Glowing Gems

By Quicke_Ow

8.3K 581 13

'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na du... More

WARNING!
AUTHOR'S NOTE
PHOTO CREDITS
GLOWING GEMS 1: DIYOS NA SI VERANDA
GLOWING GEMS 2: ANG MUNDONG GINAGALAWAN NI LOM
GLOWING GEMS 3: PAGTINGIN KAY LEE
GLOWING GEMS 4: MANANALIKSIK NA SI LOM
GLOWING GEMS 5: ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN
GLOWING GEMS 6: REGALO NG PALAD
GLOWING GEMS 7: MAHIWAGANG PANAGINIP
GLOWING GEMS 8: BUNDOK NG DUKARAWI
GLOWING GEMS 9: ANG MANLALAKBAY NA SI LOM
GLOWING GEMS 10: GABAY NA SI GAEL
GLOWING GEMS 11: KAHARIAN NG VERATHRA
GLOWING GEMS 12: HARING RASCAL
GLOWING GEMS 13: ANG PAGKATAO NI LOM 1
GLOWING GEMS 14: ANG PAGKATAO NI LOM 2
GLOWING GEMS 15: ANG MGA TAGAPANGALAGA
GLOWING GEMS 16: LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL
GLOWING GEMS 17: SAGRADONG SILID
GLOWING GEMS 19: PANAUHIN NA SI MADER ROSE
GLOWING GEMS 20: SA PILING NI LEE
GLOWING GEMS 21: ISLA NG MYUKI
GLOWING GEMS 22: MARKA NG KIDLAT
GLOWING GEMS 23: SAGRADONG SANDATA
GLOWING GEMS 24: PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM
GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO
GLOWING GEMS 26: HAKBANG TUNGO SA KABUTIHAN

GLOWING GEMS 18: KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN

112 11 0
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Patuloy ko itong pinagmamasdan hanggang sa higupin ang liwanag pabalik sa aking dibdib sabay na nagliwamag ng kulay pula ang aking mga mata at walang ano ano'y nagsimula nitong tunawin ang crystal na lalagyan nito dahilan upang ako ay mataranta ngunit hindi ko ito makontrol kaya labis akong nakaramdam ng pangamba at takot.

Ilang sandali pa noong tuluyang matunaw ang krystal at walang ano ano'y bigla na lamang lumutang ang libro patungo sa aking kinalalagyan hanggang sa matagpuan ko na lamang ang aking sarili na hawak ko na ang libro.

"Ayos ka lang ba Gilom?" Nagaalalang tanong ni Lee ngunit tanging tango lamang ang aking naitugon.

Tinapik naman ni Gurong Yunim ang aking balikat. "Binabati kita dahil nais ng librong iyan na matuklasan mo ang laman nito. Ang bawat librong naririto ay may engkantasyon na kung sino man ang kanilang magustuhan ay sila mismo ang magbibigay daan upang matuklasan mo ang nilalaman nila..." Tugon nito at dito bumaling naman ang aking paningin sa librong aking hawak.

"...Nararamdaman ng librong iyan na ang iyong matutuklasan rito ay may kaugnayan sa nais mong malaman bagama't hindi mo alam sa iyong sarili kung ano ang nais at gusto mong matuklasan. Ang librong iyan ay may kinalaman sa kasaysayan at nakaraan."

"KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN"

Quicke_Ow

Part 18

Agad na namin dinala ang libro sa malapit na mesa kung saan namin pwedeng basahin ang nilalaman nito. Tila binalot naman ako ng labis na pananabik na matuklasan ang kasaysayang hatid ng libro, marahil ay epekto na rin ito ng pagbibigay basbas sa akin ng aking mga kapatid at sa mga tinuran ni Gurong Yunim.

Hindi namin alam kung paano mabubuksan ang librong ito dahil sa bakal na makapalibot dito na tila silyado at walang tiyansa na mabasa namin ang nilalaman nito. Gayon pa man ay hindi kami sumuko sa pagsubok na buksan ang librong ito.

Nasa ganoong paghihirap kaming buksan ang libro ay bigla na lamang nagliwanag ang aking dibdib at mata. Maya maya pa ay bigla na lamang nagbaga ang bakal na tila ibinabad ito ng napakatagal sa apoy hanggang sa unti unting gumalaw ang kulay pilak na bakal paalis sa libro. Dito ay nakaawang na ang libro na ang ibig sabihin ay pwede na itong mabuksan kaya dali dali kong binuklat ang libro at dito tumambad sa aking paningin ang isang larawan, larawan ito ng apat na bato na kumikinang na sa pagkakaalam ko ay ito ang mga regalong bato na aming pinangangalagaang magkakapatid.

"Ikaw nalang ang bumasa Gilom, at kami naman ay makikinig na lamang." Saad ni Lee habang bahagyang nagkakamot sa batok nito ngunit sinang ayonan ko naman ito.

Bumuntong hininga na muna ako bago basahin ang nakapaloob sa libro.

"KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN.

Bago pa man umusbong ang apat na kaharian ay may mga nilalang na ang nabubuhay sa lupain ng Verathra, mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang kakayahan kagaya ng pagtuklas ng lunas para sa karamdaman sa pamamagitan ng paghipo sa mga halaman at bulaklak, pagbibigay ng basbas, engkantasyon, at sumpa sa isang nilalang, kakayahang lumipad at sumabay sa ihip ng hangin, at taglayin ang lakas ng libo libong mandirigma. Ilan lamang iyan sa mga kakayahang tinataglay ng mga nilalang sa lupain ng Verathra na kung tawagin ay mga 'Verathrian'. Ngunit sa paglipas ng panahon ay nagpasalin salin na ang kakayahang ito at lumawak ang kaalamang gamitin ang mga ito, hanggang sa ang bawat lahi na may kakayahang manggamot, magbigay ng sumpa, sumabay sa hangin, at ang lakas ng libo libong mandirigma ay nagkasundong maghiwa hiwalay upang lumago at palawigin ang bawat lahi nito.

Ang mga Verathrian ay nagkalat sa bawat sulok at parte ng lupain. Sa hilaga namamalagi ang tribo ng mga manggagamot, sa kanluran naman namamalagi ang lahi ng mga Verathrian na nagbibigay ng mga basbas, sa timog ay ang tribo ng mga Verathrian na may kakayahang lumipad, sa silangan ay ang lahi ng mandirigma at malalakas na nilalang. Tahimik na namumuhay ang apat na tribo sa bawat sulok ng lupain hanggang sa may mga nilalang ang naging gahaman at sakim sa kapangyarihan at talento kaya nagawa nitong manakit at mang angkin ng kakayahan sa iba't ibang lahi.

Marami ang nagnanais na maging malakas at taglayin ang iba't ibang talento kaya nagawa nilang mang angkin ng kakayahan sa iba't ibang pamamaraan.

Dahil dito, sumiklab ang madugong labanan sa pagitan ng mga lahi at ang mga nilalang na naging sakim at gahaman sa kapangyarihan upang maprotektahan at mapanatili ang kapayapaan sa lupain ng Verathra. Mahigit tatlong taong hindi nabigyan ng katahimikan at kapayapaan ang lupain ng Verathra kung kaya't ang mga Verathrian ay nanalangin at nagdasal na sana ay magwakas na ang katimawaang ito, ang mga Verathrian ay nananalig at sumasamba sa tagapaglikha na si Veranda.

Maraming nilalang ang napaslang at nadamay dahil sa kalapastanganang nagawa ng mga taong may masasamang hangarin. Habang ang mga Verathrian naman ay nanatiling nanalig na may saklolong dadating upang sila ay mailigtas sa mga kamay ng mapagsamantala, bagay na hangad ng kanilang mga puso. Dito ay nabuo ang isang sandatahang lakas na maaaring makagapi sa mga rebeldeng may masamang hangarin, sa tulong ng mga mandirigmang naggaling sa silangang parte ng lupain ay nagawa nilang magkaisa upang wakasan ang labanan sa kasaysayan.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na namang sumiklab ang labanan sa pagitan ng dalawang hukbo. Nagsama sama ang iba't ibang lahi upang gapiin ang kasamaang hatid ng mga ito. Nasa ganoong paglalabanan ang lahat ng bigla na lamang may isang liwanag ang nahulog galing sa kalangitan na lumikha ng labis na pagyanig hanggang sa mabuo ang isang pigura ng isang nilalang, isang nilalang na triple ang laki sa elepante.

Pinaniniwalaan na ang nilalang na ito ay ang sugo ng diyos na si Veranda dahil sa balot ito ng puti at gintong kasuotan, gaya ng sa tao ang anyo nito ngunit wala itong mukha dahil sa balot ang mukha nito ng nakakasilaw na liwanag habang hawak nito ang isang espada dahilan upang magsitigil ang mga nilalang na naglalabanan.

Ilang saglit pa noong magliwanag ang kamay ng nilalang na iyon hanggang sa itinapat niya ito sa mga nilalang na balot ng labis na pangamba at takot. Marahang hinahawi ng nilalang na iyon ang kanyang kamay hanggang sa unti unting nagiging abo ang mga nilalang na may masamang hangarin at nangahas na nakawin ang kakayahan at talento ng mga Verathrian. Unti unting nababawasan ang bilang ng mga kalaban hanggang sa wala ng masasamang loob ang natira.

Sa mga sandaling iyon ay bigla na lamang naglaho ang liwanag kasabay nito ang pagusbong ng kapayapaan at katahimikan sa lupaing iyon na nagbigay ng panibagong pag asa sa mga mamamayan ng Verathra. Iniahon ng bawat tribo ang kanilang lupain at nagsimulang muli.

Araw ang lumipas noong may matuklasan ang bawat tribo na isang bagay na lumulutang sa itaas ng kanilang mga teritoryo. Ang mga bagay na ito ay mga batong nagliliwanag sa kulay na asul, pula, berde, at kayumanggi at ang mga ito ay nagtungo sa mga nilalang na tumatayong lider at pinuno ng mga tribo.

Habang tumatagal ay unti unti nilang natutuklasan ang kapangyarihan at kakayahan nito. Ang kulay na kayumanggi ay sumisimbolo sa kasaganahan at kaginhawaan gaya ng lupa, ang berde naman ay simbolo ng dalisay at kalinisan ng hangarin gaya ng tubig, ang pula ay sumisimbolo sa kadakilaan at kabayanihan gaya ng apoy, at ang asul naman ay simbolo ng paninindigan gaya ng isang hangin.

Ang mga batong ito ay may kaugnayan sa tubig, apoy, lupa, at hangin na maaaring tugunan ang bawat pangangailangan ng mga Verathrian. Dito ay nagsimula nang umusbong ang mga kaharian na naglalayong matugunan ang pangangailangan ng bawat nilalang. Mula sa mga tribo ay napalitan ito ng isang sibilisasyon na may mga istrukturang matatayog at matitibay. Nagsimula nilang itayo ang tribo bilang isang ganap na kaharian na kalauna'y umusbong na may pagkilala sa biyayang kanilang natanggap.

Sa silangan nakahimlay ang 'Kaharian ng Ignis' na pinamumunuan ni Haring Adair na may maunlad na sibilisasyon, dito nagmula ang mga Verathrian na miniro at panday, taglay nila ang talento na may kinalaman sa apoy, magagaling sa paggawa ng taktika sa pakikidigma at nananalaytay sa kanilang dugo ang lakas ng libo libong mandirigma.
Sa timog naman ang 'Kaharian ng Alwalis' na pinamumunuan ni Reyna Meira na isang sibilisadong kaharian dahil sa kanilang mga sasakyang panghimpapawid na kayang maglakbay papunta sa malalayong lupain, taglay nila ang kakayahang sumabay sa ihip ng hangin sa pamamagitan ng paglipad, magagaling silang gumawa ng panibagong teknoloya na pinakikinabangan ng mga nilalang na naninirahan doon.
Sa gawing kanluran ay ang 'Kaharian ng Ganawi' sa pangunguna ni Reyna Ulyssia na may mapayapang lupain at sibilisasyon, nakahimlay sa kanila ang kakayang magbigay ng sumpa, engkantasyon, at basbas, mayaman ang kaharian sa pangingisda dahil ito lamang ang tanging ikinabubuhay ng mga mamamayang naninirahan doon, ang kapangyarihan ng mga ito ay may kinalaman sa tubig.
At sa hilaga naman nakatirik ang 'Kaharian ng Huraw' sa pangunguna ni Haring Cyprian na may kakayahan ang mga nilalang na manggamot at gamutin ang kanilang sarili, mayaman ang kaharian sa agrikultura dahil taglay ng mga magsasaka ang kapangyarihan ng lupa, magaling sila sa paggawa ng mga alak at panglunas, taglay nila ang pagtuklas ng mga halamang gamot sa pamamagitan ng paghaplos sa mga ito.

Sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan, ang mga tagapangalaga ng mga bato ay nagsasama sama upang basbasan ang lupain na mabigyan ng kasaganahan at katahimikan ang bawat sulok nito. Matiwasay ang pamumuhay ng bawat lupain hanggang sa unti unting bumabagsak ang kabuhayan at mga ari arian ng bawat kaharian sa hindi malamang kadahilanan.

Isang araw ay bigla na lamang gumuho ang mga kaharian sa paniniwalang hindi sila ang nararapat o sapat na mangalaga sa mga batong ipinagkaloob sa kanila. Ang kaharian ng Ignis ay tinupok ng apoy dahilan upang mabura ito sa kasaysayan, ganoon din sa kaharian ng Ganawi na inilubog ang lupain sa tubig, ang kaharian ng Alwalis ay tinangay ng malakas na ihip ng hangin, at ang kaharian ng Huraw naman ay kinain ng lupa. Ang mga kahariang ito ay nabura na sa lupaing ito sa kasalukuyan at ito ay bakas na lamang ng kasaysayan.

Ang mga batong pinangangalagaan ng mga tagapangalaga ay bigla na lamang humiwalay sa kanila. Ang bato ng Lupa ay sumama sa buhangin, ang bato ng tubig ay natunaw at nanatili sa dagat, ang bato ng hangin naman ay parang usok na naglaho at sumama sa hangin, at ang bato ng apoy naman ay umangat sa kalangitan at biglang naging bulkan ito. Pinaniniwalaang muling magpapakita ang mga batong ito sa tamang oras at panahon, kusa itong isusuko ang kanilang mga sarili sa karapat dapat na mangalaga nito.

Ang mga batong ito ay hindi na napakinabangan sa pagdaan ng panahon, ang mga mamamayan naman ay nawalan ng kabuhayan. Walang natira sa mga tagapangalaga kundi ang kanilang mga talento na lamang hanggang sa isang araw ay may isang lalaki ang nakatuklas sa isang masaganang lupain, angkop na klima at temperatura, malawak na pangisdaan, at masaganang lupaing pagmiminahan. Ang lalaking ito ay may kakayahang higit pa sa apat na tribong may talento, ang lalaking ito ay nangako ng kapayapaan at kasaganahan kung tutulong sa kanya ang mga nilalang upang gumawa ng panibagong kaharian na ipagbubuklod ang mga talento ng bawat isa. Walang masamang hangarin ang lalaking ito kundi ang matugunan ang bawat pangangailangan ng mga mamamayan ng Verathra.

Nagtagumpay nga ang lalaking iyon na itayo ang kaharian kapalit ng katahimikan at kapayapaan para sa lahat. Dito ay kinilala ang lalaki bilang kanilang pinuno at hari sa kadahilanang may sapat na lakas ito upang protektahan ang kanyang nasasakupan. Ang kaharian ay tinawag na Verathra dahil sa ipinagbuklod ang kanilang kakayahan, paniniwala, at paninindigan gayon din  ang apat na mga lahi at ito ang nagbuklod sa kanila upang kalugdan ang lupain ng Verathra. Ang hari ay kinilalang si Haring Ignar taglay ang apat na talentong handog ng tagapaglikha.

Naging matiwasay ang pamumuhay ng kaharian magmula sa mga oras na yaon hanggang sa kasalukuyang panahon.

At iyan ang kasaysayan ng apat na kaharian ng Verathra.

End.

Tahimik...

Binalot kami ng labis na katahimikan dahil sa aming natuklasan. Kung gayon hindi lamang ito ang kaharian ang umusbong dahil may apat pa ang nauna bago pa rito.

"Bakit naman kaya hindi karapat dapat ang mga naunang pinuno sa bawat sulok ng lupaing ito gayong nailagay nila sa kanilang mga kamay ang kasaganahan at kapayapaan ng lupain?" Naitanong ko noong mga sandaling iyon.

Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi naging sapat na mangalaga ang mga sinaunang tagapangalaga ng mga bato gayong ang mga bato mismo ang pumili sa kanila upang mangalaga.

"Hindi natin masasabi. Ang bawat kaganapang nagaganap ay nakatakda at ang bawat nakatakda ay may kalakip na dahilan. Marahil nga ay may isa pang dahilan kung bakit nawasak ang iba pang mga kaharian. Alin sa mga ito ay hindi natin alam." Ani ni Gurong Yunim.

Tahimik...

Walang may gustong bumasag sa katahimikan. Tila tinitimbang pa namin ang mga kaganapan sa nakalipas.

Bigla na lamang may tumapik sa aking balikat at dito napagalaman kong si Lee ito. "Marahil ay talaga ngang napakamakapangyarihan ng mga batong iyon kaya't nararamdaman nila na may mas karapat dapat pang mangalaga nito o baka naramdaman ng mga ito ang bagong paparating na mga tagapangalaga. Tulad mo, marahil nga ay ito ang dahilan kung bakit ka ibinalik ng iyong kapangyarihan kung saan ka nabibilang upang magampanan mo ang hinihinging tungkulin sa iyo ng bato." Salaysay ni Lee dahilan upang balingan ko ito ng tingin sabay bigay ng ngiti.

"Marahil nga ay iyon ang nais ipahiwatig ng mga kaganapang iyon. Ngunit maging kami man na nangangalaga rito ay walang kasiguraduhan sa maaring idulot ng kapangyarihang ito, pwedeng ito ang magdala sa amin tungo sa katahimikan o sa kapahamakan. Alin sa dalawa hindi namin alam." Turan ko dahilan upang matigilan silang dalawa.

"Gurong Yunim? maaari ko ba itong dalhin upang italakay ko rin ito sa aking mga kapatid." Pagpapaalam ko rito na kaagad naman nitong sinang ayonan.

Sa mga sandali ding iyon ay agad kong kinausap ang aking mga kapatid. Katulad ng aking katanungan ay ganoon din ang kanilang naging katanungan ngunit wala kaming may nakuhang kasagutan kaya't ipinagpaliban na muna namin iyon.

Sa kabilang banda naman ay labis akong namamangha dahil sa aking natuklasan. Hindi ko lubos maisalarawan na ganoon pala ang sinapit ng lupaing ito.

Sisikapin naming magkakapatid na hanapan ng kasagutan ang mga bagay na ito at balang araw ay mabibigyan din ng linaw ang aming isipan.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

876K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...