Lunar Academy: School For The...

By suneowara

2.3M 124K 23.3K

GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and... More

Author's Note
Self-pub
Prologue
1. Where she grew up
2. Kill the Target
3. Decision
4. For the Family
5. Lunar Academy
6. The New Student
7. The Grim Reapers
8. The Phoenix
9. A symbol that cannot be erased
10. The Destroyer
11. He's back
12. A Dangerous Opponent
13. First Mission
14. His first target
15. The heart of a Destroyer
16. Orders from the Principal
17. A reason
18. Payback
19. Surpass your limits
20. Strategy
21. Clash of Guilds
22. Opponents
23. Unexpected Guests
24. Block A
25. Advance
26. Rivals
27. Clash of Familiars
28. Battle of the Greatest
29. Third round
30. The King and the Executioner
31. The Rookie
32. Losing is not an option
33. Encounter
34. Rebound Eyes
35. A partner's role
36. The strongest Heir
37. Fooled
37.5 The puppet master
38. Difference
39. The Gifts of Cronus
40. Phoenix and Raven
41. The right hand
42. Intentions
43. Rosa Town
44. Leveling
45. Pride
46. Training
47. Survival
48. Awakening
49. Progress
50. Outcome
51. Operation
52. Betrayal
53. An ally
54. Origin
55. The past
56. One of us
56.5 A brother
57. The unexpected traitor
58. The Principal
60. Even if it costs me my life
61. A phoenix never dies
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's note
🎄CHRISTMAS SPECIAL CHAPTER🎄 PART 1
🎄CHRISTMAS SPECIAL CHAPTER🎄 PART 2

59. The cursed gifted

27.9K 1.6K 638
By suneowara

Pare-parehong napaawang ang mga bibig namin sa narinig. Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi ni Helena.

Tama ba ang pagkakarinig ko?

Isang... Portugal si Helena?

Natauhan na lamang kami nang may sumabog sa dulong bahagi ng silid. Sunod-sunod na nagsipasok ang iba pang mga gifted mula sa Graven Guild at iilang gifted na naging kakampe ni Papa sa trabaho.

"S-Shit!" biglaang sambit ni Law.

Pare-pareho silang naging alerto nang sumugod sa amin ang mga gifteds.

"Hoy, Elroy! Kunin mo si Lemon! Yari ka talaga sa 'min pag hinayaan mong masaktan 'yan!" sumbat ni Zeldrick.

Mabilis na sumunod si Elroy sa sinabi niya at binuhat ang puting pusa. Naghanda na sila sa pag-atake ng kalaban ngunit nanatiling nasa batang babae ang mga mata ko.

Umaakyat siya entablado kung saan naghahandang tumakas sina Sir Cael at Papa.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko at nanatiling nakapako ang tingin ko kay Helena.

Nabigla ako nang parang bumagal ang oras at tanging si Helena lamang ang nakikita ko. Kinurap ko ang mga mata ko at nang muli ko itong minulat ay nagbago na ang tingin ko sa paligid.

Sumalubong sa akin ang palubog na araw. The sky is orange, blue, violet, red, and yellow. I felt the wind touching my skin. I'm in the middle of... a sunflower field.

Right in front of me... is a woman.

Isang pamilyar na babae—ang babaeng nasa panaginip ko.

Isa sa mga naunang Portugal na nakilala ni Helena.

Scarlet Portugal.

Napalingon siya sa akin, humampas muli ang hangin na sinabayan ng mahabang itim na buhok niya. Tumatama sa likuran niya ang sinag ng palubog na araw, dahilan kung bakit nangingibabaw siya sa gitna ng mga sunflowers dito.

Nakangiti siyang lumapit sa akin ngunit hindi mapagkakaila ang lungkot sa mga mata niya.

Hinawakan niya ang pisngi ko at deretsong tumingin sa mga mata ko.

"Tell her I'm sorry. Tell Helena, I'm sorry," sambit ng babaeng kaharap ko.

Natigilan ako sa sinabi niya at kumunot ang noo ko.

All this time...

Kay Helena siya humihingi ng tawad?

Pero bakit?-

Nawala ang tanong sa isip ko nang biglang tapikin ni Scarlet ang noo ko.

Parang sasabog ang utak ko sa sunod-sunod na pagpasok ng mga impormasyon at mga imahe.

Nakikita ko sila...

Ang iilang mga memorya ni Helena noong ilang dekada na ang lumipas. Ang mga nangyari sa kaniya noon.

Hindi isang batang babae si Helena dahil ginusto niya. Kung hindi dahil hindi na siya tumanda mula nang magamit niya ang gift niya.

Helena can control time—but her time itself had already stopped.

Kasabay nang paghinto ng oras ni Helena ay ang pagbura ng existence niya sa mundo. Tila nawala ang lahat ng alaala ng mga taong malalapit sa kaniya tungkol sa kaniya.

And one of them is Evan Portugal.

The husband of Scarlet Portugal.

Hindi ko mapigilang maiyak sa mga nakikita ko. Alam ko na kung bakit hindi ko mapigilang malungkot kapag nakikita ko ang painting nina Helena sa mansyon niya.

Helena didn't treated Evan Portugal as her adopted brother.

She loved him. A kind of love that lasted for a hundred years.

Nakikita ko ang iilang mga alaala ni Helena mula nang bata pa lamang siya. Ang alaala niya kasama si Evan Portugal.

Si Helena ang unang babaeng pinangakuan ni Evan ng kasal. Ang babaeng pinangakuan niyang makakasama niya habang buhay.

Ngunit nagbago 'yon nang mabura ang lahat ng alaala niya tungkol kay Helena... at nakilala niya si Scarlet Portugal.

Ngunit imbis na ipaalala ni Helena kay Evan ang mga pangako niya, nanatili lamang si Helena sa tabi niya kahit hindi na siya nito naalala.

Dahil alam ni Helena sa sarili niya na walang magbabago. Hindi na siya tatanda pa at mas pinili niyang palayain na lang ang nag-iisang lalaking minahal niya.

Pero hindi nawala ang nararamdaman ni Helena kahit ilang siglo na ang lumipas...

Mahal niya pa rin si Evan—mula noon, hanggang ngayon.

Sapat ng patunay ang katapatan ngayon ni Helena sa mga Portugal.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya naging Portugal at kung paano ito nangyari.

Ang alam ko lang ay iba ang pinagdaanan ni Helena sa loob ng ilang dekada. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya pa nagagawang magpatuloy hanggang ngayon.

Muli akong natauhan nang maramdaman ko ang kamay ni Scarlet Portugal sa pisngi ko. Ramdam ko ang marahang paghawak ng malambot at mainit na palad niya.

"Tell her I'm sorry, okay? I'm sorry for taking the man she loves."

She plastered a bitter smile. Hindi ko nagawang makasagot sa kaniya nang bigla siyang nawala sa harapan ko.

Nang muli kong imulat ang mga mata ko ay bumalik ako sa pinanggalingan ko kanina. Sa gitna ng isang labanan.

Agad napunta ang tingin ko kay Helena na papalabas na ng silid upang sundan sina Sir Cael at Papa.

Hindi ko magawang makasunod dahil walang tigil ang pagsugod sa amin ng mga kalaban.

"B-Bwisit! Lugi tayo! Masyado silang marami at hindi pa tayo makagamit ng gift!" giit ni August habang pinipigilang makalapit ang isang kalaban.

"Kating-kati na 'kong pabagsakin ang mga kutong lupang 'yan!" dagdag ni Zeldrick.

Tanging pag-ismid ang nagawa ni Gin. Sa kabilang banda ay nakikipaglaban din sa kalaban si Elroy habang buhat-buhat si Lemon.

"Go, hood! Sundan mo si Helena! Kaya na namin 'to!" biglaang sambit ni Law.

Sumimangot ako sa sinabi niya. "Are you nuts?! Ako lang ang kayang gumamit ng gift sa atin tapos iiwan ko pa kayo?" giit ko.

Napaismid si Law sa sinagot ko at balak na dapat niyang magsalita nang bigla na lamang may sumulpot na itim na usok sa silid.

Pinalibutan nito ang mga kalaban na malapit sa amin at tinrap ito sa loob.

"Looks like you're having a hard time, Reapers?" Rinig naming sambit ng isang pamilyar na lalaki.

Pare-pareho kaming napatingin sa grupong bagong dating. Hindi ko masukat ang sayang naramdaman ko nang makita sina King at mga Deities dito. Kasama rin nila si Eslin at ilang Coders.

"Tsk. Who said we need help?" pagmamatigas ni Gin.

Tanging pagtawa ang sinagot sa kaniya ni King. Kasunod n'on ay ang paghagis sa amin ni Zail ng tag-iisang pills.

"Taliyah made them. Alam naming malakas kayo kahit walang gift pero siguradong kailangan niyo 'yan," walang ganang aniya.

Kumurba ang mga labi ng mga kasama ko at sabay-sabay na ininom ang gamot.

"Scarlet!" Rinig kong tawag sa akin sa kabilang bahagi ng silid.

Agad akong napalingon sa tumawag sa akin at naramdaman ko ang paggaan ng loob ko nang makita kung sino ang mga ito.

"L-Liev," halos maiyak na sambit ko.

Kasama ni Liev ang mga one digit codes. "Kasama ni Addi ang ibang mga codes! Huwag ka ng mag-alala sa kanila!" dagdag niya.

Napangiti ako sa narinig. Thank God they're safe.

"Hey, S03! Better kick Papa's ass for us!" nakasimangot na sambit ni Viola.

Kumurba ang labi ko sa sinabi niya at tumango. Tulad namin ay sinimulan na rin nilang atakihin ang mga kalaban.

"Oi, oi. Who's the guy?" biglaang sambit ni Law sa gilid ko.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin at na kay Liev ang mga tingin.

"Tsk. Looks like the jerk likes you," muling aniya.

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. "He's just a friend," natatawang sagot ko.

"At isa pa, I already have someone I like."

Kumunot ang noo ni Law at agad siyang humarap sa akin. "Oi, oi. Who-"

Hindi na niyang nagawang makapagsalita nang takpan ko ang bibig niya.

"Shut up, Lunatic. Susundan ko na si Helena."

Napaismid si Law sa ginawa ko at inalis ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya. Napunta ang kamay niya sa likuran ko at mariin niyang 'kong inilapit sa kaniya.

Nabigla na lamang ako nang maglapit ang mga labi namin. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa ginawa nito at hindi kaagad ako nakapag-react.

Marahan siyang pumikit. Ramdam ko ang paggalaw ng dila niya sa loob ng labi ko, bago tuluyang alisin ang pagkakalapit ng mga labi namin.

Kumurba ang labi ni Law nang matapos niya 'kong halikan. Hindi nawawala ang mainit na tingin niya sa akin.

"I told you didn't I? I'm the wolf and you're my prey." Marahang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"You better come back, hood."

Napaismid ako sa sinabi niya na sinundan ng isang ngiti.

"Of course I will. Babawi pa 'ko sa ginawa mo, Lunatic."

After giving him a reasurring smile, I immediately left the battle field.

Tuluyan ko na silang iniwan sa silid upang sundan si Helena at sina Papa.

Tatapusin ko na ito. At walang importantengmawawala sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

HIDDEN FILES 1 By avy

Mystery / Thriller

61.8K 2K 33
[01/03] complete | unedited Jade Cesaire's life could be described as a typical high schooler's until a train incident, when her life became entangle...
63.4K 3.3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
1.1M 53.5K 50
COMPLETED | Aerilon Academy unlocks the element within. Lucianna Sariel Rofocale is a mystery. Ang kapangyarihan niya ay kakaiba, at hindi nabibilang...