The Antagonist

By KCaela_

130K 4K 289

Is it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Part 1
Chapter 14: Part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17: Part 1
Chapter 17: Part 2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Author's Note
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Part 1
Chapter 26: Part 2
Chapter 27
SURVEY
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31: Part 1
Chapter 31: Part 2
Chapter 32: Part 1
Chapter 32: Part 2
Chapter 32: Part 3
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
A N N O U N C E M E N T
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
So, is this how the end looks like?
It's your turn
A Sweet Ending After All

Chapter 37

706 28 0
By KCaela_

ADA

Almost two weeks pa akong nag stay sa hospital dahil sa mga tests at paghihintay ng results ng mga 'yon. Another thing is ang OA ni Dad kaya ang daming tests na ginawa sa akin.

Buti na lang, my stay is not boring kasi si Tine ang nurse ko so may ka-chikahan ako. Plus PJ na madalas bumibisita para sa mental therapy. Pinag therapy ako ni Dad kasi shocked talaga ako sa nangyari. Helpful naman yun sa akin.

And siyempre hindi magiging masaya ang stay ko kung wala yung mga pagkain na niluluto ni Jana. Joke ko lang na hindi masarap. Balak ko na nga siya pakasalan para araw-araw niya ko lutuan. Charot.

Sobrang okay na ako, I just need a long rest. Pero hindi naman pa-rest in peace na.

Meron lang akong napansin kay Jana tuwing bumibisita siya. Nakakabwisit siya. Charot ulit.

Walang araw na bumisita siyang hindi naka busangot. Halata rin yung kagustuhan niya na kausapin ako pero 'di niya magawa. Pero kausapin about what? Sa nangyari ba sa akin? Sa nangyari sa amin?

Kapag lumalabas na si Tine ng room ko, nawawala na yung lukot na mukha ni Jana. Tapos kapag dumadating si PJ, parang gusto niya ng sapakin palagi. Nagseselos ba siya? Kung oo, bakit?

"Girl, sino ba kasi yung laging bumibisita na may dalang pagkain mo tsaka mga nakahiwa ng mansanas at nakabalat na oranges?" Tanong ni Tine.

Ewan ko ba kay Jana, simula nung naabutan niyang sinusubuan ako ng apple ni Tine lagi ng sliced apple at peeled oranges yung dala. Kulang na lang, isuot niya uniform ni Tine kung makapag nurse siya sa akin.

"Bakit? Type mo?" Tanong ko pabalik.

"Gaga, engaged na ako noh!" Natatawang sabi nito at ipinakita sa akin ang singsing.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa lovelife at  magiging kasal niya. Napag iiwanan na yata talaga ako ng panahon, halos lahat ng ka-edad ko ay kinasal o ikakasal na. Hay nako, kung sino yung next na papasok sa pinto ng hospital room na 'to, ayain ko na magpakasal. HAHAHAHAHA.

"Oh, ayan na pala yung psychiatrist mo at yung mag pu-prutas mong bisita." Tumatawa na sabi ni Tine.

Joke ko lang yung sinabi ko kanina. Hehehe. Ayoko magpakasal sa dalawang tao. Bakit ba kasi sabay silang pumasok?! Pwede namang si Jana muna. Charot.

"Oo nga pala, siz. Pupuntahan ka ni Doc mamaya to give the last result na hinihintay mo. Tapos baka i-discharge ka na rin." Sabi ni Tine bago siya umalis.

"Kahit i-discharge ka na, tuloy ang therapy. May ilang sessions pa tayo. Makakasama mo pa ako ng matagal." Natatawang sabi ni PJ.

Nakita ko namang umirap lang si Jana. Dumiretso siya sa pantry para ayusin yung mga dala niya. Ito namang si PJ, hindi ko alam kung therapy pa ba yung ginagawa. Tumatambay lang 'yan dito minsan.

Lumapit sa akin si PJ, "Gorl, type ka nung papi na yun." Bulong niya sa akin.

"Ha? Sinong papi?" Pabulong ko rin na tanong. Teka, bakit ba kami nagbubulungan?

"Yung nasa pantry. Type mo rin ba? Kung oo, press 1. Charot. Kung ayaw mo, sa akin na lang." Bulong niya ulit.

Napahawak ako sa railing ng kama. Kung ano-anong sinasabi nito.

"Alam mo siz, tapos na talaga sessions natin. Ang sarap lang asarin nung papi na 'yan kasi mukhang nagseselos sa akin. Malay mo, madevelop sa'kin bandang huli." Bulong ulit niya, lumapit pa sa tenga ko.

"Anong klaseng therapy 'yan? Kailangan ng halik?" Gulat kaming parehas ni PJ nang magsalita si Jana.

Halata sa boses niya ang inis.

Tumawa lang si PJ. Gusto ko nga rin tumawa. Ano raw? Hahalikan ako ni PJ? Ang dugyot ha.

~*~

JANA

Nakangisi lang 'tong psychiatrist ni Ada. Sure ba si Tito na psychiatrist 'to? Bakit parang siya yung pasyente na kailangan ng psychiatrist 🙄

Naiirita talaga ako dyan at sa nurse niya. Kumukulo dugo ko pag nakikita ko sila. Ewan ko kung selos ba 'to. Basta, ang annoying nila.

"It's not what you think." Mahinahong sabi ni Ada.

Napa-roll eyes na lang ako. Lalabas na lang muna ako dahil baka tuluyan kong masapak yang PJ na yan.

"Where are you going?" Tanong ni Ada bago ko pa mahawakan yung door knob.

"Outside." Maikling sagot ko.

"Why?" Tanong ulit niya.

Tinignan ko lang siya tapos dumiretso na sa labas. Hindi ko naman inaasahang may sumunod sa akin.

"Hey, stay with Ada. I'm about to leave, is it okay for you to leave her alone inside?" Tanong ni PJ.

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ulit sa hospital room. Kailangan ko lang pala mag walkout para umalis 'to.

Pagpasok ko, nanonood lang sa TV si Ada habang kinakain yung prutas na dala ko kanina. Hindi naman na siya naka dextrose mula kahapon pa. Kailangan niya lang mag stay for some tests.

Gustong-gusto ko na siya kausapin, lalo sa mga pagkakataong ganito na kaming dalawa lang naiiwan dito. Pero iniisip ko na baka hindi pa oras dahil kailangan niya pa ng pahinga.

"Tuyot na tuyot na ako because of being hospitalized for so long, but you still check me out?" Natatawang tanong niya.

Inirapan ko lang siya bilang sagot.

"Do you wanna say something?" Tanong niya.

Napaka matanong naman nitong babae na 'to. Natanggalan lang ng dextrose e. Saksakan ko kaya ulit siya? Charot.

"Do you wanna talk about something?" Tanong ulit niya.

Nakatitig lang ako sa kaniya, walang expression na pinapakita.

Kumunot ang noo niya at ibinalik na lang sa TV ang atensyon niya.

Tahimik na ulit. Kapag nagtanong pa ulit siya, sasakalin ko na siya.

"Are you jealous?" Tanong niya na parang nag aalangan.

Sasagot na sana ako bago ko siya sakalin pero may kumatok.

"I brought the results from the tests we've done to make sure your fine. It all turns out good and you're ready for discharge." Pahayag ng doktor na pumasok.

"When will she be able to go home, doc?" Tanong ko.

"She can go home right away. Wala naman ng aasikasuhin dahil paid na ang bills. You just have to wait for her clearance. Pipirmahan ko na lang, ipapa-drop off ko na lang sa nurse niya." Saad ng doktor bago siya umalis at iniwan ang envelope na naglalaman ng results.

"Are you driving me home?" Tanong ni Ada.

"Yes, I'm taking you home." Sagot ko.

Wait lang, parang mali yung ginamit kong term? Hay nako, bahala na.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
138K 3K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
39.5K 1.1K 62
COMPLETED STORY Star Amirez, a 23 years old girl who's life was very simple. She came from a wealthy family but her family despise her. Zeke Velasque...
83K 6.1K 52
No One Wants To Feel Like A Dirty Little Secret Yeah right! I'm already out but why am I still hiding in a closet? Ah yeah, coz I'm in love with a co...