The Photographer Obsession( O...

By frustratedwoman

6.1K 82 15

Photographers Obsession Date started: June 11,2020 More

Prologue
Chapter1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
Chapter 7
Chapter8
CHAPTER 10
ChAPTER 11

Chapter9

211 4 0
By frustratedwoman

CHAPTER9

---What_happened_to_me

#PHOENIX

Ng makalabas na ako sa tent na kinaroroonan ni Shanta wala sa loob na napasipa ako sa buhanginan.
Ang tigas ng ulo niya.
Wait!
What?
Fuck!
What happened to me ba?
Anong meron at nagkakaganito ako sa isang babae na bago ko pa lang nakilala.
Hindi ako ganito.
Kay Rhyya lang ako gumagawa ng ganito dati.
Kaso hindi din ako ang pinili niya.
Napaisip ako kung anong meron at bakit ganito kong tratuhin ko si Shanta.

Diko namalayan na nakabalik na pala ako sa lugar kung saan magshoshoot.
Napasandal ako saka napapikit,wala sa loob na napahilot ako sa noo ko.
Biglang kasi itong sumakit.

That woman!
Anong meron sa babaeng yon!
Ito ba yong epekto ng tuluyang pagkawala ni Rhyya sa buhay ko.
Kasal na siya kay Skye kaya wala ng rason para guluhin ko pa siya.

"Bud!"

Napadilat ako ng marinig ang pamilyar na boses.
Si Ethan lang pala.

"O,napadaan ka?"Bihira kasi itong pumupunta sa mga location ng pictorial,pinapaubaya na nito sa akin ang lahat.

Umupo siya sa lounge na nasa tabi ko."Wala lang,gusto ko lang makita kong paano ka magtrabaho. Tsaka kelan ka ba magsesetledown. Nag-eenjoy ka pa ba? Masyado ka na atang fucos sa trabaho mo. Common,Nix,mayaman ka na,di mo na kailangang gawin to. Ang kumayod na parang kalabaw!"Mahabang litanya nito. First time to. First time niya akong kausapin ng ganito,bukod sa negosyo na pinag-susyohan namin. Wala na kaming ibang pinag-uusapan.

Napailing na lang ako. Saka napangiti sa kanya."Hey,ok lang ako. Nag-eenjoy ako sa trabaho kong to.. Saka look,ang daming maganda,bat ba ako magsesettle sa isa kong kaya ko namang mambabae!"

Napailing siya ng marinig ang sinabi ko."Ive been there once Nix,trust me,di magandang gawain ang pagiging babaero."A philospher once said.😂 Wala bang credit to the owner yan.

"Hayaan mo na ako,Ethan,malay mo sa ginagawa ko,makahanap din ako ng partner ko."

"Basta habang maaga pa,tigilan mo na. Magdadala lang ng problema yan,in the future."

"Oo na,sabi mo ee."Pagsang-ayon ko na lang. Hirap makipag-usap sa retired playboy,hindi ka manalo-nalo.

"o siya sige aalis na ako,baka naiisturbo na kita."Wika niya sabay tapik sa balikat ko.

Seryoso pumunta lang siya dito para sabihin sa akin yong sinabi niya. Yong mga words of wisdom ng mga playboy😂.
Tsssk.

"Sige,ingat ka Bud."Nawika ko na lang.

Malayo-layo na si Ethan ng matanaw kong may taong papasok sa Tent na kinaroroonan ni Shanta.
Pambihira!
Pinagbawalan ko na ngang lumabas,pero ito naman yong pinuntahan.
Shit!

Pero bago pa ako mabaliw dito na parang ewan.
Ano ko ba kasi ang babaeng yon at parang akong baliw dito na ayaw siyang palapitan.
Yeah,right,ayaw kong may ibang lumalapit sa kanya.
Funny.
Pero ganon yong pakiramdam ko.
Ano ba,isip,Phoenix!
Shit,ang sakit na ng ulo ko.
Bahala na nga!

"Jenny,ipatawag mo na si Drake."Mainit ang ulo na utos ko sa isa sa mga staff na nandoon.

Sasagot pa sana ito.
Kaso natakot na ata ng makitang badmood ako.
Yeah,badmood ako.
Kasi nga pinuntahan niya si Shanta.

"Yes,Mr. Ford."Sabi na lang nito,saka nagmamadali na itong umalis para puntahan si Drake.

.......

#Drake

Nailing na lang ako ng ilang ulit akong pina-ulit-ulit nitong Photographer na to para sa isang frame lang. Anong meron! Tama naman yong mga pose ko,pero ang lalaking to,napagtripan ako.

Baka kapag di ako makapagpigil mahamon ko to ng suntukan!

"Break!"Malakas na sigaw nito.

Shit!
Nakakainis na siya.
Halatang may pinagdidiskitahan niya ako.
Pero ano naman?

"Drake,badmood ata si Mr. Ford!"Mahinang bulong ng isa sa kasama kong model na lalaki.

"Kung badmood siya pwes wag niyang idadamay ang trabaho niya. Kanina pa ako dapat natapos ah. Anong trip niya at pinaulit-ulit niya ako."Naasar na ako. Nakakapagod din yong pinagagawa niya sa akin.

"Relax lang,baka may mali ka lang. Alam mo naman yan napakamitikuloso pagdating sa mga kuha niya."

"Oo pero last na talaga,pag di ako makapagpigil,."

"Oo na relax ka lang,di lang basta photographer ang isang yan,maimpluwensyang tao yan."

Napahinga na lang ako ng malalim ng marinig ang huling sinabi niya. Tama naman kasi siya. Bagamat may pangalan na ako sa modelling world pero wala pa din akong binatbat  pagdating kay Phoenix.

"Sige na balik ka na doon,relax ka lang. Wag kang magpadala sa galit mo,kaya ka niyang patalsikin kahit anong oras na nainisin niya."

"Okay,salamat."Tama siya,this is part of my job. Di ako dapat na magpadala sa galit ako ang kawawa. Hindi ang lalaking yon. Ako ang mawawalan hindi siya. Mukhang nanadya siya. Mukhang may plano siyang patalsikin ako,pero yon ang di ko hahayaang mangyari.
Ano kayang nagawa ko at pinag-initan niya ako.

#Shanta

Pambihira ang init na naman ng ulo ni Phoenix,pati si Drake napagdiskitahan na din niya.

Baka nagkataon lang.
Baka di talaga siya satisfied sa mga kuha ni Drake.

Wag lang masyadong feeling Shanta,na dahil pinuntahan ka ni Drake kanina,kaya siya napagdiskitahan ni Phoenix.

Wag masyadong assumera gurl.
Pero infairness,ang gwapo ni Phoenix.
Whaaat?
Anong sabi ko?
No,no,no,erase,erase,erase.
Hindi siya gwapo.

Pero kasi naman ee,gwapo talaga siya. Ang hirap itanggi non.
Kung naging model siya baka isa siya sa pinaka-indemand na model.
Yong katawan niya well built.
Shit...
Ano na Shanta.
Ano ng nangyayari sayo.

"Baka matunaw na si Mr. Ford,Shanta!"Muntik na akong mapatili ng marinig si Franny na nagsalita mula sa tagiliran ko. Seryoso ganon ako ka focus sa panonood kay Phoenix ni hindi ko man lang napansin ang pagdating niya.

"Huh? Di naman siya ang tinitingnan ko ah!"Mabilis na tanggi ko. No way na aamin akong si Phoenix ang tinitingnan ko.

Napataas kilay siya. Halatang di siya naniniwala sa sinasabi ko."Wee,tulo laway ka na nga diyan o."Pang-aasar na wika niya sa akin.

Para naman akong baliw na napahawak sa may bibig ko. Saka nangunot ang noo ko ng marealize ang ginawa ko."Franny naman ee. Wala namang laway ee."Parang bata na wika ko.

Napatawa ng malakas si Franny ng marinig ang sinabi ko. "Sabi na nga ba,pinagpapantasyahan mo si Mr. Ford. Nako te,ingat ka diyan. Malakas ang kamandag niyan. Halos lahat ng babaeng models dito,bet yang si Mr. Ford. Hindi  kasi basta photographer lang yan si Mr. Ford,may mga ibat-ibang  business din siyang pag-aari. Ayon pa sa chismis,passion na daw talaga nito ang photography."

Natahimik ako ng marinig sinabi niya. Grabe parang langit at lupa lang ang peg. Hay nako.

"O ano na?"Makulit talaga tong si Franny.

"Anong ano na?"Naguguluhang tanong ko.

"Pero gurl kapag nilandi ka niya,patulan mo na. Tapos perahan mo."

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya. Diko talaga inexpect na sasabihin niya ang bagay na yon. Dala ng pagkagulat ay di agad ako nakapagsalita.

"Ano,Shan,malaki ang mapepera mo sa one night stand lang.."

Shuta,bugaw pa ata ang isang to. Naman ee.

"Tama na!"Medyo napataas ang boses ko. Tama na yong minsan akong nagpagamit para makapasok dito. Diko na uulitin yon.

"Ok,ikaw bahala. But if ever you change your mind dont hesitate to call me. Madali kitang mahanapan ng kliyente."

Nanginig ako ng marinig ang sinabi niya. Naalala ko kasi yong nangyari sa akin,yong katangahang ginawa ko kasama si Mr. Wade.

Continue Reading

You'll Also Like

860K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...