Before Rosa

By hyperever

42.2K 3K 1.3K

Best friends Raffy and Sia had a drunken intercourse. This resulted to an unplanned gift of new life -- Rosa... More

Rosa
Before Rosa
[BR 1]
[BR 2]
[BR 3]
[BR 4]
[BR 5]
[BR 6]
[BR 7]
[BR 8]
[BR 9]
[BR 10]
[BR 11]
[BR 12]
[BR 13]
[BR 14]
[BR 15]
[BR 16]
[BR 18]
[BR 19]
[BR 20]
[BR 21]
[BR 22]
[BR 23]
[BR 24]
[BR 25]
[BR 26]
[BR 26.5] - an extra scene
[BR 27]
not an update. it's just me rambling.
[BR 28]
[BR 29]
[BR 30]
[BR 31]
[BR 32]
[BR 33]
[BR 34]
[BR 35]
[BR 36]
[BR 37]
[BR 38]
[BR 39]
[BR 40]
Epilogue
[BR 29.5] - some extra scenes

[BR 17]

732 64 17
By hyperever

Note--

Pinalitan ko ang title.

Originally, ipagsasabay ko nalang sana ang Before Rosa at After Rosa sa iisang book. Pero habang inaayos ko ang plot, I had other ideas.

Feel free to read the story description. Nakasulat doon ang synopsis ng Before. Other than that, though, wala naman akong ibang binago. Pareho parin ang chapters so don't worry. :)))

Enjoy [BR 17]!

-A. 💜

---


S I A
Before Rosa 17

○○○

After three months of avoiding it, I'm finally going home.

Masaya ba 'ko sa desisyon na ito? Not really.

Pero tama si Tita Sally, kailangan ko ulit lakasan ang loob ko. My belly is not getting smaller. The baby bump just becomes more and more apparent as the days went by. Kung napansin ni Merie, di magtatagal ay mapapansin na rin ng iba.

Saka, isa pa, I have to stick to my principles. I should talk to my parents. Bago pa may mangyaring hindi inaasahan.

"Anong oras kayo makakarating dito?" tanong ni Sana mula sa kabilang dulo ng tawag. "Didiretso ba kayo sa bahay?"

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin ng CR sa isang gasolinahan na tinigilan namin para umihi. Ilang oras nalang, mararating na namin ang Cierra Estrella. Sakto naman na tumawag si Sana.

"Hindi. Kina Bea ako didiretso," sagot ko.

"Kina Ate Bea? Bakit? Bakit hindi dito?" sunod-sunod na tanong niya. "Pwede ba 'kong pumunta sa kanila kapag nakarating na kayo?"

Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng aking tainga at balikat saka ako naghugas ng kamay. "Hindi ka naman palalabasin jan eh. Bantayan mo nalang si Xander."

"Iiiih! Ate, namimiss na kita! Gusto na kitang makita!" pilit niya. "Marami pa 'kong ikukuwento sa 'yo."

Napahinga ako ng malalim sa kakulitan ng kapatid ko. "Magkikita naman tayo bukas. Pupunta ako jan, remember?"

Ilang segundong hindi umimik ang 16-year-old kong kapatid. Maya-maya, nagsalita na siya sa mas malumanay na tono. "Sige. Tapos, isasama mo kami ni Xander kay Kuya Alele?"

Something in my gut twisted. Napahawak ako sa gilid ng lababo para hindi matumba.

"Wala ka kasi last time nung pumunta kami eh," dagdag niya.

Kasabay ng sinasabi niya, nakarinig ako ng katok sa pinto ng CR. "Sia? Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Raffy mula sa labas.

"Yeah. Sandali lang," sagot ko.

Kumuha ako ng tissue sa bag at saka nagpunas ng kamay. "Sana," tawag ko sa kapatid ko sabay lipat ng phone sa kabilang tainga. "Hindi ko sure kung makakadaan ako kay Kuya Alele. Tingnan ko muna kung kaya pa ng oras. Pero sa ngayon, ibababa ko na muna ang tawag. Babyahe na ulit kami, eh."

"Sige po. Ingat Ate."

Tumango ako kahit na hindi niya naman kita. "See you," sabi ko bago ibaba ang tawag. Pagkatapos kong itapon ang tissue sa basurahan ay lumabas na 'ko.

○●○

"Mayoraaaa!" sigaw ni Bea, kaibigan ko, nang makita niyang ako ang nasa labas ng gate nila. Agad, niyakap niya 'ko. "I miss youuu!"

"Aray ko naman, Pres. Nasasakal na 'ko," reklamo ko sabay tulak sa kaniya palayo.

Nakasimangot niya 'kong binitawan. "Bakit hindi ka umuwi noong fiesta? Pumunta ako sa inyo eh," aniya sabay palo sa braso ko.

"Busy ako," simpleng sagot ko.

Napatingin si Bea sa likod ko. Ngumuso siya kay Raffy na kunot-noong nakatingin sa kaniya. "Anong problema n'yan?"

"Sana?" out of this world na tanong nito.

Napakurap ako. "Sana?"

Tumingin si Raffy sa 'kin. Tinuturo si Bea ng isa niyang kamay. "Sana... 'yung... 'Di ba't s'ya 'yung nagtext sa 'yo last time?"

I tilted my head in confusion. "Kailan...?" Then, naalala ko 'yung time na bumisita si Kevin at tumawag si Sana. Nakita siguro ni Raffy ang text messages ng kapatid ko. "Hindi siya 'yun."

"Kapatid niya 'yun," natatawang dagdag ni Bea. "Beatriz Escaño ang pangalan ko hindi Sana."

Binigyan ako ni Raffy ng nagtatanong na tingin.

Tinanguan ko naman siya. "Kapatid ko si Sana. This is Bea. Boarding house ang likod ng bahay nila. Dito ako tumutuloy kapag nandito ako sa Cierra Estrella."

Inilahad ni Bea ang kaniyang kamay. Nag-aalangan naman itong kinuha ni Raffy sabay pakilala ng kaniyang sarili. "Sorry sa confusion," aniya.

"Gwenchanha," ani Bea. "Gwenchanha."

Napakurap si Raffy. "Ha?"

Bahagya akong natawa. Nagsimula nanaman kasi ang kaweirduhan nitong kaibigan ko.

"Gwenchanha -- it's okay, but in Korean," explain ni Bea. "Ikaw... hindi ka nagke-Kdrama noh? Haaay, marami pa pala 'kong kailangang i-educate."

Lalo akong natawa sa sinabi niya.

"Mameh," bulong ni Raffy mula sa likod ko. "Wiz akong na-pack na psych tests ditang. Shoyang. Mukhang need ng frennybells mo."

Nilingon ko siya't tiningnan ng masama.

"Oh, easy. Need mo rin ba?"

"Tara na nga," putol ni Bea sa usapan namin. "Baka abutan pa tayo ni Mama rito sa labas. Gaja!"

Iniwan ko si Raffy at saka sumunod kay Bea. "Bakit, nasan Mama mo?" tanong ko.

"Nagsasara pa ng salon."

"May salon kayo?" tanong ni Raffy na nakahabol na sa tabi ko.

Lumingon si Bea at tiningnan siya nang masama. "Kasasabi ko lang, hindi ba?"

Napahawak si Raffy sa braso ko. I think I heard him gulp.

Ginalaw ko ang aking braso para alisin ang hawak niya. "May pwesto sina Bea sa plaza," explain ko.

Ngumiti si Bea nang pagkatamis-tamis. Pero ang mga mata nito, parang naghahamon. "Magpapagupit ka ba?" tanong nito kay Raffy.

"Ay hindi. Keri ko na 'to. Di pa naman mahaba ang hair ko," mabilis na sagot ni Raffy. Nang tumalikod si Bea, napahawak siya sa kaniyang leeg sabay bulong, "Baka iba ang gupitin mo eh."

Natatawa ko siyang iniwan.

Nagpatuloy kami sa pagsunod kay Bea. Parang isang maliit na village ang likod ng bahay nila. Nakapalibot ang halos sampung kwarto sa isang common area. May malaking puno ng manga sa gitna, isang picnic table na gawa sa kahoy at lumang swing. 

Inihatid niya kami sa kuwarto na lagi kong ginagamit kapag nandito ako. Nasa dulong right iyon. Kagaya ng bahay nila at iba pang kuwartong nakapalibot, beige rin ang kulay nito at green ang bubong. Sabi nga ni Raffy, mukha itong high school classroom.

"Susi," ani Bea sabay abot sa 'kin ng dalawang susi para sa pinto. 

"Thanks," sabi ko sabay abot noon. Pero hindi niya binitawan kaya napatingin ako sa kaniya.

Seryoso ang mukha ni Bea. Iyon ang expression na nakikita ko sa kaniya kapag may kaibigan kaming binubully ng kaaway naming grupo noong high school.

Huminga ako ng malalim saka tumalikod para kausapin si Raffy. Nakita kong nag-iinspect siya ng loob ng kuwarto. "Raf," tawag ko.

Inangat niya ang tingin sa 'kin mula sa double deck na tutulugan namin habang nandito. "Hmm?" he asked.

"Uhm... 'yung mga gamit pala natin, nasa kotse pa. Pwede mo bang kunin muna?"

His eyes lit up in understanding. "Sure." Lumabas siya sa kuwarto at saglit na tiningnan si Bea. Tapos, nilipat niya ang kaniyang tingin sa 'kin sabay sabing, "I'll be back."

Tumango ako.

Nang makaalis si Raffy ay muli kong hinarap si Bea. Dinaanan niya 'ko't pumasok siya sa loob ng kuwarto. Nang sundan ko siya'y nakita kong nakaupo na siya sa lower bunk ng double deck. Para siyang bata na naghihintay ng candy habang naka-Indian seat doon.

"Pres, alam mo bang psychologist 'yung kaibigan ko. Sa mga kalokohan mo, baka i-schedule ka na nun ng appointment sa center nila," sabi ko sa kaniya.

"Isasama naman kita," aniya sabay tapon sa 'kin ng susi. Buti't nasalo ko.

"Nakakamiss lang mantrip noh," patuloy niya. "Mga magnanakaw nalang sa plaza ang nakakaaway ko, hindi pa 'ko nirerespeto."

"Eh pa'no, Korean pinangtatawag mo. Pa'no ka seseryosohin?"

"Kainis nga eh. Ilang beses ko nang sinasabihan ng jungji! Jungji! Jungji!" aniya sabay taas ng kaniyang kamay na parang nagpipigil ng traffic. "Pero hindi nila 'ko pinapakinggan."

Kinuha ko iyong upuan na nasa harap ng mesa sa gilid saka umupo roon. "Ano ba kasing ibig sabihin nu'n?"

"Stop. Tigil."

"Eh bakit hindi nalang 'yun ang sinabi mo?"

Itinaas niya ang kaniyang mga kamay na parang sinasabing napapagod na siya sa pag-explain nito sa mga tao. "For effects! Pa'no mo mafifeel na nasa Kdrama ka kung hindi ka magko-Korean?"

Umiling nalang ako.

"Guende, hindi 'yan ang gusto kong pag-usapan." Mula sa nagbibiro niyang tono ay naging seryoso siya. "Gusto kong malaman kung bakit umuwi ka ngayon, out of the blue, nang walang okasyon. Tapos na ang fiesta, anong ginagawa mo rito?"

Unconsciously, napahawak ako sa dulo ng aking suot na hoodie. 

Gumalaw si Bea. Ibinaba niya ang kaniyang mga paa sa sahig at umupo nang maayos. "Iba na rin ang kasama mo. Nasa'n na 'yung si... sino nga 'yun? Monica?"

"Monic," pagtama ko. 

"'Yun. Nasaan na 'yun."

Umiwas ako ng tining sa kaniya. "Wala na kami."

"Talaga? Anong nangyari?"

Hindi ako agad nakasagot. Ano nga ba'ng nangyari? "Marami," sagot ko. "Maraming nangyari."

Ngumiwi siya habang nakatingin sa 'kin. "So... bago mo 'yun?"

I crinkled my nose. "Sino? Si Raffy? Hindi noh. We're... complicated."

Natawa siya sa 'kin. "Complicated? Ano kayo, 'yung mga bagong high schooler na tambay kina Aling Mara? Complicated... complicated mo mukha mo."

"Pres," tawag ko sa kaniya. "Hindi 'yun ang point. Ang tinatanong mo, 'di ba, ay kung bakit ako nandito?"

Humalukipkip siya. "Hm. Sige. Bakit ka nga nandito?"

Humigpit ang hawak ko sa dulo ng aking damit. "Nandito ako kasi may sasabihin ako sa parents ko."

Tumaas ang isang kilay ni Bea. "Okay... anong super important na bagay ang sasabihin mo para ma-atim na makasama sila sa iisang kuwarto nang hindi ka required?"

Huminga ako ng malalim. Pinagmasdan ko ang mukha niyang naghihintay ng sasabihin ko.

Kung may isang tao sa Cierra Estrella na una kong sasabihan ng sekreto ko, si Bea 'yun. Maliban kay Erika, na dati kong best friend, si Bea na ang pinakamalapit kong kaibigan dito.

"Buntis ako," sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Mwo...? Yah! Pwera joke, Alesia. Pwera joke."

"Huwag mo nga 'kong tinatawag na Alesia. Hindi ako 'yun. Tsaka," inalis ko ang aking kamay sa dulo ng hoodie at saka ibinuka ang mga ito. "Tingnan mo nga ako. I'm sure pansin mong tumaba ako."

Kunot-noo parin akong tinitigan ni Bea. Hindi parin siya naniniwala.

Napailing ako. "Si Merie nga napansin, tapos ikaw..."

"Eh lahat naman napapansin nun," aniya. "May respeto ako sa 'yo! Kung tumaba ka, edi tumaba ka. Pero hindi tamang 'yun ang isasalubong ko sa 'yo, noh!"

Ngumuso ako. "So hindi mo nga napansin?" I asked with a tint of hopefulness. Baka kasi hindi pa halata o hindi naman talaga ako tumaba. Bastos lang talaga si Merie.

Nag-de quatro siya. "S'yempre napansin ko. Lumaki kaya 'yung dito mo," aniya sabay hawak sa kaniyang mga pisngi. Pinalobo pa niya ang mga 'yun para i-illustrate ang kaniyang point.

Tinapon ko iyong susi pabalik sa kaniya. "Bwisit ka!"

Natatawa niyang iniwasan ang tinapon ko. Bumagsak iyon sa likod niya. "Pero, 'di nga? Totoo?" tanong niya habang inaabot ang susi. "Jinjja?"

"Anong ninja?"

"Jin-jja -- really?"

Tumango ako. "Oo nga."

Bumalik siya sa pagkaka-Indian seat. "Saan galing 'yung..."

"'Yung ano?"

Itinaas niya ang kaniyang hituturo saka ginalaw galaw 'yun. 

"Ano 'yan?"

"Sperm," sagot niya habang ginagalaw-galaw parin ang kaniyang hintuturo.

"Ano?!"

Tumawa nang malakas si Bea. "Sperm nga! Saan galing?"

Napahawak ako sa 'king noo. "Kaya wala nang natatakot sa 'yo eh. Puro na kalokohan ang nasa isip mo."

"Hoy! Kaya ko paring mang-kalbo, no!" Tapos, lumakas ang kaniyang tawa. Parang gusto na niyang mahiga sa kama. "Saan nga!" sigaw niya habang nakataas parin ang kaniyang hintuturo.

"Mother, saan ko 'to ilalagay--" 

Natigil si Bea sa pagtawa. Napatingin ako kay Raffy na natigil din sa may pintuan dala ang aming mga bag.

"Anong ganap?" naguguluhang tanong nito.

"Teka," ani Bea, dahilan para mabalik ang tingin ko sa kaniya. Nakataas parin ang hintuturo niya. Pero ngayon, ang galaw nito'y gumuguhit na ng isang linya mula sa 'kin papunta kay Raffy. "Alesia, huwag mong sabihing..."

"Anong bawal sabihin?" tanong ni Raffy.

"Yup," I answered Bea's question. Itinaas ko rin ang aking hintuturo saka ginalaw-galaw ito. "Sakaniya galing."

○●○

Kagaya ng napag-usapan, alas tres kinabukasan ay pumunta na kami ni Raffy sa bahay ng mga magulang ko. I insisted on driving, dahil mas madali kaming makakapunta roon kung ako ang magdadrive. Saka, isa pa, hindi ako mapakali. I need to divert my attention, and driving is the best way right now.

"Malayo pa ba?" tanong ni Raf. "Papalayo na tayo sa bayan, eh."

"Magulo at siksikan na sa bayan kaya hindi doon nagtayo ng bahay ang lolo ko. Sa dulo ng subdivision ang bahay na pupuntahan natin," sabi ko sa kaniya nang lampasan na namin ang arko papasok sa subdivision.

"Sa dulo? Bakit sa dulo?"

"Ewan ko. Eh, sa doon trip ng lolo kong magtayo ng bahay."

Tumingin si Raffy sa bintana. "Ako lang ba o gumagara talaga ang bawat bahay habang lumalayo tayo sa entrance?"

Napangiti ako pero hindi sumagot. Nang marating namin ang pinakamalaking gate sa dulo ng subdivision ay tumapat ako roon. Binuksan ko ang aking bintana saka nginitian si Kuya Juan, ang punong gwardya na nagbabantay.

"Long time no see po, Ma'am," bati niya sa thick Filipino accent.

Sumaludo ako sa kaniya. "Long time no see rin po Kuya."

Nang buksan na niya ang pinto ay agad kong pinasok ang kotse. Ilang metro makalipas, napatingin ako kay Raffy na tinitingnan ako sa nanlalaking mga mata.

"What?" I asked.

"Walang hiya ka, Sia. Ilang taon tayong magkakilala pero never mong na-mention na ganito kayo ka-yaman."

Iniliko ko ang kotse sa isa pang gate papunta sa kanan. "Hindi naman akin 'to. Sa mga magulang ko 'to. Ang bahay ko ay 'yung walang lamang apartment na iniwan ko dahil in-adopt mo 'ko sa bahay mo."

Napailing si Raffy na parang hindi parin siya makapaniwala.

Hinayaan ko nalang siya. I parked the car under the shed of a mango tree. Tapos, inaya ko na siyang bumaba.

Hindi pa man ako nakakapasok sa malaking bahay ay agad na 'kong sinalubong ng dalawang nakababata kong kapatid. Nag-unahan silang makalapit sa 'kin.

"Ate!" sigaw nila pareho.

Nanalo sa liksi si Xander, ang 10-year-old naming bunso. Nakasunod sa kaniya si Sana, na sinasabihan siyang huwag tumakbo.

"Ate!" ulit ni Xander at akmang dadambahan ako pero pinigilan ko siya.

"NO! Bawala na 'kong magkarga ng malalaking bata!" sigaw ko saka niyakap nalang siya. "Ang laki mo na eh!"

Lumapit din si Sana at sumali sa yakap. Pagkatapos naming mag-reunion, inaya ko na sila papasok sa bahay.

"Naghanda kami ng merienda," pagmamalaki ni Sana.

Napalingon ako sa likod ko para siguruhin na nakasunod si Raffy sa 'min. Tahimik niyang inililibot ang kaniyang paningin habang bumubulong sa sarili. Umiling nalang ako at hindi siya pinansin.

Pagpasok sa sala, sinalubong kami ng malaking family picture na 9 years nang hindi napapalitan. 16 palang ako sa picture na 'yun. Nakaupo sina Mama at Papa sa harap habang kanlong ni Mama si Xander, na baby palang nung time na 'yun. Sa likod nila nakatayo ako, si Kuya Alele at si Sana, na seven years old nung time na 'yun.

It took all my energy to remove my eyes from that photo.

"Nasaan ang merienda?" tanong ko sa mga kapatid ko.

"Nasa kusina, Ate," turo ni Sana.

Akmang susunod na ako sa kaniya nang hawakan ni Raffy ang balikat ko.

"Alesia de los Reyes," banggit ni Raffy sa buo kong pangalan. "Kamag-anak mo nga si Mayor."

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

45.5K 1.9K 30
When people are telling you to leave, will you stay? Erika Listaña was happy being her gay best friend's pretend girlfriend. She intended to keep it...
2.9K 84 21
GENTLEMEN SERIES #1 More than just a best friend, Alaina cherished Joaquin. She had feelings for him since they were young, and Joaquin was aware of...
53.1K 1.4K 46
#1 in iloveyou! Dated 26th May 2020 #496 in Romance! Dated 8th October 2017 #1 in egoist dated 14th August 2018 #2 in lgbtqin #1 in loveknowsnogender...
12K 417 42
UNICORN SERIES#1 (COMPLETED) This story is about a gay who firmly believes that he will never fall in love with a girl but everything changes when he...