Accidentally Fall In Love (Lo...

By Emcentllain

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... More

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 12

68 2 0
By Emcentllain

Chapter 12

Pagkatapos ng first subject ko ay naub-ob muna ako dahil may susunod pang isa pang subject. First subject palang ay ramdam ko na ang pagiging drain ng utak ko sa hindi ko malamang dahilan. Hindi naman gaano karami yung topic na diniscuss ng instructor namin pero ni isa ay wala na agad akong matandaan.

Bumuntong hininga ako at pinikit ang mga mata. Naidlip ako ng kaunting minuto at ng maramdaman kong nag si tahimikan na ang mga kaklase ko ay hudyat na iyon na dumating na ang next naming instructor.

Natapos ang ilang subject at ng mag break time na nilapitan ako ni Lienzo.

"Can we eat together?" Tanong niyang ramdam kong nahihiya.

Napalingon ako sa likod nya, kasalukuyang nakakunot ang noo ni Marcus. Si Kian naman ay parang wala lamang sa kanya, si Drake naman nakikita ko sa mga mata ang galit nya.

"Uhm... sige." Pumayag na ako, hindi ko na magawang makapag isip pa.

Halos isang linggo ko na syang iniiwasan siguro naman ay sapat na iyon para muli kaming makapag usap na dalawa.

"Salamat sa libre." Sabi ko at sinimulan ng kainin iyong pagkain na binili nya.

"Nakapag isip isip kana ba?" Tanong niyang hindi pa man ako nakakarami ng kain sa binili nya.

Naibaba ko iyong kinakain ko at tinitigan sya.

"Talagang 'yan agad ang itinanong mo ano?" Ngumisi ako at inilingan sya. "Hindi, wala naman akong dapat pag isipan."

"Pero isang linggo mo akong iniwasan. Hindi ba't nag isip isip ka?"

Umiling ako. "Hindi naman ako nakapag isip. Naguguluhan lamang ako pag pinipilit kong isipin."

Bahagya itong tumango, tila naunawaan ata ang sinabi ko.

Nag patuloy na lamang ako sa pagkain. Bago biglang napaisip at nag tanong.

"Talaga bang gusto mo ako?"

Umangat ang tingin nya sa akin. Tumango ito, seryoso ang mga mata nya.

"Kailangan ko pa ba ulit ulitin?" Seryosong tanong nya kaya umiling ako at ngumuso.

"Hindi naman, pero sige. Gustuhin mo lang ako kung gusto mo. Ngayon lang ako napaisip bigla. Na bakit kita iiwasan? Eh gusto mo lang naman ako? Diba? Wala ka namang balak manligaw. Hindi mo naman ako mahal, gusto mo lang ako kaya... sige go."

Nakita ko ang kislap sa mga mata nya. "Talaga?"

"Mukha ba akong nagbibiro Lienzo?"

Nakita kong ngumiti ang mga labi nya bago umiling.

Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming nag tungo sa room namin. Nakasalubong pa namin sina Marcus na papalabas pa ng room, e malapit ng mag time.

"Saan pa kayo pupunta? Time na." Suhestyon ko.

"Hahanapin ka sana." Ani Marcus at hinila ako palayo sa tabi ni Lienzo. "Hinahanap ka ni Ayesha sakin. Bakit hindi ka sumabay sa kanya mag break time?" Inis nyang tanong.

"Teka! Kita nyo namang inaya ako ni Lienzo."

Binitiwan nya ako sa kamay at lumabas na sya, kasunod si Drake at si Kian.

Napatingin ako kay Lienzo, nakangiti lamang itong nakatingin sa akin. Napaisip naman ako kung bakit ganon na lamang ang ngiti nya.

"Tara na." Aya ko na maupo na sa may upuan naming dalawa.

Mabilis lang na natapos ang discussion kaya hudyat na para sa lunch break. Nag paalam ako kay Lienzo na sasabay ako kina Ayesha, okay naman sa kanya iyon kaya umalis na ako doon at nag tungo na sa cafeteria.

Natanaw ko na agad sina Ayesha kaya lumapit ako sa kanila.

"Himala sumabay ka?" Pagmamalditang sabi ni Ayesha na agad tumayo.

Napalingon ako kay Zarene na nagtataka.

"Bakit kasi hindi ka nag break time kasabay namin. Hindi mo rin sinasagot ang text at tawag nya kanina."

Nangunot ang noo ko at agad na kinapa ang cellphone sa bulsa ng coat na suot ko at maging sa bulsa ng pants ko. Saka ko lang na realize na naiwanan ko pala iyon sa bag ko.

"Nasa bag ko pala. Anyway kasabay ko kasi si Lienzo kanina mag break time."

Nagtaka ang mga mata nyang tiningnan ako.

"Bakit? Anong meron?"

"Wala naman, inaya nya lang ako."

Natapos ang usapan namin ni Zarene ng dumating si Ayesha na may dala ng pagkain.

Kumain si Ayesha na hindi man lang ako iniimikan kaya doon na sumagi sa isip kong nag tampi nga sya.

"Gusto nyo bang mag ice cream mamaya pag tapos ng klase natin?" Aya ko, alam kong hindi ako matatanggihan ni Ayesha dahil gusto nya ang ice cream.

"May gagawin ako pag awas." Walang ganang sabi ni Ayesha na naka focus lamang sa kanyang kinakain.

Napasimangot ako at nilingon si Zarene na nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata nya na parang naaawa sa akin.

"Sasama ako Chanel, wala naman akong gagawin mamaya." Nakangiting sabi ni Zarene kaya tumango na lamang ako.

"May reporting tayo Zarene."

Napalingon kami pareho kay Ayesha.

"Ay oo nga pala. Naalala ko! Sorry, bukas na nga pala 'yon." Sabi ni Zarene at nilingon ako. "Pasensya na Chanel, may susunod pa naman. Kailangan ko palang gumawa ng ppt mamaya."

Bahagya na lamang akong tumango at nag pasya ng pakialamanan ang pagkain ko. Tila nawalan ako ng gana, hindi ko alam kung bakit parang malma naman ata ang pagtatampo ni Ayesha hindi naman gaanong kalaking issue iyong pag sama ko kay Lienzo.

Pinahupa ko muna mawala ang inis ni Ayesha, pagkatapos nitong kumain ay abala na sya sa cellphone nya.

Tumikhim ako. "Ayesha galit ka ba sakin?"

Hindi nito ako sinagot kaya bumuntong hininga ako at inulit ang tanong ko. "Ayesha ano bang problema galit ka ba sakin?"

"Layuan mo si Lienzo." Seryosong sabi nya at nilingon ako. "Layuan mo sya Chanel."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong kong nalilito.

"Gusto ka nya diba? Umamin sya sa'yo alam ko." May diin sa mga salita nya kaya napalunok ako.

"Papaano mo naman nalaman 'yan?" Tanong kong nag tataka sa mga sinasbi nya.

"Basta hindi na mahalaga 'yon. Layuan mo sya, hindi ko sya gusto para sa'yo. Hindi ka naman nya nililigawan diba?"

Mabilis akong umiling. "Hindi."

Tumango ito at inaya na si Zarene. Naiwan akong tulala sa kinauupuan ko at inisip iyong mga sinabi nya.

Bakit iiwasan? At papaano nya nalaman? Bakit ganon na lamang kalaki ang galit nya kay Lienzo? May dapat ba akong malaman? Anong ibig sabihin ng galit na pinapakita nya?

Bumalik ako sa room na tila napapaisip sa sinabi ni Ayesha. Pagkaupo ko sa upuan ko at naghalumbaba na agad ako. Nagugulo tuloy ang isipan ko dahil sa sinabi nya. Umaatake ang curiosity ko,

"Hey?"

Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko roon si Lienzo na mukhang nag tataka sa itsura ko.

"Okay ka lang?" Tanong nya.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Oo naman, ikaw okay ka lang?" Balik kong tanong sa kanya.

"Okay lang din naman."

"Uhm... good... good..." sabi ko at natahimik na ng dumating na ang instructor namin.

Pagkatapos ng dalawang subject ay nag break time na ulit kaya nauna na akong lumabas dahil pakiramdam ko ay kumakalam ang sikmura ko.

Pagkalabas ko ng pintuan ng room ay muntik na akong ma out of balance ng may bumunggo sa akin, ngunit may pinag palang tao ang syang sumalo sa bewang ko upang hindi ako matumba.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Lienzo na masamang nakatingin doon sa nakabunggo sa akin.

"Mag ingat ka naman." Aniyang naiinis kaya nilingon ko iyong lalaki.

Nakasuot ito ng uniporme ng pang chef, matangkad siyang lalaki, maputi at chinito ang mga mata, mayroon din syang matangos na ilong. Umangat ang isang kilay ko dahil pakiwari ko'y nakita ko na sya ngunit hindi ko matandaan kung saan at kung kailan.

"Sorry." Aniya nyang parang hindi naman bukal sa puso ang pag so-sorry. "Anyway, dito ka din pala nag aaral Chanel. Nice meeting you."

Natigilan ako ng tawagin nya ako sa pangalan ko, nilagpasan nya ako na animo'y para akong hangin na basta nya na lamang kinausap.

"Did he know you? How?" naguguluhan ang tinig ng katabi ko.

Umiling ako habang tinatanaw ang papalayong lalaki na iyon.

"I don't know him." Sabi kong tunog ding nagtataka.

"Pero tila kilalang kilala kana nya. Base palang kung papaano ka nya tawagin sa pangalan."

Suminghap ako at inaya na lamang syang mag tungo sa cafeteria.

Pagkarating namin doon ay naroroon na sina Ayesha at Zarene kasama si Kian at Marcus.

Naupo kami sa mga tabi nila. Si Ayesha ay ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin, si Zarene naman ay tila nahihirapan akong ngitian siguro ay dahil nasa tabi niya si Ayesha at parang syang aso na susunod lamang sa amo nya.

"I'm pissed with Drake so much!" Singhal ni Kian ng tahimik kaming kumakain.

"Bakit? Inagawan ka ng babae?" Nang aasar na sabi ni Zarene.

"Hell no! I mean fuck him. Alam nyang next week na ang practice namin ng basketball pero para syang wala sa sarili nya. Kanina kinakausap namin kung anong magiging plano sa team but no comment." Ramdam ko nga ang inis kay Kian kaya napalingon ako sa pinsan kong bumuntong hininga. "Isa ka pa Lienzo. Alam mong nagpaplano na palagi mong inuunang intindihin si Chanel. Isang linggo ka mahigit nanuyo dyan sa hindi ko malamang dahilan. Mas importante ba sya?"

"What?" Nainis na tugon ko kay Kian. "Why me?"

"Oo nga? Bakit mo dinadamay si Chanel? Ano namang kasalanan nya kung isang linggong nanuyo si Lienzo sa kanya?" Takang tanong ni Ayesha na tunog naiinis na din.

"Shit! Nevermind." Inis itong umalis ng lamesa namin.

Napalingon ako sa pinsan ko. Ramdam ko sa mga mata nya na humihingi sya ng pasensya sa akin. Siguro ay dahil sa inasal ni Kian.

"Anong nangyari ba?" Takang tanong ko sa kanya.

"Halos isang linggo na naming kinakausap si Drake pero ramdam naming walang kapake-pake. Naiinis na si coach. Gusto nya ng alisin si Drake sa pagiging captain ball nito sa team." Aniyang bumuntong hininga.

"Eh bakit ba nagkaganon si Drake?" Tanong ni Zarene.

"Hindi namin alam."

Tumikhim ako. Ano naman kaya ang nangyari kay Drake? Hindi kaya broken hearted? Or may family problem? Mawawala sya sa pagiging captain ball nya kung ipagpapatuloy nya ang ginagawa nya.

Pero ano nga bang pake ko? Eh buhay naman niya 'yon. Kung ano man ang problema nya kaya na niya 'yon. Bahala sya, bakit ko ba sya iniisip.

Abala ako sa pag inom ng juice ko ng marinig kong nag si tahimikan ang lahat ng nasa cafeteria. Napatingin ako kay Zarene na tila gulat na gulat ang mga mata. Nilingon ko din ang pinsan ko, sa reaksyon naman nya ramdam ko ang pagiging dismaya kaya sinundan ko na ng tingin ang tinitingnan nila. At doon ay naibaba ko agad ang juice na iniinom ko ng makita ko sila.

"Oh my god! Did they come back to each other?" Ani Zarene.

"Hindi ba halata Zarene, napaka bobita mo." Singhal naman ni Ayesha.

Tila may pumako sa puso ko sa hindi ko na namang malamang dahilan. Napapaisip ako kung bakit magkasama sila gayong alam kong matagal na nilang napag usapan na wala ng balikang mangyayari. At tyaka akala ko ba hindi nito mahal iyong babae? Bakit ngayon e halos hindi na mapag hiwalay ang mga braso nito sa bewang ng babae?

Sinundan ko sila ng tingin papalapit sa pwesto namin. Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga tao sa cafeteria. Katulad ko lamang sila na napapaisip kung bakit magkasama na naman silang dalawa.

"Hi." bati ni Drake sa amin at kinuha ng upuan si Vrixie.

Walang bumati sa kanya sa amin. Dahil hindi parin kami makapag isip ng ayos. Talagang nangyayari 'to huh?

Naupo si Drake sa tabi ko at sa kanan naman nito ay si Vrixie na may malapad ang ngiti.

"Bakit magkasama kayo?" Naaasar na tanong ni Ayesha.

"We're back! C'mon Ayesha. Wag ka naman maging kontrabida pa." Maarteng sabi ni Vrixie.

"Hindi ako nagiging kontrabida, sadyang natatangahan lang ako sa lagay nyong dalawa. Matapos kaming away awayin nyang babae na 'yan! Matapos mapahamak si Chanel. Matapos mong sabihan sa harap ng maraming tao na hindi mo sya minahal. Magpapakita ka samin na kayo ulit? Na magkasama na kayo ulit?"

Mabilis kong nilingon si Ayesha na galit na galit. Sinenyasan ko si Zarene na pakalmahin si Ayesha.

"Ano bang problema mo? Ganon ang love. You are so OA." irap ni Vrixie dito.

"Katangahan yang love na sinasabi mo–"

"Ayesha." Sita ko sa kanya, lumingon ito sa akin.

"Bakit? Totoo naman diba? Mali ba ako?"

"Hindi–I mean hayaan mo na. Kung 'yan talaga ang gusto nila pabayaan mo. Hindi naman tayo 'yung nasa relasyon e." Pakiusap ko dito.

Napairap ito at hinawi ang buhok papalikod.

"True Chanel, jussko itong si Ayesha. Iisipin kong ikaw ang may gusto kay Drake at hindi si Chanel."

"Iyo na, saksak mo pa sa baga mo." Tumayo si Ayesha at nilisan ang pwesto namin, nag paalam naman si Zarene na susundan ito kaya nailan kaming lima.

Tahimik lamang at walang nag sasalita. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o mananatili parin dito. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam kong nasa tabi ko si Drake at katabi nito si Vrixie. Hindi ko magawang lumunok ng ayos.

"Pag usapan na natin bukas ang plano Marcus." Pagpuputol ni Drake sa katahimikan.

"Sige lang." Tugon ni Marcus.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Gusto ko ng umalis ngunit papaano? Nasa kaliwa ko si Lienzo at nasa kanan ko naman si Drake. Tila may pumipigil sa paa ko.

Kung kailan nasa sitwasyon ako na ramdam kong nasasaktan ako ay saka pa ako hindi makaalis?

"Anong meron pala? Bakit magkasama kayo ni Vrixie?" Tanong ng pinsan ko.

My god! Sa daming pwedeng tanungin iyon pa. Alam ko kung anong isasagot ni Drake kaya bago pa sya makapag salita ay inunahan ko na sya. Tumayo ako para sakin mapunta ang atensyon nila.

"Aalis na ako." Sabi ko at lumingon kay Drake upang mabigyan nya ako ng espasyo.

Ngunit ang lalaki na 'to. Tinitigan lamang ako, at animo'y nag lalaro ang mga matang pinag mamasdan ako kung paano ako mag makaawang umalis sya doon at padaanin ako.

"Padaan kasi." Inis na sabi ko pero hindi sya natitinag. "Drake–"

"Dito na Chanel." Pagpuputol ni Lienzo sa akin kaya nilingon ko ito at nakatayo na sya. "Sabay na tayo." Aniya kaya naman sumunod na ako sa kanya.

Isang malaking pasasalamat na sumingit si Lienzo. Dahil doon ay natulungan nya akong umalis sa mga titig ni Drake.

Bumuntong hininga ako ng maglakad na kami pabalik sa room namin.

"Lalim noon ah." Ani Lienzo kaya tumawa ako ng tipid. "May iniisip ka?"

Umiling ako. "Wala 'no." Iniwan ko na sya ngunit hinabol nya ako.

"Nilaro na talaga ni Drake ang pag-ibig ano?"

Tiningnan ko sya. "Kung doon sya masaya edi go."

"Hindi ka ba nasasaktan–I mean para sa ginagawa ni Drake? Ang hilig sa babae."

"Wag mo nga akong tanungin ng ganan. Tunog iniisip mong nag seselos ako." Inirapan ko ito at dumiretsyo na ng lakad.

"Anong ibig mong sabihin? So are you freaking jealous?" Habol na tanong niya kaya natigilan ako.

Ano daw?

Nilingon ko sya at pinag kunutan ng noo.

"Bakit pumasok agad sa isip mo 'yung pag seselos?"

Natutop ko ang labi ko ng marealize ang sinabi ko. Minsan hindi din nag iingat ang bibig ko sa mga sinasabi.

"Ah... Eh... malamang kasi yung paratang mo parang ganon, parang nag seselos ako ganon." nag iwas ako ng tingin.

"Sa tingin mo ba iisipin kong nag seselos ka sa kanya, eh hindi mo naman sya gusto. Hindi ba?" ramdam ko ang tensyon sa mga salitang binibitiwan nya.

"Syempre! Wala akong gusto doon! Ni wala nga akong pake sa kanya. Alam mo bahala ka dyan!" inis ko syang tinalikuran at naglakad na papalayo sa kanya.

Napahinto ako ng ma realize na nagmukha akong galit sa harapan ni Lienzo. Naging mabagal ang paglalakad ko dahil sa pag iisip. Baka isipin nyang gusto ko talaga si Drake dahil sa naging reaksyon ko? Eh bakit nga naman kasi ganon ang nireak ko? Baka sabihin nya kay Drake? No! As if naman paniniwalaan ni Drake 'yon! Bahala nga sila, basta hindi ko gusto si Drake period no erase padlock susi.

Pagkarating ko sa room namin ay naroroon na ang iba naming mga kaklase, naabutan ko pa ang ilang kumpulan ng mga kababaihan sa isang gilid at nag uusap tungkol sa balikang nangyari kay Drake at Vrixie. Nakaramdam ako ng inis ng may narinig akong pabor na nagbalikan ang dalawa, hindi muna ako naupo at pinakinggan ko ang mga nag uusap na iyon.

"Duh! Pagmahal mo babalikan mo." sabi noong isang kaklase kong babae.

"You mean mahal ni Drake si Vrixie?" ani noong bakla ko pang kaklase.

Napairap ako, anong mahal? Halos ipamukha na nga noong lalaki na 'yon kung gaano sya kainis kay Vrixie?

"Bakit? Totoo naman ah? Sa tingin nyo ba magkakabalikan ang dalawa kung hindi nila mahal ang isa't isa? Boto nga ako kay Vrixie kasi kahit anong klaseng mga salita ang binitiwan ni Drake sa kanya, still binigyan nya ng chance si Drake."

Wow? Anong boto sya kay Vrixie? Eh halos sirain nya reputasyon ko dahil lang sa isang lalaki?

Tumikhim ako kaya napalingon sila sakin. Iningatan ko sila ng dalawang kilay tila nag tatanong ang mga mata ko kung bakit sila tumingin.

"Anong ginagawa mo dyan?" maarteng tanong noong bakla sakin.

"Wala, dadaan. Hindi mo naman pag mamay ari itong daan diba? Tyaka... alam nyo, kung mahal nga ni Drake si Vrixie, hindi dapat sya nakapag bitaw ng masasakit na salita dito, hindi dapat nya pinahiya si Vrixie. The real man will not let the woman hurt, tyaka kung mahal mo, bakit mo sasaktan? Ganon, ganon ang pagmamahal." tipid akong ngumiti sa kanila at nag punta na sa upuan ko.

Tama naman, kung mahal mo hindi mo sasaktan. Wala akong alam sa pag-ibig, kasi hindi pa naman ako nagmamahal. Isa lang ang lalaking minahal ko sa buhay ko at iyon ang papa ko. Pero saksi ako sa pagmamahal na sinasabi nila, dahil nakita ko kung paano masaktan si Mama noong umalis si Papa, saksi ako kung paano sya umiyak sa gabi. Saksi ako kung paano nya sisihin ang sarili nya sa mga nangyari. At kung ang pagmamahal na sinasabi nila ay ang kaya mong patawarin ang isang taong sinasaktan ka ng paulit ulit, pwes para sa akin isang katangahan ang gawin iyon.

Bumuntong hininga ako at umub-ob. Ramdam kong ang bitter ko sa relasyon nila Drake, e ano ba naman kasing pake ko? Kung ganon ang pagmamahal nila edi ganon, bakit ba nangingialam pa ako? Hindi ko naman relasyon 'yon. Bahala silang magpaka tanga.

Dumating na ang instructor namin kaya naman doon na nag focus ang buong atensyon ko. Pagkatapos ng ilang subject at mag dismissal na ay nag imis na ako ng mga gamit ko.

Palabas na sana ako ng room nang sumabay sa akin si Lienzo. Kaya naman hinayaan ko na lang. Nag sorry pa ito sa akin sa mga nasabi nya kanina pero sinabi ko na lang sa kanya na okay na iyon.

Medyo malayo layo na din kami at halos kalhati na kami palabas ng gate ng may tumawag sa akin. Nilingon ko iyon at nakita ko ang isang lalaking parang grade 8 lang kung susumahin mo.

"Ate Chanel, tama po?" tanong nyang mukhang hindi pa sigurado.

"Ako nga, bakit?" takang tanong ko, kitang kita ko ang pawis na syang tumatagaktak sa kanyang noo.

"Pinapatawag po kayo ni Ms. Veron po. Buti po naabutan ko kayo."

Nagtaka na ako at napalingon kay Lienzo na nagtataka din. Muli kong nilingon iyong highschool student.

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam, inutusan lang po ako."

Bahagya akong tumango, nag paalam na rin naman sa amin iyong highschool student.

"Mauna kana Lienzo. Pasabi na lang kina Ayesha mamaya pa ako."

"Samahan na kita–"

"Hindi na, kaya ko 'to ano ka ba." tinapik ko ang braso nito at naglakad na pabalik.

Tahip tahip ang kaba ko, dahil pakiramdam ko ay may nagawa akong mali kay Ms. Veron. Kung ano man iyon ay hindi ko alam.

Pauwi na ang iba ngunit ako ay pabalik pa.

Kumatok muna ako sa faculty ni Ms. Veron bago pumasok, naabutan ko itong may sine-sermonan na isang babaeng studyante. Kaya kinabahan na ako.

"Kailangan ko na bukas ng project. Kung hindi ay ibabagsak kita. Puro ka paganda dyan. Puro mukha ang pinapaganda mo, pagandahin mo naman sana ang grade mo." ani Ms. Veron.

Nakakatakot sya bilang isang guro. Pero ramdam mong may matutunan ka sa kanya. Iniisip ng iba na kaya sya ganang ka istrikto ay dahil tumanda ng dalaga.

Napatikhim ako ng umalis na iyong student. Napalingon sa akin si Ms. Veron kaya naman agad akong lumapit sa kanya at naupo sa may harapan nya.

"Pinapatawag nyo raw po ako?"

"Oo kaya ka nga nandito ay dahil pinapatawag kita." pagsusungit nito kaya bahagya na lamang akong tumango.

Instructor ko sya sa science, favorite teacher ko kahit masungit. Ngunit kapag pinagalitan nya ako ngayon baka hindi ko na sya maging favorite.

"Himala, hindi ka haggard ngayon." aniyang busy sa pagtingin ng mga papel. "Bagay sa'yo ang walang salamin."

Hindi naiwasan ang takas ng ngiti sa aking mga labi pero agad nawala iyon ng binalingan nya ako.

"I have a favor. Kaya kita pinatawag."

"Ano po iyon Ms?"

"I want you to tutor Drake Mendez."

Natulala ata ako ng ilang segundo.

"Ayaw mo?" aniyang hindi agad nakuha ang sagot ko.

"Ms... bakit po ako?"

Hindi ko maiwasang maguluhan, pwede namang sya? Bakit ako? Alam nya naman sigurong kaaway ko 'yon at inis na inis ako doon. Bakit ako naman ang gagawin nyang tutor ng lalaki na iyon? Edi si Vrixie na lang diba?

Continue Reading

You'll Also Like

384 162 11
Mikaella Aikesha Gonzales Senshin. The runaway heiress. Did she be able to find her life through her passion or just break her heart in the process o...
43.3K 1.3K 13
Meet Jess ang super duper adik kay Renz. Since highschool may gusto na siya dito. Kaso lang until now wala paring crushback hanggang sa tumigil ang m...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
158K 1.8K 60
COMPLETE NA PO By Cupcake_Chase Nag-aaral si Aly sa isang university. Isang araw, nagkakilala si Aly at si Jack. No romance in first chapter...