Student Terror

By asherinakenza

1.3M 18.9K 1K

High school friendship. More

Chapter 1: Pagkilala
Chapter 2: The Black Parade
Chapter 3: Untold feelings.
Chapter 4: Who's that girl? LOL
Chapter 5: Gatecrasher!!
Chapter 7: zutto aishite imasu
Chapter 8: Nahihilo..Nalilito..
Chapter 9: Fraudulent
Chapter 10: There For You
Chapter 11: Kanya kanyang trip lang yan xD
Chapter 12: The Sassy Girls!
Chapter 13: Eh kasi awkward! *O*
Chapter 14: Nagsimula ang lahat sa isang...
Chapter 15: Threat???
Chapter 16: Christmas Party (Part 1)
Chapter 17: Christmas Party (Part 2)
Chapter 18: Maling Akala..
Chapter 19: The Bet
Chapter 20: First Time
Chapter 21: Dahil sa pagkaen! >.<
Chapter 22: Real or Fake??
Chapter 23: His Anger..
Chapter 24: Magulo po. >.<
Chapter 25: Nag-iba siya..
Chapter 26: Ang pagbabalik niya??
Chapter 27: ??????
Chapter 28: Maikling Update
Chapter 29: Christmas! Tralalala :D
Chapter 30: Mehehe.. ~_~
Chapter 31: O_O
Chapter 32: Truth or Dare...
Chapter 33: Ano daw??
Chapter 34: Eh kase New Year.HAHAHA..
Chapter 35: Ang simula ng pagbabago. (Enedew??)
Chapter 36: Eto muna..
Chapter 37: Sakanya ka na..
Chapter 38: Accusation..
Chapter 39: Evidence?
Chapter 40: Nalilito..
Chapter 41: May mali..
Chapter 42: Galit..
Chapter 43: Ang katotohanan...
Chapter 44: Friends are Friends
Chapter 45: The 13th member? / Akin ka nalang...
Chapter 46: Ma~~bOteng Usapan Part 1
Chapter 47: Ma~~bOteng Usapan Part 2..
Chapter 48: JS Prom/ The 13th member? Part 1..
Chapter 49: JS Prom/ The 13th member? Part 2..
Chapter 50: Bonding Time! XD
Chapter 51: Hang Over/Bad News??/Lovers in Airport?..
Chapter 52: Group Hug! ;)
Chapter 53: Bye Glecy/Graduation Day!
Chapter 54: Picture/Group Chat??
Hindi ito update. :3 ABOUT KAY MC LANG
FINALE

Chapter 6: Nagpapanggap?? Sino??

27.1K 384 28
By asherinakenza

Chapter 6: Nagpapanggap?? Sino??

 

 

Meet         *Carlo Bana* >>>>>>>

 


CARLO P.O.V

 

Nagtakbuhan na yung mga sira ulo dahil narinig nila yung wang wang ng pulis. Napansin ko naman na hinila ni Reno yung isang lalaki sa kabilang grupo at itinali niya yung belt niya sa kamay nung lalaki saka hinampas niya sa batok para makatulog.

“Reno! Bakit kinorner mo pa yan!? Sasabit tayo!!” – sigaw ni MC.

“Hindi natin makikilala kung sinong may pakana nito, kaya ako na bahala dito!” – sigaw ni Reno saka kinaladkad yung lalaki sa basement ng rest house.

Maya maya lang dumating na yung mga pulis.

“Boss! Nakatanggap kami ng tawag may gulo daw dito?” – ma-awtoridad na sabi ng isang pulis.

Humarang ako.

“Pasensya na boss pero wala naman gulo dito.” – sabi ko.

“Ganun ba?” – hindi kumbinsido yung itsura nung mga pulis, dahil narin siguro sa mga pasa at dugo namin sa mukha. Tss, malaman lang namin kung sinong may pakana nito!

“Ayos lang ba kung i-check namin ang buong resort?” – tanong nila.

“Walang problema boss.” – kalmadong sagot ni Kollins.

“Sige! Libutin niyo na lahat!” – sigaw ng isang mataas na ranggo siguro ‘to.

“Sinong tumawag sa mga pulis?” – bulong sakin ni Traviz.

Nagkibit balikat lang ako bilang sagot..

Nakita ko namang sumenyas si MC sa rest house kung saan nagtatago sila Glecy, nagsikilusan sila palabas para makita ng pulis. Si Miggy naman pasimpleng tumakbo sa basement para mabigyan ng warning si Reno dahil dun niya tinago yung isa sa mga kasama ng nakalaban namin.

Parang hindi naman ininspeksyon ng mga pulis yung buong beach dahil mismong yung van lang ang sinilip nila. At yung mga cottage.

Nagkumpulan kami dito sa may labas ng cottage namin, wala lang si Reno at Miggy.. Lumapit samin yung mga pulis.

“May problema dito.” – sabi ng isang pulis.

Pero lahat kami kalmado parin.

“Napansin lang namin na puro kabataan kayo at mukhang mga menor de edad pa kayo, dalawang van ang dala dala niyo. Gusto lang namin makita yung mga lisensya niyo..” – sabi nung isang pulis.

Nagkatinginan kaming lahat! Fvck huli na ba?! Wala bang magliligtas ngayon sa grupo?? Pero Malabo eh! Hindi naman halatang mga mukhang high school kami eh..

“Sino palang mga kasama niyo dito? Kayo kayo lang ba?” – usisa ng mga pulis.

“Ah, ako ho ang kasama nila!” – napalingon kaming lahat sa nag salita! Si Manang Angie!! Nginitian namin siya.

“Ah, magandang araw ho Manang, pero gusto lang namin malaman kung may iba pa ho kayong kasama? Hindi naman ho siguro kayo marunong mag drive?” – magalang na sabi nung pulis.

“Ah, may mga driver yang mga yan, teka etong si Kollins ang alaga ko dito.. Birthday niya ngayon kaya inarkila itong buong beach!” – pagsisinungaling ni Manang Angie.

O_O – Kami.

HAHAHA! Birthday ni Kollins?! Di nga?! Ayaw nga niyan na nagbibirthday siya eh! HAHAHA! Nice one Manang Angie magaling ka! Pwede ka ng witness sa mga kaso!

“Ah ganun ho ba?” – PO1.

“Oo, saka yung mga driver nila pumunta lang sa malapit na tindahan inutusan ko.. Dahil hindi ko naman maabala itong mga ‘to dahil nagsasaya sila..” – nakangiting sabi ni Manang Angie!

HAHAHAHHA! The best ka Manang!

“Nagsasaya ho sila? Bakit ho puro pasa at  dugo yung mukha nila?!” – PO2.

“Ah, eto ba?” – lumapit si Manang kay Kollins at pinisa yung pasa ni Kollins.

“Ahhh!!” – sigaw ni Kollins.

“Wala ho yan! Make up lang yan! Etong batang ‘to mahilig manood ng mga zombie zombie! Kaya ang theme ng party niya Walking Dead!” – nakangiting sabi ni Manang.

HAHAHAHAHAHAHA! Seriously?!!! Nanonood si Manang ng walking dead?!! HAHAHAHAHA! Saka party ni Kollins may theme?!! Bata lang pre?! HAHAHA! Nagpipigil ng tawa yung mga barkada ko, si Kollins naman ang sama ng tingin samin hahaha!

“Ah ganun ho ba?!” – PO1.

“Oo, saka ito... Itong isang ‘to!” – lumapit si Manang kay Traviz saka hinawakan may bibig si Traviz dahil sa dami ng dugo sa bibig, dahilan ng pagkakasuntok sa kanya nung isang lalaki.

“Idol niya si Damon Salvatore! Oo si Ian Somerhalder! Idol niya yon! Kaya ayan imbis na zombie siya naging sexy vampire nalang siya! Saka hinahanap niya yung Elena ng buhay niya!” – nakangising sabi ni Manang.

=_____=  - Traviz and Kollins.

(~~,)   - Kami

HAHAHAHAHA! Si Manang Angie bagets! xD

“Gusto niyo din ba umattend sa party ng alaga ko? May costume at make up pa sa rest house.” – sabi ni Manang.

“Ah, hindi na ho siguro.. Sige ho mauna na kami..Pasensya na ho kayo at naabala ang party nitong alaga niyo.” – tinapik pa ng pulis si Kollins sa balikat na parang isang bata.

-______- - Kollins!

HAHAHAHAHA!

“Sige mga manong pulis mag ingat kayo!!” – sumaludo pa si Manang Angie.

Sumakay na yung mga pulis sa mobil nila saka mabilis na umalis. Hagalpakan naman ang tawa naming magbabarkada.

“HAHAHAHAHA! Pre?!! Idol mo si Damon?!!!” – sigaw ni MC.

“Tangna mo, mas sexy ako dun. Tignan mo abs ko!” – sigaw ni Traviz.

“Yuck! Ang kapal mo Traviz ang sexy at gwapo kaya ni Damon!” – hiyaw ni Kai habang tumatawa.

“Bakit gwapo naman ako ah?!” – natatawang sabi ni Traviz.

“Pero mga dude childrens party ‘to! Party ni Kollins!” – sigaw ko.

Sinamaan kami ni Kollins ng tingin.

“Manang!!! Anong mahilig manood ng walking dead?! Hindi nga ko mahilig manood ng kahit anong palabas sa TV!! Tss..” – inis na sigaw ni Kollins.

“Chillax ka lang mahal kong alaga, favorite ko yun!!” – hahaha bagets talaga ‘tong si Manang Angie!

“Zombie zombie ka pang nalalaman! Aisssshhhh!!” –halos matanggal ang anit ni Kollins sa pagkakamot ng ulo niya hahaha, saka nag walk out.

“Tignan mo yung batang yun maigi nga at niligtas ko kayo sa mga pulis.” – sabi ni Manang.

“GROUP HUG!!!!!!!!” – sigaw naming lahat saka inipit namin si Manang sa gitna!

“Pero Manang Angie, nanonood ka talaga ng The Vampire Diaries??” – tanong ni Glecy.

“ *u* OO!! Fan ako ni Damon! Saka Delena forever ako!” – nagblush pa si Manang! HAHAHA.

Nagtawanan nanaman kaming magbabarkada. Bumalik na kami sa rest house para makaligo na rin. Tss, ang hapdi lang nung mukha ko dahil sa pagkakasuntok saken! Tss..

***

Katatapos lang naming maghapunan, umupo ko sa tabi ni Mondragz na hawak hawak parin yung tagiliran niya.

“Masakit pre?” – pang aasar ko.

“Gago! Ikaw kaya hampasin ko ng baseball bat?!” – angil niya! HAHAHA..

“San punta dude?!” – sigaw ni Tricia kay Reno at Kollins na palabas ng rest house, nakaupo ngayon si Tricia sa coach at kumakain ng apple habang binabato bato pa yon pataas.

“Hmm, basement..” – sagot ni Reno.

“Sama ko!” – nakangiting sabi ni Tricia.

“Wag ka ng sumama.” – seryosong sabi ni Mondragz.

“Bakit ba! Sasama ko!” – sigaw ni Tricia.

“Tss.” – Mondragz.

“Okay! Tara Tricia samahan kita!” – sabi ni Glecy na ngayon ay kumakain ng Skittles na red.

Bata talaga, pagkain pambata, isip bata, mukhang bata, height pambata.

“Orayt!” – sigaw ni Tricia.

Nang makalakad si Glecy sa may pwesto ko hinigit ko sakanya yung Skittles niya.

“ANO BA?!! AKIN YAN EH!!!” – sigaw niya.

Sumubo ako ng dalawa.

“Akin nalang! Lalo kang nagmumukhang bata pag kumakain nito!” – pang aasar ko, trip na trip ko talaga siyang asarin, yung mata niya kasi nanlilisik hahaha!

“Bwiset!!” – sigaw niya.

“Pandak!” – sigaw ko.

“Aisssh!! Tara na Tricia!!” – sigaw niya saka hinila si Tricia palabas ng rest house.

HAHAHA. Pikon na pandak.

Napansin ko namang nakatingin sakin si Cazey. Ohw, the jealous lesbian.. Tumawa lang ako ng pang asar.. Tss..

RENO P.O.V

 

Itinali ko sa kisame yung dalawang flash light na malaki na dala dala namin ni Kollins, para na kami ngayong mga pulis na nagpapaamin ng kasalanan.

“Woa, mukhang tulog na tulog ‘to ah.” – sabi ni Tricia.

Kanina pa paikot ikot si Glecy dito sa loob ng basement.

“Hoy Glecy! Nakakahilo ka!!” – sigaw ko.

“Teka lang!” – sabi niya.

“Ayun!!” – saka siya lumapit dun sa isang balde at binuhat yon.

“Ano yan?!” – tanong ko.

“Obvious ba?! Edi tubig! Nilagay ko na ‘to kanina dito para magmukhang salbahe ako!” – natatawang sabi niya, isip bata nga -_-.

“Hoy gising!!!” – sigaw ni Glecy dun sa lalaki.

Natatawa naman kami ni Tricia, si Kollins naman seryosong nakatingin dun sa lalaki.

“Ayaw mong gumising ha?!!!!” – marahas na ibinuhos ni Glecy ang tubig sa mukha nung lalaki!

“*cough! *cough!!”

“Sa wakas nagising ka na rin!” – hiyaw ni Glecy saka ibinato yung timba sa mukha nung lalaki.

HAHAHA!

Dafaq dude!

Nakaupo ngayon yung lalaki sa isang bakal na upuan saka tinalian ko na din kanina ng wire para hindi makatakas.

“Sino ka?” – seryosong tanong ni Kollins.

Biglang gumalaw galaw yung flash light na isinabit ko.

“Hoy Glecy! Ano ba yan?!!” – sigaw ko.

“Chill dude, ang astig nga tignan eh! Mukha tayong mga agent!” – nakangiting sabi niya.

“HAHAHA! Glecy dito ka nga!” – hinila siya ni Tricia saka inakbayan, ang likot parang bata.

“Huh! Nagsama pa kayo ng bata.” – hirap na hirap na sabi nung lalaki.

“HOY! HINDI NA KO BATA!!!” – sigaw niya.

Pero ngumisi lang yung lalaki, nagulat kami ng bigla ‘tong suntukin ni Kollins.

“SINO KA?!! ANONG KAILANGAN NIYO SAMIN?!!!” – sigaw ni Kollins.

Tumawa ng nakakaloko yung lalaki.

“Hmm, Jasper nga pala pare..” – mapang asar na sagot niya.

“Anong kailangan mo samin?” – galit na tanong ni Kollins.

“Trip lang namin kayong bugbugin!..” – mapang asar na sagot ni Jasper.

Napakunot naman ang noo namin ni Kollins.

Lumapit ako kay Jasper saka marahas na hinila ‘to sa buhok.

“Hindi kami nakikipag lokohan sayo!” – sigaw ko.

“Sa tingin mo ba niloloko ko kayo?” – nakatawang sagot niya, tangna nakakainis!

Biglang sinipa ni Tricia sa tiyan si Jasper at natumba ‘to. Lalaking lalaki dating ni Tricia xD

“Trip? Eh kung pagtripan kaya kitang patayin?!!” – sigaw ni Tricia.

“Gawin mo Ms.Tricia Velasco.” – nakangising sabi ni Jasper.

Teka! Nakakagago na ‘to! Bakit kilala nito si Tricia?!!

“Nagulat ka ba?! Gusto mo bang sabihin ko din kung sinong mga kasama mo?” – nakangiting sabi ni Jasper, kahit hirap na hirap na siya pagsasalita.

“Reno Escritor . Ow ang batang si Glecy Joya, at ikaw... Kollins Bernal.” – naging seryoso ang mukha ni Jasper.

Biglang hinila ni Kollins si Jasper at pinagsusuntok ‘to sa mukha, pinagtulakan niya pa ‘to sa pader at inuntog untog dun.

FVCK!! Makakapatay yata si Kollins! Hinila ko siya!

“Pare tama na!!” – sigaw ko.

“Tangna sino ka ba?! Hindi ka ba aamin?!!” – sigaw ni Kollins.

“Nakakagago pagtripan hindi ba?! Ganyan ang ginawa niyo sakin nung unang araw ko sa Oecil University..” – sabi ni Jasper habang umuubo ubo pa ng dugo..

Pinagtripan?! Teka nga! Hindi naman kami nantitrip ng studyante! Maliban nalang kung lumalabag sa kagustuhan ni Kollins, saka isa pa ni hindi ko nga kilala ‘tong Jasper na ‘to.. Wala din siya sa listahan ng mga nakulimbat na pera ni MC dahil nag suot ng uniform, wala akong nabasa na Jasper..

“Gusto kong maranasan niyong ilublob yung mga mukha niyo sa bowl habang nakatakip ang mga mata niyo, ang buhusan ng ihi ng mga studyante ng Oecil at ang itapon sa truck ng basaruhan ng walang damit!” – natatawang sabi ni Jasper..

Sh*t!! Hindi kami yon!! May gumagago gamit ang mga pangalan namin!

“Pero mukhang hindi ko magagawa yun ngayon...”

Biglang may makapal na usok na pumaligid samin..

“*COUGH!! *COUGH!!” – ubo naming apat nila Kollins.

“Fvck!!!” – hirap na sigaw ni Kollins..

“I can’t breath...” – bulong ni Glecy.

Naramdaman kong bumagsak nalang kaming apat sa sahig, may tatlong matatangkad na lalaki ang pumasok sa basement pero hindi ko sila maaninag, dahan dahang nagiging itim ang paningin ko.. Inilibot ko pa yon para tignan kung gagalawin nila sila Glecy na ngayon ay wala ng malay pero si Jasper ang kinuha nila... Hanggang sa mawala na sila sa paningin ko..

..to be continued..

 

---

 

AN:

 

Sorry gabi mag update. Or matagal haha .. Pasensya na po madami lang ginagawa sa school. :) isiningit ko lang ‘to itype.. Comment !! Yun lang .. Comment .. Comment .. Gusto kong makabasa ng comment mula sa inyo ..

 

Salamat po sa patuloy na nagbabasa.. :)

 

_Ash..

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 59.9K 37
May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT POP FICTION.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
366 133 93
Olivia Dela Torre purchased a charming pocket notebook and filled its pages with heartfelt pictures and cherished memories. She carefully documented...
73.2K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023