Innocent •SB19 KEN• [COMPLETE...

By Nahhhlia

49.6K 1.5K 827

[SB19 Series #5 | KEN FAN FICTION | Completed] A pure, innocent guy and a girl who hates boys. How would she... More

Innocent
PROLOGUE
CHAPTER 1: Puro Inocencio University
CHAPTER 2: Saved But In Danger
CHAPTER 3: Stay In
CHAPTER 4: The Deal
CHAPTER 5: Mom And Hair
CHAPTER 6: Langga
CHAPTER 7: Understanding Each Other
CHAPTER 8: Special
CHAPTER 9: For Safety
CHAPTER 10: Graduation Ball
CHAPTER 11: Proven
CHAPTER 12: Answered
CHAPTER 13: Maturity
CHAPTER 14: Scared
CHAPTER 15: Jealousy
CHAPTER 16: Last Lesson
CHAPTER 17: Mr. Innocent No More
CHAPTER 18: He's Back
CHAPTER 19: Captured
CHAPTER 20: No Choice
CHAPTER 21: Siblings
CHAPTER 22: Changed
CHAPTER 23: Escaped
CHAPTER 24: Stuck In Between
CHAPTER 25: Understanding
CHAPTER 26: Unwanted Message
CHAPTER 27: Got You
CHAPTER 29: Best Part
EPILOGUE
Special Chapter: Reunion
Author's Note

CHAPTER 28: Visit

1.2K 35 52
By Nahhhlia

Itotodo na ang moments ni Aki at Ken dahil matatapos na itez! Salamats sa mga nag-babasa at nag-hihintay sa update! Lalo na don sa naging crush daw si Ken dahil sa story na 'to HAHA! Muwah.

Enjoy reading! ❤️


Chapter 28: Visit

Third Person's Point of View

AKI IS HAPPILY looking at Ken's face while smiling. She can't hide her tears of joy when it declared that she is finally a wife of the love of her life.

"You may now kiss the bride."

Ken is looking at her with happiness in his eyes. Hinawakan nito ang dulo ng belo niya tsaka dahan dahang inangat.

Ngayon ay malinaw na niyang nakikita ang muka ng lalaking pinaka-mamahal niya.

Hinawakan pa nito ang mag-kabila niyang pisngi bago tumungo ang mga kamay nito sa bewang niya.

Ken was about to kiss her when a loud sound banged.

"Sumunod ka na sa Nanay mo!" sigaw ng pamilyar na lalaki na nasa pinto ng venue habang naka-tutok sa kanila ang baril.

Nag-kagulo ang lahat ng tao at bago pa man nila maipakita ang reaksyon ay isang malakas na tunog nanaman ang kumawala.

Napa-hawak nalang siya sa tiyan niya nang isang napaka-sakit na pakiramdam ang bumalot dito. Blood is seen on her white dress and her knees weakened.

Natamaan ang tiyan niya! Her baby is in danger, no!

Bumalikwas siya ng bangon at agad na tumingin at humawak sa tiyan niya.

Walang dugo, walang masakit.

Luminga linga siya sa paligid. She's lying on Ken's bed inside his room. At katabi din niya ang kasintahan na kasalukuyang natutulog ngayon.

Bumuga siya ng hangin nang mapanatag siya. It was just a nightmare. Walang nangyaring masama, walang mangyayaring masama. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili.

Umiling iling siya tsaka bumuga muli ng hangin. Napaka-lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba.

"Aki?"

Agad siyang lumingon sa katabi nang marinig niya ang pag-tawag nito. Bumangon din ito tsaka hinaplos ang likod niya.

"Bakit? Nagugutom ka ba? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala nitong tanong.

Umiling siya. "Nanaginip lang ako." sagot niya.

"A nightmare?" he asked.

Nag-pilit siya ng ngiti. "Nasa venue daw tayo ng kasal tapos hahalikan mo na dapat ako. Kaya lang biglang may malakas na tunog ng baril kaya nag-kagulo lahat ng tao. Turns out na yung tatay ko pala 'yon. Nasa pinto siya at naka-tutok sa atin yung baril na hawak niya. Ang sabi pa niya, sumunod na daw ako kay Mama. After that, before we even get to react, he pulled the trigger." she looked at him with fear on her eyes. "At natamaan yung tiyan ko. Yung baby natin Ken." naiiyak niyang sabi.

He quickly pulled her for a hug. "Shh, it's just a nightmare. Walang mangyayaring masama. Poprotektahan ko kayo, wag kang mag-alala."

Because of that, she slowly forgot one by one the scenes of the nightmare. Napangiti nalang din siya sa isiping unti unti nang umaayos ang lahat.

"Matulog na ulit tayo, madaling araw palang. Bibisitahin pa natin mamaya si King." sambit nito.

Tumango naman siya tsaka bumalik sa pagkaka-higa. Isinubsob niya ang muka niya sa dibdib ng kasintahan habang naka-yakap naman ito nang mahigpit sa bewang niya.

She feels safe in his arms. It's like nothing bad would happen whenever she's on his arms.

NANG MAGISING siya ay wala na si Ken sa tabi niya, malamang ay nag-hahanda na ito dahil maaga nilang bibisitahin si King.

Wow, hindi ata ako nahihilo o nasusuka ngayon. Tumango tango nalang siya bago tuluyang bumangon sa kama.

Maganda ang gising niya dahil hindi siya naka-ramdam ng pag-baliktad ng sikmura ngayon. Sana ganito nalang araw araw.

Nang maka-rating siya sa kusina ay nadatnan niya si Ken na nag-hahalo ng gatas sa baso. She smiled because of that, she knew that it was for her.

"Good morning Kenken!" bati niya dito tsaka niya ito niyakap mula sa likod.

"Good morning." he greeted back.

Nang matapos na sa pag-hahalo si Ken ay inabot nito sa kanya ang baso na may lamang gatas. She quickly grabbed it and took a sip.

Ken was just looking at her the whole time until she finished drinking the milk.

"Ubos na." she said.

He chuckled. "Para kang bata uminom, may gatas ka pa sa taas ng labi."

Before she even got time to react, he already captured her upper lip making her stilled in shock.

Lumayo ito sa kanya habang matiim itong naka-tingin sa kanya. He licked his lips while staring at her, seductively. Her heart is beating so fast. Napa-lunok nalang siya dahil wala siyang masabi.

Shet.

"P-Parang tanga naman 'to, pwede namang punasan nalang." sambit niya habang pilit na umiiwas ng tingin kay Ken dahil sa hiyang nararamdaman. Sa tingin niya ay pulang pula na ang muka niya ngayon.

"Okay, I'll just wipe it next time." he said.

Ay.

Napa-kamot siya sa batok dahil sa sinabi nito. She shouldn't have said that. Nanghihinayang tuloy siya ngayon. Pwede bang bawiin?

"I'll wipe it using my lips." pahabol nito.

Shet ulit.

Kinagat niya ang ibaba niyang labi tsaka pinag-laruan ang sarili niyang kamay habang umiiwas ng tingin. Pinipigilan niya ang ngiti dahil sa kilig na nararamdaman.

"Maharot ka." sabi niya tsaka bahagyang hinampas ang balikat ng kasintahan.

Natawa nalang ito dahil sa inasal niya. Mukang napansin nito na nahihiya at namumula na ang muka niya.

"Halika na nga, kumain na tayo para mabisita na natin si King." aya nito.

Bahagya pang hinatak ni Ken ang upuan tsaka siya doon pina-upo. They both enjoyed their breakfast while talking about random things. Seems like Ken is making her feel better so that she won't worry about anything.

That's just so sweet of him.


SHE NOTICED herself being sweet and clingy always. Well, mukang gustong gusto naman iyon ni Ken. Kaya pananatilihin nalang niya ang sarili niyang ganoon.

They are on their way to the hospital. Ayon kay Kuin, King's condition is okay. Unti unti na itong nakaka-bawi ng lakas ngunit kailangan parin nitong mag-pahinga.

When they reached the room number Kuin gave, Ken softly knocked on the door, habang hawak naman nito ang isa niyang kamay.

Pagkaraan ang ilang segundo ay bumukas na ang pinto. Bumungad sa kanila ang Mama ni King.

"Pasok kayo." sambit nito.

Parehas nilang nginitian ang ginang tsaka sila dahan dahang pumasok sa kwarto. Mahimbing ang tulog ni King sa kama.

"Upo muna kayo. Mukang kailangan niyo pang hintaying magising si King kung kakausapin niyo siya. Kumain na ba kayo?" tanong nito.

Parehas silang tumango. "Kumain na po kami bago kami pumunta dito." siya na ang sumagot.

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. She find the atmosphere awkward. She's just playing with Ken's hand.

"Uhm." siya na ang bumasag sa katahimikan. "Sa totoo lang po gusto ko po kayong makausap." sambit niya sa ina ni King.

"Ganon ba? Sige, ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong nito.

Noong una, akala niya ay mataray ito dahil hindi maganda ang tingin na binibigay nito sa kanya. Anak ba naman siya ng kabit ng asawa nito, talagang tatarayan siya nito.

"Labas muna ako, may gusto ka bang kainin?" bulong sa kanya ni Ken.

Napa-ngiti siya dahil doon. "Hmm, gusto ko ng gatas at pandesal."

He nodded. "Mag-hahanap ako ng tindahan ng pandesal. Sige makipag-usap ka muna sa mama ni King. Wag kang aalis dito ha? Remember, just call me if anything happens."

"Okay." she gave him a peck. "Ingat ka."

Binigyan siya nito ng ngiti bago tuluyang mag-paalam at lumabas sa kwarto.

Bumalik ang tingin niya sa ina ni King. She looks stressed and worried. Nakaramdam siya ng awa para dito.

"Uhm." umayos siya ng upo. "Bakit po hindi niyo pa isinumbong yung tatay namin ni King sa pulis kung may ebidensiya naman po pala kayo ng mga ginagawa niyang masama?" diretso niyang tanong.

Natahimik ay napa-titig sa kanya ang ginang kaya natauhan siya at muling inisip ang naitanong niya.

"S-Sorry po, masyado po akong straightforward." she apologized.

King's mom slightly smiled. "Ayos lang, naiintindihan kita."

She waited for her to explain.

"I was blinded by love. Na kahit na anong masakit o masamang nagawa niya sakin o sa ibang tao, nagagawa ko siyang patawarin agad. Mahal na mahal ko siya to the point na kahit na pinag-bubuhatan niya ako ng kamay minsan, kahit na nalaman kong may iba siyang babae, kahit na anong kasalanang nagawa niya sakin, pinapatawad ko siya." paliwanag nito.

She remained silent.

"I never thought of exposing him to the police. Alam kong kaya niyang gumamit ng baril at pumatay ng tao pero isinawalang bahala ko lang 'yon dahil ayaw kong makulong siya, ayaw kong mawala siya sakin. Kaya nga noong nalaman kong may iba siyang babae noon, ang mama mo,"

Tumingin ito sa kanya. "Kinain ako ng selos. I did everything just to take him away from you and your mother. Lagi kong ginagamit ang yaman ko at ng mga magulang ko para hindi niya ako saktan at pabayaan. Tinatakot ko siya na mag-susumbong ako sa pulis kung sakaling may gawin siyang masama sakin at sa pamilya ko, lalo na kay Andrei. I pulled out my investment on his company, dinungisan ko ang kompanya niya para mawalan siya ng investors at empleyado. So that he'll come back to me begging and asking for help. Alam kong kahinaan niya ang kompanya at ang pera niya kaya 'yon ang naisip kong paraan para habulin niya ako ulit."

Bahagya itong yumuko."Hindi ko alam na sa'yo at sa mama mo pala niya inilalabas ang galit niya dahil sa problema niyang 'yon. I didn't know that he is beating up your mother before, I didn't know that you and your mother suffered because of him, na dahil na din sakin. Ako ang may kasalanan. It's my fault why your mother died, it's my fault my King was shot. I was too blinded. Hindi ko na naiisip ang ibang tao."

Nag-simula na itong lumuha kaya tinabihan niya ito tsaka niya hinagod ang likod.

"Wala po kayong kasalanan. It's his choice if he would do it or not, but he still chose to do it, kaya pag-babayaran lang niya yung kasalanang nagawa niya. Wala po kayong kinalaman doon." sambit niya.

"Pero kung hindi ko naman sana ginawa 'yon, kung hindi sana ako nagpa-kain sa selos, sana buhay pa ang mama mo, sana hindi ka nahirapan, sana hindi nangyari ang lahat ng 'to."

She sighed. "Kung hindi niyo po ginawa 'yon, malamang ay patuloy parin siya sa pag-gawa ng masasamang bagay ngayon. Nagawa niyo lang naman po 'yon dahil sa pag-mamahal. I understand you po, I can do anything for Ken too, because I love him so much. Nag-mahal ka lang po. At yung mga nagawa niya, siya na po ang may desisyon don, hindi niyo na po kasalanan kung ginusto niyang manakit o pumatay ng tao, it's his decision after all. Wag niyo pong sisihin ang sarili niyo."

Ginawa at sinabi niya ang lahat para pagaanin ang pakiramdam ng ginang. She's her bother's mom after all.

Nang mag-tagal na ay nag-simula na itong kumalma.

"Thank you. And I'm sorry for what I did to you and your mother before." sambit nito.

She smiled. "It's all in the past po. We should move on and face our present and future."

Sa wakas ay ngumiti na din ang ginang. Hinawakan pa nito ang buhok niya.

"You're a lovely girl. I wish you and your boyfriend's happiness." napa-tingin ito sa tiyan niya. "And your baby too."

She chuckled. "Salamat po."

"Don't worry, pagkatapos ng ginawa niya kay King, hindi ko na alam kung gugustuhin ko pa ba siyang makita. Tutulong ako para makulong siya, nag-sampa na ako ng kaso sa kanya. Makukulong siya. Mag-babayad siya sa mga ginawa niya." King's mom said.

"Kamusta naman po pala si King?" pag-iiba niya ng topic.

Bumaling ang tingin nito sa binatang naka-higa sa kama.

"Ayos naman siya, he's recovering fast. Nasabi niya sa akin kahapon na gusto ka daw niyang makita." sagot nito.

"Pwede ko po ba siyang lapitan?" she asked.

"Oo naman."

Tumayo siya tsaka lumapit sa kapatid. Naupo siya sa silya na nasa gilid ng kama nito. Hinawakan niya ang kamay nito at bahagya iyong hinaplos habang naka-titig sa muka nito.

"Nandito na ako King, gising ka na muna, usap tayo, na-miss kita." mahina niyang sabi.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bumuga ng hangin si King tsaka unti unting bumukas ang mga mata nito.

"King!" napa-tayo pa siya nang makitang nag-mulat ang mga mata nito.

"Ker, nandito ka pala." mahinang sabi nito.

"Na-miss kita!" sambit niya tsaka niya ito sinunggaban ng yakap.

"Aw! Wait, teka lang Ker yung sugat ko." daing nito.

Agad naman siyang lumayo sa binata nang matauhan. Nakalimutan niyang may sugat nga pala ito.

"Sorry, nakalimutan ko. Masakit ba? Sorry, hindi ko sinasadya." she apologized.

"Okay lang, kumikirot lang ng konti pero magiging ayos din ako. Ako pa, King Andrei ata 'to." pag-mamayabang nito.

Ngumiti nalang siya. "Pinag-alala mo ako ng sobra."

Bumalik na ulit siya sa pagkaka-upo sa silya tsaka niya muling hinawakan ang kamay ng kapatid.

"Ikaw din naman, pinag-alala mo din ako. Nasabi sakin ni Mama yung nangyari. Sinaktan ka nanaman nila." may pag-aalala sa boses nito.

"Ayos lang 'yon, atleast ngayon makukulong na siya, sila nung secretary niya. Tapos na, wala na siyang masasaktan." she said with a smile.

"That's good. Sino palang kasama mo?" he asked.

Mas lumawak ang ngiti niya. "Si Ken." sagot niya.

Nginitian din siya nito pabalik. "Sabi ko naman sa'yo maiintindihan ka niya. I'm happy for you and Ken. Pati na rin sa anak niyo. Magiging Tito na ako, yes!"

Kasabay ng mahina nilang pag-tawa ay ang pag-bukas ng pinto. Iniluwa nito si Ken na may dalang isang paper bag.

"Hello po." bungad nito na para bang kinakabahan at hindi alam ang gagawin. He must be nervous.

Tumayo siya sa kinauupuan tsaka niya nilapitan ang kasintahan.

"Oooh, pinag-papawisan ang Kenken ko." sambit niya tsaka niya pinunasan ang pawis sa noo ng binata gamit ang likod ng palad niya.

Nag-pigil ito ng ngiti. "Eto na yung pinabibili mo. Nag-hanap talaga ako ng tindahan ng pandesal. Medyo mag-tatanghali na din kasi kaya nahirapan akong mag-hanap. Sorry, nag-tagal ako."

She giggled. "Ayos lang, thank you. Tara, ipapakilala kita kay King." aya niya.

She held his hands and walked to King's bed. She sat on the chair with a smile on her lips.

"Si King, kapatid ko." pag-papakilala niya.

"Ngayon lang tayo mag-papakilala nang maayos sa isa't isa. Ken, Aki's boyfriend. Sorry pala kung pinag-seselosan kita noon, hindi ko naman kasi alam na kapatid mo pala si Aki." napa-kamot pa ito sa batok niya.

Bahagyang natawa si King. "Pinag-seselosan mo pala ako noon ah." pabirong sabi ni King. "King, kapatid ni Aki at bubugbog sa'yo pag sinaktan mo siya."

They shake their hands.

"I wouldn't hurt her, never." Ken said seriously.

Tumango nalang si King. "Alagaan mo sila ng pamangkin ko." King said.

Dahil sa pag-uusap ng dalawa ay hindi na nila napansin na nabuksan na niya ang isang basyo ng gatas at kasalukuyan na siyang ngumunguya ng pandesal.

"Mind sharing me your snack Ker?" tanong sa kanya ni King.

Sinimangutan nalang niya ito.

"Oh." tunog hindi bukal sa loob ang tono ng boses niya.

Natawa nalang si King dahil doon. "Joke lang, eto naman. Mukang sarap na sarap ka dyan, sige ubusin mo na."

Bigla siyang napaisip dahil sa inasal niya. Nabaril si King at ngayon ay may sugat ito, kaya dapat itong kumain at mag-pahinga.

"Oh, kailangan mo din namang kumain para gumaling ka na." bakas ang pag-sisisi sa boses niya.

Agad na umiling si King. "I was just teasing you. Hindi na, sa inyo na 'yan ng baby mo. Mas kailangan mong kumain." may ngiting sabi ni King.

Madali namang napalitan ng ngiti ang simangot sa muka niya.

"Mag-shi-share nalang ako sa inyo." she said while smiling widely.

Kumurot siya sa hawak niyang pandesal tsaka niya iyon itinutok sa bibig ni King. Tinitigan lang naman iyon ni King.

"Sige na." pag-pilit niya dito.

Isinubo nalang ng kapatid ang pandesal na hawak niya, kumurot ulit siya ng ganon kalaki tsaka naman niya itinutok sa bibig ng kasintahan.

Walang tanong tanong na isinubo ni Ken ang hawak niyang pandesal. Natuwa naman siya dahil doon.

Pinag-hatian nilang tatlo ang pag-kain ng pandesal, until there's something flashed on them.

Pare-parehas silang lumingon sa direksyon ng kinalalagyan ng Mama ni King. Kasalukuyan ito ngayong may hawak na cellphone habang naka-tutok sa kanila.

"Ma!" pag-mamaktol ni King. "Ang hilig mo talaga mag-picture ng stolen!"

King's mom giggled. "You three are so cute!"

HIS SMILE WON'T fade on his lips. Kusa nalang itong pumoporma ng ngiti habang naka-titig siya sa kasintahan na kasalukuyang sumisipsip ng gatas.

Akala niya noong una ay madalas itong mag-susungit kung sakaling mag-buntis ito dahil napapansin niya ang pag-babago ng ugali noon ng kaibigan nilang si Jewel noong nag-bubuntis ito, ngunit kabaliktaran ang nangyari.

She's sweet and loves to be cared all the time. Well, minsan ayaw nitong palapitin siya dahil nababahuan daw ito sa kanya kahit na mabango naman siya.

"Restroom lang ako." paalam nito.

Parehas nalang silang tumango ni King. Sinundan nila ng tingin ang dalaga hanggang sa maka-pasok ito sa banyo.

"Kailan mo pakakasalan yung kapatid ko?"

He quickly looked at King when he heard him talked.

"H-Ha?" kinakabahan niyang tanong.

"Hot cake."

Natahimik nalang siya dahil sa sinabi ni King. He's confused.

"Gusto mo ng hot cake?" tanong niya.

Bakit ba bigla nalang niyang gusto kumain ng hot cake? Nag-tataka tuloy siya.

Mahina itong natawa kaya mas nag-taka siya.

"Hindi, wag mo na ngang alalahanin yung sinabi ko. Sagutijn mo nalang yung tanong ko." sumeryoso ito ng tingin. "Kailan mo balak pakasalan si Keren? Magkaka-pamilya na kayo soon." tanong nito.

Unti unting gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

"Don't worry, I have plans." he said.

_______________

Tanaol ganon mag-punas ehE. 🥴

- nahhhlia

Continue Reading

You'll Also Like

8.7M 310K 58
"Hindi ako pa-fall at patutunayan ko 'yan sa'yo!" - Misty Kirsten Lee Book 2 of Warning: Bawal Ma-fall *2016 Talk of the Town Awardee*
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
2.5M 41.4K 75
{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.