Glowing Gems

By Quicke_Ow

8.3K 581 13

'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na du... More

WARNING!
AUTHOR'S NOTE
PHOTO CREDITS
GLOWING GEMS 1: DIYOS NA SI VERANDA
GLOWING GEMS 2: ANG MUNDONG GINAGALAWAN NI LOM
GLOWING GEMS 3: PAGTINGIN KAY LEE
GLOWING GEMS 4: MANANALIKSIK NA SI LOM
GLOWING GEMS 5: ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN
GLOWING GEMS 6: REGALO NG PALAD
GLOWING GEMS 7: MAHIWAGANG PANAGINIP
GLOWING GEMS 8: BUNDOK NG DUKARAWI
GLOWING GEMS 9: ANG MANLALAKBAY NA SI LOM
GLOWING GEMS 10: GABAY NA SI GAEL
GLOWING GEMS 12: HARING RASCAL
GLOWING GEMS 13: ANG PAGKATAO NI LOM 1
GLOWING GEMS 14: ANG PAGKATAO NI LOM 2
GLOWING GEMS 15: ANG MGA TAGAPANGALAGA
GLOWING GEMS 16: LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL
GLOWING GEMS 17: SAGRADONG SILID
GLOWING GEMS 18: KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN
GLOWING GEMS 19: PANAUHIN NA SI MADER ROSE
GLOWING GEMS 20: SA PILING NI LEE
GLOWING GEMS 21: ISLA NG MYUKI
GLOWING GEMS 22: MARKA NG KIDLAT
GLOWING GEMS 23: SAGRADONG SANDATA
GLOWING GEMS 24: PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM
GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO
GLOWING GEMS 26: HAKBANG TUNGO SA KABUTIHAN

GLOWING GEMS 11: KAHARIAN NG VERATHRA

126 16 0
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Nasa ganoong pagluhod ito nang iangat nito ang kanyang mukha at dito tumambad sa aking paningin ang nagaapoy nitong mga mata.

"Sa mga sandaling ito ay kinikilala kana ng mga nilalang na likha ng apoy bilang kanilang panginoon at tagapangalaga. Ang elemento ng apoy ay labis na nagagalak sa iyong pagtanggap at pagkilala sa kanyang lakas at kapangyarihan...tanggapin mo ang regalong igagawad ng elemento ng apoy sa iyo." Saad nito sabay na itinapat nito ang kanyang kamay sa kanyang kaliwang dibdib at nagliwanag ito at maya maya pa ay nagliwanag din ang aking dibdib dahilan upang mag init ito.

Inalis nito ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at dito ay sumama sa kanyang kamay ang liwanag habang patuloy pa rin sa pagkisap ang aking dibdib. Ilang sandali pa ay bigla niya itong inihagis sa kalangitan. Maya maya pa ay mas lalong nagdilim ang kalangitan kasabay nito ang malalakas na pagkulog. Nasa ganoong pagkulog ang kalangitan nang bigla na lang bumulusok ang isang kidlat sa kinalalagyan ni Gael at walang ano ano'y sinalo niya ito at agad na naging apoy.

"KAHARIAN NG VERATHRA"

Quicke_Ow

Part 11

Kasalukuyan naming tinatahak ang daanan patungo sa kaharian ng Verathra upang doon ay makilala ang namumuno at ang mga kinatawan nito.

Madaling araw pa lamang kanina ay nagsimula na ang aming paglalakbay. Ayon kay Gael makakarating kami sa kaharian ng tanghaling tapat, ibig sabihin ay tanghali ang aming pagdating doon.

Sakay ng napakalaking usa na ito ay agad naming mararating ang aming paroroonan. Binigyan ito ng sapat na lakas ni Gael upang hindi ito mamatay sa daan.

Habang nasa daan ay hindi magkamayaw ang aking labis na pagkamangha dahil sa taglay na ganda ng kapaligiran. Ang lupang aming tinatahak sa mga oras na ito ay balot ng kulay pink magmula sa mga puno, damo, bulaklak, at iba pa, ang mga puno dito ay tulad ng mga puno sa japan ang 'Blossom tree' habang nalalaglag ang mga dahon nito. Kapayapaan at kaginhawaan ang hatid ng kapaligirang ito dahil sa taglay nitong kagandahan.

Suot ko pa rin ang magarbong kasuotan na inihandog sa akin ng elemento ng apoy, habang nasa aking likuran naman ang malaking pamaypay na aking kalasag. Hindi ko alam kung para saan itong pamaypay ngunit nakatitiyak akong may espesyal na kakayahang taglay ito.

"Gael, bakit kailangan pa nating magtungo sa kaharian ng Vernathia?" Takang tanong ko kay Gael.

"Hindi Vernathia ang tawag sa kahariang iyon, ito ay kaharian ng Verathra lupain ng mga makakapangyarihang nilalang. Tayo ay magtutungo roon upang makilala ka ng iba pang mga tagapangalagang taglay ang tatlong elemento ng tubig, lupa, at hangin ng sa gayon ay mabuklod ang inyong mga kapangyarihan at lakas. Layun din nating payabungin ang iyong kakayahan bilang isang tagapangalaga ng apoy, ang iyong kapangyarihan ay di hamak na mas malakas at makapaminsala kumpara sa tatlong elemento. Maraming bagay pa ang iyong dapat matuklasan ngunit sa ngayon kailangan na muna nating magtungo sa kaharian na iyon." Salaysay ni Gael sa aking kaibuturan dahilan upang ako ay matigilan.

Hindi ko lubos maisalarawan na hindi lamang ako ang tagapangalaga dahil bukod sa akin ay may tatlo pang mga elemento ang pinangangalagaan. Magtatanong pa sana ako kay Gael ngunit hindi ko na mahagilap ang presensya nito, siguradong natutulog na naman ito dahil ayon sa kanya sa tuwing hindi ko raw ito mahagilap ay maaaring tulog ito sa aking kaibuturan.

Patuloy ang aming paglalakbay patungo sa kaharian na aming pupuntahan, tila lumukob sa akin ang pananabik na masilayan at makilala ang iba pang mga tagapangalaga sa 'di malamang kadahilanan.

Ilang saglit pa noong matanaw ko na ang bungad ng kaharian, sadyang napakalawak at malaki ang nasasakupan nito. Sa dulo nito ay natanaw ko ang isang napakalaking gusali na sa pagkakaalam ko ay ito ang palasyo ng kaharian kaya labis akong namangha. Nasa ganoong pagkamangha ako ay siya namang pagtunog ng malakas ng trumpeta galing sa loob ng kaharian. Habang patuloy sa pagtunog ang trumpeta siya namang pagsilabasan ng mga kawal suot ang kulay pula nitong mga kalasag at nagmartsa pasulong sa aking kinaroroonan.

Tumigil sa pagtakbo ang usa na aking sinasakyan at dito ay lumabas sa aking likuran si Gael habang humihikab pa ito.

"Salubungin mo na sila, alam ng kaharian na ikaw ay paparating." Saad ni Gael sabay pumungas ng mga mata nito.

Agad naman akong bumaba at tinungo ang kinaroroonan ng mga kawal sabay na mabilis kong hinawakan ang aking kalasag.

Walang pagiimbot na ako ay lumakad pasulong sa mga kawal na sumasalubong sa akin dahilan upang biglang sumeryoso ang aking mukha dahil sa labis na pagtataka na malamang alam ng mga ito ang aking pagdating.

Nasa ganoong paglalakad ako nang biglang umihip ang hangin sa payapang ritmo nito sa paligid dahilan upang sumabay sa pagihip ang aking kasuotan na tila ako ay isang mandirigma galing sa epikong kwento at palabas.

Ilang saglit pa noong matapat ako sa kinalalagyan ng mga ito, matitikas at parang mga estatwa dahil sa nakapako lamang ang mga ito sa kanilang kinalalagyan. Nasa ganoong pagmagmamasid ako siya namang paglabas ng isang kawal suot ang kulay pulang kalasag na may bahid ng ginto. Naiiba ang kawal na ito dahil sa kanyang kasuotan.

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Verathra panginoon." Pagbati nito sabay na hinugot nito ang espada at parang inaalok ito sa akin, lumuhod ito dahilan upang ako ay magtaka. Binigyan ko ng tingin si Gael, tingin na nagsasabing 'ano ang gagawin ko?' Hindi naman ako nabigo dahil agad itong lumapit sa akin.

"Kunin mo ang espada at bigyan mo ito ng basbas sa pamamagitan ng pagwasiwas mo sa espada sa magkabila nitong balikat." Bulong na saad nito kaya wala na akong nagawa kundi ang gawin ang sinabi ni Gael.

Wasiwas here, wasiwas there kasabay nito ang paghiyawan ng mga kawal. Agad namang tumayo ang kawal at matikas na tumindig.

"Muli, maligayang pagdating sa kahariang ito. Ako si Heneral Icarus ng kaharian ng Ignis, nasa iyo ang aking katapatan at dangal." Saad nito sabay na yumuko bilang pagbibigay galang ngunit tanging tango lamang ang aking naisagot sa kadahilanang di ko alam ang dapat kong gawin.

Nagbigay daan naman ang mga kawal kasabay nito ang paglabas ng isang gintong karwahe at huminto ito sa aking harapan. Agad na kaming sumakay rito habang ang usa naman ay dinala ng isa sa mga kawal habang nakasunod sa amin.

Tuluyan na nga kaming nakapasok sa loob ng kahariang ito, at habang nasa daan kami ay napupukaw ang atensyon ng mga tao sa amin at agad na yumuyuko bilang paggalang dahilan upang lumundag ang aking puso sa tuwa.

"Ang kahariang ito ay mapayapa at malayo sa gulo dahil pinangangalagaan ito ng mga tagapangalaga ng mga elemento kaya't walang may nangangahas na sakupin o guluhin ang lupaing ito." Salaysay ni Gael habang nakatuon ang aking paningin sa labas ng karwahe at pinagmamasdan ang mga tao dito.

"Kasalukuyan nating tinatahak ang bayan ng Verathra. Maganda ang pagbabarter ng mga ito dahil sa maganda ang produksyon ng mga pangangailangan ng mga mamamayang naninirahan dito. Sa tulong ng mga tagapangalaga ay nagagawa nilang matugunan ang mga pangangailangan sa kanilang nasasakupan gamit ang regalong ipinagkaloob sa kanila ng kataas taasang tagapaglikha.

Sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan ay binabasbasan ng mga tagapangalaga ang lupaing ito sa ngalan ng kasaganahan, dalisay na hangarin, at kapayapaan para sa lahat ng mga nilalang na naninirahan dito. Ngunit may pagkakataon na binabalot ang lugar na ito ng napakalamig na nyebe dahil sa kawalan ng balanse ng klima dito sa kadahilanang wala sa lupaing ito ang elemento ng apoy dahil ito ay hawak at pinangangalagaan mo. Ngunit ngayong naririto kana ay magagawa mong mabalanse ang klima at temperatura ng kapaligiran bagama't hindi mo pa alam kung papaano ito gawin ngunit sa paglipas ng panahon ay matututunan mo rin ito." Salaysay nito dahilan upang balingan ko ito ng tingin.

"Ngunit bakit hindi ako kaagad namalagi sa lupaing ito gayong ako pala ang magbabalanse ng klima at panahon dito sa gayon ay hindi na napipinsala ang mga pananim at iba pang pinaghirapan ng mga mamamayan sa lugar na ito?" Naguguluhan kong tanong.

Tinapik nito ang aking balikat. "Iyan ang isa sa hinangaan ko sa iyo Gilom, ang maging mapagbigay at mabuti sa iyong kapwa na hindi iniisip ang iyong sariling kapakanan. Ukol naman sa iyong naging katanungan ay hindi ko alam ang rason kung bakit sa simula pa lamang ay hindi kana agad namalagi rito." Ani nito dahilan upang ako ay matahimik.

Tahimik...

Labis akong naguguluhan sa mga ito. Di ko maisalarawan kung bakit hindi ko natugunan ang mga pangangailangan ng mga tao gayon kailangan nila ako. At bakit ngayon ko lang nalaman ang mga ito? Naguguluhang tanong ko sa aking sarili.

"Hindi mo alam ang dahilan? Hindi ba nasambit mo sa akin na nasubaybayan mo ang aking paglaki? Paanong nangyaring hindi mo nasaksihan ang mga kaganapang may kaukulan sa mga ito." Takang tanong ko.

Bumuntong hininga na muna ito. "Noong araw na ako ay mahimlay sa iyong katawan ay matagal akong namahinga rito dahil sa hindi pa sapat ang aking kakayahan na matuklasan mo ang mga bagay na ito. Sarado pa ang iyong puso't pagiisip para sa mga bagay na mahirap paniwalaan gaya ng mga tagpong ito sa kadahilanang ikaw ay abala sa pakikipaglaro sa mga batang tulad mo. Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang tumibok ang iyong puso na may hangaring masilayan ang kakaibang mundo at daigdig at ganoon din ang laman ng iyong isipan dahil rinig ko ang iyong pagbulong sa iyong kaibuturan.

Pitong taong gulang ka pa lamang noong ako ay humiwalay sa iyong katawan na labis kong ikinabahala sa pagaakalang may kakayahan kang tanggalin sa iyong sarili ang mga bagay na mahirap mong paniwalaan hanggang sa ako ay magulat sa kadahilanang ako ay iyong nasisilayan na labis kong ikinatuwa, kaya sa sandaling iyon ay ako na ang gumabay sa iyo sa lahat ng pagkakataon. Naging magkaibigan tayo at tagapagtanggol mo hanggang sa dinala kita sa mundong ito dahil ang iyong puso't isipan ay labis na nakikiusap na masilayan ang kakaibang mundo gaya nito. Minsan ay nadadatnan ko kayo ng lola mo na kinekwentuhan ka ng mga bagay na mahirap paniwalaan nino man, ito rin marahil ang dahilan kung bakit naging bukas ang iyong puso't isipan sa ganitong mga kaganapan. Sa mga sandaling iyon ay hindi mo nasisilayan ang aking mukha dahil sa wala itong mga parte gaya ng tao, ito ay malabo sa iyo kagaya ng iyong pagiisip, hirap kang unawain ang mga bagay na iyong nasasaksihan sa mga oras na iyon dahil sa bawat pagpintig ng iyong puso ay may nabubuong mga katanungan sa iyo, kaya napagpasyahan kong burahin ang kakaibang alaalang iyon baka ito ay pagmulan ng pagkagulo ng iyong isipan, habang ikaw ay mahimbing na natutulog. " Salaysay ni Gael at sa pangalawang pagkakataon ay natahimik na naman ako na tila ayaw tanggapin ng aking isipan ang mga sinambit nito.

Tahimik ulit...

Tanging ang ingay na nagmumula sa gulong ng karwahe lamang ang lumulukob dito sa loob. Dito ay tila naguilty naman ako sa aking katanungan kay Gael dahilan upang ako ay manlumo sa aking sarili. Nakatuon lamang ang pansin nito sa harapan habang ako ay napayuko na lamang.

Binalingan ko naman ito ng tingin. "Pasensya kana Gael sa aking mapangahas na katanungan." Bulong ko sa aking sarili.

Malaki na ang utang na loob ko kay Gael dahil sa mga bagay na kanyang ginawa para sa akin. Mula noong ako ay bata pa lamang hanggang sa matuklasan ko na nga ang mga bagay na ito.

"Hindi na mahalaga sa akin iyon panginoon, alam kong labis kang naguguluhan sa mga ito ngunit hayaan mong gabayan kita upang makahakbang ka ng paunti unti sa mga kaganapang ito." Saad nito habang patuloy pa rin itong nakatingin sa harapan.

"Teka, paanong nangyari iyon Gael?" Nagtataka kong tanong dito.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit niya nalaman ang laman ng aking isipan gayong ang mga katagang iyon ay ibinulong ko lamang sa aking kaibuturan.

"Tayo ay kaisa, ipinagbuklod tayo ng apoy, ako ang iyong gabay, nananalaytay sa iyo ang aking diwa. Paulit ulit ko na lamang itong sinasabi sa iyo ng sa gayon ay maunawaan mo ako. Ang iyong kilos at pagiisip ay alam ko dahil tayo ay iisa. Ako ay ikaw at ikaw ay ako." Ang natatawang saad nito.

Tawanan...

"Pasensya kana talaga Gael. Hayaan mo't magsisikap ako upang maging isang mahusay na mandirigma." Pagbibigay lakas ng loob ko sa kanya, tango lamang habang nakangiti ang naitugon nito.

Patuloy naming tinatahak ang daan patungo sa palasyo hanggang sa huminto ang karwahe.

"Magiging maayos din ang lahat." Ani ni Gael sabay na nagliwanag ang sarili nito at hinigop ito ng aking katawan.

Napapikit na lamang ako sabay na bumuntong hininga. Ilang sandali pa noong biglang bumukas ang pintuan at dito tumambad sa aking paningin si heneral Icarus na matikas kung tumindig.

Agad na akong bumaba sa karwahe kasabay nito ang pagbibigay daan ng mga kawal. Nagsimula na akong maglakad patungo sa tarangkahan ng palasyo habang abala ang aking mga mata sa pagmamasid sa buong gusali.

Matayog at malaki ang gusaling ito na tila kayang iukupa ang bilyong katao rito. Ang arketiktura nito ay sadyang napakapulido na kahit ang malakas na bagyo ay hindi kayang itumba ito. Dito ay labis akong namangha at nanglaki ang aking mga mata at bibig.

Sakto ang kalkulasyon ni Gael sa oras ng aming pagdating. Tanghaling tapat na noong ako ay makababa sa karwahe kaya labis akong namamangha kay Gael at nagtitiwala na kaya niya akong maprotektahan.

Tila ako'y nasa isang fairytale na palabas dahil sa mga bagay na aking nasasaksihan. Minsan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ito na para bang isa itong panaginip kung ito ay iyong pagmamasdan.

Sana ay nandito rin si lola Cora ng sa gayon ay masilayan niya itong ganda ng paligid, na totoo ang kanyang mga tinuran.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

876K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...