Glowing Gems

By Quicke_Ow

8.3K 581 13

'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na du... More

WARNING!
AUTHOR'S NOTE
PHOTO CREDITS
GLOWING GEMS 1: DIYOS NA SI VERANDA
GLOWING GEMS 2: ANG MUNDONG GINAGALAWAN NI LOM
GLOWING GEMS 3: PAGTINGIN KAY LEE
GLOWING GEMS 4: MANANALIKSIK NA SI LOM
GLOWING GEMS 5: ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN
GLOWING GEMS 6: REGALO NG PALAD
GLOWING GEMS 7: MAHIWAGANG PANAGINIP
GLOWING GEMS 8: BUNDOK NG DUKARAWI
GLOWING GEMS 9: ANG MANLALAKBAY NA SI LOM
GLOWING GEMS 10: GABAY NA SI GAEL
GLOWING GEMS 11: KAHARIAN NG VERATHRA
GLOWING GEMS 12: HARING RASCAL
GLOWING GEMS 13: ANG PAGKATAO NI LOM 1
GLOWING GEMS 14: ANG PAGKATAO NI LOM 2
GLOWING GEMS 16: LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL
GLOWING GEMS 17: SAGRADONG SILID
GLOWING GEMS 18: KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN
GLOWING GEMS 19: PANAUHIN NA SI MADER ROSE
GLOWING GEMS 20: SA PILING NI LEE
GLOWING GEMS 21: ISLA NG MYUKI
GLOWING GEMS 22: MARKA NG KIDLAT
GLOWING GEMS 23: SAGRADONG SANDATA
GLOWING GEMS 24: PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM
GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO
GLOWING GEMS 26: HAKBANG TUNGO SA KABUTIHAN

GLOWING GEMS 15: ANG MGA TAGAPANGALAGA

116 19 0
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Dito nagsimulang yumanig ang kapaligiran kasabay nito ang paglutang ng akimg katawan pabulusok sa itaas ng palasyo. Naglalabas ng gintong usok ang aking katawan na parang sumasabay sa pagpintig ng tibok ng aking puso ang usok na ito. Nasa ganoong paglutang ang aking katawan noong magliwanag ang aking mata kasabay nito ang pagliyab ng aking buhok.

"Isinusumpa ko sa mga taong nangahas na sugurin ang aking kaharian at pumaslang sa aking ama, sa mga sandaling ito ay magbabago ang inyong mga wangis!! mula sa maaamong mukhang taglay niyo ay mapapalitan ang inyong mga anyo bilang isang mababangis na halimaw, upang kayo ay layuan at pandirihan ng mga mamamayan dito sa Verathra. Isinusumpa ko na sa oras na kayo ay mamatay, kayo ay maglalaho't magiging abo at walang bangkay ang matitira sa inyo dahil kayo ay salot sa lupaing ito. Isinusumpa ko rin na kahit kailan ay hindi makakapasok sa kahariang ito ang mga nilalang na may masasamang hangarin upang mapanatili ang kaligtasan ng mga taong naninirahan rito.

Sa ngalan ng tagapaglikha at pagmamahal ko sa lupaing ito ay babasbasan ko ang aking salita!!!!" Sigaw ko sabay na itinapat sa kalangitan ang aking mga kamay dahilan upang maglabas ito ng liwanag na bumalot sa kaharian ng Verathra, dito ay nasilayan ng taong bayan ang isang malaking bilog ang bumalot sa buong lupain bilang aming pananggalang.

Nasa ganoong tagpo ako nang biglang lumabas ang napakalaking buwan sa kalangitan na may taglay na gintong liwanag. Isa isang nagsiangat ang mga taong nagkasala sa akin at dito ay unti unting nagbabago ang kanilang mga anyo. Naging mga halimaw ang mga ito na parang mababangis na mga uso at walang ano ano'y ikinumpas ko ang aking kamay at agad na tumilapon ang mga ito palabas sa kahariang ngayon ay balot na ng pananggalang.

Sa oras ding iyon ay labis na pagkagalit ang aking naramdaman dahil sa nagyari sa aking ama. Dito ay nangako akong magiging mabuting pinuno at hari sa aking nasasakupan upang mapanatili ang kaligtasan ng aking nasasakupan.

"ANG MGA TAGAPANGALAGA"

Quicke_Ow

Part 15

Kasalukuyan kaming naririto sa bulwagan habang pinagsasaluhan ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan. Hindi ko maunawan kung bakit ganito ito kadami gayong wala namang ibang bisita maliban sa amin ni Gael.

Speaking of Gael, kakagising lang niya kaya ito siya't nakikisalo sa mga pagkain at halatang gutom ito.

"Ang sasarap po ng mga pagkaing ito mahal na hari." Pagpuri nito dahilan upang mangiti ang aking ama.

"Naku. Kung gayon kumain ka lang riyan at marami pa ang mga iyan sa kusina." Natatawang saad nito.

Tawanan...

Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain ngunit tila parang wala yata itong lasa at okupado ang aking isipan sa mga bagay bagay ngunit hindi ko ito ipinapahalata sa harapan ng mahal na hari.

Nasa ganoong pagnguya ako ng maalala ko ang iba pang mga tagapangalaga kaya't agad na lumukob sa akin ang labis na pananabik na sila ay aking masilayan.

"Paumanhin mahal na hari este papa, ngunit nais ko lamang po itanong kung nasaan po ba ang iba pang mga tagapangala? Sa pagkakadinig ko ay may tatlo pa ang nangangalaga sa apat na elemento ng buhay, ang elemento ng hangin, lupa, at tubig." Takang tanong ko sa aking ama.

"Magandang katanungan anak. Totoo ang iyong narinig tungkol sa mga tagapangalaga. Sila ang tumatayo bilang iyong nakakatandang mga kapatid. Hindi sila nanggaling sa aking sariling punla ngunit sila ay nanggaling sa aking dugo, nananalaytay sa kanila ang aking dugo sa kadahilanang isinalin ko ito sa kanila, nais ko silang maging anak dahil sa taglay nilang kabutihan at katapatan.

Sila ay mga anak ng mga hari't reyna sa bawat kaharian at sulok ng mundong ito. Ipinamana sa kanila ang mga regalo na pinangangalagaan ng kanilang mga magulang, ang tubig, hangin, at lupa, ang mga magulang naman ng mga ito ay sadyang malapit sa akin kaya bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanila ay ako na ang kumupkop sa mga ito at kalauna'y tuluyan ko na ngang napanindigan ang aking pagiging ama sa mga ito.

Alam nila ang tungkol sa iyo at sa iyong muling pagbabalik kaya labis nananabik ang mga ito na ikaw ay kanilang masilayan. Sa mga sandaling ito ay ginigising ko na sila sa kanilang mga paniginip at ipinababatid kong ikaw ay naririto na sa iyong kaharian. Maya maya lamang ay magtutungo na ang mga iyon dito." Salaysay ng aking ama dahilan upang ako ay mamangha dahil sa taglay nitong kakayahang ikonekta ang kanyang isipan sa iba. Bigla naman akong nilukuban ng labis na pananabik na masilayan ang aking kikilalaning mga kapatid.

Napangiti ako sa mga tinuran ng aking ama. "Kung gayon ay totoo pala na dito naninirahan ang iba pang mga tagapangalaga?" Tanong ko ulit ngunit tanging tango lamang ang naitugon nito habang nakangiti.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain ng may ngiti sa aking mga labi dahil sa labis na pananabik. Ilang saglit pa noong ako ay matapos kaya agad kong kinuha ang aking baso at dito ako ay uminom. Agad kong inilapag ang basong walang laman at dito ay naramdaman kong ako ay busog na.

"Kumain ka pa anak, marami pa ang mga iyan." Pagalok sa akin ng aking ama ngunit tinanggihan ko ito dahil sa busog na ako.

Nasa ganoong tagpo kami nang biglang umihip ang hangin sa kapaligiran na tila nagbabadya ng isang sakuna. Ilang saglit pa noong yumanig ang paligid at naglalabas ito ng mga buhangin, maliliit na bato, at alikabok at sumama ito sa hangin kasabay nito ang pag angat ng tubig sa mga baso at petchel sa paligid at sumama din ito sa hangin. Nagpaikot ikot ang mga ito sa kapaligiran hanggang sa magliwanag ang aking dibdib ganoon din ang hangin, tubig, at mga buhangin na patuloy sa pagikot sa paligid. Binalingan ko naman ng tingin ang aking katabi na si Gael at ang gago ay walang pakialam sa mga nagaganap sa paligid at sige pa rin sa pagkain.

Ilang sandali pang nagpaikot ikot ang mga ito nang biglang naghiwa-hiwalay ang mga ito sa tatlo, agad namang bumaba ang mga ito sa sahig ng palasyo at doon nagpatuloy ang pagikot ng mga ito. Maya maya pa ay bigla na lamang nagliwanag lalo ang mga ito kasabay nito ang paghupa ng paggalaw ng buhangin, tubig, at hangin. Nasa ganoong posisyon ako nang unti unti ko ng nasisilayan ang mga pigura nito hanggang sa sumabog ang buhangin, tubig, at hangin na umiikot kanina sa buong paligid. Dito tumambad sa akin ang nagliliwanag na mga nilalang na nasa aming harapan ganoong din sa pagliwanag ang aking dibdib.

Maya maya pa ay bigla na lamang nawala ang liwanag na bumabalot sa aming mga sarili at dito nakita ko ang tatlong lalaking nakatayo habang nakangiti. Agad itong nagtungo sa aking ama at nagbigay galang.

"Sa susunod huwag niyo ng gagawin ang ganoong pagsulpot kung saan lalo na kung may kumakain dito sa hapag dahil nadudumihan ang pagkain." Natatawang saad ng aking ama.

Tawanan...

Ang mga lalaking ito ay nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan dahil sa aking nasaksihan kanina lamang kaya labis akong humahanga sa kanilang ipinamalas na kakayahan. May magagandang anyo at perpektong hitsura ang mga ito na tila isa sila sa pagkakaguluhan ng taong bayan lalo na sa aking mundo kung saan ako lumaki. Matatangkad ang mga ito gaya ng isang basketbolista kung ito ay iyong masisilayan.

Nasa ganoong pagmamasid ako sa mga ito siya namang pagbaling ng kanilang paningin sa aking kinaroroonan sabay paskil ng mga ngiti sa kanilang mga labi.

Maya maya pa ay bigla na lamang sila naglaho na para bang sumama sila sa hangin kaya dali dali ko naman sila hinanap sa paligid ngunit bigo akong makita ang mga ito.

Tahimik...

Hindi ko nararamdaman ang kanilang presensya at walang ni bakas ang mahahagilap mo galing sa kanila kaya labis akong nagtaka.

"Nasaan na po sila?" Takang tanong ko habang nililinga linga ko ang paligid.

"Nandito lamang sila sa loob ng hapagkainan, natutuwa ang mga ito na ikaw ay kanilang nasilayan, kaya ganoon na lamang ang mga ito kung magpamalas ng kanilang mga kapangyarihan." Natatawang saad nito habang ako ay lalong nanabik dahil sa kanilang ipinamalas na kakayahan. "Magagawa ko rin ba ang maglaho at sumama sa hangin?" Bulong ko sa aking sarili.

Nasa ganoong pagmamasid ako sa paligid siya namang biglaang pagkaramdam ko ng presensya ng tatlo hanggang sa bigla silang sumulpot sa aking likuran dahilan upang bahagya akong magulat, narinig ko namang napahagikhik ang tatlo sa pagtawa.

Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo upang pormal na makipagkilala sa mga ito. "Magandang tanghali sa inyo! Ako si Gilom ang tagapangalaga ng elemento ng apoy. Ako ay lumaki sa mundo ng mga mortal, ako ay dinala ng aking kapangyarihan dito sa kaharian ng Verathra upang magampanan ko ang aking tungkulin bilang tagapangalaga nito." Nakangiti kong saad sa kanila sabay na yumuko.

Bigla namang nagsalita ang aking ama. "Siya ang aming anak ni Veranda ang diyos ng tagapaglikha at tagagunaw. Siya ang inyong kapatid, alagaan niyo siya't mahalin gaya ng pagmamahal ko sa inyo." Turan ng aking ama at tanging yuko sabay ngiti lamang ang itinugon ng tatlo.

Dito ay agad na lumapit sa akin ang isang lalaki na sa tingin ko ay 5'11 ang height, makinis at maputi ang balat, bilugan na mga mata at kulay kayumanggi ito, matangos na ilong, at mamasa masang mga labi. Suot din nito ang magarbong damit na kulay kayumanggi na tila isang pari habang may mga palamuting alahas ang nakasabit sa ulo nito, hugis dahon ang mga ito at talaga namang napakagandang pagmasdan.

Yumuko ito sa aking harapan. "Maligayang pagbabalik prinsepe Gilom sa iyong tahanan, ang kaharian ng Verathra. Ako si Efron, ang tagapangalaga ng elemento ng lupa, tinataglay ko ang kasaganahan at kaginhawaan sa lupaing ito." Turan nito sabay na ipinikit ang kanyang mga mata at noong imulat niya ito ay bigla na lamang nagliwanag ang mga ito kasabay nito ang mumunting pagyanig sa paligid ngunit agad din naman itong nawala noong ikurap nito ang kanyang mga mata sabay na ngumiti at humakbang paatras na labis kong ikinamangha.

Talaga ngang malakas at natatangi ang kapangyarihang taglay ng tagapangalaga ng lupa dahil sa walang kahirap hirap na ipinamalas nitong kakayahan. Hindi maitatanggi na ako ay labis na namamangha.

Lumapit din ang isang lalaking sa tingin ko ay 5'11 din ang taas, matikas ang tindig nito na para bang seryoso ito sa buhay ngunit banayad ang kanyang paggalaw, singkit ang mga mata at kulay asul ito, esakto ang tangos ng kanyang ilong, at mapupulang mga labi, makinis at maputi ang balat nito, at malaki ang katawan. Suot nito ang parang bathrobe na kasuotan pasayad sa lupa, may mga sequence ang mga ito, may nakalaylay na mga tela sa magkabilang kamay nito na sumasayad din sa sahig, suot ang pilak na sinturon na may maliit na bakal na hugis pakpak sa gitna nito, may hikaw na kulay pilak na hanggang balikat ang haba nito.

Yumuko ito sa aking harapan. "Ako ay nasasabik na ikaw ay aking mayakap kapatid. Maligayang pagbabalik sa iyong tahanan! Ako si Lewin ang naatasang mangalaga sa elemento ng hangin. Taglay ko ang bagwis ng isang agila at bagsik ng ipo-ipo." Ani nito sabay na umihip ang hangin sa kapaligiran na tila kayang tangayin ang isang lupain. Agad din naman itong nawala kasabay nito ang kanyang pagngiti habang ako ay napako na lamang sa aking kinatatayuan dahil sa aking mga nasasaksihan.

Nasa ganoong pagkamangha ako nang bigla na lamang nagsilutang ang tubig na nasa pitchel at mga baso kasabay nito ay umikot ito sa paligid hanggang sa bigla na lamang ito hinipan ni lewin dahilan upang maglabas ito ng malakas na hangin at ilang sandali pa noong makita ko ang isang pigura ng bagay. Lumutang naman ang bagay na ito patungo sa akin na kaagad ko namang nakuha. Dito tumambad sa aking paningin ang isang parang model na laruan hanggang sa mapagtanto kong ako pala ang pigura na ito. Nagyeyelo ang bagay na ito dahil sa pagihip sa tubig ni Lewin kanina kaya tumigas ito at naging yelo na parang bato.

May lumapit namang isa pang lalaki na malinis ang buhok aniya'y bagong gupit, bilugan at singkit ang mga mata at kulay berde ang mga ito, matangos ang ilong, at ang maliit na labi nito dahilan upang umangat ang kagwapuhan nito, medyo kayumanggi ang kulay ng kanyang napakakinis na balat. sa palagay ko ay nasa 5'10 ang height nito. Ang pang itaas na suot nito ay ang isang kulay berdeng damit na see through at hapit na hapit ito sa kanyang katawan dahilan upang pumakat dito ang kanyang napakagandang pangangatawan, habang ang pangibaba naman ay isang berdeng slacks rin na see through mula paa hanggang tuhod ang kita rito, at mula tuhod hanggang bewang nito ay may mga parang kaliskis na ng isda ang nakalagay dito. Sa kanyang likuran ay nakasabit ang kulay berdeng see through din na kapa habang sumasabay ito sa pagihip ng hangin.

Yumuko din ito habang nakangiti. "Maligayang pagbabalik prinsepe Gilom. Ako si Gideon ang nangangalaga ng elemento ng tubig, taglay ko ang dalisay at malinis na hangarin gaya ng tubig na payapa at tahimik. Iyan ang regalong handog namin para sa iyo, nawa ay iyo itong  magustuhan." Turan nito sabay baling ng tingin sa pigurang aking hawak at walang ano ano'y bigla na lamang ako nitong niyakap na kaagad ko namang tinugon.

"Nagustuhan ko ito. Salamat sa mainit ninyong pagtanggap sa akin, ako ay labis na natutuwa." Ang mangiyak ngiyak kong saad at dito ay nakita ko namang lumapit ang dalawa at niyakap ako ng mga ito.

Nasa ganoong pagyayakapan kami nang bigla na lamang nagliwanag ang aming mga dibdib ayon na rin sa aming kulay na taglay. Pula ang akin, asul naman ang kay Lewin, berde ang kay Gideon, at kayumanggi naman ang kay Efron. Kumikisap ang mga liwanag na ito na tila sumasabay sa pagpintig ng aming mga puso dahilan upang magtinginan kaming apat at kita ko sa aming mga mata ang labis na pagkamangha.

"Ngayong nagsama sama na kayong apat, nararamdaman ng mga batong nakahimlay sa inyo ang koneksyon sa pagitan ninyong apat. Tuluyang naibuklod na kayo ng mga batong inyong pinangangalagaan, dito ay magkakaroon na ng balanseng klima at temperatura, kasaganahan at kaginhawaan ng lupain, dalisay na hangarin ng bawat mamamayan dito sa verathra, at pag asa sa bawat isa.

Payabungin at palakasin ninyo ang inyong mga kapangyarihan ng sa gayon ay magawa ninyong mapangalagaan at maprotektahan ang inyong nasasakupan. Huwag magpapalinlang sa mga gahaman at timawa sa lahat ng bagay. Mabuhay ang mga tagapangalaga!" Saad ng aking ama dahilan upang kami ay mapangiting apat.

Sa mga oras na ito ay nagiibayo ang aking pagnanais na matutunan at gamitin ang aking lakas sa kadahilanang nais kong mapangalagaan ang lupaing ito.

Nakakasiguro akong dito na magsisimula ang bagong kabanata sa aking buhay bilang isang mamamayan ng Verathra at tagapangalaga ng regalong magdadala ng kapayapaan at kasaganahan sa bawat sulok ng kaharian at lupain ng verathra.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

876K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...