Unexpected Soulmate

Oleh Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... Lebih Banyak

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 25

48 3 0
Oleh Chencheniah


PRECIOUS' POV

ILANG ORAS na akong andito sa loob ng kwarto. Hindi ako makatulog pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pilit kong ipikit ang aking mga mata ngunit gising na gising parin ang diwa ko. Kaya napagdesisyonan kong bumangon at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay dumiretso ako verandah nitong bahay. Medyo nagulat ako nang makita kong ando'n din pala si Rhanz. Nakaupo siya sa bakal na silya habang nakatanaw sa kawalan. Tatalikod na sana ako para bumalik nalang sa kwarto ngunit bigla siyang nagsalita.

"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" napalingon ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyon. Ngunit nanatili parin sa kawalan ang paningin niya.

"Ahm..Ano.." bumuntong-hininga pa muna ako bago ko pinagpatuloy ang sasabihin ko. "Hindi ako makatulog," mahinang sabi ko.

Hindi siya nagsalita sa halip ay narinig kong bumuntong-hininga siya. Kaya lumapit ako sa kanya pero nanatili lamang akong nakatayo habang nakahawak sa railings nitong verandah at sinabayan siyang tanawin ang kawalan.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ko na nasa langit ang paningin.

Palubog na ang araw at kitang-kita ito mula rito. Kay sarap niyang pagmasdan.

"Wala 'to.." mapaklang sagot niya.

Kunot-noo ko siyang tiningnan at saka tiningnan naman niya ako ng may pagtataka. Hindi ko lang nararamdaman ang panlalamig niya kundi nakikita ko rin ito sa mga mata niya. Naninibago ako sa pakitungo niya sakin ngayon. Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang mali sa kanya na ikadahilan para maging ganito siya. Siguro ay may problema lang ito.

"'Wag mo kong titigan ng ganyan." sabay iwas ng tinging sabi niya.

"May problema ka ba?" agad na tanong ko.

Yumuko siya at para bang pinahiran niya ang mga mata niya. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o hindi. Ano ba talagang problema nitong lalaking 'to?

Tumayo siya at itinuon ang dalawang kamay sa railings. Saka tumingala sa langit. Sinundan ko naman ang paningin niya kaya pariho na kaming nakatingin sa madilim-dilim na langit.

"Bakit mo naman nasabi na may problema ako?" tanong niya.

"Nababasa ko kasi sa mga mata mo..parang may gumuhit na lungkot." sabi ko saka tumingin sa kanya. Nakatingin na pala siya sakin kaya nagtama ang mga paningin namin.

"Malungkot na ba talaga akong tingnan?" tanong niya ulit na hindi man lang inalis ang tingin sakin.

Tumango ako saka pilit na ngumiti. "Alam mo.. pwede mo namang e share sakin 'yan e. Andito lang naman ako makikinig sayo.."

"Kung sasabihin ko ba sayo.. hindi ka magagalit sakin? O magbago ang pakikitungo mo sakin?"

Kunwari pang natawa ako. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Wala lang.. baka 'pag sinabi ko sayo ang problema ko, kung problema nga ba ang matatawag dito ay iyon ang gagawin mo.."

Saka palang ako nag-iwas ng tingin sa kanya at ibinalik sa langit ang paningin ko.

"Promise 'di ako magagalit o magbabago.." sabi ko.

Narinig ko pa na muli siyang naglabas ng malalim na pagbuntong-hininga.

"Precious, pwede ba 'kong humingi ng isang yakap?" malumanay na sabi niya.

Nagulat ako sa tanong niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Hindi pa man ako nakasagot ay lumapit na siya sakin saka yumakap.

'Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?'

Narinig ko ang pagsinghot niya kaya napilitan akong yumakap pabalik sa kanya upang hagorin ang likod niya.

Siya na rin ang unang kumalas at bahagyang tumagilid para punasan ang mga luha niya. Sinilip ko pa ang nga mukha niya.

"Ano bang nangyari sayo, Rhanz? Bakit kaba umiiyak?" pilit ko siyang iniharap sakin.

"Precious.." humugot pa muna siya ng malalim na hininga saka tumingin sakin ng diretso. "Siguro.. ito na ang tamang panahon para sabihin ko ito sayo. Sana huwag kang magalit sakin."

"Rhanz ano ba kasi 'yan.. kinakabahan na 'ko sayo e! Sabihin mo na kasi sakin ng diretso--"

"I liked you.." biglang sabi niya dahilan upang matigilan ako. "No.. erase that. I think 'I love you'.. I-I don't know when I start falling inlove with you.. I-I just suddenly fell it and all the time na magkasama tayo, I always felt so happy. Basta, I can't explain it well." umiiling pang aniya. "You are the only girl I always wanted to be with.. I don't know why basta komportable akong kasama ka, like this. All of my existence, ikaw palang ang nakakapagparamdam sakin ng ganito.." maluha-luhang sabi niya.

"Rhanz," wala na akong ibang masabi dahil sa gulat.

Hindi ko 'to inaasahan at mas lalong hindi ko na talaga alam ang sasabihin pa. Parang hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko pero hindi ko maramdaman ang tibok ng pagmamahal. Siguro nga ay dahil kaibigan lang ang turing ko kay Rhanz at wala ng hihigit pa do'n.

Pero natatakot akong masaktan siya. Ayoko rin namang tanggapin ang nararamdaman niya para lang maging masaya siya. Gusto kong magpakatotoo sa kanya at kahit pa saang anggulo ko pa tingnan, masasaktan ko lang siya. Mas lalong ayoko siyang paasahin dahil alam ko naman na hindi ko magawang suklian ang pagmamahal niya. Tanging si Zion lang ang tinitibok nitong puso ko at wala ng iba pa.

"I always get what I want noon pa, pero no'ng dumating ka.. do'n ko na-realized na hindi pala lahat ng gusto ko nakukuha ko. Dahil ang hirap mong abutin, Precious. Ang hirap pumasok sa puso mo lalo na't alam ko na may ibang nagmamay-ari na rin niyan." madamdamin niyang sabi.

"Rhanz," wala na talaga akong lakas na loob para magsalita pa.

"Precious, masaya ako dahil sa wakas nasabi ko na ito sayo. Hindi ko pinagsisihan na naramdaman ko 'to.." suminghot pa siya saka pinahiran ang sariling luha. "Alam kong mahal ka ni Zion at narinig ko rin na mahal mo din siya.. A-Ayokong maging selfish. Kaya hindi ko hiningi sayong suklian mo ang nararamdaman ko. Okay na 'ko na nasabi ko na ito sayo kesa ikimkim at pagsisihan in the next day."

Mas naluha ako nang makita ko na pilit niyang ipakita sakin na okay lang sa kanya kahit hindi ko siya masuklian.

"I loved you.. pero hindi ko hawak ang puso mo.. Don't worry I'm still here and I'll always be here for you. Sana pagkatapos nito ay hindi magbabago ang trato mo sakin. Pero maiintindihan ko kung sakaling magbago ka at iiwas sakin." nagbaba siya ng tingin at pinunasan na naman ang sariling luha. "Suportado parin ako sayo para sa pinsan ko. Alam ko namang hindi ka niya sasaktan e. Kaya kahit papa'no ay naging panatag narin ang loob ko because.. I know how Zion loved you so much. And I'm glad that you loved him also.."

Nakayuko parin siya at patuloy sa pagsinghot sabay pahid ng luha niya. Nanginginig ang kamay ko na humawak sa pisngi niya upang mag-angat siya at magtama ang paningin namin. Pinahiran ko pa ang mga luha niya.

"Rhanz, maswerte ako dahil andyan ka palagi sa tabi ko. Mas maswerte ako dahil nakilala kita. Masaya din naman ako kapag kasama kita e. Ikaw yung tao na hindi boring kasama. Alam mo..kahit inaasar mo 'ko palagi, natutuwa parin ako. Dahil walang ibang umaasar sakin ng ganoon bukod sa kuya ko e." habang sinasabi ko iyon ay naghahabulan ang mga luha kong pumatak. "Special na tao lang ang makakagawa ng ganoon sakin..Kaya isa ka na rin sa mga special para sakin."

Nagbaba ako ng tingin saka kinuha ang dalawang kamay niya at muling nag-angat ng tingin sa kanya.

"Ikaw ang tipong lalaki na pinapangarap ng maraming kababaihan.. Nasa iyo na ang lahat e..Hindi lang panlabas ang maganda sayo kundi pati kalooban. You're more than perfect, Rhanz.." natawa pa siya kunwari. "Pero I'm really sorry.. ayoko mang masakatan ka pero wala ng ibang paraan kung paano ko ito sasabihin sa'yo nang hindi ka masasaktan e.. Tama ka mahal ko si Zion kaya.. sorry dahil hindi ko talaga masusuklian ang pagmamahal mo. Sana maiintindihan mo rin ako, Rhanz?"

"Naiintindihan naman kita e.. Kaya wala kang dapat ipag-alala." binigyan niya ako ng ngiti ngunit alam kung pilit lang iyon.

Wala sa sarili napayakap ako sa kanya. Yumakap naman siya sakin pabalik.

"Thank you for always being there, Rhanz. I really appreciate you.." sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.

Kumalas na kami sa yakapan namin. Nakokonsensya man ngunit pilit ko paring gawin ang tama. Naiintindihan ko naman siya at hindi naman niya kasalanan na makaramdam ng ganoon dahil alam kong hindi rin niya iyon sinasadya.

"Sige na.. magpahinga ka na. Alam kong pagod ka kaya kailangan mong magpahinga." sa kabila ng nararamdaman niya ay ako parin ang inaalala niya.

Bumuntong-hininga pa muna ako saka sinalubong ang tingin niya. "Sige.. ikaw rin magpahinga ka na."

"Magpapahangin lang muna ako.. gusto ko rin sanang mapag-isa."

"Sige.."

Yun lang at tinalikuran ko na siya. Mabigat sa dibdib na may nasasaktan akong tao na wala namang ibang ginagawa kundi ang mahalin ako. Walang ibang pinapakita kundi kabutihan. At mas lalong walang ibang inintindi kundi ang kapakanan at kasiyahan ko.

Bakit ba kasi ito nangyayari?

Nakahiga at nakatulala lang ako ngayon. Hindi ko na alam kong ilang minuto o oras na bang nakatitig ako sa kisame. Hindi ko na rin mabilang ang pagbuntong-hininga ko.

Sigurado akong nasaktan ko si Rhanz at hindi ko iyon ginusto. Sana magiging okay na ang lahat. Sobrang bigat na kasi sa puso e..

Sa sobrang pagkalunod ko sa pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ang diwa ko nang marinig kong nag-vibrate ang phone ko. Nakapikit akong kinapa ito sa side table at sinagot ang tawag na hindi man lang tiningnan kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hello?" mahinang sagot ko.

"Anak? Precious anak? Ikaw ba 'yan?"

Napamulat ako dahil sa boses sa kabilang linya. Kaya tiningnan ko ang pangalan ng caller sa phone ko para ikomperma kong siya nga at tama nga ako kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Anak? A-Are you still there?"

"Mommy?" puno ng kaba ang boses ko.

"Anak.. Kumusta ka na? Okay ka lang ba? Anak.. miss na miss na kita.." dinig ko pa sa kabilang linya ang paghikbi niya.

"Mommy, o-okay lang ako.. Sorry po kung umalis ako diyan.." mahinang sabi ko. Parang nahawa na rin ako sa iyak ni mommy.

Ano ba 'to! Sobrang iyakin ko na naman!!

"Buti nalang at natawagan kita.. Anak, alam ko na kung nasaan ka dahil sinabi sakin ng kuya mo.. Don't worry kami lang dalawa ang nakakaalam." dinig ko pang bumuntong-hininga siya. "Actually andito ako ngayon sa hospital.. Pagkatapos kasing sabihin ng kuya mo kung nasaan ka, agad kong sinubukang tawagan si tita Stacey mo.. and gladly sumagot siya at sinabing kasama ka nga nila. Binigay niya sakin ang address nitong hospital anak.."

"N-Nasa hospital ka po ba ngayon?"

"Yes..kaya kung pwede pumunta ka dito para naman makita kita anak.." ramdam ko ang pagsusumamo niya. Wala na din naman akong magagawa kundi pumunta do'n, besides namimiss ko din kasi siya.

'Wait anong oras na ba?'

Napatingin ako sa phone ko kung anong oras na at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang oras.

"Opo, pupunta po ako diyan ngayon." pilit kong hindi magmukhang napipilitan.

"I'll wait you here, anak.."

"Yes mom. Bye po.."

"Bye.." yun lang at ibinaba na niya ang linya.

Ganoon na ba talaga ka haba ang tulog ko? Alas otso na ng umaga. Hindi ko man lang namalayan ang oras! Paano na 'to? Sabi ni Rhanz na babalik kami sa hospital pero kagabi pa niya 'yon sinabi!

"Nagpunta ba siya sa hospital kagabi? Bakit hindi niya ako ginising?" para akong baliw na nagsasalitang mag-isa.

Sinabi ko pa naman kay Zion na babalik ako tapos ngayon? Umaga na at andito parin ako?

Pero..paano ko nga pala haharapin si Rhanz nang parang walang nangyaring tapatan kagabi? Paano kung..

"Aishh, ano ba! Umayos ka Precious!!" pinanggigilan ko pa tuloy ang sarili ko.

Tumigil lang ako sa kapraningan ko nang may kumatok sa pinto. Agad naman akong bumangon saka nagtungo sa pintuan. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ngunit naalala kong wala pa pala akong hilamos tsaka toothbrush. Baka kase si Rhanz ang kumatok tapos aasarin na naman niya ako na may laway ako o ano pa.

Tatakbo na sana ako papuntang banyo ngunit kumatok ito ulit. Parang naiinip na sa kakahintay na mapagbuksan ng pinto. Kaya wala akong nagawa kundi pagbuksan iyon. Pero bago ko pa man buksan ng tuluyan ay tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking dalawang kamay.

Hindi nga ako nagkakamali dahil mukha nga ni Rhanz ang bumungad sakin. Bahagya ko siyang sinilip at bakas sa itsura niya ang pagtataka.

"What do you think you're doing?" pasinghal ngunit natatawa siya.

"Anong kailangan mo?" mahinang tanong ko naman.

"Sagotin mo muna ang tanong ko, pwede?" kunwari pa siyang naiinis pero kitang-kita ko ang pagpipigil ng tawa niya.

"Eh kasi.. wala pa akong hilamos tsaka toothbrush!" wala sa sariling naisigaw ko.

Matunog siyang napasinghal at natawa. "And?"

"Baka asarin mo na naman ako na may panis laway ako!" sigaw ko na naman.

"Yah! Huwag ka ngang sumigaw! Alam mo ang cute mong tingnan ngayon.." nakangiting aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya kahit simple lang iyon. Sinabi niyang cute ako at nakuha pa talaga niyang tumawa at ngumiti ng normal sa kabila ng nangyari kagabi?

"Naniwala ka naman?" ngumisi pa siya ng nakakaloko.

"Ang sama mo.." bulong ko pero parang narinig parin niya ito kasi bahagya siyang tumawa.

"Sige na.. maligo ka na. Ready na ang almusal sa baba." malumanay na sabi niya.

Akala ko ay tatalikod na siya para bumaba na pero nagkakamali ako dahil bigla niyang hinawakan ang magkabilang pulso ko at pilit inalis ang aking kamay sa pagkatakip sa mukha. Nagtagumpay siyang ialis ang kamay ko kaya tumungo ako at iniharang ang mga buhok ko sa mukha.

Bahagya pa niyang sinilip ang mukha ko pero pilit ko itong iniwas. Pero kahit anong iwas ko ay sinusundan niya parin ito kaya nang wala na akong ikikilos pa ay do'n palang niya nakita ang mukha ko. Binigyan ko naman siya ng masamang tingin.

Kunwari pa niyang pinag-aralan ang mukha ko saka bahagyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin. Pinanliliitan pa niya ang mga mata niya habang nakatingin sakin ng diretso.

"Amoy panis laway ka nga.." saka pa siya umayos ng tayo at mahinang tumawa.

Hinampas ko siya sa braso saka pilit na tinulak paalis. "Bumaba ka na nga do'n! Nambubwesit ka na naman e!!"

"Hahahahaha!!!!!" malakas na tawa niya.

Padabog kong isinara ang pinto saka inis na nagtungo sa banyo. Lakas talaga mambwesit ng lalaking 'yon. Nakakaasar talaga siya kahit kelan.

Pero parang may kunting kirot akong nararamdaman nang bigla kong naisip na baka 'yon ang paraan niya para mawala ang sakit na kanyang dinaramdam.

Mabuti nalang rin 'yong ganoon para hindi magbago ang pagsasama namin, na ganoon parin ang trato niya sakin. Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko siya dahil mas pinili niya ang kaligayahan ko kesa sa kanya.

"Napakaswerte ko nga.." wala sa sariling sabi ko.

To be continued.......

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

165K 9.1K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
128K 5.7K 53
"Alpha!!may problema tayo sa hangganan,...."tarantang mind link ng aking Beta tumayo agad ako at iniwan ang aking ginagawa.. "papunta na"maikling mi...
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...