Gangsters of Ateneo

By unfoldedcap

202K 5.6K 804

The Secret Victorious Gang is just one of the gangs in Ateneo. In the world of the gangs, killing is legal. S... More

Author's Note
Secret Victorious Gang
Prologue
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
Epilogue
Future Heirs & Heiresses

XXV

4.3K 143 22
By unfoldedcap

Jema's POV

----- Fast Foward -----

"Jemalyn!" Dali-dali akong napaupo nang makarinig ako ng sigaw.

"Anong nangyayari?!"Taranta kong tanong habang iniikot ang paningin sa buong kwarto.

"Gusto ko lang sabihin na may class pa tayo so you better take a bath na." Sagot ni Jho na ikinainis ko naman.

"Yun lang sasabihin mo? Pero kung makasigaw ka parang end if the world na." Inis kong sabi sa kanya at sinamaan ng tingin.

"Sorry na. Inutos lang ni Pongs sakin hehe gusto ka daw niyang inisin." Parang nahihiya niyang saad sabay kamot sa batok. "Bilisan mo na lang dyan. Nakahanda na yung pagkain sa baba."

Tumango lang ako sa kanya at hinintay siyang makalabas ng kwarto bago ako kumilos at nag-ayos ng sarili.  Dito pa rin kami sa dorm tumitira dahil wala pa kaming oras para mag-ayos ng gamit at umalis dito. Wala naman din daw problema sa school yun dahil pinayagan naman daw kami ng anak ng may-ari ng school.

And by the way, one week na lang at magsisimula na yung tinatawag nilang 'Battle of the Gangs'. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin kami kung bakit kailangan ng ganoong klase ng labanan at bakit parang hindi yun mapigilan ng mga officers sa campus or kung sino man ang school president dito pero wala naman kaming magagawa kundi hayaan na lang ang mga 'gangsters' sa school dahil kahit ilang months na kami dito ay baguhan pa rin kami.

Enough of that. Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako at nakisalo sa kanila.

As usual, wala na sina Kat dahil maaga talaga silang umaalis sa dorm. Hindi nga namin alam kung ano bang mga ginagawa nila bakit ganun sila kaaga pumapasok.

Patuloy lang kami sa pagkain hanggang sa nagsalita si Jho.

"I can't believe na one week na lang maglalaban-laban na ang mga gangs sa school." Basag niya sa katahimikan.

"Oo nga. Hindi na ako makapaghintay na mapanood sila." Sabi naman ni Ponggay.

"Sino sila?" Yumi asked.

"SV Gang or Replec Gang?" Tanong din ni Celine.

"Syempre SV noh. Kahit na yung mga asungot na Replec members ang lagi nating kasama, nasa SV pa rin ang tiwala ko." Sagot ni Pongs.

"Same tho." Mahina kong sabi pero alam kong narinig nila yun dahil napatingin sila sakin.

"Na kay DW pa rin daw ang pagmamahal niya." Dugtong ni Jho kaya lahat sila napa 'yiee' lalo na si Ced.

Napailing na lang ako at nagpatulog sa pagkain habang sila ay patuloy pa rin sa pangtutukso sakin.

"Oh dahil inasar niyo yang si Jema, Gaston and Domingo, wash the dishes." Halos malalag ang panga ng dalawa sa sinabi ni Den samantalang ako naman ay patagong tumatawa.

HAHAHAH karma iz real.

"Ate Den naman eh we are just kidding lang naman eh." Maktol ni Ponggay at nag-pout pa kaya lalo kaming natawa ni Jho pero itong si Yumi, tamang nood lang samin.

"Wala nang reklamo. Gawin niyo na yan para makapasok na tayo." Magsasalita pa sana si Celine pero agad silang tinalikuran ni Den at naunang lumabas ng dorm.

Hinarap ko naman silang dalawa.

"Asar pa more." Pang-iinis ko sa ksnila at sumunod kay Den.

After less than 10 minutes, doon pa lang natapos ang dalawa kaya tumungo na kami sa school. Nakakarinig kami ng mga bulungan habang naglalakad sa hallway tulad nito.

"Paano kaya nila kinayang magstay dito?"

"Oo nga girl samantalang pinag-aagawan na sila ng dalawang grupo."

"Hay nako lagi lang silang nakiki-epal noh."

"Ang kakapal din naman kasi talaga ng mukha ng mga yan."

Nainis ako sa sinabi nung pangatlo babae kaya hindi na ako nakapagpigil at nilapitan ito.

"Makapal? Tignan mo muna yang sarili mo bago ako. Wala ka namang binatbat." Mataray kong sabi sa kanya na halatang ikinainis nito.

"Woahhhh!" Sabay-sabay namang sabi ng mga kaibigan ko.

"HOY! Baguhan ka lang dito pero kung makaasta akala mo kung sino. Ano bang maipagmamalaki mo?" Tanong nung babae.

"Eh pokpok lang naman yan kaya siya gusto nila Fhen at DW." Singit ng isa kaya bigla na lang lumapit si Den sa kanya at sinampal.

"For your information, hindi kami ang unang lumapit sa mga yun. Kasalanan ba namin kung mas maganda kami kesa sa inyo? At kasalanan ba namin kung mas mukha kayong pokpok samin?" Muli namang napa 'woah!' sina Jho kasama na rin ang iba pang mga estudyanteng nakikinig.

"Bastos ka!" Hahawakan sana ako ng babae pero may humawak sa kamay nito.

"Slap her and I will show you the way to death." Malamig na sabi ng isang napakapamilyar na boses.

Hinarap ko siya at nakita ang seryosong mukha ni...

"Deanna." I whispered.

Bakit mo toh ginagawa?!

"Shh!" Pagpapatahimik niya sakin.

"B-bakit?! Siya naman ang nauna hindi kami!" Matapang na sabi niya pero nanginginig na ngayon ang mga babaeng nakasagutan namin.

"Nauna? Eh hindi naman marunong pumatol si Jema sa mga low class na katulad niyo!" Sagot ni Jho na ikinalaki ng mga mata ni Bea.

"Ang cool naman niyan bro." Rinig kong bulong ni TC kay BDL.

"Aysh just shut your mouth." Sagot lang ni BDL.

"S-sorry po. Hindi na po mauulit DW." Takot na sabi ng isa sa kasama niya.

"Tama po yun. Hindi na po namin sila guguluhin." Sang-ayon ng matapang na bruha.

"Sorry but I don't know how to apologize." Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanya kaya napaupo na yung babae.

"Dude that's enough." Pigil sa kanya ni TC pero hindi nagpatinag si Deanna kaya hinarap ko siya at pinakalma.

"Bitawan mo na. Hayaan mo ba sila." Sabi ko sa kanya. Sinunod naman niya ang sinabi ko pero seryoso pa rin ang tingin niya sa mga babae.

"Alis." Walang ganang utos ni Deanna kaya wala pang isang segundo ay nawala na saming harapan yung mga babae.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Yumi.

"Malamang mag-aaral." Pilosopong sagot ni Jaycel at naglakad papunta sa room.

"Tss." Naiiling na sumunod si AV sa kanya kasama na rin ang ibang SV except kay Deanna.

"Leave us alone." She coldly said.

"Hindi namin iiwan si Jema." Sagot ni Den sabay hawak sa aking braso.

"Okay lang ako. Mauna na kayo." Inalis ko yung kamay niya at ngumiti.

"You sure?" Celine asked. Tipid lang akong tumango sa kanya kaya umalis na rin sila.

"B-bakit?" Tanong ko agad sa babaeng kaharap ko.

Hindi kami pwedeng makitang nag-uusap ng kahit na sino dahil masisira ang plano.

"Wag tayo dito mag-usap." Dali-dali niyang hinablot ang braso ko at dinala sa cr kung saan wala nang mga students dahil nagring na yung bell.

Sinasarado niya ang pinto sabay lock nito.

"Male-late na tayo." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ito pinansin.

"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan kanina?" Alala niyang tanong habang chinecheck ako.

"Okay lang ako."  Sagot ko.

"Why did you just let them leave? Alam kong nasaktan ka sa mga salitang binitawan nila sayo at sa mga kaibigan mo pero pinigilan mo akong ipagtanggol ka at gantihan sila." Galit na saad niya pero halata talaga sa mga mata niya na nag-aalala siya.

"Bakit mo ba toh ginagawa?"

"Baka nakakalimutan mong kilala na ako ng fam mo at gusto kong siguraduhin na ligtas ka." Nakangiti niyang sagot pero biglang naging seryoso ang kanyang mukha. "Kayo."

"Huh?"

"Mag-ingat kayo ng mga kaibigan mo." Seryoso niyang sabi.

"Bakit? Ano na naman ba ang nangyayari?" Naguguluhan kong tanong kaya hinarap niya ako.

"Basta mag-ingat kayo. Kung kailangan magkakasama kayo buong araw, much better. Wag kayong hihiwalay sa isa't isa." Sagot niya sabay tingin sa paligid.

Magtatanong pa sana ako sa kanya pero agad itong nagsalita.

"Let's go na. Baka may makahalata at makakita pa satin." Sabi niya. "Wait, you go first then I'll follow na lang."

Hindi na ako tumutol at naunang pumasok sa room. Buti na lang wala pa yung prof namin kaya nakapasok ako agad. Pagkaupo ko sa tabi ni Jho ay saktong pagkadating ni Deanna.

"Uy anong nangyari sa inyo? Diba magkasama kayo kanina ni DW? Bakit hindi kayo sabay pumasok?" Sunod-sunod na tanong sakin ni Jho nang makadaan na si Deanna.

"Dami mo namang tanong Maraguinot. Pwede isa-isa lang? Magkasama nga kami pero walang nangharo okay? Nag-usap lang. And besides, ginawa namin yun para hindi kami mahalata ng ibang classmates natin na magkasama kami." Sunod-sunod ko ring sagot.

"So ano bang pinag-usapan niyo ha? At bakit gusto niya kayong dalawa lang ang mag-uusap?" Singit ni Den.

"Ah basta." Maikli kong sagot. Buti na lang dumating na yung prof dahil kung hindi, hindi ako tatantanan na mga ito at kukulitin lang ako.

.....

* Lunch Break *

"Jem, gusto daw makisabay nila Fhen satin kumain. Okay lang ba?" Tanong ni Ponggay.

"Hay ano pa nga ba? Kailangan nating pakisamahan ang mga mokong na yun." Walang gana kong sabi.

Sina Deanna ang gusto naming makasama at hindi sila.

"Don't worry Jem, matatapos din ang lahat ng ito. Tiis-tiis lang." Pang-checheer up sakin ni Celine.

Nang makarating kami sa cafeteria, sumalubong agad samin ang mga mukhang ayaw naming makita.

"Hey, tara doon tayo. We ordered foods na para sa inyo." Sabi ni Fhen at pumunta sa table na nireserba nila.

Bagsak-balikat lang akong sumunod.

"Oh bakit parang matamlay ka yata? Is there a problem?" Fhen asked me pero umiling ako.

"Ayusin mo ang sarili mo Galanza. Baka makahalata ang mga yan." Bulong sakin ni Den kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa sinabi niya.

Syempre tahimik lang aking kumain hanggang sa matapos kami. Nakakainis lang dahil nagyaya pa silang umikot sa campus at hindi kami pwedeng tumanggi.

"May lakad ba kayo later?" Tanong ni Nico.

"After class?" Tanong din ni Jho.

"Uhm yeah." Mich replied.

"Wala naman." Sagot ni Yumi.

"Bakit pala?" Tanong ko.

"Yayayain sana namin kayong magmall." LA replied.

"Pero wag kayong mag-alala, iuuwi din namin kayo agad at sisiguraduhin naming walang makakalapit at makakahawak sa inyo iba." Dagdag pa ni Fhen.

Pabibo amp. Kahit maging mabait ka pa sakin, hinding-hindi kita papatulan noh. Kay Deanna lang ako.

Kahit walang label? - Eh basta yun. Manahimik ka na lang self.

"Sure! Hintayin niyo na lang kami sa harap ng room ah." Sagot agad ni Ponggay.

"Alright! Tara hatid na namin kayo." Alok ni Kobe kaya hindi na kami tumanggi.

"We'll see you guys after class ha." Sabi ni Fhen. Tumango lang kami at pumasok na.

Halos manlambot ako nang makita si Deanna na seryosong nakatingin sakin at salubong pa ang mga kilay.

Uh oh. I'm in trouble na.

Tipid lang akong ngumiti sa kanya sabay upo sa pwesto ko.

.....

"Remember class that I'm not going to accept those who will submit their projects late." Prof said. That's all for today. Have a nice day everyone."

Pagkalabas niya ay dali-dali naming inayos ang mga gamit at sunod na lumabas.

"Kanina pa kayo?" Tanong ni Ponggay nang makita sina Fhen na nakasandal pa sa side ng pinto.

"Uhm no. We're just in time." Mich replied.

"So let's go?" Tumango lang kami kay LA at tumungo sa parking lot kung saan nakaparada ang van na gagamitin daw namin.

Si Fhen ang nasa driver's seat samantalang nasa passenger seat si Nico. Kasama namin dito sa likod sina Zolo, Mich, Kobe at Zolo.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe...

"Kumusta na kayo ng SV Gang?" Out of nowhere na tanong ni Fhen na ikina-curious naming magkakaibigan.

Shit. May maling nangyayari.

"Huh? Bakit mo naman kami natanong ng ganyan? Eh ni hindi na nga namin sila nakakausap." Kunwaring walang alam na sagot ni Ponggay.

"Oh really? Kaya pala nila kayo tinulungan kanina dun sa mga babaeng nakaaway niyo." Nakangising sabi naman ni Nico.

"H-hindi namin alam na gagawin nila yun." Palusot ni Celine.

"Okay then." Bigla na lang may inispray si Fhen na kung ano na agad naman naming naamoy.

"J-jem, nahihilo a-ako." Hirap na sabi sakin ni Den at tuluyang mawalan ng malay ganun din ang iba.

Pati ako ay nakaramdam na rin ng hilo pero bago pa man magdilim ang aking paningin, may narinig akong sinabi ng isa sa kanila.

"Sa wakas, matatalo na rin namin kayo SV Gang."

___________________

Fhen's POV

"Okay na ba ang lahat?" Tanong ko kina Marck nang makarating kami sa warehouse kung saan kami makikipagkita sa SV.

"Yep. Nakuha niyo ba sila?" Tanong din niya.

"Oo. Nandun pa sa van at mukhang napasarap ang tulog." I replied and chuckled.

"Teka teka, kasama ba si Yumi?" Kabadong tanong ni James.

"Of course brother. Isa siya sa kahinaan ni JDR." Sagot sa kanya ni LA sabay tapik sa balikat nito.

"What?! Bakit niyo pa siya dinamay? What if mapahamak siya?" Tarantang tanong niya.

"James calm down! Hindi natin sila sasaktan. SV ang talagang pakay natin dito at hindi sila." Pagpapakalma sa kanya ni Marck kaya napabuntong-hininga ito at naupo.

"After a few minutes, call DW. Alam niyo na ang dapat gawin." Utos ko.

"Copy."

___________________

Deanna's POV

"Oh ano? Naging maayos naman ba yung pag-uusap niyo ni Ms. Galanza kanina?" Tanong ni Bea sabay halakhak.

Kanina pa kasi nila ako inaasar dahil pagkatapos daw lahat ng nangyayari, stay strong pa rin daw kami ni Jema.

"Oo nga naman dude. Baka gusto mo siyang kausapin and tell her na gusto din naming makasama sina Celine." Dugtong ni Tots.

"Kalokohan na naman yang nasa utak mo Caloy. Hindi ko siya pipiliting ipakausap kayo sa mga kaibigan niya. Naiintindihan ko siya at naiintindihan ko sila. Sana ganun din kayo." Sagot ko sa kanya.

* Ring ring ring *

"It's yours." Sabi ni Aly sabay nguso sa pocket ko kaya kinuha ko yung cellphone at sinagot yung tawag kahit unknown number ang nakalagay.

Malay mo kasi emergency noh.

Ni-loud speaker ko muna ito para marinig din nila.

OTP

"Hello?"

"Is this the leader of SV Gang?"

Sabay-sabay kaming nagkatinginan nila Jaycel.

Bakit ako lang ang hinahanap? At paano niya nalamang leader ako?

"Hmm yeah. What can I for you??"

"Hey! It's nice to meet you DW!" Isang pamilyar na boses ang narinig namin galing sa kabilang linya.

"Fhen?"

"Oh yes my dear Boss D! How are you and the rest of your gang? Masaya ba kayo ngayon?"

"Wag mo na akong paikutin Emnas. Bakit ka napatawag? Anong kailangan mo?"

"Hindi ako ang may kailangan sa inyo kundi sila..."

"TC! P-puntahan niyo k-kami dito!" - Celine.

"We need your help!" - Yumi.

Pati ang mga kasama ko ay namunutla na habang naririnig ang mga sinisigaw nila.

"DW tulungan mo kami!" Para akong sinasaksak nang marinig ang boses ni Jema.

Fuck! This can't be happening!

"Jema! Nasa---"

"Oh stop there DW. Kung gusto niyo pa silang makitang buhay, pumunta kayo sa address na isesend ko."

"Putangina mo Fhen!" Sigaw ko.

"Wag na wag kayong magsasama ng kahit na sino kung hindi, papatayin namin silang. HAHAHAHA! See you. Bye." End of the call.

Nabato ko ng di oras ang cellphone ko.

Sa dinami-dami ng pwede nilang gamitin, bakit sila pa?! Bakit si Jema pa?!

"They already know our weaknesses. Masyado tayong naging halata." Kalmadong sabi ni Aly.

"Paano mo nagawang kumalma? Hawak nila Fhen yung buhay nila!" Galit na sabi ni Tots sa kanya at kinwelyuhan ito kaya agad namin siyang inilayo kay Aly.

"Kasama din si Den doon kaya kahit gusto kong magwala, pinipili kong kumalma dahil hindi tayo makakapag-isip ng maayos kung magpapanic tayo." Sagot niya kay Tots.

"Tama si Ate Ly. Guys pwede ba wala munang mag-aaway? May nangangailangan pa ng tulong natin." Sabi ni Maddie.

* Beep *

Binuksan ko agad yung message na galing sa number kanina at nakalagay dito yung address.

"They already sent the address. What are we gonna do now?" I asked.

Nag-usap-usap kami tungkol sa plano. Pumunta kami sa site at sinabihan sina Kuya Cy sa nangyari. Well, ang ganda ng suggestion niya. Kaming anim lang daw ang pupunta doon sa warehouse pero nilagyan nila kami ng body cam para makita nila kung ano ang nangyayari. Hindi daw kami pwedeng magsumbong sa pulis dahil baka pati kami ay madamay pa at makulong.

"Kaya niyo yan basta ingatan niyo ang sarili ninyo lalong-lalo na yung mga nakidnap." Sabi ni Kuya Cy.

Tumango kami sa kanya at tumungo na sa nasabing warehouse.

Nasa gate pa lang kami, nakaabang na agad ang...

"Bakit nandito ang Backstreet Gang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tots.

"May pinaplano talaga sila." Sagot ko.

Pinark muna ni Aly yung kotse bago bumaba. Nakabantay naman agad sina James, Marck at Zolo.

"Sigurado ba kayong wala kayong ibang kasama?" Paninigurado ni Marck habang tumitingin sa paligid.

"Wala."

"Okay, sumunod kayo samin." Sabi nito kaya sumunod kami sa kanila.

Nang makapasok kami, halos manlambot ako nang makita sila Jema na magang-maga ang mga mata at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Deanna." She mouthed.

"Fhen! Anong gusto niyo?! Sabihin niyo na para matapos na toh!" I shouted.

"Oh chill lang hahaha. Gusto niyo pa silang makasama?" She asked. "Pwes, magpatalo kayo sa mismong battle para kami ang mapunta sa number one spot."

Napatingin naman ako kay Aly na salunong ang kilay at mukhang sasabog na sa galit.

"Ano na?" Tanong ko sa kanya.

"We can't let them win Deans. Kung hahayaan natin silang manalo, babagsak na tayo." Dismayadong sagot niya.

"Pero Aly naman, hindi tayo pwedeng maging selfish. May mapapapahamak na iba kung mas iisipin pa natin ang reputasyon ng gang." Singit ni Bei na nakapagpa-isip samin.

"Ano?! Magtatagal pa ba tayo dito? Kung hindi kayo sasagot..." May itinutok na baril si Fhen sa ulo ni Jema kaya lahat kami napahakbang pero hinarangan kami ng tatlo.

"Hanggang dyan lang kayo." Pigil ni LA.

"Fhen wag!" Umiiyak na sabi ni Jho.

"Pleaseee!" - Yumi.

"Ano nang desisyon niyo?!" Naguguluhang tanong ni Maddie samantalang si Jaycel naman ay napasabunot na lang sa sarili.

"Stop!" Lahat sila natigilan nang sumigaw ako. "We are giving up. Magpapatalo kami sa mismong battle."

Lahat sila napahalakhak nang matapos kong sabihin ang mga salitang yun.

"Ang unbeatable leader ng SV Gang piniling ipatalo ang grupo para lang sa babae?" Nang-aasar na tanong ni Fhen.

Hindi niyo alam kung gaano nakatulong si Jema sakin para mabago ng husto ang buhay ko. Kahit sa sandaling panahon lang ay malaki ang naging part niya sa life ko.

"Alam niyo, wag na nating pahabain toh." Agad nila kaming pinagpapalo mula sa likod kaya nakaluhod na kaming anim.

"Wag niyo silang sasaktan!" Pagmamakaawa ni Den.

"No! Kami na lang Fhen. Palayain niyo na sila." Sabi ni Aly.

"Okay. Madali lang kaming kausap." Kibit-balikat na sagot ni Fhen at inutusan ulit ang mga kasama nila na bugbugin kami.

Suntok dito, suntok doon. Palo dito, palo doon. Halos magmanhid na ang katawan ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Sa bawat palo at suntok na ibinibigay nila samin ay kasabay ang pag-iyak nila Jema.

Tumigil lang sila sa pananakit nang makita na kaming nanghihina at duguan.

"Panindigan niyo ang sinabi niyo ha. Kaya pa rin namin kayong pabgsakin sa mismong battle kung manlalaban pa kayo." May diing sabi ni Fhen.

Sinasabi ko na nga ba. May iba pa silang plano kung hindi kami tutupad sa usapan.

"Marunong din naman kaming sumunod sa napag-usapan natin kanina." Pagkatapos magsalita ni Marck ay tinanggal nila ang pagkakatali ng mga babae.

"See you guys on the battle." Nakangising sabi ni Fhen at sunod-sunod na silang umalis ng warehouse.

Naiwan na lang kami nila Jema dito.

"Bakit pumayag kayo na magpatalo at magpabugbog?" Umiiyak na tanong niya.

"K-kung hindi n-namin ginawa yun, k-kayo ang sasaktan nila. M-mas masakit pa y-yun kesa sa nangyari samin n-ngayon." Nahihirapang sagot ko.

"Bakit niyo ba ito ginagawa? Ang dami na naming atraso sa inyo." Tanong naman ni Jho.

"D-dahil ganun namin kayo kamahal. Kahit ilang beses pa kaming masaktan, kayo pa rin ang pipiliin namin." Bea replied.

"Iuuwi na na---"

Hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari dahil bigla na lang akong nawalan ng malay habang nag-uusap pa sila.

____________________

A/N: So yun pala yung plano nila...

Hey guys! Kumusta naman po yung chapter na ito? Hehe. So yun may isa pa po palang chapter bago yung battle. Bigyan din naman po natin sila ng moments hehehe. Baka matagalan na naman po yung next ud ko kaya sana mahintay po ninyo.

Keep safe everyone! XOXO!

Continue Reading

You'll Also Like

232K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
185K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
12.4K 621 18
"Easy there, pup. You don't want to hurt your mate, do you?" A mysterious girl wearing with a cloak said. LUNA - Untamed Beast Short Story Race of My...