Glowing Gems

By Quicke_Ow

8.3K 581 13

'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na du... More

WARNING!
AUTHOR'S NOTE
PHOTO CREDITS
GLOWING GEMS 1: DIYOS NA SI VERANDA
GLOWING GEMS 2: ANG MUNDONG GINAGALAWAN NI LOM
GLOWING GEMS 3: PAGTINGIN KAY LEE
GLOWING GEMS 4: MANANALIKSIK NA SI LOM
GLOWING GEMS 5: ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN
GLOWING GEMS 6: REGALO NG PALAD
GLOWING GEMS 7: MAHIWAGANG PANAGINIP
GLOWING GEMS 8: BUNDOK NG DUKARAWI
GLOWING GEMS 9: ANG MANLALAKBAY NA SI LOM
GLOWING GEMS 10: GABAY NA SI GAEL
GLOWING GEMS 11: KAHARIAN NG VERATHRA
GLOWING GEMS 12: HARING RASCAL
GLOWING GEMS 13: ANG PAGKATAO NI LOM 1
GLOWING GEMS 15: ANG MGA TAGAPANGALAGA
GLOWING GEMS 16: LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL
GLOWING GEMS 17: SAGRADONG SILID
GLOWING GEMS 18: KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN
GLOWING GEMS 19: PANAUHIN NA SI MADER ROSE
GLOWING GEMS 20: SA PILING NI LEE
GLOWING GEMS 21: ISLA NG MYUKI
GLOWING GEMS 22: MARKA NG KIDLAT
GLOWING GEMS 23: SAGRADONG SANDATA
GLOWING GEMS 24: PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM
GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO
GLOWING GEMS 26: HAKBANG TUNGO SA KABUTIHAN

GLOWING GEMS 14: ANG PAGKATAO NI LOM 2

118 20 0
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Nasa ganoong pagkarga ang aking ama sa aking anak ay may narinig kaming ingay na nagmumula sa labas ng palasyo. Kasabay nito ang pagpasok ng isa sa aming mga kawal.

"Mahal na hari, ang mga taong bayan nasa labas at nagkakagulo." Saad ng kawal.

"Teresa? Caloy?" Pagtawag ko sa aking mga katiwala at agad naman silang dumating.

"Dalhin niyo na muna ang sanggol sa silid at patulugin ito upang makapagpahinga." Saad ko at dali dali naman nila itong dinala sa silid upang patulugin.

Samantala ako naman ay nagtungo sa tarangkahan upang puntahan ang mga taong bayan. Noong dumating ako dito tumambad sa aking paningin ang mga taong bayan na may dala dalang mga solo at palaso na hindi ko alam ang dahilan. Ang mga taong bayan na ito ay tiwalag sa pamamalakad ng aking ama at may mga kasama ang mga ito ng mga rebelding mga tao. Habang ang mga kawal naman na nagbabantay sa tarangkahan ay nakabulagta na at wala ng malay na labis kong ikinagulat.

"Anong ibig sabihin nito!?" Galit kong tugon sa kanila.

"Ang sanggol ay isang sumpa sa lupaing ito. Maaari itong magdala ng kamalasan at sakuna sa lupain kung kaya't nais naming bawian ito ng buhay." Saad ng isang lalaking may dalang patalim na labis na sinang-ayonan ng mga kasamahan nito.

"Hindi maaari ang inyong nais dahil anak ko ang tinatapakan niyo!!! Umalis na kayo bago ko kayo isa isahin dito at dumalak ang inyong maruruming dugo sa kahariang ito!!!" Sigaw ko.

Sa tagpong iyon ay hindi ko alam na iyon pala ang magpapabago sa takbo ng aking buhay at ng aking nasasakupan.

"ANG PAGKATAO NI LOM 2"

Quicke_Ow

Part 14

PAGPAPATULOY...

Dahil sa kanilang binitawang mga salita ay tila agad akong nilukuban ng ibayong pagkamuhi at galit. Walang kapatawaran ang kanilang sinambit sa harapan ng aking ama at kailangan nila itong pagbayaran.

"Hindi maaari ang inyong nais dahil anak ko ang tinatapakan ninyo!!! Umalis na kayo bago ko kayo isa isahin dito at dumalak ang inyong maruruming dugo sa kahariang ito!!!" Sigaw ko.

"Hindi kami aalis rito hangga't hindi namin nakukuha ang kasumpa sumpang sanggol na naninirahan sa malas na palasyong ito!!!" Sigaw ng isa sabay na sumugod ito sa isa naming kawal dahilan upang magsimula ang labanan sa pagitan ng mga taong bayan at ang aming mga kawal.

"Protektahan ang hari!!" Naisigaw ko at dito nagtungo ang ibang mga kawal sa kinaroroonan ng aking ama.

Dali dali akong nanakbo papasok sa palasyo at tinahak ang daanan papunta sa silid kung saan naroroon ang mag asawa na sina Teresa at Caloy. Agad ko namang narating ang silid at dito ay naabutan kong pinapatulog ng mag asawa ang aking anak.

"Umalis na kayo rito! Isama ninyo ang sanggol at ako ay maghahanap ng mundo kung saan doon ay maninirahan kayo ng tahimik. Busugin niyo ng pagmamahal ang aking anak, alagaan niyo ito ng mabuti at palakihin na may paninindigan sa kanyang sarili." Natataranta kong saad.

"Heto ang kalahating sako ng ginto Caloy. Gamitin niyo iyan upang makapagsimulang muli. Gilom ang pangalan ng sanggol, ituring niyo siya na parang isang tunay na anak." Dagdag ko pa.

"Pangako namin iyan sa iyo prinsipe Rascal. Aalagaan namin siya at bubusugin ng pagmamahal." Saad ni Caloy.

"Mas mabuting isama niyo na rin si tandang Cora. Kunin niyo siya sa inyong silid at magkita kita tayo sa likod ng palasyo. Magiingat kayo sa labas." Turan ko sabay na kinuha ko ang bata at dali daling lumabas sa silid ang mag asawa.

Inilapag ko ang sanggol sa malambot na higaan at ipinikit ang aking mga mata. Dito ay nagsimulang magliwanag ang aking katawan.

"Ikaw Gilom ay lalaking masiyahin dulot ng labis na pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa iyo. Mamahalin ka ng lahat at gagabayan sa lahat ng oras. Magiging mabuti kang nilalang pagdating ng panahon. Ikaw ay magbabalik sa lupain kung saan ka nagmula upang maging kaisa sa pagtatanggol ng iyong nasasakupan.

Sa oras na ikaw ay magbalik sa ating lupain ay dadalhin ka ng pagkakataon sa akin at sa oras na masilayan mo ang aking mga mata ay ipaparamdam nito sa iyo ang aking pagmamahal at pananabik na ikaw ay aking muling mayakap. Dalhin mo ang aking pangalan at dangal bilang iyong ama at ang pagmamahal ng iyong ina. Sa ngalan ng diyos na iyong ina ay binabasbasan kita na ilayo ka sa panganib at masasamang kaganapan..." Pagsambit ko ng engkantasyon sa sanggol, kasabay nito ang pagliliwanag sa kinaroroonan ng sanggol. Ang liwanag na ito ay kulay ginto na may bahid ng kulay pilak. Palakas ng palakas ang liwanag na ito na ano mang oras ay maaari itong sumabog, maya maya pa ay bigla na lamang sumabog ang liwanag sa paligid dahilan upang bahagyang yumanig ang palasyo. Ilang saglit pa noong higupin pabalik ang sumabog na liwanag at naipon ito sa ibabaw ng sanggol at maya maya pa ay bigla na lamang nagliyab ang liwanag kasabay nito ang pagyanig ng paligid na sinabayan pa ng pagsabog galing kung saan at ilang sandali pa noong masilayan ko ang liwanag na nagmumula sa bulkan na patungo sa aming deriksyon. Sumabog ang bulkan dahilan upang magliwanag ito ng husto.

Dito ay malinaw kong nasisilayan ang bagay na nagtutungo sa aming kinaroroonan, ito ay isang lahar na nanggaling sa bulkan malapit sa kabundukan at patungo sa aming kinaroroonan.

Maya maya pa ay bigla na lamang hinigop ang lahar ng liwanag na nasa ibabaw ng sanggol dahilan upang umihip ang hangin sa paligid ganoon din ang pagiibayo ng apoy na nagliliyab sa paligid nito. Nasa ganoong paghigop ang liwanag siya namang pagliwanag ng mata ng sanggol hanggang sa mawala ang liwanag na nasa ibabaw ng sanggol at dito tumambad sa aking paningin ang isang kulay pulang bato na parang krystal na patuloy sa paglutang. Nagliliwanag ang bato sa kulay nito habang umiikot ito.

Patuloy ito sa ganoong pagikot hanggang sa unti unti itong bumababa patungo sa dibdib ng sanggol at walang ano ano'y bigla itong bumaon sa dibdib ng sanggol kasabay nito ang pagbahing nito habang mahimbing pa rin itong natutulog.

"...Iyan ang regalong ipinagkaloob sa iyo ng iyong ina. Matutuklasan mo rin ito pagdating ng tamang panahon at pagkakataon." Huling kataga ng engkantasyong aking sinambit.

Agad ko ng kinuha ang sanggol at nagtungo sa balkunahe ng silid at doon ako ay lumundag. Bumulusok ang aking katawan pababa ng palasyo hanggang sa matapakan ko ang lupa at dali daling nagtatakbo papunta sa likod ng bahay kung saan naroroon sina teresa at caloy.

"Ingatan ninyo ang aking anak at busugin niyo siya ng pagmamahal. Sa takdang oras na magising na ang kanyang kapangyarihan ay hayaan niyo siyang tuklasin ang mga bagay na nais niyang hanapan ng kasagutan. Mag iingat kayo." Saad ko sabay na hinalikan ang noo ng aking anak. Dito ay binuksan ko any lagusan patungo sa ibang mundo at dito ko sila pinapasok. Agad itong nagsara noong makapasok silang tatlo sa lagusan.

Agad naman akong nagtungo sa loob ng palasyo kung saan nagaganap ang labanan ngunit noong ako ay magbalik doon ay dito ko nadatnan ang malamig na bangkay ng aking ama. May mga tama ito ng mga palaso sa gawing likuran maging sa dibdib nito dahilan upang umakyat sa aking ulo ang labis na galit dahil sa sinapit ng aking ama.

Dala ng aking labis na pagkagalit ay bigla na lamang nagliwanag ang aking mga mata at dito nagsimulang yumanig ang kapaligiran kasabay nito ang paglutang ng aking katawan palabas ng tarangkahan at walang ano ano'y bigla akong bumulusok paitaas ng palasyo. Naglalabas ng gintong usok ang aking katawan na tila sumasaliw ito sa pagpintig ng tibok ng aking puso. Mas lalong nagiibayo ang aking galit at pagkasuklam na naging sanhi upang mas lalong magibayo ang liwanag ng aking mga mata kasabay nito ang pagliliyab ng aking buhok. Ilang sandali pa noong matagpuan ko ang aking sarili sa itutok ng palasyo habang binabalot pa rin ang aking sarili sa labis na pagkagalit.

"Isinusumpa ko sa mga taong nangahas na sugurin ang aking kaharian at pumaslang sa aking ama, sa mga sandaling ito ay magbabago ang inyong mga wangis!! mula sa maaamong mukhang taglay ninyo ay mapapalitan ang inyong mga anyo bilang isang mababangis na halimaw, upang kayo ay layuan at pandirihan ng mga mamamayan dito sa Verathra. Isinusumpa ko na sa oras na kayo ay mamatay, kayo ay maglalaho't magiging abo at walang bangkay ang matitira sa inyo dahil kayo ay salot sa lupaing ito. Isinusumpa ko rin na kahit kailan ay hindi makakapasok sa kahariang ito ang mga nilalang na may masasamang hangarin upang mapanatili ang kaligtasan ng mga taong naninirahan rito.

Sa ngalan ng tagapaglikha at pagmamahal ko sa lupaing ito ay babasbasan ko ang aking salita!!!!" Sigaw ko sabay na itinapat sa kalangitan ang aking mga kamay dahilan upang maglabas ito ng liwanag na kaagad na bumalot sa kaharian ng Verathra, dito ay nasilayan ng taong bayan ang isang malaking bilog ang bumalot sa buong lupain bilang aming pananggalang.

Nasa ganoong tagpo ako nang biglang lumabas ang napakalaking buwan sa kalangitan na may taglay na gintong liwanag. Isa isang nagsiangat ang mga taong nagkasala sa akin at dito ay unti unting nagbabago ang kanilang mga anyo. Naging mga halimaw ang mga ito na parang mababangis na mga uso at walang ano ano'y ikinumpas ko ang aking kamay at agad na tumilapon ang mga ito palabas sa kahariang ngayon ay balot na ng pananggalang.

Sa oras ding iyon ay labis na pagkagalit ang aking naramdaman dahil sa nagyari sa aking ama. Dito ay nangako akong magiging mabuting pinuno at hari sa aking nasasakupan upang mapanatili ang kaligtasan ng aking nasasakupan.

END.

Pagbabalik tanaw nito sa aking pagkatao't pinagmulan habang ako ay napaluha na lamang sa aking natuklasan.

Gulong gulo ang aking isipan sa mga sandaling ito tila pinaglalaruan ako ng tadhana at pagkakataon. Hindi ko lubos maisip kung ito ba ay isang  sumpa o isang regalo na ipinagkaloob sa akin. Alin man sa dalawa ay hindi ko alam, walang kasiguraduhan ang mga ito kung ito ba ay kaya kong tanggapin o hahayaan ko na lamang.

Sa kabilang banda naman ay labis labis akong natutuwa at nagpapasalamat dahil sa mga tagpong ito, ngayon ay wala na akong pagdududa sa aking sariling pagkatao dahil nagawa nitong matugunan ang mga agam agam na lumulukob sa akin.

Nanatili akong tahimik dahil sa hindi inaasahang pagkakataong ito. Hindi ko naman hiningi ang ganitong kaganapan sa aking buhay para danasin ko ito.

"Ang iyong ina ay isang diyos na gumugunaw at lumilikha sa iba't ibang mga nilalang sa iba't ibang pamamaraan. Balang araw ay makikilala ka rin niya sa tamang oras at pagkakataon, manalangin ka lamang at pagtatagpuin kayo ng pagmamahal. Veranda ang kanyang ngalan, isang napakagandang dilag na nagmula sa kalangitan at bumaba dito sa ating mundo upang kalugdan ang mga nilalang na naninirahan dito." Saad nito at walang ano ano ay bigla na lamang niya akong niyakap na kalaunan ay tinugon ko naman.

Labis na pagkagulat naman ang aking naramdaman dahil sa tinuran ng aking ama. Nasa ganoong pagkagulat ang aking sarili nang may isang tagpo akong naalala.

PAGBABALIK ALAALA...

Bumuntong hininga na muna ito bago magsalita. "Sa napakalayong kalawakan, may isang napakagandang dilag na hinahangaan ng lahat dahil sa kanyang yumi at ganda at lahat ng kalalakihan ay nahalina dahil sa kanyang taglay na wangis. Mahaba at medyo kulot ang buhok, bilugan at singkit nitong mga mata, makinis at maputi nitong balat na nakakasilaw sa tuwing matatamaan ng araw, ang mala makupa sa pula nitong mga labi ay sadyang napakasarap pagmasdan. Ang pangalan ng dilag na iyon ay si Veranda, si Veranda ay anak ng mga makapangyarihang mag asawang diyos na namumuno sa mundo nito, ang sagradong kaharian ng Arthata. Ngunit sa kabila ng napakaamo nitong mukha ay may taglay itong kapangyarihan na kayang lumikha at gunawin ang isang lupain at maging ang daigdig na maihahanay sa lakas ng kanyang mga magulang at higit pa, kaya't walang may naglakas loob na magtapat ng kanilang pag ibig sa dilag dahilan upang ito ay mag isa. Bagama't halos lahat ng mga kalalakihan sa lugar ay lubos itong iniibig.

Dahil sa pagiisa at kalungkutan nito ay napagpasyahan niyang gumawa ng kanyang sariling pahingahan na sing tulad ng paraiso kung ito ay iyong masisilayan. Doon ito ay namamahinga at nageensayo upang mapalakas ang kapangyarihan nito. Wala itong masamang intensyon sa kanyang nasasakupan dahil ang hangarin lamang nito ay maprotektahan ang sangkatauhan.

Taon ang lumipas noong humalili ito bilang reyna sa kanyang kaharian. Dito ay unti unti niyang naisasakatuparan ang kanyang mithiing protektahan at ilagay sa ayos ang lupain. Nilinis nito ang lupain, lahat ng may masasamang hangarin at gawain ay ipinatapon ito sa malayong lupain. Noong mailagay sa tahimik ang kaharian nito, dito ay nakaramdam na naman ito ng pag iisa kaya't nagisip ito ng paraan kung paano niya lilibangin ang kanyang sarili.

Nais nitong gumawa ng bagong mundo kung saan gusto niyang bigyang laya ang kanyang sarili na lumikha ng kung ano ano sa kadahilanang gusto niyang ibahagi ang kanyang kapangyarihan sa kanayng malilikha. Dito ay gumawa ito ng isang mundo o lupain na magtataglay ng kanyang lakas at kapangyarihan. Ang mundong ito ay tinawag niyang Verathra, naiiba ang mundong ito at punong puno ng hiwaga. Hindi man lang naisip ni Veranda na maaari itong pagmulan ng gusot dahil sa katimawaan at kasakiman sa kapangyarihan ang ilan sa mga nakatira rito.

Kaya't gumawa si Veranda ng isang sugo sa ngalan ni Zephyr na gawa sa putik, dahon ng sagradong puno sa paraiso ni Veranda. Binigyan buhay niya ito at ipinadala sa lupain ng Verathra upang hukuman ang sangkatauhan. Kaya't simula noon ay nagsilbing tagabantay na si Zephyr sa lupain ng Verathra. Sa paglipas ng mga panahon ay umusbong na ang iba't ibang kaharian sa Verathra upang pangalagaan ang bawat sulok nito. Ngunit sa pangamba ni Veranda na muling sakupin ng katimawaan sa kapangyarihan ang sanlibutan ay nagpasya itong gumawa ng bagay na mapapakinabangan ng sanlibutan at ibinigay niya ito sa mga namumuno sa lupain ng Verathra.

Ang mga kapangyarihang ito ay may kaugnayan sa mga elemento ng buhay ang; lupa, apoy, hangin, at tubig. Ipinamahagi niya ito sa bawat sulok ng lupain upang mapangalagaan ang bawat nasasakupan ng mga kaharian. Kaya simula noon ay nagkaroon na ng mabuting ugnayan sa pagitan nila." Kwento ni lola dahilan upang ako ay humanga.

END.

Totoo nga ang diyos na si Veranda at ang lupaing ito ay kanyang likha, ako ay galing sa laman ng aking ina na nagtataglay ng ibayong kapangyarihan na kayang hukuman ang sangkatauhan. Nawa ay nandito si lola upang maikwento ko sa kanya ang mga bagay na ito na nanggaling mismo sa kanyang mga tinuran.

"Kung gayon hindi ako normal na nilalang simula noong ako ay maliit pa lamang?" Takang tanong ko sa aking ama dahilan upang balutin ako ng kalungkutan at magibayo ang aking paghikbi.

"Ang iyong katawan ay nagtataglay ng kapangyarihang ilagay sa kondisyon ang iyong sarili. Gamit ang iyong kapangyarihan ay kontrolado mo ang pagiging mortal at immortal at may kakayahan kang gumalaw sa magkabilang mundo. Sa tuwing ikaw ay nakatapak sa mundo ng mga mortal ay nagiiba ang pagdaloy ng iyong dugo na gawa sa lahar gayon din kung ikaw ay nasa mundo kung saan ka nabibilang. Huwag mo ng isipan ang mga bagay na iyan dahil espesyal ka at ang iyong katawan ganoon din ang iyong kapangyarihan." Salaysay nito.

Tahimik...

Walang may gustong bumasag sa katahimikan dahil tinitimbang naming pareho ng aking ama ang sitwasyon habang patuloy pa rin kaming magkayakap. Ilang sadali pa noong haplusin nito ang aking likuran.

Hinahaplos nito ang aking likuran habang patuloy ako sa pagiyak. "Patawarin mo ako anak kung ito ay iyong nararanasan, sadyang mapaglaro lamang ang pagkakataon at tayo ang sinubok nito. Gayon pa man ay lubos akong maligaya at nagpapasalamat dahil muli kang ibinalik ng pagkakataon sa akin. Nawa ay tanggapin mo ako bilang iyong ama na nangungulila sa piling ng kanyang anak." Ani nito dahilan upang mas lalong mag igting ang aking nararamdaman.

"Hindi ko po alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito, ngunit nais kong malaman ninyo po na ako ay lubos na nagpapasalamat dahil binuo ninyo ang aking pagkatao sa tamang oras at pagkakataong ito. Mahirap para sa akin ang paniwalaan ang ganitong mga tagpo, tila ipinagdamot ito sa akin ng pagkakataon kaya't ngayon ko lamang ito nalaman at natuklasan." Turan ko.

"Binabati kita dahil natagpuan mo ang iyong sarili. Ginabayan ka lamang ng pagmamahal at ng iyong kapangyarihan. Muli, maligayang pagbabalik sa iyong tahanan aking anak." Saad pa nito sabay tapik sa aking balikat dahilan upang ako ay mapayuko.

"Salamat po mahal na hari." Nahihiya kong tugon.

Bahagya naman itong natawa. "Maaari mo akong tawagin sa kahit na anong ngalan, huwag lamang yung mahal na hari dahil ikaw ay hindi ko tagasilbi o kawal, ikaw ay aking anak." Natatawa nitong saad.

"Paumanhin po. Kung iyong nanaisin ay 'papa' na lamang po ang aking itatawag sa iyo." Nahihiya kong usal.

"Maganda ang ngalan na iyan mas masarap pakinggan. Huwag kang mahiya sa akin dahil magmula ngayon ang lahat ng ito ay sa iyo. Dalisay ang iyong kalooban tulad ng isang tubig na nagtataglay ng mala kristal na anyo nito. Napatunayan kong mapagkakatiwalaan sina Teresa't Caloy, hangad ko ang kaligayahan nilang dalawa." Saad nito sabay na nagliwanag ang kanyang mga mata at agad na tumingala sa itaas kasabay nito ang pagbulusok paitaas ng liwanag na parang laser at agad din namang nawala. Maya maya pa ay agad itong bumaling ng tingin sa akin at ngumiti.

Sa mga sandaling iyon ay maraming mga bagay pa ang aming napagusapan ng aking tunay na ama bagama't patuloy pa rin akong naguguluhan at nakakaramdam ng kirot sa aking dibdib dahil sa mga kaganapang ito. Tila hinahampas ang aking dibdib ng libo libong kahoy. Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito ang aking buhay.

Dito ay unti unti kaming nagkakapalagayan ng loob ng aking totoong ama. May taglay din itong kakulitan tila isa itong batang paslit na nakikipagkwentuhan sa kanyang kalaro dahilan upang ako ay mapangiti.

Nawa ay dumating ang panahon na matanggap ng aking sarili ang mga kaganapang ito. Ngunit ang lahat ng ito ay ipinauubaya ko sa elemento ng oras at pagkakataon.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

875K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...