Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 23

780 42 62
By whiskelle

Chapter 23

Nagdaan na ang maraming minuto ngunit poot pa rin ang nakaplaster sa mukha ng lalaking nasa driver's seat. 

Paano ko kaya ito paaamuhin?

"Galit ka pa?" I asked even though I already know the answer. 

Wala akong natanggap na sagot. Nanatili ang galit na mga mata ni Diamond sa harapan. 

Bumagsak ang mata ko sa kaliwa niyang kamay na siyang nag-iisang nakahawak sa manibela. His right hand was slackly resting above his thigh. Sinubukan kong abutin iyon. 

"Sorry na, oh..." Sabay haplos sa braso niya pababa sa mga daliri. 

Binawi ko ang kamay nang napaangat si Diamond sa inuupuan sa pagkabigla. Nabitawan pa niya ang manibela dahilan kaya lumiko ang direksyon na pinatutunguhan ng sasakyan. 

Nagkasalubong ang mga kilay ko sa gulat at taranta na ipinakita niya. 

He glanced at me sharply. "Dayamanti!"

Napabusangot ako. Lumala yata ang galit. 

"S-Sorry... G-Ginaya ko lang iyong mga napapanuod ko sa internet at sa tv... I-Iyong naghahawak ng kamay ang mga mag-boyfriend at girlfriend habang nasa b-biyahe... H-Hindi ko alam na ayaw mo pala-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang dumapo ang libreng kamay ni Diamond sa banda ko at pinagsalikop ang mga kamay namin. 

I bit my lip as I stared at our interlaced fingers. Ibinukas-sara ko ang kamay upang makita kung paano lumubog ang maliliit kong mga daliri sa malaki niyang kamay. 

"Are you hungry? Where do you want to eat?" Hindi na siya galit ngayon. Nagpipigil pa nga ng ngiti.

Napalabi ako. "Hindi pa 'ko gutom! Pero parang gusto ko mag-tsaa!"

Hindi nagtagal ay nasa loob na kami ng isang cafe 'di-kalayuan sa mga tinutuluyan namin. Pagkatapos noon ay nag-river boat ride kami at saka umuwi na rin. 

Maayos ang naging takbo ng mga sumunod na araw. Subalit iyon lang ang alam ko. Sa tuwing nasa ibang bansa si Diamond ay doon lang ako nagiging aktibo sa mga social media at internet. Kaya naman kulang na lang ay himatayin ako nang malaman na kumakalat ang eskandalong nangyari noong nakaraan kung saan dawit ako at si Diamond. Dalawang linggo makalipas iyong piyesta na naganap.

"Sino itong lalaki, Riem?" si Mrs. Ann. Nakatutok ang hintuturo kay Diamond na nasa video. 

I was not in the right mind to even respond. The video is repeating for five times already but my attention is still poured on there as if it has an enchanting content. 

Nagsimula ang video kung saan nahulog ang sumbrero kong suot. Napatingin pa ako sa mismong camera na kumukuha. Ang sumunod na nangyari ay ang pananakit ni Diamond sa lalaking nasa ilalim niya. Na alam ko naman ay makatarungan. Natapos ang kuha na kung saan umalis kami ni Diamond sa lugar na iyon nang walang imik. At lintik na cameraman. Nakuhanan nang buo ang mga mukha namin. 

I blew a deep breath.

Kaninang umaga ay ginising ako mula sa mahimbing na tulog ng tawag ng ginang. Gustong makipagkita sa akin dito sa cafe at may mahalaga raw na sasabihin. Noong una'y pahigop-higop lang kami ng tsaa kaya naman hindi ko lubos akalaing ito pala ang dahilan kaya nais niyang magkita kami. 

"Sino ang lalaking iyon, Riem? Iyong kasama mong nakaputi?" The lady sitting in front of me shut her phone down so she could get my attention. 

I gulped and shuddered my head. 

"Honestly, we consulted the man lying on the floor first. Iyong sinasaktan sa video. Kakilala kasi iyon no'ng isang staff. Nang puntahan namin ay sinabing bigla na lang daw siyang nilapitan at binanatan ng suntok. Wala naman daw ginagawa at matiwasay lang na nanonood ng parada."

Napailing-iling ako. 

Hindi totoo iyon!

"Sinabihan namin na makipag-areglo nang maayos sa inyo ngunit kaagad na tumanggi. Nanghingi na lang ng pera. But I am not stupid. I know that that guy did something wrong. Hindi ko nga binigyan ng pera." She smirked. "Alam mo ba na noong nakaraan pa 'yan kumakalat? Thank God local lang at hindi umabot sa kabilang bahagi ng mundo! Though, I know that I shouldn't be relieved by that! Kahit na tinurn down na ang lahat ng videong nakapost sa internet, dapat pa rin nating pag-usapan ito! Aba't may lalaki kang kadikit-dikit doon, Riem! Sino iyon, ha? Sino 'yon?"

She interrogated me as if she is my mother. 

I pursed my lips. 

"Matatanggal na ho ba ako n'yan sa trabaho?" 

Napasimangot ang ginang sa harapan sa tanong ko. Kaagad niyang nakuha na inaamin ko na.

"Naku! Kurutin ko ang singit mo, e! Sabing bawal pa nga ang boyfriend-boyfriend!" She rolled her eyes and massaged her both temples. 

Hindi ako umimik at naghintay na lang sa susunod na sasabihin ng nasa harapan. 

"Noong una pa lang naman ay nahimigan ko ng mayroon, e!" aniya. "Paganda ka kasi nang paganda sa bawat araw na dumadaan! Halatang naaalagaan nang mabuti! Hindi ko na pinansin at alam kong 'di ka naman aanga-anga at magpapahuli! E, kaso medyo anga ka pala!" She tsked. 

"W-Wala naman po talaga akong balak magpahuli. I-Iyong lalaki ho kasi ay binabastos ako kaya't hindi na nakapagtimpi si Diamond–"

Umayos sa upo ang babae. "Diamond, huh?"

Mariin akong napapikit nang marinig ko ang malakas nitong paghalakhak. 

Bakit parang mas interesado pa siya sa pagbanggit ko sa pangalan ni Diamond kaysa sa dahilan ng eskandalo?

"Napanuod n'yo na ho ba 'yung video?" 

Nayupi ang noo ng kausap. 

"Aba't oo! Maraming beses na!"

Makaisang beses akong tumango. 

"M-Mukha ko po bang boyfriend 'yong si Diamond doon sa video?" tanong ko. 

Hindi ito kumibo kaya't nagpatuloy ako. 

"M-Mukha naman po siyang bodyguard ko, a-ano?" tanong ko na ikinasamid ni Mrs. Ann. "O... h-hindi..."

"A-Aba't p-punyeta!" Itinapik-tapik niya ang dibdib para mahimasmasan sa samid. Kapagkuwa'y natawa. "G-Ginawa mong bodyguard!" 

I licked my lips. 

"Ang alam po ni Geraldine ay bodyguard ko s-si... D-Diamond... Kung panindigan na lang po kaya natin iyon? At saka... mukha namang pong kapani-paniwala dahil ipinagtanggol niya ako sa v-video," kandautal-utal kong sambit at saka napapikit. 

Lagot ako kay Diamond nito kapag nalaman na tuluyan ko na nga siyang ginawang bodyguard!

"Hmm... as expected from a bright woman like you..." Her eyes narrowed as she gazed at the cup of tea on the table. 

I must give Diamond a credit for he is the one who had thought of that idea.

"Alright! Alright! Hindi naman ito ang unang beses ko na pagtatakpan ang modelo ko!" She bobbed her head multiple times. "Pero sinasabi ko sa'yo! Umiwas ka muna sa mga tao! Fresh pa itong isyu at hindi natin kilala kung sino ang mga nakakita! Kailangan mong mag-ingat! Kung maaari ay manatili ka na lang muna sa loob ng bahay!"

Habang naglalakad pauwi ay lumong-lumo ako sa nalaman. As Mrs. Ann stated, she already took care of the videos posted on the internet. All of it was turned down already. But I just could not ignore the fact that I was involved in such scandal. 

Mabuti na lang at walang cellphone o anumang gadget sila Mama. 'Pag nagkataon na nakita nila iyon, baka tuluyan na akong itakwil bilang anak. 

And Diamond... Diamond was involved as well! His profile is so clean and flawless. Talagang nadungisan pa dahil sa akin. 

"O-Oh?" Pagkauwi ay si Diamond na nakaupo sa kama ang sumalubong sa akin. "B-Bat ka nandito?"

Hindi na 'ko nag-abala pang tanungin siya kung paano siya nakapasok. He knows the apartment's passcode. 

Hinubad ko ang suot na sapatos at saka lumapit sa kaniya nang tapikin niya ang katabing espasyo, hindi sinasagot ang ibinato kong tanong. 

"Where have you been... hmm?"

Umupo ako sa tabi niya. Medyo naasiwa ako dahil sa magkadikit na magkadikit kami. I attempted to scoot over a little but Diamond promptly positioned his hand on my hips from the back, muscular arm warming my back, and pulled me closer to him. 

"O-Oh!" 

Itiningala ko ang lalaki sa gilid. Tumulis ang nguso niya.

"Your are very far away from me." 

Ang kamay niyang nasa mga balakang ko ay tumungo sa itaas. Ipinaloob niya iyon sa loob ng buhok ko at saka iminasa-masahe ang likuran ng ulo ko. My head fell back with that. It was so pleasing!

"A-Ang lapit na kaya..." nagkandabulol-bulol kong anas habang dinarama ang masahe niya. Napaungol pa ako sa ginagawa niya sa sobrang sarap! Inayos ko ang postura at tumikhim. Tinanggal na rin ni Diamond ang kamay niya roon kalaunan. 

"So... saan ka nga galing? You went to your house in Arashiyama?" 

"H-Hindi. N-Nagkita kami ni Mrs. Ann." Kilala na niya iyon dahil madalas kong nakukuwento sa kaniya. "May bad news akong dala..." Sabay buntong-hininga.

Walang tugon mula sa kaniya. Ang ginawa niya ay ipinaloob niyang muli ang kamay sa buhok ko at sinubukang imasahe ulit ako. 

Bago muling mapaungol ay mabilis akong umusog. 

"H-Huwag!" takot na takot kong sabi. 

His brows met in bafflement. 

"Why? Aren't you enjoying it? Hindi ba masarap?" maingat niyang tanong. 

"M-Masarap!" I bit my lip. "P-Pero n-nagkukuwento pa ako, e!"

"Then tell your story while I'm massaging you."

"H-Huwag na! B-Baka hindi ako makapagkuwento at umungol lang nang umungol..."

Napapikit-pikit si Diamond, pursing his lips and scrunching his nose to hide a smile. He then crossed his arms. 

"Alright... Then... I'll just massage you after you tell the bad news you're talking about."

"O-Okay..."

Ganoon nga. Ikinuwento ko sa kaniya ang ginawa naming pagkikita ni Mrs. Ann. Mula sa humihigop kami ng tsaa hanggang sa napag-usapang hindi ako maaaring lumabas nang lumabas ng apartment. 

"Then we can't go to Tokyo on the day of your posters' release?" At ito pa talaga ang unang lumabas sa bibig niya na para bang iyon ang pinakaimportante sa lahat. 

Pinanliitan ko siya ng mga mata. 

"Diamond, kitang-kita tayo sa video. Kitang-kita ka. Wala ka bang narinig sa mga kakilala mong aktibo sa social media? Baka naman usap-usapan ka na at sinisiraan ng iba!" I said worriedly. 

"No, I haven't heard anything about it. But Dayamanti, how about our day trip in Tokyo? Is it cancelled?"

I sighed. Looks like he doesn't really care about his reputation. Mas mahalaga pa ang mga billboard sa Tokyo!

"Hahanap tayo ng paraan para matuloy, okay? Pero paano 'yong video na kumalat? Paano kung nakaabot pala iyon sa mga kakilala mo? Sa mga kamag-anak mo? Sa mga parents mo–"

"If they had known about it, they would tell me immediately. But no, they didn't. I do not really want to talk about this. I'm getting irritated everytime I remember the prick who harassed you." His face supported the accuracy of his words. 

Napasinghap ako sa narinig at napagdesisyunan na tumigil na lamang. 

Sa lumipas na mga araw ay minabuti kong manahimik na lang tungkol doon, since the scandal quickly cooled down. Dobleng pag-iingat na lang din ang ginawa namin ni Diamond. 

At dahil nga sa matuling humupa ang isyu, natuloy ang pinakaaasam ni Diamond na lakad namin.

"This will be our first trip together," I muttered as I glanced at Diamond. I opened the window beside me. "P-Puwede naman, 'di ba?" pagtutukoy ko sa bintana ng sasakyan niyang binuksan ko nang walang paalam. 

He furrowed his brows at me, probably wondering why I'm even asking. He nodded his head afterwards.

Malawak akong napangiti at ipinanuod ang kapaligiran sa labas. Halatang nakalabas na kami ng Kyoto. Puro mga building at mga magagarang sasakyan na lang ang makikita sa labas. Marami ring mga factory na nagpapakawala ng mapuputi't makakapal na usok. Namamangha kong ninamnam ang mga iyon sa aking paningin. Even though Kyoto's spectacular scenery is much better than what I am seeing, I still couldn't subdue my amazement for the new environment. 

Para akong nakalaya sa kulungan. 

"Alam mo bang ngayon lang ako nakalabas ng Kyoto?" siksik ng galak ang tinig ko.

"Really?" gulat niyang balik kahit na alam kong hindi naman nakakamangha iyon para sa kaniya. He knows that, of course. Sinasabayan lang niya ako.

I giggled.

"Oo! Wala naman kasing pagkakataon na makalabas ng Kyoto. Kahit nga ang Osaka na kadikit lang, 'di namin mapuntahan!  Ang mahal-mahal ba naman kasi ng pamasahe sa tren! Buti nga ay may kotse ka!"

Muli kong ibinalik ang tingin sa labas. Kahit na alas-singko pa lang ng umaga, sobrang liwanag na. Palibhasa kasi ay summer. 

Kaninang alas-cuatro y media kami bumiyahe ni Diamond. Mga labing-limang minuto ang aga namin bago ipalabas sa billboard iyong advertisement video and posters namin. Alas-nueve iyon nakapaskil at 24 oras ang itatagal. 

Ang usapan namin ni Diamond ay magsistay kami sa Tokyo hanggang alas-nueve ng gabi. Uuwi na rin para makapagpahinga sa magiging mahabang araw. Tuwang-tuwa naman ako sa planong iyon. I'm going to experience the day and night in Tokyo. 

After the tiring 4-hour drive, we finally arrived in Tokyo. Matapos iparke ang kotse sa isang public parking lot ay naglibot-libot kami sa paligid ng Shibuya. 

Striding the lengthy sidewalk of Tokyo, I am carrying a white pouch where my cellphone and wallet are placed, sporting a baby blue terno cropped blouse with puff sleeves and mini skirt. Sa ibabaw ng ulo ay may nakasuot na kaparehang kulay na baseball cap. 

That was Diamond's. Isinuot niya lang sa akin dahil una, alam niyang bawal ako makitang pakalat-kalat kung saan-saan. Pangalawa, mainit at ayaw niyang masunog ang mukha ko. At pang-huli, ang cute ko raw tignan 'pag suot iyon.

Wala sa sarili akong napangiti habang pinapasadahan ang suot ng kasama kong lalaki. Suot niya ay sweater na kasing-kulay noong sa akin. Baby blue rin. May puting polo na nakapaloob na nakabukas ang unang dalawang butones.

Nakatutuwang isipin na nagkataon pang parehas ng kulay ang mga suot namin!

Pagkaraan ng ilang sandali lang ay nasa bungad na kami ng Shibuya crossing. I saw how the man I am with eagerly pulled his phone out of his pants' pocket. 

Nang magtagpo ang mga mata namin ay malapad siyang ngumiti. He looks immensely excited. 

Samantalang ako naman, sobrang lakas ng kalabog ng puso ko habang hinihintay ang nalalagas na segundo para sa pagdaan ng mga sasakyan. Nakatayo't nag-aabang, hinagod ko ng tingin ang naglalakihang mga billboards na kalat sa matatayog na buildings na nagpapakita ng mga sikat na brand ng kung ano-ano. Hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang maglalabas noong sa amin. 

"Damn, that's my Dayamanti!" nanginginig si Diamond na hinawakan ako at hinila patugo sa gitna ng kalsada. Ang cellphone niyang hawak ay nakatutok sa isang partikular na building. 

Noon ko lang napansin na naubos na ang oras para sa mga sasakyan. Panibagong oras naman para sa mga tatawid. 

Lips parted, I blithely watched our agency's video linear ad flashing on the screen of a tall glass-building in the middle of large space of Shibuya, Tokyo. 

Mangha-mangha ako habang pinapanuod ang isang minutong-haba na patalastas. Parang lalabas ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang sarili. Sa tuwing napapangiti ako ay napapasinghap naman ang katabi.

Kuryoso kung bakit nakikisabay ang mga singhap niya, napatingin ako kay Diamond na patuloy pa ring kinukuhanan ang ipinapalabas ng billboard subalit ang mga mata nama'y nasa akin. Nangingislap ang pareho sa tuwa kahit na diretsong linya lang ang nasa gitna ng mga labi niya. 

"T-Tapos na," pagpapa-alam ko sa kaniya para sana maputol ang titig niya sa akin.

But his eyes remained on me. I swallowed hard and looked away. 

Gustong-gusto niya pumunta rito sa Tokyo para makita ang video ads at posters ng inendorso namin ngunit bakit ngayon ay tinititigan lang ako? Nagsayang lang siya ng gasolina. 

"Kung tititigan mo lang din pala ako, sana ay sa Kyoto na lang at hindi na tayo b-bumisita pa rito."

Ang itinugon niya ay napakalayo sa pinag-uusapan. 

"Next time, I'm going to build you your own billboard with your pictures only and I'm gonna put it in every single prefecture of Japan," he said with certainty as if it was a promise. 

Napakagat ako sa labi. "That's impossible!"

Umarko ang sulok ng kaniyang labi pati na rin ang kilay. "I'll make it possible, then."

Sumunod ang mga posters ng bawat modelong kabilang sa advertisement pagkatapos noong video. Hindi kami nagkaroon ng tyansa na makita nang malapitan iyon dahil pumula ang kulay ng traffic light at minalas pa sa lugar na kinatatayuan namin. Hindi kami nakalapit man lang dahil naokupa noong unang videong nirelease ang mga diwa namin. 

Diamond was eager to wait for the vehicles to pass so that we could see the sliding posters from the middle of the street but I refused. Hindi gaya kanina ay mas madami na ang taong kasabay namin sa pagtawid. Makakaabala lang kami sa mga kasabayan. Isa pa, buong araw naman iyon nakapaskil at hindi mawawala.

"Puwede naman natin 'yon balikan mamaya," sambit ko habang naglalakad na kami pabalik sa dinaanan namin kanina. 

Kahit kailan talaga ay kinatutuwaan ko ang pagtingin-tingin sa mga boutique mula sa labas. Kahit na alam kong hindi mapapasaakin ang mga magagandang kagamitan, nakakaaliw pa ring magtingin-tingin. 

"You're going to buy something?" si Diamond na ipinalupot ang isang braso sa akin.

My knees trembled for a fleeting moment when his palm touched my back skin. But then the shiver went back, but to my spine this time, when he rested his hand on my bare waist. Hindi pa nakatulong ang paminsan-minsan niyang pagpisil-pisil roon. 

With those little actions, something inside me fired up. 

"H-Hindi... Tingin-tingin lang."

Nang dumating ang oras ng tanghalian, dinala ako ni Diamond sa isang hindi pamilyar na restaurant. Maganda at elegante ang kainan na iyon. Ibang-iba sa mga kainan sa Kyoto kung ikukumpara. Dahil kung magarbo ang mga restaurant sa Kyoto, mas higit naman ito. Isang sulyap pa lang ay alam mo na kaagad na hindi pangkaraniwan na mga tao lang ang nakakakain at nakakapasok. 

"Mukhang mahal dito, Diamond," wika ko habang inaalala ang pera na dinala ko.

"Don't worry about the–"

I cut him off quickly. 

"Ang ano? Ang babayaran? Hindi naman ata puwede 'yan–"

"But you paid for my coffees thrice this month..." The reason. 

My eyes narrowed at him. Kaya pala sa tuwing pumupunta kami sa mga cafe ay hinahayaan niya na ako na ang magbayad! Para sa mga mahal na kakainan ay may ipangrarason siya!

"Dayamanti..." He softly called. "Please?"

I sighed. 

"Sige, payag na 'ko! Ngunit sa susunod na buwan ay ako ang pagbabayarin mo sa lahat ng kape mong iinumin!"

"Alright," simple niyang responde.

Ayos na iyon! Siguro naman ay katumbas na noon ang magagastos niya sa araw na ito. May kamahalan din naman kasi iyong coffee americano na hilig niyang inoorder. 

"Wow!" I effused as I scanned all the foods the waiter is placing on our table after a couple of minutes waiting for those. There were roasted and baked salmon, shrimp tempura, chilled crabs at kung ano-ano pa na seafoods na sa sobrang dami ay hindi ko na mapangalanan. 

Inasikaso muna ako ni Diamond bago siya nag-umpisang kumain. Lahat ng malalaman at masasarap na mga parte ay inilapag niya sa pinggan ko. 

"Sa'yo na 'yan at puno na itong pinggan ko," pagtanggi ko nang makitang maglalagay na naman siya ng pagkain sa akin. 

Hindi nauubusan ng laman itong pinggan ko!

Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy lang. Bumuntong-hininga ako at hinayaan na lang. 

Mabuti na lang at wala akong scheduled shoots next month! Ngunit kahit na ganoon ay nararamdaman kong nadaragdagan ang timbang ko... 

Simula noong naging kami ni Diamond ay pakiramdam ko, sinasadya niyang patabain ako! Naku! Ang sarap naman kasing kumain! Hindi rin mapigilan!

"Kakakain lang natin, Diamond," I answered, frowning, when he asked me if I wanted to buy candied strawberries on a stick. 

Masamang-masama ang mukha ko habang pinapanuod ang mga bata na nasa harapan ng tindahan noong candied fruits. 

Alam ni Diamond na paborito ko iyon, e! Mahilig ako sa strawberries!

"Ipangako mo sa akin na ito na ang huli nating kakainin. Ang susunod ay hapunan na," problemado kong sabi kay Diamond na ngayon ay tumatawa. Natawa ako sa pinoproblema at saka kumagat sa pagkaing hawak. 

Matulin na nagdaan ang sumunod na mga oras. Ganoon nga yata. Kapag nasisiyahan ka sa ginagawa mo ay parang sinasadya ng mundo na umikot nang mabilis at ubusin ang oras na mayroon ka. 

Alas-otso nang napagplanuhan namin kumain ng light dinner dahil sa busog pa kami sa sandamakmak na kinain noong tanghali. Pagkatapos ay saglit na kumuha ng mga litrato sa gitna ng Shibuya crossing habang nakadisplay ang mukha ko sa malaking billboard sa likod. 

Habang naglalakad kami pabalik sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ng kasama, pauwi na, I caught him setting a picture of me secretly as his cellphone's wallpaper. Itinabingi niya iyon sa akin habang ginagawa ngunit nakita pa rin ng malilikot kong mga mata. 

I didn't pluck my courage up to tease him about it. Because I knew that in the end, he wouldn't be the only one getting embarassed. Alam ko na mas ako pa ang mahihiya. Kaya naman isinantabi ko na lang sa loob-loob ko ang kilig at tuwa na nararamdaman.

"Walang napagod sa akin ngayong araw kundi panga," I said matter-of-factly, latching the seatbelts around my body. 

But Diamond chuckled with that remark. 

"Totoo nga!" sabi ko ngunit binunghalit ng halakhak. 

Kinulob ng tawanan ang loob ng sasakyan. Natigil lang nang matapat ang kotse sa billboard na kung saan kasalukuyang nakaplaster ang imahe ko. Nakakagat ako sa straw habang ibinababa ang salaming nakatabing sa mata. I heard Diamond mutter a foreign curse as he stared at it. 

Ibinalik niya ang mata sa kalsada nang magberde ang kulay noong traffic light. Ganoon din ang ginawa ko. Inalis ang tingin sa sariling litrato at ibinalik sa harapan ang tingin. Ngunit sa malayong gilid ay natanaw ko ang isang pamilyar na lalaki, naglalakad mag-isa at umiihip ng hangin sa mga palad na nasa tapat ng bibig. 

My heart pounded so hard that it seemed like I was going to have a heart attack. 

Mabagal ang takbo ng sasakyan noong una kaya't may pagkakataon pa akong matitigan ang mukha noong lalaking nakaagaw ng atensyon ko. 

Kuso. 

Kung sa unang tingin ay napaisip akong namamalikmata lang ako, ngayon ay maitatanggi ko na iyon sapagkat nakatitiyak akong tama ang nakikita ko!

"S-Si... Si Papa..."

Continue Reading

You'll Also Like

105K 3.3K 49
COMPLETED β€’ WATTY AWARDS 2019 WINNER All her life, Brianna Andi Manumbayao lived in luxury thanks to her politically involved clan. When it's all ab...
468K 14K 34
Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fi...
1.4M 43.3K 52
Lumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living is a way to comply with and entrust one's...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...