Boy meets Girl

By AliKendrix

639 160 337

"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be o... More

Prologue
Chapter 1: Fresh Start
Chapter 2: Calyx
Chapter 3: Remember
Chapter 4: Squad
Chapter 5: Gut Feeling
Chapter 6: Anticipation
Chapter 8: Mall
Chapter 7: Other Side of the Coin
Chapter 9: Food District
Chapter 10: Groundbreaking
Chapter 11: Truth
Chapter 12: A Bestfriend's Effort
Chapter 13: Gifts
Chapter 14: Family
Chapter 15: The Special Day
Chapter 16: Is it Love?
Chapter 17: Unknown Sender
Chapter 18: Tracing the Unknown
Chapter 19: Someone's Coming
Chapter 20: Finding the answer
Chapter 22: Flashback
Chapter 23: Home
CHAPTER 24: Sisters Keeper
Chapter 25: Brothers Love

Chapter 21: SYD

8 3 0
By AliKendrix

"We need Skye Yvan Diaz." Sabi ni kuya Gab.

Skye Yvan Diaz. Ang kapatid kong pinagpala ng katalinuhan. Well, sabi nila mama, lahat daw kami. Kung si kuya Lev, isang renowned chef, si kuya Skye naman, isang lowkey pero magaling at matalinong hacker at programmer pero mas kilala bilang isang music producer.

Unang nangtake si kuya Skye ng course na IT, saka siya nagpursue ng music career. Kumbaga, cover up niya ang pagiging music producer. Nang mapunta siya sa ibang bansa, doon niya mas lalong sineryoso ang hilig niya sa computers lalo na sa programming at hacking. Sinabay niya yun sa pag-aaral bilang isang music producer.

Sa Thailand siya nakabase sa ngayon, for 3 years already. And since dalawa ang trabaho niya, hindi siya nakakauwi palagi. Though nakakausap namin siya, hindi ganun kadalas. Lowkey work niya ang isang hacker kapag kinakailangan. Sa tamang paraan niya ginagamit yun, at kung hindi kailangan, hindi talaga niya yun papakialaman.

Matalino siya pagdating sa computers, pero hindi niya gustong makilala siya bilang isang magaling na hacker at programmer kasi alam niyang maraming pwedeng mangyari na hindi niya ikakabuti.

"I bet he's coming home next week right, Ali?" sabi ni kuya Gab. Tumango ako.

"Hindi ba't antagal nung isang linggong hihintayin, Gab?" tanong ni Kuya Vince.

"It's more than enough, dude. Enough para mahanap natin ang solusyon kung paanong hindi ito masend kapag nahanap natin kung sino siya." Confident na sabi ni kuya Gab.

Kung tutuusin, may point yung goal na gustong gawin ni kuya Gab. Nang sag anon, kapag andito na si kuya Sky, ang tutukuyin nalang is kung sino ba talaga ang may pakana nitong lahat. Kung iisang tao ba or kung may kasama pa siya.

Nakukutuban ko, si Mia to eh. Pero hindi naman siya ganyan kagaling sa programming mas lalo na sa hacking. At wala siyang interes jan, Kasi kung talagang gusto niya, matagal na sana siyang naglabas ng mga ikakasira ko.

"Magdinner na kayo dito." Suhesyon ni kuya Vince. Aangal na sana kami nang hindi kami pinayagan ni kuya Gab umalis.

"Napaalam na kita Ali." Sabi niya sa akin.

Wala na kaming choice kundi dito kakain. Since hindi rin naman kami pinapalabas nila kuya. One more thing, mapilit sila kuya Gab at kuya Vince. Natext ko na rin si kuya Lev at siya na raw bahalang magsabi kila mama.

Isa sa mga paborito ko sa pamilya namin, lahat kaming magpipinsan, kung hindi mahilig kumain, mahilig magluto. Kaya for sure, masasarap ang mga ulam since si kuya Gab daw ang nagluto. Pagkahain ni kuya Vince ng rice, umupo na siya. Sumunod naman si kuya Gb na may dalang chopsuey at sweet and sour chicken. Sakto pa sa timing naming na bumili si kuya Vince ng isang malaking tub ng double dutch ice cream.

Tambayan kasi nilang magbabarkada ang condo ni kuya Vince kwento sa akin ni kuya Gab noon, kaya as always, puno ng pagkain na maluluto tsaka snacks at desserts yung ref niya.

"So, Ali, kelan daw makakauwi si Skye?" tanong ni kuya Vince.

"Wala pang exact date kuya eh. Tsaka ang sabi lang nila mama, next week daw, nandito na si kuya SYD." Sagot ko sabay kain.

Tahimik ang lahat nang bigla akong tignan ni Lyx. "Kuya SYD?"

Tumango ako. Hilig ko kasing mag-isip ng pangalan or palayaw na ako lang ang nakakaalam at ako lang ang gumagamit. Gaya kay kuya Lev, Paul ang usual na tawag nila ang madalang na ginagamit ang second name niya kaya sa second name ko siya tinatawag. Pero imbes na Levi, kuya Lev para mas maiksi. Si Calyx naman, second name ang palayaw niya sa mga kaibigan namin, Kevin, kaya Kev. Pero para sa akin, Lyx, galing sa first name niyang Calyx. In the case of kuya SYD, full name niya kasi yun, first letter ng full name niya which is Skye Yvan Diaz.

Kinuwento ko yun kila Calyx at nagets naman nila agad. "Ang talino mo rin talaga pagdating sa logic at sa mga ganyang bagay Ali." Sabi sa akin ni kuya Gab.

Marami rin kasi silang nagsasabi noon na noong bata daw ako, ang hilig ko sa mga puzzles at sa mga logic quiz. Pero pakiramdam ko, hindi naman. Natapos ang dinner naming ng masaya at nagpaalam na rin rin kami kila kuya Gab since doon daw muna siya magstay kila kuya Vince.

"I bet Skye already know every problem of your without you saying him." Sabi sa akin ni kuya Gab. Sabagay, mula kila mama, Kuya Lev hanggang sa paghack niya patalikod sa comuter at accounts ko para macheck ko, wala na akong duda.

"If ever may leads na kami, tawagan kita agad." Sabi ni kuya Vince kay Jacob. Napagpasyahan namin na kay kuya Vince at kay Jacob nalang kami magkikipagcommunicate. Kasi if ever, baka pati ako monitored niya. Para mas safe, sila Jacob nalang muna.

"Kuya Vince, pasensya ka na ha. Naabala pa naming kayo." Sabi ni Calyx.

"No problem. That's what friends are for naman diba?" sabi ni kuya Vince sabay tapik sa balikat ni Calyx.

Dumiretso na kami sa elevator. Papaclose na yung door nang makita ko na naman yung naka black na nakita ko nung nasalobby kami na papunta sa isang room. Hindi ko na nakita kung anong room number yo dahil nagsara na ng tuluyan ang elevator.

Pagdating namin sa sasakyan, biglang tumahimik lahat. Nag-offer si Calyx na siya na raw ang magdrive at ihahatid pa namin sila isa isa. Nagpahatid nalang sila Jester at Lexter sa school since sa dorm sila nakatira ngayon pati na rin si Jacob. Buti nalang pagdating namin, bukas pa yung school. Medyo late na rin kami nakaalis since hindi na namin nabantayan ang oras.

"Salamat Ali ha, Kev, una na kami!" pagpapaalam nila Jester.

"Kev, ingatan mo si Ali ha. Dirive lang, wala ng iba." Pang-aasar na naman ni Lexter.

"Ingat Allison. Sige Kev. Ingat kayo." Nakangiting sabi ni Kuya Brent.

"Ayieee, may love triangle na tayo guys!" sigaw ni Lex at tinakpan naman ni Jester ang bibig niya.

Natawa nalang ako at nagkatinginan kami nila Lyx at kuya Brent ng medyo awkward. Hinintay na naming silang pinapasok ng guard saka na ulit pumasok sa kotse.

"Ako na mag-drive." Sabi ko kay Calyx.

"Ako na. Ayaw kong mapagod ka." Sabi ni Calyx.

"Sus, kumwari ka pa eh. Nakakahiya naman na ikaw pa maghahatid ng sarili mo sa bahay niyo." Bago pa siya makasagot, bumaba na ako at binuksan ang door sa may driver's seat. Magsasalita pa sana siya pero hindi na niya tinuloy.

"Oo na. Wala naman na akong laban kapag ganito."

Nginitian ko siya ng husto saka pumasok sa sasakyan. Hinatid ko na siya sa kanya at nang makarating kami, nag-aabang si ate Stacey sa labas.

"Ali! Pasok ka muna!" aya niya sa akin.

"Hindi na ate. Hinatid ko lang si Lyx. Pagabi na rin po at baka hinahanap na ako nila kuya sa bahay." Sabi ko at tumango-tango naman si ate.

"Bisita ka minsan ha?" sabi ni ate at tumango ako.

"Ingat ka Ali." Sabi ni Lyx nang bumaba siya ng kotse.

Bumusina ako bago tuluyang umalis para makauwi na rin. Baka mamaya hinahanap na ako nila kuya. pero wait, bakit wala pang text or call si kuya Lev kung sakali. Tinawagan ko nalang si kuya gamit ang sasakyan.

"Hello kuya? Asan ka?" tanong ko nang angatin niya.

"Andito pa ako sa resto. Asan ka na ba?"

"Malapit na jan kuya. hinatid ko lang si Lyx."

"Asuuuuus. Ikaw Ali ha. Baka naman mamaya niyan, liligawan mo na rin si Lyx?"

"Jusme naman kuya oh. Hindi ba dapat ako yung nililigawan?" pagpatol ko sa joke ni kuya.

"Naku bunso, saka na yan. Kapag ka nagka-lakas loob si Calyx manligaw sayo." Sabi niya saka tumawa. Hindi na ako umimik.

"Daan ka dito sa resto pala. May kailangan tayong iuwi."

"Sige kuya. Coming."

Pagkasabi ko nun, pinatay na niya ang telepono. Ilang minuto pa at nakarating na rin ako sa resto ni kuya. Pagpasok ko, may inaayos niyang mga boxes. Pakiramdam ko, cake boxes.

"Kuya, para saan 'tong mga 'to?"

"Malalaman mo rin."

"Sir, eto na po yung top cake." Sabi nung isang crew niya.

"Sige, paki lapag nalang jan." sabi ni kuya at sinunod naman ito ning crew.

"Ali, pwedeng 'tong cake, sa kotse mo nalang? Baka kasi madamage kung doon sa sasakyan ko. May ibang gamit din kasi doon na nakalagay eh." Sabi ni kuya sa akin.

"Iuuwi natin lahat 'to?" sabi ko kay kuya. four layers' ng cake na nakahiwa-hiwalay na box, at iba iba din ang size. Nakakapagtaka, bakit may ganito, at bakit iuuwi sa bahay?

Tumango si kuya. "'Wag ka na munang magtanong. Malalaman mo rin." Sabi niya sa akin.

Hindi kaya para isurprise si kuya SYD? Pero di'ba next week pa siya makakauwi? Parang napakaaga naman ng surprise na ganito. Sinilip ko yung cake pero wala namang nakasulat. Plain white na icing lang naman ang nakalagay. Para saan kaya 'to?

"Ano Ali, ok lang?" tanong ulit ni kuya. Tumango nalang ako. Kapag ganito, walang silbi kapag kukulitin ko si kuya. Busy kasi siya at mananahimik lang yan, lalo pa at inunuhan na akong 'wag magtanong. Pero matigas pa rin ulo ko. HAHAHA.

"Tulungan mo akong magbuhat papunta sa kotse mo." Sabi niya at kinuha mo yung isang box.

"Kuya, para saan ba kasi 'to?" tanong ko ulit pero hindi na siy umimik.

"Kuya sagutin mo naman ako." Wala pa rin siyang imik at dirediretsong pumunta sa kotse ko. See? Hindi kasi talaga spoiler ng surprise 'tong kuya ko. Lalo na kung isang malaking surpresa. Diba, mapapa-sana all ka nalang.

Nang matapos naming ipasok sa kotse ko lahat ng cake, pasimple akong pumunta sa garahe ni kuya sa resto at chineck ang nasa sasakyan niya. Wala naman din akog makitang trace ng kahit ano since naka box lahat at hindi ko alam kung anong laman ng lahat ng 'yun.

Hindi na ako umimik at tinawag na niya ako para umuwi. Sabi niya covoy daw kami at mauna daw ako. Nasa bahay na daw sila mama at hinihintay kaming dalawa. Pagdating namin sa bahay, nakaabang sila dad sa may garage para tulungan kami magpark. Nauna akong magpark at ingat na ingat talaga ako since cake ang dala ko. Baka magalit pa si kuya sa akin kapag may mangyari sa mga 'to. Well, perfectionist kasi 'tong kuya ko lalo na kapag pagkain na ginawa niya ang usapan.

Pagkatapos ko, sunod na nagpark si kuya. napaghahalataan ko na na may something na nangyayaring hindi ko alam. Or is it, matagal na nilang alam pero wala akong kaalam-alam?

"Ali, ipasok mo muna yung mga gamit mo, saka mo nalang bakilan si kuya mo Paul para sa ibang gamit." Sabi nila dad. Sila dad na rin ang nagpasok ng cake at hawak ni kuya Paul ang pinakamalaking box.

Pagpasok ko sa loob, isang lalaki ang nakaupo sa may couch na parang hinihintay ako.

"Did you miss me?"

Napangiti ako ng malapad saka tumakbo para yakapin siya.

"KUYA SYD!"

- - - - - - - - - - - - 

A/N: Excited na ba kayong makilala si Kuya SYD, or mas excited kayong mabasa ang unang POV ni Kuya Paul? Next chapter awaits! 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...