Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 14

717 52 32
By whiskelle

Chapter 14

"Kunwari ka pa! Bakit hindi mo na lang kasi aminin!"

Tumingin ako sa sahig habang kinukurot ang mga palad ko. Hindi ko alam kay Mama at bakit ganoon na lang ang tingin sa akin.

"Sa trabaho ko pong pagmomodel nakuha 'yang pera. Totoo po itong sinasabi ko."

"Ay sus!" she mocked then rolled her eyes.

"Totoo nga ho! M-Magsisiyam na buwan na nga ako, Ma, sa pagmomodelo. Alam po iyon ni Papa."

"Malamang Papa mo 'yan! Hindi niya kayang paniwalaan na pumapasok ka sa isang club! Naku, Riem! 'Wag mo akong tarantaduhin! Hindi makakapasok ang kagaya mo sa mga agency-agency na iyan!" aniya, tumatawa, at saka binilang ang perang inabot ko sa kaniya.

Ibinigay ko ng buo kay Mama ang kinita ko sa isang recent shoot. Iyon ang pinakamalaki kong nakuha sa siyam na buwan kong pagmomodelo. Alam ko sa sarili kong tama lang na ibinigay ko kay Mama iyon. Kumpiyansado akong gagamitin niya iyon nang maayos.

I didn't know that I will last that long in modeling. Hindi biro ang siyam na buwan. Pero sabagay, tatlong taong kontrata ang pinirmahan ko. Malaki ang sagutin kung hindi ko iyon susundin. At isa pa, hindi rin naman kasi nakakasawa ang ginagawa ko. Lalo na at mabuti ang mga kasamahan ko sa trabaho.

Pero siyempre, hindi lahat ay maganda ang pakikitungo sa akin. Ang isa sa mga staff ay napakainit ng dugo sa akin. Lalong-lalo naman si Geraldine na kasama ko sa pagmomodelo. And later on, I found out that they are related to each other.

"Hindi ko alam kung bakit may mga dukhang nakakapasok sa ganitong klaseng trabaho. I mean, this is too decent for them. They should stay on their places. Sa putikan. At saka isa pa... dapat ay magpokpok na lang sila gaya ng kanilang mga nanay."

"Paano kaya sila nakapasok sa ganito, 'no? May kinalanti kaya? Ngunit sino naman? Halos babae at bading ang staff rito! Maging ang manager ay babae!" she added and then grimaced.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang paghigop sa tsaa ko. Suwerte siya at wala si Mrs. Ann. Kung nagkataon ay pauuwiin siya. Noong unang beses akong pinahiya ni Geraldine ay kinagalitan siya nang matindi ng ginang. Ang sabi'y isang beses pa raw ay aalisan siya ng trabaho at tatalupan ng bibig.

"Hindi na nga nag-aaral ng college, e! Ang cheap! Magpokpok na lang gaya ng ina!"

Hindi ko akalain na maging sa bahay ay makatatanggap ako ng panunuya bilang pagiging bayarang-babae. It was so humiliating. Especially it's my mother who is accusing me this time.

Binalingan ko ang ina na kunot-noong umuulit sa pagbibilang ng pera. I sighed. Imbes na magpaliwanag sa wala, dumiretso ako sa aking kuwarto at humiga sa kutson. I took out my phone and sent Diamond a message.

dayamantiriem:
Hi. How's your examination?

Sa nagdaang spring, akala ko ay pupunta siya rito sa Kyoto. Ngunit sabi niya ay nawalan daw siya ng oras na pumunta rito. Kasama ang pamilya, pumunta siya ng Amerika upang bisitahin ang mga kamag-anak na naninirahan doon.

For the past months, we texted each other all the time. Maliban na lang kung mayroon akong whole day shoot o 'di kaya'y abala siya sa school. Ngunit nitong nakaraang linggo ay hindi ko sinasadyang hindi mabuksan ang cellphone for a whole week. Halos araw-araw ang pagpunta ko sa studio kaya't nawalan ako ng oras. May exam pa naman sila Diamond noon. Ni hindi ko man lang siya na-goodluck.

I read his past messages.

drvidales:
How's your day? Seems like you're very busy, huh.

drvidales:
Where do you work and what is it? Why can't you tell me? I won't tell anyone if that's your concern.

drvidales:
I promise, I will keep it to myself.

drvidales:
We're friends.. right?

Ito ang lagi niyang itinatanong sa akin. Maybe he is worried that my job is dangerous. Ewan ko ba. Hindi ko na lang din siya sinasagot dahil natatakot ako na baka hindi siya maniwala. Lalo na at alam niya na sa mga gilid-gilid ng Templo lang ako nagtatrabaho. Nakakagulat nga namang malaman na ngayon ay naghahanap-buhay ako sa isang magandang ahensya.

Isa pa, kung ang sarili ko ngang ina ay hindi makapaniwala, siya pa kaya na kaibigan ko lang?

I resumed reading his messages. Napahinto lang ako sa dulong-dulo.

drvidales:
Are you still hanging out with Miro?

Kunot-noo akong nagreply sa huling message niya. Bago ko isend ang message ay saglit kong tinignan ang orasan. 11:00 PM.

dayamantiriem:
After dating him, no. Not anymore.

Laking gulat ko nang mag-online ang account niya at mabilis na lumitaw ang tatlong umaalong tuldok sa gilid ng kaniyang profile. He is typing now! I thought he wouldn't reply to my texts anymore!

drvidales:
You dated him.

I cleared my throat. 

Was it supposed to be a question? Namali ba siya ng pindot? Imbes na question mark ay tuldok?

Hindi ko maisip kung ano ang dapat na ireply. I just double tapped his message to like it. A small cute red heart appeared under his message.

drvidales:
At may papuso-puso ka ng nalalaman ngayon?

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Galit ba siya dahil ni-like ko lang ang text niya? Gusto ba niya ng reply?

Nagiging demanding ka na, Diamond.

dayamantiriem:
Buti ay gising ka pa? Ten 'o clock na r'yan, ah?

drvidales:
Did you have fun dating him?

dayamantiriem:
Ay, tama nga ba? Advance kami ng isang oras, 'di ba?

drvidales:
Buti ay tumigil na kayo? Ilang buwan kayo nagdate?

Hindi nagtutugma ang mga mensahe namin. Matulin akong nagtipa ng susunod na mensahe. 

dayamantiriem:
Sagutin mo muna ang mga tanong ko? Ako ang nauna...

drvidales:
I'm still awake because it's New Year's Eve. And yes, Japan is 1-hour advanced. Now, your turn.

dayamantiriem:
Sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawag ko nga bang date iyon. Inaya niya akong kumain dati at pumayag naman ako dahil libre ako noong araw na 'yon. Pagkatapos naming kumain, pinaalam niya sa aking date iyon. Sinagot ko naman siyang ayoko. Nagpumilit siya kaya nainis ako. Sabi ko'y huwag na siyang umasa sa akin dahil may pamilya akong dapat na unahin. Bale, isang araw lang kaming nagdate.

dayamantiriem:
Ano'ng masasabi mo?

drvidales:
That wasn't a date.

dayamantiriem:
?

drvidales:
Where did you two eat?

dayamantiriem:
Sa isang café.

drvidales:
It was not really a date, then!

My head unconsciously tilted.

dayamantiriem:
Bakit? Ano ba ang matatawag na date, Diamond?

drvidales:
Iyong nasa mga sushi restaurants or nasa samgyeopsal. Gano'n ang mga dates, Dayamanti.

dayamantiriem:
Ibig mo bang sabihin ay gaya noong sa atin?

Nag-init ang mukha ko. Ang walang hiya ko!

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang tungkol sa nararamdaman ko kay Diamond. Siguro'y init lang ng klima itong nararamdaman ko.

Oh, you fool, Riem! It's winter! Init ka riyan!

I sighed. Sa tagal ko ng hindi nakikita si Diamond, sigurado ako na lahat ng nararamdaman ko dati para sa kaniya ay wala na ngayon. That was already a long time ago! Time and distance always cool scorching feelings down. Sa madali't sabi, napapawi yaon.

Hindi nakapagreply si Diamond. Siguro'y nagulantang sa kalokohan ko.

dayamantiriem:
Nagbibiro lang ako. Alam ko naman na iba ang sa atin. Friendly date lang ang atin, tama?

Nahuhulog na ang talukap ng mga mata ko sa antok at pagod kaya kaagad na rin akong nagpaalam makalipas ng ilang segundo. Hindi ko na naabutan pa ang reply niya dahil tuluyan na akong nilamon ng dilim.

The next days felt deja vu. Pati na rin sa sumunod na mga buwan. Ang buhay ko ay tila nakikisabay sa turno ng isang walang hangganang siklo. 

"Girls, girls! So ipinatawag ko kayo para sabihin na mayroon tayong bagong project. And this time, medyo daring ang mga damit na imomodel dahil... alam n'yo na... tapos na ang winter. I am happy about this project and at the same time, malungkot din ako dahil pili lang ang kukuhanin. Hindi masasama ang lahat. Tatlo lang," si Mrs. Ann.

Ngayon ay nasa loob kami ng isang silid ng studio. Biglaan ang pagtawag sa amin. Nagbebenta ako ng tteokbokki nang makatanggap ng tawag patungkol sa emergency meeting na ito.

Narinig ko ang daing ng marami. Nagkibit-balikat na lang ako. Kahit naman hindi ako masama ay ayos lang. May naipon naman ako kaya mas maiging mapunta na lang sa ibang mas nangangailangan iyong kikitain.

"Buchou (Manager), daring na ang mga damit na imomodel?"

"Uh-huh."

"Ibig sabihin ay kita ang legs, ganoon?" tanong ng katabi noong unang nagtanong.

"Oo, siyempre! Ibig sabihin, dapat mapuputi 'yung kukuhanin! Kasi siyempre... kapag maitim ay pangit! Nakakadiri!" ani ng isa.

Napakurot ako sa palad nang maramdaman ang pagbaling sa akin ng iilan. Kahit naman hindi nila ako sulyapan ay halatang ako ang pinariringgan nila. All of them have fair skin. Mga porselanang balat na animo'y mga mamahaling perlas. At ako... 'yung putik na nakadikit sa mga kabibe.

"Harriet, Geraldine and Riem, maiwan kayo saglit. Ang mga hindi natawag ay puwede ng umuwi. We will contact you for the next shoots."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. 

Nang sulyapan ang manager sa harapan ay nakangiti ito sa akin. Tinuro ko pa ang sarili ko upang mangumpirma. Nang tumango sa akin ang ginang ay mas napanganga pa ako.

Hindi ko na pinansin ang mga galit na tingin sa akin ng iba. Hinayaan ko na lang ang mga bulungan tungkol sa hindi ako nararapat para sa nakuhang puwesto. I smiled at Mrs. Ann back, more widely.

"She doesn't deserve it," rinig kong bulong ni Geraldine kay Harriet.

Hindi sumang-ayon si Harriet. Ang ginawa nito ay tumayo at naglakad palayo kay Geraldine. Napapitlag ako nang ngitian ako nito at tabihan.

"The fuck?" napalakas na sabi ni Geraldine.

"Yes, Geraldine? Why are you cursing? You don't want to be in this project?" si Mrs. Ann.

Mabilis na umiling si ang babae. Panis itong natawa.

"G-Gusto po... Muntik lang akong mahulog sa kinauupuan kaya... napamura ako."

Sa sumunod na mga minuto ay pinag-usapan ang tungkol sa proyektong iyon. Medyo nabahala ako dahil sa ipinakitang mga damit na susuotin ngunit sinikap kong ipasok sa isip na para sa pera ang gagawin ko. Para sa pamilya, para sa sarili. Malinis pa rin naman akong tao pagkatapos noon kaya't walang kaso sa akin.

Dumating ang araw kung saan naganap iyong shoot. Everything went smooth. Ang mga litrato at videos na nakuha ay lumabas nang mas maganda kaysa sa inaasahan. Everyone who belonged and participated in the project is beyond elated.

Higit ang tuwa ng lahat nang mabalitaan na ang ilang poster ay nakarating ng Tokyo kahit na ang usapan ay hanggang sa Osaka lang. Sa galak, nag-aya si Mrs. Ann sa isang restaurant na pagmamay-ari ng mga Fontanilla, ang pamilya niya. Nagpakain siya para sa matagumpay na proyekto.

Nang umuwi ako galing sa kainan ay bitbit ko ang bunga ng hirap ko sa nagdaang linggo. Napagdesisyunan ko na ang kalahati noon ay ibibigay ko sa mga magulang. Ang kalahati naman ay idadagdag ko sa aking ipon. Siguradong matutuwa si Mama kapag nalaman niyang mabibigyan ko siyang muli ng pera!

Ngunit ganoon na lamang ang pagkabahala ko nang makita ang inang nag-aabang sa harapan ng bahay. Pulang-pula ang mukha nito, ang mga mata'y nanlilisik. Bumilis ang tibok nang puso ko habang mabagal na humahakbang papalapit.

"M-Ma..." Dinukot ko sa bulsa ng bestidang suot ang pera na para sa kaniya, kinakabahan. Malawak ang ngiti ko siyang nilingon. "Ito po ang kita ko–"

Her hard slap made me stop. Naramdaman ko ang hapdi at pag-init ng pisngi ko. Kaagad na nagkumpulan ang kalituhan sa isipan ko.

What is happening?

"M-Ma–"

"Riem, R-Riem!"

Mas lalo akong kinabahan, mas lalong nalito. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa tono ng pananalita ng ina. I discerned the unalloyed fury and fear.

Lumipad ang kamay niya sa aking tenga. Hawak iyon, hinatak niya ako papasok ng bahay. Napasigaw ako sa sakit nang hablutin naman niya ang buhok ko. Hinila niya iyon palapit sa mukha niya.

"Ano itong narinig ko kay Nora na model ka, ha?! Putangina! Nakarating ng Tokyo ang mga litrato mo?!"

"Ma, s-sinabi ko naman po sa inyo 'yun–"

Napahiyaw akong muli nang mas higitin niya ang buhok. I feel like my scalp was detached from my head.

"S-Sinabi ko ho iyon n-noong nakaraang taon sa inyo." I gasped. "Hindi lang po k-kayo naniwala..."

"At kung makarating pa sa ibang bansa iyong mga litrato mo, huh?! Anong gagawin mo?! Aalis ka na rito sa Kyoto?! Magsasarili ka na?! Huh?!"

Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ng ina. 

"M-Ma... Hindi naman po iyon m-makakaabot ng i-ibang lugar. At kung makarating man, h-hindi n-naman po ako aalis ng Kyoto–"

Dahil sa sinabi kong iyon, nagningas ang alab ng galit sa akin ni Mama. Tila pinatid noon ang kakarampot na pasensya na mayroon siya. Namuo ang luha sa mga mata ko nang ihagis niya ako sa loob ng aking kuwarto.

Napaupo ako sa sahig. Ang nanlilisik na mga mata nito ay hindi pa rin napapawi. Para bagang isang nakapalaking kasalanan ang pagmomodelo.

Kumalabog ang dibdib ko nang mag-ikot-ikot ang ina sa loob ng kuwarto ko na animo'y naghahanap. Nanginig ang buo kong katawan nang humarap ito sa akin, hawak ang kopya ng kontrata na pinirmahan ko. Walang pag-asa kong iniling ang ulo.

"Ma..."

Ang mga luha na nakaabang ay dali-daling kumawala nang marahas na pinilas iyon ni Mama.

"M-Ma..." I cried as I shook my head slowly.

I couldn't believe it!

Modeling helped me make money! Modeling helped us! My family! At alam kong iyon din ang tutulong sa akin upang maipagpatuloy ang pangarap kong pag-aaral! I am certain that it will support me achieve my dreams! At ang Mama... ang Mama na natulungan ay hindi nakita ang magandang naidulot noon sa akin... sa amin... sa kaniya mismo...

Ngunit ano ba talaga ang inaasahan ko? Ang pag-aaral ko para sa kinabukasan ng pamilya, ang kagustuhan kong pagpipinta at pagbebenta ng mga naipinta, ang pagtulong ko sa tindahan namin at ang hanap-buhay na mayro'n ako ngayon, lahat ng iyon ay hindi niya pinakitaan ng pagpapahalaga. She doesn't appreciate my hard work and sacrifices for the family. She brushed it all aside. 

Ngunit bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya? Bakit kahit na nararamdaman ng puso ko na hindi niya ako mahal, umaasa pa rin ako? Na baka sa susunod ay pakitaan niya ako ng pagmamahal gaya ng isang ina? Na baka balang araw ay maintindihan ko ang lahat ng ginagawa niya sa akin?

"Huminto ka sa putanginang pagmomodelo na 'yan! Kayo ni Juanie! Sumama kayo sa akin bukas ng tanghali!"

Slowly, my eyebrows furrowed. I rapidly shook my head when I got what she was trying to say. Ipinadulas ko ang mga palad sa sahig upang makalayo sa kinatatayuan niya. Tumigil lang ako nang maramdaman ng likod ng ulo ko ang pader.

She wants us to be like her!

I want to vomit! I am so disgusted!

Because of what she said, rage fueled up inside me. I forced myself not to feel any resentment to my mother but I couldn't help it!

"Hindi ako sasama sa'yo! Hindi kami sasama ni Juanie sa'yo!" pagalit kong sigaw na nagpagulat sa aming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nagawa. 

Nanggigigil ako nitong nilapitan. Dinuro niya ang noo ko dahilan ng paulit-ulit na pagkauntog ng ulo ko sa pader. Napaungol ako sa sakit nang higitin niya ang aking buhok.

"'Naknamputa! Lumalaban ka na?!"

She let go of my hair and went straight to the cabinets. I started screaming for help when she took out all of my clothes and belongings.

"P-Pa!" I called my father, begging.

"'Wag mong tawagin ang Papa mo at wala iyon hanggang bukas! Pati kayo ni Juanie ay mawawala rito sa bahay hanggang bukas!" anito, patuloy sa pangangalkal ng damit. "Disi-otso ka na, 'di ba, Riem? Titira kayo ni Juanie sa bahay noong kaibigan ko. Lahat ng gagawin ninyo at gagawin nila sa inyo, may bayad. Huwag na huwag kayong tatanggi at nakakahiya," banayad na nitong saad.

Hindi ako sumagot. Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan ng ama. Ngunit imbes na siya ang mamataan ko sa bungad ng pintuan ng kuwarto ko, nakita ko si Juanie. Umiiyak ito habang nakatulala kay Mama na halos itumba na ang cabinet.

"J-Juanie..." mahina kong tawag. Hindi ako tumigil hanggang sa sulyapan na niya ako. "Juanie! Ayoko, Juanie! A-Ayoko! Ayokong sumama!"

She smiled bitterly, shaking her head. Nanlumo ako sa naging tugon ng kapatid. Napagitla ako nang humarap sa akin ang ina. May hawak itong bag. She walked towards me and tried to pull my hand.

"Hindi ako sasama sa'yo!"

Pilit kong binawi ang aking braso ngunit sa tuwing nagmamatigas ako, mas lalong lumalakas ang mga hatak nito.

"M-Ma, a-ayoko..." I cried hard. "A-Ayoko, Ma... Mas disente ang pagmomodel kaysa sa trabahong ibibigay mo sa akin! Sa'min ni Juanie!"

"Punyeta! Gusto mo bang masaktan pa?!" Nagtagis ang bagang nito.

Saktong pagbitaw niya ay siyang pag-atras ko. Nawalan ako ng kontrol kaya't nauntog ang likod ng ulo ko sa pader. Namutawi ang isang malakas na lagutok dahil sa lakas ng impact. Sobrang sakit ng idinulot noon ngunit hindi ko na ininda. Walang-wala ang kirot ng ulo ko sa hapdi ng puso ko.

"A-Ano ho bang problema n'yo sa trabaho k-ko? H-Hindi ako kailanman nanghingi ng pera sa'yo para roon! A-Ano ho bang inaalala ninyo? Na umalis ako rito? Na makilala ako? N-Na makarating sa i-ibang bansa ang mga litrato ko? Ano ho b-bang masama ro'n?"

Natatakot ba ang Mama na baka malaman ng lahat ang tungkol sa kahirapan namin? Nag-aalala ba siya na kung sumikat ako't makilala sa iba pang bansa, malalaman ng lahat ang sikreto niya? Ang trabaho niya? Kaya ngayon ay mas gusto niyang isama kami sa maruming bagay na iyon kaysa mabunyag ang sikreto niya?

Kung ganoon nga ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito, hindi ko na alam kung anong mararamdaman. Nakakamanhid.

Unti-unti akong tumayo, pilit na inaalis sa isipan ang sakit ng ulo. Pinanuod lang ako ni Mama na naguguluhan kung anong ginagawa ko. Akma nitong huhulihin ang braso ko ngunit mabilis akong nakalabas ng kuwarto. Mahigpit kong hinawakan ang kapatid at pilit na inilayo sa ina.

"J-Juanie... umalis na t-tayo..." nagmamakaawa kong sabi. I want to save us! To save ourselves from our mother! "Ayaw ko sa pupuntahan n-natin... A-Ayoko ro'n, J-Juanie! Umalis na tayo, please!"

Halos bumagsak ang puso ko nang alisin ng kapatid ang hawak ko sa kaniya. She looked at me with no expression. Her face was bland. Hopeless.

"Kuhanin mo na ang bag mo at kukuhanin ko na ang akin," ika niya at saka pumasok ng kuwarto niya.

My jaw dropped.

Sinundan ko siya sa loob.

"J-Juanie... papayag ka na gano'n na lang? Hindi ba't ikaw ang nagsabi sa akin noong tungkol kay Mama? Nalulungkot ka na ganoon ang trabaho niya pero ngayon ay papayag ka?" I asked, convincing my sister. "Do you want to be like her? Huh? A prostitute?"

Her face crumpled. After a few seconds, she started to cry. Nabitawan niya ang bag na hawak. Siguro'y natauhan sa sinabi ko.

"R-Riem... a-ano ba kasing p-puwede nating gawin? Sa tingin mo ba... a-ang mga kagaya natin... may karapatan pang pumili? Riem, buksan mo ang mata mo... W-Wala tayong mararating. Kahit lumiko ng daan, kahit ano pang daanan ang lakaran mo, uuwi't uuwi ka sa kung saan ka nararapat. Doon rin naman tayo babagsak... kaya ano pang puwedeng gawin maliban sa magpaubaya na lang?"

I stared at her bloodshot eyes unbelievably.

"Juanie!" I sobbed between the call. "Ikaw ang magbukas ng mata! Mahirap tayo... pero hindi tayo kailanman kakapit sa ganoong klaseng bagay! P-Pangako... Papakiusapan ko ang manager na ipasok ka sa agency. P-Pangako, Juanie!"

Dumikit ako sa kapatid nang malingunan ang pagpasok ni Mama sa silid. Natawa ito nang itago ko si Juanie sa likuran ko. Matapang kong hinarap si Mama.

"Hindi kami sasama sa'yo..." buong-loob kong wika.

My mother sneered.

"Riem... Tama ang sinabi ng kapatid mo. Magmodel ka man, uuwi at uuwi ka rito. Dito mismo. Sa pagiging pokpok. Wala kang magagawa kung hindi pumayag na lang, tanga!"

"At saka anong nakakadiri? Tarantadong 'to! Hihipuin ka lang naman! Hahawakan lang naman ang katawan mo! Hindi na lalagpas doon! Magpapahawak lang sa 'yo ang lalaki at doon na lang! 'Di bale sana kung may mangyayari sa inyo e wala naman! Ang maarteng 'to! Sampalin kita d'yan e!" dugtong nito na siyang nagdagdag ng pandidiri sa kaloob-looban ko.

Nagliyab ang namumuong galit sa akin.

"Huwag mo kaming pilitin dahil hinding-hindi kami magiging kagaya mo!"

I stopped talking when someone entered Juanie's room. Ang pagbukas ng pintuan ay may halong poot. Kumalabog iyon na siyang nagpatigil sa akin sa pagsasalita, nagpatigil sa galit ni Mama at sa pag-iyak ng kapatid.

Walang ekspresyon itong nakadungaw sa asawa. Ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan nila. I saw how my mother's face changed from furious to frightened.

"Hindi ikaw ang babaeng pinakasalan ko," si Papa.

With that, my family crumbled.

Continue Reading

You'll Also Like

268K 16.7K 54
Ikaw ang tahanan. Β© 2021 isipatsalita.
167K 4.2K 43
Camille believes that the purpose of her life is to be happy. She wants to find her happiness whatever it takes. Well, she found it... in Nico's arms...
77.6K 4.2K 30
Rare Disorder Series #2 𝘞𝘒𝘡𝘡𝘺𝘴2021 𝘚𝘩𝘰𝘳𝘡𝘭π˜ͺ𝘴𝘡 "I'll stay by your side even at the expense of my own life." Clementine Guinto, a nurse a...
1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.