Accidentally Fall In Love (Lo...

By Emcentllain

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... More

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 11

63 3 0
By Emcentllain

Chapter 11

Tulala lamang akong nakaupo sa table namin. Tila hindi nag si-sink in ang mga sinabi ni Lienzo sa akin. Masyadong magulo, hindi ko ma gets sa papaanong paraan nya ako nagustuhan.

"Hey Chanel? Are you okay? Kanina ka pa wala sa sarili mo, kanina pa rin nag uumpisa ang party pero parang wala kang nalalaman sa nangyayari." Sabi ni Zarene kaya naman napalingon ako sa kanya.

Tumikhim ako. "Maganda ba ako?"

"Oo naman! Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang feeling ko ang layo ko sa mga babae dyan."

"Naku ano ka ba! Napaka ganda mo Chanel. Wag mong pansinin yung ibang mga babae. Mag focus ka sa sarili mo."

Tumango na lamang ako sa sinabi nya.

Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag kay Kian na nasa tabi ko.

Nakita ko si Vance na papalapit sa pwesto namin.

"Oh Vance!" Bati ni Kian at tumayo pa sa kinauupuan nya para harapin pa ito.

Lumingon sa akin iyong si Vance.

"Hi miss!" Bati niya.

"Gago ka! Si Chanel 'yan." Suway ni Kian.

Muli akong tiningnan ni Vance at kumurap kurap pa tila kinikilala ako ng mabuti.

"Fuck shit! Kala ko kung sinong magandang babae." Sabi ni Vance.

Tumawa na lamang ako at inalis na ang tingin sa dalawa.

"Nga pala Kian sasabihin ko lang sana, malapit na mag umpisa ang intrams natin, anong balak?" Rinig kong tanong ni Vance kay Kian.

"Oo nga! Pero si Drake ang kailangan nating sabihan dyan dahil sya ang captain."

Halos lumaki ang tainga ko ng marinig ko ang pangalan ni Drake.

"Oo nga pala si Drake? I didn't notice him," takang tanong ni Vance.

Lalo kong inilapit ang tainga ko sa kanila upang marinig pa ng mabuti ang pinag uusapan nila.

"Ah si Drake ba?" Natigilan si Kian kaya nilingon ko ito, nag tama agad ang tingin namin dalawa tila may gustong ipahiwatig bago nilingon muli si Vance. "Hindi sya nakapunta e."

"Ganon? Okay sige brad, ang alam ko kakausapin din tayo ni coach dito sa nalalapit na intrams handa na lang." tinapik pa nya ulit 'yung braso ni Kian at nag paalam na.

"Nalalapit na nga pala ang intrams." bulong pero rinig kong sabi ni Kian.

"Sus yakang-yaka nyo 'yon! Baka nga kayo ulit ang manalo eh."

"Sigurado ka?" tanong nito na animo'y hindi naniniwala sa sinabi ko.

Tumango ako, umupo ito sa tabi ko.

"Oo naman. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Never pa atang natatalo ang Dubi University sa mga intrams, pwera na lang kung mag papatalo kayo ngayong."

"Of course not."

"Oh 'yun naman pala eh. Don't worry manonood ako ng game nyo."

"Seryoso? Akala ko ba wala kang hilig sa mga ganun?"

"Kailangan ko kayong icheer, yun man lang maiambag ko sa laro nyo."

Nakita kong naglaro ang mga tingin nya kaya tinaasan ko sya ng isang kilay.

"May sisilayan ka lang e."

Pinanliitan ko sya ng mata at inirapan.

"Alam mo, kung ayaw nyong manood ako edi wag."

"Oo na! Cheer mo kami ah."

Nakangiti akong tinanguan sya.

Medyo na bored ako kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at nag gala. Nakita ko nga sa hindi kalayuan sina Vrixie. Tinawag ako ng mga ito, aatras na sana ako para bumalik sa table namin pero si Vrixie na mismo ang lumapit sa akin at may inabot na juice sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko dito, inirapan nya ako.

"Let's be friends my gosh! Pambawi ko sa mga pang aaway ko sa'yo."

Napanguso ako at tinanggap na lamang ang juice na inaabot nya. Halos puno iyong baso, ininom ko nga iyon dahil sakto namang nakaramdam ako ng uhaw.

"Thank you Vrix!" sabi kong tipid na ngumiti.

"It's fine. Alis na kami huh? Enjoy!" aniya at inaya nya na ang mga kaibigan nito.

Naiwan akong mag isa kaya naman bumalik na ulit ako sa table namin. Wala na doon sina Ayesha at Zarene. Maging si Kian tila hinipan ng hangin ang mga nakaupo roon.

Hinanap nga ng mga mata ko iyong dalawa kong kaibigan. Ngunit hindi man lang sila mahagilap ng mga mata ko.

Nanatili na lamang akong nakaupo, kinuha ko na lang iyong phone ko sa pouch na dala ko at nag scroll sa facebook ko. Wala naman akong nahagilap na kung ano kaya dumiretsyo naman ako sa instagram ko. Bumungad na agad sa akin ang picture ni Ayesha kasama si Zarene, picture nila dito sa event. Parehas silang may hawak na alak, napanguso ako.

Hindi man lang ako sinama.

Simangot akong ininom iyong juice na bigay sa akin ni Vrixie.

Habang tumatagal ay tila nararamdaman ko na parang inaantok na ako at nahihilo. Bahagya kong ipinikit ang mga mata ko at muling iminulat. Parang blurred na iyong mga nakikita ko.

Tumayo ako, upang hanapin ang pinsan ko. Dahil pakiramdam ko may kakaiba na sa katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ngunit nahihilo ako, at tila nabibingi.

Bakit ako nagkakaganito? Napahawak ako sa isang upuan ng maramdaman kong tutumba ako, ngunit masyado akong mabigat para sa upuang hinawakan ko kaya naman natumba ako. May mga narinig akong umiimik sa tabi ko.

Pinilit kong tumayo kahit nahihilo ako, nakita ko nga na halos lahat ng tao ay sa akin nakatingin, nakagawa pa ata ako ng eksena.

"Pasensya na po." sabi ko at iwarang ng tinalikudan sila upang hanapin ang labasan ng bahay na ito.

Narinig ko pa ang ilan na sinasabihan akong lasing, ngunit hindi naman ako uminom. Juice lamang iyong ininom ko, hindi naman iyon alak.

Nang makalabas ako ng bahay ay hinanap parin ng mga mata ko ang pinsan at mga kaibigan ko. Ngunit hindi ko talaga sila mahagilap, sobrang nandidilim na ang paningin ko at tila babagsak na ang talukap ng mga mata ko.

"Chanel?"

Napalingon ako sa isang lalaking papalapit, naka hoodie jacket lamang ito at pants. Hindi ko na sya mamukaan pa dahil sa pandidilim ng paningin ko.

"Nahihilo ako..." sabi ko at pumikit.

"I'll take you home." aniyang ramdam ko ang galit sa boses.

Iminulat ko ang mga mata ko, binuhat ako nito. Tila naramdaman ko ang bilis ng tibok ko sa init ng mga palad nya sa likod ko. Hindi ko alam ngunit ang pakiramdam na ito...

"Drake?" bulalas ko kahit hindi ko sya gaanong naaaninag.

"Uminom ka, kabilin bilinan ni Tita hindi ka pupwedeng uminom." aniyang galit talaga.

"Hindi ako uminom...tyaka papaano mo nalaman na bawal akong uminom?"

"Mukha bang papayagan ka ni Tita Chaney uminom?"

Umiling ako at pumikit, isiniksik kong mabuti ang ulo ko sa leeg niya habang mahigpit akong nakakapit sa batok nya.

"Juice lang iyong ininom ko, hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko."

Narinig kong nag mura ito. Naramdaman kong inilapag nya ako sa isang upuan, iminulat ko ang mga mata ko. Sa sasakyan nya pala ako inupo, nakita ko naman syang umikot patungong driver seat.

Pagkapasok nya roon ay sya na mismo ang nag seat belt sa akin. Nagulat ako ng maglapit ang mukha naming dalawa, napalunok ako ng sunod sunod at tila naging tambol ang puso ko. Nag iwas ito ng tingin at ikinabit na ang seatbelt ko.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko rito at muli akong pumikit, nararamdaman ko na ang antok. "Patapos na ang party, ngayon ka lang dumating. Hindi mo man lang nakita yung maganda kong ayos kanina."

"Sorry..." ramdam kong naging malambing ang boses niya. "May mga inasikaso lang ako."

"Babae mo?" muli kong binuksan ang mga mata ko at tumingin sa kanya.

Nag tama ang mga mata naming dalawa at tila kuryente iyon na dumaloy sa buo kong katawan. Hindi ko mawari kung bakit ganito na lamang ang pakiramdam na nararamdaman ko sa kanya. Kung bakit tila ayaw tumigil sa pag huhumirentado ang puso ko.

"Bakit ka uminom?" pag iiwas nya sa tanong ko at iniwasan na din ang tingin ko.

Hindi ko sya sinagot at pumikit na lamang, naramdaman ko naman na pinatakbo nya iyong sasakyan.

"I'm asking you." his baritone voice sparkled in my ears.

Bakit ganito? Maging ang boses nya ay nagbibigay ng kuryente sa katawan ko.

"Chanel..." ramdam ko sa boses nya ang pakiusap na sagutin ko sya.

"I'm the one who first asked you, but you didn't answer me." suminghap ako at humalukipkip sa upuan.

"I don't have girls, I have to do something kanina kaya hindi ako nakapunta. I text Kian na susunod ako."

Tumango ako. "Ako naman, hindi ako uminom, sabi ko nga sa'yo juice lang 'yung ininom ko."

"How do you know na juice lang talaga 'yon?"

"Lasang juice e." nagkibit pa ako ng balikat.

"Who gave you that?"

"Yung ex mo, sabi nya friends na daw kami."

Narinig kong nag mura ito, hindi ko na sinubukan pa syang tingnan. Pakiramdam ko'y nadadala na ako ng antok ko.

Nagising ako kinaumagahan na ang sakit sakit ng ulo. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Halos mapasabunot ako sa buhok ko.

Shit!

Napaangat ako ng tingin ng marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko, at iniluwa noon si Mama na may dala dalang pagkain.

"Buti gising kana, kamusta pakiramdam mo?" tanong nito at nilapag ang pagkain sa kama ko. "Pinag luto kita ng lugaw."

"Salamat po, ano po bang nangyari kagabi? Tyaka papaano po ako nakauwi dito? Hinatid po ba ako ni Marcus?" tanong kong nagtataka kung papaano nga ba ako nakauwi ng bahay.

"Si Drake ang nag dala sa'yo dito. Tulog kana noong nakarating ka dito. Tinanong ko sya kung anong nangyari. Sabi nya ay may nag bigay daw sa'yo ng juice at hindi mo naman alam na may halong alak pala iyon."

Muling bumalik ang alaala ng mga pangyayari kagabi. Napasabunot ako sa ulo ko dahil sa alaala kasama si Drake sa loob ng sasakyan.

Fuck! Did I say that? Tunog nag seselos ako sa part na 'yon. What the fuck did I say???

Gusto ko na lamang lamunin ng kama ko sa mga kahihiyang sinabi ko.

Napalingon ako kay Mama na nag tataka. Tinaasan ako nito ng dalawang kilay. "May problema ba?"

Umiling ako. "Wala Mama." tipid akong ngumiti.

"Oh sya sige, kumain at maligo kana, may pasok ka pa." aniya at lumabas na ng kwarto ko.

Pakiwari ko'y galit si Mama sa akin. Hindi ko naman alam, kung alam kong may halong alak iyon ay hindi ko iinom.

Kumain na lamang ako at inalis muna panandalian ang mga nangyari kagabi. Pagkatapos kumain ay naligo na ako at bumaba na.

Naabutan ko si Mama sa sala. Hindi ko alam kung papaano ako mag so-sorry sa kanya.

Tumikhim ako. "Mama?" mahinahong tawag ko, nilingon niya ako. "Galit po ba kayo? Hindi ko naman po alam na may alak 'yon. Tyaka... alam ko naman po yung bilin nyo na 'yon."

Lumapit ito sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Hindi ako nagagalit sa'yo anak... alam ko naman na hindi mo talaga 'yon ginusto. Pero sana anak ko... alamin mo din yung mga bagay na binibigay sa'yo. Katulad noong bulaklak na nakita ko kahapon, tyaka iyong tyokolate sa ref."

Napahawak ako sa labi ko bigla. "Oo pala mama, hindi ko nasabi sa inyo. Dineliver lamang iyon sakin, hindi ko alam kung kanino galing."

"Baka naman manliligaw mo?" nginitian ako ni mama ng nakakaloko.

"Mama! Wala pong nanliligaw sa akin. Baka po may trip lang talagang mag padala noon sa akin."

Tumawa ito at tumango. "Oh sya... pumasok kana at anong oras na. Ilalagay ko na lamang sa flower base iyong mga rosas."

"Opo mama, aalis na po ako." humalik lamang ako sa pisngi nito at nag pasya ng umalis.

Kakatapos lang ng third class ko at break time na namin. Nanatili na lang ako sa upuan ko dahil pakiramdam ko inaantok ako. Tyaka hindi ko kayang makita si Drake at Lienzo. Mabuti nga at wala pa sila hanggang ngayon e.

Agad akong natigilan ng maramdaman ko ang vibrate ng phone ko at mabilis na kinapa iyon sa bulsa ko.

Ayesha

Heygirl! Let's go to the cafeteria. May mga kailangan kang ikwento sa amin ni Zarene.

Mabilis akong nag tipa ng mga letra at isinend sa kanya.

Ako

Ayokong mag break. Masakit ulo ko.

Ayesha

Bakit ka ba kasi biglang nawala kagabi? Ano bang nangyari?

Ako

Hindi ko din alam, mamaya na lang lunch.

Nag reply pa ito kaya hindi ko na sya nireplyan pa at umub-ob na sa may desk ko. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko.

Medyo nakakatulog na ako ng may maramdaman akong nag ayos ng buhok sa mukha ko kaya agad akong napamulat at doon nga ay nakita ko si Lienzo na nakapahalumbabang nakatingin sakin.

Mabilis akong bumangon sa pagkaka ub-ob.

"Hi?" nakangiting bati nya sa akin kaya agad akong umayos ng tayo at sa iba tumingin.

Pambihira aatakihin ata ako sa puso sa kanya! Sabi ko ay iiwasan ko sya pero bakit sya nandito?

"Uhm... Sorry nagising ata kita."

Nilingon ko sya, tipid na ngiti ang binigay nito sa akin.

Bumuntong hininga ako at hindi na ako nag salita pa, wala din naman akong sasabihin sa kanya. Masyado pang malinaw lahat ng mga sinabi nya sa akin kagabi, pero tila magulo iyon kapag iniisip ko.

"Yung mga sinabi ko sa'yo kagabi... pasensya na kung–"

"Huwag mo ng ipaalala pa iyon." putol ko sa kanya.

"Uhm... okay, sorry..."

Nanatili na muli akong tahimik. Gusto ko syang iwasan ngunit nasa iisang room nga lang pala kami. Hindi ko na alam pa ang mga sasabihin ko kaya tumayo ako lumabas ng room, nakita ko naman ang mga kaklase kong pabalik na ganun din ang susunod naming instructor. Napasinghap ako lalo ng makita ko si Drake kasama ang pinsan ko na papunta na din sa room. Dali dali naman akong pumasok sa loob at muli ng umupo sa upuan ko.

Napaka wrong timing naman.

"Bakit ka bumalik?" takang tanong ni Lienzo.

"Time na pala." nahihiyang sabi ko, tumawa ito at hinayaan na akong maupo sa tabi nya.

Pumasok ang instructor namin kasabay noon ay sina Drake. Nag tama agad ang tingin naming dalawa, mabilis akong umiwas at kumuha na lamang ng notebook sa bag.

"Bakit ka nandyan Lienzo? Dito ka!" rinig kong sabi ni Drake na pinapalipat ata si Lienzo sa tabi nila sa likod.

"Dito muna ako sa tabi ni Chanel."

"Ah hindi! Doon kana." agad na sabi ko.

"Ayoko, gusto ko sa tabi mo."

Natulala ako sa sinabi nya, pinisil nito ang ilong ko na lalo ko pang ikinatigil. Ilang beses akong napalunok.

Hindi ko alam kung anong trip ni Lienzo at bakit sya ganito. Hindi kaya totoo ang sinasabi nya? Na gusto nya ako? Pero ang hirap naman kasing maniwala na wala namang kasiguraduhan.

"Ms. Lee?"

Napaayos ako ng upo ng tawagin ako ng instructor namin.

"Po?"

"Padala naman nito sa faculty ko sa table." ipinakita nya sa akin iyong isang balot na bond paper.

Tumayo ako at kinuha na iyon sa kanya. Thank you kay Ma'am kasi pakiwari ko'y niligtas nya ako sa tensyon namin ni Lienzo kanina.

Nag tungo nga ako sa faculty ng instructor namin at nilapag na sa table nya iyong bond paper. Pagkalabas ko ng faculty ay naabutan ko si Drake na mukhang inaantay pa ata ako.

Nag iwas ako ng tingin at nag kunwaring hindi sya nakita.

"Nililigawan ka ba ni Lienzo?" tanong nyang naiinis pa ata.

Umiling akong hindi sya nililingon.

"Bakit parang masyado syang madikit sa'yo?"

Nilingon ko sya. "Hindi ko alam... bakit ba?"

Ramdam kong nahihirapan itong mag salita, dahil sasarado bubuka ang labi niya.

"Layuan mo sya, masasaktan ka lang." aniya at nilagpasan na ako.

Napanguso ako at bahagyang umangat ang isang kilay. Paanong masasaktan? Mabait naman si Lienzo? Nantitrip ba sya?

Napailing na lamang akong naglakad pabalik ng room ko.

Pagkatapos ng klase at nag lunch na balak ko na sanang mag tungo sa cafeteria dahil may usapan kami ni Ayesha ngunit hinarangan naman ako ni Lienzo kaya napatingin ako sa pinsan kong si Marcus na gulat ata sa ginawa ni Lienzo.

"Sabay tayo mag lunch." aya ni Lienzo kaya nilingon ko ito at umiling.

"Kasabay ko sina Ayesha, ayan oh sina Marcus."

Umiling ito. "Gusto kitang kasabay." hinawakan nito ang kamay ko.

"Teka!" awat ko sa kanya ng hihilahin nya na ako.

"Anong ginagawa mo sa pinsan ko, Lienzo?" inis na sabi tanong ni Marcus na nilapitan ako at hinila ang kamay ko sa kamay ni Lienzo.

"Inaaya ko lang syang kumain." sabi ni ni Lienzo na tiningnan pa ako. "May kailangan din akong sabihin sa kanya."

Ano na naman ba ang sasabihin nya? Iyon na naman bang gusto nya ako? Eh gulong gulo na nga ako sa mga salitang 'yon kailangan nya ba talagang paulit ulitin pa.

"Hindi mo sya inaaya Lienzo, pinipilit mo sya." inis na singit ni Drake. "May kasabay na nga daw sya diba?"

Bumuntong hininga ako at inawat na sila. Nagkakaroon na ng tensyon e.

"Sasama na ako kay Lienzo. Mag uusap lang kami." hindi ko na inantay pa na pumayag ang pinsan ko, ako na mismo ang humila kay Lienzo palabas ng room.

Kung mag aaway lamang sila dahil sa pag pupumilit ni Lienzo, mag kukusa na ako.

Huminto kami sa hindi kalayuan sa room namin at hinarap ko sya.

"Ano bang kailangan nating pag usapan? Kung tungkol sa mga nasabi mo kagabi wag mo ng ulit ulitin kasi hindi ko alam! Hindi ko malaman sa'yo kung bakit mo nasabi 'yon." halos sumabog na 'yung nararamdaman ko, hindi ko alam kung papaano nya nagagawang paulit ulitin sa akin gayong hindi na ako magkanda ugaga dito.

"Gusto ko lang kasi na malaman mo."

"Ayoko. Lienzo mabait ka e, oo alam ko 'yon ibang iba ka sa pinsan ko, kay Drake, kay Kian. Pero itong ginagawa mo, ano bang pumasok sa isip mo at sabihing gusto mo ako? Kailan lang naman tayo naging malapit."

"Bata pa lamang tayo. Magkaibigan na tayo."

Umiling ako at hinawi ang buhok ko palikod. "Si Drake, si Drake ang syang kaibigan ko noon. Sya lamang ang nakakaintindi sa akin noon."

"Pero iniwan ka nya."

Muli akong umiling. "Iniwan nyo ako. Iniwan nyo ako mag isa. Wala akong ibang naging kakampi kundi si Ayesha. Bumalik kayo na parang hindi na ako kilala. At ngayon medyo nagiging okay na lahat, bumabalik na sa dati, nagiging close na namin kayo muli. Bigla kang aamin na gusto mo ako?"

"Dahil iyon ang totoo." pagpupumilit nya pa.

Pagod ko syang tiningnan at umalis na roon. Kung patuloy nya sakin ipipilit yung ganon ay iiwasan ko sya ng iiwasan.

Hindi dahil hindi ko masuklian yung kagustuhan nya sakin, iyon ay hindi ako sigurado sa sinasabi nya. At hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay may ibang tinitibok ang puso ko. Hindi ako sigurado. Kaya ayoko din naman na umasa si Lienzo, ayokong gustuhin sya gayong hindi ako sigurado sa mga sinasabi nya. Kung hahayaan nya akong makapag isip at siguro, baka, baka may maisukli ako sa nararamdaman nya.

Halos isang linggo na ang nakalipas. Ngunit bakas parin sa isip ko ang mga sinabi ni Lienzo. Gusto kong kalimutan kahit ilang minuto lamang ngunit para syang magnet na ayaw kumawala sa isip ko. Iniiwasan ko sya sa school kasi sa tuwing nakikita ko sya ramdam ko ang inis sa puso ko, hindi ko alam kung bakit.

Paano ako makakapag isip nito kung paulit ulit lamang iyon sasagi sa isip ko?

Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama ko, napatingin ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Hudyat na isang umaga na naman, papasok na naman ako. Sapalaran na naman kung paano iiwasan si Lienzo.

Bumangon ako, didiretsyo na sana ako sa banyo ng tawagin ako ni Mama pamula sa baba, kaya naman bumaba muna ako.

Nasa hagdan pa lamang ako ay tanaw ko na agad si Tita Sammy, Mommy ni Marcus.

"Chanel." nangiting bati niya sa akin ng makalapit ako.

Nag mano naman ako.

"Ano po palang ginagawa nyo dito? Si Marcus po?"

"Ah, si Mama mo talaga ang sadya ko. Na miss ko na kasi ka chikahan ang mama mo e."

Ngumiti ako at nilingon si Mama bago muli syang nilingon. "Ganun po ba? Naku sakto po may pasok ako ngayon. Makakapag chismisan po kayo ni Mama."

Tumawa si Tita Sammy kaya nag paalam na ako sa kanila na mag aasikaso na ako, dahil may pasok na nga ako.

Continue Reading

You'll Also Like

732K 29.4K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
100K 2.4K 26
A love story that started with a kiss.
1.3K 125 15
"He's my savior, shelter and safe haven. I wouldn't be who I am today without his support. He made me a better person, a better me." However, I keep...
341 92 21
"There will be sunshine after the rain." #MissBitterSeries no. 1