HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 58

3.2M 80.9K 156K
By maxinejiji

NAIH'S POV

Canteen.

"Ang tagal naman ni Max!" si Migz.

"Oo nga e. Akyatin ko na kaya?" nag-aalalang tanong ko.

"Naku, floor pa naman nila Deib yun." si BJ.

"E ano naman?"

"Baka hinarang pa siya."

"Akala ko ba okay na sila?" si Michiko. "Baka hinarang siya para magkumustahan sila hehe."

"Baka naman napaano na yun. Teka aakyatin ko na----"

"Oh my God!"

"Waa!"

"Huhu ang gwapo nya!"

"Oh my God what is he doing here?"

"Haven't you heard the issue? He's married."

"For real?"

"Yes. And you're not gonna believe who his wife is."

"Oh! Who?"

"TA-GU-RO!"

"What?"

"No!"

"Huy!" si Maxwell na kinakatok ako sa noo. "Anong nangyari sa iyo?" natatawang tanong niya. Sobrang gwapo niya kasi ngayon, as in super! Naka-scrub suit na dark blue at may white gown na suot.

"Wala pa si Max e." sabi ko sa kanya.

"Nasaan siya?"

"Pupuntahan ko pa nga lang sana e dumating ka naman. Iwan muna kita dito. Susunduin ko lang siya---"

"Oh eto na pala si Mrs. del Valle e. Ya!" sigaw ni Migz.

Napasilip ako sa Entrance at nandoon nga si Max.

"Max, ang tagal mo naman?" alalang tanong ko. Pero hindi niya ako pinansin.

Dumeretso siya kay BJ.

"BJ."

"Oh?"

"Nasan yung listahan mo ng players?"

"Eto." nilabas yung papel. "Bakit?"

"Patingin." sabay kuha nung listahan.

'Anong trip yan? Tingin tinginan ng pangalan?'

"Sino itong Melissa Baylon?" tanong niya.

"Ahh si Ysay. Siya ang Captain ng Baseball team, mukha siyang LOSER pero mgaling yan. Magaling pumalo, asintado at malayo."

"Halata nga." walang interes na sabi ni Max at inilapag ang papel sa harap ni BJ. "Salamat."

"Bakit mo naitanong teh?"

"Malalaman mo rin." nakangiting sabi niya kay BJ at saka bumaling sa akin. "Anong sinasabi mo kanina?"

"Sabi ko ang tagal mo. San ka ba nanggaling? Nag-alala ako e."

Ngumiti siya sa akin at pinisil pa ang pisngi ko.

"Wag kang mag-alala. Naghugas akong kamay."

'Bakit ngiti ng ngiti ito? Ang weird lang.'

"Oh Mister!" baling niya kay Maxwell.

"Misis." nakangiting sabi ni Maxwell na umakbay pa sa kanya. "Wala ka ng topak?"

"Wala naman na, ewan ko lang mamaya. Balita ko, manlilibre ka daw ah?"

"Mmm. Ano bang gusto mo Misis?"

"Alam mo naman ang gusto ko e."

"Okay. Lahat yun bibilhin ko, basta uubusin mo sa harap ko?"

"Malaman natin. Sige na. Gutom na ako e."

"Sige. Upo ka muna diyan."

Inalalayan pa siya ni Maxwell paupo sa table niya at saka naman ako tinapik at nagpunta sya sa line.

"Yie! Nakakainggit naman."

"Ang swerte naman niya, huhu!"

"Tara tara sundan natin si Maxwell."

"Ano ka ba! Baka magselos si Taguro."

"Paki ko ba?"

Umupo ako sa tabi ni Max na nakangiti!

"Huy teh! Bongga sa ngiti ah?" pang-aasar sa kanya ni Migz.

"Sinong hindi mapapangiti tignan mo naman ang ulam ng bakla! SALMON!" malanding sabi ni BJ at natawa naman kami.

"Max, ang gwapo naman ni Maxwell. Bagay kayo." si Michiko.

"Talaga? Bagay rin kayo ni Tob."

"Eh. Hihihi."

"Tara order na tayo." sabi ni Migz.

"Wag na, si Maxwell na bahala." nakangiting sabi ko.

"Sure ka teh?"

"Oo. Hehe. Bigtime yun." sabat ko.

"Ang cute naman ng tawagan niyo. Mister at Misis!" si Michiko.

"Hehe. Gayahin mo teh! Para mas cute baliktarin mo, ikaw ang Mister, si Tob ang Misis!" si Migz. At nagtawanan ulit kami.

Nagkukwentuhan pa sila saka ako bumaling kay Max.

"Hoy. Saan ka galing ha? Ang tagal mo namang mag-C.R! Anong ginawa mo doon?" nanghuhuli na tanong ko. Iba kasi ang pakiramdam ko, alam ko may iba pa siyang ginawa. Mabilis lang mag-C.R. 'to e! Pero ngayon ang tagal niya. At ang masama pa non, ngingiti ngiti siya ngayon. Baka kako may ginawang kalokohan ito na hindi niya shineshare sa akin. At saka kasi kanina bigla siyang napahawak sa akin e. Parang iba kutob ko talaga.

"Malalaman mo nga mamaya." seryosong sabi niya. Tinitigan ko naman siya at nagtitigan kami. Ewan ko pero kinabahan ako bigla. Kapag ganito kasi si Max ay balak siyang masama.

Nasa ganoon naman kaming sitwasyon ng biglang umingay na naman.

"Waa andiyan na sila Deib!!"

"Ang gwapo niya!"

"Ang cute nila huhu."

"Oh my God. Why is she with them?"

"Napapadalas na yata nilang makasama yan ah?"

"She's a user. Maybe she wants to be famous?"

"Or, she's trying to get Deib."

"Stupid, that won't happen. Look at her face! She looks awful!"

"Haha!"

"Haha! Grabe naman makalait itong mga ito!" natatawang sabi ko. Napatingin ako don sa babaeng kasama nila Deib.

Nagulat ako nung makita kong irapan niya si Max nung dumaan siya sa harap namin.

'Hoo? Siya yung niligtas ni Deib kay Abby nung nakaraan ah?'

"Alam mo ba? Nakalimutan kong i-share sa iyo ito e. Nung araw na tinamaan ng baseball si Deib, nandito kami sa Canteen nun." bulong ko kay Max.

"Oh?" parang walang interes na tanong niya.

"Yung babaeng yun." inginuso ko sa kanya. "Pinagtripan ni Abby yun! Hehe! Ginawa sya CLOWN."

"Talaga? Tapos?"

'Kahit kelan ito parang walang interes sa chismis!'

"Natawa ako sa mukha niya e, pero mas natawa ako sa ginawa ni Deib kay Abby. Hahaha! Naalala mo yun Migz?" baling ko pa kay Migz na nakikinig rin sa akin. "Pinagawa ni Deib sa kanya lahat ng ginawa ni Abby dun sa babaeng yun. Hahaha! Hardcore lang. Laughtrip bale ako nun e. Kaso nung marealize ko na ginawa ni Deib yun para iganti yung nerd na yun, parang wala lang, nakakatuwa lang! May puso rin pala si Sensui? Wala nga lang sa atin hehe."

"Sa lahat ng students dito na kabully bully, yan naman talaga ang never binully ni Deib." si Migz.

"Talaga? Bakit daw?" tanong ni Max.

"Kasi daw, magkaklase na sila mula Elementary. Nung maghigh school lang sila napahiwalay si Ysay."

'Ysay?'

Napatingin ako bigla kay Max.

'Hindi ba't yung Ysay rin ang tinatanong ni Max kay BJ kanina?'

Napatingin ako kay Max at nakita ko na nakatingin siya doon sa Ysay, napalingon ako doon sa Ysay at.

'Nagtititigan sila?'

"Ang tagal pala um-order dito sa Canteen niyo?" biglang singit ni Maxwell.

Naka-amoy naman ako ng simoy ng pagkain kaya nawala na ako sa wisyo.

"Ang bango naman nyan!" sabi ko.

"Sinigang." nakangiting sabi ni Maxwell.

"Yummy!" sabi ko pa. Tinulungan ni Maxwell yung waiter na ayusin yung food sa table namin at saka siya umupo sa tabi ni Max. "Ahh Maxwell, eto nga pala ang mga super friends namin. Si Migz, siya yung emcee nung party, at the same time ay President ng Student Council. Si Michiko, siya yung isa sa nanalo ng cash and sash. At si BJ. Class President namin." isa isang turo ko sa kanila. "Si Maxwell."

Nagulat ko nung mag-agawan sila sa pag-abot nung ialok ni Maxwell sa gitna ang kamay niya.

"Ahh nice meeting you Maxwell. Michiko. Hihi!"

"Migz. Hehehe! Migz na Migz!"

"Buenvenito Jose, BJ for short. Nice meeting you."

"Nice meeting you." natatawang sabi ni Maxwell sa kanila. "So, let's eat?"

"Thanks sa treat mo ah? Hihi." si Michiko.

"The, wag ka na namang makisali. Umuusok ang ilong ni Tob oh!" nguso ni Migz kay Tob. Napatingin naman sila sa table nila maliban kay Max. Lumingon rin ako at.

Nagkatinginan kami ni Lee.

'Eww.'

Dali dali kong ibinalik ang paningin ko sa pagkain.

Marami pa rin kaming naririnig na bulungan at alam kong karamihan talaga ng paningin ay nasa amin, dahil ang gwapo talaga ni Maxwell ngayon! Ang gwapo niya na nga kapag nakasimpleng damit e. Akalain mong mas gwapo pa pala kapag nakauniform? Hehehe!

"Bukas mag-uuniform na kami." nakangiting sabi ko.

"Oh?" si Maxwell.

"Mmmm. Di ba Max?"

"Ha?"

'Wala sa sarili?'

"Sinabi ko kay Maxwell na bukas mag-uuniform na tayo."

"Ahh, oo." sabi niya na ngumiti pa kay Maxwell.

"Edi sasabay ulit ako sa inyo bukas ng lunch."

"Talaga?" si BJ, Migz at Michiko.

"Kung okay lang? Hehehe" parang nahihiyang sabi ni Maxwell.

"Oo naman!" silang tatlo ulit.

"Hehehe. Thanks."

"Wala ka bang duty?" biglang tanong ni Maxwell.

"Meron, pero diyan ako sa BIS Hospital."

"I see. Napalayo pa Canteen mo."

"Papalitan ko kasi ang benda mo." nakangiting sabi niya. "May dala akong gamit ko." inginuso niya ang kit na dala niya.

"Ang sweet!" si Michiko.

"Hehehe." kunwaring tawa ko sa kanya.

Matapos naming kumain ay dumerecho kami sa Clinic dahil papalitan nga daw ni Maxwell ang benda ni Max, hindi naman kami pwedeng pumasok doon sa loob dahil masyado na kaming marami, kaya naman nagstay lang kami'ng apat nila Migz sa labas ng Clinic, kaya doon na ako nagtanong.

"Ahh BJ!" nakangiting usisa ko sa kanya.

"Oh?"

"Yung Ysay na tinatanong ni Max sa iyo kanina, yun ba yung babaeng kasama nila Deib kanina sa table nila?"

"Uhm, oo. Si Melissa Baylon, or Ysay for short. Bakit?"

"Ah. Hehe. Wala naman."

'Ano kayang meron? Bakit tinatanong ni Max yun? Tapos kanina nagtititigan pa sila?'

Napapaisip talaga ako.

'Sabi niya pa, malalaman ko daw mamaya? Bakit? Anong meron mamaya?'

Napapaisip akong napatingin pa ako kay Max na nasa harap ni Maxwell na pinapalitan siya ng benda. Kung ano man yun, kailangang malaman ko agad.

DEIB'S POV

Sa totoo lang ay nainis ako sa ginawa ni Taguro kay Ysay at parang labang sa kalooban kong tawagin siya sa pangalan niya. Parang mas gusto ko pa rin siyang tawaging Taguro, dahil naiilang akong tawagin siyang Max.

Ang nakakainis pa don, okay na kami e. Ano na naman ang pumasok sa isip niya at si Ysay naman ang napagtripan niya? Sa pagkakakilala ko kay Ysay, parati rin siyang nabubully pero mula nung malaman nung nakakarami na kaibigan ang turing ko sa kanya ay nawala ang karamihan sa mga nambubully sa kanya, natakot na rin siguro dahil alam na magagalit ako.

'Inano naman kaya siya ni Ysay? Kung ganon ay kailangan ko palang bantayan si Ysay dahil baka kung anong gawin ni Taguro sa kanya. Nakakainis!'

"Okay ka lang ba?!" nag-aalala pa ring tanong ko kay Ysay, kitang kita kong nagblush siya.

'Tsk! Kaya ayaw kong gaganituhin siya kasi baka mamisinterpret niya. Pero wala akong choice, nag-aalala ako sa pwedeng gawin sa kanya ni Taguro, baka masaktan siya ng pisikal nun. Kainis!'

"Okay lang ako. Okay lang ba na sumabay akong mag-lunch sa inyo?"

"Oo naman. Bakit naman hindi?"

"Nahihiya kasi ako." nakatungong sabi niya. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Alam mo, hindi ka dapat mahiya sa amin at lalo na sa akin, ang tagal tagal na nating magkakilala Ysay. Bakit nahihiya ka pa rin sa akin? Alam mo, alisin mo na yang hiya mo sa akin kasi tignan mo. Tuwing kaharap mo ako nauutal ka na lang parati, para ka tuloy bata. Gusto mo ba ng ganon? Mapagsabihan kang parang bata? E next year high school graduate na tayo."

"Ayaw ko." nakatungo pa ring sabi niya.

"Kaya nga alisin mo na yung hiya mo sa akin, para hindi ka na ganyang uutal utal kapag nasa harap mo ako. Panigurado akong hindi ka naman ganyan sa ibang kaharap mo di ba?"

"Ha?"

"Hehe. Basta iwasan mo na yan ha? Gusto ko, sa susunod na magkakasama tayo, pantay na ang pananalita mo at hindi ka na nauutal sa harap ko. Okay ba yun?"

"Subukan ko D-Deib. Nahihiya kasi talaga a-ako." nakatungo pa ring sabi niya, kaya naman hinawakan ko siya sa chin at itiningala sa akin, ngumiti ako sa kanya.

"Wag ka na sabing mahiya, wala kang dapat ikahiya. Dapat maging proud ka kasi bukod kay Kim, ikaw lang ang nakakalapit sa amin ng ganito. Okay?"

"S-Sige."

"Good! Let's go?" yaya ko sa kanya.

"Let's go!"

Natuwa naman ako nung marinig na hindi siya nautal sa huling sinabi niya. Inalalayan ko pa rin siya hanggang sa pagbaba, nauuna si Lee at sunod naman niya ay si Tob na nasa harapan namin.

Pagpasok namin sa Canteen as usual ay maingay na naman.

Pero nagulat ako nung makitang hindi dahil sa amin kung bakit maingay.

'Anong ginagawa niya dito?'

Nakita ko si Maxwell na may hawak na tray at papalapit sa table nila Taguro.

"Tch! Wala ba silang Canteen?" inis na tanong ko.

"Haha! Selos ka naman?" si Tob.

"Selos? Bakit ako magseselos?0 Tara na nga."

"Biro lang e!"

Nauna akong maglakad sa kanila at sumabay naman sa akin si Ysay. Marami akong naririnig na nagbabanggit ng pangalan ko habang naglalakad ako pero wala akong pinansin maski isa, hindi ko sila pinakinggan. Sinadya kong hindi tumingin sa kanila pero alam kong magkatabi si Taguro at Maxwell.

"Yummy!" narinig ko pang sabi ni Parrot.

'Nakakabwisit. Kung kelan talaga ayaw kitang makita sumusulpot ka lagi sa harapan ko.'

Si Lee at Tob ang um-order, hindi na sila pumila sa line. Actually pwede ngang isigaw na lang namin ang order namin e, inuuna kasi kami parati, pero bilang pakisama sa ibang students ay pumipila kami kapag sinipag.

"A-Ahh D-Deib.."

"Ayan ka na naman e, nauutal ka na naman hehe."

"S-Sorry.. Hindi na. Promise!" nakangiting sabi niya.

"Yan. Mmm ano yun?"

"Ahh kasi si Taguro?"

"What about her?"

"Okay na ba kayo?"

"Ahh hehe. Bakit mo ba parating tinatanong yan? Mmm okay na kami sana. Kaso, nabadtrip na naman ako sa kanya nung makita ko yung ginagawa niya sa iyo kanina. Ano bang nangyari? Bakit ginanon ka non?" seryosong tanong ko sa kanya, parang nagulat pa siya.

"A-Ahh. Hindi ko nga rin maintindihan e. Kanina kasi, bigla niya na lang ako sinugod. Baliw ba yun?"

"Bigla kang sinugod? Bakit naman?"

"Hindi ko alam e, b-basta bigla niya akong sinugod at itinulak niya pa ako sa pader.."

'Siraulo talaga.'

"Tch! Don't mind her. And yes, she's crazy! Kaya nga sabi ko sa iyo wag kang lalapit diyan okay? Kasi hindi natin masasabi, baka next time pagsigaw mo ng pangalan ko nandito na pala ako sa Canteen, paano pa kita maririnig niyan?" nakangiting sabi ko.

"E-Eh akala ko ba sabay na tayo parati ng lunch?"

Napaisip naman ako.

'Oo sinabi kong sumabay ka saming maglunch pero, parang wala akong matandaang may sinabi akong parati.'

Hindi ko na siya sinagot kaya nginitian ko na lang siya. Dumating na rin sila Tob at Lee kaya naman nagsimula na rin kaming kumain.

"Mukhang pati ako mababadtrip na diyan sa doktor na yan ah." si Tob.

"Bakit?" tanong ni Lee.

"Tignan mo si Michiko. Tignan mo!"

Natatawa naman akong napalingon kay Michiko, nakikipag-unahan siyang makipagkamay kay Maxwell.

"Hahaha!" sabay naming tawa ni Lee. Napatingin ako kay Ysay pero nakatingin lang siya sa kanila at wala siyang reaksyon.

"Bakit nga ba nandito yan e may Canteen naman sila?" halatang inis na sabi ni Tob.

"Dahil nandito ang asawa niya, baka gusto nagrequest yung isa na sumabay naman siya ng lunch sa kaniya." biglang sabat ni Ysay.

Napatingin kaming tatlo sa kanya.

"Naks, deretso ah?" parang sarkastikong tanong ni Lee na ikinagulat naman ni Ysay.

"Ha?"

"Wala, kumain ka na." pilit ang ngiting sabi pa ni Lee kay Ysay kaya naman sinipa ko siya sa ilalim ng table. Napatingin siya sa akin at nginusuan ko naman siya. "Hindi mo man lang ba yayayain si Kim?"

'Sige ipaalala mo pa!'

"Sabi niya sa akin kanina ay may mga friends rin naman daw siyang pwede niyang samahan kaya hindi siya makakasabay sa akin mag-lunch ngayon." inis na sabi ko.

"Sinakyan mo naman?"

"Eh anong gagawin ko? Baka lalo lang mainis sa akin yun kapag kinulit ko."

"Tsh, baka nga yun lang ang hinihintay nun na gawin mo e."

"Nakakainis." sabi ko at ibinaba ang spoon and fork ko. "Ayaw ko sa lahat ay yung magkakaganon kami ni Kim. Ayaw na ayaw ko talaga."

Hindi na nila ako sinagot at pinagpatuloy na namin ang pagkain namin.

Maya maya ay biglang umingay.

"Huhu aalis na si Maxwell."

"Look, look! Tignan nyo kung paano siya alalayan ni Maxwell."

"Oh my God. He's so sweet!"

"I'm envious huhu."

"Pero look at Taguro. She acts as if she doesn't care."

"Nakakainis naman yang babaeng yan."

"Hindi naman siya maganda. Ang taba taba pa. She's so skinny!"

"Hoy! Anong hindi maganda? Mataba lang siya pero maganda siya."

*HUUUKKK!*

Para akong nasamid sa narinig ko.

"Hohoho!" natatawang sabi ni Tob.

"Ano daw?" si Ysay. "Okay ka lang Deib?" sinenyasan ko lang siya.

Napalingon naman ako doon sa lalaking sumigaw.

"What?" maarteng sabi nung isang babae.

"Oo bakit? Maganda naman talaga si Taguro ah. Mataba lang siya At para sabihin ko sa iyo, idol namin siya. Kaya wag mo siyang gaganyanin sa harap naming."

"Ha? The hell I care? Wala kayong taste. Nakakadiri kayo!"

"Sus! Ikaw ngang nuknukan ng sexy at puti, pinapangarap mo yung asawa ni Max pero ni hindi ka man lang nilingon. Samantalang siya, hindi siya kasing sexy at kasing puti mo, pero pinakasalan siya ni Maxwell. Haha!"

"So what? Like I care? Wala man akong Maxwell, alam ko namang makakahanap ako ng mas gwapo pa sa kanya! At isa pa at least maganda ako."

"Bwahaha! E wala naman akong sinabig maganda ka e. Ang sabi ko lang, sexy ka at maputi."

"What? Edi doon na kayo sa idol niyo."

"Talaga! At least yung idol naming, hindi kasing tanga mo. Sinabihan mo na ng mataba, sinabihan mo pa ng skinny! Magkasalungat yun. Bobo! Tara na nga. Turn off yung ganyang nagmamaganda tapos bobita!" yaya nung lalaki sa mga tropa niya.

"Bwahahah!" bumulalas ang tawa namin ni Tob pero mukhang mas malakas ang sa akin.

"Tignan mo, maski si Deib pinagtatawanan ka oh! Haha!" pang-aasar pang habol nung lalaki at saka sila umalis nung kasama niya at padabog namang umalis rin yung babae.

"Haha! Natawa ako don." si Lee.

"Ako rin e. Loko yung batang yun hahaha! Akalain mong may fans na si Max?" si Tob.

"Oo nga e haha." natatawa pa ring sabi ko.

Tinapos lang namin ang pagkain namin at lalabas na sana kami para umakyat na sa room nung.

~BRIZK BRIZK!~

Inilabas ko ang cellphone ko.

~Kim Calling. . . ~

"Hello?" sagot ko.

"Nasan ka?"

"Katatapos lang naming maglunch, bakit?" inis pa ring tanong ko.

"Hintayin mo ako diyan, wala akong kasamang maglunch e. Okay lang?"

Natawa naman ako pero hindi ko pinarinig sa kanya.

"Sige. Bilisan mo." kunyaring galit na sabi ko.

"Sige." sabi niya at saka ibinaba ang line niya.

"Oh ano daw yun?" natatawang tanong ni Lee.

"Si Kim. Haha. Nagpapahintay, wala daw siyang kasamang maglunch."

"Haha! Hindi rin nakatiis." si Tob.

"O siya mauna na kayo, hihintayin ko muna si Kim dito. Sasamahan ko lang maglunch, saglit lang naman kumain yon. Ihahatid ko rin pagkatapos niya maglunch kaya kapag naunahan ako ni Miss kayo nang bahala ah?"

"Sige sige." si Tob. "Galingan mo dreee hehehe."

"Haha!"

"Oh e pano ito?" salubong ang kilay na turo ni Lee kay Ysay.

'Loko talaga 'tong kumag na ito, bakit ginaganyan niya si Ysay ngayon?'

"Anong paano na siya?" pilit ang ngiting tanong ko. "Edi ihatid niyo. Hehe. Ahh Ysay, sila muna ang maghahatid sa iyo sa room mo, nasa iisang floor lang naman tayo e hehe. Hihintayin ko pa kasi si Kim."

"S-Sige."

"Don't worry, kapag inaway ka ng dalawang yan sumbong mo lang sa akin."

"S-Sige. Thanks sa lunch Deib." seryosong sabi niya.

"Sige." nakangiting sabi ko at kumaway pa.

Hinabol ko pa sila ng tingin palabas ng exit kung saan sakto naman ang pasok ni Kim. Inayos ko ang pagkakaupo ko at nagpanggap na galit.

"Sakto pala ang dating ko, nakita ko kaaalis lang nila Lee, kasama si Ysay. Sabay kayong naglunch?" tanong niya.

"Mmm." maikling sagot ko.

"Buti pa siya nakasabay mo."

'Sabi mo kanina hindi ka makakasabay tapos ngayon, pati ba naman si Ysay e pagseselosan mo? Tsk tsk, mga babae talaga oo.'

"Oorder muna ako---"

"Ako na. Umupo ka na lang diyan." sabi ko biglang tayo.

"Thank you."

Lumapit ako sa counter at sinabi ko sa waitress yung order ko, yung spaeribs ang favorite ni Kim kaya yun ang in-order ko. Um-order rin ako ng leche flan para sa dessert niya at para sa akin at drinks, at saka bumalik sa table namin.

Habang naghihintay sa foods ay nagsalita siya.

"Yung kanina." tinignan ko lang siya, hindi siya makatingin sa akin. "Sorry." nakatungong sabi niya. "Kasi nainis ako sa iyo e." nakasimangot na sabi niya.

"Bakit?" seryosong tanong ko.

"Kasi parang, parang mula nung may nangyari kay Max, hindi ka na nagparamdam sa akin."

'Siya na naman.'

Hindi ko siya sinagot at nagbuntong-hininga na lang ako.

"Huling usap natin ay nung dinala mo pa siya sa ospital." napahinto siya nung dumating yung order.

"Kumain ka na habang nagkukwento. Hindi ako pwedeng ma-late."

"Sige."

"Mmm tapos?"

"Kasi, hinihintay ko talaga ang tawag mo nun e. Hindi ka naman na tumawag." sabi niya habang ngumunguya. "Alam ko nag-alala ka kay Max, pero yung dumaan ang Sabado at Linggo na hindi ka rin nagparamdam?"

Nabitiwan ko ang spoon na gamit ko sa leche flan.

Dali dali kong kinuwa yun agad.

'Badtrip, bakit ba hindi ko napansin yun? Hindi ko nga siya nacontact nung weekend.'

"Deib, may problema ba?"

"Anong problema?"

"Kasi, nakakapanibago yun e. Yun yung unang weekend na dumaan na hindi mo ako kinontact. As in wala. Dati kasi, hindi ka man tumawag, nagtetext ka. Magkatext tayo. Pero yung kahapon hindi."

Kinalma ko ang sarili ko at saka ako tumingin sa kanya, nagpanggap pa rin akong galit.

"Tulad ng sabi mo, wala namang tayo di ba? Siguro naman ay okay lang kahit na hindi ako magtext?" halatang nagulat siya sa sinabi ko, kaya naman nakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit ko pa sinabi yun.

'Engot.'

"Deib. Look, I'm sorry. I didn't mean to say that. I was just, I was just."

"Jealous." seryoso pa ring sabi ko. Hindi naman siya nakasagot at napatungo ulit siya. "You're jealous with my enemy Kim."

"Deib you don't understa--"

"No, you don't understand me."

"Kasi, napapansin ko na parating naaagaw niya ang atensyon mo, nawawala sa akin."

*sighs*

"Now I don't understand you." inis na sabi ko. "I don't understand why you have to be jealous with that weird person." tinigilan ko ang pagkain at sumandal sa upuan.

"Because I can see the way you look at her. It's, it's different."

"Anong? Of course! Iba naman talaga ang tingin ko sa kanya dahil hindi siya normal sa paningin ko."

"No. I mean, parang may something sa tingin mo sa kanya Parang everytime titingin ka sa kanya. Iba e, iba talaga."

"Anong some---Look, imposible yang sinasabi mo Kim. Imposible. Hindi ko siya magugustuhan."

"How can you be so sure?"

"Because she's married."

"What?"

"Yes Kim. She is married."

"With whom?"

"Hindi mo alam? Asawa niya si Maxwell."

"What?"

"Yes." natatawang sabi ko, saglit pa siyang natigilan bago makapagsalita ulit.

"So, kung single pala siya ay posibleng magustuhan mo sia?"

"Ha? Ganyan ba kawalang taste ang tingin mo sa akin? Ano sa tingin mo ang magugustuhan ko sa kanya? Baduy, mataba. Maton, mayabang. Anong magugustuhan ko doon?"

"Ano nga ba?"

"Why are you asking me? I am asking you, give me a reason for me to like her."

"I don't know."

"Kim, kung ganyang hindi pa tayo ay wala ka ng tiwala sa akin. Paano na lang kapag sinagot mo na ako? Baka pati si Dein pagselosan mo?" inis na tanong ko. Naiinis talaga ako kasi pakiramdam ko ay gumagawa siya ng dahilan para mag-away kami.

"Hindi naman sa ganon---"

"I already told you that I don't like her, and I am telling you right now that I see no reason for me to like her okay?"

"But---"0

"No more but's. I don't like her. Period." inis na talagang sabi ko. Hindi siya nakapagsalita. "Kim. I'm begging you, please stop imagining things. What you're saying is way too far from reality."

"Totoo?"

"Totoo! Totoong totoo."

Ngumuso lang siya.

"Kim, 2 years. 2 years na kitang nililigawan. At hindi yun mababago sa loob ng dalawang lingo na pagkakakilala ko kay Taguro. Dalawang taon ng umiikot sa iyo ang mundo ko. Kahit pa maganda siya, hindi nya mababago ang nararamdaman ko sa iyo.."

"Wala ka talagang nararamdaman sa kanya?" nakangusong tanong niya.

"Meron."

"Ha?"

"Galit."

"Ha?"

"Galit ang nararamdaman ko sa kanya."

"Hahaha!" sabay naming tawa.

'Edi okay na?'

"Magbibigti na lang ako kesa magustuhan ko siya okay? Hahahaha!" dagdag ko pa.

Tinapos niya lang ang kinakain niya at dessert at saka ko siya hinatid sa room nila. Nag-uusap pa rin kami habang naglalakad papunta sa room niya.

"Mamaya, hindi kita maihahatid ah? May practice pa kasi kami." nahihiyang sabi ko.

"Okay lang, nasabi ko na rin kasi kay Ate na sabay kami, kasi nga naiinis ako sa iyo kaninang umaga."

"Ayan ka na naman e."

"Hindi na hehe."

"Wag ka ng magselos don okay?" malambing na sabi ko.

"Okay heheh." namumulang sabi niya.

"At saka sa susunod, pumili pili ka naman ng pagseselosan mo."

"Bakit? Haha."

"Bumababa ang tingin ko sa sarili ko kapag si Taguro ang pinagseselosan mo e. Haha!"

"Ang sama mo."

"Oh bakit? Haha! Kasi naman, parang ang dating ay wala akong kataste taste. Siya pa talaga ang pinagselosan mo----"

'Panira ng araw.'

Nasa harap namin ang mag-asawa!

"It was nice seeing you again Miss Kim." nakangiting bati ni Maxwell kay Kim. Inakbayan ko naman siya.

"Ahh hehehe. Nice to see you again Mr. del Valle." nakangiting sabi ni Kim na humawak rin sa bewang ko.

Napatingin naman ako kay Taguro na parang walang ganang tumingin sa amin. Tinanguan lang kami ni Maxwell at saka niya inalalayan maglakad si Taguro, hinabol ko pa sila ng tingin kung saan ang punta niya.

'Mukhang ihahatid rin niya.'

Nauunang maglakad si Taguro sa kanya, nakasunod naman si Maxwell na may dala pang...

"Ano yun?" takang tanong ko.

"First aid kit yun."

Napatingin ako bigla kay Kim.

"Ayaw ko na lang magselos talaga, dahil ayaw kong mag-away tayo.." seryosong sabi niya.

Para naman akong napapahiyang inalalayan na lang siya at nagtuloy na kami sa paglalakad. Hindi na nagsalita si Kim hanggang sa maihatid ko siya sa room nila, kinawayan niya na lang ako nung makaupo siya sa table niya, parang naiinis na naman siya pero wala ng magawa. Umalis na rin ako at naglakad na pabalik sa room namin pero.

'Siya na naman amp!'

Makakasalubong ko na naman si Maxwell!

"We meet again." nakangiting bati niya sa akin.

"Mmm." walang ganag sabi ko sa kanya.

"I heard na ikaw yung nagdala ng sasakyan para maihatid si Maxpein sa ospital?"

"Yes."

"Thank you."

"Okay." sabi ko at saka naglakad na paalis.

"If ever."

Napahinto ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon.

"If ever kilala mo na kung sinong may kasalanan nung nangyari sa kanya, sana ipaalam mo agad sa akin. Salamat."

Hindi ko na siya sinagot at nagtuloy na ako sa paglalakad.

Pagdating ko sa room.

"Ang tagal mo naman." si Tob.

"Sinamahan ko pa si Kim maglunch at hinatid ko na rin sa room nila."

"Okay na kayo?"

"Syempre. Ako pa? Hehe."

Napatingin naman ako kay Lee pero salubong na naman ang kilay niya habang nakatingin sa libro.

"Anong problema niyan?" bulong ko kay Tob habang nakaturo kay Lee.

"Ewan ko diyan hahaha. Kanina nga ayaw niyang ihatid si Ysay e. Kaya ako na lang ang naghatid."

"Talaga? Salamat."

"Anytime. hehehe!"

Hindi na kami nakapag-usap dahil saktong pumasok na ang Lec. Napatingin pa rin ako kay Lee. Ang weird lang, kasi hindi naman siya ganon dati kay Ysay. Sabi niya pa nga ang cute daw ni Ysay kasi parang bata. Pero ngayon, parang ang weird niya kay Ysay. Kaninang bago kami maglunch, nakita niya ng nag-uusap pa kami ni Ysay, bigla siyang nagyayang umalis. Tapos nung nasa Canteen hindi niya pinapansin si Ysay, at parang inaasar niya pa. Tapos ngayon, ayaw nyia ring ihatid? Anong nangyari? Dati rati naman ay siya pa mag-isa naghahatid kay Ysay sa room. Hindi naman siya dating ganyan.

'Ahhh! Malamang dahil kampi na naman siya kay Taguro, siguro ang iniisip na naman nito ay may ginawa si Ysay kay Taguro kaya ginanon nun si Ysay. Tsk tsk tsk! Wala talagang taste.'

Tinigilan ko na ang pag-iisip dahil baka maisigaw ko na naman bigla ang naiisip ko, nagfocus na lang ako sa discussion.

Continue Reading

You'll Also Like

755K 37.5K 22
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
170K 3.5K 21
Dice and Madisson
8K 97 12
Frozen is a 2013 American 3D computer-animated musical fantasy-comedy film produced by Walt Disney Animation Studios and released by Walt Disney Pict...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...