Anne-Bisyosa (dela Merced #1)...

By TheCatWhoDoesntMeow

1.4M 44.7K 7.6K

Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang guwapo pero grumpy boss na si Hunter dela... More

Teaser
Hello! This story is under Wattpad Originals.
Chapter 1 : Buhay-maganda
Chapter 3 : And the winner is..!
Chapter 4 : Halimaw sa banga
Chapter 5 : Nosebleed galore
Chapter 6 : Juskolord
Chapter 7 : Baliwag
Chapter 8 : Level 1
Chapter 9 : Kapag imbyernes...
Chapter 10 : Don't ouch me!
Chapter 11 : Hu u?
Chapter 12 : Gayuma
Chapter 13 : Arbor
Chapter 14 : Anyare?
Chapter 15 : Gisado at Asado
Chapter 16 : Aysus
Chapter 17 : Pinocchio
Chapter 18 : Syuta
Chapter 19 : Napakasakit, Kuya Eddie!
Chapter 20 : Sa banga
Chapter 21 : Ansabe?
Chapter 22 : Ang Manliligaw ni Anne
Chapter 23 : Ang kaadikan ni Hunter
Chapter 24 : Gravity
Chapter 25 : Para-paraan
Chapter 26 : Dining devils
Chapter 27 : 10:30
Chapter 28 : Bantay-sarado
Chapter 29 : Patlang
Chapter 30 : What she heard
Chapter 31 : Disadvantage
Chapter 32 : The rich's rich
Chapter 33 : Slowly
Chapter 34 : Pamintang durog
Chapter 35 : The great pretender
Chapter 36 : Chess
Chapter 37 : Only option
Chapter 38 : Sabado
Chapter 39 : Yes and No
Chapter 40 : A short, sweet dream
Chapter 41 : One last gamble
Chapter 42 : All is fair
Chapter 43 : The cost of falling in love
Chapter 44 : Game Over
Chapter 45 : Anne-Bisyosa
Epilogue : Perfect Tuesday

Chapter 2 : Daig ng intrimitida ang masipag

46.5K 1.2K 225
By TheCatWhoDoesntMeow

***

"Alam mo 'yon, girl?! Grabe! I heard na kaya sinisante si Miss Donabelle ay dahil nagkarelasyon sila ni Sir Hunter," chika ng isang babaeng naka-black na cocktail dress sa katabi nitong naka-blue habang nasa harap ng salamin ng restroom. Nagre-reapply ng lipstick ang mga ito.

Nagkatinginan sina Anne, Ada at Gina sa narinig. Ang Donabelle na sinasabi ng mga ito ay malamang na ang bagong sisanteng sekretarya sa upper-upper floor. Nabalita iyon kanina bago sila maagang mag-uwian at maghanda sa nagaganap na anniversary party ng dM Financing International. Ang Sir Hunter na tinutukoy ay sigurado silang walang iba kundi ang halimaw na CEO.

Naghihintay silang tatlo sa pag-alis ng dalawang daldalera sa salamin. Magre-reapply din kasi sana sila ng kolorete sa mukha bago bumalik sa Party. Time check: 11:32 ng gabi. Labinlimang minuto na ang dalawa sa malaking salamin.

"Oh? Hindi nga? 'Yon ang dahilan kaya siya nasisante? Grabe talaga si Sir Hunter! 'Di ba, 'yong secretary niya rin dati na si Miss Jessie, naging fling din niya?" pakikidaldal ng babaeng naka-blue. "I heard, Miss Katkat, too. 'Yong nauna kay Miss Jessie."

Hindi kilala ni Anne ang mga bagong pangalang pinagdadaldalan ng mga ito. Hindi niya inabutan ang mga tinutukoy nang matanggap siya sa kumpanya.

"Oo. Alam ko rin 'yan. Chika na 'yan sa floor namin e."

"So ngayon, wala uli siyang secretary?"

"Yes! Mismo! Naku... sino na naman kaya ang matitikman ni Sir?"

Umangat ang kilay ni Anne dahil una, overstaying na ang fifteen minutes para sa retouch lang ng make-up. Ikalawa, may mali sa usapan ng dalawang babae. Kasi naman, hindi lang sa floor ng mga ito (kung saanmang floor sila galing) naka-broadcast ang balita ng pakikipag-fling daw ni Mr. CEO sa mga nagiging sekretarya. Balita sa buong building iyon. Nagkukunwari lang na walang alam ang lahat pero pasimpleng nag-uusap-usap at naggugrupo kapag may pagkakataon. At kung sakali naman na nagiging 'fling' nga ni Mr. CEO ang mga nagiging sekretarya nito, hindi ba wagi rin doon ang mga babae? Sa guwapong iyon ni Sir? Mata pa lang ang tumingin at hindi pa ngumingiti, ang lakas na mag-push ng romance?

"Tapos ang balita —"

"Teka! Teka lang po!" singit ni Ada sa kasunod na naman sanang arangkada ng daldal ng dalawang babae. "Invisible ba kami rito? Kanina pa kami nakatayo at naghihintay na matapos 'yang usapan at retouch n'yo. Restroom ito. Hindi dressing room."

Tumango sina Anne at Gina sa sinabi ng kaibigan. Malaki ang punto nito.

Gusot ang mukha ng dalawang babae nang lumingon at hagurin sila ng tingin. Bahagya naman silang tumayo nang patagilid para mas maayos na makita ng dalawa ang design ng cocktail gowns sa kurbada ng katawan nila.

"Pinapaalis n'yo ba kami rito?" maanghang na tanong ng naka-blue.

"Naku, hindi! Gusto lang naming mag-retouch din," una ni Anne na nakangiti. Nakita niya kasing umangat na ang sulok ng labi ni Gina, tanda na maaari na itong mangagat o magsuka. Marami na itong nainom na margarita.

Masama pa ring makatingin ang dalawang babae. Pero walang pakialam si Anne. Gold ang suot niyang gown at pasadyang tinahi para maging diyosa siya ng buwan sa gabing ito. Gold din ang high heels na suot niya. At higit sa lahat, bagsak ang buhok niya! Tumalab ang pagha-hot oil niya ng buhok gamit ang gata ng niyog ng kapitbahay. Kaya naman, mas kalmado siya kaysa sa karaniwang mga araw.

"Pasensiya na talaga, mga sis! Alam n'yo na, medyo nakainom na kasi 'tong mga sisters ko. Pero bongga ang mga chika n'yo, ha? Eye-opening," sabi niya at pinasayaw ang pilikmata.

Umirap ang dalawa at nagkalabitan bago lumayas sa salamin. Nag-angilan naman sina Ada at Gina. Kinuha ni Gina ang blush-on nito. Si Ada naman ay ang lipstick. At si Anne, siyempre, ang mascarra. Hindi pwedeng mabawasan ang kapangyarihan ng eyelashes niya.

Ang anniversary party ay kasalukuyang ginaganap sa show floor ng building. Isang buong palapag iyon sa gusali na largo at madalas na pinagdarausan ng mga parties at events ng kumpanya. Dahil party, nakasasalamuha nila maging ang mga nasa matataas na posisyon. At pilikmata ang natatanging pang-akit na mayroon si Anne.

Twenty three years old na siya at three years ago pa siyang may certificate para magpaligaw. Pero walang naglalakas ng loob. Sa tulong ng mascarra niya at dalawampung paraan ng pagpapapilantik ng pilikmata, plano niyang may mahuling manliligaw ngayong gabi.

"Pero grabe si Sir a. 'Di ba... bata pa 'yon?" chika ni Gina. Kumalma ito dahil maayos na ang blush-on nito.

"Bata pa? As in... ilang taon?" usisa niya.

"Mga... twenty-six lang ba siya? O twenty-seven?" si Gina na nakatingin kay Ada.

"Ang alam ko, twenty-six siya e," sagot ni Ada.

Napatango si Anne. Twenty-six lang pala ang lalaki. Nahirapan siyang hulaan ang edad nito dahil matangkad ito. Seryoso ang ekspresyon sa mukha pero parang baby face naman. Actually, mukha itong may galit. Pero 'yon 'yong mukha na kung ngingiti, siguro siyang marami ang malalaglag — panga, mata, pustiso, puso at logic.

"Twenty-six lang pala 'yon! Ang hirap hulaan ng edad e," wala sa loob na komento niya.

"Bakit? Mukhang mas matanda?" si Ada.

"Hindi 'yon! Halimaw lang kasi 'yong kagwapuhan e. Wala kang maiisip na edad. Ang maiisip mo, magtanong kung may abs ba siya para tuloy-tuloy ang pantasya!" aniya at humagikgik.

Nagsipaghagikgikan din ang mga kasabay niya sa salamin.

"Guwapo nga si Sir pero na-immune yata ako!" sabi ni Gina.

"Dapat lang!" aniya. "Dalawa na ang binhi ng matris mo, teh!"

Tumawa uli ang babae.

Nagdaldalan pa sila hanggang sa may limang babae na ring nakatayo sa likod nila at naghihintay na matapos sila sa daldalan at retouch. Pero hindi sila nagpatinag.

After twenty minutes ay saka sila bumalik sa Party.

***

Time check : 12:22 midnight.

"Damn! And where's that girl now?" galit na tanong ni Hunter.

Bahagya na siyang nakainom at nakaupong kasama si Gener sa isang private cubicle sa party hall. Tapos na siyang magbigay ng speech, bumunot ng raffle numbers, magbigay ng plake at gift certificates sa mga empleyadong pinarangalan, at mamigay ng kotse. Gusto na niyang umuwi pero hindi siya pinayagan ng ama na siyang Presidente ng kumpanya. Nang umalis ito ay nagbilin na kailangan daw siyang makita ng mga tao na nakikipagsayahan doon. For what? Business codes. Leadership tactics. Lalo na ngayong pinuputakte na naman siya ng mga balita na babaero raw siya.

"She's compensated, Sir. I heard that she landed a job at another financing firm," magalang na sagot ni Gener. Nakabantay sa kanya ang mas matandang lalaki at paminsan-minsan siyang pinaaalalahanan na maghinay-hinay sa iniinom na alak. Hindi umiinom si Gener. Ito ang magda-drive para sa kanya pauwi.

"Compensated? She created that nonsense about her being a girlfriend! Damn! Why did we compensate her at all?" asar na tanong niya. Niluwagan niya ang kurbata ng suot na suit. Init na init na siya habang dumadaloy ang alak sa katawan. At kinaaasaran niya rin ang balitang alam niyang nagsisirkulo sa buong kumpanya — that he, Hunter dela Merced, took advances on his secretary, got into an indecent relationship and when done, fired the poor girl!

Kahit ang mga board members ay hindi man lang nagtanong sa kanya kung totoo ang balita. Late this afternoon when they held a meeting, all they said to him was to take it slow. To be discrete with women.

Uminom siya ng nakahaing rum sa salaming mesa.

"Young master..."

"Damn, Tito! Don't call me like that! I feel like a fucking prince on a leash!"

Matipid na ngumiti ang matandang lalaki. Tumayo naman siya. At nang akmang tatayo rin ito ay —

"Stay here, Tito! Do you even need to accompany me to the bathroom?" asar na pigil niya.

"As you wish," anito at naupo.

Umangil siya bago lumabas ng cubicle. Iniingatan niya ang pagsuray nang manghawi ng tao papunta sa restroom. Pumasok siya sa isang cubicle at ginawa ang dapat gawin.

Papalabas na dapat siya nang marinig ang pag-uusap ng dalawang lalaki.

"Hunter is really good! He'll fuck them and when they won't do as he wants, he'll fire them. It's a good way, bro! He's got free whores."

Tiim-bagang siya sa pakikinig. Hindi niya kilala ang tinig ng nagsasalita. Pero base sa tono nito ay mukhang nakainom na.

"That's the privilege of being a king, bro! He can do as he pleases," sang-ayon ng kausap nito.

Pinigilan niyang umangil at makipagdiskusyon.

"Yeah. All we can do is watch that bastard. Fuck. I want his place, bro. I really want it."

Marami siyang pamimilian sa mga magsasabi noon. Siya ang nag-iisang tagapagmana sa unang pamilya ng mga dela Merced. Panganay ang ama niyang si Clinton sa tatlo pang kapatid na kahati nila sa negosyo. Marami silang malalayo pang kamag-anak na may interes sa posisyon niya. Akala kasi ng mga ito ay gumugulong siya sa pera at kapangyarihan.

"One of his whores will be his downfall, bro. Let's wait for it."

Natriple ang init ng ulo niya. Nanggigigil siyang lumabas ng restroom at hinarap ang lalaking nagsasalita. Isa sa malalayong pinsan niya.

"Hunter?" ani ng lalaki na namutla habang nakatingin.

Walang sabi-sabing sumugod siya ng suntok sa mukha nito.

***

Ang alam ni Anne ay sinusundan niya ang waiter na may dala ng ladies' drinks. Pero sa galing lumiko ng waiter na parang iniilagan siya, sa gulo ng ilaw na nagpapaikot-ikot sa buong palapag, at sa dami ng tao, ay nawala siya. Nagkalat ang mga private cubicles na inokupa ng mga grupong umiinom. Umpukan din sa mga high tables. Nakabibingi ang maindak na musikang tinutugtog ng isang D.J.

Namalayan niya ang sariling nasa harap na naman ng restroom. Mula roon ay alam na niya ang pabalik sa table nila ng mga kaibigan.

Lalakad na sana siya nang makarinig ng mga ungol at kalampugan sa restroom ng mga lalaki. Malalaki ang tinig. Nakapagpapatindig ng balahibo niya.

Shemay. Anong action ang nangyayari sa loob? May bading bang naglalampungan do'n? naisip niya bago bumulong,"Nasa'n ba si Trina?"

Ilan lang ba ang bakla sa kumpanya nila? At bakit naman sa loob pa ng restroom naisipang gumawa ng ganoon? May malapit namang motel. Isa pa... bakit naman nag-ingay pa?

Hahakbang na uli siya nang makarinig ng ungol at ng isang pangalan: Hunter.

Si Mr. CEO? Kinabahan si Anne. Lumapit siya sa pinto ng banyo para makinig. Bakla si Mr. CEO?

May umuungol nga sa loob! Pero mukhang ibang uri ng bakbakan. Parang masakit! Parang sa ospital ang tuloy!

Itinulak niya nang kaunti ang pinto ng restroom ng mga lalaki at sandaling sumilip.

May action film! May pompyangan, basagan ng mukha at hatakan ng kurbata roon. Si Hunter laban sa dalawa. Dahil nakainom ay hindi niya masyadong mapagsino ang mukha ng mga kalaban.

Nag-panic siya nang maintindihang natanga siya. Nag-isip ng gagawin. Ano nga bang puwede?

Magsisigaw kaya siya? E, maingay. Hindi siya maririnig.

Magtawag kaya siya ng back-up? Pero malayo ang mga kaibigan niya.

Sumugod kaya siya at iligtas si Hunter? Pero... paano ang gold na cocktail dress niya? Ang buhok na balik-ayos at ang high heels?

Kinagat niya ang labi. Nang marinig pa rin ang bugbugan sa loob ng restroom ay napatingin sa bilugang basurahan sa tagiliran. Kulay silver iyon. Parang mabigat. Pero dahil emergency —

"Hercules!" sigaw niya bago buhatin na parang amazona ang basurahan at gamitin iyon pangtulak pabukas ng pinto.

Napalingon sandali sa kanya ang mga nag-aaway at —

"Tigilan n'yo si Sir Hunter!" sigaw niyang pikit-matang inihagis ang hawak sa nagsusuntukan.

Sumalpok ang basurahan sa dalawang lalaking nagbabakbakan. Ang pangatlong lalaki naman ay nakailag. Nang gumulong iyon sa loob ng banyo ay dalawang lalaki ang tumakbong palabas. Naiwan ang isa na nakaupo sa sahig at masama ang tingin sa kanya.

Dark eyes. Parang laging galit. Guwapo. Halimaw.

Si Hunter!

"Sir... okay ka lang?" tanong niya at iniabot ang kamay dito para tulungan itong tumayo.

Umangil ito pero hindi tinanggap ang kamay niya. Mag-isa itong tumayo at naghubad ng kurbata.

"You threw a trash can at me!" anito na may dugo sa tagiliran ng labi at mapula ang panga at pisngi. Lumakad ito palapit sa salaming naroon sa banyo at sinipat ang mukha. Kumuha ito ng panyo sa inner pocket ng coat nito at tinuyo ang dugo sa tagiliran ng labi.

"E... nakapikit ako, Sir, no'ng hinagis ko! Sana umilag ka na lang! Saka... ginawa ko lang 'yon kasi gusto kitang iligtas sa bugbugan at — "

Pinutol siya ng matalim na tingin nito. Ikinurap niya ang pilik-mata bilang counter-attack.

"I got them, lady. Kung hindi ka dumating, nabugbog ko na sana 'yong mga gago," anito.

Sa halip na maasiwa sa galit nito ay gumaan ang ulo ni Anne. Nawala ang pressure. Akala niya kasi ay English lang ang gamit ni Hunter sa tuwing nagsasalita. Naghahanda na sana siyang mag-nosebleed.

At dahil nakangiti siya, tinapunan uli siya nito ng matalim na tingin. Na sinagot niya uli ng malantik na pilikmata.

Umangil ito.

"Ano na, Sir? Anong gagawin ko para sa'yo?" tanong niya rito.

"Nothing. Stay away," sagot nito na ni hindi siya sinulyapan.

Napatanga siya sandali habang lumabas naman ito ng banyo. Umirap siya. Wala na ngang 'thank you', wala pang sulyap, nag-walkout pa! Padabog siyang lumabas sa restroom at hindi namalayan na nakasunod siya sa lalaki.

***

Nakita niya nang salubungin ito ni Sir Gener at umpisahang usisain ang itsura nito. Nang pumasok ito sa private cubicle, dapat ay babalik na rin siya sa mesa ng mga kaibigan. Pero curious siya kung ikukuwento man lang ba nito sa kasama ang pagliligtas niya rito.

'Ayun. Tumambay siya sa labas ng cubicle at nakinig.

"Nothing happened, Tito. I'm okay," banas pa rin ang boses ni Hunter.

Tumaas ang kilay niya. Sinungaling pala ang lalaki. Sino ang maniniwala rito na walang nangyari kung may pasa ito at dumudugo ang lips? Napailing-iling siya.

"Sir, we should get your wounds checked," sabi ng matandang lalaki sa malumanay na boses.

"Wounds? This is not life threatening! Damn! I told you it's nothing so stop treating me like a fucking kid."

Napailing uli si Anne. Lasing ang boss nila. Sigurado siya. Ang balita kasi ay tipid din ito sa salita kapag nagsusungit.

"Here's what I think. I think you heard someone talking bad about you again and then, you flipped," sabi ni Gener dito.

Hindi kumibo si Hunter. Gusto naman niyang palakpakan ang kalmante at sapul sa puntong paraan ng pagsasalita ng mas matandang lalaki.

"What do I always tell you about that?" si Gener.

Walang sumagot. Pero parang may lumalagok ng alak.

"Is it about that girl again? Rumors again?"

Tahimik.

"Don't you want to tell me who punched you? Or whom you punched?"

Walang sagot.

"Do you want us to get male secretaries now?"

Wala.

"Young master..."

"Damn, Tito! Do you really have to press me about that secretary talk?! If I want to get one immediately, I should have just asked at the party because I'm pretty sure a lot of them would want that chance!"

Tumahimik sa cubicle. Umingos si Anne. Mukhang hindi siya mapag-uusapan ng mga ito.

"I will tell your father that we should get male secretaries, then."

"Kapag sinabi mo kay Daddy 'yan, he would tell me to get secretaries slash bodyguards. Then, my life would really become a boring schedule!"

Tahimik.

"Then... female secretaries?"

Angil.

"I really should have just asked the crowd earlier if there's anyone who wanted to be my secretary. Para kung sakaling madaldal din at imbentor ng kuwento ang makukuha ko, mabilis lang isisante. Mababawas pa sa mga empleyadong nagkukunwari na hindi ako pinag-uusapan," si Hunter.

Napatango naman siya. May punto ang lalaki. In fairness, alam pala nito na pinag-uusapan talaga ito.

"Wait. I could still ask now."

Naghintay siya sa paglabas ni Hunter sa cubicle pero wala. Mukhang pinigilan ito ni Gener.

"That's not good. Your reputation precedes you. They will think you are asking for an affair. And look at you! You don't look decent with all that blood."

Napatango si Anne. May punto si Sir Gener.

"Then, what? Let me just ask them if there's anyone who —"

Pero wala uling Hunter na lumabas.

Noon umilaw ang bumbilya sa ulo ni Anne. Kung kailangan ng secretary ni Hunter at desidido itong magtanong pero laging pinipigilan ni Sir Gener, mag-volunteer na lang kaya siya?

Secretary means promotion. Promotion means bigger salary. Bigger salary means... happiness, right?

Bilang pasasalamat nito sa pagliligtas niya rito sa banyo, dapat na gawin na lang siya nitong sekretarya! What a bright idea!

Iyon nga ang ginawa niya. Nasa pang-apat na ulit na yata ng pagpigil ni Gener kay Hunter nang ipasok niya ang ulo sa private cubicle.

"Sir!" Nakataas pa ang kamay niya nang bumungad sa dalawang lalaking natigilan.

Kunot ang noo ni Hunter. Kalmado namang nakatingin si Sir Gener.

"What?" asar agad na tanong ng CEO sa kanya.

"Ako na lang, Sir."

"What?" Lalong nagusot ang mukha nito. Hindi yata naiintindihan ang spirit of volunteerism niya.

"I volunteer me to be your secretary, Sir. Para hindi ka na magtanong pa sa labas."

Nakatunganga sa kanya ang dalawa.

"Are you eavesdrop—"

"Opo," nakangiting sagot niya sa lalaki.

"And you heard me —"

"Opo."

Nagkatinginan ang dalawang lalaki bago bumaling uli si Hunter sa kanya.

"You really want to be my secretary?" parang gigil na tanong nito.

"Yes na yes, Sir!" aniyang nakangiti.

Napapailing ang lalaki. Parang tumaas pa nga nang kaunti ang isang kilay nito.

"Secretary, huh? Sure... Let's make you the new one," parang nang-aasar na sabi nito. May sasabihin pa sana ito pero —

Secretary na raw siya?! As in, secretary means promotion means bigger salary means happiness? Kung gano'n, wala na siyang pakialam pa sa ibang sasabihin nito! Hindi niya akalaing mabilis kausap ang boss niya!

"Start na 'ko tomorrow, Sir a!" excited na sabi niya, lumapit at hinalikan nang mabilis sa pisngi si Hunter. Hinalikan niya rin si Sir Gener bago patakbong lumabas ng private cubicle.

Kailangan niyang ipagkalat ang promotion niya. #

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 219K 53
After getting her heart ruthlessly broken, Leila believed that love is a murderer. She became as cold as ice and pushed everyone away. But now that L...
508K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.1M 54.2K 57
To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the idea of love aside. But upon meeting the m...