na nanggaling sa monitor.

"Sana lang talaga walang mahawa sa kalandian ng isa d'yan." Sabi ng babaeng malapit sa pwesto nila Hexane.

Nakabilog na sila pero halata mong iwas ang iba kanila Aki. Silang dalawa lang kasi ang magkasama.

Maya-maya'y may lumapit na tatlong babae sa kanila.

"Hexane, hindi ka ba talaga sasama sa'min?" Maarteng tanong ng nasa gitna.

"I'm sorry pero kung hindi niyo isasama si Aki, hindi rin ako sasama." Mahinahong pagtanggi ni Hexane sa offer ng babae.

"Hindi na ako magugulat kung pareho kayong mabubuntis." Malditanng sabi pa niya bago nilayasan ang dalawa.

"Punyeta pala ang babaeng 'yon e'. Isama na rin kaya natin sila?!" Nanggigigil na sabi ko.

"Kumalma ka lang, Iniko." Sabi ni Cat at hinawakan ako sa balikat para pakalmahin ako. 

Huminga ako ng malalim bago tumayo.

"Saan ka pupunta?" Naaalarmang tanong niya.

"Sa room."

"Kumalma ka muna, Iniko." Naaalarmang sabi niya.

"Wala akong gagawin, babalik na ako bago pa may makapuntang ibang teacher do'n." Seryosong sabi ko.

"Basta huwag mong uunahin ang galit mo." Bilin niya pa.

Wala naman ako gagawin talaga... Sa ngayon.




Continue Reading

You'll Also Like

24.4K 840 79
Twilight Saga Romance fan fiction. Alistair x Male Original Character. Based on the Books, not the Movies. Prequel ||| ✔️✔️✔️ Twilight ||| ✔️✔️✔️...
202K 6K 47
- on going - professor × student Dalawang babaeng may nararamdaman sa isa't isa ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil hindi ito puwede sa mata n...
7.4K 347 50
One-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo...
3.9K 155 4
𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡: Lumuwas ka ng Maynila para maghanap ng trabaho kung kaya't napad-pad ka sa mansion ng isang kilalang bilyonaryo at nag apply ka bilan...