Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 18

767 43 54
By whiskelle

Chapter 18

"Sobrang yaman mo talaga, 'no? Dito ka pa rin talaga tumutuloy?" wika ko habang inilalapag ang mga dala kong gamit sa lamesa rito sa mini sala ni Diamond.

"Hindi ako mayaman," aniya.

Napatigil ako sa paglalapag ng mga painting materials ko nang gumulong pababa sa carpet ang isang paint brush.

He is so humble.

Ngumiti lang ako at umayos sa pagkakatuwad nang maabot ang brush. "Hindi ka mayaman kasi sobra kang mayaman."

He shook his head and looked away, dismissing me. "Where will you paint?"

Pinagpatuloy ko ang pagbaba sa mga gamit. Nang naroon na lahat sa lamesita ay pumili ako ng mga kakailanganin.

"Dito sana sa sala kaso... pangit ang lighting. Naiiba ang complexion mo. Ayos lang ba sa'yo kung sa labas tayo? Sa gilid ng onsen?"

"Alright," he answered without looking at me.

My forehead puckered when he walked near me and got my materials without giving me even a one glance. Pinakatitigan ko ang mukha niya nang dumaan doon ang paghihirap.

Ano'ng problema niya? It looked like he was having a hard time. Ngunit saan naman?

"Ako na rito! 'Wag mo na 'kong tulungan! Sa labas ka na lang at hintayin mo na lang ako! Kaya ko naman!" sabi ko at kinuha na ang lahat ng materyales na kayang tipunin ng kamay ko.

"Ikaw ang lumabas at ako na rito."

"H-Hindi! Ako na! A-Ako na!" tumuwad pa akong lalo upang maipon ang lahat.

"You're so mulish. Nasisilipan na kita–"

"K-Kaya ko naman nga! Ako na– Ano'ng sabi mo?!"

My eyes widened. He is now looking at me. My spread arms stopped from collecting. Itinungkod ko iyon sa gilid ng lamesita. I cocked my head to the left side.

Mas lalong nanliit ang mga mata ko nang sa mabagal na paraan ay bumagsak sa dibdib ko ang tingin ni Diamond. Sinundan ko ng tingin iyon at nakita ang nakalawlaw kong damit.

"Umayos ka ng tayo at kitang-kita ko na ang dibdib mo," ani Diamond, nakaangat ang isang kilay na animo ay napipikon.

Dali-dali akong tumayo nang tuwid at binitawan ang mga hawak. Hinila ko ang likurang tela ng cream-colored silk dress kong suot.

He watched me do that with his attentive eyes.

Kinunutan ko siya ng noo at nag-iwas ng tingin pagkaraan. My gazes began wandering around.

"Uh..." I cleared my throat loudly. Two times.

Next, three.

I heard Diamond sigh vastly.

Then, four. I shut my eyes firmly.

"Ang ganda ng sahig," wala sa tamang pag-iisip kong sabi.

My eyes opened when he chuckled. Napaawang ang labi ko.

"Ako na rito at doon ka na sa labas."

Walang sabi-sabi, iniwan ko siya roon at lumabas na.

Nang mamataan ang mga puno ay kaagad akong suminghot ng sariwang hangin. Pakiramdam ko ay nasuffocate ako roon sa loob!

Dios kong Diamond! He is very straightforward!

Mabuti na lamang at nakalanghap ako ng sapat na hangin. Hindi na ako nakaramdam ng ilang nang umupo kami sa kaniya-kaniyang upuan. I was glad he didn't bring the shameful topic back.

"Huwag kang masyadong gagalaw, ha?" bilin ko sa kaniya at nagsimula nang magpinta.

Kanina bago ako tumuloy dito kay Diamond ay galing ako sa isang shoot. Inimodelo namin ay ang mga spring outfits na bagong labas ng isang clothing brand. Medyo natagalan kaya't after lunch na ako nakapunta rito kahit na ang usapan namin ni Diamond ay before. Ngunit ayos lang dahil kumain siya kasama ang pamilya nang sunduin niya sila sa airport.

I smiled as I stroked the paint brush with the lightest cream color onto the canvas.

Ang ipinangako niya sa akin noong nakaraang taon ay kaniyang tinupad.

He stayed.

He never left me. Maliban na lang kung umuuwi siyang Pilipinas at kailangang-kailangan. Ayos lang sa akin dahil bumabalik naman siya. Isa pa, hindi niya ako responsibilidad.

Kaya naman sa oras na iwan niya ako nang tuluyan, walang balikan, ay ayos na ayos lang sa akin. The one year he spent here in Kyoto just to be with me is more than enough. Though, I don't think that the word "just" fits in the sentence.

Ang pagkakaibigan namin ay hinding-hindi ko makakalimutan.

It is so funny, right? Who would've thought that our friendship would stay that long?

More than a year? That's lengthy.

Minsan nga ay napapaisip ako kung... masaya kaya siya na kaibigan niya ako? O sa buong panahon ay puro pabigat lang ang binigay ko sa kaniya?

Hindi ko kailanman malalaman. I'm sure. Because he isn't vocal.

I removed my eyes from the big white canvas in front. I glanced at him and studied the every detail of his face.

Pinag-aralan ko ang mukha niya hanggang sa hindi ko na namalayan na nagtitigan na kami. Hindi ko napansin na sa bawat segundong nagdaraan ay lumalalim ang tinginan.

My chest reverberated the numerous beats inside and then constricted. Not because of pain but something else. Something else that I couldn't explain.

I chortled mentally.

Wala kang niloloko rito, Riem. Alam mo kung ano. At kaya mong ipaliwanag.

Your mind knows. Your heart is aware. 

Ako ang unang bumitaw sa titigan.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang sa bandang huli ay ako lang ang nalulunod. Hindi ko kaya na ang tinatapakan ko lang ang lumalalim.

O baka naman kaya kong lumangoy, kaya kong iangat ang sarili ko. Baka ayaw ko lang talaga, baka naduduwag lang ako.

"Bakit nga pala pumunta rito ang mga magulang mo?" malakas kong tanong at nagpatuloy sa pagpipinta.

"Today's my cousin's birthday. They will be attending the celebration later," dinig kong sagot niya sa likod ng kanyamaso.

"Oh... okay... hmm..." Mabilis akong nangapa ng susunod na sasabihin. Ayokong mabalot ng katahimikan kasama siya, ano!

"Do you want to come?" inunahan niya ako.

Itinagilid ko ang katawan at nilagpasan ng tingin ang puting tela sa harapan. Nagtataka kong minata ang mukha ni Diamond na naghihintay ng tugon.

Ibinaba ko ang tingin sa onsen na nasa gilid.

"A-Ah... hindi naman iyan ang gusto kong iparating. Kuryoso lang talaga ako kung bakit umuwi a-ang mga magulang mo–"

"Okay. You're curious." He nodded his head incessantly. "But do you wanna come?"

My eyes bounced back at him.

"N-Nakakahiya naman... Selebrasyon iyon ng pamilya mo at... hindi yata magandang makita na may kasama kang hindi kapamilya–"

His eyebrow upheaved more and repeated, "Do you want to come?"

Malalim akong bumuntong-hininga.

I'd never been to any birthday parties. Madalas noong highschool ako ay naririnig ko ang mga kamag-aral na nag-uusap tungkol doon. Iniimbita nila ang isa't-isa. At siyempre... hindi ako sinasali dahil alam nilang mahirap lang ako at walang pangregalo. Or simply they just didn't want a poor girl to be in their birthday celebrations.

Kaya naman sa tuwing nakaririnig ng ganoong klaseng pagtitipon ay tumatalon ang puso ko sa excitement... kahit alam kong hindi naman ako iimbitahan. And it is fine for me. At least ay alam ko ang bagay na iyon.

At ngayong iniimbitahan ako ni Diamond na pumunta sa isang party ay hindi ko mapigilan ang sariling magalak. Sa sobrang kasiyahan ay nangilid ang mga luha ko.

I bit my lips as I hid my face behind the canvas. I continued painting. Tinapos ko ang kabuuan ng mukha at saka nagtanong.

"Anong oras ba iyon?" hindi mapagkaila ng tinig ko ang kaluguran.

"Seven 'o clock."

Wala akong gagawin mamayang alas-siete!

"Saan gaganapin? Naku, baka malayo... may pupuntahan pa ako pagkatapos nito..." medyo pakipot ko pang saad.

"Dito lang sa Resort," mabilis niyang balik.

My mouth formed an o. And then slowly, it smiled widely.

"S-Sige! Pagkatapos ko ihatid ang mga paintings sa shop, uuwi ako ng apartment. Mag-aayos ako saglit at saka babalik dito! Dito ako mismo didiretso, ah? Baka maligaw ako... Hindi ko pa naman kabisado itong Resort."

I received a nod. 

Yehey! I'm going to a birthday party!

Dahil doon, ginanahan akong magpinta. Ang tapos, maganda at detalyadong-detalyado ang pinal na resulta.

"This..." Diamond's head slanted in stupefaction. Nag-init ang mukha ko sa pinakita niyang reaksyon. Napalabi ako. "This is me."

Natawa ako.

"Oo. Ikaw ang subject, 'di ba? Kaya nga kita pinaupo sa harapan ko."

"But I didn't think that you'll produce a photocopy of me," manghang-mangha pa rin siya.

Natawa ako.

"You're really good in giving compliments," ani ko. "Bolero kang masyado."

"Seriously," he said, pilit akong hinihikayat na totoo ang sinasabi niya. He pointed the painting he was holding. "Is... is he my doppelganger?"

Malakas akong napahalakhak sa sinabi niya.

"Sige na, sige na! Alis na 'ko nang sa gayon ay hindi ako mahuli mamaya sa party..." sabi ko at nagsimulang magligpit ng mga gamit.

Agaran ang pagdalo ni Diamond sa akin upang tumulong. I let him.

Sa tuwing sumosobra siyang lapit sa akin ay nagwawala ang puso ko. Hindi naman ganito mag-react ang puso ko dati! Bakit parang palala nang palala...

"Dayamanti?" He waved his hand in front to snatch my attention.

"O-Oh! M-May sinasabi ka?"

The skin above his pointed nose crinkled.

"Ihahatid kita papuntang shop," pinal na tono niyang sabi na parang sinadya upang hindi ako makatanggi.

"Huh? Hindi na! Nakakahiya naman na! Inabala na nga kita ngayong araw..."

"You're not a disturbance. At all. And also, I have nothing to do now so–"

"Kahit na pa. Kayang-kaya ko naman. Magtataxi na lang ako."

"Why take a taxi when I'm here? Sayang lang ang pera."

Nangiti ako nang munti. "May pera naman ako."

Umawang ang bibig niya.

"That's not what I meant–"

"I know." I flashed a wider smile.

Napabuga siya sa hangin na animo'y naginhawahan. "Ihahatid kita."

My eyes narrowed into slits.

Sinasabi ko na nga ba at walang kuwenta ang debate namin!

Wala na akong nagawa nang mauna siyang maglakad. Pinatulis ko ang nguso at nilukot ang mukha habang nakatalikod siya, nang-iinis.

Awtomatiko akong tumigil sa ginagawa nang sulyapan niya ako. Plastik akong ngumiti nang malapad.

"Ay, wait!" Tumigil ako sa paglalakad at saka yumuko upang abutin ang paint brush na nahulog mula sa paperbag kong hawak.

Nasa ganoon pa ring posisyon, sinulyapan ko ang lalaki sa harapan na nakaangat ang kilay habang nakasulyap sa dibdib ko. I witnessed how his adam's apple moved up and dowm grimly as his eyes avoided my side. Nakita ko kung paano niya pagtaasan ng kilay ang mga nakatingin sa amin.

I stood up straight.

"Bilisan mo ang paglalakad at huwag ka nang tumuwad-tuwad. Sayang ang oras," iritado niyang sabi at saka nauna ulit maglakad.

Kanina'y sayang ang pera, ngayon naman ay oras!

Bumusangot ako.

"Nahulog kasi ang brush... Kinuha ko lang!" pagrarason ko na hindi man lang niya binigyan ng pansin. Mas lalong dumapa ang mga labi ko.

Kung naiirita ay bakit hindi pa ako iwan! Ay, sus!

Sa buong oras ng biyahe ay iritado siya. Payapa ang mga galaw niya ngunit ang mukha kabaligtaran ang ipinapakita.

Ngunit nang makarating kami sa tapat ng shop na nagbebenta ng paintings, ako naman ang nainis.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko... Hihintayin mo pa ako at ihahatid sa apartment, 'no?" utas ko habang inaabot ang mga paintings na natapos ko sa buong linggong nagdaan.

Pumalatak lang siya ng isang beses at saka nagkagat-labi. Pinanatili niya sa harapan ang tingin.

"Naku, umuwi ka na, ha. Kapag lumabas ako galing sa shop at nakita kong naririto ka pa, papaluin ko ang puw–"

Gulat niya akong binalingan. Nang makita niya ang paglunok ko ay napangisi siya. "Continue. You're gonna slap my what?"

Napakurap-kurap ako.

"Dayamanti, my what?" mapaglaro niyang tanong, ang ngisi'y lumalapad.

I rolled my eyes at him and attempted to open the door but he immediately locked it. Ako naman ang napapitlag ngayon.

"Buksan mo ang pinto! Baka mamaya ay kagalitan ako kapag nahuli ang paghatid ko sa mga pinta!" kabado kong saad. Hindi kinakabahan na baka pagalitan kundi sa ibang kadahilanan.

Napalunok ako nang kalasin ni Diamond ang seatbelt niya at unti-unting inilapit ang katawan sa akin. I refrained myself from breathing. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa mga minutong iyon.

"A-Anong..."

"Safety belts are still fastened... are you going to bring them with you outside?" natatawa niyang sabi.

Bumagsak ang tingin ko sa katawan na nahahapit ng safety strap. Napasapo ako sa noo habang kinakalas niya iyon.

I squared his chuckles.

"I'll wait you here," aniya bago tinanggal ang pagkakalock ng mga pintuan.

Wala na akong nasabi. Iniwan ko siya roon at saka pumasok sa loob ng tindahan.

I quickly handed the paintings to the buyer and received the payment. He rhapsodically praised my works and asked for more paintings before letting me go.

Gaya ng inaasahan ay naroon pa nga ang sasakyan ni Diamond paglakabas ko. As soon as I slid inside the car, he began maneuvering. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa harapan ng apartment ko. Kulang kalahating kilometro lang ang tinakbo ng sasakyan kaya't mabilis kaming nakatungo sa paroroonan.

"Salamat sa oras at sa paghatid," I said I eyed his perfectly-chiseled jaw. Sinimulan ko nang kalagin ang seat belt.

His eyes remained to the fore.

Tulad sa mga nakaraang taon, ganito siya lagi. Hindi niya ako binibigyan ni sulyap sa tuwing inihahatid ako pauwi. Hindi ko tuloy alam kung galit siya sa akin o ano.

"'Yung birthday celebrant ba... babae o lalaki?" tanong ko.

"Don't buy him a gift," mabilis niyang balik. I rapidly felt amazement. Nakakamangha na kaagad niyang nakuha ang dahilan kung bakit ko iyon natanong.

"Huh? Bakit hindi? Nakakahiya naman kung pupunta ako roon nang walang dalang regalo–"

"He... He doesn't like gifts. He hates them," medyo nag-aalinlangan pa niyang ika.

Tumango na lang ako sa sinabi niya kahit na hindi lubusang naniniwala.

"Sige, kung ganoon. Alis na 'ko," pagpapaalam ko at lumabas ng kotse.

I was naturally striding the way to the four-storey aparment not until I finally concealed myself behind the gate. Pinanuod ko ang pananatili ng sasakyan roon ni Diamond. Pinupog na ng lamok ang mga binti ko ay hindi pa rin siya umaalis.

Pasuko na ako nang maramdamn ang pagvibrate ng phone ko. Isinuot ko ang kamay sa loob ng maliit na bag na sakbit at saka inilabas iyon. Halos magkandahulog-hulog pa ang mga paperbags kong hawak sa dami.

My eyes broadened when I saw that the text message was from Diamond!

Mariin akong pumikit bago binuksan ang mensahe.

Diamond:
You look like a spy, you know.

Huli ka, Riem!

Hindi pa ako nakapagrereply ng palusot ay nasundan kaagad ng isa pang text.

Diamond:
Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka umaakyat.

Wala akong pinalagpas na minuto. Dali-dali akong pumasok at sumakay ng elevator.

Good thing there was no one inside the elevator. Inihilata ko ang katawan sa pader na malamig.

Nakakahiya.

Nakakahiya talaga.

Walang tumakbo sa isipan ko kundi ang kahihiyan na iyon hanggang sa sumapit ang alas-singko y media. Pumasok ako sa maliit na banyo ng apartment ko at saka lumublob sa bathtub.

Maganda at kumportable ang apartment na tinutuluyan ko ngayon. May kamang katamtaman ang laki, mini kitchen, malinis na banyo at saka munting walk-in closet. Mura lang ang bayad. Ang tanging problema lang ay nakaririnig ako ng hindi kaaya-ayang halinghing tuwing gabi.

Isang buwan akong nagstay sa lugar ni Diamond noong panahong walang-wala ako. Matapos noon ay nahanap ko itong rentahan. Salamat sa pagmomodelo na siyang nagbigay tulong sa akin sa nakaraan kong pamumuhay hanggang sa kasalukuyan.

Maayos naman ako. Ang mga pangangailangan ay nasusustentuhan. Ng mismong sarili. Hindi rin naman ako nag-iisa sapagkat nariyan naman si Diamond. Ang ibang mga tenant ay nakasundo ko naman. Nagsasalo-salo kami ng tanghalian paminsan-minsan. Si Mrs. Ann at ilang mga kasamahang modelo naman ay nakakasama ko makatlong-beses o higit sa isang buwan.

Kaso ay iba talaga ang pakiramdam ng kasama ang pamilya. Iyon bang may kukupkop sa'yo. Iyong may naghihintay na lutong-bahay pagkauwi galing trabaho. Iyong nakararamdam ng pag-aaruga ba.

Kaya kahit gaano kasaya ang araw ko, hindi ko pa rin nararamdaman ang kakumpletuhan.

Pagkaraan ng kalahating oras na pagbababad ay lumusong ako at naghanda na.

I wore a simple red rib-knit spaghetti dress. Iniregalo sa akin iyon ni Mrs. Ann noong nakaraang matagumpay na project. Ipinares ko ang mumurahing pulang wedge sandals. Ang mukha ko naman ay hindi na nilagyan pa ng makapal na make-up. Rosas na lipstick lang ay ayos na.

Bumaba ako ng apartment na ang tanging dala lang ay isang maliit na itim na bag. Wallet at cellphone lang ang laman noon na siyang ikinakabahala ko. Hindi ko alam kung ano ang mga dapat dalhin tuwing may party.

Habang naghihintay ng taxi ay aligagang-aligaga ako.

Sa ikatlong paglagpas lang sa akin ng sasakyan, napatigil ako.

Dapat ba ay naka-kimono dress ako? Baka naman isang tradisyunal na selebrasyon ang magaganap? Hindi ko naitanong!

Bago pa umakyat at magpalit ng damit ay naramdaman ko ang pagnginig ng cellphone sa loob ng bag na hawak. I took it out and read Diamond's message.

Diamond:
Where are you?

Dayamanti:
Naghihintay ako ng taxi. Babalik sana sa apartment dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na suotin.

Diamond:
Why? What are you wearing?

Sa kaaligagaan ay hindi na ako nag-aksaya ng oras para magtipa. Mabilis kong kinuhanan ng litrato ang suot ko, hindi kasama ang mukha.

Dayamanti:
Iyan. Ayos lang kaya?

I licked my lower lip when a full minute passed and he was still not replying. Nagpadala ulit ako ng mensahe.

Dayamanti:
Magpalit ba 'ko?

Diamond:
No, it is fine. You don't have to change.

Dayamanti:
Okay... Bakit mo nga pala naitanong kung nasaan na ako? Late na ba ako? Nagsisimula na ba ang party?

Diamond:
Mang Tobio is on his way to fetch you. Sasamahan ka na rin niya hanggang sa venue kaya 'wag ka nang pumunta sa villa. And no, the party's not starting yet.

Sayang naman. Ang gusto ko sana ay sabay kaming pupunta sa mismong venue para kahit papaano ay hindi ako mukhang nag-iisa. Sigurado pa naman akong wala akong kakilala roon.

Gusto kong itanong kung bakit naiba ang plano ngunit ayaw ko namang maabala ko siya kung mayroon man siyang ginagawa. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.

Dapat ay makuntento na ako na makararating ako sa birthday party ng pinsan niya.

Hindi nagtagal ay may sasakyang huminto sa harapan ko. Ang nagmamaneho noon ay nagpakilala bilang Mang Tobio gaya noong sinabi ni Diamond. Nagtanong-tanong pa ako rito upang makumpirma kung nagsasabi ito ng totoo.

"Paano n'yo naman ho mapapatunayan na kayo nga si Mang Tobio?"

Ngumiti ito sa akin na para bang naghuhumiyaw ng 'napakadali!'.

"Ah... Ma'am... ang sabi po ni Sir Diamond... sa susunod daw na ihahatid ka niya, tigilan mo na raw ang pag-eespiya. Hindi ka raw po cute tignan," nangingiti niyang sagot na animo'y kinikilig.

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Kalaunan ay nag-init ang mga pisngi.

Talagang sinabi pa niya iyon dito sa driver! Hindi man lang iningatan ang dignidad ko!

I winced at the driver who's smiling like a crazy. Pumasok na ako sa sasakyan at tumahimik na lang. Baka mamaya ay may iba pang kahiya-hiyang kinuwento si Diamond dito kay Mang Tobio.

But something bugged me during the drive. Is he close with his driver? It's not like it is a terrible thing. Mabuti nga at ganoon. Ang ilan sa mga kilala kong mayayaman ay malupit sa mga tauhan.

I smiled.

Mabuti naman pala at sa tamang tao ako nagkagusto.

"Ma'am, alam n'yo ho ba... 'yung anak kong nasa Pilipinas... idol ka!"

Napasulyap ako sa nagmamaneho. Malawak ang ngiti nito habang patuloy sa pagkukuwento tungkol sa kaniyang anak.

Nalito ako at nahihiyang nagsabi, "Ho? Paano naman niya ako magiging idol? E, hindi naman ho ako sikat?"

Maloko akong pinanliitan ng mata ni Mang Tobio.

"Naku, si Ma'am naman... Pa-humble pa! Hmm... siguro ay hindi ka kasing-sikat ng ibang mga model pero nakikita ko ang anak ko na lagi kang inii-stalk sa instagram! Mahilig iyon sa mga Japa-Japanese! Gandang-ganda nga siya sa iyo, e!  At totoo nga! Ang ganda-ganda n'yo nga ho!"

Mas lalo akong nahiya. Ngunit mas pumaibabaw ang gulat dahil sa umaabot pala sa Pilipinas ang mga litrato ko? I didn't know that.

"Gulat ako, Ma'am, e! No'ng nakita kita kanina akala ko kahawig mo lang! Tapos naalala ko, nabanggit ni Sir Diamond na Dayamanti raw ang pangalan noong susunduin ko. Dayamanti Riem ho, Ma'am, 'di ba?" May sandaling inalis nito sa daan ang tingin.

Tinanguan ko ito.

"Ayun, oh! Tinagalog lang ng pangalan ni Sir... Bagay talaga, e!" panunukso nito. I pursed my lips to suppress a smile. "Magkasinatahan kayo, 'no!"

Matulin kong itinanggi ang palagay nito.

"N-Naku! H-Hindi ho, 'no! Ano ba naman kayo, Manong! Ang dumi ng isip ninyo ah..."

Sinilip ko ang labas nang mahagip ng mata ang arko ng Resort.

"Naku pala! E, halata namang may gusto sa inyo si Sir Diamond! Hindi ako no'n inuutusan na sumundo ng babae! Kahit kailan! Ngayon lang! Aba't kawawa naman pala ang alaga ko! One-sided love, e?"

Nangingiti akong napailing.

"Akala n'yo lang ho 'yan. Naku, iyong si Diamond? Masyado 'yong maraming babae sa Pilipinas na hindi na kaya pang magdagdag galing dito sa Japan!" pakantiyaw ngunit mapait kong sambit.

Sa Instagram pa nga lang ay marami nang naghahabol do'n. Sa personal pa kaya niyang buhay?

Ang pinakamabuting gawin ay huwag umasa.

"Dito ho, Ma'am..." ani Mang Tobio pagkababa sa sasakyan. Inilahad ng matandang lalaki ang daan patungo sa isang magarang Hall. Ang kotse ay pinarke niya malapit dito at hindi sa main parking lot kaya't nasa harapan na kami kaagad ng venue.

Bumuntot ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa entrance.

"Nasa loob na po kaya si Diamond?" ako.

"Ay! Iyan po ang 'di ko alam. Pero huwag kayong mag-alala, kung wala pa r'yan ay tiyak akong papunta na si Sir!"

Sa huling pagkakataon ay nginitian ko ang matanda.

"Sige po! Maraming salamat po, ah! Pakisabi po sa anak ninyo na excited akong makita s'ya."

Napapalakpak ang kausap sa tuwa. "Sige, sige, Ma'am! Salamat din po!"

Tinalikuran ko na ang lalaki at pumasok na sa loob.

Like what I expected, the venue was colossal. It's a celebration of Diamond's family. Of course, everything would be extravagant.

The theme of the party had no trace of Japanese concept. It seemed like I set foot in a different country. The light rays from the chandelier above was color yellow, almost orange. The table cloths were cream in color, glinting because it's a silk. Halos kamukha iyon noong suot ko kaninang umaga. Buti pala ay hindi iyon ang naisuot ko! Magmumukha akong lamesa kung nagkataon.

Ang dagat din ng mga tao ay naghuhumiyaw ng karangayaan. Bawat isa ay mukhang mamahalin.

Almost all of the women in the party were wearing gowns. The men were wearing suits. Ang mga ganoong damit ay nakikita ko lang sa mga magazine o hindi naman kaya ay tuwing may shoot.

Bumaba ang tingin ko sa suot. Para lang akong magkakape sa isang coffee shop.

Patagal nang patagal ay bumababa ang confidence ko.

Hindi ako nababagay dito.

Paano pa kaya kung kadikit ko si Diamond? Ang tao pa namang iyon ay akala mong laging may dalang milyones. Kahit papaano ay may maganda ring dahilan ang hindi namin pagsasama ngayon.

"Oh... so you're here."

Napatingin ako sa likuran ko nang makarinig ng pamilyar na boses. My lips half opened as my eyes examined the pair of blue-green eyes in front. Steadily, my lips curved.

"Finn," I called.

Finally! Someone I know!

"I'm glad you still remember me," anito sa hindi makapaniwalang tono. "Kailan ang huli nating pagkikita? Two years ago? Three?"

"Almost three," nakatitiyak kong pangungumpirma. "Iyong nasa may bintana ka ng kuwarto ko? Inabot mo sa akin iyong mga pintura at 'yong cellphone. Ang sabi mo pa sa akin ay magpamiss ako kay Diamond at huwag siyang itetext hangga't hindi lumilipas ang apat na–"

"Oh, tama na. Masyado ka ng maraming alam," pagpapatigil nito sa akin. "'Wag mo nang ipaalala iyon kay Diamond, ah?"

Kahit hindi sapat maunawaan, itinango ko ang ulo bilang pag-oo.

"Nasaan nga pala si Diamond? Alam mo ba?" tanong ko. Pinanuod ko ang mabilis niyang paghablot ng dalawang wine glass sa tray na hawak ng waiter na nagdaan. Nang iabot niya sa akin ang isang baso ay mabilis akong tumanggi. "Hindi ako umiinom."

Napalabi siya't napatango. Inubos muna niya ang laman ng parehong kopita.

"Ewan ko. Hindi ako sigurado pero nakita ko kaninang may kasamang babae. Pagala-gala sila." Sinimot niya ang alak sa isang baso at palihim akong sinilip, inaabangan ang reaksyon ko.

Oh...

Kahit na bumagsak ang puso ay ngumiti ako.

"M-Mama niya?" Kuso. I stuttered.

"Hindi, e. Babaeng kaedad niya. Maganda... tapos sexy... tapos... Basta maganda!" ani Finn sa tonong nanunuya na para bang alam niya ang nararamdaman ko at ginagatungan pa.

Napanis ang ngiti ko. I shrugged the sting in my heart. I laughed mentally.

Ano naman sa'yo, Dayamanti? E, magkaibigan lang naman kayo?

"Sa pagkakaalam ko ay may gusto iyong babae sa pinsan ko. At... nahihimigan kong their feelings are mutual. Pakiramdam ko nga ay may relasyon nang namamagitan sa dalawa, e. Nakikita ko rin kasi sila sa Pilipinas na magkasama. Pero... hindi ako sigurado, ah..." muli nitong inabangan ang magiging reaksyon ko sa tinuran niya.

"O-Oh... e 'di ayos pala! May girlfriend na si Diamond," I said bitterly.

Napangisi ang lalaki.

"Oh, ayon sila, oh!"

I traced Finn's finger. Napunta ang mga mata ko sa entrance ng hall.

Itinikhim ko ang bara sa lalamunan nang makita si Diamond. He looked radiant with his black suit. Kung sa hood at cap niya ay mukha siyang mamahalin, lalong higit naman ngayon.

His name Diamond suits him so well.

Kung paano tumalon ang puso ko sa guwapo niyang hitsura, ganoon din ang paglubog nito nang mamataan ang katabi niya.

Bumagsak ang mata ko sa braso niyang may kamay na nakakawit. Mula sa maputi't makinis na kamay ng babae ay hinagod ko ng tingin pataas sa mukha nito. Bumaba sa suot na hapit na hapit sa katawan at balik muli sa mukha.

Tama ang lalaking katabi ko. Maganda nga. Maganda ang mukha nito pati na ang katawan.

I smiled widely and waved my hand when Diamond's gaze went to us. Nawala ang bigat sa puso ko. But it was just a flicker.

Nadurog ang puso ko nang inalis niya ang tingin sa amin at inilapit ang bibig sa tainga ng babaeng nasa kaniyang gilid. Napasinghap ako nang mamataan ang paghagikgik ng babaeng binulungan.

"Maiwan na kita, Riem," si Finn. "Please have a great night!"

Continue Reading

You'll Also Like

468K 14K 34
Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fi...
298K 4.2K 12
Anonymous: "LOOK! A well-known student in the campus, a candidate for Magna Cum Laude named Reeva Cordova, the good girl and achiever, gets fucked in...
167K 4.2K 43
Camille believes that the purpose of her life is to be happy. She wants to find her happiness whatever it takes. Well, she found it... in Nico's arms...
176K 4.6K 200
Micolo Randler Paez Abbiera Monique Maniago Their story started when they met on Tinder. An online dating application. Micolo wasn't open to have a r...