Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 20

693 46 45
By whiskelle

Chapter 20

My heart thudded nonstop as I was half-running to the elevator. I pressed a button fast and leaned onto the cold wall. Mariin kong ipinikit ang mata habang inaalala ang mukha ni Diamond kanina nang akin siyang iwan.

He was dead dumbfounded! Well, who wouldn't be? Everyone would be as shocked as him after the stupid sudden confession!

Aba at ako rin naman ay nagulat sa inasto ko! Hindi ko rin inakala na sa punto ng gabing ito ako aamin!

Nanginginig ang kamay kong tinipa ang passcode nang makarating sa harapan ng pintuan ng apartment room. Kung ano-ano pang mga numero ang pinagpipindot ko! 

Si Diamond naman kasi! Ayaw umalis sa isip ko!

The first thing I did when I entered the room is I swore myself to death. Nang makaramdam ng sakit sa sariling pang-iinsulto ay tumigil na ako at dumiretso sa banyo upang makapagbabad sa maligamgam na tubig sa tub.

"Ayos lang iyon. Normal lang naman ang magkagusto. Ayos lang..." I tapped my both shoulders simultaneously with crossed arms, attempting to comfort myself.

Kahit sa taong dapat ay kaibigan lang, normal pa rin ba iyon, Riem?

Hindi. Tanga.

I planned to stay long under the waters of tub but I heard my cellphone rang outside. Leisurely, still cussing myself, I walked out of the bathroom and went straight to the bed where my cellphone is located at. I am in a very thin night dress.

I was completely fine not until I saw the name of the caller.

Sa nanlalaking mga mata, hinagis ko ang cellphone sa malayo. Sapat lang upang hindi mabagsak sa sahig.

Hinihingal sa nerbiyos kong pinanuod ang cellphone sa kadulo-duluhan ng kama na malakas ang tunog, ang pangalang Diamond ay nakaplaster sa screen.

Why is he calling? Is he ready to state the speech of rejection?

Dios ko!

Mas nanaisin ko pang itanggi ang ginawang pag-amin kaysa siya ang tumanggi sa pagtatapat ko!

Nang matapos ang ring na iyon ay hindi na nag-abala si Diamond na sundan pa iyon ng isang tawag. Mensahe na lamang ang natanggap ko kapagkaraan.

Diamond:
Are we going to meet tomorrow?

Huminga ako nang malalim bago nagtipa ng reply.

Dayamanti:
Siguro ay sa susunod na linggo na lang. Mayroon akong shoot bukas.

At least, he did not bring up the confession I did earlier. Mabuti na at ganitong klaseng mensahe lang ang ipinahatid niya.

Siguro ay sanay na sa mga babaeng nagtatapat ng nararamdaman sa kaniya?

Mabilis ang sumunod na reply galing sa kaniya.

Diamond:
Okay.

It's shameful to say but I felt kind of disappointed with the well-saved reply.

But I suddenly wanted to take back the feeling and be contented instead when he added a message.

Diamond:
About what happened earlier, can we talk about it through a call?

My chest constricted painfully in nervousness after reading the last message he sent.

Imbes na magpadala ng reply, inihagis ko ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Phone placed above my booming chest, I think deeply of what to answer.

Call daw.

Call daw?!

Sa huli, imbes na tumugon sa tanong ay nagkunwa-kunwarian akong natutulog kahit na wala namang nakakakita sa akin.

Matapos ang ilang sandali ay idinilat ko ang mata at ikinusot-kusot pa iyon. Halos matawa ako sa sariling pinaggagagawa.

I reached for my phone and typed in my reply.

Dayamanti:
Ay sorry. Nakatulog ako.

Pagkatapos kong isend iyon, doon ko lang napag-isip-isip na masyadong hindi makatotohanan ang palusot ko! Halatang nagsisinungaling! Mayroon kayang nakatulog ng kulang isang minuto!

Even so, I continued.

Dayamanti:
GRABE ANTOK NA ATOK AKO HA! PAKIRAMDAM KO SA SOBRANG ANTOK KO, DI KO NA KAYANG MAKIPAGCALL PA SA KAHIT NA SINO!

I expected an instant reply but nothing came.

Matiwasay akong nag-abang ng reply ni Diamond. Ngunit imbes na reply ang matanggap, doorbell sa silid ng apartment ko ang dumating!

Matulin akong bumangon sa pagkakahiga, puso ay nagtatatambol, at saka sinilip sa butas ng pintuan ang tao sa likod ng pintuan habang sinusuot ang isa pang saplot upang matabunan ang katawan kong nababalutan lang ng manipis na tela.

Napabuga ako sa hangin nang makatiyak na hindi ang taong inakala ko ang naroon.

I opened the door widely and smiled at the man in front.

"Junio, naririto ka?" bungad ko sa kapatid.

Nagkibit-balikat lamang ito at saka dire-diretso ang hakbang papasok sa loob. Napakurap-kurap ako habang pinapanuod ang pagpapainit niya ng tubig at pagkalikot ng mga pagkain sa maliit kong kusina.

My brows upraised.

Isinara ko ang pinto at tumuloy sa kinaroroonan ng kapatid. Ibinuhos ko ang buong atensiyon sa kaniya na ngayon ay nagsasalin ng mainit na tubig sa instant ramen na malamang sa malamang ay sa akin. Hinayaan ko ang kapatid sa ginagawa at umupo na lamang sa upuang nasa harapan niya.

His sudden visit didn't really shock me. Sa nakaraang mga taon, simula noong itinakwil ako ni Mama sa pamamahay, palagian ang pagpunta rito ni Junio. Kung hindi nakikikain ay humihingi ng kuwarta.

"May problema ba sa bahay?" I asked when he sat on the chair next to me.

He looked at me with a sarcastic smile.

"Hindi naman nauubusan ng problema sa bahay! Kung may nagbabago man, nadadagdagan lang!" aniyang namumuwalan ang bibig.

My lips subconsciuosly formed a wary smile.

Hindi na ako nagtanong pa kay Junio. Hinayaan ko munang ubusin niya ang kinakain. Mukha siyang gutom na gutom.

Bumaba ang tingin ko sa pangangatawan niya. He looked thinner. Noong nakaraan buwan niyang pagpunta rito ay patpatin na ang katawan niya. Mas lalo ngayon. Wari mo'y kung hindi nakakain ngayong gabi, kalansay na lang. Ang mukha rin niya ay naghuhumiyaw ng kapaguran. Ang itim sa ilalim ng mga mata niya ay kitang-kita.

"Buti ay napabisita ka?" tanong ko nang matapos ang huling higop niya sa kinakain. Buong akala ko ay makakausap ko na siya nang maayos ngunit hindi. Tumayo siya at inilabas ang supot na walang laman mula sa kaniyang bulsa. Nagsimula siyang magpasok ng mga pagkain roon.

I sighed.

"Wala bang makain sa bahay?"

"Oo. Araw-araw."

Kumirot ang puso ko na pawang tinarakan ng punyal. Kung sanang naroroon ako't kasama sila, sigurado akong makatutulong ako kahit papaano.

"Miss na miss ka na ng Mama, Riem," si Junio na siyang nagpaatras sa namumuong luha sa mga mata ko.

Unti-unting nabuo ang ngiti sa akin habang pinapanuod ang kapatid na halos ipasok ang lahat ng pagkain sa bitbit na lalagyanan. Kahit na may alinlangan ay hindi ko napigilan ang sarili na makaramdam ng kasiyahan.

"T-Talaga ba?" ang galak ay himig na himig sa tinig.

"Oo!" Junio faced me.

Napakagat ako sa labi sa tuwa habang nakasulyap sa kapatid na binubuhol ang supot na hawak.

"Ano ang sinasabi tungkol sa akin?"

Walang sagot na sumunod. Nag-iwas lang ng tingin ang kapatid.

"May... May pera ka ba d'yan, Riem? Alam kong may pera ka... Puwede bang makahingi?"

There, I confirmed the hesitation I sensed seconds ago. Hindi totoo ang naunang sinabi ng kapatid na lalaki. Nasabi lang niya iyon dahil mayroon siyang hihingin.

Inilunok ko paninikip ng dibdib.

"Walang natitira sa sinasahod ko sa pabrika. Sa mga gamot pa lang ni Mama... simot na. Ni kusing para sa sarili ay wala. Kaya pati pagkain... ipinaglilimos ko pa." He smiled as if all of the things he said did not ache him.

"K-Kung may kailangan kayo, nandito naman ako, Junio. M-Maayos naman ang kinikita ko. Wala rin naman akong pinaggagastusan kaya kahit kailan ay huwag na huwag kayong mahihiya na lumapit sa akin." Huminto ako saglit at pinakitaan siya ng ngiting mahinagpis. "P-Pamilya n'yo ako.."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nahihiyang napakamot sa batok ang nasa harapan.

"Salamat, Riem, ha. Kahit kailan ay hinding-hindi ako mahihiya sa'yo!"

Hindi ako nagsalita sapagkat naramdaman kong may idudugtong pa siya.

At hindi ako nagkamali.

"Kaya nga... Kung puwede ay laki-lakihan mo ang ibibigay sa aking pera. K-Kasi..."

Bumalantok ang kilay ko.

"Kasi?"

"Kasi ano, Riem ,e..." Dinilaan niya ang labi. "B-Buntis si Juanie..." Ibinaling niya sa ibang dako ang tingin, para bang binigkas ang hindi marapat bigkasin.

Nanigas ako sa narinig. Kapagkuwa'y nalaglag ang panga.

"H-Huh?" pagpapaulit ko.

Ang dami kong iniisip bago dumating si Junio! Baka mamaya ay mali ako ng narinig!

He gulped down in the most hard way.

"Kahapon kasi, nagpakita ng sintomas si Juanie. Sinubukan niyang magpacheck-up at nakumpirma nga na buntis siya."

Nanginig ang mga labi ko nang hustong marinig ang tinuran ng lalaki. Halos mahulog ako sa inuupuan sa surpresa.

"S-Sino ang ama?" I quickly asked. "Kakilala ba natin? K-Kilala ba niya?"

Halos iuntog ko ang ulo sa pader na nasa gilid. Malamang ay alam ni Juanie! Hindi naman natuloy ang pagtatrabaho niya sa trabahong ninanais ni Mama para sa kaniya kaya't dapat ay kilala niya ang ama ng anak na dinadala niya!

Sunod-sunod na iniling ni Junio ang ulo.

"Kapag tinatanong siya ay sinasagot na hindi kilala. Pero sigurado ako, Riem, na kilala niya at ayaw lang niyang tanggapin, ayaw lang niyang ipaalam."

My brows furrowed in confusion.

"Marahil ay lalaking nakilala lang niya sa maikling panahon. Turista?" he added and then shrugged. "Wala namang naging nobyo si Juanie."

Sa sinabing iyon ni Junio, kinutuban ako. My heartbeats tripled.

"A-Ano naman ang sinabi ni Mama tungkol sa pagkabuntis ni Juanie?" pangangalap ko, pilit isinasawalang-bahala ang kutob na nabubuo sa isipan.

"Ano pa ba? E 'di galit na galit. Kung hindi lang nagdadalang-tao ang kapatid natin ay napatay na niya sa bugbog. Kagabi nga ay inatake pa ng hika. Kaya nga ngayong araw ay naghanap pa ako ng iba pang trabaho. Sa dalawang babaeng pasan ko, hinding-hindi magiging sapat ang kinikita ko sa pabrika."

Unconscious and numb, I nodded my head slowly.

"Dadagdagan ko ang perang ibibigay ko," I slowly said that made Junio smile. "At kung magkaproblema man sa sumunod pang mga araw, nandito lang ako. May ipon naman ako... matutulungan ko kayo, Junio... P-Pamilya tayo, 'di ba?"

"Oo naman, Riem!" He smiled widely for a moment. Nabura rin iyon. "Pero puwede bang itago natin ang usapang 'to? Ayaw ipaalam ni Juanie sa iyo dahil hiyang-hiya. Sinabihan din ako na huwag manghihingi ng pera sa'yo na siya ang dahilan. Pero hindi ko naman alam kung saan ako kukuha kung hindi kita lalapitan."

Like a puppy to its owner, I agreed right away to his request.

Ang balitang nakalap ko ay dumagdag lang sa sakit ng ulo ko sa gabing iyon. Kahit na umalis na si Junio ay iyon pa rin ang tumatakbo sa isipan ko.

Si Juanie, buntis. Ayos lang naman sa akin iyon! Walang problema ang sagutin para sa bata. May pera ako na kayang ilaan para sa parteng iyon. At isa pa, ka-pamilya ko ang bungang dala-dala niya.

Ngunit sana man lang ay alam ng nakabuntis sa kaniya ang tungkol doon! Kung ayaw man ni Juanie sa lalaki at may alitan man, sana'y huwag taguan ng anak! Imagine the ache the father would feel after realizing that his child was taken away from him. Hindi maganda iyon.

Kaya naman kapag dumating ang araw na ako ang mabuntis, ipapaalam ko kaagad sa lalaki!

Nag-init ang pisngi ko nang maisip si Diamond.

At talagang dinamay ko pa si Diamond sa plano kong pagbubuntis!

Mula sa kisame ay lumipad sa pintuan ang mga mata ko nang marinig ang katok mula roon. Saktong pagbangon ko ay nakita ko ang supot na punong-puno ng mga pagkain. I was certain that the one behind the door was Junio. He probably noticed that he forgot his plastic bag here in my apartment.

Tumayo ako at inabot ang plastik, hindi na inalintana pa ang pagpatong ng mas makapal na damit sapagkat iaabot ko lang naman sa kapatid ang supot.

"Oh, nakalimu–"

My eyes narrowed into slits when the unpredicted visitor's eyes and mine locked. Albeit highly strung, I managed to take a breath. Ngunit nang ibuga ko iyon sa hangin ay nasamid pa ako.

Kahiya-hiya!

Mula sa mga mata ng kaharap na si Diamond, bumaba ang tingin ko sa suot nito. Innumerable trenches appeared on my forehead at the moment that I noticed the same outfit he was wearing earlier at the party.

I felt gauche when he did the same to me. Mula sa ituktok ay pinasadahan ng tingin hanggang sa kuko ng mga paa ko. Tumulin ang tibok ng puso ko nang bumalik ang tingin niya sa aking dibdib.

Bakit bumalik?

Instinctively, my eyes darted to my chest. Wala namang problema roon. Natatabunan ng manipis na telang pantulog at iyon lang. Natural lang naman na hindi nagsusuot ng damit-panloob sa tuwing matutulog na.

My mind was about to repeat that it was all fine but I realized that someone's also looking at it! Hindi lang ako!

I pulled the door swiftly towards me so that it would cover my body.

Sa pulang-pulang mukha, sinulyapan ko si Diamond na ngayon ay nasa mga mata ko na ulit ang tingin na para bang walang nangyari.

Well, maybe there is really nothing wrong with it? Maybe he is used to see nipples under a thin cloth? O baka naman ay harap-harapan at walang harang pa ang mga nakikita niya!

Sa mga pinag-iiisip, mas lalong nagbaga ang mukha ko.

"What are you thinking?" he abruptly asked. Inosente ang mukha niya na tila walang alam sa mga bagay na umiikot sa isipan ko.

I shook my head with determination.

"W-Wala!" Inipon ko ang palumpon ng buhok at itinabing sa dibdib ko. Umayos ako ng tayo pagkatapos. "B-Bakit ka nandito? 'Di ba sinabi kong... n-natutulog na ako?"

He wetted his lips as he cocked his head to the right side. Mabilis niyang dinapuan ng tingin ang loob ng apartment at saka ibinalik sa akin. Para bang inirapan ako.

"Hmm... But you're not sleeping..." He stepped forward until he entered my room.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"A-Anong–"

"Someone's watching us."

Sinilip ko ang labas at nakita ang isang co-tenant na nakasilip sa amin at mukhang nanunuod. Naisara ko tuloy ang pintuan nang wala sa oras.

Napaka-tsimosa naman! Hindi ko na nga sila pinapansin ng nobyo niya sa tuwing gabing may nangyayari sa kanilang kuwarto tapos ngayon ay mukhang ginawa pa kaming palabas sa sinehan ni Diamond!

Sumandal ako sa pintuan at pinanuod si Diamond na ngayon ay inililibot ang tingin sa loob ng silid.

"Natutulog na ako kanina! Dumating lang ang kapatid ko kaya nagising ako! Pero natutulog na ako!"

"In twenty-eight seconds, e?" tuya niya.

I pressed my lips together firmly. Talagang bilang niya.

"Oo! Dumating lang si Junio kaya–"

"And you let your brother see you with such thin cloth?"

Kumunot ang noo ko. Imbes na sabihin na may patong na damit ako kanina, iba ang lumabas sa bibig ko.

"Bakit? May problema ba roon? Kapatid ko si Junio!" Pinanliitan ko ng mata si Diamond na inabot ang sumbrerong nasa ibabaw ng lamesa sa paanan ng kama. Sa kaniya iyon. Iyon 'yong pinahiram niya sa akin dati na hanggang ngayon ay hindi ko naisasauli.

Halos mahilo ako nang panuorin ang pagikot-ikot noon sa kaniyang kamay.

"Even so..." he mumbled, jealousy is evident in his tone which I knew was absurd.

I grimaced.

"At kapag sa'yo ay walang problema? Mas mukhang mapagkakatiwalaan pa nga ang kapatid ko kaysa sa iyo!" After saying this, he was halted from what he was doing.

Napatuwid ako ng tayo nang magsimula siyang humakbang patungo sa kinaroroonan ko. Kasabay ng paglunok ay siyang pagkabog ng dibdib ko.

"You don't trust me?" His eyes were reflecting his lips' action. Nakangiti habang pinapanuod ang sariling ginagawa sa hawak na cap. Wari ay nagugustuhan ang pinatutunguhan ng usapan.

One more swallow and my knees trembled. Kalahating metro na lamang ang layo namin sa isa't-isa.

"Hindi mo naman siguro ako magugustuhan kung hindi ako mukhang mapagkakatiwalaan?"

His brow then shot up and vehemently interlocked his eyes with mine.

Namungay ang mga mata ko dahil sa ginawa niyang paglapag sa usaping iyon. Lalo na nang mawala ang panunuya sa mukha niya at napalitan ng matigas na ekspresyon.

"Gusto mo ako, Dayamanti..." he succinctly stated. He even nodded his head as if convincing himself that he heard my confession earlier right.

Napapikit ako nang ilapat niya ang kaliwang palad sa pintuan sa likod, ikinukulong ako. As soon as I unlatched my eyes, he lowered down his head, positioning his face right across mine.

Pinigilan ko ang paghinga nang makaisang beses na malanghap ang halimuyak ng hiningang ibinubuga ng bibig ni Diamond. Lalo na at hustong mabibigat ang mga iyon.

Napalunok ako.

Bakit maski hininga niya ay sapat na dahilan para mahulog sa kaniya?

Naduduling ako sa tuwing tinitignan siya sa mata kaya't ibinagsak ko sa kaniyang labi ang tingin. Ganoon rin ang ginawa niya. 

"Your breath smells so sweet," he huskily murmured. "I wonder if the lips tastes sweet as well?"

Napasinghap ako't nanigas sa tanong na iyon. It was like electricity threw itself into me without consent.

"B-Bakit ka magtataka sa lasa ng mga labi ko?" I asked with shaky voice.

Itinagilid niya ang ulo at pinasadahan ng dila ang pang-ilalim na labi. Dahil doon, kuminang ang labi niyang pulang-pula.

"Your lips are tempting, you know... Everytime I look at it, I feel like it's inviting me to give it a taste."

"M-Magkaibigan tayo, Diamond," mabilis kong agap.

"I know." Napausli ang nguso niya. Tila nakakalungkot na bagay ang tinuran ko. 

"K-Kung ganoon, b-bakit mo sinasabi ang mga bagay na 'yan?"

With that question, his lips twitched more. 

Lumipad ang tingin ko sa kanan niyang kamay na may hawak na sumbrero nang kaniyang inangat iyon at ipinaikot-ikot. Pinanuod ko iyon hanggang sa ihagis niya sa likuran. Sa ginawa niyang iyon, bumalik ang mata ko sa kaniya. 

Ang puso ko ay tumigil sa pagtibok gaya ng pagtigil ng paghinga naming dalawa. The more I stare at his intent eyes, the more I drown myself in my overflowing feelings for him. 

May sandaling ikinulong niya ang pang-ibabang labi sa kaniyang mga ngipin. He gradually released it from the seize before muttering the phrase I didn't expect to come out from his mouth. 

"Anata ga suki," he said in Japanese language, tongue is twisting a bit. "Anata ga daisuki." 

My heart fiercely stomped against my ribs that it felt like it was about to withdraw itself from its place. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaba o sa tuwa. 

Napakurap-kurap ako habang pinapanuod ang mata ni Diamond na nagniningning. Ang ekspresiyon na ipinapakita niya ay nagsasabing hindi siya nagbibiro. His face was reflecting the sincerity of his words. 

I swallowed hard. 

"Anata wa anata ga hanashite iru koto sae shitte imasu ka? (Do you even know what you're talking about?)" agap ko bago pa maihi sa sinabi ng kaharap na alam kong hindi naman niya naiintindihan ang ibig sabihin. 

As I expected, his forehead creased in puzzlement. 

A bitter smile launched on my lips. 

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, Diamond."

He stood straight and looked up. Then, he chuckled. 

Dinugtungan ko ang sinasabi.

"Ikaw na ang nagsabi sa akin dati, hindi ka nakakaintindi ng Japanese. Ano ba ang gusto mong sabihin? Ako na ang magtatranslate para sa'yo." Tumawa ako at tiningala siya. 

Agad na napawi ang halakhak ko nang makita na hindi na siya nakatawa. He was examining me keenly. 

"Really?"

Hustong dumagundong ang puso ko. Tumango ako. 

"Gusto kita, Dayamanti."

Napaawang ang labi ko. 

"Gustong-gustong-gusto kita," he whispered, albeit distinctly. 

Umarko ang kilay niya nang mapansing natameme ako. Hindi ko alam ang sasabihin, pa'no ba naman.

"Now, help me translate it. Maybe google gave me the wrong translation earlier while I was planning on how to confess to you."

Mabilis niyang sinundan iyon habang nakadako sa mga labi ko ang tingin niya. 

"Isara mo ang mga labi mo at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ka."

Matulin kong sinunod ang utos niya. I pursed my lips firmly. 

Why does he suddenly became straightforward?!

Ah, I almost forgot. Kahit naman noong una naming pagkikita ay talagang prangka't diretso siya kung magsalita. 

Pero bakit pati naman sa pagkakataong ito ay dinadala niya ang katangian niyang iyon!

Nag-iwas ako ng tingin. 

"Kanina sa party ay nakainom ako nang kaunti. Kaya kanina sa loob ng sasakyan ay medyo nahihilo ako."

Sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa kaniya. 

Hindi kaya nasasabi niya ngayon ang mga bagay na ito dahil...

"Pero hindi na ngayon. Kanina lang," mabilis niyang putol sa iniisip ko na wari'y nabasa niya ang laman ng utak ko. Ang tinig din niya ay tumunog na parang kinukumbinsi niya akong husto na paniwalaan siya. 

Tumulis ang nguso niya. 

"I made sure that I'm sober before going here." He paused a bit and chuckled softly. "And I... I dreamt that you confessed to me. Up until now, I don't know if that confession was just a part of my dream or a part of reality. Ang hirap kasing paniwalaan. And now, I want a confirmation," he added.

Hindi ako kumibo. 

"Do you like me, Dayamanti?" maingat at marahan niyang tanong.

Sa maraming beses na nangarera ang puso ko sa araw na ito, ngayon ay pamamanhid na lang ang nararamdaman ko. Tila ba'y napagod kakatakbo nang matulin. Para lang akong nakalutang sa hangin ngayon. Wala akong maramdaman na kahit ano kundi init ng katawan ni Diamond na halos nakalapat na sa'kin.

"K-Kung umuwi ka na lang muna kaya? Baka hindi pa tuluyang naaalis sa sistema mo ang alcohol-"

"Do you like me, Dayamanti?" pag-uulit niya sa tanong na halos nagsusumamo na sagutin ko siya. 

"Kung sagutin man kita ngayon, siguradong hindi mo rin matatandaan bukas dahil lasing ka–

"Come on, already told you, I'm not drunk..." He put his head lower, attempting to snatch my full attention. I gulped and tried to throw my head back even though the back of my head's already touching the door. "The answer you're giving me is way too far from the question I'm asking you."

Nilawayan niya ang pang-ibabang labi. Sa sobrang lapit namin, akala ko ay dadausdos ang dila niya sa labi ko. 

Mabuti't hindi!

I shut my eyes tightly. 

"Do you like me, Dayamanti Riem?" he asked once again, almost pleading.

Hindi naman mahirap na tanong iyan, Riem. Kung tutuusin ay mas mahirap pa ang Statistics no'ng Senior High School.

Uulitin mo lang naman ang pagtatapat na ginawa mo kanina. 

Uulitin lang.

Uulitin lang naman. 

Nang imulat ang mata, muli na naman akong nabigyan ng pagkakataon na makita ang isa sa mga pinakamagagandang pares ng mata sa buong daigdig. 

"Yes..." I whispered back my answer.

Continue Reading

You'll Also Like

167K 4.2K 43
Camille believes that the purpose of her life is to be happy. She wants to find her happiness whatever it takes. Well, she found it... in Nico's arms...
468K 14K 34
Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fi...
1M 35.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
176K 4.6K 200
Micolo Randler Paez Abbiera Monique Maniago Their story started when they met on Tinder. An online dating application. Micolo wasn't open to have a r...