Unexpected Soulmate

Chencheniah tarafından

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... Daha Fazla

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

I Love You Goodbye (2)

41 3 0
Chencheniah tarafından


PRECIOUS' POV

"Precious?" hinawakan pa ni Rhanz ang balikat ko. "Si Zion.." bahagya pa niyang binitin ang sasabihin niya. Pero kita ko sa mga mata niya ang panlalamlam.

"Bakit anong meron kay Zion?" humihikbing tanong ko. Hindi na ako makapaghintay sa sasabihin niya.

Pero sa halip na sagotin ako ay inilahad niya ang kamay niya. Tiningnan ko lang ito ng nagtataka. Hindi ito tinanggap. "S-Sumama ka sakin," minsan pang pumiyok ang boses niya.

Sumama ako sa kanya at malayo palang kami sa ER kung saan ando'n si Zion ay batid ko na kung ano ang nangyayari. Lahat ng nando'n ay umiiyak habang nakatunghay sa bintana ng kwarto.

Dahan-dahan akong lumapit do'n. Nagsitabihan naman sila para makita ko kung anong nangyari sa loob. Agad nagsilabasan ang luha ko. Impit na paghagulhol nalang ang nagawa ko habang tinanaw si Zion sa loob. Pina-pump siya at sinubukang iligtas ang kanyang buhay.

"1,2,3 CLEAR!" dinig namin mula sa loob ang boses ng doktor.

Naka-ilang bomba palang sila ay sumuko na talaga ang katawan ni Zion. Nakita ko pa ang pag-iling ng doctor saka tumingin sa kanyang relos.

"Time of death 7:26pm."

Bugso ng luha at hagulhol ang namumuo dito sa loob ng ER. Lungkot at sakit ang nangingibabaw. Pagluluksa ang bumalot buo naming pagkatao.

Parang kinunan ako ng lakas. Pati paningin ko ay nagdidilim na. Kinurap-kurap ko ang mata ko at bumalik ito sa normal pero mga ilang sandali lang ay nagdidilim na naman ang paningin ko.

"I'm sorry, ginawa na namin ang lahat pero hindi na talaga kaya ng katawan niya." nadinig ko pa ang sabi ng doktor.

Pakiramdam ko ako nalang ang naiwan dito sa gilid dahil lahat sila sinalubong ang doktor. Napakapit ako sa pader saka bahagyang hinilot ang sentido ko. Wala na talaga akong makita. Ni anino man lang ay wala na talaga.

"Precious, are you okay?" dinig kong tanong ni Rhanz na hinawakan pa ako sa balikat.

Hindi ko na rin kayang ibuka ang ang bibig ko. Ang mga tuhod ko rin ay tila nanginginig at nawalan ng lakas. Naramdaman ko pa ang unti-unti kong pagbagsak at hindi ko na alam ang susunod na pangyayari.

*******************

Hinihingal ako sa haba ng aking nilakbay. Parang pamilyar sakin ang daang ito. Luminga-linga ako pero wala akong makitang ibang tao bukod sakin. Babalik na sana ako sa dinadaanan ko nang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na tao na nakatayo malayo rito. Pinagkakatitigan ko ito at natigilan ako ng maaninag ko ang kanyang mukha.

Kinusot ko pa ang mata ko ng ilang beses dahil baka nagmamalikmata lang ako. Pero hindi talaga e, buhay na buhay siya. Nakangiti siyang naglalakad papalapit sakin. Tumatawa akong lumuluha. Patakbo ko siyang nilapitan at niyakap ng sobrang higpit.

"Zion.." umiiyak na sambit ko sa pangalan niya.

"Baby," tawag rin niya sakin at hinagkan pa niya ang noo ko.

Nakangiti akong tumitig sa kanya. "Mahal kita.." yun ang kauna-unahang nailabas ko sa aking bibig habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Mahal na mahal din kita." malambing na sabi niya saka ginulo ang aking buhok. "Baby, balikan mo ang treehouse. May malaking kahon do'n. Buksan mo 'yon at makikita mo ang isa pang regalo ko sayo. Isa iyon sa pinangarap mo dati no'ng mga bata pa tayo."

Nakaramdam ako ng excitement. "Talaga baby?" masayang sabi ko at tumango naman siya. "Excited na ako! Gusto ko ng puntahan 'yon! Tara na, baby!"

Hinila ko pa siya pero nanatili lang siyang nakatayo. Ngumuso naman ako. "Tara na baby.. excited na 'ko e."

Ngumiti siya saka bahagyang umiling. "Saka mo na puntahan baby. Magpahinga ka muna.."

Taka kong tiningnan ang kabuohan ko. "Okay naman na ako ah? Hindi naman ako pagod." reklamo ko at ngumiti lang siya. "Tara na!" yaya ko saka nagpaumunang maglakad.

"Ano ba 'yong laman ng kahon, baby? Bigyan mo naman ako ng kahit kunting clue?" sabi ko habang patuloy na naglalakad.

Nagtaka ako kung bakit hindi siya sumagot. Kaya lumingon ako at mas lalo akong nagtaka nang wala siya. Bahagya pa akong bumalik sa kinatatayuan niya kanina pero wala talaga siya. Nakakapagtataka.

"Baby? Zion?" tawag ko sa kaniya. Napalinga-linga ako at sinilip sa kung saan-saan. "Baby, 'wag mo 'kong biruin ng ganito.."

Kunot-noo ko siyang hinahanap, tinatanaw mula sa malayo. Pero wala talaga siya. Saan ba siya nagpunta?

"Zion!!!!" sigaw ko na humarap sa kabilang daan. Pero wala akong matanggap na sagot. "Zion!!!" baling ko na naman sa ibang daan pero wala parin.

"Zion!!!" matinding sigaw ko.

***************************

"Zion!" napabalikwas ako.

Panaginip lang pala lahat. Habol ko ang aking hininga. Napatingin ako sa aking kaliwang kamay na ngayon ko lang napansin na nakaswero pala.

"Anak? Salamat sa diyos at gising ka na.." agad na lumapit sakin si mommy. Napalinga-linga ako pero tanging kaming dalawa lang ang andito.

"Bakit ako nakaganito?" itinuro ko pa ang kaliwang kamay ko. "Anong nangyari?"

"Nawalan ka bigla ng malay, anak."

Biglang nagbalik sa alaala ko ang nangyari at wala pa mang segundo ay pumatak na ang luha ko.

"Mommy, si Zion? Asan siya?" aligagang tanong ko. Nakita ko pa kung paano siya huminga ng malalim.

"N-Nasa Laguna na sila, anak."

Tumigil ang mundo ko. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Hindi pakapaniwala. Bakit gano'n kadali?

"Bakit dinala nila agad do'n? Bakit gano'n nalang kadali?" takang tanong ko.

"Anak.. dalawang araw ka ng tulog."

Dalawang araw na akong tulog? Gano'n katagal?

Tulala at lutang na lutang ako habang nasa byahe papuntang Laguna. Ayokong magsalita, ni ayokong gumalaw. Ni pagkurap lang ng aking mata ay hindi ko kaya. Dahil sa katotohanang pupunta kaming Laguna para sa burol ni Zion.

"Anak, nagugutom ka ba?" tanong sakin ni mommy sa kalagitnaan ng byahe.

Tiningnan ko lang siya pero ibinalik ko rin agad ang paningin ko sa labas ng bintana. Ako lang kasi ang andito sa likuran dahil nasa front seat si mommy at si kuya naman ang nagda-drive. Si daddy ay noong isang araw pa raw ando'n sa Laguna kaya kami nalang tatlo ang naiwan dito sa Tagaytay.

Ramdam ko na panay lingon sila sakin. Pero nanatili lamang akong nakatulala sa bintana. Iyong tipong andaming pwedeng makita sa daan pero hanggang dapo ng tingin ko lang iyon dahil hindi ito tumatak sa utak ko.

Ang tanging napapansin ko lang ay ang paghinto at pag-andar muli ng sasakyan. Minsan pa ulit akong tanongin ni mommy na gutom na ba ako pero gano'n parin ang ginawa ko. Wala parin akong lakas ibuka ang bibig ko.

Hindi ko pansin ang sobrang tagal ng binyahe namin. Hindi ko rin ramdam ang pamamanhid ng pwet ko sa kakaupo. Kahit gutom at uhaw ay wala rin.

Ilang oras pa ang lumipas ay narating na namin ang Laguna. Nalaman ko na andito na kami dahil sinabi ni kuya. Pero nanatili parin akong tulala. Na tila ba natutuyo na ang mga mata ko. Siguro ay naubos narin lahat ng luha ko. Kung umiiyak lang siguro ang puso ay naubusan na rin siguro.

Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko ngayon. Mukha pa ba akong tao. Siguro mukha pa naman pero matatawag na akong taong baliw. Tinatamad na kasi akong ayosin ang sarili ko, ni pagbihis ay papilit ko pang ginawa. Kung noon ay tubig lang ang katapat ng kalungkutan ko pero iba ngayon. Kahit pa dagat ang ibigay sakin at doon lumublob sa pinakailalim ay hindi mawawala ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Sakit na walang makitang pwedeng igamot at lungkot na kahit ano pang bagay ay walang makakapawi.

Pumasok ang sinasakyan naming kotse sa gate ng mansyong ito. Siguro ay ito na ang bahay ni Zion. Pero kahit anong ganda nito ay hindi ko magawang mahangaan o mapuri man lang.

Labas pa lang ay pansin na ang madami-daming tao. Sumunod naman ako kina mommy papasok ng mansyon. Sa pintuan pa lang ay tanaw ko na ang kumikinang na kabaong na may malaking picture ni Zion sa gilid nito. Hindi ako umiiyak pero tulala akong naglalakad papalapit doon. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanyang litrato na matamis na ngumingiti.

Nang nasa tatlong hakbang nalang ako para maabot ko ang kabaong ni Zion ay doon ko lang inilipat ang aking paningin sa mukha niya na nasa loob ng kabaong. Ni pagyakap sakin ni tita ay hindi ko napansin dahil napako ang paningin ko sa mukha niya na parang natutulog lang.

Si tita na rin ang kusang kumalas sa yakap niya sakin. Marahan akong humakbang papalapit sa kabaong. Ramdam ko ang puso ko na parang tinadtad ng kutsilyo. Ang panginginig ng kamay ko nang unti-unti kong inangat para humawak sa kanyang kabaong. Akala ko wala na akong luha pang ilalabas pero nagkalamali ako dahil nagsiunahan na ito sa pagpatak.

Nang magtagal ay para na namang hinigop ang buong lakas ko. Nanghihina ako pero pilit ko itong nilabanan dahil gusto ko pang masilayan ang mukha ng taong mahal ko. Gusto kong buksan ang kabaong at ilabas ang katawan niya para mayakap ko. Pero hindi pwede, hindi na talaga pwede.

Nilapitan ako ni mommy saka inakay paupo sa upuan na malapit lang din kay Zion. Panay iyak parin ako. Hindi ko parin kasi matanggap na wala na si Zion. Ilang araw lang kaming magkasama, pero kinuha agad siya sakin.

Lumipas ang ilang minuto ay kusa ring huminto ang mga luha ko. Nakatitig lang ako sa litrato niya na para bang sakin lang siya nakatingin at nakangiti. Na mimiss ko siya sobra.

Napayuko ako nang lumapit sakin si Rhanz at umupo sa tabi ko. Ilang beses pa siyang huminga ng malalim. Batid kong nalulungkot din siya at nasasaktan sa inabot ng pinsan niya. Hindi lang kasi basta pinsan ang turingan nila sa isa't-isa kundi para ng magkapatid.

"Alam mo.. saludo ako riyan kay Zion. Kasi no'ng huling beses na magkausap kami ay sinabi niya sakin kung kailan ang huling araw niya. Sinabi niya na may napili siyang tao na gusto niyang pagdonatan ng kanyang puso." natawa pa siya. "Hindi ako makapaniwalang gano'n pala ang iniisip niya. Gusto niya raw kasing mamatay na may pakinabang. Kaya ayun nga, tinupad namin ang hiling niya. Idinonate namin ang puso niya sa taong napili niya."

Hindi ako nagsalita pero panay ang singhot ko at punas ng mga luhang tumutulo na naman. Para na ring nahawa siya dahil dinig kong napasinghot rin siya.

"Sana nga maging successful ang operation ng taong tinulungan niya. Kasi 'pag nangyari iyon, sigurado akong siya ang unang maging masaya." patuloy pa niya.

Wala akong maisagot sa kanya. Dahil buong katawan ko ay puno ng sakit. Nawalan na ako ng gana sa lahat. Parang hindi ko na alam kung ano ang patutunguhan ko. 'Yong mga pangarap ko ay tila nawala lahat.

Kung sino-sino nalang ang lumapit sakin para kausapin ako, para yayaing kumain, dalhan ng maiinom. Pero lahat ng iyon binaliwala ko. Sa kabaong lang talaga ako nakatitig. Kung may kumausap sakin ay makikinig naman ako pero hindi iyon tumatak sa utak ko at lagpas sa kabilang tenga lang.

"Anak, magpahinga ka muna.. Maghahating gabi na.." biglang sulpot ni mommy.

Pero kagaya nga ng sinabi ko, lumagpas lang iyon sa aking kabilang tenga. Wala silang sagot na natanggap mula sakin. Hindi nga rin ako nakaramdam ng antok o maski pagod ay wala.

Gusto kong ubusin ang natitirang oras para kay Zion. Gusto ko na palagi akong nasa tabi niya ngayon. Gusto ko na ni kahit isang segundo ay hindi ko maiwala sa kanya ang aking paningin. Dahil bukas na ang huling araw na makasama namin siya. Na masilayan ang mukha niya.

"Precious, kumain ka naman kahit kunti lang.. Magpahinga ka rin kahit isang oras lang." si Rhanz na naman ang lumapit sakin. Narinig ko pang bumuntong-hininga siya dahil wala siyang natanggap mula sakin. "Kung andito lang si Zion, kung makakapagsalita iyang picture niya.. sigurado akong papagalitan ka niya dahil pinabayaan mo na ang sarili mo. I'm sure hindi talaga siya matutuwa." seryoso pang dagdag niya.

Isang malalim na hininga lang ang natanggap niya mula sakin. Umalis siya at tinalikuran ako. Alam kong pagod na sila kakaintindi sakin pero wala talaga akong gana sa lahat ngayon e.

'I'm sorry baby, kung pinabayaan ko na ang sarili ko ngayon. Ang hirap lang kasing tanggapin na wala ka na e. Ang hirap lumunok ng kahit isang  patak lang ng tubig. Kahit isang butil ng kainin ay nahihirapan akong ngumuya. Ayoko ko ring pumikit dahil natatakot ako na baka pagkamulat ko hindi na kita masilayan pa.'

Kahit sa isip ko lang isinantinig iyon. Nag-uunahan na ang mga luha na pumatak sa pisngi ko. Napahikbi ako habang nasa mukha parin niya ang paningin ko.

"Kumain ka." tumabi sakin si Rhanz saka inabot sakin ang tray na may lamang tatlong egg and bacon sandwiches at isang tasang coffee na amoy palang ay alam ko ng mocha iyon.

Tinaponan ko lang iyon ng tingin saka muling bumaling sa harapan. Umiling ako senyales ng pagtanggi ko. Narinig ko ulit ang pagbuntong-hininga niya. Ang akala ko ay aalis ulit siya pero mali pala ako dahil inabot niya sakin ang isang sliced ng sandwich.

"Kakain ka or..you eat?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o hindi. Nakakaloko 'yong tanong niya. Pinagpili pa ako, e pareho lang naman ang ibig sabihin.

"Iinom ka ng coffee or.. you drink coffee?" nahihibang na namang tanong niya.

Seryoso ba siya? O sadyang nagpapatawa lang. Dahil kung pinapatawa niya lang ako, pasensya dahil hindi ko na alam kung paano tumawa.

Tinapunan ko lang ulit ng tingin ang sandwich na inabot niya. Alam kong naabala ko na sila masyado pero sana pagpasensyahan nila ako.

"Precious, please kainin mo na 'to. Kahit alang-alang kay Zion, kumain ka. Gusto mo bang mag-aalala siya sayo?" bahid ang pagpapaintindi sa boses niya. "Nakikiusap ako, kami.. bigyan mo naman ng halaga ang sarili mo, Precious? Oo.. naiintindihan kita dahil maski ako, nahihirapan ring tumanggap na wala na talaga siya. Pero.. alam kong hindi siya matutuwa kapag pinabayaan din natin ang ating sarili."

Nag-uunahan na naman sa pagpatak ang luha ko. Naiintindihan ko lahat ng sinasabi niya. Naiintindihan ko na hindi lang ako ang nasasaktan at nagluluksa ngayon. Naiintindihan ko na hindi lang ako ang nahihirapang tanggapin ang lahat ng ito.

Hindi ko inaasahan na hawakan niya ang ulo ko saka pinasandal sa kanyang balikat. Bahagya niyang hinagod ang balikat ko.

Alam kong ayaw na ayaw ni Zion na umiiyak ako dahil gaya ng sinabi niya, nasasaktan siya sa tuwing makita niya ang mga luha ko. Pero anong magagawa ko kung kusa itong mamuo at pumatak? Nasasaktan ako e. At kahit anong pigil pa ang gagawin ko hindi ko magawa.

Umiiyak akong ngumuya ng sandwich na ibinigay ni Rhanz. Pero nahihirapan akong ubusin ang isang sliced. Pati nga kape ay tatlong lagok lang ang nagawa ko. Ipaubos niya sana sakin ang lahat pero umiling ako saka umayos ng upo.

"Magpahinga ka muna.." sabi niya ulit pero umiling na naman ako.

"Ibalik ko lang 'to sa kusina." paalam niya pero hindi ako sumagot.

Umalis na siya at ayun na naman ako nakatulala. Tumayo ako maya maya saka lumapit sa kabaong ni Zion at doon pinagmasdan ang mukha niya na parang mapayapang natutulog. Gusto kong sumigaw na pabangonin siya para mayakap ko siya.

"Mahal na mahal kita, Zion. Sana, kung nasaan ka man ngayon.. masaya ka na diyan. Huwag mo na akong alalahanin dahil balang araw.. maging maayos rin ako, sana." umiiyak na sabi ko saka hinaplos ang salamin nitong kabaong niya.

Kahit anong mangyari, hindi ko siya makakalimotan. Siya parin ang laman ng puso at isip ko.

To be continued...........

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

390K 6.8K 39
"Matagal-tagal rin akong nangulila sa'yo, mahal ko... Nabuhay ako nang napakahaba at hindi ko man lang nahawakang muli ang kamay mo, kaya hayaan mo m...
90.6K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
700K 25K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.5M 213K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...