Innocent •SB19 KEN• [COMPLETE...

Oleh Nahhhlia

49.6K 1.5K 827

[SB19 Series #5 | KEN FAN FICTION | Completed] A pure, innocent guy and a girl who hates boys. How would she... Lebih Banyak

Innocent
PROLOGUE
CHAPTER 1: Puro Inocencio University
CHAPTER 2: Saved But In Danger
CHAPTER 3: Stay In
CHAPTER 4: The Deal
CHAPTER 5: Mom And Hair
CHAPTER 6: Langga
CHAPTER 7: Understanding Each Other
CHAPTER 8: Special
CHAPTER 9: For Safety
CHAPTER 10: Graduation Ball
CHAPTER 11: Proven
CHAPTER 12: Answered
CHAPTER 13: Maturity
CHAPTER 14: Scared
CHAPTER 15: Jealousy
CHAPTER 16: Last Lesson
CHAPTER 17: Mr. Innocent No More
CHAPTER 18: He's Back
CHAPTER 20: No Choice
CHAPTER 21: Siblings
CHAPTER 22: Changed
CHAPTER 23: Escaped
CHAPTER 24: Stuck In Between
CHAPTER 25: Understanding
CHAPTER 26: Unwanted Message
CHAPTER 27: Got You
CHAPTER 28: Visit
CHAPTER 29: Best Part
EPILOGUE
Special Chapter: Reunion
Author's Note

CHAPTER 19: Captured

1K 36 62
Oleh Nahhhlia

Chapter 19: Captured

"ANAK kamusta ka na? Dalaga ka na." may ngiti niyang sabi.

"Sige, uuwi na ko." sambit ko kay Kuin.

Pinatay ko ang tawag. Binigyan ko siya ng masamang tingin bago tumalikod at mag-lakad ng mabilis.

"Anak sandali! Gusto lang kitang makausap."

Nang mahawakan niya ang braso ko ay tinabig ko agad 'yon. Nahulog pa yung binili kong pasalubong ko sana kay Ken pero wala na akong pake. Ang gusto ko lang ay maka-alis na dito.

"Ano ba! Wag mo kong hawakan!" galit na sigaw ko sa kanya.

Gulat naman ang namayani sa emosyon niya. Napaka-galing mong mag-panggap.

"Anak, gusto lang naman kitang--"

"Wag mo kong tawaging anak, hindi kita kilala." may diin kong sabi.

Tinalikuran ko na ulit siya tsaka ako nag-lakad nang mabilis. Narramdaman kong sumusunod parin siya sakin kaya may binilisan ko pa ang pag-lalakad ko.

"Andrea, mag-usap tayo. Kausapin mo ako."

I gritted my teeth and my hands turned into fist. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng ilang taon niyang hindi pagpapakita sakin, bigla siyang susulpot ngayon.

"Andrea, let's talk. Kausapin mo ako bilang ama mo."

Huminto ako sa pag-lalakad tsaka bumuga ng hangin. Dahan dahan akong lumingon sa kanya nang naka-ngisi.

"Ama?" mahina akong natawa. "Pagkatapos ng ginawa mo, sa tingin mo ba kikilalanin pa kita bilang ama ko?"

"Pagkatapos mo akong iwan bigla ka nalang susulpot at tatawagin akong anak?" I laughed bitterly. "Matagal na kitang kinalimutan. Wala akong tatay, patay na yung tatay ko. Kaya kalimutan mo na ding may anak kang nag-ngangalang Andrea dahil masaya na siya sa buhay niya, at kinaya niyang mabuhay nang wala ka."

Bawat salita na binibitawan ko ay may diin. Wala na akong kinikilalang ama. At kahit kailan, hindi ko siya matatanggap bilang ama ko.

"I'm sorry. Gusto kong bumawi sa'yo. Gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa ko noon. Gusto kong bumawi sa'yo dahil anak kita." may halong pag-mamakaawa sa boses niya.

"Hindi mo na kailangang bumawi." dahan dahan akong umiling. "Dahil kahit anong sorry pa yung sabihin mo, hinding hindi na babalik si Mama." diretso ko siyang tinignan, mata sa mata. "Kahit anong bawi pa yung gawin mo, hinding hindi na kita mapapatawad."

Tinalikuran ko na muli siya tsaka nag-lakad nang mabilis.

"Andrea! Sandali!" may halo nang inis sa boses niya.

Sinasabi ko na nga ba, hindi na talaga siya mag-babago. Ganon na talaga ang ugali niya, masama.

Nang maka-labas na ako ay sumakay na agad ako sa tricycle at sinabi ang destinasyon ko.

Bago ako maka-sakay sa tricycle ay may nakita akong gray na kotse na tila ba sinusundan ako.

"Manong, paki-bilis po ng konti." sambit ko sa driver.

Sumilip ako sa kaliwa ko at tinignan kung nandon parin ang kotse. Nasa di kalayuan ito. Tinted ang kotse pero nang masinagan ito ng araw ay naaninag ko ang taong nag-dadrive.

"Ano bang kailangan niya sakin?"

He's following me, and he looks mad.

Bumalik na ulit ang tingin ko sa harap. Hinilamos ko nalang ang kamay ko sa muka ko nang makita ang mga sasakyan na hindi umuusad dahil sa traffic. Pag minamalas ka nga naman.

Sinilip ko ulit ang kotse niya, may ilang sasakyang naka-pagitan sa sinasakyan namin kaya medyo malayo siya sa akin.

Hindi pwede 'to, hindi niya pwedeng malaman kung saan ako naka-tira.

Agad kong kinuha ang phone ko nang mag-vibrate ito.

"Kuin." bungad ko.

[Aki, pwede bang dito ka muna tumuloy sa bahay? Please?] kagaya kanina, tunog nag-aalala nanaman siya.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko.

[Please, wala akong kasama dito sa bahay. Alam mo naman ako, matapang pero hindi kayang lumaban physically. Please, kahit ngayong gabi lang?]

Bumuga pa muna ako ng hangin tsaka nag-isip.

Ayokong madamay ang mga kaibigan ko kung sakaling may binabalak man itong ama ko. Pero may naisip na akong paraan.

"Sige, hintayin mo ako dyan."

[Thank you! Thank you! Ingat ka.] she sounds relieved now.

Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa ko tsaka kumuha ng pera sa wallet ko.

"Kuya, eto po bayad ko. Dito nalang po ako. Keep the change." sambit ko kay kuya habang inaabot ang perang hawak ko.

May nakita akong tricycle sa di kalayuan, mag-iiba ako ng sasakyan.

Pilit akong yumuko nang lumabas ako sa tricycle, mabuti nalang at hindi pa umuusad ang mga sasakyan.

Mabuti nalang at walang sakay ang tricycle na nakita ko kanina, sana naman hindi niya ako nakitang lumabas at nag-iba ng sasakyan.

After a few minutes, umusad na din ang mga sasakyan. Lumiko sa kanan ang tricycle na sinasakyan ko. Sinilip ko naman ang kotse niya, nag-dire-diretso lang siya.

Bumuga ako ng hangin, mukang naligaw ko na siya. Ano nga ba ang pakay niya sakin? Hindi ako naniniwalang gusto niyang bumawi sakin. Sinungaling.

Nang makarating na ako sa bahay nila pink ay nag-doorbell agad ako. Lumabas naman din agad si Kuin at tila ba nag-aalala.

Nang mabuksan niya ang pinto ay sinunggaban niya agad ako ng yakap.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.

"Oo ayos lang ako." sagot ko.

Nang bumitaw na kami sa yakap ay isinara niya agad ang gate at luminga linga pa sa paligid. Hinawakan niya ang braso ko tsaka niya ako iginiya paounta sa loob.

"Dito ka muna mag-stay, bumalik ka nalang bukas ng umaga." sambit niya nang maka-pasok na kami sa loob.

"Hinihintay ako ni Ken. Kagagaling lang niya sa sakit, kailangan ko siyang alagaan." may halong pag-aalala ang boses ko.

Siguradong nag-aalala na siya sakin ngayon dahil nag-tagal na ako.

"Please, tawagan nalang natin siya." pag-mamakaawa ni Kuin.

Sandali pa akong nag-isip. Kuin looks very worried, at pansin ko ngang mag-isa lang siya dito sa bahay.

Kasama naman ni Ken si Manang at Kuya Driver. Uuwi din naman si Tita Jona mamaya, magiging ayos lang siguro siya doon.

"Sige, pero maaga akong babalik bukas." pag-payag ko.

Napangiti naman si Kuin. "Thank you." sambit niya tsaka niya ako niyakap ulit.

She's acting weird. Hindi naman siya ganito dati. Ano ba talagang meron?

Third Person's Point of View

Mahina siyang napapa-mura habang sinusundan ang tricycle na sinakyan ng anak niya. Kanina pa niya ito sinusundan ngunit para bang wala itong destinasyon.

"F*ck! Andrea, ginagalit mo ko." gigil niyang sabi.

Kung hindi niya mapa-kikiusapan ang anak sa madaling paraan ay wala na siyang magagawa kundi pilitin ito. Desperado na siya.

Kahit naiinis ay patuloy parin niyang sinundan ang tricycle. Hanggang sa maka-rating ito sa isang lugar na hindi niya inaasahan.

Pumarada ang tricycle sa dulo ng pila ng mga tricycle sa gilid ng kalsada. Nag-taka siya nang walang Andreang lumabas mula dito.

Ipinarada niya sa isang gilid ang sasakyan tsaka lumabas dito para lapitan ang tricycle.

"Asan yung babaeng naka-sakay dito?" tanong niya sa driver ng tricycle na sinakyan ng anak niya.

"Ah yung dalaga ba sir? Lumipat po ng tricycle kanina nung traffic." sagot ng driver.

Ikinuyom niya ang mga kamay niya tsaka malalaki ang hakbang na bumalik sa kotse niya.

Hinampas niya ang manibela habang mahinang nag-mumura dahil sa inis na nararamdaman.

Nasayang lang ang oras niya. Naisahan siya ng anak niya!

Ipinaharurot niya ang sasakyan niya pauwi sa bahay niya. Kailangan niyang mahanap ang anak niya. Kailangan niya itong makausap.

"WAG MO SIYANG idadamay dito, wala siyang kinalaman sa problema mo." kalmado lang ang boses nito ngunit halata ang galit niya. Naka-kuyom din ang mga palad niya habang naka-tingin sa lalaking naka-tatanda sa kanya ng ilang taon.

"Ipanalangin mo lang na hindi malugi ang negosyo ko." humarap lalaki sa kanya tsaka nito inayos ang suit na suot niya. "Kung hindi, wala na akong magagawa kundi idamay siya, and you can't do anything about that."

He sat on the swivel chair. "Bakit nga ba nangingealam ka? Ano bang pake mo sa kanya?" tanong nito.

"Kahit pag-bali-baliktarin pa ang mundo, kapatid ko parin siya. Wag na wag mong idadamay sa problema mo yung kapatid ko. You're a businessman right? Nakakahiya ka, gagamitin mo yung sarili mong anak para sa pera." may diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

His face darkened. "Anak lang kita. Wala kang karapatang pag-sabihan ako ng ganyan. Kung hindi dahil sakin, wala ka dito ngayon sa mundo!" ibinagsak pa niya ang kamao niya sa mesa.

"Nakikilala mo pa pala ako bilang anak?" mapait siyang tumawa. "Nakaka-gulat." he crossed his arms. "No one wants a father like you." seryoso nitong sabi.

Napatayo na ang lalaki sa kinauupuan niya kasabay ng malakas na pag-palo sa mesa nito. "Wala kang galang! Get out of my office! Now!" nanlilisik na ang mga mata nito.

Tinitigan lang niya ang kanyang ama na para bang nandidiri ang itsura.

"Get out Andrei!" sigaw muli ng ama niya.

Umiiling siyang lumabas sa kwarto ng kanyang ama. Hindi niya masikmurang tawagin siyang 'Papa' o 'Daddy' dahil sa ugaling meron ito.

Hindi ko hahayaang idamay mo ang nag-iisang kapatid ko. Determinado niyang bulong sa utak niya.

PABAGSAK siyang naupo sa swivel chair niya. Buong araw na siyang naiinis dahil sa sunod sunod na kamalasan ang nangyayari sa kanya.

Una, hindi niya nasundan ang anak niya. Pangalawa, mukang makikialam pa ang isa niyang anak. At pangatlo, may kakarating lang na balita sa kanya na may nag-pull out nanaman na investor sa kompanya niya.

Nalulugi na siya! Bumabagsak na ang kompanya niya! At iisa lang ang naiisip niyang paraan para bumalik sa dati ang negosyo niya.

Pero kakailanganin niya ang anak niyang babae. Ito ang makatutulong sa kanya.

Kailangan niya itong hanapin. Kaladkadin kung kakailanganin. Hinding hindi niya hahayaang lumubog ang negosyo niya.

You left me no choice. Bulong niya sa isip niya.

Kinuha niya ang telepono niya at nag-dial ng number.

"Kirby, aabot pa ba ang pera natin para makapag-hire ng dalawang tao? I need my daughter, right now." bungad niya sa taong tinawagan niya.

[I'm afraid we can't hire men at this moment sir. We're bankrupt.]

Nahampas nalang niya ang lamesa niya dahil sa inis.

"Be ready next week. Pumunta ka dito sa bahay mamaya, may pag-uusapan tayo." seryoso niyang sabi.

[Copy sir.]

He's determined to get his daughter. He's determined to save his business, his company. And he'll do anything just to save it.

Aki's Point of View

SA KWARTO NI Kuin ako matutulog, mag-katabi kami dahil natatakot daw siya mag-isa.

Natawagan ko na manina si Ken at pumayag naman siya. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ni Kuin kaya pumayag na din siya.

Pahiga na sana ako sa kama nang tumunog ang phone ko. It's Ken.

[Langga ko, I miss you. Wala akong katabing matulog.] malungkot ang boses niya.

Bumuga ako ng hangin. I miss him too. "I miss you too baby. Don't worry, maaga naman akong uuwi bukas."

[I want to hug you. Hindi nanaman ako makakatulog nang maayos kasi wala ka.]

Bahagya akong napa-ngiti. He's being a baby again.

"Matulog ka na, gabi na. Pagkagising mo, nasa tabi mo na ako. Okay? Goodnight baby."

[Ikaw din. Goodnight langga ko, I love you.]

Tuluyan na akong napangiti nang malawak. "I love you too baby." malambing kong sabi.

Ibinaba ko na ang tawag tsaka bumuga ng hangin. Nahiga na din ako sa kama. Saktong pag-higa ko ay ang pag-pasok ni Kuin sa kwarto.

"Naisara ko na lahat ng dapat isara, pwede na tayong matulog." smbit niya.

Tumango nalang ako.

Pinatay na niya ang ilaw tsaka nahiga sa tabi ko. Mukang gaya ni Ken, hindi rin ako makaka-tulog nang maayos. I miss my baby already.

NIYAKAP ko muna si Kuin. May mga kasambahay nang dumating dito kaninang umaga kaya may kasama na siya sa bahay at pwede na akong umuwi.

"Ingat ka palagi. Don't be shy to contact me if something happens." bilin niya.

I nodded. "Yeah, of course. Ikaw din, ingat ka. Salamat sa pag-papatuloy sakin dito."

"Salamat din sa pag-sama sakin." she smiled.

Tumingin ako sa relo ko. It's 6:23 AM. Sigurado akong tulog pa si Ken sa mga oras na 'to.

"Ihahatid na kita." presinta ni Kuin.

Tumango nalang ulit ako tsaka sumunod sa kanya papunta sa kotse niya.

Pag-dating namin sa bahay nila Ken ay nag-paalam na agad ako sa kanya. Sakto namang nasa bakuran si Manang kaya binuksan na niya agad ang gate para sakin.

"Si Ken po?" tanong ko nang maka-pasok na ako.

"Nasa taas, tulog pa ata." aagot ni Manang.

Tama nga ako, tulog pa siya.

"Sige po, pupuntahan ko lang po siya."

Dumiretso na ako sa loob tsaka umakyat sa ikalawang palapag. Pumasok muna ako sa kwarto ko para ipatong doon yung mga binili ko kahapon.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob ng pinto ni Ken. Nang makita ko siya ay tulog pa siya. Mahina kong isinara ang pinto niya tsaka ako nag-lakad palapit sa kanya.

Inangat ko ang kumot niya tsaka ako dahan dahang tumabi sa kanya. Binigyan ko pa siya ng halik sa pisngi. Tsaka ko siya niyakap.

Ahh, I missed my baby so much.

Pumikit ako at dahil siguro maaga akong nagising ay dinalaw ako ng antok. Maya maya pa ay hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa pakiramdam na may dumadampi sa leeg ko. Naka-baling kasi sa kanan ang ulo ko.

Pag-mulat ng mga maya ko ay nakita ko ang braso ni Ken na naka-yakap sa akin. Nararamdaman ko parin ang bahagyang pag-dampi sa leeg ko.

Dahan dahan akong gumalaw tsaka lumingon sa katabi ko, He's awake.

Niyakap ko siya nang mahigpit sa leeg. "Sabi ko naman sa'yo pagka-gising mo nasa tabi mo na ako eh." mahina kong sabi.

Mas humigpit pa ang yakap niya sa bewang ko tsaka niya isinubsob ang muka niya sa leeg ko. Naramdaman ko nanaman ang bahagya niyang pag-halik sa leeg ko.

Mahina akong natawa dahil sa kiliti. "Ken, nakikiliti ako."

Imbis na tumigil siya ay mas tinadtad pa niya ako ng halik. Kinubabawan niya ako tsaka niya hinalik-halikan ang mag-kabila kong leeg.

"Ken." hinawakan ko ang mag-kabila niyang pisngi kaya nag-salubong ang mga mata namin.

Walang sabi sabi niya akong hinalikan na agad ko namang tinugon. Then he showed me how much he loves me.

NAKA-PAMEWANG ako habang naka-ngiwing naka-tingin kay Ken.

"Bakit naka face mask ka pa?" tanong ko sa kanya.

Pupunta lang naman kami sa mall dahil hindi ko nga pala naibigay yung ipinapabili niya sa akin kahapon.

Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kahapon, should I tell him that I saw that man again?

"Bagay kasi sa porma ko." sagot niya tsaka tinignan ang sarili niya sa life size mirror.

Napa-iling iling nalang ako. "Tss. Tara na nga." hinawakan ko nalang ang braso niya tsaka ko siya hinatak palabas sa kwarto niya.

"Ako na'ng mag-dadrive." presinta ko.

Hindi na siya umangal, siya na ang kusang naupo sa passenger's seat. Hindi naman siya mananalo sa akin eh.

Tahimik lang kami buong biyahe. Nang maiparada ko na ang kotse ay lumabas na agad kami. Lumapit siya sa akin tsaka niya hinawakan ang kamay ko.

At dahil tanghalian na ay dumiretso na kami sa isang fast food chain. Burger, fries at ice cream ang inorder niya, na kanin naman ako at burger steak.

Napuno ng ka-sweetan ang tanghalian namin dahil kay Ken. He likes to baby me sometimes, like feeding me. And I love it!

Nang matapos na kaming kumain ay napag-pasyahan naming mag-lakad lakad muna at mag-tingin tingin sa paligid. Tutal wala din naman kaming gagawin sa bahay, at Sunday ngayon kaya walang pasok sa trabaho.

"Uhmm, Aki. Restroom lang ako." paalam ni Ken.

Sakto namang ilang hakbang nalang ang restroom sa kinatatayuan namin. Tumango nalang ako. Tumingkayad pa muna ako tsaka ko siya hinalikan sa leeg, naka face mask parin kasi siya.

Sinundan ko nalang siya ng tingin habang papasok siya sa restroom. Maghihintay nalang ako dito sa labas.

"Your boyfriend?"

Kumunot nanaman ang noo ko dahil sa narinig kong boses sa likod ko. It's unfamiliar, but I think it's for me.

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko tsaka takang tinignan ang isang hindi pamilyar na muka.

Luminga linga ako sa paligid, ako lang naman ang tao dito, tsaka sakin siya naka-tingin.

"Ikaw ang kausap ko." sambit nito.

Agad naman akong nag-taka. "Sino ho kayo?" tanong ko.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Sumama ka sakin." nag-simula na siyang mag-lakad palapit sa akin.

Gusto kong matawa. Sinong tanga ang sasama sa isang tao na hindi naman niya kilala?

Umatras naman ako. "Hindi ko ho kayo kilala."

"Sasama ka sakin o gagawa pa ako ng paraan para sumama ka sakin?" kalmado lang ang boses niya.

Ano bang pinag-sasasabi nito? Bakit naman ako sasama sa kanya?

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya tsaka niya ito itinapat sa tenga niya na para bang may tinawagan.

"Nakita ko na po siya Sir." sabi pa niya.

"Keren!" lumingon naman ako sa likod ko kung saan ko narinig ang boses ng tumawag sa akin.

King?

Tumatakbo siya papunta sa akin na tila ba nag-aalala at galit ang muka.

Ano bang nangyayari?!

"Sleep." bumalik ang tingin ko sa lalaking nasa kabila ko na ngayon ay nasa harap ko na.

Hindi na ako naka-sigaw nang bigla niyang takpan ang bibig at ilong ko ng isang panyo. May kakaiba itong amoy na naging dahilan ng pagkahilo ko.

Ang huli ko namang nakita ay si King na tumatakbo palapit sa akin.

At nag-dilim na ang lahat.

Third Person's Point of View

[Sir, nakuha ko na po siya. Sinubukan po akong pigilan ni Sir Andrei pero nagawan ko naman po ng paraan.]

Pinag-halong tuwa at inis ang naramdaman niya. Natuwa siya dahil sa wakas ay nasa kanya na ang anak niya. Nainis naman siya dahil sinubukang sirain ni Andrei ang plano niya.

"Great, dumiretso ka na agad dito sa bahay at ikulong mo siya sa isa sa mga kwarto dito." utos niya.

[Sir, may kasama po siya kanina sa mall. Lalaki po at sa tingin ko ay may relasyon sila.]

Tumaas naman ang isang kilay niya. "Kilala mo ba?" tanong niya.

[No Sir, naka face mask po siya kaya hindi ko po namukaan. Pero narinig ko pong tinawag siyang 'Ken' ng anak niyo.]

Tumango tango nalang siya. "Si Andrea lang ang kailangan natin, hayaan na natin siya kung sakaling may relasyon nga sila ng anak ko. Gagalaw lang tayo kung sakaling sirain din niya ang plano natin."

[Yes Sir.]

Pinatay na niya ang tawag tsaka siya naupo sa swivel chair niya. Ken, huh? Napaisip siya kung sino ang binatang ito. I pity you. She's just going to break your heart.

Naka-ngisi ito habang pinapa-ikot ikot ang ballpen sa kanan niyang kamay. Ilang minuto pa siyang nanatili sa ganong pwesto nang makarinig siya ng mahinang katok sa pinto niya.

"Come in."

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking naka-suit.

"Nasa isang kwarto na po siya at tulog parin."

Tumango tango siya. "Magaling." tumayo na din siya sa swivel chair niya tsaka siya lumabas sa opisina niya.

Sinundan nalang niya ang lalaking dumating papunta sa isang kwarto. Nang buksan niya ito ay nadatnan niya ang dalagang natutulog sa kama.

"Good Kirby, you're the best secretary." puri nito sa sekretarya.

"My pleasure Sir." sagot naman ng sekretarya niya na bahagya pang yumuko bilang pasasalamat.

"Iwan mo muna ako dito." utos niya.

Yumuko naman si Kirby bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Nag-lakad ito palapit sa natutulog na dalaga tsaka naupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang mahabang buhok ng dalaga habang naka-ngisi.

"You grew up beautiful just like your mother." mahina nitong sabi. "Sigurado akong magugustuhan ka ng magiging asawa mo." dagdag pa niya.

He stood up and went out of the room. Sinigurado muna niyang naka-lock ang pinto mula sa labas para hindi maka-takas ang dalaga.

You can't escape my daughter.

_______________

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2.5M 41.4K 75
{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.
22.1K 857 123
NCT Epistolary #6 belamour (n) one who is loved; a beloved person. Date Started: 03/23/21 Date Completed:
16.8K 934 22
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...