No Strings Attached

Od Coutpotaytou

30.9K 1K 161

GxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021 Více

No Strings Attached
Note
NSA: 1
NSA: 2
NSA: 3
NSA: 4
NSA: 6
NSA: 7
NSA: 8
NSA: 9
NSA: 10
NSA: 11
NSA: 12
NSA: 13
NSA: 14
NSA: 15
NSA: 16
NSA: 17
NSA: 18
NSA: 19
NSA: 20
NSA: 21
NSA: 22
NSA: 23
NSA: 24
NSA: 25
NSA: 26
NSA: 27
NSA: 28
NSA: 29
NSA: 30
NSA: 31
NSA: 32
NSA: 33
NSA: 34
NSA: 35
NSA: 36
Epilogue
Note

NSA: 5

1K 31 1
Od Coutpotaytou

Ilang oras na rin akong nakatingin lang sa ceiling, ilang oras na rin ang nakalipas mula nang dumating kami ni Hecate sa apartment namin.

She saw me kissing a girl and she reacted that way. Does this mean she won't accept me if I wasn't straight? Is she mad because I didn't tell her? Or she's simply not comfortable with me anymore? Did she lie to me when we're at the mall?

Argh! I can't take this anymore. Bahala na.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at pumunta sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Cat. Hindi na ako makakapaghintay ng kinabukasan, kailangan na naming mag-usap ngayon.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kwarto niya. Nakita ko naman siyang nakatagilid. Tulog na kaya siya? Sa pader kasi siya nakaharap kaya hindi ko ma-sure kung gising pa siya.

Dahan-dahan naman akong tumabi sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.

"Bumalik ka na sa kwarto mo." Mahinang sabi niya.

"No, we need to talk."

"We'll talk... tomorrow." Is she crying? Bumangon naman ako at pilit siyang pinaharap sa'kin.

"H-Hey, why are you crying?" Sabi ko at sinubukang punasan ang luha niya pero umiwas siya.

"I'm... n-not." 

"Come on, Cat. Are you that mad because I kissed a girl?" Naiinis na tanong ko. Medyo napipikon na rin ako, bakit ba kasi siya umiiyak?!

"Fine, I...I'm not sure but I guess I like both men and women." I was trying to prove if I really like girls now. That's why I let Alex kissed me. I wanted to add but I think that doesn't matter. "Please, stop crying. Does it hurt you so much that I like girls now?" Parang gusto ko na rin tuloy umiyak. Kaya ayokong nakakakita ng umiiyak e' pati ako naiiyak.

"No... This isn't about you, I'm not mad at you." She said sadly after hugging me. "I'm sorry if I made you feel horrible about yourself, you know that I love you, Iniko." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Akala ko kung ano nang mangyayari sa'tin, tinakot mo 'ko." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. I can't lose my best friend. "Love you, too, Cat. Ang swerte ko talaga at ikaw ang best friend ko." Masayang sabi ko.

"Tahan na, okay?" Naramdaman ko namang tumango siya bilang sagot. "Bati na tayo?" 

"Y-Yeah."

**

Hindi ko pa rin alam kung bakit gano'n ang naging reaction ni Cat pero hindi na ako nagtanong pa, ang mahalaga ay okay na kami. 

"Iniko, kumpleto na ba ang gamit mo?" Speak of the devil.

"Yup, sure ka na ba na gusto mong pumunta do'n?"

"Oo naman! Minsan lang tayo magbabakasyon. Miss ko na rin ang kakulitan ng pinsan mo." Masayang sabi niya.

"Bakasyon bang matatawag ang pag-akyat ng bundok? Pwede namang mag-beach o kaya pumunta sa farm pero hiking pa talaga ang napag-trip-an niya." Pag-ra-rant ko. Bad trip talaga ang pinsan kong 'yon, gustong magbakasyon para mapagod.

"Ang KJ mo talaga, masaya kaya mag-hiking!" Natutuwa pa ring sabi niya. Hindi naman siya masyadong excited niyan?

"Whatever," I said then rolled my heavenly eyes. Akala ko pa naman dadalhin niya kami sa kung saang lugar para makapag-relax.

Nang masigurado na naming kumpleto na ang mga gamit namin ay pumunta na kami sa meeting place. Pagkarating naman namin doon ay kumpleto na sila, kami na lang pala ang hinihintay.

"Cous! Akala ko wala na kayong balak pumunta ni Cat." Bungad naman ni Rin sa'min at nagsimula nang magpa-cute kay Hecate. Bahala sila d'yan, gusto ko pang matulog.

Isang bus na lang ang ginamit namin para raw sama-sama at maging mas close ang lahat.

Hindi sana ako papayag kaya lang wala naman akong magagawa, mas mabuti na 'to kaysa kulitin niya ako. Parang fieldtrip tuloy ang kinalabasan ng team building na 'to tapos ang dami pa nilang junk foods na bitbit. 

Officemate ko ba sila o naligaw ako sa high school fieldtrip? Uupo na sana ako sa unahan kung saan walang nakaupo pero bigla akong inunahan ni Rin habang hatak si Cat.

"Kami na lang tabi ni Cat, ha? Kaya mo na sarili mo, Cous." Excited na sabi niya. Aalma sana si Cat pero tinawag na ako ni Yvo.

Kung sinuswerte ka nga naman. Sa lahat ng pwedeng makatabi, siya pa talaga. Wala na rin kasing bakanteng upuan.

Pagkatapos kong ilagay ang gamit ni Cat sa compartment katapat ng inuupuan nila ni Rin ay lumapit naman ako kay Yvo na nasa bandang gitnang parte ng bus. Gusto pa sana akong tulungan ni Yvo na ayusin ang bag ko pero pinigilan ko siya. Pagkaayos ko ng gamit ko ay umupo na ako sa tabi niya. 

"Gusto mo sa tabi ka ng bintana?" Maya-maya'y offer niya. Pakiramdam ko ay may nag-twinkle-twinkle ang mata ko dahil sa sinabi niya. Tumikhim muna ako bago magsalita para maitago ang hiya dahil sa inasal ko. "If you don't mind." Walang salita naman siyang tumayo para makipagpalit sa'kin ng pwesto.

"Thanks."

"You're welcome. By the way, Iniko?"

"Yes?" I said while setting up my headphone and travel pillow. Inaantok na talaga ako.

"N-Nothing."

"Okay then, I'll get some sleep." Sabi ko at sinuot na ang headphone ko then played classical music. 

Parang kakapikit ko pa lang ay may gumigising na agad sa'kin. Wala na bang igaganda ang araw ko? 

"I'm awake, now stop," I said without opening my eyes. Ine-enjoy ko pa kasi ang naka-play na kanta. Rossini's The Barber of Seville, one of my favorite pieces. Dahil doon ay gumanda na rin ang mood ko kahit papa'no.

Bigla namang inalis ng kung sino ang headphone ko. Pagmulat naman ng mata ko ay mukha ni Hecate ang tumambad sa'kin.

"Kapag hindi ka pa tumayo d'yan, iiwan na nila tayo." Masungit na sabi niya at pinisil ang ilong ko.

"Ang antukin mo naman kasi pinsan." Singit naman ng epal kong pinsan na kasama pala niya.

"Oo na. Akin na nga 'yang headphone ko." Nakasimangot na sabi ko. Doon ko lang napansin na kaming tatlo na lang pala ang natira sa loob ng bus.

"Sungit talaga." Rinig kong sabi ni Rin. Hindi ko na sila pinansin at kinuha na ang gamit ko. Kukunin ko na sana ang gamit ni Cat nang agawin ni Rin.

"Ako na bahala kay Cat, Cous!" Hyper namang sabi niya.

"Fine." Sabi ko at sinuot na ulit ang headphone ko. Wala akong energy makipagtalo ngayon.

Five na tao lang daw ang kayang i-accommodate ng bawat tour guide kaya hinati kami sa limang group. Si Cat, Yvo, Rin, Honey at ako ang magkakasama.

"Gusto mo tulungan kita sa gamit mo?" Sabay na sabi ni Honeylette at Yvo.

"No, thanks. I can manage." I said then simply smile at them.

"Haba talaga ng hair ng pinsan ko." Pang-aasar naman ni Rin.

Bwisit talaga, basta makakuha siya ng pagkakataon, sure na aasarin niya ako.

"Lubayan mo 'ko, Rin."

Nang maayos na ang lahat ay nagsimula na kaming umakyat.

No'ng una ay okay pa naman dahil hindi pa masyadong matarik pero habang tumatagal ay parang naririnig ko na ang paglagutok ng mga buto ko kaya napatigil ako sa paglakad.

"Iniko, ano pang hinihintay mo d'yan? Bilisan mo!" Sigaw naman nila. Masyado kasing matarik ang dinaanan namin na kinailangan pa ng lubid para pang-support para makaakyat.

Pa'no sila nakaakyat do'n agad?! Hindi ba sila napapagod?

At dahil likas akong competitive ay pinilit kong umakyat ng mabilis.

"Akala ko tumatanda ka na masyado e'." 

"Isang taon lang ang tanda ko sa'yo, 'no!" Masungit kong sabi kay Rin. Pinupuno ako masyado ng pinsan kong 'to. Pagulungin ko na lang kaya siya pababa rito? 

"Pagod ka na yata." Sabi naman ni Cat.

"I'm not." Isusuot ko na lang sana ulit ang headphone ko nang maramdaman ko ang vibration ng phone ko.

"Wait." I said nang magsisimula na sana ulit silang umakyat. For fuck's sake, ano bang kinain nila at ang energetic nila masyado?

Sabay-sabay naman silang tumigil at tumingin sa'kin.

"Sasagutin ko lang 'to, baka walang signal sa taas." Hulog ka ng langit kung sino ka mang tumatawag sa'kin. Agad ko namang sinagot ang tawag bago pa sila umangal.

"Hello?"

"Wow! First time mong sumagot sa call ko, babe." Sabi ng tumawag sa'kin. Malas naman! Si Ken pa talaga.

"I'm kinda busy right now, I'll call you later." Sabi ko.

"WAIT!" Napapikit naman ako sa lakas ng boses niya. Bwisit ka! Naka-headphone pa naman ako.

"What is it?!" Galit na sabi ko. Swear, this is the worst day ever!

"Woah, chill. Uhm, dahil hindi naman tayo natuloy last Wednesday. Kailan na lang tayo magkikita?" Hopeful niyang tanong. The audacity to ask! Pagkatapos niyang sumigaw?!

"February 30 tayo magkikita. Bye!" I said then ended the call. I immediately blocked his number.

"Who's that?" Tanong ni Cat pagkaharap ko sa kanila.

"Nothing. Let's go?"

**

After three long hours of struggling, dumating din kami sa spot namin. Agad naman akong nahiga sa lapag kahit na may mga parte na walang damo. What the hell! Ito na yata ang pinaka nakakapagod na activity na ginawa ko buong buhay ko. 

Parang hindi ko na maramdaman ang mga hita ko. Feeling ko malulumpo na ako. 

"Cous, halatang 'di ka nag-e-exercise. Mabuti na lang at hindi ka tumataba kahit gan'yan ka." Sabi ni Rin at pinagitnaan nila ako ni Cat. Compliment ba 'yon? Saka ano naman kung tumaba ako? Maganda pa rin ako, 'no! Hahampasin ko na sana si Rin pero nakaiwas siya.

"Fuck you." Pagod kong sabi. 

"Hindi ko alam na okay lang sa'yo ang incest." Painosenteng sabi niya. Palihim namang tumawa sina Yvo. Anong nakakatawa do'n?!

"Kadiri ka talaga!"

"Bumangon ka na, Iniko. Kumain na muna tayo bago magpalit ng damit." Sabi ni Cat at tinulungan akong bumangon.




Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.4M 109K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
15K 1.5K 69
Story of Rivan & Clemmie. Happiness is a choice they say, but not for the couple who cannot baptize themselves in the ocean of happiness they stand...
4M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
2.6M 151K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...