Burning Desire (COMPLETED)

By AstraBela

195K 4.4K 509

A light story of Jared Vaine Cervantes and Rissy Cleine Nueva... [UNEDITED] More

Author's Note
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
EPILOGUE
His POV
Author's Message
Special Chapter

Chapter 18

3.5K 88 18
By AstraBela


CHAPTER 18

Huling araw na namin ngayon. Mamayang hapon lang ay babyahe na kami pauwi sa Manila kaya iikutin na lang namin ang Isla kung hanggang saan kami abutin ng oras.

"Tara na. Lubusin na natin 'to oh!" Masiglang 'aya ni Vanessa at nauna sa labas kasunod ni Vince.

"Mauna na kayo. Kakausapin ko lang si Cleine." ani ni Cloud at tiningnan ako. Sumenyas din ako kay Jared na kanina pa nakatitig sa akin.

"May nabanggit ba si Tito sa'yo bago tayo umalis papunta rito?" Panimula niya. Umiling naman ako.

"Wala pero si Jared may nabanggit." Casual kong sambit.

May nabanggit si Jared sa akin pagkatapos naming mag-usap nakaraang gabi.

______

"We're going to be busy after this." he started habang nakayakap sa akin sa ilalim ng kumot na nakatakip sa hubad naming katawan. Nakaunan naman ako sa braso niya.

"Me too. Hindi ba't tutulungan niyo ako sa training?" Nagtataka naman akong nag-angat ng tingin sa kanya nang makitang umiling siya.

"Your Dad didn't tell you?" he looked down at me.

"Tell me what?"

"Iba na ang naka assign na magti training sa'yo. Itutuloy namin ang planong pagbuo ng Banda pag uwi."

"Ohh. So that's what you really planned to do?" Tumango siya at inabot ang noo ko para patakan ng halik. "But you can still count on us. If you need some help."

"No. Busy na kayo no'n. Malamang wala ka na rin sa building ni Dad."

"Babalik ako sa company namin, lets just call." ngumisi siya at kinubabawan ulit ako.

____

"Alam mo na pala." Tumatango-tangong sagot ni Cloud nang sinabi ko ang nalalaman ko. Ayon pala ang plano nila kaya sabay-sabay nag-undergo ng training. Mauutak.

"Wala namang kaso sa akin, Kuya. Isa pa hindi niyo naman ako kargada lagi. May nakaready na rin naman pala na magti training sa akin." Kibit balikat ko.

He tapped my shoulder. "We're sorry, baby girl. Hindi ko tuloy makikita kung paano ka pahirapan doon." he then chuckled. "Bibisitahin na lang kita kapag may mga libreng oras at tutulong din."

Tipid akong tumango at nagyaya nang lumabas.

"Jared look at me." Sabay pindot ko ng camera pagkaharap niya sa akin.

Seryoso ang mukha niya rito pero napaka gwapo pa rin. Ngumiti siya at hinila na ako palakad sa kabilang bahagi nitong Isla.

Humiwalay na kasi kami pagkatapos namin magpakuha ng litrato na anim. May kinakausap din naman si Cloud na babae sa di kalayuan sa amin. Kaya nagsolo na lang kami ni Jared.

"Gusto ko uminom ng buko juice." Hinila ko siya sa isang store na nag offer ng drinks and food na gawa sa buko.

Tumingin ako sa menu sa may counter area para pumili ng makakain.

"What's yours ma'am?" nakangiting tanong sa akin nang babae.

Tatanungin ko sana si Jared ngunit paglingon ko ay nakatayo siya sa harap ng table malapit sa entrance habang kinakausap ang dalawang babae na naka-upo roon.

"Uhm. Saglit lang miss ha."

Pagkalapit ko sa kanya ay agad kong ipinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang at nakangusong tumingin sa kanya.

Ohmygod, self! What am I doing?!

"I'm hungry, love." Puno ng lambing ang boses ko.

Napayakap siya sa akin at marahang tumawa.

"Who is she?" Anang tanong ng babaeng nakaponytail ang buhok. Ito 'yong kanina pa nagsasalita kay Jared, samantalang 'yong nakalugay na buhok niya namang kasama ay tahimik at tumitingin lang.

My brow arched on how she scanned me. Ang lakas ng loob nitong pugita na 'to.

Wala naman siyang mapipintas sa akin. I have a fair skin. Matangkad din naman ako kahit na mas maliit akong tingnan kapag katabi ko itong 6 footer na lalaking ito. Hindi hamak na mas maganda rin ako kesa sa mga babaeng kaharap ko ngayon.

Damn, Cleine. Why am I comparing myself to her just now?!

"She's Cleine—" Pakilala niya sana ngunit inistorbo kami ng babae sa counter kanina.

"Ay. Sir kukunin ko lang po ang order ni Misis. May mga nakapila po kasi. Uunahin ko na ho sana siya."

Ibang klase magtrabaho ang babaeng 'to ah. That's rude though, but natuwa naman ako sa kanya. Uunahin pa raw ako, hindi na lang hinintay na pumila rin kami.

Nahiya naman ako sa tinawag niya. HINDI PA KAMI KASAL. Hindi ko nga alam kung ako ba pangangasawahin ng lalaking 'to.

"Y-you're a married man?" Gulat ang babae nang marinig din ang itinawag sa akin.

Nakangisi si Jared nang lingunin ko siya. "Excuse us." Inabot niya sa babaeng crew ang card niya bago ako hinila sa isang table.

Umupo muna kami sa rattan chairs na andito. Habang matibay na kahoy naman ang mini table.

"Just a buko juice and pie for my misis." Agad na umalis ito para gawin ang aming inorder.

Siniko ko si Jared pagka alis ng crew "Anong misis ka diyan."

Two seated chair ang rattan na ito kaya magkatabi kami, wala namang nakaupo sa harap namin.

Inaayos niya ang hem ng suot kong Light orange na Off shoulder Bowknot Ruffle dress. 3 inches above the knee kasi ito kaya umiiksi lalo kapag naka upo.

"Can you wear something long next time." Nakakunot na ang kanyang noo kaya niyakap ko ito at sumandal sa kanyang dibdib. Lambing lang ang kulang dito kapag ganito.

"Yes, boss." maya maya lang ay dumating na ang aming order.

Oh my goodness! Halos maglaway ako nang makita ang creamy buko juice nila na sa mismong bao ng buko nakalagay. At ang original buko pie nila. Ang sarap!

Agad ko itong nilantakan. Nagtaka ako nang ibinaba ni Jared ang plato nang kinakain ko na pie at hinapit ako palapit sa kanya.

May tinawag siyang lalaking crew na medyo malapit sa amin. "Can you take us a picture?" he asked and hand him his phone.

Kinuha naman ito at agad na pinorma. "1,2,3..." bilang niya sabay click ng camera.

"One more time." aniya pa at nagbilang ulit.

Titingin sana ako kay Jared ngunit nakatingin din pala siya sa akin. Nang akmang iiwas na ako ng tingin ay hinawakan niya ang aking baba at sinalubong ng halik kasabay nang pagflash ng camera sa aming harap.

Eskandaloso!

Agad din naman akong nag-iwas. Shit naman. Baka ma-newspaper pa kami.

Ilang minuto lang ay nagpaalam si Jared na sasagutin lang ang tawag. Hindi ko na siya tiningnan at tumango na lang ako kusa. Busy ako sa paglamon.

Ang sarap naman ng mga pagkain dito.

"Here's the card po ma'am." Ani ng crew na pinagbigyan ng black card kanina. Tapos na rin naman ako kumain kaya lang gusto ko mag-uwi kaya binalik ko sa kanya ang card at pinabawas ang gusto kong itake out na 5 boxes ng buko pie at isang buko juice.

"Thank you po ma'am. Take care sa inyo ng baby." Kunot noo ko siyang tiningnan habang nilalapag sa table ang limang karton ng pie.

"What did you say?" Biglang kumabog ang dibdib ko. Baliw ba ito?

Nanlalaking mata siyang yumuyuko sa akin. "Pasensya na po ma'am akala ko po kasi naglilihi kayo kaya kumuha kayo ng marami. Pasensya na po talaga."

Kinakabahan siyang umalis sa aking harapan. Ano iyong sinabi niya? Naglilihi? Ako?

Napamura ako nang maalala na hindi pa nga ako dinadatnan. Bwiset ka, Jared.

Dali dali kong chineck ang menstruation checker ko sa phone. Nanlamig ako ng magi isang buwan na ay hindi pa ako dinadatnan. Dapat ay third week magkakaroon na ako. Last one day na lang ay end of the month na. Regular ako kaya imposibleng madelay ako. Ngayon lang mangyayari na delay ako, just in case na datnan ako.

Pero hindi mawala sa isang bahagi ng isip ko na maaari ngang buntis ako. Gago ka talaga Jared. Mapapatay kita. Lagot ako sa magulang ko.

Nakatulala ako ng datnan ako ng datnan ako ni Jared. "What happened? You look pale."

Nangunot ang noo niya nang makita ang nasa lamesa. "Ang dami nito, ah?"

"I-ipa pasalubong ko sana, binawas ko sa card mo." Nakanguso akong tumingin sa kanya, nanghihingi ng pansensya.

Nakangiti naman siyang tumango at inaya na akong bumalik sa rest house dahil aalis na raw ngayon. Napaaga 'ata.

"Hoy! Pahingi. Ang dami niyan, Cleine." Tinarayan ko siya at iniiwas sa kanya ang mga pie.

"Ayoko. Bumili ka kung gusto mo."

"Napaka damot."

Tinawag na kami ni Kuya Cloud na umakyat sa may Yacht, naayos na rin naman ang gamit namin doon.

Masyado kaming pagod sa byahe kaya dumiretso muna kami sa Nueva Mansion dahil pinatawag ang apat para sa meeting.

"Hi, Dad, Mom!"

"Hello, anak. How's your vacation?" Mom hugged me.

"Okay lang, masaya." Pagod akong tumingin sa kanya kaya kinuha muna niya ang buko pie sa kamay ko.

"Tita kanina niya pa yan ayaw bitawan. Hindi pa ako binibigyan." Pagsu sumbong ni Vanessa, dinidikitan ang aking ina.

"Bilang ko 'yan, ha."

Tinapik ako sa balikat nila Louie and Vince, pupunta na silang office. Hinanap ng mata ko si Jared na nasa hamba pa pala ng pintuan.

"Kausapin ko ba si Dad? Pagod din kayo tapos meeting agad." Ngumiti siya sa akin, mapungay ang mata.

Ang sarap naman halikan ng lalaking 'to.

"No need. Saglit lang naman iyon. Magpahinga ka na muna. Pupuntahan na lang kita sa kwarto mo." Umiling ako.

"Hindi pwede. Maraming bantay." Tukoy ko sa mga magulang ko at pinsan na nandito sa bahay.

Napa pikit sya at tumawa sa aking sinabi. "Go..." he mouthed and slid his hand down on my backside.

Tumingin ako sa paligid baka mamaya may nakapansin, laking pasasalamat ko at busy sila sa kanya-kanyang ginagawa. Pinaningkitan ko siya ng mata bago umakyat sa aking kwarto at makapagpahinga.

——————————————————

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.9K 118 35
An aspiring accountant, aspiring doctor, and soon-to-be heiress. This is a light college story of misadventures and mishaps in reaching their dreams.
124K 2.9K 22
He gave to me everything- a home, protection and expensive things but not his LOVE. Marco do his best to hide what we have from other people. While I...
2.5K 288 26
Once na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng m...