Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 21

691 41 55
By whiskelle

Chapter 21

Bit by bit, Diamond's mouth fell open. Ang chinito niyang mga mata ay bahagyang namilog na para bang nagitla pa sa sagot ko. Napaatras pa siya ng isang hakbang ngunit ang kaliwang kamay naman ay nakadikit pa rin sa pintuan.

Ako naman ay inalis ang tingin sa kaniya. I felt more uneasy after responding to his question.

Mas lalo akong nag-iwas ng tingin nang sundan niya ang direksyong kaharap ko, pinipilit na magkatinginan kami. When he succeeded, my face crumpled.

"Nasabi ko na ba?" si Diamond, sumisilay ang pilit na ikinukubling ngiti.

"A-Ang a-ano?"

Malalim siyang bumuntong-hininga.

"Na ang ganda-ganda mo?"

Napakurap-kurap ako sa narinig. Nang rumehistro iyon sa isip ko, pinamulahan ako nang malala.

My response was a hefty sigh.

Nagsimula siyang hagurin ako ng tingin. Mula sa mata, bumaba sa ilong patungo sa aking labi na kaagad ko namang itiniklop patago. Sa ginawa kong iyon, lumabas ang tawa sa ilong ni Diamond.

"M-Masyado k-kang malapit sa akin–"

"Ayaw mo ba?" agaran niyang balik.

I blinked three times hastily after that return. I didn't see that coming.

"H-Hindi naman sa ganoon–" Mariin kong isinara ang mga mata sa sariling sagot.

Ang dali lang sabihin na ayaw mo, Riem!

"Uh... siguro, u-uh... layo ka muna konti..." ani ko dahil naaalibadbaran na talaga sa lapit namin. Namumuo na rin ang butil ng mga pawis sa aking noo.

Aktong hahakbang patalikod si Diamond nang umalingawngaw ang tunog ng doorbell sa loob ng kuwarto. Napasinghap ako.

Dahil sa pagkakataranta, tinulak ko si Diamond nang buong puwersa para masilip sa peephole kung sino ba ang bigla-bigla na lang dumarating ng ganitong oras!

Diamond was startled after I pushed him. Napaatras siya ng dalawang hakbang sa lakas ng salya ko.

"S-Si J-Junio!" sambit ko sa pangalan ng lalaking nakahalukipkip sa labas pagkasilip sa peephole.

Sa nanlalaking mga mata, hinarap ko si Diamond.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. I walked towards the man and dragged him inside the cabinet that was located near my bed.

Tumingkayad ako at dinakma ang ulo niya. Pilit kong iniyuko iyon. Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Hindi na ako nag-abala pa na sagutin ang katanungan na nakaguhit sa mukha niya. Nagpokus ako sa ginagawa.

It was like I was playing a basketball. Grasping a ball and trying to shoot it. Ang problema nga lang, ulo ni Diamond ang ginawa kong bola.

"I won't fit in here, Dayamanti!" galit na utas niya.

"Kasya ka!"

Hindi naman maliit ang cabinet. Sa totoo lang ay kasyang-kasya ako roon! Nasubukan ko na kaya! Hindi ko lang alam at bakit ang hirap ipagkasya nitong si Diamond! Siguro'y sa sobrang tangkad! Idagdag pa ang malalapad na balikat!

Sunod ko namang ginawa ay ipinagpilitang ipasok ang katawan niya. Naramdaman ko ang bahagya niyang paninigas nang ilapat ko ang mga palad sa dibdib niya para maitulak pa paloob.

Sa buong oras na ginagawa ko iyon, wala akong narinig sa kaniya kundi puro malalalim na buntong-hininga at paminsan-minsang atungal. Sumusunod din naman.

"What am I going to do here? Why are you hiding me?" Hinarang niya ang kamay nang akma kong isasara ang cabinet, tutol na tutol sa nangyayari.

"H-Hindi ako puwedeng makita ni Junio rito nang may kasamang lalaki s-sa ganitong oras."

My lips curved downhill as I scrutinize his extremely uncomfortable position. Nakatagilid ang ulo niya, ang mga braso ay nakayakap sa mga binting nakatiklop.

"P-Pasensiya na..." I rushed towards the apartment's door. I even caught him rolling his eyes at me before I totally closed the cabinet doors.

"H-Hoy naman, J-Junio ka! B-Bakit ka nandito?" untag ko sa kapatid, kinakabahan, pagkabukas ng pinto.

"Ang tagal mo naman buksan?"

Mabilis akong nangapa ng isasagot ngunit nakita kong hindi rin naman nagpapakita ng interes si Junio sa isasagot ko kaya't pinili ko na lang na huwag magsalita at panuorin na lamang siya.

He went straight to the mini kitchen and grabbed the plastic full of foods placed beside the sink. He lifted it up for me to see.

Oo nga pala.

"Nakalimutan ko, e."

"Ah... oo nga pala. Ihahabol ko sana 'yan sa'yo kanina–"

"Ihahabol mo sana? Ba't hindi natuloy?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

Dahil biglang sumulpot si Diamond.

Baka, Riem. Naghuhukay ka ng paglilibingan mo.

"A-Ah... ano... kasi... ano, e..." I cleared my throat.

Hindi ko alam ang idudugtong! Mabuti na lang ay hindi na hinintay pa ng kapatid. Mukha rin namang wala siyang paki. Talagang ang habol lang niya ay iyong mga pagkain. Nagpaalam na siyang uuwi.

"O siya, aalis na 'ko. Ang alam nila Mama ay maaga ang uwi ko. Baka mabuking pa ako ni Juanie na pumunta rito kung masiyado pa akong gagabihin."

I nodded.

"S-Sige! Mag-ingat ka pauwi!"

Bumuga ako sa hangin nang makaalis ang kapatid. Sumandal ako sa pintuan at nagbilang sa isip ng tatlumpung segundo bago naglakad patungo sa cabinet kung saan ko tinago si Diamond.

The moment I open the door widely, natagpuan ng mga mata ko si Diamond na nakapatong ang ulo sa palad, ang siko ay nakatukod sa tuhod. His eyes were fully closed and lips were tensed as if he was having a hard time the whole time he was in there.

"W-Wala na si Junio."

Idinilat niya ang isang mata at tiningala ako. Binawi rin niya ang tingin.

"Tabi," he commanded and went out of the cabinet, still avoiding my gaze.

"Uh, sorry nga pala sa–"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may mamataan sa sahig. Nakalaylay iyon, ang kalahati ay nasa loob ng cabinet samantalang ang kalahati naman ay nakalantad. My cheeks reddened profusely as I narrowed my eyes at the pink lacy panty, proudly exposing itself.

Kuso.

I craned my neck to look at Diamond who's currently staring at the ceiling. Mula sa likuran niya, kitang-kita ko ang pamumula ng magkabila niyang tenga.

Habang nakatalikod siya, matulin kong dinakma ang panty. Napasulyap ako kay Diamond nang marinig ang pagtikhim niya. My eyes broadened when I caught him glancing at the piece of cloth I was clutching.

I quickly hid it at my back and bit my lip.

"Don't bother to hide it from me. I already saw it." He gulped extra hard.

Bumagsak ang mata ko sa sahig. Ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon ay walang katumbas. I feel like I'm going to explode in shame at any time.

"I didn't know you like pink that much," he said in a baritone voice and then followed by a clear of throat.

Ang tingin niya ay lumipad at lumapag sa looban ng cabinet na pinagsuotan niya kanina.

Halos humandusay ako sa sahig nang mamasdan ang ilan pang pares ng panty roon na nagkalat marahil sa ginawang pagpasok ni Diamond. Siguro'y nangalaglag sa hanger!

Ano iyon?! Nakita niya, mata sa mata?!

Bakit hindi ko iyon napansin kanina?!

Unti-unti, bumaling ako sa lalaki na hanggang ngayon ay pulang-pula ang mga pisngi't tenga. Pinagdikit ko ang mga kilay at sinamaan siya ng tingin.

"B-B-Bastos ka-a-a!" naginginig kong paratang.

Hindi makapaniwala niya akong pinanliitan ng mata.

"What?! Is it my fault that your silk undies were shining so bright that they stole my attention?!"

Napasinghap ako at napaisip sa binigkas niya.

Sinulyapan ko ang mga panty na masyado ngang makinang. Parang mayroong alitaptap sa loob na nangungutitap.

"G-Gano'n ba..." ang tanging namutawi sa bibig ko. "O-Okay..."

Nangunguwestiyong umangat ang kilay niya.

"Next time, if you don't want your underwears to attract attention, don't buy glow in the dark–"

"Hindi sila g-glow in the d-dark!" pagtatanggol ko sa mga panty ko.

He ignored it.

"And you were the one who forced me to go inside that goddamn cabinet. You didn't even–"

"O-Okay na nga sabi ko, 'di ba... S-Sorry na–"

"I'm very offended with what you said," masungit niyang putol at humalukipkip, masamang-masama ang mukha.

I removed my eyes from him and stared at the floor instead. Ipinagdikit ko ang mga kamay at ipinagkukurot ang mga palad.

"You accused me of being a pervert," bulong-bulong niya sa gilid. "That's the most horrible accusation I've ever received."

Napanguso ako, hindi alam kung anong pagsosorry ang gagawin.

Mas lalong dumapa ang labi ko nang magbulong-bulong pa siya.

"S-Sorry na nga kako e–"

"Sorry, sorry," he mimicked, mocking my apology.

Nagkasalubong ang mga kilay ko habang pinapanuod ang mga mata niyang umikot-ikot. Hindi ko tuloy mapigilang mangiti sa kabila ng sitwasyon ngayon.

I am so happy now that I can perceive the other side of Diamond. He is usually cold and serious. Nakakatuwang natutunghayan ko ang kabilang banda ng pagkatao niya.

Ikinubli ko ang ngisi nang magtagpo ang mga mata namin. Masungit niya akong inirapan.

Hindi ayon ang pagtatampo niya sa suot niyang amerikana. Para siyang tatay na inagawan ng anak ng kendi.

"Sorry na... Ano ba'ng gusto mong gawin ko? Para hindi ka na magsungit sa akin?"

Nangisap ang mga mata niya na parang inaabangan niyang itanong ko iyon.

"Go on a date with me," he instantaneously replied, wala na ang bakas ng pagtatampo.

Nalaglag ang panga ko. Ang pag-iinit ng mukha ko simula kanina ay nagkandapatong-patong na. Palundag-lundag ang puso ko sa tuwa ngunit pinanatili kong blanko ang ekspresyon.

"Inuutusan mo ako?" I pointed myself.

He raised a brow.

"Then, do you want to go out with me?" Hindi pa ako nakakasagot ay dinugtungan niya, "Yes or yes?"

Kapagkakita ng hindi makapaniwala kong ekspresyon ay napangisi siya. Inalis niya ang braso niya mula sa pagkakakurus at saka inayos ang damit mula sa pagkakalukot. After that, he ran his fingers through his soft-looking hair.

"I guess we can call this a night." He strode to the door of my apartment, taking no notice of me. Bago pa siya tuluyang makalabas, nilingon niya ako sa mabagal na paraan. "Your fake date with the dickhead is cancelled. He will go back to the Philippines."

Isinara ko ang nakangangang bibig.

Was he talking about Finn?

Akala ko ba ay magtatagal pa iyon dito? Bakit biglang aalis na agad?

"I'm leaving now... We'll see each other tomorrow. What time would suit you best?"

Naaligaga ako sa tanong niya.

"U-Uh... K-Kahit anong oras. B-Before lunch? Mga alas-diyes ba?"

He just nodded and then left.

Lumipas ang mahigit labing-limang minuto na nakatitig lang ako sa pintuang nilabasan ni Diamond. Tulala.

Kumurap lang ako nang humihip ang maginaw na hangin mula sa nakabukas na bintana sa gilid.

Okay... so... hindi lang ako ang nagkakagusto rito. Si Diamond ay may gusto rin sa akin. Gusto ako ni Diamond.

At... inaya niya ako sa isang date. Hindi, mali. Inutusan niya ako na makipagdate sa kaniya.

Habang iniisip ang mga bagay na iyon, hindi ko napanatili ang temperatura ng mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang init do'n buhat ng pag-aalala sa nangyari kanina. Idagdag pa ang panty na lamu-lamutak ko ngayon. Sana lang bukas ay hindi na maisali pa sa usapan namin ang tungkol doon!

"M-Magandang umaga," I greeted as I scooted over in the passenger seat of Diamond's car. Tumikhim ako nang masyadong nagtunog pormal iyon. "Saan tayo?" I glanced at the man on the seat next to me.

Nakaparte ang mga labi, napatulala siya sa akin matapos ang isang pasada sa katawan ko. Malalim siyang nagbuntong-hininga. Ibinaling niya sa harapan ang tingin, walang kibo, at sabay na hinatak pababa ang itim na v-neck sweater na suot at puting polo sa loob noon. When he turned his head to me, a profound sigh was released once again.

May balak kaya siyang sagutin ako?

"Dayamanti," he called.

"Hmm?" I raised an eyebrow.

Pakiramdam ko ay mauubusan siya ng hangin kakabuntong-hininga.

"Ang ganda-ganda mo."

The precipitous praise caught me off-guard. Masiyadong mabilis.

I captured my lower lip through biting it. Nalasahan ko ang mumunting kalawang sa diin noon.

I was implicitly overwhelmed.

Madalas naman akong nakatatanggap ng papuri kagaya noon! At kadalasan din ay labas-pasok lang sa tainga ko. Bakit ngayong sa bibig ni Diamond nanggaling, masyadong malakas ang epekto sa akin? Bakit ang sarap-sarap marinig?

"Huh?" Gusto ko lang marinig ulit.

"Ang sabi ko, ang ganda-ganda mo..." marahan niyang bigkas na talaga nga namang akala mo'y hinehele ako. "Parati," pahabol niya bago pinaandar ang sasakyan.

Itinagilid ko ang ulo sa kasalungat na direksyon ni Diamond at hinayaan nang umusli ang ngiti sa labi. Nang silipin ko ang lalaki ay hindi ko sapat akalaing nakatingin pa rin siya sa akin. Ang pagkamangha ay nakaplaster pa rin sa mukha.

Is he that amazed with my beauty? Ang nagbago lang naman ngayong araw ay nag-apply ako ng kaunting make-up sa mukha. Hindi ko nga alam kung maayos ba ito o ano. Madalas ay sa labi lang ako naglalagay.

Dumiretso kami sa tinutuluyan niyang Resort at hinintay niya akong matapos sa pagpipinta. Hindi ko kasi maiusog ang schedule ng pagpipinta kong ito. May usapan kami noong pinagbebentahan ko na ngayong araw ko ihahatid sa kaniya ang mga bagong gawa ko.

Ilang oras din ang naubos dahil doon. Nahiya ako kay Diamond dahil pakiramdam ko ay walang kabuluhan itong date namin. But he assured me that it was okay with him and he was having fun. Maligayang-maligaya pa siya nang magvolunteer na maging paksa ko sa ilang pinta. Ewan ko ba sa kaniya. Nakatitig lang naman sa akin. Hindi pa puwedeng gumalaw.

Where's the fun in there?

"Yokoso! (Welcome!)" The hostess of the restaurant welcomed and guided us the way to ur table.

Nang dumating ang ala-una ay dinala niya ako sa isang restaurant sa labas ng Resort. Kung tama ang estima ko, limang-minutong-biyahe lang iyon.

Maganda ang restaurant at naiiba sa mga Japanese restaurant kung ipaghahambing. Parang pang-ibang nasyon iyon. Binubuo ng kulay ginto at krema ang bawat kagamitan sa loob. Kaunti lang din ang mga tao.

"My Mom and I always go here. No'ng hindi pa kami parehas na abala."

Umangat ang kilay ko.

"Saan abala ang Mom mo?" Huli na nang marezalize ko na masyadong personal ang tanong ko.

Diamond didn't mind, though.

"She got scolded by my father for spending too much money." He chuckled. "My father wouldn't just tolerate her so... he told her to help him handle the company in order for her to earn money that she can use for her caprices."

"At ikaw?"

Bumalantok ang kilay niya.

"Sa'yo."

Sa sagot niyang iyon ay napabalantok din ang kilay ko.

Wow, that was fast.

Nang makaupo sa lamesa namin ay napatingin ako sa mga bagong nagsidaratingan na humihinto pa saglit sa harapan upang magpareserve.

"Nakapagpareserve ka kaagad? Kailan?" tanong ko sa kaharap na lalaki nang mapansing nakareserve na ang puwesto namin sa restaurant.

He raised a hand to purloin the attention of the waiter, but eyes were fixed on me.

"Kagabi lang."

"Pagkaalis mo sa apartment ko?" pangungumpirma ko sa sigurado.

He quivered his head.

"No. Before going to your apartment," he corrected.

My eyes tapered into slits. Hindi ako makapaniwalang tumitig sa mukha niyang ngayo'y nakaharap sa waiter na nasa gilid. Ang waiter ay Inglesero kaya't hindi siya nahirapan sa pakikipag-usap.

"At talagang sa una pa lang ay sigurado ka nang papayag ako sa date na pinlano mo?"

He smirked mischievously.

"Hmm... you had no choice, don't you remember?"

Napahalakhak ako.

Right!

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga pagkain. Nangalam ang sikmura ko nang mailapag sa harapan ko ang steak na nagmomoist at french fries na sa tingin pa lang ay masasabi mong masarap.

Ang problema nga lang, hindi ko alam kung paano gamitin ang sandamakmak na kubyertos na nasa mga gilid ng plato ko. Bigla akong kinabahan at nakaramdamn ng panliliit. Paano akong kakain nito!

I wetted my lip and started eating the fries after uttering my gratitude for the food. Isang sulyap sa akin ni Diamond at nagsimula na rin siya.

I pulled a face as I scanned his actions while cutting the meat. Ang mga brasong nakatago sa ilalim ng kaniyang damit, alam kong umiigting ang mga iyon sa bawat abante at atras ng kutsilyong panghiwa. Ang guwapo niya habang ginagawa iyon. Ang swabe lang.

Grabe! Kahit nagpuputol lang ng karne, guwapo pa rin!

"You like it?"

Nahinto sa hangin ang dapat na isusubo kong pritadong patatas. I eyed Diamond.

"Oo! Unang beses kong makatikim nito. Masarap. Nagustuhan ko." Itinaas-baba ko pa ang ulo para ipakitang taos-puso ang pinagsasasabi ko.

He nodded and resumed doing his business.

Ngunit sa totoo lang ay hindi ko matigil-tigilan itong fries dahil 'di ko alam kung paano kainin ang steak. Pero totoong gusto ko ang fries! Masarap kahit mamantika.

I was almost finished eating my fries when Diamond swiftly swapped our plates.

Kumunot ang noo ko.

"Eat," anito sa'kin at sinimulang hiwain ang buong karne niya.

"Bakit mo pinagpalit? Naubos ko na ang french fries n'yan–"

"It's all right. I don't like potatoes," he lifted a shoulder. "And I really cut the meat for you. You can use chopsticks now."

Napaawang ang labi ko.

"Thank you," wika ko. Hindi ko na napigilan ang sarili. "Puwede bang turuan mo ako kung paano gamitin itong kutsilyo para sa steak? Sa totoo lang ay hindi ko alam gamitin..." nahihiya kong amin.

Umangat ang tingin sa akin ng nasa harapan. Inarkuhan niya ako ng kilay.

"Why bother to learn when I'm here? I can always cut the meat for you," anas niya, marahang ngumunguya.

A corner of my lip went up.

"Paano kung wala ka? Sino'ng taga-hiwa ko?"

His lips protruded a little.

"Then don't eat steak without me," he simply responded.

Pagkatapos namin sa restaurant ay dumiretso kami sa Shop kung saan ko inihahatid ang mga pintang gawa ko. Saglit lang kami doon. Pagkaabot ng bayad sa akin ay dumiretso kami sa susunod na destinasyon.

Humugot ako ng hininga habang tinatanaw ang sikat na sikat na Togetsukyo Bridge ng Arashiyama. Pinagdudugtong noon ang dalawang patag. It was built across the Katsura River which leisurely flows through. And that's one of the many reasons why people go here. Para lang magpakalma.

Inilinga ko ang tingin kay Diamond nasa may likuran ko. Kasabay ng pagbaling ko sa kaniya ay siyang pagsayaw ng mahaba kong buhok na mataas na nakapusod. He was staring at me intently.

"Ang ganda, 'no?"

"Maganda talaga," he earnestly verbalized, not piercing the stares.

My face flushed when it seemed like he was talking about me.

"T-Tara na nga."

Nauna na akong maglakad sa kaniya. Mabilis ko siyang binalingan at nakitang nakabuntot siya sa akin. Matapos ng tinging iyon, nilakihan niya ang lakad at tinapatan ako. Nang magkatapat kami ay nakisabay siya sa tulin ng aking lakad.

Nakiramdam na lang ako at hindi na siya tinignan pa sa sumunod na mga oras. Ninamnam ko na lang ang mga fully bloomed cherry blossoms sa paligid. Napakaganda noon sa mata. Bagay na bagay din sa katamtamang lamig ng klima. Ang ilan ay nangangalaglag sa ilog sa ibaba. It was like the sakuras were falling from the sky.

"I have a question..." sambit ko nang nasa kalagitnaan na kami ng tulay na nilalakaran.

Nilingon ko ang lalaki sa gilid na kanina pa pala ako pinapanuod.

"Go ahead."

"Why are we dating?" Sa una pa lang na tanong ay napagitla si Diamond sa tanong ko. "What's the purpose of it? When and how will this end? Does this even have an end?" I asked continuously without even thinking.

Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniya. Bahagyang nakaramdam ng kirot ang dibdib ko nang makita ang pagdaan ng kalungkutan sa mga mata niya.

"Do you want this to end now...?" 

"N-No! I-I was just curious... Hindi naman ako sanay sa mga ganito at isa pa... hindi pa naman ako nakakasubok ng totoong date." Pumasok sa isip ko iyong sa'min dati ni Miro. Sabi ni Diamond ay hindi raw date ang tawag do'n.

Sa sinabi kong iyon ay tila napanatag ang lalaki.

"I don't know. Ang alam ko lang ay..." He swallowed. "...laging na sa'yo ang desisyon."

"Bakit nasa akin?" nalilito kong balik.

A bitter smile crept on his lips.

"Do you still remember the words you said when you confessed to me?"

Hindi ako kumibo. Hindi ko na gaanong naaalala ang mga sinabi ko noon.

"Sinabi mo na sa sobrang pagkakatindi ng pagkakahulog mo sa akin, hindi mo na kayang makaahon pa." He paused a bit as his tongue wander around his lips. "Mas matindi kasi 'yong pagkakahulog ko, Dayamanti, e. Mas matindi. Sa sobrang tindi, hindi na ako magbabalak pang umahon. Parati na lang akong magpapaubaya."

The words he delivered are worth the blush, alright. But why is my heart painfully beating? Puwede pala 'yon, ano? Iyong sa sobrang galak, napakasakit.

I was halted from walking when Diamond stopped. He faced his body to me.

"Hell, I will not even try. Malunod na kung malunod."

Sa buong buhay ko ay ipinagkait ng mga taong nakapaligid sa akin ang pagmamahal. At nang tumanda ako, binawi sa akin ng Nasa Itaas ang taong totoong nagparamdam sa akin ng tunay na pag-ibig.

Pero hindi Niya hinayaang mag-isa ako. Ang nawala sa akin ay Kaniyang ibinalik. Ang regalong kapalit ay lagpas-lagpas pa sa hiniling ko.

And it is Diamond. Diamond is the gift. Diamond is my more than enough.

"Habang buhay akong magpapakalunod, Dayamanti. Kasama ka man o hindi. Umahon ka man, mananatili ako."

Walang pasabi, ibinunggo ko ang sarili sa kaniya at niyapos siya nang husto. That was the warmest and tightest hug I've ever given someone.

And I know... I know that this person deserves all of my most.

Mahigpit ang pagkakapikit ng mga mata ko ngunit hindi pa rin sapat iyon upang maikulong ang mga luhang nais kumawala.

"Thank you for staying," I whispered, gasping.

He hugged me back and then smoothly rubbed his palm on my back.

"You don't have to thank me, Dayamanti. Because you deserve this. You deserve a love that stays." I cried more when I heard his voice cracked.

Nang humupa ang nararamdaman ko ay ikinalas ko ang yakap sa lalaki at umatras ng isang hakbang. Pinakatitigan ko siya sa mata. And just by looking at those, I knew he also shed a tear.

"Why are we dating again?" I asked.

He flashed a small smile.

"So when the time comes when I will ask you to be my girl, you already know what to answer."

"Kailan naman iyon?"

Diamond smirked and shrugged. "I don't know."

"Bakit hindi pa ngayon?" ani ko na ikinagilalas ng nasa tapat ko.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko.

"W-What do you mean?"

Did he just stutter?

I almost chortled.

"Sabi ko, bakit hindi pa ngayon?" Umarko papaitaas ang kilay ko. "Bakit hindi mo pa iyon ngayon itanong?"

His eyebrows slowly floated as if he was screaming that he is easy to talk to.

"Do you want to be my girl then, Dayamanti?"

Parang tanga lang. Dahil ako ang nagsimula sa usapang ito. Ngayon na tinatanong na ako, natameme akong bigla.

Sinubukan kong bigkasin ang sagot ngunit parang nagbuga lang ako ng hangin. Dahil sa hindi ko kayang maglabas ng tunog sa mga oras na iyon, itinango ko na lang ang ulo.

Paulit-ulit. Sunod-sunod.

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 1.4K 53
Athena Shanaia Ramos, a third year student taking up AB Economics at Primson University, had never gone into a relationship because of her strict fat...
5.1K 296 76
an epistolary ; caraehr and chino
105K 3.3K 49
COMPLETED β€’ WATTY AWARDS 2019 WINNER All her life, Brianna Andi Manumbayao lived in luxury thanks to her politically involved clan. When it's all ab...
166K 4.2K 43
Camille believes that the purpose of her life is to be happy. She wants to find her happiness whatever it takes. Well, she found it... in Nico's arms...