Glowing Gems

By Quicke_Ow

8.3K 581 13

'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na du... More

WARNING!
AUTHOR'S NOTE
PHOTO CREDITS
GLOWING GEMS 1: DIYOS NA SI VERANDA
GLOWING GEMS 2: ANG MUNDONG GINAGALAWAN NI LOM
GLOWING GEMS 3: PAGTINGIN KAY LEE
GLOWING GEMS 4: MANANALIKSIK NA SI LOM
GLOWING GEMS 5: ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN
GLOWING GEMS 6: REGALO NG PALAD
GLOWING GEMS 7: MAHIWAGANG PANAGINIP
GLOWING GEMS 8: BUNDOK NG DUKARAWI
GLOWING GEMS 9: ANG MANLALAKBAY NA SI LOM
GLOWING GEMS 10: GABAY NA SI GAEL
GLOWING GEMS 11: KAHARIAN NG VERATHRA
GLOWING GEMS 12: HARING RASCAL
GLOWING GEMS 13: ANG PAGKATAO NI LOM 1
GLOWING GEMS 14: ANG PAGKATAO NI LOM 2
GLOWING GEMS 15: ANG MGA TAGAPANGALAGA
GLOWING GEMS 16: LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL
GLOWING GEMS 17: SAGRADONG SILID
GLOWING GEMS 18: KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN
GLOWING GEMS 19: PANAUHIN NA SI MADER ROSE
GLOWING GEMS 21: ISLA NG MYUKI
GLOWING GEMS 22: MARKA NG KIDLAT
GLOWING GEMS 23: SAGRADONG SANDATA
GLOWING GEMS 24: PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM
GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO
GLOWING GEMS 26: HAKBANG TUNGO SA KABUTIHAN

GLOWING GEMS 20: SA PILING NI LEE

105 8 0
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

"Ngunit bakit ka nawala sa lupaing ito?" Takang tanong ni Gurong Yunim. Palipat lipat lamang ang aking paningin sa kanila na tila nabusalan ang aking bibig.

"Nawala ako sa lupaing ito sa kadahilanang ako ay naatasan ng haring Rascal upang sundan sina teresa at caloy sa ibang mundo sa kagustuhan ng hari na bantayan at gabayan ko ang kanyang anak na si Gilom. Hindi ipinaalam kanino man ng hari ang aking agarang paglisan maging sa aking mahal na si Icarus upang hindi ako nito magawang hadlangan.

Sa mundong iyon ay hinanap ko si Gilom ngunit noong oras na matagpuan ko ito ay binata na ito at nagaaral sa kolehiyo sa unang taon nito. Upang matupad ang kagustuhan ng hari ay agad akong pumasok sa paaralan kung saan nagaaral si Gilom kahit salat ako sa kaalamang may kaugnayan sa mga bagay na nakapaligid sa akin. Agad namang napalapit sa akin si Gilom at dito ay palihim ko itong sinusubaybayan.

Ipinaalam sa akin nila Teresa't Caloy na si Gilom ay nagbalik na dito sa lupain kaya agad akong nakipagvideo call sa hari noong umiihi ito sa bowl, infairness daks ang lolo mez. Anyways, gusto ng hari na ako ay magbalik dito sa lupain sa kadahilanang nais nitong ipagpatuloy ang aking tungkulin bilang gabay." Salaysay nito dahilan upang maguluhan ang aking isipan. Hindi ko akalain na isa pala itong engkanto este Verathrian ngunit hindi man lang nito nabanggit sa akin ang bagay na ito.

"SA PILING NI LEE"

Quicke_Ow

Part 20

Hindi ako makatulog sa mga sandaling ito sa kadahilanang may mangilan-ngilang mga bagay ang bumabagabag sa aking isipan. Hindi ko maisalarawan kung bakit sa bawat pagkakataon na lumilipas ay tila hinahabol ako ng mga bagay na magpapagulo sa aking sarili.

Dahil sa kabagutan ay napagpasyahan kong magtungo na muna sa fountain area kung saan ang komportableng lugar para sa akin upang magmuni muni. Suot ang aking pangtulog ay minabuti kong ilagay sa naaayon na temperatura ang aking sarili dahil sa lamig ng kapaligiran.

Sa aking paglalakad ay nais ko sanang tawagin si Gael ngunit ayoko namang istorbuhin ito sa kanyang pamamahinga kaya napagdesisyunan kong maglakad na lamang ng mag-isa. Agad ko namang narating ang fountain at walang ano ano'y agad akong naupo dito.

Tahimik...

Tahimik sa kapaligiran at tanging ang mga huni lamang ng mga kuliglig ang maririnig sa bawat sulok ng lugar na ito.

Bigla namang umihip ang maginaw at malamig na hangin dahilan upang bahagyang manginig ang aking bibig. Ngunit agad ko namang nakontrol ang klima ng paligid.

Nasa ganoong pagmumuni-muni ako nang maramdaman kong may mga taong tumabi ng upo sa aking magkabilang tabi. Dito ay tumambad sa aking paningin sina Lee at Danny suot ang kanilang panlamig na damit. Hindi ko mawari kung bakit nakagown si Danny kung gayong matutulog na lamang ito ngunit hindi ko na ito binigyan pa ng pansin.

"Ano ang ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa dalawa.

Tumingin naman sa malayo si Danny. "Pupunta sana ako ng kusina upang kumuha ng tubig nang makita kita papunta rito kaya agad kong pinuntahan si Lee upang samahan akong puntahan ka." Paliwanag ni Danny ngunit tanging tango lamang ang aking naitugon.

Tahimik ulit...

Binalot kami ng labis na katahimikan na tila walang may gustong bumasag nito kaya ako na ang nangahas na bulabugin ang katahimikang ito.

"Danny?" Pagtawag ko rito.

Bumaling naman ito ng tingin. "Bakit? Gusto mo ba ng nectar? Marami ako doon sa garapon. Kung gusto mo iyang nectar na lang ni papa lee-bog." Biro nito dahilan upang bahagya kaming matawang tatlo.

Bigla namang sumeryoso ang paligid. "Bakit hindi mo naipagtapat o nabanggit man lang ang mga bagay na ito?" Takang tanong ko dito.

Hinaplos naman ni Lee ang aking likuran habang napabuntong hininga na lamang si Danny. "Ang mga bagay na ito ay mahirap paniwalaan at tanggapin. Wala akong lakas na ibulalas ko sa iyo ang mga bagay na ito sa kadahilanang ayaw kitang maguluhan at magduda sa iyong sarili. Isa pang dahilan kung bakit itinago ko sa iyo ito ay dahil sa hindi mo ako kayang paniwalaan dahil alam mo namang maloko ako sa buhay at tiyak kong pagtatawanan mo lang ako. Ngunit ngayon ay panatag na ang aking loob dahil sa natuklasan mo na ang mga bagay na ito." Pagpapaliwanag ni Danny.

"Maloko ka nga sa buhay ngunit iyon lamang ay upang pasayahin kami. Bakit hindi mo sinubukang ipagtapat sa akin? Ng sa gayon ay malaman natin kung kaya ko ba itong paniwalaan o pagtatawanan ka na lamang. Ngunit malinaw na sa akin na ang tanging hangad niyo lamang ay ang aking kapakanan. Sa kabilang banda naman ay labis akong nagpapasalamat na binibigyan ako ng lakas upang unawain at yakapin ang mga bagay na nakapaligid sa akin, ito ay sapat na upang makaraos ako sa bawat pagkakataon." Usal ko.

Nasa ganoong paguusap kami ni Danny ay naramdaman ko na lamang ang pagakbay sa akin ni Lee at walang ano ano'y ipinasandal ako nito sa kanyang mga balikat dahilan upang makaramdam ako ng kagaanan at kapayapaan sa aking sarili.

Ipinahinga ko ang aking sarili sa balikat ni Lee. "Kung sakali mang balutin ka ng kalungkutan at pagiisa ay hayaan mong pawiin namin ito. Nandito lamang kami para sa iyo." Pagpapagaan ng loob sa akin ni Lee dahilan upang pumatak ang isang butil ng luha pagapang sa aking pisngi dahil sa kanilang ginawa para sa akin.

"Maraming salamat sa inyong dalawa, kung wala kayo dito malamang mabubuang na ang aking sarili. Salamat sa pagpapalakas niyo ng aking loob, sadyang masyado lamang napakabilis ng pangyayari." Usal ko.

Nasa ganoong posisyon kami nang bigla na lamang dumating si Heneral Icarus at agad na humalik sa noo ni Danny.

"Kanina pa kita hinahanap mahal ko. Halina't tayo ay bumalik sa ating silid at magpahinga." Pagaya ng Heneral sa kanyang kasintahan kaya agad itong tumayo at nagtungo sa aking kinaroroonan at agad akong niyakap nito.

"Mauuna na ako frend, sigurado akong magdamag na labanan ito para sa amin." Natatawang saad ni Danny dahilan upang mapahagikhik ako ng tawa.

Agad namang umalis ang magkasintahan at ito naiwan kami ni Lee sa lugar na ito.

Maginaw sa paligid...

Patuloy sa pag ihip ang nakakaginaw na hangin sa kapaligiran habang nakasilay sa kalangitan ang hugis crescent na buwan.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Lee dahilan upang balingan ko ito ng tingin. "Ayokong nakikita kitang nasasaktan at nalulungkot dahil triple ang dulot nito sa akin, kung maaari lang ay ayaw kitang mahiwalay sa akin Gilom. Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin sa simula pa lang, huwag ka sanang magtaka kung espesyal ang turing ko sa iyo dahil ito lamang ang paraan kung paano ko maipapahayag ang aking nararamdaman para sa iyo." Pagtatapat nito dahilan upang bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi malamang kadahilanan.

"Sa totoo lang Lee, hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman na sa tuwing ikaw ay nasa aking tabi tila ligtas ako sa mga bisig mo. Marahil nga ay lumalalim na rin ang aking pagtingin para sa iyo ngunit kailangan ko ng sapat na panahon upang makasiguro sa aking sarili. Hindi ako bakla ngunit sa tuwing ikaw ay nasa paligid tila nais kong ipahayag ang aking damdamin sa iyo, nakakahiya mang aminin sa iyo ang mga bagay na ito subalit habang tumatagal ay mas lalo akong naguguluhan." Nakayuko kong saad habang bigla namang naginit ang aking mukha.

"Talaga Gilom? May pagtingin ka para sa akin?" Natataranta nitong saad na tila hindi mapakali sa kinaroroonan nito dahilan upang bahagya akong matawa.

Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at agad niya itong iniangat paharap sa kanya. "Kung gayon hayaan mong iparamdam ko sa iyo ang aking pagibig Gilom, hayaan mong lasapin ng iyong sarili ang pagmamahal sa aking piling ganoon din ang gagawin ko sa iyo." Maluha luhang saad nito at walang ano ano'y bigla na lamang gumapang sa aking pisngi ang luha ng kaligayahan.

Nasa ganoong posisyon kami noong biglang magtama ang aming paningin kasabay nito ang pagdagundong ng aking dibdib sa pagtibok nito. Ilang sandali pa noong bigla na lamang gumalaw ang mukha nito palapit sa akin kaya sa labis na pagtibok ng aking puso ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hayaan ito sa kanyang gagawin.

Dito ay naramdaman ko na lamang ang paglapat ng isang malambot na bagay sa aking labi hanggang sa magsimula itong gumalaw. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na lumalaban at nakikipagpalitan na ako ng halik sa kanya.

Totoo pala ang kanilang sinambit na kahit hindi ka marunong humalik ay magagawa mo na lamang ito kung nariyan na ang aktwal na kaganapang ito. Unang beses kong nakipaghalikan sa isang tao at sa lalaki pa, ngunit masarap ito sa pakiramdam na tila idinuduyan ako nito sa alapaap ng kaligayahan.

Patuloy kami sa paghahalikan hanggang sa mapagtanto ko ang kasiguraduhan sa aking nararamdaman. Ngayon ay handa ko nang isugal ang aking sarili para sa kaligayahan kaya nais kong ipaalam ito sa kanya. Wala namang masama kung aking susubukan basta't ang alam ko ay nagpapakatotoo lamang ako sa aking sarili.

Agad na kaming kumalas sa aming halikan dahilan upang maginit ang aking mukha dahil sa kahihiyan.

Bumaling naman ako ng tingin sa kanya sabay na bumuntong hininga. "Matagal ka ng naging parte ng aking buhay kaya sa tingin ko ay maaari ka nang pumasok at maging parte ng aking sarili. Isang taon mahigit mula noong maging manliligaw kita at dito nasaksihan ko ang iyong katapatan at katapangang ako ay iyong ipaglalaban. Kaya, nais kong sabihin na handa akong sumugal para sa aking kaligayahan...Sinasagot na kita Lee bilang aking kasintahan." Nahihiya kong turan at dito ay agad naman ako nitong niyakap ng mahigpit sabay na naramdaman ko ang paghikbi nito.

"Hindi ko maisalarawan ang aking nararamdaman dahil sa labis labis na kaligayahan. Ipinapangako ko sa iyong inang diyos at amang hari na ikaw ay aking aalagaan at poprotektahan. Ako ang iyong magiging sandigan at sandalan sa lahat ng oras, mahal na mahal kita." Ani nito sabay na padamping hinalikan ang aking mga labi na tila nanggigigil ito dahilan upang bahagya akong matawa.

"Ngunit kaiba ako sa lahat Lee. Hindi ka ba natatakot na maaari kitang masaktan o mapahamak ka dahil sa akin? Ayokong mangyari iyon dahil mahal kita." Pangangamba ko.

Kinurot naman nito ang aking pisnge. "Hindi ako natatakot dahil mahal kita at may tiwala ako sa iyo. Alam kong kakaiba ka ngunit noong panahon na malaman ko ang lahat sa iyo ay mas lalo kitang minahal dahil kaiba ka sa lahat. Ikaw ang nais kong makapiling at makasama Gilom." Ani nito kaya agad ko itong niyakap ng napakahigpit sabay na humagulgol sa mga balikat nito dahil sa labis na kaligayahan.

Sa mga sandaling iyon ay opisyal na ngang naging kami ni Lee na labis kong ikinatuwa. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito sa kabila ng mga kaganapang ito.

Ngayon ako ay susubukin sa ngalan ng pag ibig, mainam na ihanda ko ang aking sarili sa kadahilanang naniniwala ako na walang permanenteng bagay sa mundo. Ang mga ito ay ipinauubaya ko sa tagapaglikha na si veranda na aking ina, at sa ngalan ng elemento ng apoy.

ISANG LINGGO ANG NAKALIPAS...

Isang linggo ang lumipas magmula noong maging kami ni Lee. Sa nagdaang mga araw na iyon ay patatag kami ng patatag na parang mag asawa. Hindi naman ako nagkulang sa pagaalaga at pagaasikaso sa kanya sa lahat ng oras.

Kasaluluyan kaming naririto sa isang silid ng palasyo upang magpulong sa pangunguna ng aming amang hari na kasalukuyang kararating pa lamang galing sa paglalakbay, nagtungo na muna ito sa kanyang silid upang maglinis ng kanyang katawan. Mukhang importante ang aming paguusapan dahil sa parang nagmamadali ang aking ama.

Ilang sandali pa noong biglang bumukas ang pintuan at dito pumasok ang aking ama na nagmamadali sabay na umupo ito sa kanyang upuan.

Nagtataka naman kami sa ikinikilos ng amang hari dahilan upang magkatitigan kaming apat na magkakapatid habang nakahawak naman sa aking mga kamay si Lee.

"Ama, ayos lang po ba kayo?" Nagaalalang tanong ni Lewin.

"Bakit niyo po kami ipinatawag? Mukhang importante po ang paguusapan natin." Takang tanong ko.

Bumuntong hininga ito. "Ayos lamang ako mga anak. Tungkol naman sa agarang pagpapatawag ko sa inyo ay talagang napakaimportante ito." Saad nito sabay na napahawak sa sintido nito wari naguguluhan kaya agad kaming napatayo dahil sa pagaalala.

"Ayos lang po ba kayo mahal na hari?" Tanong ni Gurong Yunim ngunit tanging tango lamang ang naisagot nito habang patuloy pa rin kaming nagaalala.

"Ama, kami ay labis na nagaalala sa iyo. Sabihin niyo na po ang gusto ninyong sabihin ng sa gayon kayo ay makapagpahinga na." Nagaalala ding saad ni Gideon.

"Ano ba kasi iyon Haring Rascal? Kaimbyerna ka naman frend." Makulit na saad ni Danny.

Muli, bumuntong hininga na muna ito. "Habang ako ay tulog at tinatahak namin ang daan pauwi dito sa kaharian ay bigla na lamang akong may nakita na isang pangitain. Isang pangitain na kung saan binabalot ng kadiliman ang kaharian ng Verathra, maraming mga mamamayan ang nakabulagta sa sahig habang dumadalak ang dugo sa buong lupain, kulay pula ang buwan, at maraming kabahayan ang napinsala. Ilang saglit pa noong may makita akong nilalang na nakalutang sa ibabaw ng palasyo habang humahalakhak ito na tila naliligayahan sa sinapit ng kaharian." Salaysay ni papa dahilan upang magtitigan kaming lahat dito sa loob ng silid.

"Ngunit ama isa lamang po itong masamang panaginip, kaya't bakit po kayo nababahala?" Takang tanong ni Lewin dahilan upang mapayuko ang aking ama na tila malalim ang iniisip.

"Ang hari ay may kakayahang makita ang maaaring maganap sa hinaharap dahil saklaw nito ang kakayahan ng elemento ng diwa. Ngunit ang lahat ng ito ay nagsisilbing gabay lamang upang tayo ay makapaghanda sa maaaring mangyari. Marahil ay isa itong babala na kailangan nating paghandaan." Saad ng isang babaylang naririto dahilan upang panglakihan kami ng mata dahil sa aming natuklasan ukol sa aming ama.

Umayos naman ng upo si papa. "Ang pangitaing ito ay nangangahulugang kailangan nating maghanda para dito. Kailangan natin ng sapat na lakas upang magapi ang babalang iyon, ang kapangyarihan ng bawat elementong iyong hawak ay kailangang mapalawig ang taglay na lakas nito upang mapaghandaan ang babala. Tinitiyak kong may kinalaman ang mga ito sa kadiliman at kamatayan kaya kailangan nating maghanda." Saad ng aking ama.

Tahimik...

Binalot ang buong silid ng labis na katahimikan na tila tinitimbang ng bawat isa sa amin ang mga katagang tinuran ng aking ama. Talaga namang kahanga hanga ang lakas ng aking ama dahil sa may kakayahan itong makita ang hinaharap.

Tumikhim naman ang aking ama. "Nakapagdesisyon na ako. Bukas na bukas din ay sasama kayo kay Mader Rose at Gurong Yunim upang sanayin at gabayan kayo sa pagpapalawig ng inyong mga kapangyarihan. Huwag niyo akong alalalahanin dahil ako na lamang ang bahala dito sa kaharian. Tapos na ang pagpupulong na ito at kailangan ko na munang magpahinga. Salamat!" Usal ng aking ama sabay na tinahak ang daan palabas ng silid.

Marahil ay nais na ng aking ama ang agarang pamamahinga dahil sa pagod ito sa paglalakbay kaya ganoon na lamang ito kung kumilos. Nagkatitigan naman kaming lahat na naririto sa silid. Dito naramdaman ko na lamang ang paghigpit ng hawak ni Lee sa aking mga kamay.

Hindi ko lubos maisalarawan kung bakit tila napakabilis ng pangyayaring ito. Gayon pa man, kailangan kong maghanda sa mga bagay na maaaring maganap sa hinaharap upang mapagtagumpayan namin ang hindi kanais nais na magaganap.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

875K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...