The Spaces In Between

By shirlengtearjerky

14.1M 308K 138K

[SELF PUBLISHED - 2016] More

Write The Saddest Lines
[1] Of Massacres, Saints and Coffee
[2] So Not A Fangirl
[3] The Proposal
[4] Rumor Has It
[5] The Education of Andreau Cortez
[6] What's In A Name
[7] Miscalculation
[8] That Awkward Moment..
[9] 72 Seconds With You
[10] Unscripted
[11] Zade, Meet Heisenberg
[12] Eggnogs and Ballpens
[13] Another Day in Paradise
[14] Drinking Games
[15.1] Twenty Questions
[15.2] Twenty Questions
[16] Late Night Conversations
[17] Francisco
[18] That Is Such A Cortez Move
[19] Gift-giving For Dummies
[20] Saved By The Word
[21] Of Pizzas and Listening Sticks
[22] Chismis Squad Item #4025
[23] The One With The Surprise Visitor
[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette
[25] Green-eyed Monster
[26] She's My Girlfriend!
[27] Cross My Heart, Hope To Die
[28] The Big O
[29] I Bet You Say That To All Girls
[30] Belle of the Ball
[31] You Kissed By The Book
[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
[34] Bedtime Stories
[35] The Impossible Girl
[36] Twenty Four
[37] My Favorite Person
[38] Possessive Pronouns 101
[39] Of Soulmates and Venn Diagrams
[40] Fight. Flirt. Talk. Protect
[41] Of Demonstrations and Revelations
[42] The One With The OTP
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
[44] Of Hospitals and Traditions
[45] My Favorite Book
[46] Of Realizations and Date Invitations
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
[48] Like Real People Do
[49] The One With The Fine Line
[50] The One With The Confession
[51] The One With The Girl Talk
[52] It Takes Two
[53] Many The Miles
[54] The Right Partner
[55] The One With Andreau's Speech
Epilogue
TSIB Reading Guide
[NOT AN UPDATE] TSIB 2016 Reprint Order Form

[33] Everything Is Better In Your Arms

217K 5.1K 1.4K
By shirlengtearjerky

Chapter 33: Everything Is Better In Your Arms

 

A week later..

Finally, natapos na rin ang pinakaayaw kong part ng sem: ang finals week.

Sino bang gustong magtake ng finals ha? Hindi naman kasi required sa ilang subjects ko this sem ang magtake ng final exams pero may isang epal na subject ang nagmaganda! Ugh, imbes na natutulog na lang ako nang mahimbing ngayon, namroblema pa ako sa epal na subject na ‘yon. At sinadya pang sa last days of finals pa ang sked, at 7am-9am pa! I admit, mahirap naman talaga ang subject na ‘yon pero feeling ko may galit sa’kin si Sir. Insecure? (Kapal ko talaga minsan ano?)

Speaking of, eto na ang pinakahihintay na week ni Andreau. The judgement week. Kahapon niya pinasa si baby Tila at maghihintay na lang siya ng feedback bago siya makakuha ng go for shooting. Kunwari chill pa si Andreau pero ramdam kong kinakabahan din ang loko. Kung ako nga na co-writer sobrang kinakabahan, paano pa kaya ang evil mastermind? In fairness, ang galing din niyang umacting na chillax lang siya. If I were him, wala nang natira sa mga kuko ko sa sobrang paranoia at kaba.

Thesis kasi ‘yon eh. Dugo’t pawis na thesis! Lalo tuloy akong kinabahan sa thesis ko next year, baka pumalpak. Kailangan ko na bang gamitin ang Jillian Cabrera connection ko? Dear Lord, aasarin na naman ako ni Andreau non!

Wala na si Kesh pagbalik ko ng dorm. Unlike me, sinwerte ang roommate ko sa mga prof niya this sem. Wala siyang required projects or finals! Ayun, umuwi na siya kanina sa Cebu at iniwan na akong mag-isa dito sa dorm. Nagdadalawang-isip pa ako kung babalik ba ako ng San Ignacio o hindi. Baka kasi may biglang gawin dito sa Manila or kailanganin ako ni Tristan.. mahirap na.

I checked my phone for messages (I know, a new habit of mine. Kailangan palang gumanda ang phone ko para mamansin ako ng texts!), puro kina Kesh, sa classmates ko and nag-iisang text ng isang cash loan shit ang nareceive ko. Ni isang text from Andreau wala. Kagabi ko pa siya tinext para kamustahin yung pagpasa niya ng script kaso nganga pa rin. Maayos naman ang texts ko ah?

7:45 PM  Hey anong nangyari? Sinigawan ka ba ng adviser mo? Panget daw ba? Aabangan ko na ba yan sa kanto ng Film Inst?

10:18 PM  Uy joke lang. Hindi ko aabangan yung adviser mo sa kanto ah. Sorry na. Epic fail talaga ang sense of humor ko. Kamusta nga? Okay lang ba daw?

6:57 AM  May exam ka ba later? Kwento ka naman o! Wag sarilinin ah!

 

That’s weird. Mabilis namang magreply si Andreau, lalo na pag tungkol kay Tila ang usapan. Minsan tatawag pa nga siya pag lagpas 6 hours na siyang ‘di nagrereply eh. Ba’t ngayon ignored ako? Nanakaw ba ang phone niya?

Para matahimik na ako, tinext ko na siya one last time. Baka nagmovie marathon siya kagabi kaya ‘di namansin. Ganon kasi siya, ayaw niyang naiistorbo ang panonood niya.

9:28 AM  Uy gising ka na? Magreply ka naman oh. Kwento. Text me kung wala kang gagawin mamaya. Café Feliz!

Ewan ko na lang kung anong magiging ganap pag ‘di pa siya nagreply. Ugh.

xxx

Three hours later, wala pa ring reply from Andreau. Nakatapos na ako ng 4 episodes ng Doctor Who Series 4.. ni isang text o tawag wala.

Nakakainis, hindi talaga ako sanay na iniignore ako ni Andreau. Yuck, kelan pa ako naging clingy? Kinakabahan din kasi ako, baka mamaya may masamang nangyari na sa kanya or what. Tapos may makakita pa sa mga text ko sa kanya.. triple shit ano ba ‘tong mga naiisip ko!

Tinawagan ko na siya para matahimik na ang loob ko. Bahala na kung mabreak ko ang promise ko sa kanya na tatawagan ko lang siya kapag may emergency or something important. Siguro naman counted na emergency ‘to ‘di ba?

Kaso damn, cannot be reached.

Weird, hindi naman pinapatay ni Andreau ang phone niya. In fact, ayaw niyang nawawalan ng battery ‘yon kaya lagi siyang may dalang extra phone or car charger. What gives? Iba na kutob ko dito sa disappearing act ni Francisco ha. Nanay levels na ang pag-aalala ko dito!

Una kong tinawagan si Roldan, hoping na magkasama silang dalawa ngayon. Kaso nganga rin, last na contact ni Roldan sa best friend niya ay two days ago, nung sabay silang nagpacarwash (Really now? Sabay pa ha?). Hindi rin daw niya alam kung nasaan ‘yon ngayon.

“Wag mo na lang hanapin, Zades,” he told me before hanging up. “Bukas magrereply din yan sa’yo. Manood ka na lang ulit ng Who. Maganda na yan!”

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Wag ko raw hanapin si Andreau? Ba’t naman niya ako sasabihan ng ganun? Is he in trouble? Ano ba ‘tong magbest friend na ‘to, masyadong secretive! No wonder nai-intriga eh!

Bumalik na lang ako sa panonood ng Doctor Who kaso.. wala na ako sa focus. Masyado akong nabagabag sa sinabi ni Roldan sa’kin. Hindi naman siya magsasabi ng ganun na walang basis ‘di ba? At eto namang si Andreau, hindi naman siya iiwas kung wala lang. Something’s fishy! Ano kaya ‘yon?

Dumiretso agad ako sa Skyline para i-check kung nasa condo lang si Andreau. Nako, tutuktukan ko talaga siya pag naabutan ko siyang tulog! Ano ‘yon, 12 hours asleep? Planong maging si Sleeping Beauty?

Pero bago pa ako makaakyat ng 19th floor, nakasalubong ko si Mars sa may lobby ng Skyline. Kakagaling lang daw niya kina Ms. Marisse para kunin yung ilang gagamitin nila for their Davao trip. Nang tanungin ko na siya about kay Andreau…

“Si Andreau ba?” taas kilay niyang tanong sa’kin. “Ba’t mo naman hinahanap ang baby ko?”

“Hindi kasi siya nagrereply sa’kin since last night e—“

“Ayan eh, sa ganyang paandar kaya napagkakamalang kayo!” pinandilatan pa niya ako. Kaasar, talagang dito pa niya ako pinagalitan! Buti na lang wala masyadong tao sa lobby!

“Mars naman.. baka alam mo naman kung nasan siya,” I slightly pleaded. Yuck, ‘di talaga ako convincing na magmakaawa.

Rolling her eyes, Mars checked her phone. “Wala rin siyang text sa’kin. Don’t expect him to reply today. Bukas ka mag-abang, I’m sure sasagot ‘yon.”

That mysterious answer again! “Ba’t niyo ba sinasabi yan ha?”

“Ang alin?”

Kung ‘di lang si Mars ang kausap ko baka dinukot ko na mga mata nito eh. “Si Roldan kasi.. tinawagan ko kanina. Sabi niya sa’kin wag ko raw hanapin si Andreau. Na bukas pa raw magrereply ‘yon. Anong meron, Mars?”

Binaba muna ni Mars ang mga paperbag na hawak niya. Nagdadalawang-isip pa ata siya kung sasabihin niya sa’kin ang mga nalalaman niya o hindi. “Fine,” she said, defeated. “Dapat kasi kay Andreau manggaling ‘to para ‘di magmukhang chika.”

Shit, mas kinabahan ako dito ah. Ano na naman kaya ‘to?

“Death anniversary ng parents ni Andreau today, October 11,” Mars said solemnly. “Laging wala si Andreau kapag 11th. After nilang bisitahin ang puntod ng parents niya, nawawala siya for the rest of the day. Hindi na namin siya nacocontact dun. At first nag-aalala kami kung saan siya nagpupunta, baka nagdudrugs or nag-iinom somewhere. Thank God he didn’t do those things! Sapakin ko siya eh!”

Ay shit. Natandaan ko tuloy yung kwento ni Ms. Marisse sa’kin last year. Ganun nga mina-manage ni Andreau ang death anniversary ng parents niya. “Uhhh.. bumisita ba sila kanina? Sa cemetery?”

To my surprise, Mars shook her head. “Sina Ms. Marisse at Tristan lang. Wala si Andreau. Actually kakagaling lang naming don kanina. Ilang beses naming tinawagan kaso he turned off his phone.” Ngayon ko lang nakita si Mars na ‘di mapakali pag dating kay Andreau. Sa mga chismis and other stuff tinatawanan lang niya, pero eto? Mukhang hindi na abot ng powers niya.

“Hindi niyo naman ba siya hahanapin? As in?”

“Naku Zades, pabayaan mo na lang si Andreau,” napangiti siya sa’kin, as if pleading to understand her or them. “Ayaw niyang magpahanap. It’s his own way of grieving. Lalo na ngayon, 10th death anniversary na nina Ma’am Lianne.”

Alam kong wala sa lugar pero naiirita ako. Bakit hindi nila hinahanap si Andreau? Yeah right, I get it. It’s his own way of grieving blah blah pero.. kailangan din naman siguro niya ng kausap ‘di ba? 10 years na niyang ginagawa ‘yon yet.. ugh.

“Zades? Okay ka lang?” tanong sa’kin ni Mars. “I know what you’re thinking right now. Promise, kahit hanapin mo pa siya kung saan.. wala rin. Bukas magrereply siya, promise. Just let him be.”

Nagpaalam na sa’kin si Mars, hinahanap na raw kasi siya ni Ms. Marisse. Goodness, what should I do? Papabayaan ko na lang ba na mag-isa si Andreau today? Wala naman ako sa lugar para umasta nang ganito pero ‘di talaga ako mapakali. Badtrip din ‘tong drama ni Andreau ha, pakaba!

Kung nangyari ‘to months ago, malamang papabayaan ko si Andreau na mag-isa at hihintayin na lang siyang magreply bukas. I might not even ask him kung saan siya nagpunta o baka nagpanggap pa ako na walang alam sa drama niya.

Pero hindi na kami ganun ni Andreau ngayon.

Something already shifted between us. I can safely say na mas close na kami ngayon at good friends despite all the rumors. Madali naming naiintindihan ang isa’t isa. Mas nagkakasundo kami lately. Mabilis din naming nareresolve ang mga away namin.

I’d like to think that he changed me in a good way, at ganun din ako sa kanya. Being friends with him improved me a lot in different aspects. Siguro sign of a good and healthy friendship ‘yon, ano?

Scratch that, nasa lugar pala ako para umasta nang ganito. I’m Andreau’s friend.. and I couldn’t stand the thought of him spending this (sad) day alone.

Minsan kasi hindi sapat ang hugs para sa mga malulungkot na tao. Dapat may sincere na presence.

So.. by hook or by crook, I need and must find Andreau Cortez. ASAP.

xxx

Kaso ang tanong, saan mo muna hahanapin ang mga taong ayaw magpahanap?

Triple shit, ang hirap din pala nito ha. Saan kaya pwedeng nagpunta si Andreau? Nahihiya naman akong itanong kina Roldan kung nasaan nakalibing ang parents ni Andreau (at ayoko talagang pumupunta sa mga sementeryo, to be honest). So no choice ako kundi magsimula sa mga lugar na alam kong pinupuntahan niya madalas..

Film Inst – no sign of him; even asked the guard na kaclose niya (ugh ang friendly nakakainis!) pero last time na punta ni Andreau don ay kahapon, nung nagpasa siya ng script

Café Feliz – wala rin daw sabi ni Sir TJ (na may pahabol pa na “May LQ ba kayo kaya mo siya hinahanap?” ibang klase rin ‘to ano!?)

Wala rin siya sa restaurants na kinainan namin. Tinawagan ko na nga rin yung caretaker ng trailer van niya just in case kaso negative.

Nauubusan na ako ng lugar na paghahanapan sa kanya.

What the hell, Andreau Francis Valerio Cortez?

NASAAN KA NA BA TALAGA??

Ngayon lang talaga ako nagsisi na hindi ako listener eh. Kung ako ang nawawala at si Andreau ang maghahanap, malamang makikita na niya agad ako (well, sa main library lang naman ako magtatago so madali lang). Sige na nga, promise after nito, mas magiging listener na ako. Babawasan ko na ang pagiging madaldal ako at papansinin ko na ang small details!

Pagod na talaga akong maghanap. Halos three hours na akong nagpaikot-ikot dito sa campus at sa labas pero wala pa rin. Pinuntahan ko na lahat ng possible hideouts ni Andreau. Saan pa ba siya pwede pumu—

Holy mother. May isa pa pala akong hindi napupuntahan.

Armo’s Movie Place.

Then.. everything clicked.

I go here whenever I want to disappear for awhile.

Shit, that must be it.

xxx

Early on our partnership/friendship, may unspoken rules si Andreau na inilatag para sundin ko. Why? Err.. well.. because he’s the Big Boss. Isa sa lagi kong sinusunod ay ang rule na wag na wag akong sasakay ng taxi na mag-isa.

As if I have a choice, eh hatid-sundo naman niya ako. At sino bang hindi tatanggi sa libre, ‘di ba? Kaya bihira akong magtaxi recently, mga thrice pa lang ata. Tsaka hindi naman talaga ako palasakay sa ganon! Bukod sa mahal ang pamasahe at masusungit ang drivers, nadala na ako sa mga kwento ng holdapan at kung anu-ano pa. Mas okay na sa’kin ang makipagsiksikan sa MRT ano!

Well.. sorry Andreau, pero kailangan kitang mahanap ngayon. Pagkababa ko sa Sucat (na surprisingly alam ko pala), sumakay na ako ng taxi.

Nakailang dasal ako habang nasa biyahe ako. Hindi naman mukhang masamang loob si Kuya at thankfully alam niya kung saan ang Armo’s. Gusto ko sanang makipagkwentuhan sa kanya kaso.. ang daming gumigimbal sa isip ko.

What if wala dun si Andreau? Saan ko na siya hahanapin?

God, ewan ko na lang kung ano o saan ko pa siya hahanapin. But that doesn’t mean hindi ko na siya hahanapin. Basta.. malakas ang instinct ko na nandito siya sa Armo’s. Siguro foreshadowing or sinasadya ni Andreau na dalhin ako dito last time para alam ko kung saan siya hahanapin.

Baka naman ngayon lang siya nagpapahanap, at ako pa ang gusto niyang makahanap sa kanya?

Okay Zade, masyado na atang active yang imagination mo. Kalma lang.

Minutes later tumigil ang taxi sa harap ng Armo’s. Agad kong hinanap ang kotse ni Andreau sa parking kaso wala. Shit, baka nga wala siya rito. Ayokong maging negative pero laging dala ni Andreau ang sasakyan niya kahit saan siya magpunta.

“May hinahanap ba kayo, Miss?” nakangiting tanong sa’kin ni Kuya Taxi Driver habang sinusuklian niya ako. “Kanina pa kasi kayo tingin nang tingin sa bintana eh.”

“Uh.. opo eh,” I answered shyly. “Yung friend ko po kasi kahapon pa ‘di nagpaparamdam. Baka nandito siya sa Armo’s.”

Tumango-tango si Kuya sabay silip din sa bintana. “Kung kanina ka pa naghahanap e baka andyan talaga. Kababata mo ba?”

“H-hindi po. College friend.”

“Aahhh.. sige iha, ingat ka! Sana mahanap mo na yang kaibigan mo. Kanina ka pa kasi nakasimangot eh.” Kinawayan pa ako ni Kuya nang makababa ako ng taxi niya. In fairness, medyo nawala ang kaba ko sa pep talk niya ha!

Dumiretso na agad ako sa front desk ng Armo’s para ‘di na ako kabahan pa. There I spotted Mona, yung receptionist na nameet ko last time. Nakangiti na agad siya sa’kin bago pa ako makalapit sa kanya. “Hello Ms. Zade! Kamusta po?”

“Uh.. okay lang. Uhmm Ms. Mona? By any chance ba dumaan si Andreau dito kanina?” I tried to keep my voice as steady as I could pero triple shit this is it. Lord please sana nandito si Andreau. Sana nandito si—

May tinignan si Mona sa computer, the customer list maybe. “Si Sir Andreau po ba? Naku, wala po siya dito sa listahan eh.”

Oh God. No. No.

Andreau.. nasaan ka na ba?

C’mon Pascual, do not panic. It is not an opti—

Mas lumala ang scenarios na naiisip ko dahil sa balitang ‘yon. Hindi naman depressed si Andreau so suicide’s off the options. Baka naman nagpunta siya sa ibang bansa? Sa Coron? O baka naman sa Bengue—

“Pero Ms. Zade?” singit ulit ni Mona. “Si Sir Armo po kasi mismo yung bantay dito sa desk kanina. Hindi ko lang alam kung nakalimutan niyang i-record dito.”

What? “Nandito si Armo kanina?”

Mona nodded. “And.. may occupant po sa Theater 1. Kaninang umaga pa po nandun ‘yon. Wag daw po istorbohin. Baka po si Sir Andreau ‘yon.”

Calm down, Pascual. Wag ka munang umasa. Baka hindi si Andreau ‘yon, okay?

Pero malakas ang kutob kong si Andreau ‘yon.

Ngayon lang talaga ako mage-effort para sa isang kaibigan (sorry, Kesh!). Bahala na kung magalit man sa’kin si Armo sa gagawin ko. I must and I need to find Andreau. He needs someone right now so screw the rules.

“Uhhmm.. Mona? Pwede ba favor?”

xxx

This isn’t exactly breaking the law, right?

Nagpaalam naman ako kay Mona na hihiramin ko ang susi ng Theater 1 para silipin kung si Andreau nga ang nandon. I promised na babalik din ako pag mali ang hunch ko. Silip lang naman, hindi naman siguro ‘to counted as breaking and entering, ano?

Damn it, Pascual. Dami mong satsat. Pumasok ka na lang.

Hindi ko mapaliwanag ang bilis ng kabog ng puso ko nung bumukas ang pinto ng Theater 1. Pinapaniwala ko na kasi ang sarili ko na si Andreau ‘tong occupant na ‘to. Halos five hours ko na rin siyang hinahanap, at dala na siguro ng pagod ‘to kaya pinapaniwala ko ang sarili ko na siya na ‘to.

The first thing that caught my eye was the movie on the screen. I was expecting na artsy-fartsy foreign movie ang pinapanood pero hindi pala. Filipino indie film pala kaso medyo luma na. May mga batang gusgusin na naglalaro ng teks sa tabi ng kalsadang dinadaanan ng maraming sasakyan. Siguro 90’s ‘to ginawa, Dragon Ball Z at Ghostfighter pa ang characters sa teks. Maya-maya finocus ang dalawang babae, teenagers. Buntis yung isa habang kinukutuhan naman ng isa yung batang babaeng kalong niya.

Buntis: Baka naman hindi pwede ‘yan, Tessa. Magagalit si—

Ate 2: Pwede ‘yan! Bakit, sila ba ang batas? Tayo ang batas! Kalsada natin ‘to! Tayo ang naglilinis, nagdudumi, nag-aalaga! Kalsada natin ‘to! Tagal na natin dito, ngayon pa ba nila tayo paalisin?

Buntis: Pano pag pinaalis na nila tayo dito? Saan tayo titira? Malapit na akong manganak.. baka mamaya lumipat tayo sa malayo sa ospi—

Ate 2: Wag ka ngang tanga, Ester! Sa’tin ang lahat ng kalsada dito sa Maynila! At kung ‘di ka ba naman puta’t kalahati, e ‘di sana ‘di ka buntis ngayon!

Buntis: Tessa naman…

Ate 2: Sabi na sa’yo eh, malandi lang ‘yang si Arman! Di ka naman mahal non! O, nasan siya ngayon? Baka may tinitirang ibang puta sa kabilang kanto! Ah basta, kahit anong mangyari ‘di tayo aalis dito!

I couldn’t really tell kung acting lang ‘to or totoong documentary ‘tong nasa screen. Ang raw kasi ng shots, parang iisang camera lang ang gamit. The editing’s kinda gritty though, pero bagay naman sa feel ng story. In all fairness ha, kung movie man ‘to, ang gagaling ng mga kinuhang artista, lalo na ‘tong dalawang ate. Natural na natural kasi silang gumalaw, plus ramdam ko yung sincerity sa usapa—

God, I sounded like Andreau already.

Pero may something na bumabagabag sa’kin. Parang nakapanood na ako ng ganito. Not this exact thing that I’m watching pero may ka-feels siya. I’ve seen this style recently eh.. yung ganitong editing, non-linear story flow.. and the social issu—

Holy shit. Alam ko na kung saan.

Andreau made me watch his first ever short film a few weeks back. Actually, ayaw pa nga niyang ipapanood sa’kin ‘yon. First project niya yun as a film student so nahihiya siyang ipakita sa’kin kasi ang immature, plus it wasn’t really his style. Nagcomment pa nga ako na maganda naman ang cinematography and narrative nung short film niya pero ayaw niyang maniwala.

Hindi ko nga style yan, Zades. Yan pa yung mga panahon na ‘di ko pa nadedevelop ang style ko. I don’t like ripping off other people’s work.

Wala naman akong sinasabing rip off or what eh. Tsaka hello, evident kaya sa first works ang influences ng idols mo!

Well.. you’re right. Inspired nga ‘to ng isa sa mga idol ko.

Eh sino naman? Si Lino Brocka?

Naah. It was inspired by my father’s style. I grew up watching his short films before the others.

Oh God. Si Andreau nga ‘tong nanonood sa sinehan.

My eyes immediately searched for him inside this dark theater. Wala akong makitang nakaupo dito damn it. 50 La-Z-Boys lang naman ang nandito pero hindi ko pa rin siya mahanap. Kailangan ko na bang magsalamin?

Knowing that he’s here relieved me a lot. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung wala siya rito sa Armo’s. No one told me to find him yet I’m here.. and finally, nandito lang siya.

I can finally breathe.

Eh kaso nasaan siya rito? Maayos naman lahat ng upuan. Wala rin akong naririnig na kumakain ng popcorn. Baka naman umalis na siya rito tapos iniwan niyang nagpi-play ‘tong movie? Hay kagulo!

Last shot na ‘to. If wala pa siya sa favorite row and seat niya rito, aalis na talaga ako at titigil na sa paghahanap sa kanya. Susundin ko na lang sina Roldan at Mars at hihintayin ang tawag o text niya sa’kin bukas.

(Sana magawa ko talaga ‘yon ano?)

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa favorite row niya. Ibang klaseng kaba ‘tong nararamdaman ko; my heart couldn’t stop beating like crazy. Seriously, what am I doing here? Kaya ko ba siyang i-comfort? God, Zades. Isa yan sa waterloo mo, ang magcomfort ng ibang tao. Awkward kasi ako sa mga taong umiiyak eh. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang reaction o gagawin para i-comfort ang ibang tao. Usually nakiki-comfort lang ako kapag marami kaming nagcocomfort. Ako yung kaibigan na taga-gatong lang.

Yet here I am, braving my weakness for Andreau’s sake. Ibang klase na talaga ‘to.

Pumikit ako nang makarating ako sa aisle malapit sa favorite row niya. Kinakabahan kasi ako sa pwede (or wala) kong makikita. Hinahanda ko na ang sarili ko sa possibility na wala siya sa favorite seat niya.

One. Two. Three.

xxx

I’ve seen Andreau in different modes/perspectives for the past months na magkakilala kami. Karamihan sa modes niya ay relaxed at magaan ang aura niya, the typical artista shit. I even have five favorites! Yung mga not-so likeable modes niya.. well.. let’s just think about his better sides, okay?

But this mode?

I really don’t know what to feel about it.

He looked.. hollow. I couldn’t find any other word for it but.. ganun talaga eh. Sa dami ng salitang alam at kinolekta ko throughout the years… wala akong mahanap para sa nakikita ko ngayon.

Nakatitig lang siya sa screen, biting his thumb (a trait I really hated). Himalang wala siyang dala-dalang popcorn o kahit anong drinks. Siya lang mag-isa, wearing this hollow and.. sad expression on his face. And goodness, a day-old stubble. Hindi na naman siya nag-ahit!

Andreau’s sad. Hurting. First time ko siyang makitang ganito.

It hurts me to see him like this. Sanay ako na makita siya na masaya, nang-iinis, swabe.. brilliant. But now? He looked so vulnerable and so hurt. As if recently lang nawala ang parents niya. As if siya lang mag-isa sa mundo.

May iba akong kakilala na ayaw makitang nasasaktan o nanghihina ang mga tao sa buhay nila. They said na nagbabago raw ang pananaw nila sa mga taong ‘yon, yung nasanay silang nakikitang matapang at masaya. Na gusto nilang makita ang happier and less vulnerable side.

I really don’t get them at all. Anong masama kung makita mong vulnerable ang isang tao? Lahat naman tayo nasasaktan, nanghihina. Lahat tayo may problema. Lahat tayo darating sa point na kailangan na lang nating maiyak sa isang tabi o magalit o magwala. At least makikita mo na tao rin sila, na ‘di lang puro kasiyahan ang alam nila sa buhay.

Seeing Andreau like this didn’t make me think less of him. In fact, it made me care for him more. He needed someone to talk to right now, and ako lang naman ang nandito.

I don’t want him to face this day alone.

So screw it. Kahit hindi ako magaling magcomfort o ano, kakausapin ko pa rin siya. Wala naman sigurong masama, ‘di ba?

Dahan-dahan akong lumapit sa upuan niya, still eyeing him intently. Hindi ko alam kung napansin na niya kanina pa ang presence ko o ano. Nang hindi siya gumalaw nung nasa tabi na niya ako, I took it as a sign (may magagawa pa ba siya?) at umupo ako sa seat sa tabi niya.

Okay, Zades. Makapal naman ang mukha mo. Kapalan mo pa lalo.

“Hey, I’m glad you’re here,” I whispered softly in a jolly tone. I was hoping for a little reaction, maybe a curt smile or just even a glance, pero wala. “Uhh.. ka-kanina pa kita hinahanap. As in. I’ve been looking for you for almost five hours already.. and I.. I’m just glad na nandito ka. Y-you.. scared me.”

I shouldn’t have said that, baka mamaya bigla niya akong sigaw— okay, still no reaction from him. Titig na titig pa rin siya sa screen. Ngayon ko lang napansin na closing credits na pala ang nagpi-play sa screen. Shit, ganun katagal ko ba siya tinitigan kanina?

I expected the screen to turn black and the lights to open but they didn’t; may kasunod na short film ulit. Umayos ako ng upo at nakinood saglit.

Lakbay

Screenplay by: Lianne Valerio-Cortez & Victor Cortez
Directed by: Victor Cortez

Oh Andreau.

Tumahimik ako sandal para panoorin ‘tong short film about sa Sagada. I tried to focus on watching it kaso nababagabag talaga ako kay Andreau. Bakit ba niya ginagawa ‘to sa sarili niya? Masokista ba siya?

Ten minutes into the film, I couldn’t take it anymore. Humarap na ako sa kanya, not caring if hindi niya ako papakinggan. I need to let this out.

“Andreau.. okay ka lang ba?” I asked quietly. He finally shifted a little, eyes still transfixed on the screen. “Uhh.. can I get you anything? I-I’m sorry.. hindi talaga ako magaling magcomfort sa mga ganitong situations. I’m really a bad friend.” Tumawa pa ako. Great work, Pascual. Galing mong magcomfort, promise.

“Uhh.. Mars told me about.. today. Sinabi nila ni Roldan na nawawala ka raw lagi pag, you know, 11th. I’m sorry if I intruded.. wala naman ako sa lugar pero nag-aalala kasi ako sa’yo. Baka.. kailangan mo ng kausap or whatever. Kasama, ganun.”

Still, nothing.

“Uhh.. gusto mo ba ng makakausap?” I tried again. Wala pa rin.

Shit, ganito pala ang feeling kapag ini-ignore ka ng kaibigan mo. Ang sakit, parang rebulto ang kausap ko. Sighing deeply, I continued, “Andreau Cortez, talk to me. Please. It.. hurts me to see you like this. I know it hurts. Kahit magkaiba tayo ng pinagdaanan, alam kong masakit mawalan ng magulang. Remember nung tinanong mo ako sa Coron? Sinabi ko sa’yo na hindi ko namimiss si Papa. I.. lied. I miss him. Every single day. I wish nakilala ko pa siya, na lumaki ako na kasama siya at makita niya ako ngayon. Gusto kong magkaron ng tatay na mananakot ng mga manliligaw ko at isasayaw ako sa kasal ko. Gusto mong ibalik pero wala ka nang magagawa pa.

It’s been ten years, Andreau. Ako, 18 years. I know things will never be the same again but.. do we really have to dwell on the fact for the rest of our lives? Masakit, oo. Araw-araw ganun. I guess that won’t really go away, mababawasan lang pero may matitira pa rin para matandaan natin sila. Pero sa tingin mo ba Andreau.. gusto ka nilang makita na ganito? They want you to be happy. Okay lang naman malungkot minsan.. pero… you don’t have to face this alone.”

I didn’t realize I was crying already. Ano ba yan, maiirita lang lalo sa’kin si Andreau nito eh! Nagpunas muna ako luha bago ko tumuloy. “M-maraming taong nagmamahal sa’yo. Sina Ms. Marisse, Tristan, Mars, Jillian, Roldan, Ninna, pati si Kesh. Ako. We’re here for you. I’m here for you.

Just.. don’t shut us out. Please.

Don’t shut me out.

I waited for him to react or even acknowledge my presence. Wala pa rin.

Tama nga sina Mars at Roldan, dapat hinintay ko na lang na itext ako ni Andreau bukas para okay na kami at wala na ‘tong drama. I felt stupid for doing this, for saying those things. Hindi pa siguro kami ganung kaclose para sa ganitong usapan ng feelings. Ang hirap din pala nung ginagawa ni Kesh sa feelings feelings chuchu niya, nakakastress.

“I’m so sorry,” sabi ko after almost ten minutes of silence. Inayos ko muna ang buhok ko bago ulit humarap sa kanya. “Dapat pala hindi na lang ako pumunta. I’m sorry for wasting your time. I shou—“ natigilan ako nang mapansin kong nakapikit na si Andreau. God, sisigawan na ba niya ako? Hindi ako prepared na makita si Angry Andreau nga—

“Zades?” he whispered in a raspy voice. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o matuwa na pinansin na niya ako. Ni hindi pa rin siya makatingin sa’kin eh.

“I’m sorry. I’m leaving now. Text mo na lang ako ha?” I was about to stand up when he finally, finally looked at me with those sad eyes, extended his right hand and said words I never expected him to say.

“Can I hold your hand?”

Oh.

Oh.

He’d caught me off guard a few times before but not like this.

Have you ever had that moment when you can finally see a person? Hindi ‘yung basta ay nakikita kita dyan, you’re there. Lagi nating ginagawa ‘yun eh, isang tingin lang and akala natin kilala na natin sila. We avoided to take another look, a deeper look, because we’re afraid of what we might see. We’re afraid to observe, really observe, others for they might disappoint us.

I took a step back and forced myself to look at him, to observe him in a way I hadn’t allowed myself since the day we’ve met. I’d avoided it, mainly because I respect him as a celebrity and a friend. But right now? I could finally see right through him, beneath those layers he’d enveloped himself for the past years.

He needs someone to be there for him.

He needs me.

“No,” I finally said seconds later. Shock and disappointment replaced the hurt in his eyes as he inhaled sharply. He was embarrassed, I could tell. Before he could retract his (shaking) hand, my left hand caught it and gently entwined my fingers with his.

Andreau’s eyes widened, completely dazed and confused. I gave him the most reassuring smile I could muster at the moment. He could still surprise me during times like this. “But I’ll always hold yours.”

xxx

The next few hours went like a blur. Andreau and I watched short films in silence, him holding onto my hand so tightly. I didn’t mind at all; ako naman ang nagprisinta na hawakan ang kamay niya eh. Ilang oras din naming pinanood ang halos lahat ng short films ng parents niya. In fairness, namana ni Andreau ang pagiging storyteller ng mommy niya, and ang creative eye ng daddy niya. Sigurado akong sobrang proud ng parents niya if ever mapanood nila ang Tila. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mahal na mahal ni Andreau ang film. Gusto niyang ipagpatuloy ang legacy na naiwan ng parents niya.

Around 9:30 PM nang niyaya ako ni Andreau lumabas ng Armo’s. He didn’t say much, though. Binili niya ako ng hotdogs and drinks sa snack bar (he must’ve heard my stomach grumbling earlier) at tubig lang ang sa kanya. Pinilit ko na nga lang siya na kumagat sa hotdog sandwich ko, medyo namumutla na kasi siya. Nginitian naman niya ako kaso saglit lang. Konti na lang, Pascual, magiging okay din siya.

I was surprised na may naghihintay na taxi sa’min sa labas ng Armo’s, the same taxi na nagdala sa’kin dito kanina. Kuya Driver smiled at me warmly as we got inside his cab. Sinadya ba niya akong balikan dito to see if I’m okay? Bait din ni Kuya ha. “Saan po tayo?” tanong niya sa’ming dalawa.

Without looking at me, Andreau told the driver my dorm’s address. “Wait lang,” sabi ko sa kanya pagka-andar ng sasakyan. “Saan ka pupunta after mo ako ihatid?”

“I’m going home.”

He’s lying. Malakas ang kutob ko na magpapakabasag siya sa condo niya mamaya at ayokong gawin niya ‘yon. “Don’t bring me home. I’m staying with you,” I insisted.

“Zades.. you’re tired. Okay na—“

“Andreau.. don’t fight me on this. I’m. Staying. With. You.”

He sighed, accepting the fact that he lost our argument. Pagod na rin siguro siya para awayin ako. Tinapik niya ang balikat ni Kuya Driver at sinabi ang isang unfamiliar address. Hindi ko na tinanong kung saan kami dadalhin ni Kuya, as long as hindi sa isang bar o kahit saan na pwede siyang uminom okay na sa’kin.

After a moment, I rested my head against his shoulder and held his hand again. I felt him tense a little but one reassuring grip calmed him down. “It’s fine, Andreau,” I whispered against him. “I’m here.”

A gentle grip on my hand was his reply. Good enough.

Nakatulog si Andreau minutes later, his head lolled against the taxi’s seat. I took this opportunity to observe him again. God, this day really worn him out. Mas nangitim ang eyebags niya, and maybe ito pa lang ang matino niyang tulog in 24 hours. Bagsak na bagsak ang katawan niya sa sobrang pagod. Buong araw ba naman siyang nakaupo sa Armo’s eh!

God, Andreau. Why are you doing this to yourself?

“Siya ba yung hinahanap niyo kanina, Miss?” Kuya Driver’s voice cut through my thoughts. Sinilip niya ako sa rear view mirror at nginitian ako. “Sabi sa’yo mahahanap mo rin siya eh!”

Nginitian ko na lang din si Kuya. Buti na lang talaga nahanap ko siya.. or else..

xxx

“Zades, wake up.”

Dali-dali akong umupo nang marinig ko ang boses ni Andreau. Shit, bakit ako nakatulog?! At todo sandal pa ako kay Andreau ha! Yuck, baka tulo-laway pa ako kanina! Baka sa dorm niya ako dina—

Okay, kalma. Hindi niya pala ako sa dorm dinala.

The taxi stopped in front of a familiar house. Parang.. nakapunta na ako dito before. Familiar kasi ‘tong three-store—

Oh God. Nandito pala kami sa bahay nila dati.. bahay ng parents niya.

Inabutan ni Andreau ng P2,000 si Kuya Driver bago kami bumaba. Ayaw pa ngang tanggapin sana ni Kuya yung pera but Andreau insisted. May something na binulong ang driver dito sa kasama ko na medyo nagpangiti sa kanya. Ayoko nang tanungin, for sure ‘di sasabihin ni Andreau kung ano ‘yon.

Nakakatakot ang katahimikan sa bahay nina Andreau. Well-maintained naman ang mga gamit kahit walang nakatira dito. Inaabangan ko ngang lumabas ulit yung caretaker (yung nakasuot ng Grim Reaper costume last Halloween) kaso wala. Hindi kaya pinagbakasyon muna siya ni Andreau para masolo niya ‘tong bahay? Maybe part talaga ‘to ng death anniversary routine niya, ang umuwi dito sa bahay at magkulong mag-isa.

Sa kitchen kami dumiretso, at nanguna si Andreau sa ref. “Soda?” he asked me casually as he rummaged inside the fridge. “May bagels and Nutella dyan sa counter. Kumain ka muna, Zades.”

Ba’t may role reversal na nagaganap? Kaya nga ako nandito para alagaan siya tapos.. Oh well. Si Andreau nga pala ‘to, masyadong concerned sa well-being ng ibang tao bago ang sarili. Pinakialaman ko na ang bagels at Nutella sa counter bago niya pa ipagpilitan na kumain ako. He handed me a can of Mountain Dew before walking out of the kitchen. Maliligo lang daw siya saglit.

Halfway through my (second) Nutella bagel, tinignan ko ang oras sa phone ko. Less than three hours before this day would end. Magiging normal na ulit si Andreau Cortez at magpapanggap na parang ‘di nangyari ‘tong araw na ‘to. The mere thought of acting like this day never happened made me feel uneasy. I know na bihira kami mag-usap about emotional stuff (Hindi talaga ako pwedeng maging si Kesh!) pero.. ang hirap namang magpanggap! At ako pa talaga ang kasama niya ngayon, as if kakayanin kong magkunwari na normal day lang ‘to. Basta, kailangang maayos namin ‘to ni Andreau bago ako umuwi bukas!

Saktong kakasend lang ng text message ko kay Ate Mel na hindi ako uuwi sa dorm nang bumalik si Andreau sa kitchen. Hmm.. nag-improve kahit paano ang aura at appearance niya. Himalang nag-ahit na siya (thank God! Akala ko kukulitin ko pa siya!), at suot niya ang College of Mass Comm shirt at black sweat pants. Kainis, wala sa lugar pero shit gwapo pa rin ni Cortez kahit malungkot siya.

“Here you go,” inabot niya sa’kin ang isang black shirt (with a Las Vegas print) and green pajama bottoms. “Kay Marisse yan. Sorry, that’s all I could find here. You can use the rest room upstairs.”

Ugh Pascual, ba’t ka ba kinakabahan? Dapat nga masaya ako na kinakausap na ako ni Andreau eh. Pagod na rin siguro ako kaya ganito. Yup, that must be it.

Sinundan ko si Andreau papunta sa second floor ng bahay nila. Diretso lang ang tingin ko, sa batok ni Andreau ako nakafocus actually. Ayokong tignan yung mga nadadaanan naming display kasi.. well.. baka sabihan niya akong tsimosa or pakialamera. Mahirap na, baka palayasin niya ako bigla.

Mabilis lang akong nagpalit ng damit at naghilamos sa rest room na sinabi ni Andreau. I’m surprised na kay Ms. Marisse ‘tong shirt na suot ko, medyo malaki kasi. Ano ba ‘to, lahat na lang ba ng bagay papansinin ko para ma-divert ang kaba ko? Well done, Pascual. Well done.

“Okay ka na?” Andreau asked me as I got out of the rest room. May hawak siyang kumot at unan. “Uhh.. the guest room’s the—“

“Guest room?”

“Yep. Uh—“

“I’m not going to sleep,” ugh, stupid stupid mouth. Inaantok ka na! Anong ‘di ka matutulog, Pascual?

Nagulat si Andreau sa sinabi ko. “Zades, don’t fight me on this. You have to sleep, too.”

“Ano bang sinabi ko kanina, Andreau? I’m staying with you tonight. I’m not leaving you alone,” I said a little too forcefully.

He dumbly nodded and walked towards the door on our right. Binuksan niya ang pinto at ilaw sa loob ng kwarto, and he ushered me in. “Here’s my childhood bedroom,” Andreau said with a small smile.

His childhood bedroom was way different than the one in his condo. Mas.. homey ‘tong kwarto niya at makulay. It’s not that I didn’t like his black and white theme back in Skyline ha. Mas Andreau-like kasi ‘tong yellow and blue theme ng kwarto niya. And sobrang laki naman nito for a childhood bedroom! Sunud-sunod na Star Wars at Jurrasic Park ang nakadisplay sa mga pader ng kwarto. May ilang action figures din at mini-cars din sa shelves. Hindi na ako nagulat na halos wala akong nakitang libro sa kwarto niya. And his bed.. ba’t king size ‘to? Wow, bata pa lang ang luho na talaga!

Umupo ako sa mini-sofa sa left side ng kama niya. Dito na lang ako matutulog ngayong ga—

“Left side or right side?”

Andreau was sitting on the edge of his bed, still clutching the pillows and blanket. He seemed.. a little embarrassed for some reason. Oh. Now I get it. Ang.. awkward nga.

“Uh.. dito na lang ako sa sofa,” I replied, patting the sofa too enthusiastically. Sige lang, Pascual. Gawin mo pang lalong awkward ‘tong situation!

“Uh.. okay.” Inabot niya sa’kin ang kumot at unan bago siya humiga sa kama niya, left side. “Sure kang okay ka dyan?”

“Yup yup! I’m fine. Hindi pa naman ako matutulog. May babasahin pa akong something. Pampaantok.” Humiga na ako sa sofa (actually, sumiksik ako) at tumalikod sa kanya. “Goodnight, Andreau.” I waited for his reply but nothing came out so I assumed he already fell asleep.

Buti na lang may ebooks ako ni Tessa Tobias sa phone ko! My God ba’t hindi ko naisip ‘to? Bahala na nga, kahit hindi ako sanay umupo dito sa sofa ipagsisiksikan ko na sarili ko dito. Alam ko namang magkaibigan kami ni Andreau pero.. hindi ako comfortable na katabi siya sa kama. Hindi ko naman siya pinag-iisipan ng masama ha! As if namang may balak sa’kin ‘tong si Francisco. It’s just that.. I don’t want to cross that border between us. Naviolate ko na nga siya dati, bago pa kami maging magkaibigan talaga. I don’t want to make that mistake aga—

“I really don’t know why am I doing this.”

Shit, he scared me. Akala ko tulog na siya! Humarap ako sa kanya, and there he was, staring at the ceiling. I sat up, curling my legs up to my chest. “Andreau, c’mo—“

“Ten years, Zades. Lagi akong ganito after bisitahin sina Mama. The first few years.. sa Rizal Park ako nagpupunta to kill time. When that one got boring.. QC Circle for two years. Last year.. sa Tagaytay. This year…” he laughed bitterly. “This year’s the worst. The most.. Why am I doing this shit every year?”

“Marisse told me about this before. Last year, actually. Sabi nila.. coping mechanism mo raw ‘yon. Baka— shit sorry, Andreau. I really suck at this.” Before he could even say anything, tumayo ako at lumapit sa kama niya. He was confused at first, pero umusog naman siya para bigyan ako ng space. “Pero.. this has to stop, right? You can’t do this every year. It’s destructive,” I muttered as I steeped my back against the bed’s headboard.

Andreau immediately rolled onto his side, facing me. Mukhang hindi pa rin siya mapakali kahit patapos na ‘tong araw niya. “I know.. but I keep on coming back, Zades. Here in this room.. ten years ago.. lagi kong binabalikan ‘yon. The night when Marisse told me..” he stopped, eyes shut as if he’s trying to erase the memory. “I don’t want to go back there anymore.. yet.. I’m still here. Ten years later, I’m still fucking here.”

I looped my left hand to his right, relaxing him a little. “But I’m here right now, am I?”

“Y-yeah.”

“Sometimes.. it’s okay to show other people that you’re not okay. Tignan mo.. pinabayaan ka na lang nina Ms. Marisse na mag-isa sa ganitong araw tapos magpapakita ka sa kanila the next day na parang walang nangyari. I get it, it’s your own way of managing the pain.. but it sucks to face this alone, Andreau. You.. need people.”

“Kaya mo ba ako hinanap, Zades?”

I looked down at him, smiling. “Yeah. Well.. more of I imposed myself—“

“Naaah, you didn’t. But you really surprised me, Zades. Hindi ko ineexpect na.. gagawin mo ‘to.”

I tried my best not to roll my eyes. Talaga ‘tong si Cortez oo! “Wow ha! Masama na bang mag-alala ngayon?” kinurot ko yung kamay niya. “Hindi mo kasi sinasagot mga text ko hello! Akala ko kung anong nangyari sa’yo. Sinayang mo load ko eh!”

And he chuckled. My God.. hindi ko maexplain ang tuwa ko nung narinig ko ang tawa niya. Buong araw kong hinintay ‘to tapos.. napatawa ko siya. Tears please don’t fall! Damn it wag kang agaw-atensyon!

“Para ‘di sayang yung postpaid mo, Zades. Sorry for not answering ha. I tur—“

“Oo na. Learn ko na naka-off ang phone mo. Next year ha, wag mo na ‘tong gagawin! Kung nakita mo lang itsura ni Mars kanina eh. Actually, galing din umacting ni Mars ha! Kunwari di siya kabado pero..”

“Pa-cool din yang si Mars eh. Kunwari mataray pero sa loob.. softie yan.”

We laughed lightly, shaking our heads as we adjusted the pillows beneath us. Nakita kong napapikit na si Andreau. “Matulog ka na nga, Francisco!” sabi ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay. “You need to sleep. Everything’s gonna be fine tomorrow, promise.”

“Matulog ka na rin, okay?” he clutched his blanket to his chest and slowly closed his eyes. “Goodnight, Scheherazade. Matulog ka. Wag na makulit. We’ll talk about this again tomorrow, okay?”

“O sige na nga. Goodnight na, Francisco.”

Finally, napanatag na rin ang loob ko. He’s gonna be fine, Pascual. Bukas okay na si Andreau. Ilang minuto na lang matatapos na rin ang October 11. Ako? Maya-maya muna ako matutulog. Papakalmahin ko muna ‘tong puso ko! Sobrang rollercoaster ride para sa mga emosyon ko ‘tong araw na ‘to!

I was about to go back to the sofa when Andreau whispered something.

“Thank you for finding me, Zades.”

Hindi ako sure kung gising pa ba siya nun or what.. pero.. that meant a lot to me. Akalain niyo yun, kahit paano may nagawang mabuti ang pagiging pakialamera ko?

Nagdecide akong hindi muna bumalik sa sofa at sa tabi muna niya magbasa. The reading didn’t last that long, though. I spent the last few minutes of October 11 staring at him for a long, long moment before my hand slowly wrapped around his. Andreau flinched a little, somehow oblivious to my action. His breathing evened out when I started to draw small circles on his palm.

Andreau’s gonna be fine in the morning.

Everything’s gonna be fine.

xxx

From what I’ve heard from Roldan and Mars, heavy sleeper daw si Andreau. Tipong hindi siya magigising kahit kilitiin siya sa talampakan at batok (his weak spots, according to Mars). Naalala ko yun bago ako matulog so I planned to take advantage of that. Ayoko kasing maging awkward ang atmosphere naming dalawa paggising kaya nag-alarm ako ng 6:30 AM para mauna akong magising sa kanya. At least kahit paano makakapagpractice pa ako ng speech ko!

Kaso.. tumambad sa’kin ang maayos na kama ni Andreau Cortez pagkagising ko ng 6:30 AM.

What the.. hell? Wasn’t he dead tired from yesterday? Ugh, nakalimutan ko na sanay nga pala sa puyatan si Andreau! Hala, nagiging distant memory na sa’kin na artista nga pala ‘tong kaibigan ko. Ka-aningan ko na naman!

Bumaba agad ako sa kitchen right after kong maghilamos. Sa may hagdan pa lang naamoy ko na ang bacon at eggs.. and something sweet?

“Good morning, Zades!” Andreau greeted me with a wide smile. Nasa tapat siya ng stove, busy sa pagluluto ng breakfast. Nagluluto siya ng breakfast. Oh Lord.

“May fire extinguisher ba dito sa kitchen niyo?” biro sa kanya habang paupo ako sa stool ng counter nila. “Himala kasi, nagluluto ka ng breakfast.”

I could practically hear his eyes rolling from a distance. Kainis talaga ‘to. “Yabang mo naman! I could cook my own breakfast, thank you.”

“Sus, prito lang alam mo eh. Wag kang magmagaling, Francisco! Pare-parehas lang din tayong tanga sa kusina dito!”

“Patty B!” he teased over his shoulder. “At least marunong akong magprito!”

Mang-aasar pa sana siya kaso biglang tumunog ang microwave sa may kanan niya. He immediately opened it, bringing out a mug full of chocolate. Todo ngiti pa siya nang nilapag niya ang mug sa harapan ko. “There you go,” he proudly said.

I examined the mug closely.. and wait.. “Hindi ba ‘to hot choco?” tanong ko sa kanya. Pinindot ko pa yung top layer ng chocolate, expecting na mababasa ang daliri ko. Ay, cake pala ‘to. Cake sa mug? “What the hell is this?”

“Grabe ka naman! That’s a mug cake. A Nutella mug cake to be exact,” inusog pa niya lalo papunta sa’kin yung mug. “Just try it. Walang lason yan, promise.”

I threw him a cautious look before trying out the “mug cake”. Pwede palang magbake sa microwave? Kung anu-ano talagang sinesearch ni Francisco sa You—

“Holy mother, ba’t ang sarap?” Kunwari ‘di ko napansin yung smug grin sa mukha niya. Pero triple shit, this is good. Ngayon lang ako nakatikim ng Nutella cake and oh my god ang sarap!

Tawang-tawa siya habang pinapanood niya akong lamunin ang mug cake. “See? It tastes good, right? I saw that on Google. Marami pa akong mug cake recipes na alam. Favorite ni Tristan yung salted caramel and Nutella mug cake. Gawa ako next time na bumisita ka sa’min.”

“Wow, baker ka na nyan? Dahil marunong ka nang magbake ng mug cake ha?” I couldn’t help but tease him. At last, nakahanap na rin siya ng alternative para sa super epic fail niyang baking skills!

Ignoring my snide remark, umupo siya sa may tapat ko. Parang nahihiya na ewan ‘to! “Nga pala, Zades. Thank you for last night.”

Oh..

Oh..

Bigla na lang kaming natawa ni Andreau. That sounded so wrong in some levels! Parang.. ugh!

“I’m so sorry,” he finally said after our laughter died down. Naiyak pa ang loko sa kakatawa. “That.. sounded so wrong I..”

“Y-yeah pero okay la—“

“But you know what I’m talking about, right?”

“Oo naman. I’m smart, you know. Tsaka hello, wala ‘yun! Ano ka ba, minsan na nga lang ako maging mabait! Sulitin mo na!”

Thank you Lord at ‘di awkward ‘tong morning after (okay, the good kind of morning after. Not that one!) namin! In fairness umaayos na rin ang paghandle ko sa awkwardness!

The breakfast itself was a silent affair, save from Andreau’s occasional mutterings regarding random stuff. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa bundok ng bacon na niluto niya. God how I love bacon so much! He finally broke the silence nang umiinom na kami ng kape. Buti na lang, akala ko ako pa ang magbubukas ng conversation eh!

“You’re right,” sabi niya habang nagtitimpla siya ng pangatlong tasa niya ng kape. “I should stop doing this. I’m sure magagalit lang sa’kin sina Mama pag tinuloy ko pa ‘to next year. It’s so exhausting.”

“Yeah. Ibang bagay na lang kaya gawin mo. Okay lang naman malungkot kapag October 11.. but remember na ayaw nilang dalawa na malungkot ka so.. opt to be happy na lang.”

“Gulo mo rin ano?” he laughed. “I have a whole year to think about this. I can’t believe na 10 years akong nagmukmo—“

“Slowly but surely, Francisco. Slowly but surely,” tinaas ko pa ang mug ko for a toast. “Ano ha, kung kailangan mo ng kachikahan about this, don’t hesitate to talk to other people. Para san pa kami nina Roldan, Mars at Ms. Marisse, ‘di ba? O pwede rink ay Jillian, tutal chums naman kayo.”

“Hay nako, Patty B. Napapadalas na ata yang pagbanggit m okay Jillian ah! Iba na yan!”

Tinusok ko ang braso niya gamit ang tinidor ko. “Kapal mo please! Oy teka nga, tumayo ka nga dyan!”

“Ha? Bakit?”

Hindi ko na hinintay na makatayo siya. Tumayo na rin ako at hinigit siya patayo. Akmang yayakapin ko na sana siya nang lumayo siya sa’kin. “Ay? Ang arte naman!”

His cheeks turned light pink. So sa lahat na lang magbublush siya? “B-bakit?”

“C’mon! Wag ka na mahiya! I’m giving you a hug!”

“But why?”

“Sad people deserve hugs, right? Well.. dapat kagabi pa ‘to kaso.. pagod ka na!” Ako na ang lumapit sa kanya bago pa siya makatanggi. I pulled him into a huge bear hug, and seconds later he shyly wrapped his arms around my waist. Siya pa nahiya sa hug ko ah! “Andreau... just remember. You have us, alright? You have me. Don’t hesitate to ask help from us. This time.. let us take care of you. That’s what family and friends do for each other. Learn mo na?” I whispered, finally looking at him. Andreau nodded in agreement before I broke the hug. Little did I know my cheeks were already light pink, too.

“Thank you so much, Zades. This means a lot to me. I’ll always remember that, promise.”

“So.. okay na tayo ha? Okay ka na?” chineck ko ang oras sa phone ko. Patay, 8AM na pala! Sabi ko pa naman kay Ate Mel uuwi ako nang maaga! Nag-aalala na sa’kin ‘yon! “Andre—“

“Ano ka ba, ihahatid kita pauwi. Lagot ako kay Ate Mel pag umuwi ka mag-isa,” pinakita pa niya sa’kin yung susi ng kotse niya as a proof. Mukhang okay na talaga siya, may driver na ulit ako eh!

“Dalian mo ah! Manonood pa ako ng Doctor Who! Dalawang episode na lang matatapos ko na Series fo—“

“Wait a minute. You’re watching Doctor Who?!” muntik na siyang masamid sa tubig na iniinom niya. “Seriously?”

Hah, that judgemental tone again! “Wow, masamang manood ng Doctor Who? I admit, yon ang first TV series na pinanood ko sa buong buhay ko and I love it!”

“Kelan ka pa nanood nun?”

“Since last week. Yun lang ginawa ko instead magreview sa iisang final exam ko. Happy?”

Napailing na lang si Andreau sabay kurot sa braso ko. “Wow, Zades. You’re really changing. Namumulat ka na rin sa pop culture! Congrats!”

“TSE! At least may alam na ako na hindi mo alam!” I shot back at him in mock annoyance. “Pero alam mo, okay din pala na naputol yung Doctor Who marathon ko yesterday.”

Natigilan siya sa sinabi ko.. and that mysterious smile appeared again. “Why’s that?”

“Wala lang.. it’s just that.. I’m extremely glad that my meddling somehow made a little difference. Napasaya kita kahit paano.. ganun.”

That mysterious smile grew even wider.. and made him look years younger. Bakit.. ang saya niya ata? May nasabi ba akong mali?

“Zades, believe me,” he said, shaking his head lightly. “It made all the difference in the world.”

[END OF CHAPTER]

Continue Reading

You'll Also Like

3K 95 15
She was looking for her prince charming... He was looking for escape... Natagpuan nila ang isa't isa. Itinuro sa kanila ng tadhana kung ano ang ibig...
6.4K 128 4
(Moving Into My Brother's House Spin-Off) Paano kung hindi ka crush ng crush mo? Ano ang gagawin mo? Nicole tried her best to suppress her feelings f...
21.8K 275 44
Irene is a simple girl and a senior high student full of hope, she's living with her single mom named Gracey. Nakatira sila sa likod ng mansion ng ka...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...