Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 19

43 4 0
By Chencheniah


PRECIOUS' POV

KINABUKASAN ay nagising ako sa katok ng pintuan mula sa labas. Agad akong bumangon at nakapikit parin ang mga matang nagtungo sa pinto at binuksan iyon. Nang magmulat ako ay nakita kong nakangiting nakatayo sa harapan ko si Rhanz.

"Morning.." agad na sambit ko.

"Good morning.." nakangiting bati rin niya. "Breakfast is ready.. kaya maligo ka na. May laway pa sa mukha mo, oh?" sabay turo pa niya sa mukha ko.

Agad ko naman itong pinahiran at hindi pa ako nakuntento at humarap pa ako sa salamin.

"Just kidding," aniya na natatawa pa.

Sinamaan ko siya ng tingin at akmang sasarhan ng pinto. Ngunit iniharang niya ang kamay niya at intinuon sa pinto dahilan para mahirapan akong pagsarhan siya.

"Bilisan mo, baka lumamig na 'yong pagkain." nakangisi paring sabi niya saka tumalikod at umalis.

Padabog kong sinara ang pinto at inis na kinuha ang towel saka nagtungo sa banyo para maligo.

Gaya ng sinabi niya ay nagmamadali akong maligo at magbihis. Agad akong bumaba pagkatapos at dumiretso sa dining area. Nadatnan ko siyang nakaupo na at hindi pa kumakain. Ni wala pa ngang nakapatong na pagkain sa plato niya. Parang hinihintay niya nga ako.

Agad naman akong umupo sa katapat niyang upuan. Nakanguso parin ako at masama ang tingin sa kanya.

"What's with that face?" nakataas kilay niyang tanong.

Bumuntong-hininga ako saka palihim na umirap. "Wala."

"Kumain ka na.." sabi niya at nagulat akong pinagsalinan pa niya ako ng kanin pati ulam.

"Peace offering?" mataray na sabi ko at umawang naman ang labi niya saka pasinghal na tumawa.

"Anong peace offering bang sinasabi mo diyan? Bakit nag-away ba tayo?" natatawang aniya.

'Hindi mo ba alam na ang aga-aga binubwesit mo ko?'

"Whatever," pairap kong sabi saka nagsimulang sumubo ng pagkain.

Naalala kong may kailangan pala ako sa kanya. Hindi ko dapat siya pinagtarayan ngayon, baka hindi sa papayag. Pilit kong inalis ang inis na bumabalot sa katawan ko. Palihim kp siyang tiningnan at nasa pagkain lang nakatuon ang paningin niya.

"I-Ikaw ang nagluto nito?" malumanay na tanong ko.

Agad naman siyang nag-angat ng tingin sakin saka tumango. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?"

"Nagustuhan naman, masarap." tatango-tangong sabi ko saka sumubo ulit. "Hindi ko lang akalain na marunong ka palang magluto."

"Mom taught me how to cook. Every weekends, may time na tuturuan ako ni mommy magluto o mag-bake.."

"Wow! Ang ganda naman ng bonding ninyo mag-ina!" namanghang sabi ko at matunog siyang ngumiti. "Eh saan ba sila? Ang mommy mo? Bakit parang hindi mo sila kasama dito?" sunod-sunod na tanong ko na nasa pagkain ang paningin.

"Nasa Laguna sila," maikling sagot niya.

"Hmm.."tatango-tangong sabi ko.

Sandaling namutawi ang katahimikan. Tanging tunog ng lang ng kutsara at tinidor ang naririnig namin.

Maya maya lang ay binasag na niya ito.

"Sasama ka ba saking bumalik sa hospital?" mamayang tanong niya.

Napatingin naman ako sa kanya at naalala ang mga plano kong gawin ngayon. Nilakasan ko nalang ang loob ko at bago ako sumagot ay klinaro ko pa muna ang lalamunan ko at uminom ng tubig.

"Ano kasi.." nagdadalawang isip akong sabihin sa kanya ang ninais ko.

"What?" naghihintay siya sa sasabihin ko. Uminom siya at pinunasan ang bibig habang nasa akin parin ang paningin.

"P-Pwede ko bang hiramin ulit ang kotse mo?" nag-aalangan at nahihiyang tanong ko.

"Bakit? Saan ka pupunta?" takang tanong niya.

"May kukunin lang sana ako do'n. Kaya lang.. nag-alinlangan akong pumunta ron. Baka kasi makita nila ako at ikulong na naman ako ni daddy sa kwarto o di kaya ay dadalhin na ako sa Maynila." nagbaba ako ng tingin.

"Ayaw mo parin bang magpakita sa kanila? Baka nag-alala na sila sayo?"

"Ayoko," umiiling-iling na sagot ko. Ayoko ko din namang sabihin sa kanya ang totoong rason ko kung bakit gusto ko pang manatili dito sa Tagaytay.

"Sasamahan kita." mamayang sabi niya dahilan upang mapaangat akong ng tingin sa kanya.

"Hindi.." umiling ako. "Ako nalang," tanggi ko.

"Sasamahan kita. Paano nalang kung sakaling makita ka nila tapos hindi ka na ulit papalabasin? Sinong maghahatid ng kotse ko dito?"

Napayuko ulit ako dahil sa hiya. Tama siya, kung makita ako ng pamilya ko ay posibleng hindi ko na talaga maibalik ang kotse niya.

Kagaya ng sinabi niya ay sumama talaga siya sakin. Walang kibo naming tinahak ang daan patungo sa bahay namin. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kapag tumapak na ako sa bahay.

Malayo-layo pa lang ay pinigilan ko na si Rhanz. Pinahinto ko ang sasakyan na siyang ipinagtataka niya.

"Hanggang dito ka nalang Rhanz." sabi ko na nasa daan ang paningin. Sinisilip ko kung may tao.

"Ha? Bakit?" angil niya.

"Basta.. Dito ka nalang, babalik ako kaagad. Basta 'wag kang lalabas dito, okay?"

"Ano ba naman 'to, Precious! Kinakabahan na 'ko sayo eh! Para ka kasing may gagawin na masama!" biglang asik niya.

Bumuntong-hininga ako para pigilan ang inis na namuo loob ko.
"Huwag ka ngang OA Rhanz! Wala akong masamang gagawin okay? May kukunin lang ako saglit. Basta dito ka lang.."

"Paano ka papasok sa bahay niyo?" tanong niya na naman.

"Basta ako ng bahala." yun lang at lumabas na ako. Hiniram ko ang jacket niyang may hood saka maingat na tinahak ang daan papasok ng bakuran namin.

Nagtago pa muna ako sa isang puno na malapit sa balkonahe ng kwarto ko. Nang maramdaman at mapansing walang tao ay maingat kong inakyat iyon. Medyo mataas nga siya pero kaya ko naman itong akyatin.

Nang napagtagumpayan kong umakyat ay dahan-dahan kong binuksan ang sliding door para makapasok ako sa kwarto ko. Maingat akong naglakad para hindi makagawa ng kahit kunting ingay.

Dumiretso ako sa study table at kinuha ang cellphone ko. Actually, iyon lang naman talaga ang kukunin ko e. Kaya nang makuha ko na ito ay agad akong tumalikod para lisanin ang kwarto, ngunit aksidenteng nasanggi ng kamay ko ang maliit na vase dahilan para mahulog ito at gumawa ng malakas na ingay dulot ng pagbasag nito.

Napatingin naman ako sa pinto nang may narinig akong yabag ng mga paa at sigurado akong papunta iyon dito. Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko nang gumalaw ang doorknob.

Bago pa ito mabuksan ay agad akong nagtago sa cabinet na nasa gilid ng kama ko. Tinakpan ko ang bibig ko nang sa ganoon ay hindi nila gaanong marinig ang paghahabol ng hininga ko.

"Oh my god! Paanong nahulog 'to dito? Imposibleng dahil sa hangin lang.." nagtatakang ani mommy.

"May nakapasok," parang kalmadong sabi naman di daddy.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakabukas itong pinto. At sa pagkakaalala ko, nakasarado ito mula noong umalis si Precious."

"Sino naman ang papasok dito?"

Naramdaman kong nasa balkonahe sila dahil sa tinig nila na medyo mahina na sa pandinig ko. Pero hindi rin nagtagal ay bumalik sila at parang malapit lang sila sa kung saan ako nagtatago ngayon.

"Hindi naman siguro si Precious, honey. Hindi niya magawang umakyat sa taas niyang balkonahe mula sa baba!"

"Stela, nasisiguro kong si Precious talaga ang pumasok dito. Nararamdaman ko iyon.. Baka nga nagtatago lang iyon dito."

Mas tumindi ang kaba ko nang sabihin iyon ni daddy. Isa sa mga talento ni daddy ang bilis ng pakiramdam at bihira lang sa kanya ang magkamali. Kaya ganoon nalang ang kaba ko nang marinig ko ang panghahalungkat nila sa mga lugar na maaari kong pagtaguan. Lumakas ang tibok ng puso ko at mas naghahabol ng hininga nang maramdaman at marinig ang yabag ng mga paa na papunta dito sa tinataguan ko.

"Honey, imposibleng diyan nagtatago si Precious sa cabinet na iyan, kung sakali mang si Precious nga iyon. Hindi magkasya siya diyan kaya itigil na natin 'tong kapraningan natin!"

"Tigas ulo talaga yung batang iyon!" biglang sigaw ni daddy. 

Narinig ko naman na palabas na sila ng kwarto at padabog na pagsara ng pinto. Ganoon nalang ang paglabas ko ng malalim na hininga at maingat na lumabas dito sa lunggang tinataguan ko.

Agad akong nagtungo sa balkonahe at maingat rin na bumaba. Nang makababa ako ay agad akong tumakbo palabas ng bakuran namin.

"Precious!"

Napahinto ako nang may narinig akong tumawag sakin. Marahan ko itong liningon.

"Rhanz! Ano bang ginagawa mo diyan?" pabulong kong sigaw.

Nakatago siya sa puno ng kahoy na nasa gilid ng gate. Patago at palinga-linga siyang lumapit sakin.

"Diba sinabi ko sayo na huwag kang lalabas sa kotse mo?" pabulong parin na sabi ko.

"Nag-alala ako e.. Ang tagal mo kasing bumalik." napakamot-ulo pa siya.

Inis na pagbuntong-hininga ang inilabas ko saka siya hinila palapit sa kotse. Dumiretso akong pumasok sa loob at ganoon din siya.

"Nakuha mo na ba ang kailangan mo?" tanong niya. Tango lang ang nasagot ko sa kanya habang hinubad ang jacket. "Thank you."

"Hmm.." sabay tango niya. "Bakit ka ba natagalan doon?"

"Muntik na nila akong makita e.."

"Grabe, nakita kita kung paano umakyat at bumaba doon sa verandah niyo.. It seems so easy for you, huh? Para kang akyat bahay sa itsura mong 'yon.." natatawa pa siya. "Sanay ka na ba sa gano'ng klaseng gawain?"

"Tsh." singhal ko. "Syempre hindi! Nahihirapan nga ako do'n e.." nakangusong sabi.

"Nahihirapan daw? Eh nakita ko ngang ang bilis-bilis mong umakyat!"

"Tingin mo lang 'yon."

Hindi na siya nakapagsalita pa nang tumunog ang phone niya. Kinuha niya ito at tumingin sakin saka pa niya sinagot.

"Yes tita?" sagot niya rito. "On the way na po kami.." tumango-tango pa siya habang nakikinig sa kabilang linya. "Okay po.. Thank you, bye." saka niya binaba ang phone niya at ibinalik sa lalagyan.

"Si tita, sabi niya kailangan na daw nating pumunta sa hospital. May aasikasohin daw sila saglit kaya walang magbabantay kay Zion kung di pa tayo pupunta do'n." sabi niya habang inistart ang engine ng kotse niya.

"Okay," yun lang ang sagot ko.

Tahimik kaming nasa byahe. Panay ang tingin ko sa phone ko dahil ang daming message galing kay mommy. Batid kong napansin na niyang wala ang phone ko do'n sa kwarto ko kaya ganito nalang ang message ni mommy sakin.

Sa basement ng hospital pinark ni Rhanz itong kotse niya. Agad naman akong lumabas at ganoon na din siya. Pinauna ko siyang maglakad papasok ngunit may nahagip ang paningin ko dahilan para mapahinto ako.

Hindi ko parin inalis ang paningin ko sa dalawang tao na nakikita ko mula rito. Kahit pa binalikan ako ni Rhanz at akayin papasok ay parang pinako ang mga paa ko. Hindi ko magawang kumilos at maiwas ang paningin ko.

Batid kong sinundan ni Rhanz ang paningin ko dahil ganoon nalang ang pagbagsak ng kamay niya na kaninang nakahawak sa siko ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko ngayon. Paano niyang nagawa ito?

To be continued.........

Continue Reading

You'll Also Like

831K 28.5K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...
129K 5.7K 53
"Alpha!!may problema tayo sa hangganan,...."tarantang mind link ng aking Beta tumayo agad ako at iniwan ang aking ginagawa.. "papunta na"maikling mi...