Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 14

43 6 0
By Chencheniah


PRECIOUS' POV

Agad kong hinalungkat lahat ng gamit ko at inilagay sa malita. Ayoko pang umuwi sa Maynila dahil umaasa parin ako na babalik si Cali. Alam kong babalikan niya ako. Alam ko na may dahilan siya kung bakit wala siya ngayon. Gusto ko siyang hanapin ngunit hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Wala na naman akong magawa at parang kinirot ang puso ko sa katotohanang iyon.

Kung noong nakaraang araw ay sila ang nagdesisyong ikulong ako dito sa kwartong ito, ngayon ay ako naman ang kusang nagkulong sa sarili ko. Ni-lock ko ng maigi ang pinto. Maghapon akong walang kain at walang inom. Maghapon akong nagmukmuk at umiiyak. May oras man na kumatok si mommy ngunit hindi ko ito sinagot at pinagbuksan.

Maya maya lang ay may narinig akong kaluskos sa labas ng pintuan kaya napatingin ako doon.

"Precious, open the door!" galit na sigaw ni daddy. Pero hindi ako sumagot sa halip ay pinakiramdaman ko ang mga kilos nila mula sa labas. "I said open the door! I know your awake! Precious!"

Hindi parin ako sumagot o gumawa ng kahit ano na maaaring magkaroon ng ingay. Narinig ko pa ang pag-awat ni mommy kay daddy ngunit tila hindi ito nakinig sa halip ay mas pinalakas pa niya ang pagkatok ng pinto.

"Give me the key!" utos na sigaw ni daddy. Batid kong inutusan niya si mommy o di kaya si kuya.

Nang makita ko ang paggalaw ng lock ay agad kong pinasok ang malita ko sa ilalim ng kama, pati ako. Nagtago ako dito at humihiling na hindi nila ako makikita. Tinakpan ko pa ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. Inilagay ko ng husto ang malita ko sa dulong ulonan ng kama at saka ako dumapa at parang naistatwa. Madilim ang parte nitong ilalim ng kama ko kaya alam kong hindi nila ako agad makikita.

Nang magbukas ang pinto ay nakita ko agad ang mga paang naglalakad papasok. Batid kong si mommy at daddy lang iyon. Narinig ko pa ang pagbukas ng pinto sa banyo pati sa closet.

"Wala na dito ang mga gamit niya." usal ni mommy.

"Imposible.." bulong ni daddy kaya ganoon nalang ang takot ko na baka maramdaman niyang andito ako.

"Hon, baka kung anong mangyari sa anak natin.." maiyak-iyak na sabi ni mommy.

"Alam kong nagtatago lang iyon sa'tin." kumpyansang ani ni daddy saka pumunta sa verandah. "Hindi ko nakitang lumabas siya ng bahay at mas lalong hindi ako maniniwalang dito siya dumaan."

"Anong iniisip mo?"

"Batid kong andito lang siya sa loob ng bahay. Sa guest room, baka andun siya."

"Hon.. kung andun nga siya, e di sana nakita ko siya dahil doon ako galing bago tayo nagpunta dito."

"Lintek!! Ang tigas talaga ng ulo nang batang iyon!" biglang sigaw ni daddy dahilan para mapaigtad ako. Kaya matunog akong napasinghap dahilan para mukhang natigilan sila.

Nakita ko ang mga paa ni daddy na papalapit dito sa gawi ko. Yung kaninang kaba na nararamdaman ko ay mas dumoble pa. Pumikit ako at pinigilan ang sariling huminga.

"Dad?" biglang sulpot ni kuya dahilan para mahinto ang paglapit ni daddy. "Dad, mom.. may sasabihin po ako sa inyo. Alam ko po na hindi kayo maniniwala kaagad pero totoo po talaga ito."

"Sabihin mo na." parang wala ng pasensyang ani ni daddy.

"B-Baka po kasi..may tumulong kay Precious na makalabas dito."

"At sino namang tinutukoy mong tutulong sa kanya, Percei?" tanong ni mommy.

"Hindi ko rin po alam.."

"Kalokohan yang sinasabi mo, Percei!" asik naman ni daddy.

"Dad, minsan ko na pong narinig si Precious na may kausap. Minsan pa nga tinatawag niya ito sa pangalang C-Cali..? W-Wala naman po akong nakilalang Cali na kaibigan niya."

"Anak, baka.. sa phone lang sila nag-uusap ng kapatid mo. Baka.. bagong kaibigan niya." mahinahong sabi naman ni mommy.

"Mom, hindi po. Yung time na kinulong niyo siya dito at grounded siya, narinig ko parin silang nag-uusap. Pa'nong sa phone sila nag-uusap e kinuha niyo nga lahat ng gadgets niya, diba?"

"At sinabi mong baliw si Precious?"

"Dad, hindi naman sa ganoon.."

"Oh e anong gusto mong palabasin?"

"Dad, baka po.." parang hindi malaman ni kuya ang sasabihin niya.

"Percei, kung ano man 'yang nasa kukuti mo. Please, tigilan mo na 'yan. Hindi nakakatulong e. Bukas na ang alis natin at kailangan na nating umalis kaagad bukas na bukas. Dapat mahanap na natin 'yang tigas ulo mong kapatid ora mismo!" galit na tuno ni daddy.

"Enough." matigas na awat ni mommy. "Kung may mangyaring masama sa anak kong si Precious. Ikaw ang sisisihin ko."

"Kung nakinig lang siya sakin, e di sana walang problema!"

"Lucas, naiintindihan ko si Precious kung bakit siya nagkaganon. Matalino siya at hindi siya kumbinsido sa mga dahilan mo. Maging ako, nakakahalata sayo na may tinatago ka."

"So anong gagawin ko? Ang sabihin sa kanya ang totoong dahilan? Para ano?! Para hindi na siya pupunta doon? Tang*na naman! Hindi pa 'to tamang oras para malaman niya!"

"Lucas, hindi ko man alam kung ano talaga ang dahilan mo. Pero nakakahalata na rin ako na ayaw mong sabihin sakin, sa'min. Kung ano man iyan, sana hindi 'yan magdudulot ng masama sa pamilya natin lalo na kay Precious."

Hindi ko man nakita kung ano ang itsura ni mommy nang sabihin niya iyon ngunit batid kong galit siya at may halong pagkadismaya. Nakita ko ang mga paa ni mommy na palabas ng kwarto ko. Tanging si kuya nalang at daddy ang natirang andito sa loob ng kwarto ko. May mga tanong man na namuo sa isip ko ngunit may sabay iyong kirot at sakit na dumadaloy sa puso ko. Hindi ko na magawa pang umiyak. Halo-halo na ang emosyon ko. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

"I'm sorry dad." mahinang wika ni kuya. Dinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni daddy.

"You don't have to say sorry." malamig na ani ni daddy.

"Dad kasalanan ko 'to lahat."

"Hindi mo 'to kasalanan. Iyan ang dapat mong tandaan, Percei. This is not your fault, okay?"

"Pero dad.."

"Walang pero pero. Ang kailangan lang nating gawin ay mahanap si Precious. Hindi tayo uuwi sa Maynila hanggat hindi natin siya mahahanap. Maghanda ka, pupunta tayo sa lugar na palagi niyang pinupuntahan, baka andun nga siya." sabay lakad palabas ni daddy.

"Dad, ayoko kong--" reklamo ni kuya ngunit hindi ko na narinig sumunod pa niyang sasabihin dahil sinara na ang pinto.

Nakahinga ako nang maluwag. Pinagpawisan ako ng sobra-sobra. Hindi ko alam kung ang pawis na ito ay dahil nga ba sa mainit dito sa ilalim ng kama o dulot ito ng matinding kaba at iba ko pang nararamdaman.

'Ano kaya ang mga pinagsasabi nilang tunay na dahilan kong bakit hindi nila ako papayagang pumunta doon at kung bakit kami uuwi sa Maynila bukas na bukas?'

'Bakit kaya sinabi ni daddy na hindi pa ito tamang oras para malaman ko ang totoong dahilan? So tama nga ba ang hinala ko na may tinatago sila?'

Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Nanghihina na rin ako at pawang kaunti nalang ang lakas na meron ako. Dahan-dahan akong lumabas dito sa ilalim. Nakiramdam pa muna ako kung wala na ba talagang tao sa labas at naramdaman ko namang wala kaya tuluyan na nga akong lumabas. Agad kong ni-lock ulit ang pinto.

Maya maya pa ay narinig ko ang pag-andar ng sasakyan namin. Kaya sumilip ako sa may bintana at doon ko nakita si kuya at daddy na pasakay na ng sasakyan. Paalis na sana sila nang humabol sa kanila si mommy. Walang nagawa si daddy kundi payagang sumama nalang si mommy.

Tinanaw ko pa silang umaalis at papalayo hanggang sa hindi na sila abot ng papanaw ko. Nanlumo akong napaupo sa couch. Ipinikit ko pa ang mga mata ko at inihilig sa couch.

'Kung sakali mang andito ka pa sa lupa Cali, mahahanap pa ba kaya kita? At saan naman kita hahanapin?'

Nagpakawala ako ng malalim na pagbuntong-hininga saka tumayo at lumabas ng kwarto. Agad akong bumaba at lumabas ng bahay. Wala na akong sapat na lakas para takbohin ang daan patungong kalsada. Siguro kung may nakakakita sakin ngayon ay mapagkamalan akong lasing. Hindi ako dumaan sa kalsadang dinaanan nila daddy patungo sa E. Aguinaldo Highway. Sa kabilang kalsada ako dumaan para kung sakaling babalik sila ay hindi nila ako makikita.

Hindi ko alam kung nakakalayo na ba ako o malapit pa rin sa pinanggalingan ko. Bawat hakbang ko ay sinikap kong hindi matumba sa kawalan ng lakas. Parang nanginginig at nangangalay ang lahat ng parte ng katawan ko. Hindi ko alam kung anong oras na ba pero batid kong hapon na talaga.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay unti-unting nawawala ang paningin ko. Umiiling-iling ako ng paulit-ulit nang sa ganoong paraan ay mabalik ang paningin ko. Ngunit maya maya na naman ay magdidilim na naman ang paningin ko. Hindi ko na matanaw ng klaro ang sasakyang papalapit. Sobrang labo na talaga ng paningin ko at tila hindi na maihakbang pa ang mga paa ko.

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa at parang hindi na ako makahinga. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Basta narinig ko nalang ang humintong sasakyan malapit sa gawi ko. Pero hindi ko na talaga maaninag pa kung sino iyon. Naramdaman ko nalang na inuuga-uga niya ako pero hindi ko na talaga magawang sumagot o di kaya ay gumalaw. Tanging pandinig ko nalang ang nagpa-fuction. Nang binuhat niya ako ay doon lang nawala lahat at nawalan na talaga ako ng malay at hindi ko na alam ang susunod na nangyari.

To be continued.......................

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
131K 3.1K 52
What will you do if you end up in someone else body?
13M 355K 50
[Date Started: March 2013 Date Finished: August 2013] Date Published: June 4, 2015 This is a fantasy, Action, Teen and Romance Story XD An academy fu...