BHO CAMP #3: Clash Of The Pri...

By MsButterfly

4.6M 95.3K 6K

I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Tr... More

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
CHAPTER 1 ~ Folder ~
CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~
CHAPTER 3 ~ Fun ~
CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~
CHAPTER 5 ~ A Leader ~
CHAPTER 6 ~ Dinner ~
CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~
CHAPTER 8 ~ Real ~
CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~
CHAPTER 10 ~ Try ~
CHAPTER 11 ~ Finaliento ~
CHAPTER 12 ~ Trust ~
CHAPTER 13 ~ Love ~
CHAPTER 15 ~ His ~
CHAPTER 16 ~ Roar ~
CHAPTER 17 ~ TLT ~
CHAPTER 18 ~ Ready ~
CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~
CHAPTER 20 ~ Dawn ~
CHAPTER 21 ~ Home ~
CHAPTER 22 ~ Crazy ~
CHAPTER 23 ~ Perfect ~
CHAPTER 24 ~ Attack ~
CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~
CHAPTER 26 ~ Mine ~
CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~
CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~
CHAPTER 29 ~ Work Hard ~
EPILOGUE
Up Next
Special Chapter

CHAPTER 14 ~ This Time ~

133K 3K 205
By MsButterfly

CHAPTER 14

DAWN'S POV

Halos kaladkarin ko si Triton palabas ng classroom kung saan kasalukuyang nagkakagulo ang buong klase ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa kanila sa ginawa ni Triton

"Dawn-"

"Shut up!"

Pinagpatuloy ko lang ang paghila sa kaniya at napatiim bagang na lamang ako ng maramdaman ko na kumilos siya hanggang sa siya na ngayon ang may hawak sa akin. Wala na akong nagawa ng hapitin niya ako palapit sa kaniya.

"Anong problema, Dawn?"

"Tinatanong mo ba talaga ako niyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

He looked at me seriously. "Yes. I am asking you that. Anong masama sa ginawa ko?"

"You kissed me in front of my students! Ano sa tingin mo ang magiging tingin nila sa akin? Everyone knows that you're marrying someone and it's not me!"

"You're wrong, Dawn. Ano ang iniisip nila? They're thinking that I'm a lucky guy to be able to fall in love with someone like you. Someone as beautiful and pure like you.Your students are not stupid and by now they should probably caught on the fact na hindi totoo ang kung ano man ang sinabi sa balita tungkol sa amin ni Delta. At kung ako ang tatanungin mo, wala akong pakielam sa iisipin ng iba. Basta alam ko mahal kita."

"Ako merong pakielam! Goodness, Tri!" Sinubukan ko na kumawala sa pagkakahawak niya pero hindi niya ako binitawan at lalo lang humigpit ang pagkakapit niya sa akin. "Pakawalan mo ako, Triton."

"No. Not until you tell me that you love me."

"I don't."

"I don't believe you."

Pagak na tumawa ako. "Anong gusto mo magsinungaling ako? Hindi kita mahal, Triton. Hindi na ako ulit magpapakatanga sa iyo."

Lie. I'm already being stupid. I fell for him again without me even realizing it. Kung sana narealize ko kaagad...sana napigilan ko pa. Sana nakagawa pa ako ng paraan. Loving him hurts too much. Ayoko ng sumugal ulit para lang bitawan niya lang ako sa huli ng basta-basta. I don't want to see how someone I love stop fighting for me again.

"Wala namang bayad kung aaminin mo ang nararamdaman mo. Pero kung meron man at ayaw mo na gumastos, sige mayaman naman ako. Kahit sa iyo na lahat, sabihin mo lang na mahal mo rin ako."

Ikinuyom ko ang mga kamao ko. "I'm not in love with you."

"Convince me more. I might believe your lie, Dawniella."

Galit na nag-angat ako ng tingin. Isang malaking pagkakamali sapagkat nang magtama ang mga mata namin ay para bang nalunod ako sa mga emosyon na ipinapakita ng mga mata niya.

"I-I don't."

Marahang hinaplos niya ang pisngi ko kasunod ng pagsilay ng malungkot na ngiti sa kaniyang mga labi. "I can't stay away from you anymore. I should not have even try. Dahil kahit noon pa man alam ko na wala na akong ibang mamahalin."

"Tama na."

"I won't let go again. Hinding hindi na kita sasaktan, I promise you that, Dawn."

Marahas na hinila ko ang kamay ko at sa pagkakataon na ito ay hinayaan niya akong makakawala. "I believed that before. Sinabi mo sa akin noon na hindi mo ako sasaktan pero anong ginawa mo?" I bit down my lower lip to prevent the tears that want to fall. But I didn't succeed. Nag-uunahang kumawala ang mga iyon mula sa mga mata ko. "Hindi mo alam kung gaanong kasakit. Hindi mo alam kung gaano kahirap na gumising bawat araw na alam kong makikita kita kahit iyon ang huling bagay na gusto kong mangyari. You don't know how much I want to run away from you. You don't know how hard it was to pretend each day. You don't know how many times you killed me. You don't know anything."

Hindi siya nag-iwas ng tingin sa akin at kitang-kita ko ang sakit na nakabalatay sa mga mata niya. Sakit na alam ko na makikita rin sa akin.

"Dawn..."

"Trust is harder to rebuild than love. And I won't embrace love...not until I can be able to trust you again."

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Pagkaraan ay humakbang siya palapit sa akin at sa pagkagulat ko ay pumalibot ang mga braso niya sa beywang ko habang ang kaniyang mukha ay sumubsob sa aking leeg.

"I'm so sorry Dawn. For leaving you, for hurting you, for not having the power to stay away."

Pagkasabi niyon ay lumayo siya sa akin at walang sali-salitang naglakad palayo. eIsang bagay na kontradikta sa sinabi niya pero alam ko na hindi siyang eksaktong tinutukoy niya. Nanatiling nakasunod ang tingin ko sa kaniya hanggang tuluyan na siyang nawala.



IBINABA ko ang head cap na suot ko upang mas lalo pang matakpan ang mukha ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kahon ng pabango sa harapan ko. Magkakapareho lang iyon ng sukat pero dalawang klase ang kulay niyon. Ang tatlo na row sa unahan ay kulay itim habang ang apat na row sa likod ay kulay pula.

Nandito ako ngayon sa isang matagal ng na-established na perfumery. Ang Puff Fragrance. Pero bukod sa pagiging bilihan nito ng mga pabango ay may isang itinatago ang Puff Fragrance. Iyon ay isa ang may ari nito sa mga tao na konektado sa BHO CAMP.

Puff Fragrance's owner is one of the few people that provides missions for BHO CAMP. Kalimitan kasi sa mga missions direkta na sa amin. Ang mga dumadaan sa katulad ng Puff ay ang mga taong kailangan ng tulong pero hindi alam kung saan mahahanap iyon. Puff finds that kind of people.

"Hey, sweetheart."

Nag-angat ako ng tingin at napabuntong hininga nang makita ko kung sino ang nagsalita. "Anong ginagawa mo dito, Triton?" pabulong na tanong ko.

Dalawang araw na mula ng huli ko siyang makita. Hindi din siya pumupunta sa office dahil hindi siya lumalabas ng kwarto niya. Kahit si Delta na nakailang balik sa BHO CAMP ay hindi niya sinipot.

"I thought of something." he said.

"You can hold that thought. May ginagawa ako."

"Oh. Nasa Puff nga pala tayo. You're getting us mission-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at naramdaman ko na gumuhit sa palad ko ang ngiti niya. I jerk my hand away when I felt him nipped my palm gently.

"Are you crazy?!" I hissed.

"Sorry na po."

Inirapan ko siya at ibinaling ang atensyon sa mga kahon ng pabango sa harapan ko. Yes. I'm getting missions here.

May labing-anim na kahon sa bawat row. Katulad ng sabi ko kanina, ang tatlo na row sa unahan ay kulay itim habang ang apat na row sa likuran ay kulay pula. Black symbolizes BHO while red is for CAMP.

I counted up to the fifteenth box at the third row. O is the fifteenth in alphabet. BHO. Laging sa huli makikita ang mission. Kinuha ko ang kahon at inilagay sa maliit na basket na hawak ko. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang pang labing anim na kahon sa pang pitong row. Sixteenth is equavalent to P. CAMP. Naglalaman ang dalawang kahon ng papel na may nakasulat na mga code para makuha namin ang files ng susunod na mission. For the fifteenth box at the third row, it's for BHO division. For the sixteenth box at the seventh row, it's for CAMP division.

Sa totoo lang ay marami namang paraan para dalan kami ng misyon sa safe na paraan. I have email address na hindi traceable at nakapangalan sa ginawa lang namin na pangalan para roon. Maaari ring ipadala sa partikular na P.O. box na pag-aari ng BHO CAMP na nakapangan din sa taong nilikha lang namin ang identidad. But the owner of Puff is an old man who loves the old ways.

Naglakad ako papunta sa cashier at nginitian ko ang babae sa likuran n'yon. Ilang beses na rin kaming nagkikita.

"Favorite niyo talaga ang mga pabango na ito Ma'am no?"

"Yes."

"Ewan ko nga ba kay Sir kung bakit ang daming bumili nito. Eh hindi naman ho nabibili. Bukod sa mahal ay masyado daw matapang ang amoy."

Ngumiti lang ako sa sinabi niya at hindi na nagkomento pa. Rinig ko ang katanungan sa sinabi niya pero hindi ko na pinansin iyon. Nang matapos niyang i-punch ang items ay inabot na niya sa akin ang paper bag laman ang mga 'yon. Dumako ang tingin niya sa likuran ko at nakangiting binalingan niya ako.

"Ang gwapo naman ng boyfriend niyo. Parang may kamukha pa pong artista."

"Hindi ko-"

Napapitlag ako ng bigla na lang akong akbayan ni Triton. "Bagay ba kami, Miss? Ilang beses ko ngang sinasabi dito na sagutin na ako eh. Kaso hanggang ngayon basted pa rin ako."

Parang inaasinan na bulate sa kilig ang cashier habang pinagmamasdan kami. "Naku Ma'am sagutin niyo na! Bagay na bagay kayo promise!"

Pilit na ngumiti na lamang ako at hinila ko na palabas si Triton. Kinaladkad ko siya hanggang makarating kami sa malayo sa Puff Fragrance at matalim ang tingin na hinarap ko siya. "Ano bang ginagawa mo dito?"

Nagniningning ang mga amta niya habang nakatingin sa akin. "May naisip nga kasi ako kaya hinanap kita."

"Wala akong panahon-"

"Liligawan kita. Sa ayaw at sa gusto mo."

Laglag ang panga na napatitig ako sa kaniya. Tama ba ang narinig ko? Did he just...he...me? What the hell! "A-Ano?"

"Liligawan kita ulit."

Mariing pumikit ako at bumilang hanggang sampu. Kailangan kong kumalma. Una kailangan kong kalmahin ang nagwawala kong killer cells bago ko mapagdesisyunan na ibigti siya. Pangalawa kailangan kong pakalmahin ang utak ko na nagkarumble rumble na ang iniisip. At higit sa lahat kailangan ko na pakalmahin ang puso ko...na gusto na namang umasa.

Calm down. Calm. Breathe in...breathe out. "Are you insane?!"

Tumingin sa langit si Triton at kunway nag-isip bago nakangiting binalik niya sa akin ang tingin niya. "Well not really. If you'll ask me if I'm crazy for you, then yes."

"You're engaged!"

"Hindi kaya!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang siyang hinampas sa braso na ikinatalon niya. "Sinisigawan mo ba ako?!"

"Hindi!"

"Sinisigawan mo ako!"

Ngumuso siya. "Hindi na po, sweetheart."

Goodness. We're even sounding like the Original and Second Elite agents. Ilang beses ko na bang nakikita ang ganitong takbo ng pag-uusap mula sa mga nakakatandang mga agent sa amin?

Ipinilig ko ang ulo ko at humugot ng malalim na hininga. "Triton, mag-isip ka nga. Buong mundo ang alam ay ikakasal ka na kay Delta. Hindi ko gustong madamay sa gulo na maaaring mangyari kapag nalaman nila ang tungkol sa akin."

"Alam ko 'yon."

"Iyon naman pala eh. Kaya layuan mo na ako please? Gusto ko lang na matahimik ako."

Humakbang siya palapit sa akin na ikinaatras ko. Inulit niya iyon pero umatras lang ako ulit. He smiled then he pulled me towards him. Hindi ko na nagawang makakilos ng inalis niya ang baseball cap ko at itinapon sa kung saan pati na ang eyeglasses ko. Sensitibo pa rin ang mga mata ko pero kapag sobrang tagal ko lang naaarawan na walang proteksyon.

Napaatda ako nang maging ang suot niyang cap at glasses ay itinapon niya 'rin. I needed those because of my condition. He needed them because of his situation. "Alam ko na madadamay ka sa gulo. Alam ko na maaaring makarinig ka ng hindi magaganda. Pero hindi ko sila hahayaan na maabot ka."

"Triton-"

"I won't hide the woman I love to the world. I won't pretend to love somebody else when you're the one that I love. Screw the media! Nothing matters more than you."

Pakiramdam ko ay unti-unting natitibad ang kung ano mang pader na pinalibot ko sa sarili ko. Kung hindi man niya magawang tibagin iyon ay alam kong kahit lumipad o hukayin ang lupa ay gagawin niya para lang makuha ang gusto niya.

"Paano si Delta?" mahina kong tanong.

Kumunot ang noo niya. "What about her? Nagtatrabaho lang siya para sa akin."

"Are you that dense?" Napatili ako ng bigla na lang niya akong binuhat at isinampa sa isang kotse. Kasunod niyon ay umakyat din siya sa hood n'yon. "Triton what are you doing? Baka makita tayo ng may ari nitong kotse-"

Sa pagkagulat ko ay buong lakas siyang sumigaw. "I am Trei!"

Hindi na niya kinakailangan pang ulitin ang sinabi niya dahil nakuha na agad niya ang atensyon ng mga dumadaan. Lalo na ang mga kadalagahan na mukhang galing sa malapit na university dito. "I'm Trei to the world but I will only be Triton to this woman! To this woman that I love! The only woman that I will ever love!"

"Triton, tama na. Ano ka ba ang dami ng nakatingin sa atin."

"Wala akong ibang dadalin sa simbahan at sa tapat ng Diyos kundi ang babaeng kasama ko ngayon!"

Nagtilian ang mga tao na nakatingin sa amin. Ang iba ay mukhang naaaliw ngunit marami ang naguguluhan. Isa sa mga kolehiyala ang nagtaas ng kamay at nagsalita. "Pero paano po ang fiancee niyo na si Delta Villanueva?"

Tumingin si Triton sa nagsalita. "Mas paniwalaan niyo ako kesa sa media. I don't care if this will end my career. That night that they said I was attacking Delta, I was drunk. Oo marami ng nailathala na kabulastugan ko. I messed up again ang again. I messed up too much that my manager, Delta, would even go to the extent of pretending to be my fiancee just to cover my mess. Pero hindi ko na kayang magsinungaling sa inyo at mas lalong hindi ko na kayang patuloy na magsinungaling sa sarili ko. This woman in my arms is the only woman I want to spend my life with."

"Mas bagay kayo ni Delta!"

"Paano na ang DELTON love team namin?!"

"In love sa iyo si Delta!"

"Who is that woman anyway?! DELTON FOREVER!"

Napayuko ako sa mga narinig ko. Alam ko na na mangyayari ito. I read the news. Alam ko na maraming sumusuporta kay Delta para kay Triton. Maraming nakakakilala kay Delta dahil manager siya ni Triton. Pumatok sa masa ang pagiging manager ni Delta ni Triton. Everyone loves the fairytale like story. Sino nga bang hindi?

"You!" galit na sigaw ni Triton sa babaeng nagsalita. "You marry her! Delta is my manager and she is important to me but no one can tell me who to love!"

"Delta! Delta! Delta!"

"Kami dapat ang magalit sa iyo Trei! Hindi ka sisikat kung hindi dahil sa amin!"

Madilim na ang anyo ni Triton habang hinahanap ang mga nagsalita. Nang hindi niya makita ang mga ito ay nagtagis ang mga bagang niya at nagsalita. "Nakilala ako dahil nagpakahirap ako, nagpuyat, naglaan ng oras. I do know how important my supporters are. But you did not made me. I made myself. At kung kapalit niyon ay huhulmahin niyo ako sa kung ano ang gusto niyong makita then screw you all!"

Napaigik ako ng maramdaman ko na may kumurot sa binti ko. Hindi na ako nagtangkang hanapin kung sino pa. I just want to get out of here.

"Umalis na tayo, Triton." bulong ko sa binata.

"No!"

"Triton please..."

Puno ng galit ang mga mata niya ng bumaling siya sa akin. Ngunit alam ko na hindi para sa akin ang galit na iyon. "Hindi pa nila naiintindihan, Dawn!"

"They won't. And you can't force them."

"They can't do this! Damn it, I love you!"

Mabilis na umiwas ako ng may mamataan ako pero tumama pa rin sa akin ang maliit na bato na nanggaling sa kung saan. Hinawakan ko si Triton sa braso nang magtangka siyang bumaba para sugudin ang isang kolehiyala na ngayon ay sindak na umtras sa nakitang galit sa mukha ni Triton.

"Fuck-"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Triton at marahas na hinarap ko siya sa akin. And like what he did before in front of my class, for all the world to see, this time...I kissed him.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 98.1K 32
Now a published book. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. I am Skylee Reynolds. I considered myself as the black sheep of...
2.8M 72.3K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
368K 16.7K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
1.1M 13K 36
Credits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet...