It's Way Too Early [COMPLETED]

By Caiden_Louise

10.8K 404 93

Kinse anyos pa lang si Aica nang maulila siya at makilala ang tiyahin niyang hindi man lang nabanggit sa kany... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
BONUS CHAPTER #1
BONUS CHAPTER #2 (PART 1)
BONUS CHAPTER #2 (PART 2)

BONUS CHAPTER #2 (PART 3)

384 20 15
By Caiden_Louise

Last part...
==================❤️❤️❤️

Nang makarating siya sa gate ay nakita niyang papasok na ito sa loob ng simbahan. Dalidali naman siyang pumunta roon.

Pagpasok niya ay nakita niyang nakaluhod na ito sa luhoran ng mga upuan. Nanatili na lang siyang nakatayo doon habang pinapanood itong magdasal.

So she's spiritually pure and virtuous, huh? Sabi niya sa isip.

Ilang sandali pa ay tumayo na ito at akmang lalabas sa kaliwang exit ng simbahan. Dali dali siyang umatras at lumabas para maunahan ito.

Binagtas niya ang daan kung saan alam niyang doon ito lalabas at narating niya ang isang parte ng simabahan sa labas kung saan maraming sindihan ng kandila.

Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang papalabas pa lang ito. Mabilis na tumalikod siya para hindi siya mahalata. Kay bilis ng tibok ng puso niya. Bakit parang kinakabahan siya na hindi niya mawari. Dagli niyang pinagalitan ang sarili.

Babae lang yan Matthew. Hindi mo kailangang mabahala.

Parang tumigil ang mundo niya nang may marinig siyang dismayado pero malamyos na boses.

"Ay, walang tubig..."

Nilingon niya ito. Nakatingin ito sa mala-cup na hugis ng sindihan ng kandila. Nilinga linga pa nito ang ilang holder.

Tiningnan niya ang nasa harapan niya. Ganon din ang itsura ng mga tinitingnan nito.

Floating candles... Iyon ang nag pop sa isip niya.

Inikot niya ang mga mata. Nakita niya ang iilang box ng mga water bottle sa gilid ng mga sindihan.

Maybe those boxes are for charitable events or donations. Mabilis siyang kumuha ng isang water bottle mula sa naka bukas na box at lumapit dito.

"Ah miss, here's the wat-"

Naumid ang dila niya ng humarap ito sa kanya at napatitig na lamang dito.

She has a beautiful brown downturned eyes. Her brunette and wavy hair encases her beautiful porcelain face. Ang mga labi nito ay maninipis na parang gusto niyang simsimin kapag hinalikan niya ito.

And her rounded nose tips makes him imagined how it wrinkled when she doesn't want something. Sa idea na iyon ay napangiti siya sa isip. Nai imagine niya kung gaano ka cute ang hitsura nito.

And her scent. It makes him want to just tie her beside him so he can smell those peachy scent always.

Nang makabawi ay agad na lang niyang nilagyan ng tubig ang candle holder.

"H-here you g-go." Shit Matthew! Why are you stuttering?

"Uhm. Kuya, saglit po. Hindi pa yata pwedeng lagyan iyan." pigil nito sa kanya.

Hindi siya nakahuma agad dahil naramdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa kamay niya. Hindi iyon kasingtulad ng mga kamay ng mga babaeng nakakasalamuha niya.

Magaspang pa nga ang mga iyon kumpara sa malalambot na mga kamay na nahawakan na niya pero sa pakiramdam niya ngayon ay mas gugustuhin pa niyang hawakan ang mga iyon kaysa sa makikinis na kamay ng ibang babae.

Sakto namang may bumaba na lalaki sa hagdan sa likod lang ng hilera ng mga candle holders na nasa harapan nila. Napatingin ito sa mga kamay nilang nakahawak sa water bottle.

"Okey na yan, ser!" nakangiting sabi nito. Pagkatapos ay pumasok na ito sa simbahan. Marahil ay isang helper ito roon.

Tinanggal na nito ang kamay na pumigil sa kanya. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Itinuloy na lang niya ang paglalagay ng tubig sa candle holder.

Nang matapos siya ay umatras siya para dumistansya. He just can't breathe properly. Na habang malapit ito sa kanya ay pinipigilan niya ang paghinga.

Ang babae naman ay nilingon siya. Kimi itong ngumiti sa kanya ngunit inilihis din ang tingin. "Thank you po."

Nahigit niya ang hininga. Simpleng ngiti lang iyon. Hindi pa nga ngiting ngiti ngunit ang laki ng epekto sa kanya. Tumalikod na muli ito para maghulog ng barya at kumuha ng mga kandila.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Umayos ka Matthew! Galit na sita niya sa sarili.

Inayos niya agad ang sarili at ibinalik ang composure.

Bumalik ang babae sa hilera ng mga candle holder. Masinsinan niyang pinanood ang ginagawa nito.

Mabusisi at maingat nitong inilagay ang mga maliliit na kandila para hindi lumubog sa tubig.

Nang mapansin niyang hindi naman nito pinuno iyon ng floating candles ay umaksyon siya agad.

He cleared his throat "Excuse me, miss. Ayos lang ba kung maki share na lang ako sa iyo? Magsisindi rin kasi ako."

Tumango naman ito. "Opo. Okay lang po."

Napangiwi siya. Opo? Ganoon na ba ako katanda? I'm only 28, baby.

Mabilis na naghulog siya ng barya at kumuha na rin ng mga kandila. Ilalagay na niya sana iyon nang matigilan siya. Nakatingin kasi ito sa mga kamay niya. Nag alangan tuloy siya.

"Gusto mo, ikaw na lang ang maglagay? Baka kasi malubog ko. Madamay pa yung sa iyo."

Tumango na lang ito at iniumang ang bukas na palad. Iniabot na niya rito ang mga iyon. Napakunot noo pa siya ng mapansing nilalayo nito ang kamay.

Maingat nitong iniurong sa harap ang mga kandila nito para magkaroon ng espasyo sa likod kung saan maingat din nitong inilagay ang mga kandila niya. Sunod ay sinindihan na nito ang mga iyon gamit ang lighter.

Napakunot noo siya. Bakit ito may lighter? Naninigarilyo ba ito?

Then she handed him a strip of paper after that. Napansin niyang maraming nakakalat na ganoon sa ibabang bahagi ng mga candle holders. Naisip niya agad ang purpose ng mga iyon.

"Thank you." sabi niya rito na may kasamang tango.

Sinindihan na niya ang mga kandila.
Nang matapos siya ay yumuko na ito. Dahan dahan siyang umatras para bigyan ito ng space.

Nakapikit ito habang nakayuko. Seryoso sa pagdadasal. Siya naman na dapat ay nagdadasal din ay nakatitig lang dito. Nagrereflect kasi sa magandang mukha nito ang ilaw ng mga nakasinding kandila.

Dahan dahan niyang inilabas ang cellphone niya at tahimik na nilitratuhan ito. Napangiti siya sa effect na nakuha niya.

Nang matapos ito ay dagli niyang itinago ang telepono. Nagulat siya nang bigla siya nitong nilingon.

"Sige po. Salamat po." pagkatapos ay umalis na ito.

Siya naman ay naestatwa lang sa kinatatayuan. Nang makahuma siya ay mabilis niyang hinabol ito. Sa gate na niya naabutan ito.

"Miss! Wait!" pigil niya at hinawakan ang braso nito.

Parang tila nakuryente pa itong napapitlag at napatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso nito.

Siya man ay naramdaman din iyon. This is something.

Nag angat ito ng tingin. Ang mga mata nito ay namimilog sa pagtataka.

"I didn't get your name." Nakangiting sabi niya dito. Ginamit niya ang ngiti niyang alam niyang makakapang akit sa kahit sinong babae. And he knows it's effective.

Lalo pa siyang napangiti nang makitang namula ang mga pisngi nito.

"Uhm... S-sorry.. Kailangan ko ng u-umalis." Hinila nito ang hawak niyang braso. Saka tumakbo kung saan may mga nag dya jogging na mga tao sa parteng walang gaanong sasakyang dumaraan.

Napangiti muli siya. Hindi na niya sinundan pa ito.

Dahil sa isip niya ay nakabuo na naman siya ng idea.

This is really something. Sabi niya sa isip.

~~~~~~~~

AICA

Nakatingin lang siya rito hanggang sa matapos itong mag kwento. Gulat at mangha sa mga sinabi nito. Ni hindi nga siya makapaniwala na ginawa nito lahat iyon.

"So ibig sabihin, yung pasulpot sulpot mo sa harap ko sa park, pinlano mo lahat yun?"

"Hmm..." tango nito. Parang may pag aalinlangan at takot sa mga mata nito.

Mukhang ina assess din nito kung ano ang magiging reaksyon niya.

Iniisip marahil nito na negatibo ang magiging reaksyon niya.

Pero tiningnan niya lang ito. Para kasing may hindi pa ito sinasabi sa kanya.

Pilit niyang pinipigilan at tinatago ang nararamdamang kanina pa niyang gustong ilabas.

Maya maya ay nagsalita muli ito.
"And there's also one more thing..."

Binibitin pa talaga ako. Nakataas lang ang kilay na tingin niya rito.

Napakamot ito sa batok bago muling nagsalita. "Ikaw talaga ang nanalo sa race natin noon." nakangiwing sabi nito.

Hindi agad rumehistro ang sinabi nito. Pero bago pa siya makahuma ay nakita niyang kumaripas na ito ng takbo.

"Matthew!" sigaw niya saka napapangising hinabol ito. Sa kusina niya na corner ito.

At nang makalapit dito ay hindi na niya napigilan at napapalo na lang siya rito sa sobrang pagkakilig sa walang pag aalinlangan nitong itinuloy ang mga plano nito.

Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi umalpas ang pinipigilang tawa.

Marahil ay nakita naman nito ang pagkinang sa kanyang mga mata kaya nawala na ang pag aalinlangan at takot sa mga mata nito at natatawa nang niyakap siya.

"I love you." Buong pagmamahal na sabi nito.

Ikinulong naman niya ang mukha nito sa dalawang palad.

"Mahal din kita Matthew."

At siya na ang kusang humalik dito.

Thank You Lord...


==================❤️❤️❤️

I love you guys! Salamat po!

==================

Posted: August 23, 2020 10:10 pm

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 122 29
Due to indebtedness to a man who helps her to pay the debt of his late father Hera needs to ruin the relationship of Carlo Sandoval and his fiancee A...
100K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
36.8K 1.1K 45
As you promise to marry your best friend, you asked her parents to marry their daughter and now they are both have a successful life of their own kay...