Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 23

38 3 0
By Chencheniah


PRECIOUS' POV

AYOKO pa sanang kumawala sa yakapan namin ni Zion pero ayoko ring masakal siya sa sobrang higpit ng yakap ko. Kaya ako na rin ang kusang kumalas.

Naluluha man pero hindi na talaga mawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmasdan ang mukha niya. Nahahawakan ko na siya. Hindi gaya no'ng kaluluwa pa siya ay, siya lang ang nakakahawak sakin. Umupo ako sa gilid ng kama niya at natatawang pinahiran ang mga luha na parang walang balak tumigil sa pagpatak.  Hinawakan naman niya ang isang kamay ko saka matamis na ngiting nakatingin sakin.

"I missed you calling me Cali.." pabulong na aniya dahilan upang may namuo na namang luha sa gilid ng mga mata ko. "Gusto kong marinig muli 'yon..

"N-Natatandaan mo pa?" nagtataka munit may bahid na tuwang tanong ko. "A-Akala ko.. nakakalimutan mo na ang mga sandaling 'yon.."

"Tandang-tanda ko pa.. pati nga noong bata pa tayo hanggang ngayong malaki na ako ay naaalala ko na.."

Mas lalong gumuhit sa puso ko ang walang paglalagyang tuwa sa sinabi niya. Hindi ako makasagot dahil kapag ibubuka ko ang bibig ko ngayon ay alam kong hikbi ang kauna-unahang lalabas. Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya, isang matamis na matamis na ngiti.

Naagaw lang ang atensyon naming dalawa nang tumikhim si tita Stacey.

"Iwanan na muna natin silang dalawa..para makapag-usap sila ng maayos." sabi ni tita.

"Tita..hindi pwede!" asik ni Eunice dahilan para mapalingon kaming lahat sa kanya.

"Hija..bigyan natin sila ng oras dahil sobrang tagal na nilang hindi nagkikita.. Kaya sige na, iwanan na muna natin sila.." nagpapaintinding sabi ni tita kay Eunice.

"Tita," kitang-kita namin ang pagtutol ni Eunice ngunit binigyan siya ni tita ng maotoridad na tingin.

"Eunice, sige na.." sabat naman ni Rhanz.

Pagkatapos ay lumabas na sila at nagpahuli pa si Eunice. Tiningnan pa niya ako ng masama bago niya tuloyang linisan itong kwarto. Sinundan pa muna namin siya ng tingin hanggang sa pagsara niya ng pinto.

Bumuntong-hininga ako saka bumaling kay Zion na ngayon ay nakangiting tumingin sakin. Tumayo ako para lumipat sa single sofa na nasa kabilang gilid niya.

"Oh? Saan ka pupunta?" takang tanong ni Zion.

"Uupo do'n sa sofa," nakangiting sagot ko naman.

Nangunot naman ang noo niya saka bahagyang tinapik ang gilid ng kama niya na kaninang inuupuan ko. Taka ko naman siyang tiningan.

"Ba't sa sofa pa kung pwede namang dito?" taas kilay niyang tanong.

"Eh kasi ano.." nangangapa ako sa idadahilan ko.

"Ano?" nakangisi siyang nakatingin sakin.

"Ahm..B-Baka mas lalong magagalit sakin 'yong girlfriend mo.." sinabi ko sa kanya kung ano talaga ang totoong rason ko.

Ayoko ko kasing isipin ni Eunice na sinulit ko ang panahon gayong may alam ako na niloloko niya si Zion. At umiwas lang ako sa gulo dahil alam ko na nagtitimpi lang si Eunice sakin.

"Hindi niya magagawa 'yon.." kumpyansang sabi niya.

"Zion.. baka magselos siya at normal lang na maramdaman niya 'yon dahil boyfriend ka niya.." seryosong sabi ko. "Nagseselos siya dahil.. m-mahal ka niya.." dagdag ko pa.

Napabuntong-hininga siya saka nagbaba ng tingin.

"Alam naman niya kung sino talaga ang mahal ko," biglang sabi niya saka nag-angat ng tingin sakin. Kinuha niya ang kamay ko saka bahagyang hinila papalapit sa kanya. "Alam niya kung sino talaga ang nagmamay-ari nitong puso ko.." dagdag pa niya.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang totoong mahal niya pero parang ang puso ko ay nagsasabing ako 'yong tinutukoy niya. Pero ayoko din namang umasa dahil ngayon lang kami ulit nagkita. Posibleng may iba pa siyang nagugustuhan maliban kay Eunice.

"Pero siya parin ang girlfriend mo.." nagbaba ako ng tingin dahil ayokong makita niya ang emosyong kumakawala sa mga mata ko.

Narinig kong bumuntong-hininga siya. Bumalik nalang ako ng upo sa gilid ng kama niya, sa mismong tabi niya. Nagiguilty kasi ako dahil sa simpleng bagay lang hindi ko pa siya pagbibigyan. Alam ko namang  nami-miss niya ako at ganoon rin ako.

Bumuntong-hininga pa ako habang nakatingin parin sa magkahawak naming kamay.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" mamayay usal ko saka pa ako nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata namin.

"Medyo masakit parin ang ulo ko.. pero kaya ko na naman." sagot niya.

"Mabuti kung ganoon.. Magpalakas ka ah?" nakangiting sabi ko at tinanguan lang niya ako bilang sagot saka ngumiti rin.

"Okay na ba kayo ng daddy mo?" seryosong tanong niya at bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Hindi parin kami okay.." malungkot na sabi ko. Naramdaman ko pang bahagya niyang pinisil ang kamay ko. "Ang totoo.. tatlong araw na akong hindi umuuwi at nagpapakita sa kanila."

"Bakit?" taka niyang tanong.

Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari sakin mula noong araw na lumayas ako at nakita ako ni Rhanz sa kalsada na walang malay hanggang ngayong araw. Kunot-noo niya akong tiningnan habang ang mapupungay niyang mata ay nagpapakita ng pag-aalala.

"I'm sorry.." madamdamin at sinsero niyang sabi. "I'm sorry kasi.. kung 'di dahil sakin hindi sana kayo nagkakaganyan ng daddy mo. Sana hindi nalang ako dumating sa buhay mo ngayon.. Hindi ka sana nahirapan ng ganito.."

"Zion.. huwag kang magsabi ng ganyan.. wala kang kasalanan," umiiling na sabi ko.

"Baka nag-aalala na sila sayo,"

"Alam naman na ni kuya kung nasaan ako. Sasabihin niya daw kay mommy pero hindi kay daddy.." sabi ko.

Nagpakawala siya ng napakalalim na hininga na para bang ang bigat-bigat ng problemang dinadala niya. Nag-iwas siya ng tingin sakin.

"Precious, tungkol sa kuya mo.." binitin niya ang sasabihin niya.

"Bakit? Anong tungkol kay kuya?" nagtatakang tanong ko.

"Naki--" naputol ang dapat niyang sasabihin nang magbukas ang pinto at iniluwa doon si Eunice na may dalang mga paperbags.

"Hi babe! May dala akong foods for you! Binilhan na rin kita ng favorite fruits mo," masayang sabi ni Eunice habang iniisa-isang inilagay ang mga ito sa table.

Tumayo ako at binitawan ang kamay ni Zion. Narinig ko pang bumuntong-hininga si Zion kaya napatingin ako sa kanya. Lumamlam ang mga mata niya habang diretsong nakatingin sakin. Ako na rin ang unang nag-iwas at eksakto namang tumama ang paningin ko kay Eunice na ngayon ay masama na ang tingin sakin.

"Precious, sabayan mo 'kong kumain.." malambing ang tinig na ani Zion dahilan upang mapatingin ako ng nagtataka sa kanya.

"Tss," narinig kong singhal ni Eunice. "Really? Seriously?" sariastikong kunwaring tanong niya.

"Ako ang nagdala ng mga food para sayo.. tapos siya ang yayayain mong sumabay sayo? Seriously, babe!" dagdag pa niya.

"Hindi ka pa ba kumakain sa labas?" tanong ni Zion sa kanya.

"No! Because I want to eat with you!" asik niya.

Napalunok ako sa hitsura ni Eunice ngayon. Parang nanlilisik ang mga mata niya habang pasulyap-sulyap sakin.

"Ahmm.. Zion doon nalang ako sa labas kakain. M-Magpapasama nalang ako kay Rhanz," sabat ko at kita ko naman ang pangungunot ng noo niya.

"B-Baka tapos nang kumain si Rhanz kaya dito ka nalang kumain.. sumabay ka nalang sakin.."

"Hindi pa kumakain si Rhanz. Hinintay ka niya sa labas at gusto niya raw na ikaw ang kasabay niya." singit ni Eunice.

"Ahh.. ganoon ba? S-Sige Zion sasabay nalang ako kay Rhanz. Babalik nalang ako dito pagkatapos naming kumain.." pilit na ngiting sabi ko kay Zion. Nakita ko naman ang panlulumo niya kaya nakaramdam ako ng guilt.

"Pwede namang hindi ka na lang babalik dito.. total andito naman ako para alagaan siya." bahid ang pagkasarkastiko ang tinig ni Eunice.

Gusto ko na talagang ipalabas ang galit ko sa kanya ngunit wala ako sa tamang lugar kaya sa abot ng makakaya ko ay pinipigilan ko ito at pilit na ngiti nalang ang ipinalabas ko.

"Eunice! Ano ba? Huwag mong ganyanin si Precious!" asik ni Zion at sininghalan lang siya ni Eunice.

"Sige na Zion, kumain na kayo.. doon nalang ako sa labas." pili na ngiti paring sabi ko.

Bumuntong-hininga pa muna siya. "Sige.. basta't bumalik ka ha?"

"Oo," sabay ngiting sabi ko.

Sinulyapan ko lang si Eunice saka tinalikuran sila. Hindi ko pa man naisara ang pinto ay narinig ko nang sininghalan ni Zion si Eunice. May kung ano sakin ang nagpupumigil at manatili lamang sa pwesto ko para makinig.

"Eunice, sa susunod na marinig at makita kong ginaganyan mo si Precious.. hindi ka na ulit makakapasok sa kwartong ito." banta sa kanya ni Zion.

"Babe.."

"Special si Precious sakin, Eunice. Alam kong alam mo 'yon. Kaya sana.. 'wag mo naman siyang bastosin ng gano'n! Sa mismong harapan ko pa?"

"Babe, I'm sorry.." malambing na pagkakasabi ni Eunice.

"Sabihin mo nga sakin Eunice, bakit ba ganyan ang pagtrato mo sa kanya?"

"Eh bakit ba nagagalit ka? Big deal na ba para sayo 'yong sinabi ko sa kanya? Eh hindi nga siya nagalit o nainis sakin no'ng sabihin ko 'yon e! Bakit ikaw ang nagkakaganyan, ha?" dinig kong sigaw ni Eunice.

"Dahil hindi siya gano'n! Kilala ko si Precious, mas pipiliin niyang intindihin ang nasa paligid niya keysa sa sarili niyang nararamdaman!"

Napayuko at napabuntong-hininga ako. Tama si Zion, mas pipiliin kong intindihin sila kaysa sa sarili ko. Mula pa noong bata ako ay ganito na ang ugali ko. Kaya nga noon ay palagi nalang napaaway si Zion dahil sakin. Dahil mas pipiliin kong hindi sila lalabanan sa halip ay umiiyak nalang ako sa isang tabi.

"Pa'no mo nasabi 'yan? Ngayon lang kayo nagkita ulit, diba? For so many years na wala ka sa tabi niya do you think hindi siya nagbabago? Do you think ganoon parin ang ugali niya? How sure are you, Zion?"

"Oo! Sigurado akong gano'n parin siya. Kaya ngayong andito na ulit siya sa tabi ko..ayokong may nambabastos o nananakit sa kanya, physically and emotionally." matigas na sabi ni Zion.

"Wow ha? Ang protective mo namang 'kaibigan'?" dinig kong pinagdidiinan pa niya ang salitang 'kaibigan'. "Nagiging over protective ka na ata? Pati ako na girlfriend mo, binaliwala mo na. Ano 'yang ginagawa mo ngayon sakin? Hindi ba pambabastos 'yan? Hindi mo man lang ba inintindi ang nararamdaman ko? Nasasaktan din ako, Zion! Pakiramdam ko.. parang wala na ako e. Parang okay na sayo na mawala ako dahil andyan na si Precious." narinig ko ang paghikbi ni Eunice.

"Hindi sa gano'n Eunice.. Ang sakin lang ay sana pakitaan mo ng tama si Precious." puno ng pagpapaintindi ang boses ni Zion.

"Hindi e..pakiramdam ko wala na akong halaga sayo. Sabagay, dati ka namang walang paki sakin, diba? Dahil hindi mo naman ako minahal diba? Kahit kailan ay hindi mo ako minahal dahil si Precious ang mahal mo! Si Precious nalang lagi ang bukam-bibig mo kahit ako ang kasama mo!" sigaw ni Eunice.

Natigilan ako pagkatapos sabihin iyon ni Eunice. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang pinako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Parang nanlambot ang mga tuhod ko at parang nawalan ako ng lakas.

"I'm sorry.. I'm sorry kung hindi ko nagawang tapatan ang pagmamahal mo. Pero maniwala ka sakin Eunice, sinubukan kong pag-aralan na mahalin ka pero..hindi parin e. Siya parin ang gusto at mahal ko. Siya lang talaga ang maaaring makapasok dito sa puso ko."

Pinigilan kong huwag maiyak. Pero trinaydor ako ng sarili kong luha dahil naghahabulan na ito sa pagpatak.

"How dare you Zion! All this time niloloko mo lang pala ako?" asik ni Eunice.

"Eunice, alam mong sa relasyong ito ay hindi lang ako ang nagloko! Dahil lingid sa kaalaman ko ang pakikipagrelasyon mo sa iba habang andito ako, nakaratay! Mas okay pa nga ito dahil sinasabi ko sayo nang harap-harapan hindi kagaya sayo na niloloko ako behind my back!"

"H-Hindi ko a-alam ang sinasabi mo.." nauutal at pahina ng pahina ang boses ni Eunice.

" 'Wag mo nang e deny pa Eunice!"

Hindi ko alam kung kanino, saan at kailan niya ito nalalaman. Maski ako ay nagtaka at nagulat nang sabihin niya iyon.

"Hahayaan parin kitang makapasok at makalapit sakin, Eunice. Pero hindi na bilang girlfriend ko kundi bilang kakilala. Lets end this."

"Zion.. anong ibig mong sabihin?" umiiyak parin si Eunice.

"Break na tayo.." mahina man ang pagkasabi ni Zion non ay narinig ko parin.

"No! Sinabi mo lang na hindi mo ako kailan man natutunang mahalin dahil nalaman mong niloloko kita! Kaya ka nakipagbreak sakin ngayon dahil nasasaktan ka sa nalaman mo na nakipagrelasyon ako sa iba!" may halong galit ang pagsigaw ni Eunice. "Zion.. I'm sorry kong nagloko ako sa relasyon natin. I'm really sorry! Pero sana maniwala ka na kahit nagawa ko iyon ay ikaw talaga ang mahal ko! Mahal na mahal kita Zion!"

"Tama na.." dinig kong sabi ni Zion.

"Zion, 'wag mo namang gawin 'to.. Ayokong mabuhay ng wala ka sa tabi ko.."

"Eunice.. I'm sorry pero please tama na.. Makakahanap ka pa ng lalaking magmamahal sayo nang totoo, na kayang higitan pa ang pagmamahal mo."

Pinahiran ko ang mga luha ko. Pero natigilan ako nang mapansin ko ang dalawang paa na nasa harapan ko kaya napaangat ako ng tingin.

"Rhanz," usal ko nang magtama ang mga mata namin ni Rhanz.

Wala siyang reaction habang nakatingin sakin ng diretso. Malamig ang mga tingin niya sakin. Pero nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko saka pinahiran ang mga luha ko. Pagkatapos ay walang sali-salita'y marahan akong hinila papalayo sa lugar na iyon.

To be continued...........

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
14.6M 750K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
25.1K 976 15
This story is all about a two person who met online, fall inlove with each other and end up saying goodbye because of the one of them