Glowing Gems

By Quicke_Ow

8.3K 581 13

'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na du... More

WARNING!
AUTHOR'S NOTE
PHOTO CREDITS
GLOWING GEMS 1: DIYOS NA SI VERANDA
GLOWING GEMS 2: ANG MUNDONG GINAGALAWAN NI LOM
GLOWING GEMS 3: PAGTINGIN KAY LEE
GLOWING GEMS 4: MANANALIKSIK NA SI LOM
GLOWING GEMS 5: ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN
GLOWING GEMS 6: REGALO NG PALAD
GLOWING GEMS 7: MAHIWAGANG PANAGINIP
GLOWING GEMS 8: BUNDOK NG DUKARAWI
GLOWING GEMS 9: ANG MANLALAKBAY NA SI LOM
GLOWING GEMS 10: GABAY NA SI GAEL
GLOWING GEMS 11: KAHARIAN NG VERATHRA
GLOWING GEMS 13: ANG PAGKATAO NI LOM 1
GLOWING GEMS 14: ANG PAGKATAO NI LOM 2
GLOWING GEMS 15: ANG MGA TAGAPANGALAGA
GLOWING GEMS 16: LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL
GLOWING GEMS 17: SAGRADONG SILID
GLOWING GEMS 18: KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN
GLOWING GEMS 19: PANAUHIN NA SI MADER ROSE
GLOWING GEMS 20: SA PILING NI LEE
GLOWING GEMS 21: ISLA NG MYUKI
GLOWING GEMS 22: MARKA NG KIDLAT
GLOWING GEMS 23: SAGRADONG SANDATA
GLOWING GEMS 24: PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM
GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO
GLOWING GEMS 26: HAKBANG TUNGO SA KABUTIHAN

GLOWING GEMS 12: HARING RASCAL

133 21 0
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Tawanan...

"Pasensya kana talaga Gael. Hayaan mo't magsisikap ako upang maging isang mahusay na mandirigma." Pagbibigay lakas ng loob ko sa kanya, tango lamang habang nakangiti ang naitugon nito.

Patuloy naming tinatahak ang daan patungo sa palasyo hanggang sa huminto ang karwahe.

"Magiging maayos din ang lahat." Ani ni Gael sabay na nagliwanag ang sarili nito at hinigop ito ng aking katawan.

Napapikit na lamang ako sabay na bumuntong hininga. Ilang sandali pa noong biglang bumukas ang pintuan at dito tumambad sa aking paningin si heneral Icarus na matikas kung tumindig.

Agad na akong bumaba sa karwahe kasabay nito ang pagbibigay daan ng mga kawal. Nagsimula na akong maglakad patungo sa tarangkahan ng palasyo habang abala ang aking mga mata sa pagmamasid sa buong gusali.

Matayog at malaki ang gusaling ito na tila kayang iukupa ang bilyong katao rito. Ang arketiktura nito ay sadyang napakapulido na kahit ang malakas na bagyo ay hindi kayang itumba ito. Dito ay labis akong namangha at nanglaki ang aking mga mata at bibig.

Sakto ang kalkulasyon ni Gael sa oras ng aming pagdating. Tanghaling tapat na noong ako ay makababa sa karwahe kaya labis akong namamangha kay Gael at nagtitiwala na kaya niya akong maprotektahan.

Tila ako'y nasa isang fairytale na palabas dahil sa mga bagay na aking nasasaksihan. Minsan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ito na para bang isa itong panaginip kung ito ay iyong pagmamasdan.

Sana ay nandito rin si lola Cora ng sa gayon ay masilayan niya itong ganda ng paligid, na totoo ang kanyang mga tinuran.

"HARING RASCAL"

Quicke_Ow

Part 12

Labis labis ang aking pagkamangha dahil sa naiibang istrukturang taglay ng palasyo na tila sa mga kwento at palabas mo lamang makikita ito. Humahalik na sa kalangitan ang itutok ng palasyo dahil sa taglay nitong kataasan.

Patuloy ako sa paglalakad patungo sa tarangkahan ng palasyo hanggang sa mamataan ko ang isang lalaki na sa tantya ko ay nasa mid 40's na ang gulang nito. Nakasilay ang kanyang mga ngiti sa labi suot ang napakagarbong kasuotan na tila isang pari ito.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa tapat na ako ng lalaking ito na panay ang ngiti na kaagad ko namang tinugunan.

Yumuko naman ito. "Maligayang pagdating sa kaharian ng Verathra panginoon. Ako si Yunim ang guro ng mga tagapangalaga at kanang kamay ng hari. Ikinagagalak kitang makita!" Ani nito sabay na umayos ng tayo.

"Maraming salamat sa mainit ninyong pagtanggap sa akin guro. Ako ay nagagalak na ang mga mamamayan sa kahariang ito ay sadyang mabubuti at ako ay labis na natutuwa na marating ang lugar na ito." Galak kong saad sabay na yumuko bilang pagtanaw ng pasasalamat sa kanilang pagtanggap sa akin.

Talaga ngang mabubuti at masasaya ang mga mamamayan sa kahariang ito dahil nakikita at nadadama ko ito sa kanilang kaibuturan at sa kanilang  mga mata. Maayos ang pamumuhay, may matatayog na tirahan, at pantay pantay na turingan. Nawa ay ganito rin sa aking mundo, kung saan ang mga tao ay nagbibigayan hindi nagdadamutan, nagmamahalan hindi nagaawayan, may pagkukusa hindi nananamantala, at higit sa lahat tanggap ang pagkakaiba ng bawat isa.

Sa mundo kung saan ako nagmula ay tanging pagkamuhi, pagkaganid, at pagkayamot lamang ang namumukod tanging gawain ng tao roon. Hindi naman lahat ng tao sa aming mundo ay pare-pareho ang pagiisip kung kaya ay nagagawa nilang manlinlang at manamantala.

Nawala na lamang ako sa pagiisip nang may biglang nagsalita sa aking kaibuturan dahilan upang bumalik sa dati ang aking wisyo.

"Ibigay mo na ang ating regalo para sa palasyo." Saad ni Gael sa aking kaibuturan dahilan upang panglakihan ako ng mga mata. Muntikan ko ng makalimutan ang regalong aming handog para sa palasyo.

Bumaling naman ako ng tingin sa Guro sabay na ngumiti at yumuko. "Paumanhin po guro, ngunit nais kong tanggapin mo ang aking munting regalo bilang kapalit ng mainit na pagsalubong ninyo sa akin..." Ani ko sabay kumpas sa aking kamay hanggang sa lumapit ang isang kawal hawak ang nakataling usa na ginamit ko sa paglakbay papunta rito. "...tanggapin niyo po ang usang ito bilang aking alay at regalo para sa inyo, malakas at masigla ang isang ito na tiyak kong malinamnam ito kung ito ay kakatayin upang lutuin at ipanglaman sa ating mga tiyan." Nakangiti kong saad.

"Maraming salamat panginoon sa munting regalong ito. Tiyak kong matutuwa ang hari rito. Siya nga po pala halina't tumungo na tayo sa loob ng palasyo sa kadahilanang inaantay ng hari ang iyong pagdating. Nasasabik ito na ikaw ay makita at makilala, kaya tayo na at magtungo roon." Ang nagagalak na saad ng guro na kaagad ko namang sinang-ayonan.

Gaya ng sinabi ng guro ay agad na naming tinahak ang daanan papasok sa loob ng palasyo ng sa gayon ay makilala at makita ko na ang tumatayong haligi ng kahariang ito. Sadyang nakakapanabik lamang na tila may kung anong pakiramdam ang namumuo sa aking kaibuturan na hindi ko mawari kung ano ito, wari libo libong enerhiya ng kasiglahan at kasiyahan ang agad na lumukob sa aking pagkatao.

Habang binabaybay namin ang daanan, dito ay hindi maitatanggi ang kagandahang taglay ng gusaling ito na para bang bago itong itinayo dahil sa kalinisang hatid ng bawat sulok ng palasyo. Magmula sa mga kisameng may iba't ibang sining at simbolo, hulma ng bawat haligi't pader, at samu't saring baybaying nakatala rito ay sadya namang nakakaagaw ng aking atensyon hanggang sa marating namin ang bulwagan. Dito ay labis akong napahanga at napanganga dahil sa kagaraan at laki ng aranyang (chandelier) nakasabit sa kisame, hatid nito ang maliliwanag at naglalakihang ilaw rito.

"Ang kahariang ito ay naitayo dekada, siglo, at maraming taon na ang nakalipas bago maibuklod ang mga mamamayan sa kahariang ito. Ang ama ng hari ang unang namuno at nagtuwid sa kahariang ito bago umupo ang hari sa kasalukuyan. Si Haring Rascal at ako ay matalik na magkaibigan, magkasangga sa lahat, at pareho ng interes sa mga bagay bagay. Noong pumanaw ang amang hari nito ay siya namang pag upo sa trono ni Rascal upang ipagpatuloy ang nasimulan sa nasirang unang hari. Mahigit libo libong katao ang nagtulong tulong upang iusbong ang kaharian ayon sa ipinangakong kapayapaan, kasaganahan, at maayos na pamumuhay ng sinaunang amang hari ni Rascal. Ibig sabihin, naunang nilikha ang mundong ito kumpara sa mundong pinanggalingan mo." Salaysay ng guro habang patuloy kaming naglalakad.

Dito ay labis naman akong namangha dahil sa isinalaysay ng guro na tila ako ay naririto sa kasaysayan ng ibang mundo dahil sa kakaibang takbo ng pangyayari rito. Subalit ako ay nagtataka sa isinalaysay ng guro, ang katagalan ng kahariang ito siglo? Dekada? Ang lumipas.

Dito ay agad akong napahinto. "Sandali lamang guro, ako ay labis na naguguluhan. Ang sabi niyo po ay mahigit dekada at siglo nang nakahimlay ang kahariang ito, at maaaring naunang nilikha ang mundong ito kumpara sa mundong aking pinanggalingan. Kung gayon, maaaring matanda na ang hari at marahil ay nasa bingit na ito ng kanyang nalalapit na pagpanaw." Nagtataka kong tanong rito dahilan upang mahinto ito sa paglalakad at balingan ako nito ng tingin na may seryosong mukha. Ilang saglit pa noong bigla itong nagpahagalpak ng tawa dahilan upang mangunot ang aking noo.

Agad naman itong huminto at umayos ng tindig. "Ako at ang hari ay magkapareho ng edad dahil kami ay magkababata at matalik na magkaibigan noon pa man. Hindi pa matanda ang hari, matikas, maliksi, matipuno, at masigla pa ito." Ang natatawa nitong saad ngunit tumango tango lamang ako bilang aking tugon.

"Kung gayon guro, ilang taon na ho ba kayo?" Nagtataka kong tanong.

"Ako at ang hari ay nasa mahigit walong daan, apat napo't anim na taong gulang na..." Saad nito, tila hinampas naman ako ng limang pirasong pinagsama samang kahoy dahil sa aking natuklasan rito. Tumalikod naman ito at agad na naglakad habang bahagyang natatawa at ipinagpatuloy ang pagsasalaysay. "...kakaiba ang oras at espasyo sa mundong ito, kami ay mga immortal at hindi tumatanda dahilan upang kami ay magmukhang bata. Ang aming pisikal na anyo ay humihinto sa pagtanda sa tuwing sasapit ang pang tatlumpong kaarawan ng mga immortal. Dito, ang aming anyo ay mananatili hanggang sa kami ay paglumaan na ng panahon habang ang aming mga edad ay patuloy na dadagdag bilang basehan sa aming pamamalagi rito." Salaysay nito habang palayo ito ng palayo sa akin habang ako ay napako na lamang sa aking kinaroroonan dahil sa kakaibang tagpo na aking nasaksihan.

Tila naging isang palaisipan sa akin kung bakit ganito ang kanilang pagkatao, ibang iba ito sa aming mga mortal na tumatanda at namamatay sa 'di inaasahan pagkakataon at panahon. Labis na pagkamangha at pagkagulat ang biglaang lumukob sa aking sarili.

Ilang saglit pa noong marinig ko ang sigaw ng guro. "Halina't tayo ay inaantay na ng hari sa loob!" Natatawang sigaw nito dahilan upang bumalik ang aking ulirat.

Agad naman akong nagtatakbo sa kinaroroonan ng guro upang masabayan ko ito sa paglalakad na agad ko namang narating ang pwesto nito.

Palapit kami ng palapit sa napakalaking pintuan na aming binabaybay hanggang sa bigla itong bumukas at dito tumambad sa aking paningin ang napakaraming kawal na nakahilara sabay na nagbigay pugay sa amin. Sa harapan naman ay nakita ko ang hari na nakangiting nakatayo habang nasa ulo nito ang kanyang korona.

Nasa ganoong posisyon ako nang bigla na lamang nag ibayo ang aking pakiramdam na pilit kong nilalabanan. Pakiramdam na pinaghalong, pananabik at kaligayahan sa hindi malamang kadahilanang kasabay nito ang pagtulo ng isang butil ng luha na dumaloy pagapang sa aking pisngi na kaagad ko namang pinunasan gamit ang aking kamay dahilan upang mapansin ito ng guro na agad na nangunot ang noo nito.

"Ayos ka lang ba panginoon?" Nagaalalang saad nito ngunit tanging tango lamang ang aking naisagot sabay na itinuon ko ang aking atensyon sa harapan kung saan naroroon ang hari na hindi mabakbak ang ngiti sa mga labi nito habang pinipigilan ko namang bumugso ulit ang kakaibang pakiramdam na ito.

"Ipinakikilala!!! Ang tagapangalaga ng elemento ng apoy na nagmula sa ibang lupain!!! Maligayang pagdating sa kaharian ng Verathra!!!!" Pagbasa ng isang kawal sa isang kasulatan na hawak nito. Kasabay nito ang espadang inilabas ng mga kawal at itinapat ito sa ere bilang pagbibigay galang.

Agad naman kaming naglakad pasulong upang marating ang kinaroroonan ng hari. Dito ay napukaw na naman ang aking atensyon sa mga aranyang nakasabit rito.

Ilang saglit pa noong agad naming narating ang kinaroroonan ng hari. Nasa ganoong tagpo ako noong bigla na namang may namuong kakaibang pakiramdam sa aking sarili. Mas nagiibayo ito sa mga sandaling ito ngunit labis ko itong pinipigilan sa kadahilanang ayon kay Gael na mahigpit na ipinagbabawal ang pakitaan ang hari ng kahinaan ng isang nilalang na kaharap nito kaya sinisikap kong hindi bumugso ang aking damdamin.

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Verathra!! Panginoon ng apoy!!" Nagagalak na saad nito at labis akong nabigla dahil sa biglaang pagluhod nito sa aking harapan kaya agad ko naman itong inalalayan patayo. Noong lumapat ang aking mga kamay sa mga braso ng hari siya namang pagdagundong ng tibok ng aking puso. Lalong nag iibayo ang aking damdamin dahil sa tagpong ito na labis kong ipinagtaka.

Noong maitayo ko ang hari ay agad naman itong ngumiti dahilan upang makaramdam ako ng labis na pagkalito dahil sa aking nararamdaman. Maya maya pa ay bigla na lamang tumulo ang aking mga luha dahilan upang manglaki ang mga mata ng hari kasabay nito ang aking pagkagulat kaya agad kong pinunasan ang luhang ito at agad na lumuhod upang makahingi ng tawad.

"Paumanhin po mahal na hari sa aking naging mapangahas na kilos. Hindi dapat ako nagpakita ng kahit na ano mang kahinaan sa iyong harapan. Nais kong malaman ninyo na taos puso kong tinatanggap ang ano mang kaparusahan ang ipapataw niyo sa akin." Ang mangiyak ngiyak kong saad.

Dito ay nakita kong ikinumpas ng hari ang kanyang mga kamay kasabay nito ang pagsisilabasan ng mga taong naririto hanggang sa kami na lamang dalawa ng hari ang natira dito.

Labis na pangamba at takot naman ang biglang lumukob sa aking pagkatao dahil sa mga bagay na maaaring maganap sa mga sandaling ito. Mukhang wawakasan na nga ng hari ang aking buhay dahil lamang sa aking pagluha. Ngunit ang ano mang kaparusahan ang igagawad sa akin ay malogud ko itong tatanggapin sa kadahilanang ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa kahariang ito.

Tahimik...

Katahimikan ang biglaang bumalot sa buong paligid na tila binabalanse namin ang bawat pangyayari. Ilang saglit pa noong may maramdaman akong may humawak sa magkabila kong mga braso dahilan upang ako ay mapatingala at dito tumambad sa aking paningin ang hari na may ngiti sa mga labi nito habang may namumuong mga luha sa mga mata nito dahilan upang ako ay magtaka.

Inalalayan ako nitong makatayo habang maluha luha itong nakatingin sa akin habang ako ay nakaramdam na naman ng pagbugso ng aking emosyon. Maya maya pa ay tuluyan na nga ako nito naitayo habang nanatili ang mga kamay nito sa aking mga balikat.

"Muli, patawad po mahal na hari sa aking nagawa." Usal ko sabay na yumuko.

Sa pagaakalang wawakasan nito ang aking buhay ay bigla namang may umusbong na pag asa sa aking sarili dahilan upang ako ay mapaiyak na lamang dahil sa labis na takot.

"Huwag kang matakot hijo. Hindi kita sasaktan, labis akong natutuwa na makita ka. Maaari ba kitang mayakap?" Pakiusap ng hari ngunit hindi ako nakasagot dahil sa labis na kabang aking nadarama.

Dito, ay naramdaman ko na lamang ang pagyakap nito sa akin dahilan upang mas lalong magibayo ang aking emosyon at magpalahaw ng iyak sa mga balikat nito. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman na tila ba ako ay nangungulila sa yakap ng isang ama. Kakaiba ang pakiramdam na ito, ito ay hindi ordinaryong yakap lamang dahil mas lalo itong nagiibayo na naghahadlang sa aking pagtahan.

Naramdaman ko naman ang mamasa-masang bagay na pumapatak sa aking balat hanggang sa mapag alaman kong luha pala ito ng hari dahilan upang ako ay magulat ngunit iwinaksi ko na lamang ito sa aking isipan at hinayaang lumuha ang hari sa aking mga balikat. Hindi ko maunawaan kung bakit ganito ang aking pakiramdam na tila niyayakap ako ng isang ama na nangungulila sa kanyang anak. Hinahaplos namin ang likuran ng isa't isa na tila pinapatahan namin ang bawat sariling lumuluha.

"Napalaki ka ng mabuti ng mga taong kumupkop sa iyo dahil sa ramdam ko ang dalisay na tibok ng iyong puso. Talaga namang hindi ako binigo ni Caloy at tinupad nila ang aking kahilingan. Maligayang pagbabalik sa aking kaharian Gilom...anak ko."

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

876K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...