Mageía High: Grimoire of Astr...

By suneowara

1.9M 111K 13.8K

A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creature exists. And... More

Author's Note
Prologue
ANNOUNCEMENT!!! // REPRINT
Welcome, to world of magic
1. Mageía High
2. Test
3. Duel
4. First Day
5. History
7. Black forest
8. Howling woods
9. The Princess of Bernice
10. Summoning
11. New Lead
12. Company
13. Dream
14. Fate
14.5 Zero
15. Start of Adventure
16. Sydros
17. Childhood
18. Departure
19. Kanyes
20. Suicide
21. Who's the boss
22. Secret
23. Border
24. Last Town
25. Against the Disciples
26. Combination
27. Witnessed
28. Rest
29. Second Disciple
30. Witch
31. The greatest
32. The person I look up to
33. Broken
34. Back in time
35. For the second time
36. Festival
37. Wand
37.5 Wish
38. Destined
39. Back
40. Return
41. Descendant
42. Frencide
43. The plan
44. The culprit
45. Stick to the plan
46. The student
47. The future
48. Avenge
49. Trust
50. Believe
51. The greatest witch
Epilogue
Author's Note
ANNOUNCEMENT

6. Blue moon

37.6K 2.3K 427
By suneowara

BLUE MOON

[Xena]

Walang nakaimik sa sinabi ni Miss Glinda. Walang matibay na ebidensya kung totoong buhay nga si Astria. Pero kung sakaling totoo nga siya ay nasa isang daang taon na siya ayon sa paniniwala nila.

"Pero ma'am, nasaan na ang Grimoire niya ngayon?" pag-iiba ng isang estudyante.

Lahat ng tingin at atensyon namin ay napunta sa kaniya. Everyone's curiosity strikes in. Pare-pareho naming hinintay ang magiging sagot ng guro namin.

"I'm sorry, pero hindi ko rin alam ang sagot diyan," sagot ni Miss Glinda.

Bakas ang pagkadismaya sa mga mukha ng mga kaklase ko. Kahit nakaramdam din ako ng pagkadismaya ay inaasahan ko ng gano'n ang isasagot niya.

Muling nagsimulang magturo sa amin si Miss Glinda tungkol sa kasaysayan.

Hindi ko mapigilang mabagot dahil paulit-ulit lamang ang mga pinagsasabi niya. Where spell, potions, summoning, and etc. came from.

I already know all of those. Para saan pa ang pag-aaral ko sa loob ng ilang taon?

Tanging pagbuntong-hininga na lamang ang ginawa ko at ang pagpaikot ng ballpen. Hanggang sa nalipat ang pahina ng libro. Mabilis na nakuha ang atensyon ko sa sumunod na larawan na nakalagay sa pahina.

The blue moon.

"Next, ay ang blue moon," pangunguna ni Miss Glinda.

"A phenomenal occurrence that happens every 800 years."

Hawak-hawak ni Miss Glinda ang sarili niyang libro at pinapaliwanag sa amin ang ibig sabihin ng blue moon.

"Sinasabing, every blue moon daw ay magiging tagumpay at matibay ang bisa ng kahit anong spell."

"Any spells, whether it's for the salvation or destruction of the world."

Bumigat ang paghinga ko sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang kabahan at sunod-sunod ang pagtulo ng mga pawis ko. Wala sa sariling humigpit ang pagkakahawak ko sa libro.

Kahit anong klaseng spell ay posibleng magawa kapag naging asul ang buwan...

"Well, consider yourselves lucky. Ika-walong daang taon na ang lumipas nang mangyari ang blue moon sa susunod na apat na linggo. May chansa kayong makita ito," nakangiting sambit ng guro namin.

Kani-kaniyang reaksyon ang mga kaklase ko na labis ang tuwa sa narinig. Sa kabilang banda ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

Only 4 freaking weeks?!

Napalunok ako nang malalim at hindi ko mapigilang maging balisa.

Ang blue moon ang magsisilbing deadline ko. Kailangan kong mahanap ang Grimoire at sirain ito bago pa may makagamit ng mga spells nito sa masamang bagay.

Hindi ako pwedeng tumunganga lamang dito.

Nagpatuloy ang klase namin at hindi ko nagawang makinig sa mga pinagsasabi ng guro namin.

Before I know it, tapos na ang klase na tumagal lang ng tatlong oras. Tanging 'yon lamang ang naging subject namin buong araw.

"Huy Xena! Kanina ka pa nakatunganga riyan. Naririnig mo ba 'ko?" Rinig kong sambit ni Tana.

Natauhan ako nang tapikin ako nito sa balikat. Katatapos lang ng klase at naglalakad kami ngayon sa pasilyo.

"A-Ah, sorry. Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?"

Napabuntong-hininga si Tana sa sinabi ko bago ako sagutin. "Ang sabi ko, maghanap na tayo ng mga ingredients para sa experiment natin bukas!" giit niya.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko at kumunot ang noo ko. "Experiment?"

Muli siyang huminga nang malalim at napahawak sa noo. "Hindi ka ba nakikinig sa klase kanina?" walang ganang sambit niya.

"Dalawang subject ang meron tayo bukas. Una ang paggawa ng mga potions na si Miss Glinda rin ang magtuturo sa atin. Kaya sinabi niya sa atin kanina na dalhin ang mga sumusunod na ingredients para bukas!" inis na dagdag niya.

"So ano? Tara na!"

Hindi ko pa nagagawang makasagot nang hilahin na 'ko nito papalabas ng Academy upang pumunta sa mga tindahan sa labas nito.

Dumaan kami sa gate kung saan nagbabantay ang mga gargoyles at sumalubong sa amin ang mga tindahan ng mga trolls sa labas. Inilabas ni Tana ang listahan ng mga ingredients na kakailanganin namin.

"Kailangan nating bilisan. Baka maubusan tayo ng iba," nag-aalalang sambit ni Tana.

Nilibot namin ang mga tindahan ng mga trolls at pinagbibili ang mga ingredients na kailangan namin. Nanatili lamang akong nakasunod habang si Tana ang naghahanap ng mga ingredients.

Hindi ko mapigilang mapaisip habang pinapanood siya. Mukha ngang seryoso si Tana sa pagiging isang magaling na witch.

I can't help but to admire her. It must be nice to have a such kind of dream. Hindi ko mapigilang maalala ang pangarap ko noong bata ako. Mula nang makilala ko ang taong 'yon ay nagsumikap din ako...

Nasaan na kaya siya ngayon?-

"Xena!"

Natauhan ako nang tawagin ako ni Tana. Hinila ako nito papunta sa isang tindahan ng mga herbs.

"Yes! Nandito 'yong hinahanap natin!" nakangiting sambit niya.

Napunta ang tingin ko sa herb na tinutukoy niya na tanging isa na lamang ang natitira. Balak na sanang kunin ito ni Tana nang unahan ito ng kung sino.

"E-Eh?" pagtataka ni Tana, sa biglaang pagsulpot ng isang babae.

Parehong napunta ang tingin namin sa dalawang magkasamang estudyante. Mabilis kong nakilala ang dalawang ito. Palagi na lang nagkukrus ang mga landas namin.

"Oh, I found it first," walang ganang sambit ni Zairah, habang hawak-hawak ang herb na kailangan namin.

Walang nagawa si Lei na kasama niya kung hindi mapabuntong-hininga na lamang at umiling. Katulad niya ay hindi rin nagawang makasagot ni Tana dahil sa kaba.

Tanging pag-ismid ang nagawa ko bago ako lumapit kina Zairah at hablutin ang herb na hawak niya.

"Nah, we found it first," nakangising sambit ko.

Tumaas ang kanang kilay ni Zairah sa ginawa ko at muling hinablot mula sa akin ang herb.

"Bingi ka ba éxi? Ang sabi ko, ako ang nauna," pagmamatigas ng babaeng kaharap ko.

Muling kumurba ang labi ko sa ginawa niya. "Who are you calling a six?"

Balak pa sanang sumagot ni Zairah nang pigilan na ito ni Lei. Katulad niya ay naramdaman ko na rin ang paghawak ni Tana sa braso ko.

"I-It's fine. Maghanap na lang tayo sa iba," bulong sa akin ni Tana.

"I'm really sorry, Xena. Mauuna na kami," pagpapaumanhin sa amin ni Lei, bago hilahin paalis si Zairah.

Hindi ko mapigilang mapaismid sa nangyari. Pasalamat si Zairah at kasama niya si Lei. Baka siya ang gawin kong ingredient.

"You shouldn't have done that Xena. She's a tría you know," sambit sa akin ni Tana.

Parang maiiyak na ito habang nakatingin sa mga lalagyanan ng herbs na wala ng laman.

"A-Ano nang gagawin natin?" Halos maiyak na sambit ng kasama ko.

Napangiwi ako sa inakto niya at napabuntong-hininga. Ayaw niyang kunin mula kay Zairah 'yong herb pero naiiyak siya ngayon kasi ubos na.

Bago ko magawang magsalita ay naunahan na 'ko ng kung sino sa likod namin.

"If you want those kinds of herbs, meron pang nagbebenta sa west part. Though, masungit ang tindera at hindi basta-basta nagbebenta sa kung sino," sambit ng isang babae.

Napalingon kami ni Tana sa babaeng nagsalita. A girl with a long green hair and emerald eyes. She's wearing a green celtic dress. I can see the calm and peaceful forest when I look at her eyes.

For a moment, I was stunned when I saw her. It felt like I've seen those eyes before.

"Wah!! Thank you!" pasasalamat ni Tana sa babae.

Hindi na 'ko nakapag-react pa nang hilahin na 'ko ni Tana papunta sa west part. Nanatiling nakasunod sa kaniya ang mga mata ko nang dumaan kami sa harap niya.

Hindi mawala sa isip ko ang itsura ng babae. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita ang mga matang 'yon dati.

"Wah! Ayun Xena!" Turo ni Tana sa isang tindahan.

Lumapit kami rito upang tignan mabuti ang mga herbs. To my surprise, there are different kind of exotic herbs here. Ang nakahahanga pa ay marami itong klase at maraming laman ang bawat lalagyanan.

Tana's eyes are filled with excitement. Akmang kukuha na siya ng herbs nang bigla na lang kaming harangan ng isang troll.

"Alis! Hindi ako nagbebenta sa mga katulad niyo!" masungit na sambit ng tindera.

"Mga kahihiyan sa mundo ng mahika!" dagdag nito.

Pinagmasdan nito mabuti ang itsura ni Tana.

"Tsk, mga estudyante kayo ng Mageía hindi ba? Ano kayo? Mga anak din ba kayo ng mga mayayaman at malaki ang koneksyon sa council?" inis na tanong ng troll. Iwiniwasiwas niya ang kamay niya.

"Hindi niyo mabibili ang kakayahan ng pera! Kahit ilang spells pa ang basahin niyo! Hindi kayo-"

Tila natigilan sa pagsasalita ang troll nang mapunta na sa akin ang tingin niya. Kusang nahinto siya sa pagwasiwas at huminto sa ere ang kamay niya. Unti-unting napaawang ang bibig nito at para bang maiiyak na siya.

Bago pa ito magsalita ay mabilis ko itong sinenyasan na tumahimik.

"Nandito kami para bumili," kaswal na sambit ko.

Dahang-dahang tumango ang troll sa sinabi ko. Labis ang pagtataka ni Tana nang ibinigay sa amin ng troll ang herb na kailangan namin at hindi man lang ito humingi ng bayad.

Hindi ko mapigilang ngumiti sa inakto nito. Habang hindi mapigilan ni Tana ang saya niya ay muling napunta ang tingin ko sa troll na naiiyak na sa tuwa habang nakatingin sa akin.

Kahit hindi ito nagsasalita ay naiintindihan ko ang gusto nitong iparating.

Don't worry. I'm already here.

I'll fix everything.

I will destroy the Grimoire of Astria.


Continue Reading

You'll Also Like

542K 16.7K 49
Moon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa k...
1.7M 72.2K 58
A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destr...
2.6K 374 24
#3 | WICKED WRITERS SERIES | A COLLABORATION (SOON TO BE PUBLISHED AT PAPERINK PUBLISHING HOUSE | PaperInk Imprints) ~×~×~×~ In the depths of darkn...
90.3K 1.6K 115
[COMPLETED] a Forthsky Padrigao and ThatsBella Fan Fiction #WPEndGame ©️Full Credits to the owner of the pictures used in the story